56
i

UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Inilathala ng Kilometer64 Poetry Collective sa pakikipagtulungan ng College Editors Guild of the Philippines

Citation preview

Page 1: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

i

Page 2: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law
Page 3: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law
Page 4: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

UNLIKEMga Tulang Tutol sa Cybercrime LawEnero 2013

Inilathala ng Kilometer 64 Poetry Collectivesa pakikipagtulungan ngCollege Editors Guild of the Philippines

Para sa mga katanungan, suhestyon at kopya,maaaring mag-email sa [email protected] at [email protected]

Reserbado ang lahat ng karapatan.

Tinipon ni Aris RemollinoInilapat ni Stum Casia

Page 5: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

"The Cybercrime Prevention Act, which penalizes sharing and liking of Facebook posts, gives the DOJ the license to close down websites without due process and ultimately suppresses freedom of speech.

Clearly the government has no intentions of stopping the controversial law even if the whole nation stood to be against it.

We will continue to defend our right to freedom of expression, not just in the cyber world but in the streets as well, until our government spares a moment to notice us and junk the law.”

- Pauline Gidget Estella, CEGP National President

Page 6: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law
Page 7: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

Mga Tula

Page 8: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

4

Welcome sa Bayang Malaya-Jess Ferrera

Ito ang bayang malaya.Kung saan ang kalayaang magpahayagNgayon ay winalang-hiya.Bayang malaya.Kung saan ang mga batas ay tila buhol-buhol na kordon.Magulo. Walang direksyon.Cyberspace--kung saan naiiwang malaya ang mga diskurso.Pagpapahayag ng damdamin.Pagtatampok ng mga hinaing.At paglalantad ng mga suliranin.Sa cyberspace, isa lamang sa mga paraanKung saan, sa sambayanan ay nailalantadNa ang tinatawag nilang "good governance"Ay isang malaking kalokohan.

Sa tinatawag na bayang malaya,Eto ngayon ang cyberspace,Ginagapos ng kinakalawang na kadenaSimula ng RA 10175 ay pirmahan.Nang umalma ang sambayanan,Pangulong napapanot ay nanindigan:"Ipatupad ang Cybercrime Prevention Law!"Para sinuman na sa kaniyangLabu-labong pamamahala ay pipintasMalamang ay sa malalamig na rehas hihimas.Sa mga tulisan na nailuklok sa pamahalaan,Kayong mga hungkag at Sa batas na ito ay pumayag,Salamat dahil lalo ninyong pinatunayanNa ang bayang ito ay wala pa ngang kalayaan!Kaya kung gagawin ninyong digitalAng inyong pangbubusal,Maghintay kayo. We will do it the old-fashioned way...Sabay-sabay kaming magooffline.

Page 9: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

5

Mamartsa. Sisigaw.Sa lansangan ay magrereklamo.Sa maruming kadena ng RA 10175,Kami ay tiyak na pipiglas.Maninindigan. Kung kailangan ay lalaban.Hanggang maging marapat nang ikabit Sa ating bayan ang salitangMalaya.

Page 10: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

6

Hindi Tayo Nanahimik, Hindi Tayo Mananahimik!-Macky Serrano Salvador

Nang dumating dito si Miguel de Legaspi,itinali nila'ng ating mga bisig,ngunit hindi nila tayo napatahimik. Nang dumating dito si George Dewey,nilason tayo ni McKinley,subalit hindi tayo nanahimik. At ngayong ang kanilang nais,ang ating pananahimik,hindi tayo mananahimik!Bago pa nila agawinang karapatan nating umimik!Shit!

Page 11: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

7

Error 404 (Freedom Not Found)-lenkurt lopez

Where is freedom, where is liberty?The righteous way I cannot seeThe freedom to express is being stopped, they agreeto cut the string that holds expression and mejust to lead us astray in expressing our thoughtand the right things that we understand, for which we foughtand just the law we should understand and have soughtbut the truth is in the middle we are just caughtthey insist the law we should follow and obeybut that pushes our rights to decayand now this task I am going to layfor us to fight and shout Freedom we saywho do we look up to if one of our leadersplagiarize his speech and prefersto merely sound great and receive cheersnow, tell me and do it fast as you can be ableto whom the cyber crime law is really applicable?

Page 12: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

8

PANAGINIP-Glen Sales

Sa panaginip,Malayang lumilipad sa cyberspaceAng mga salitangKumawala sa lalake.

Mga salitang may bigat,Nakasusugat,Ngunit nakapagpapamulat.

Sa pagdilat,

Nangusap ang katotohanang Laganap nga pala ang kababawanAt kabaliwan.

Hinding-hindi nakaranas ng paglipad ang mga salita,

Sapagkat mabilis itong tinadtad ng balaAt pinagpyestahan ng mga langaw at uod.

Ito ang nalabi sa labi ng lalake.

Page 13: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

9

e - MARTIAL LAW!-Angelo Madarang

Nagdaan na ang nakaraang taonDumating na ang bagong panahonSadyang sa pagkalugmok ay hindi pa rin makabangonAng bayang iginupo sa pagkagumon

Nandiyan na naman ang bantaNg batas militar sa ating bansaHindi man direktang makikitaMararamdaman natin ito sa midya

Matatapos naTemporary Restraining Order niyaPapayagpag na naman siyaSa Internet at maging sa midya

JUNK Cybercrime Prevention Act of 2012Yan ang sigaw ng mga tao sa mundo ng internetDahil ang karapatan nila ay mayuyurakane-Libel ang isusulong diyan

i-unlike natin sa facebooki-unfollow natin sa twitterisigaw ang tunay na karapatansa bagong midya at sa lansangan

hindi tayo susukohinding hindi tayo susukoHanggang sa magupoRA 10175 na manloloko!

Lungsod ng Batangas,Lalawigan ng Batangas

Enero 2, 2012

Page 14: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

10

ESKALERA-emmanuel t. barrameda

Sabi ni Ely Bendia, Umiiyak ang umaga, Anong sinulat ni Enteng at Joey diyan? Sa gintong salamin Hindi na niya mabasa ‘pagkat mayroong nagbura...

Muling nagkakalamat ang gintong salamin, nakita niya May bagong gasgas May bagong alingasngas May bagong pintas na huhubad sa kinang ng salamin Pero kahit ano daw ang gawin natin, hindi siya aamin.

Kaya, muling umiyak ang umaga Nagsulat si Enteng, Hindi ng kanta Hindi ng iskrip Hindi ng talumpati Isang batas! Batas na uusig sa mga umaagaw ng kinang ng kanyang salamin

Kasama ni Enteng si Agimat at ang buong senado Buburahin nila ang mga lumalaban sa estado Hahawakan nila Lilipulin Kokontrolin Sa kanilang mga palad ang mundo. Paiikutin. Paiikutin. Paiikutin

At magpapatuloy sa pagkanta si Ely BuendiaPuwede bang, itigil niyo na ang pagikot ng mundo. Puwede bang, itigil niyo na ang pagikot ng mundo.Ang pag-ikot ng mundo (ulitin hanggang mabasura ang CCPL)

Page 15: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

BLUE SCREEN OF DEATH-j luna

Page 16: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law
Page 17: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

13

NANG MAG-TWEET KAMING PIPIT-Jonathan Vergara Geronimo

Nang ma-inlab sa katotohanan ang madlang pipol, #RA10175 bigla-bigla silang dinampot, ikinulong! #KALAYAAN nga ang lumipad gaya ng laksang ibon, ngunit krimeng ituring ang mag-tweet, laban sa estadong manhid? Ay! #TRO kapag di ka nakinig sa tiririt naming nagsusumamo, #TUWID NA DAAN ay tiyak mapasasabak nang todo;#ANGRY BIRDS kaming kapag sinikil ay mag-aalburoto! @Tiyak na hahagupit sa ngitngit ang banta ng delubyo!

Page 18: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

14

NOYNOY AQUINO INVITED YOU TO PLAY FAMILY FARM-Rustum Casia

Paano ka ba namang maniniwalang wala kaming dapat ikatakotkung manggagaling ito sa bunganga ng pangulong pikonat sa spokesperson niyang nakasimangot.

Hindi naman sa nababahag ang aking buntot.

Mahirap pagtiwalaan ang komedyanteng pangulo.Simula’t sapul na maupo sa tronowala nang tinupad na pangako.

FoI bill ang inaasahan namin,ang pandalas na pinirmahan ay Cybercrime bill.

Para que?

Para tayo sikilin.

Parang ganito,

Tumanda na ang papel ng poster ng Sogosa pagkakayakap sa pisngi ng mukha ng post eng LRT sa Recto.

Samantalang ang poster para sa dagdag na sa sweldoDi man lang tumagal kahit isang minuto.

Na-ge-gets mo?

And poste ng LRT ay ang FB wall mo

Ayaw nilang aalmusalin mo doonSi Noynoy at ang kanyang kainutilan.

Picture lang ng iyong inalmusal ang kanilang papayagan.

Page 19: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

15

NASA FACEBOOK NA ANG REB-Mark Angeles

text back ng kakilala kong aktibista.Updated tayo sa bawat initsang bomba,pagbibistay ng bala,at pagpapatumba ng mga tiranosa Egypt, Tunisia, Yemen, at Libya.Nahaplos natin ang mga mukhang daang-daang biktimasa bawat nai-share na larawan.Nahabag tayo. Nakiramay.At nakiisa

sa pagtarong ng baluktotna gulugod ng buktot.Hindi na palapa ng sagingo baitang ng hagdanang siyang nakakatikimng tadtad ng itak tuwing nadidismaya sa tiwaling binigyan ng tiwala.Gumagawa tayo ng meme.Nagti-tweet at nagre-retweethanggang mag-trending.

Nasa Facebook na raw ang reb.Or, in ader words, nagagamit na ang Facebooksa pagre-reb.Pagtutol ay hindi masasawata,putulan man ng ilawo putulan ng dila.Walang lubid ng libelongmakaka-hogtiesa pumipiglas na katotohanan,balutin man ng duck tape ang buong katawan.

Page 20: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

16

KUNG BAKIT MAY CYBERCRIME LAW-grobyasmagdiwang

Unang-una,kaya may Cybercrime Laway dahil napikon si Tito Sotto nang siya'y bansagangdakilang kopyador, kahit totoo naman. Pangalawa,kaya may Cybercrime Lawsapagkat tungkulin ng mga kawatan nating kinatawanna sagkaan ang ating karapatang batikusinang pagiging ganid nila't salanggapang.Desidido silang panatilihin tayonghabambuhay na mangmang.Wala tayong karapatang alamin at ipabatid ang katotohananna ang mga katotohanang pilit ipinatitimosa ating kamalayanng mga midyang pinatatakbo at pagmamay-aring mga naghaharing-uriay pawang mga bahagi lamangng isang malaki at sistematikongkalipunan ng mga kasinungalingangginawa nila upang pangalagaan ang kanilangmga pansariling interesat kayamanan. Pangatlo,kaya may Cybercrime Laway upang panatilihing bulag, pipi at bingiang mga mamamayanhabang paulit-ulit na ginagahasa ng mga dayuhanang ating pambansang kasarinlan,habang sila'y halinhinang nagpapakasasa sa 'ting likas na yaman,at habang nililimas ng mga pulitiko ang kaban ng bayan.

Page 21: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

17

Pang-apat,kaya may Cybercrime Laway upang tayo'y pagbawalang tuligsainang ipinangangalandakang kaunlaran ng pamahalaanna hindi maramdaman ng mga sikmurang kumakalam,ang patuloy nilang pagkakaitsa lupa at katarungang malaon nang ipinaglalabanng mga magsasaka ng Hacienda Luisita,ang patuloy na panduduhagi ng mga kapitalistasa mga manggagawa,ang patuloy na pagsasamantala ng mga kumpanya ng gasolina,ang kaliwa't kanang demolisyon sa mga komunidadng mga maralita,ang pagsasapribado sa edukasyon at mga pagamutan,ang patuloy na pang-aabuso ng militar sa kanayunan,at ang dumarami pang bilang ng mga aktibistang dinudukot, pinapaslang. Ngunit higit sa lahat,Kaya may Cybercrime Laway upang pigilan ang dumarami pang bilangng masang namumulat sa tunay na kalagayanng ating bayan.

Page 22: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

18

LAGYAN MO NG HASHTAG NA #UNLIKE-piping walang kamay

tatlong tulang umaalma sa cybercrime prevention act of 2012.

I.

kahit nais mong umalmagamit ang birtuwal na mundokahit na karapatan mo itong matatawagkikimkimin mo na lang ba itoang pag-alma at pilitititikom ang bibigng iyong blog o ng account mo sa facebook at twitterhanggang ang utak mo'y sumabog na sa galit?

pero

subukan mo kayang gawinkapag online ka na sa internetilagay mo sa iyong blogo gawing status sa facebooko i-tweet mo sa iyong tweeter

pindutin mo langsa mga tiklado ng keyboard ng iyong kompyuter

#CybercrimePreventionActof2012

tapos pindutin mo ang tikladong may nakalagay naenter

taposlagyan mo din ng hashtag

#UNLIKE

tapos pindutin mo ang tikladong may nakalagay naenter

Page 23: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

19

kahit makulong ka. marami tayong magkakasama.tutol din ako sa panibago nilang sensura.

II.

madalas nais mong magmuradahil sa mga pangyayari tulad noong sinapitng mga tulad ni Stephanie Nicole Ellamatapos tamaan ng ligaw na balaiyong tipong ibig mo sanang idalanginsa iyong blog o status o tweet,"Sana sa mga buwakaw na lamang doonsa mga putang ama at putang inana nasa malakanyang, sa senado, sa kongresosa AFP at PNP napadpad ang bala."

ngunit magdadalawang isip ka

kahit nangangati na ang daliri mosa pag-upload ng mga litratona bumubulong ng disgustosa korap na sistema nitong gobyernokakamutin mo na lamang siguroang mga kamay na kalyado

dahil maaari kang makulongsa ilalim ng cybercrime prevention act of 2012

dinadahas na nga nila ang mga kilos protestasa mga lansanganpati ang pag-alma sa internetgusto pang rendahan?

gusto nilang magtiis na lang tayokahit pinahihirapanbawal ang pag-almabawal ang paglaban.

Page 24: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

20

ganun na lang?

III.

may ginuhit na naman silang karatula

Republic Act No. 10175:Cybercrime Prevention Act of 2012

nagbabanta sa bawat Pilipino sa internet,

"Gugupitin namin ang dilang matatabil.at ang mangangahas rehas ang hihimasin."

ay apo!tila ang ibig lamang nilang marinig na ingayang palakpakan ng mga "like" sa mga buladasnitong tutang si PNoy at ng kanyang mga garapatana nagkalat sa AFP, PNP, kongreso at senadokahit kalakhan sa atin nangangarap magkatotoona sa araw-araw malamnan ang sikmura at ang isip matuto

ang nais lamang nilang ikalat natiniyong magpapasahol sa ating pamimilipit

busugin mo ang mga pagtatanong ng bakitbakit dapat tumutol sa kanilang ipinipilit?

papayag ka ba sa panibagong anyong kanilang mapanupil na sensura?

mananahimik ba tayo?

tayong mga may dugong mag-aaklas kapag ipinipiitsa tanikala ng pagdurusa at sakit

Page 25: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

21

HINDI RAW LARO ANG DAPAT MATUTUNAN NG MGA BATA;DAPAT ATUPAGIN NANG KUMITA-Mark Angeles

Isang maliit na kuwadrong nakapasak sa kuryente,naglalakbay ito sa buong mundo sa isang pitik.Iyong nag-iisang matang hindi maalis ang titigsa katawan ko, hindi malaman kung naulol o bagot,habang isa-isa kong hinuhubad ang aking mga damit,binibihisan ng mga haplos at dampi ng halikni Totoy na hindi pa tuli kaya hindi maitago ang hiyasa kanyang mga hagikhik.

__________

Dapa! Narinig kong sigaw kasabay ng kalabog.Nataranta si Totoy na parang manok na dinakmasa leeg. Nakadapa siya sa akin ay bigla siyang tumayo,dumapang muli. Nakatayo pa rin ang kanyang pitutoy nang hatakin siya ng mga mama. Ayaw dumapa.Nanlalaban. Galit na galit. Samantala, hanggang langit ang pagpapaumanhin ni Totoy na parang may alamsa aming ginagawa na sa akin ay nalingid.Malamig pala ang silid. Hindi ko namamalayandahil nakapag-iinit ng katawan ang halinghing.

__________

Dinala kami ng mga pulis sa mata ng madla.Basang-basa kami ng mga itinapong panghuhusga.Hinanap ko ang iba ko pang mga kasama.May isang iniinterbyu ng isang reporter sa TV, habang nakatalukbong ng tela ang mukha,artista na siya. Hatid nito ay ibang glorya.Hindi tulad ng iisang mata na nakamasidsa aming kahubaran gabi man o umaga.

Page 26: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

22

__________

Kalaboso ang inabot namin. Kulong.Nagtago na raw si Pastor. Si Pastor na promotorng aming komunyon. Hindi na raw balengnakatakas. Sa timbangan ng batas, kami ang may dungis sa kamay. Kami dapat ang tumanggap ng parusa. Kahit man sa Bibliya, hindi ba, ginigilitan at inaalay ang mga anak ng tupa? Ay, anak ng puta! Talagang anak ng puta!

Page 27: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

23

SALAT SA MATATALAS NA SALITA-noel gomez

Halatang mayroong pakialam ang lahat,kumikinang sa pakikinig ang ilan habang ang iba'y nadidismaya sa pagmamasidng mga bagay-bagay na kaabang-abang atgumagabay sa ating pagyabag.Gustong isiwalat ang tiwalang ibinigay at winawasakng mga mapang-aping makapangyarihan,ng mga tagpi-tagping tagapaghatid ng balita,ng mga mapangsupil na pulissa mamamayang mayaman sa katotohanang pinatatahan at sa kalayaang kinakalagan.

Page 28: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

24

NANGANGAMOY HANGGANG CYBER WORLD- Genesis O. Soriano

Wari’y ginapos ang aking pantog upang hindi makaihiPinilipit ang pwerta upang hindi makadumi.

Ginawa nila ito upang hindi isapublikoAng lahat ng aking nalalaman, ngunit kung maipon ang lahat ng baho sa loob ng katawan at wari’y hindi mapigilSasabog ang pantog na animo’y rumaragasang alon,Isasambulat nito ang lahat ng baho at alingasaw ng lipunan.Walang makakapigil kahit ikaw na nagsabingBawal umihi jan sa pader na pinaskilan ng kasuka-suka mong itsura,-malapit na nga pala ang eleksyonAng pwerta ay maghuhumiyaw, ibubulahaw ang lahat ng tungayaw,Isusuka ang kinikimkim na alingawngaw, hindi mapipigilan,Sasabog ang baho na inyong kinatatakutan

Page 29: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

25

ANG IKATLONG TIKIM NG SALITA-Diosa Fe E. Garcia

Natikman ko ang salita… ng lalaking sumisinta na ang tanging adhika ay umupo’t magpahinga sa dating trono ng reyna.

Bumubukadkad ang mga letra sa tuwing naririnig ang labing naglalahad sabay sa pagsugod ng bubuyog sa pukyutan ng kataga.

tunay nga,matamis ang salita.

Natikman ko ang salita…ng dating kaibiganpambungad ay pasumalaat di mawaring emosyonnang siya’y magdadapagkat ako sa kanya’y nagkasala.

Tumilamsik ang salita. ...maanghang ang kanyang winika.

Pinalunok sa akin ang salita… nabilaukan ako halos di ako makahinga sa pagpasak ng batas sa aking ngala-ngala

Ni hindi ako makatakassa bagong kulunganng aking salitanawa ito’y makawala.

Page 30: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

26

pagkat ang pinakamatamis na salitaay hindi nilalanggam…kundi pinapalaya.

Page 31: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

27

C2C-Mark Angeles

Me: peep thisMe: FYI TARFU Me: BOHICA Me: TBIB Me: Cybercrime LawMe: BKA Martial LawMe: d 3l33t govt GOLL Me: WNOHGB Me: wants EVRE1 2 STFU Me: liv n FUD Me: till UR FUBAR Me: EOR Me: EOD Me: EOT Me: FAWC Me: >:-( Me: WWYD? Me: AWGTHTGTTA? Me: IANAL Me: but IMHO Me: TANJ Me: FCOL Me: itz N/A Me: N/C Me: 2 :-x Me: TANJ Me: FCOLMe: DTRT Me: (((((person)))))

Mga Tala:

CTC – Care to Chat?peep this - Hey, listen to this, I've got some interesting news.FYI – For Your InformationTARFU - Things Are Really F'd Up :-/ ... perplexed, confused

Page 32: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

28

BOHICA - Bend Over, Here It Comes AgainTBIB - The Bitch/Bastard Is BackBKA - Better Known As 3l33t - elite GOLL - Got One Long ListWNOHGB Where No One Has Gone BeforeEVRE1 – Everyone STFU - Shut The F* UpFUD - Fear, Uncertainty, and DoubtUR – You Are FUBAR - "Fouled" Up Beyond All Repair / RecognitionEOR - End of rantEOD – End of discussionEOT - End Of Thread FAWC - For Anyone Who Cares>:-( - angryWWYD? - What Would You Do?AWGTHTGTTA? - Are We Going To Have To Go Through This Again?IANAL - I'm Am Not A Lawyer but IMHO - In My Humble Opinion TANJ - There Ain't No Justice FCOL - For crying out loudN/A - Not AcceptableN/C - Not cool:-x - keep mouth shutDTRT - Do The Right Thing(((((person))))) = give a virtual hug

Page 33: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

29

BSOD-Mark Funcion

Hindi pribadong pag-aari ang internet,Kagaya ng lupa, moda ng produksyon at karununganang nagmamay-ari ay sangkatauhan

Kaya wag masorpresa kung may magpoprotesta

Kaya maghanda na sa #OPIopen na ang Pandora o LOIC Huwag kalimutang gumamit ng anonymity packmagsisimula na ang DDOS attack

Bahain ng nagmamartsa at nagngangagalit na packets ng sambayanan ang malakanyang, ang batasan at senado...

Ihanda na din ang deface page at ivandalize ang mga tarangkahan at dingding ng kanilang mga gusali -- simbolo ng kanilang kataksilan, kasinungalingan at pagsasamantala

Hindi na kailangang hanapin vulnerability (ang sistema ang mismong vulnerable)Hindi na kailangan ng dorks (mga pulitiko at kapitalista yun)

Walang kwenta ang anumang security patches at updatesdahil ang kailangan ay system upgrade..

Ireformat ang lipunang hindi pantay at puno ng security holesPalitan ng sistemang free at open-source

Page 34: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

30

DILIM- gem karlos aramil

Imabibigkas pa kaya pagdaing ng makina,habang pinaliliguan ito ng pawis?masasambit pa kaya pagsakyod ng itinanim na palayhabang dinidiligan ito ng dugo?natatanaw ko ang singkad ng nagpupuyos na arawunti-unting nilalamon ng nagkumpulang kadenalalatiguhin ng buaw na panginoonang mangangahas na kumuwestiyonsa daang inukok at binulok ng kanyangnakalalasong mga pangako.Bakit pilit binubusalanng dilim panaghoy ng ating pagkasiphayo?

IIMahal ko,kahit may latigong nakaamba sa gitnang kukong itim ng panginoon diwa natin 'di dapat pakitilmga mata nati'y 'di dapat papiring--bugtong ng kahirapan dapat nating sagutinmay dilim pa tayong kailangang hawiin!

Enero 3, 2012sa inuupahang bahay, Laguna

Page 35: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

31

BIRTWAL ORGANO-Faye Umagat

Mag-ingat sa mga matang hindi nakikitaipasok lamang ang isip sa kahonsa kulungan ay hindi na aahondahil sa banyo pala ang naturang istasyon

Cyber Crime law, isang panibagong taepilit ipapakain sa ating tingin nila ay erehesa pagkabaho-baho ng taeng itokulang ang banyong may walong inidoro

Kung sa bawat pagkakataong magmulattae ang sa atin ay igugulatna papatay sa ginigising kamalayanano nga bang alam nila sa kalayaan

Birtwal organo, ito ay magandang pangalansa nasabing batas gawa nilang mga bulaanhindi ba't napakadaling pabanguhin ang mga salita?upang madaling tanggapin ng madla

Paanong makakasigurong tayo nga ba'y ligtas?kung tahimik itong gumagapang na parang ahassa bawat pagkakataong mayroon tayong gustong ipabatidMay p******inang simbolo sa ati'y ihahatid

Dapat lamang tumutol sa inihaing pagkaindahil ang tunay na motibo, tayo ay lasuninng hindi natin alam wala na tayong pribilehiyoSa impormasyon at sa lahat ng progresibo.

Ngunit kahit ilang p******inang simbolo pa yanang mga tunay na s*** na ideya ay walang kamatayanIsa sa mga paraan lamang ang birtwal na mundoAt and realidad na ito ay hindi abot nitong birtwal organo.

Page 36: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

32

CC = CONSTRUCTIVE CRITISICM-Elena Sebastian

Kritisismo,Cybercrime ang tatapos sa 'yoLibelo,'yan ang ikakaso sa 'yo

Aprubado,Noynoy, mabilis ata masyado?Taong bayan,Nganga na lamang sa 'yo.

Sotto,Nice one sa E-Libel moProbisyon,May hidden agenda sa isang 'to.

Santiago,Buti at gumana ang charm moBatas,Wala kang silbi kung panget ang implementasyon

Lalaya ang salita,Sa online man o offline ng madlaLilipad ang kaisipan,Na hindi duwag ang sambayananBayan kumapit kay Juan,Na supilin ang mapanlinlang na batas!

Page 37: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

33

SI JOHNNY, IYONG AKTIBISTA, IYONG HINULI ISANG GABI-MJ Rafal Mabait pong bata ‘yang si Johnny, mahusay raw sa eskuwela, sabi-sabi.Lalo na sa Math saka History. Lagi rin pong kasama sa top ng klase.Ewan kung bakit nga ba hinuli ng mga mamang diretso ang likod, isang gabi.Wala naman pong bisyo ‘yan maliban sa kompyuter. Dito kasiSa amin, uso ang Piso Net; maghuhulog ng piso, makakalarga na sa FBO sa mga Dota-dota at iba pa. Pero ‘yan pong si Johnny, iba po ang hilig.1st college pa lang po iyan, kumukuha ng Sociology, ang mga binabasa, di ko makalahig.May nakita po ako, isang araw, Pinoy Weekly ang nakalagay. Tapos isa pa, PADEPA.Meron ding, PKP ba ‘yun? Saka mga website na panay kamao saka puro pula.Madalas po, pag nakikita ko s’ya, may picture na iniiba, Photoshop tawag doon, di ba?Di ‘yan masalita si Johnny. Wala nga’ng kaibigan na malapit, kaya sa sulok ‘yan palagi.Dito ‘yan palagi sa shop, kaya madalas kong nakakausap. Wala kasi silang kompyuter sa bahay.Uuwi lang kapag tinawag na ni Aling Goria, ‘yung manikurista niyang nanay.Iyong tatay raw ni Johnny, si Mang Andeng, dinukot daw isa gabi, lider daw kasi ‘yun sa mga rali.Tapos, banggit n’ya minsan, baka mahinto na s’ya next sem. ‘Yan e nung magpa-print s’yaNg mga parang diyaryo ang itsura, tapos ang nakalagay: JUNK CYBERCRIME LAW!Akibista raw ‘yan, kaya ganyan, sabi ni Mang Samuel. Pero iniisip ko, di naman s’ya nanggugulo,Siya nga lang pinakamatino dito sa shop. Lahat ng ‘andito, puro Putangina

Page 38: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

34

At Bwakanangina ang nasa bunganga, lalo na kapag naglalaro ng Dota. Opo, bantay lang poAko rito, galing akong probinsya. Pag gagamit, sa akin po sila nagpapapalit ng barya.Namimiss ko na nga po si Johnny, wala na kasing matino dito sa shop. Walang makausap.Puro mga nakikipag-chat lang. ‘Yung may kausap na porener, tapos nag-iipit ng suso‘Yung ‘andito, minsan bakla pero madalas ‘yung Ale d’yan sa kanto na ang tawag e Sekretarya:Sekretarya daw ng United Nations. Ay, basta! Basta miss ko na si Johnny, saka yung mga postNiya sa FB. Andami ko kasing natututunan sa kanya, 1st year hayskul lang ako, di ako nakatapos.Kumusta na kaya s’ya? Teka, kaninang umaga ho, may nakitang bangkay dun sa estero.Di na makilala, puro paso, tapos hubad-baro. Parang si Johnny nga e, parang si Johnny,‘Yung kumukuha ng Sociology, ‘yung aktibista, ‘yung hinuli isang gabi, nung isang gabi.

Page 39: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

35

CYBERCRIME LAW-Delmar Aguilon

binubusalan, binubusalan ang bibig ng mamamayan,karapatan sa pagpapahayag ay kanilang pinipigilan nangnang sa ganun kanilang baho ay di matuklasan

pinipiringan, pinipiringan ang mata ng mamamayan,mapagmatyag ng taong bayan ay nais nilang pigilanmapagmatyag ng mamamayan ay nais nilang wakasanmapagmatyag ng mamamayan ay nais nilang kontrolin atpanghawakan

ginagapos, ginagapos kamay ng mamamayan, internet freedom,freedom of expression ay nais nilang pigilanginagapos, ginagapos kamay ng mamamayan kaya CYBERCRIME LAWagad na nilagdaan, kaya naman ang kongreso,senado, pati abnoy na pangulo lahat sila ngiting aso

Page 40: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

36

#OPLANBAYANIHAN-Rogene A. Gonzales

Ser, may tatlong good news po kami para sa inyoalam naming magugustuhan ninyo ito! Ser, unang good news! Nahuli na ho naminyung mga pinapahuli niyo nung isang araw pa!Yung mga post nang post ng reklamo sa FB wall nila!Kulang na lang bumirit sa laki ng mga letraat dami ng tandang-padamdam ang status updates nilana ang mga nag-lilike ay walang iba kundi sila-sila! Laging tungkol sa problema ng mahal na matrikula,no permit no exam, at kung bakit daw may mga Koreanona aali-aligid sa loob ng kanilang mga dormitoryo!Aba'y hindi naman pala mahirap hanapin kung nasaan ang mga walang-hiyadahil kapag gabi ay nagpupulong lagisa mga bahay ng aktibista o tambayan na may Free Wifi!Yung isa pa nga, dinakip na namin sakto lumabas hatinggabikahit may Sin Tax Bill nang sinasabi humirit pa rin ng yosi!Nang kumain ng siomai sa may kanto, doon na namin siya pinalibutanaba'y hindi naman pala kayang umimik at hindi man lang kami pinagpawisan!Nung kinuhanan namin ng I.D. ang nakalagay na pangalan, alam niyo ho kung ano?Congressman daw siya! Siya raw si Mong Palatino!Ser, ikalawang good news! Natunton na ho naminnung isang linggo pa, yung mga tweet nang tweet ng talaktungkol sa pagtaas ng presyo ng langis, mababang sahodat ekonomiya niyo raw na laging bumabagsak!Aba'y minsa'y nagre-tweet pa silang subersibong The Axel Pinpin Propaganda Machine na kantasabay-sabay pa nilang shinare sa cyberworld ang mga kataga: "Mabuhay ang hukbong mapagpalaya!"Kaya ayun inabangan namin, pagkatapos ng kanilang rali sa Mendiola

Page 41: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

37

nakatakas yung ilan pero marami-rami rin yung aming nakuhayung isa pa nga manggagawa ang pakilala pero mukhang bagets ang pormaat nung pinapakanta namin ng Awit ng Pag-asaeh parang kalapati ang huni na namaos yata sa kahihiyaw kanina!Nung tinanong namin kung sino siya, alam niyo ho kung sino?Paulit-ulit niyang binanggit na siya raw si BLKD! Ser, ikatlong good news! Natagpuan na ho naminyung mga edit nang edit ng inyong mukha nung isang buwan pa! Ginawa ba namang naka-iinsultong payaso yung poging picture niyo nung nakaraang SONAat nung isang beses pa eh mabuhok na tsonggo naman kasama si Obama!Sa mismong opisina nila, nahuli namin silang ginagawa ang akto!Balak ba naman lagyan ng sungay ang inyong makinis na nooat kabitan ng pangil ang inyong mga bibig na bigkas ay pawang totoo!Kaya ayun, nanlaban pa ang mga tarantado eh di bugbog sarado!Ewan ko na lang kung kaya ng husay ng art at Photoshop skills nilana baguhin ang ginawa namin sa kanilang mismong mukha:tanggal na mga ngipin, magang mga mata at mga ilong na balikosa itsurang yun, nagawa pang ngumisi at bumulong nung isa: "May araw rin kayo, mga berdugo!"Nang malaman-laman namin sa research team namin galing ang balita,kasama pala sila sa mga grupong tinatawag na Pixel Offensive at Ang Gerilya! Pero Ser, may isang bad news... Pero minor lang naman.Hindi ho namin alam kung nasaanyung taong pinapa-hunting niyo sa amin nitong taon pang nagdaanyung mahilig magblog tungkol sa digmang bayan,pambansang-demokratikong rebolusyon, seize the initiative daw

Page 42: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

38

o kung anuman.Minsan kasi sa sagap ng aming radar at abot ng sinasaklawan,naglolog-in siya bigla sa Sweden, Netherlands o Okinawa, Japan!Minsan naman dito mismo sa Maynila pero mas madalas sa Cordillera o Timog Katagalugan.Basta Ser, don't worry, next time siya'y amin ding matiyetiyempuhan! Pero Ser oo nga pala, update lang, fresh na fresh!May importanteng impormasyon na kaming nakuha tungkol sa kanya!Kaya makinig ho kayong mabuti sa mga susunod kong mga salita,dahil nakuha na namin kung sino nga ba siya talaga!Basta ho sa lahat ng account sa internet, ang pangalan na gamit niya...Opo Ser opo! One hundred percent sure na sure kami rito!Na ang pangalan ng cybercriminal na ito ay walang iba,kundi si Marco Valbuena!

Page 43: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

39

SA LOOB NG ROOM 10175-Ma. Cristina CasiminaLiterary Writer, Pioneer, Palawan State University Ikalawa ng OktubreKakaiba ang araw na iyon.Matapos lagdaan ni sirAng ikalawang kabanata ng martial lawTahimik ang lahatPumasok sa klase sa I.T.Sa room 10175Ang mga screen saver ng mga kompyuterAy ang dilawang mga tao sa gobyernoKulay dilaw ang mouseMay yellow ribbon ding palamuti Pero hanggang ngayonDinidinig pa,Sa guidance officeKahit mukhang malaboKahit magmukha na kaming anino. Maraming patakaran si SerSubalit ayaw naming masakalMula sa nakataling pisiSa aming nagpupumiglas na kamayMula sa nakapaikot na panyoSa aming mga maiingay na bibig Ang gusto niyang mangyariTumahimik lang kamiH’wag nang makialam paSubalit ang totooPara lang manatili ang bangoSa nakatiwangwang nilang baho.

Page 44: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

40

Lumabas kami sa silid 10175Sinira ang pintoDahil gusto pa naming sumulong.Gusto pa naming sumulat.Gusto pang magmulat.

Page 45: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

41

ALAMBRENG MAY TINIK-David Michael San Juan

Hindi naman naglahosa mga puloang higanteng tanikalang sumasakalsa bayan kong walang angal.

Sa kamay ay masakitang alambreng may tinik,ngunit higit ang paitng alimpuyong pinatahimik.

Page 46: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

42

Criminal Achievement-Pia Montalban Libelo ang Krimen,Nang i-status ko ang aktuwal na bilangNg mga bilanggong pulitikal.

Sakote ng posasAng maglikeAt magtweet.

Achievement mong tinawagNang wala kang makitang taoSa seldang nagkulong

Sa mga Maricon, at Ericson.

Alin ang mga dilang dapat pinipilipit?Kaninong mga bungangang dapat na dina-duct tape?

Page 47: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

43

TENSYON SA E-LIBEL-Jade Oliver N. EleazarLiterary Editor, Pioneer, Palawan State University Binuksan koSa isang pahinang nagbabagaAt mabilis na nagbagAng mukha ng kaharap ko TensyonAt matinding pagnanaisNamuoSa katawanKasabayNg pagkagustoSa mga imaheAt eksenaNa nagpatayoAt nagpagalitSa prinsipyo ko. Kaya’t ikinambyo koSa lugar na dapatPagdausan nitoAt nakisaliSa demonstrasyongSinimulan Ng mga katulad ko. Sumabog akoSa mga imahe,Salita,At mga eksenaNa natunghayan koAt upang gisingin dinAt patigasinAng nagtatamlay-tamlayangMga prinsipyoNg mga katulad kong nabubuhay

Page 48: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

44

Sa mundong tulad nito,Ipinamahagi koAng mga nakita koLaban sa di-makatarungang pagpigilSa kalayaangMagpahayagSa birtwal na sansinukobKahit kapalit pa nitoAy pagiging criminal ko Basta’t makaraos lang.

Page 49: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

45

BLAKAWT-Ramon Maraneta IIIEditor-in-Chief, Pioneer, Palawan State University Hindi ba nila alam na kapag madilim,Mas tumatalas ang pandama ng tao?Kaya hindi nila masisisi,Kung bakit mas naging matalim ang mga dila,Naging mapaghimagsik ang mga salita,Naging maingay ang mga tahimik,Nanlisik ang mga mata,Nagrali ang mga diwa,Pumailanlang ang pagtutol,Ng mga tao sa loob ng birtwal na espasyoNoong gabing madilimNa mas pinatingkad ng dilimNg lagim na dulotNg itim na tintangIniselyo sa pagsasabatasNg mapaniil sa karapatanNg mamamayang mulatAt masang unang tagapagmasidKritiko sa mga patakarangHindi pumabor sa panawagan ng bayan.Kaya’t bawat isa,Tanga’y maliliit na kingke*Upang bigyang antilawAng pagbagtas sa maling daangTinuturo niya.Ang lahat ay pabalik,Nag-ibang rutaKumontra sa daluyon ng pagpapatianodSinalag ang dilawang propaganda,Ang ingay sa espasyong iyon,Mas lalong pumailanlang,Naglog-out at lumabas sa mundong iyon,At nagsign-in sa totoong daigdig.Upang puksain ng kalayaanAng huwad na kalayaang

Page 50: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

46

Pinaiiral ng iilan.Kinalag ang gapos,Pinatid ang mga kable,Handa na ang lahat,Dahil sumapat na ang oras,Sa pagshut down,Sa tunay na gumagapos sa kalayaanYumuyurak sa karapatan- ang berdugong pamahalaan. ***At kapag blakawt, marami ang nabubuntisNgunit sa pagkakataong ito,Nagluluwal ng pakikibakaAt rebolusyon. *lampara

Page 51: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

47

What's Happening?-mano

Tinatanong ako ng status box ng fb,may ligalig na namumuo sa dibdib:

Now typing...Tinag sa mga kasama,for sure mababasa nilaat may makakabasa pang iba.

Ano ba yan?Ayaw naman gumana ng Post Button.

Dating gawi.Kita-kita sa dating tagpuan.

Page 52: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

48

Agam-agam ng Cyber Citizen-Pia Montalban

IBystander, saksiMastermind, pasimunoKakuntsaba, kasama--

Alin ka ditoTatlong libo’t walong daan,Tatlumpo’t anim na Kaibigan?

IIGagaya na lamang baSa tatlong pamosong unggoyAt magsasawalang kiboSa nakikita’t nadirinig?

Huwag sanang ilista sa tubig:Matalino man daw ang matsing,Napaglalamangan din.

IIISaksihanMga paskil na larawanMga parikala’t pangungusapmga tula’t pahayagMga sining ng protestaNa inuusal ng wall, tweet,Notes, blog, scribe, at (name it).

Tiket ito sa rehas na bakalNgunit libreng pamasaheSa walang muwang na mamamayan:

Biyaheng pa-Kalayaan.

Page 53: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

UNTITLED-Axel Pinpin

Ikatlo ng Oktubre ang itnakdang araw ng implementasyon ng Cybercrime Law

Page 54: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law
Page 55: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law
Page 56: UNLIKE Mga Tulang Tutol sa Cybercrime Law

52