5
MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY CONGRESS NITONG PEBRERO 17-19, 2020 NA KINATAMPUKAN NG MGA OPISYAL SA KANAYUNAN NA PINANGUNAHAN NI LIGA NG MGA BARANGAY PRESIDENT WINSTON TORRES KAAGAPAY SINA VICE MAYOR ARO MENDOZA AT MAYOR CRISTY ANGELES. KASAMA BILANG MGA PANAUHIN SINA DATING SENADOR JV EJERCITO, CONG. VIC YAP, EXECUTIVE ASST. FOR BARANGAY AFFAIRS BAGUIO CITY BENJIE MACADANGDANG, DILG RD JULIE DAQUIOAG, DILG TARLAC PD BELINA HERMAN AT TARLAC CITY DILG CLGOO ENGR. ROBERT DIOLA. Tunghayan ang buong kuwento sa loob.

MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY …

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY …

MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY CONGRESS NITONG PEBRERO 17-19, 2020 NA KINATAMPUKAN NG MGA OPISYAL SA KANAYUNAN NA PINANGUNAHAN NI LIGA NG MGA BARANGAY PRESIDENT WINSTON TORRES KAAGAPAY SINA VICE MAYOR ARO MENDOZA AT MAYOR CRISTY ANGELES. KASAMA BILANG MGA PANAUHIN SINA DATING SENADOR JV EJERCITO, CONG. VIC YAP, EXECUTIVE ASST. FOR BARANGAY AFFAIRS BAGUIO CITY BENJIE MACADANGDANG, DILG RD JULIE DAQUIOAG, DILG TARLAC PD BELINA HERMAN AT TARLAC CITY DILG CLGOO ENGR. ROBERT DIOLA. Tunghayan ang buong kuwento sa loob.

Page 2: MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY …

Ang Sanggunian2 Pebrero 2020 Ang Sanggunian 3Pebrero 2020

SP NAMAHAGI NG KAGAMITAN SA MGA BARANGAY

Namahagi kamakailan ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod

(SP) sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza ng mga kagamitang pinaglumaan ngunit maayos pa sa ilang barangay. Ang pamamahagi ng nasabing mga kagamitan ay kinatampukan ng paglagda nina Vice Mayor Aro kasama si Konsehal Vlad Rodriguez at ang mga opisyal ng barangay sa isang Deed of Donation bilang patunay sa kanilang tinanggap na kagamitan. Sinaksihan ito ni City Property Management Divison Chief Renato Policarpio Jr. Ito rin ay bunga ng mga resolusyong isinumite ng mga barangay sa SP na humihiling ng ayudang kagamitan para sa mas mahusay na pagsinop ng kanilang mga talaan at dokumento.

“As we upgrade our equipment, we don’t let our used properties go to waste. Instead, we donate it to our barangays, properties that are used but still functional, luma na po ang mga ito ngunit gumagana pa nang maayos at maaari pang magamit,” pahayag ng Bise Alkalde. Ang naturang donasyon, na pinangasiwaan nina Executive Assistant IV Marco Mendoza at VMO equipment custodian Paulo Bartolome, ay pinagtibay sa isang joint motion ng konseho sa pamamagitan ng Resolution No. 481. Ang mga barangay at kagamitang kanilang tinanggap ay kinabilangan ng mga sumusunod: Balingcanaway, isang Desktop Computer Set; Maliwalo- isang 3-Tonner Air-Conditioning Unit at isang window-type air-conditioning unit; San Jose, isang

Split-Type Air-Conditioning Unit; San Miguel isang 3-Tonner Air-Conditioning Unit; at San Pascual isang Desk Top Computer Set. Abu’t-abot ang pasasalamat ng mga benepisaryo dahil mas mapapadali at giginhawa umano ang kanilang pagtratrabaho. Samantala, nagpahayag din ng kagalakan si VM Aro sa naging resulta ng pagsasanay ng mga barangay council pagdating sa pagsasagawa ng lokal na lehislasyon. Aniya: “Natutuwa

po kami, sampu ng aking mga kasamahan sa konseho, dahil marami na po kaming natatanggap na mga ordinansa mula sa inyo (barangay officials), patunay na nais ninyo ang kabutihan ng inyong mga ka-barangay.” “Mayroon po tayong isasagawang ikalawang pagsasanay para sa inyo upang lalo pang mas maging epektibo ang pagsasagawa ninyo ng lokal na batas,” pagtatapos ni Vice Mayor Aro. CHRISTIAN-VMO

TARLAC NANANATILING COVID-19-FREE – DR. GO

Malugod na ibinalita ni City Health Officer Ma. Carmela Go

na nananatiling Coronavirus Disease 2019 (Covid-19)-free sa kasalukuyan ang lalawigan at lungsod ng Tarlac dahil ang anim na misyonerong napabalitang dumaan sa Hong Kong at dumiretso sa isa sa mga ospital dito ay lumabas na negatibo sa naturang sakit matapos ng kaukulang pagsusuri. Sa isinagawang executive session ng Sangguniang Panlungsod na pinamunuan ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza, kinapanayam nila ang tinaguriang Tarlac City Covid-19 (dating 2019 Novel Coronavirus) Task Force na kinabibilangan nina Go at CDRRMO chief Hensel Quiling upang magbigay ng update ukol sa naturang sakit. Nilinaw ni Go na ang Covid-19 ay mula sa pamilya ng coronaviruses na kinabibilangan ng ordinaryong sipon, MERS coronavirus o Middle East Respiratory Syndrome at ang SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome coronavirus. Ito ay pinaniniwalaan na nagmula at umiikot sa mga hayop at naililipat lamang mula sa hayop papunta sa mga tao ngunit nadiskubre na ang Covid-19 ay naililipat ng tao sa tao sa pamamagitan ng droplets na nagmumula sa may sakit na ito na umubo o bumahin.

Tinatayang nasa mahigit sa 40,000 ang naitatalang kaso ng World Health Organization at nasa mahigit sa 1,000 na ang namatay dito kaya nananatili lamang sa 2% ang fatality rate nito, lubos na mababa sa 10% fatality rate ng SARS at kadalasang namamatay ay may edad 50 pataas. Bagama’t wala itong lunas o bakuna sa kasalukuyan, maaari umano itong labanan sa pamamagitan ng tamang kalinisan gaya ng simpleng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig at pagtatakip ng bibig. Ipinaliwanag din ni Dr. Go sa konseho ang kahulugan ng PUI at PUM na ibig sabihin ay Person Under Investigation para sa sintomas ng Covid-19 at Person Under Monitor o sa mga binabantayang pasyente na kasalukuyang may sakit na ganito. Sa kabila na pagiging NCoV free ng lungsod, ang City Government ay nananatiling nakahanda para sa naturang sakit, maliban sa pagtatatag ni Mayor Cristy Angeles ng NCoV Task Force, i-aadopt din nila ang Incident Command System (ICS) kung saan si Mayor Cristy ang tatayong Responsible Official (RO), si Dr. Go ang Incident Commander, sina Chief of Staff Lorie Ledesma ang magiging Liason Officer, Maureen Clemente ng CIO bilang Public Information Officer, si Quiling bilang Safety Officer at sina City Administrator Numer Lobo ang magsisilbing Operations Section

Chief, Arch. Eduardo Quintero ang Planning Section Chief, Reymar Razon ang Logistics Section Chief at Romeo De Leon ang Finance Section Chief. Ang ICS ang sistemang ginagamit ng otoridad at pamahalaan sa mga malalaking kaganapan gaya ng mga sakuna at kalamidad, mga malawakang sporting events maging mga mahahalagang international meeting at kumbensiyon. Isasagawa din ang re-activation ng Barangay Emergency Response Team kung saan naging mungkahi ni ABC President Winston Torres na bigyang kaukulang pagsasanay muli ang mga taong barangay na lalahok sa programang ito. Sa araw na iyon, itinuro rin ni Quiling ang tamang paggamit sa mga inangkat na kasuotan ng pamahalaang panlungsod na

magsisilibing pananggalang ng mga aasikaso sa mga PUI at PUM sakaling umabot sa lungsod ang Covid-19. Sinubukan pa ni Konsehal Topey Delos Reyes ang iprinisintang Personal Protective Equipment (PPE) na binubuo ng full body disposable suit, safety goggles, N-95 mask at high-end gas mask, face shield at rubber gloves. “Napatunayan po natin na hindi natutulog ang ating lokal na gubyerno sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles at pagsuporta ng Sangguniang Panlungsod sa mga ganitong insidenteng kinabibilangan ng buong mundo. Masasabi po nating makakatulog ng mahimbing at panatag ang ating mamamayan sa kaalamang hindi sila pababayaan ng kanilang mga lokal na opisyal,” wika ni Vice Mayor Aro. CHRISTIAN

MAHIGPIT NA PAGPAPATUPAD SA CITY ORDINANCE NO. 017-08, BINIGYANG TUON NI KONSEHAL PEE JAY

Polisiya ng Pamahalaang Panlungsod ang pagbibigay ng

oportunidad upang magkaroon ng ikinabubuhay ang mga mamamayan nito upang ibsan ang suliranin sa kawalan ng trabaho. Bilang tugon sa naturang polisiya, ipinatupad ng konseho ang City Ordinance No. 017-08 na may mandato na ang lahat ng establisyimento, kabilang ang mga rehistrado

sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at mga construction firms na gumagana sa teritoryo ng lungsod, ay kinakailangang kumuha ng trabahador na residente ng lungsod hanggang 60 porsyento ng kanilang kinakailangang bilang ng tauhan. Mandato rin ng ordinansang ito ang istriktong pagsunod dito ng mga sumusunod na sangay ng pamahalaang lungsod tulad ng

PRESIDENTE DUTERTE, PINURI NI KONSEHAL PEE JAY

Dahil sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act

No. 11466 (R.A. 11466) o mas kilala bilang Salary Standardization Law of 2019 kamakailan, isang resolusyon ang isinulong ni Konsehal Pee Jay Basangan, pangulo ng komitiba ng Labor and Employment, upang bigyang papuri ang isinagawang hakbangin ng pangulo.

Ang R.A. 11466 ang siyang magiging daan sa pagtaas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno ng may apat na hati o tranches mula ngayong Enero 2020 hanggang taong 2023, maging sila man ay regular, kontraktuwal, casual, itinalaga, at naiboto na nagtratrabaho ng full-time o part-time. Partikular sa mga empleyadong higit na

19-ANYOS NA CHARCOAL ARTIST, HINANGAAN NI VM ARO

Namangha si Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza

sa angking talento sa pagguhit ng isang Grade 12 na estudyante nang pagkalooban siya nito ng iginuhit na larawan ng bise alkalde gamit ang lapis at uling (graphite and charcoal). Ang hinangaan ni VM Aro ay si Jay Ar Baisa, isang 19-anyos na Senior High School Science and Technology, Engineering, Mathematics (STEM) student sa Golden Olympus Colleges at residente ng Barangay Amucao. Ang iginuhit ni Baisa na portrait ni VM Aro ay bilang pasasalamat niya umano rito sa pagpili sa kaniya bilang isa sa mga artist na tutulong sa pagtatayo ng SP Gallery na bahagi ng 5-point legislative agenda ng bise alcalde.

Makakasama ni Baisa bilang commissioned SP Gallery artist ang pinsan nitong si Omar Christopher Baisa na isa ring Grade 12 student sa isang bayan sa La Union. Nakilala ni VM Aro si Baisa dahil sa pagrerekumenda ni Arnold Santos, Museum Researcher I, na siya ring isa sa mamamahala sa pagtatayo ng gallery katuwang nina SP Secretary Ma. Theresa Pangilinan at Information Officer 3 Jerry Hernandez. Ang pagguhit ay ginagawa ni Baisa bilang kaniyang libangan at pinagkakakitaan na rin upang pandagdag sa kaniyang baon sap ag-aaral. Ang portrait gaya ng kay VM Aro na may sukat na 9 x 12 inches ay karaniwan niyang naibebenta sa halagang P2,500.

Maliban sa uling at lapis, gumagamit din si Baisa ng acrylic, oil at pastel kapag siya ay gumagawa ng malalaking poster at iba pang artworks. Si Baisa ay naglagi ng may dalawang linggo para sa kaniyang work immersion sa City Engineer’s Office kung saan naging

kliyente niya sa kanyang talento si City Engineer Jesus Cawigan Jr. Kasama sa mga iguguhit ang 14 na dating bise alkalde na nagsilbi mula sa noo’y bayan ng Tarlac at nang ito ay maging isang ganap na lungsod na tututloy hanggang sa kasalukuyan nanunungkulan. CHRISTIAN

Business Permit and Licensing Division, ang City Engineer’s Office, at ang City Manpower and Development Services Office. Batay sa ika-6 at ika-7 bahagi ng ordinansa, ang mga nabanggit na departamento ay dapat maging epektibo sa pagsasagawa ng kanilang katungkulan at gampanin upang ang layunin ng lokal na batas ay tuwirang maipatupad para na rin sa kapakanan ng mga lehitimong residente ng Tarlac City. Sa mosyon ni Konsehal

Pee Jay Basangan, pangulo ng komitiba ng Labor and Employment, hiniling niya kay Mayor Cristy Angeles na atasan ang mga may kinalamang tanggapan para sa mahigpit na pagpapatupad ng naturang ordinansa. “Layunin po ng ating pamahalaang lungsod ang maitaas ang antas ng kondisyong pang-ekonomiya at kabuhayan ng bawat pamilya sa lungsod kaya po dapat lamang ang mahigpit na pagpapatupad sa ordinansa,” wika ni Konsehal Pee Jay. CHRISTIAN

makikinabang dito ay ang mga mababa ang sahod sa Salary Grade (SG) 10 hanggang 15 dahil aabot sa 20 hanggang 30 porsyento ang itataas ng kanilang sahod. Layunin umano ng R.A. 11466 ang gawing makatuwiran ang sahod ng mga sibilyang tauhan ng gobyerno at upang maipalaganap ang kahusayan sa kanilang hanay. Bibigyang katuparan din ng batas na ito ang pagbibigay insentibo sa mga empleyadong

magiging huwaran sa kanilang pagtratrabaho maging ang mga hihiranging mahusay na sangay ng gobyerno. Ayon kay Konsehal Pee Jay: “Sa paglagda po ng ating Pangulong Duterte sa R.A. 11466, tinutupad po niya ang kaniyang pangako na maitaas ang antas ng kalagayan ng mga empleyado ng gobyerno lalo na yung mga nasa laylayan kaya dapat lamang po na siya’y bigyang komendasyon.”

ISANG TAGPO SA PAMAMAHAGI NG MGA KAGAMITAN SA BARANGAY.

SINUKAT NI KONSEHAL TOPEY DELOS REYES ANG PPE HABANG IPINALILIWANAG NINA CITY HEALTH OFFICER DRA. CARMELA GO AT CDRRMO HEAD HENSEL QUILING ANG TAMANG GAMIT NITO.

SI KONSEHAL PEEJAY BASANGAN HABANG BINABASA ANG KANIYANG MGA PANUKALANG RESOLUSYON.

MASAYANG INIABOT NI JAY AR BAISA ANG KANYANG OBRA KAY VICE MAYOR ARO NA HINANGAAN NITO MATAPOS MAKITA ANG RESULTA NG GUHIT NG UNA.

Page 3: MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY …

Ang Sanggunian4 Ang Sanggunian 5Pebrero 2020 Pebrero 2020

2ND BRGY. CONGRESS GINANAP

Upang pag-ibayuhin pa ang kaalaman at kakayahan sa ibat-

ibang aspeto ng pamamahala ng mga opisyal sa kanayunan ay isinagawa ang 2nd Barangay Congress na ginanap sa lungsod ng Baguio. Naging punong abala sa naturang aktibidad na may temang “Working Together Towards Progress and Success” ang tanggapan ng Liga ng mga Barangay na pinamumunuan ng Pangulo nito na si Winston Torres. “Layunin po ng kongresong ito na mapag-linang at mapataas pa ang ating kaalaman lalo na sa paglilingkod sa barangay dahil tayo po ang basic unit ng pamahalaan at tayo po ang frontliners at tayo ang susi at yaman ng maunlad na pamayanan,”ka ni Konsehal Torres. Bilang kinatawan ng alkalde ng Baguio City na si Benjamin Magalong, ibinahagi ni Executive Assistant for Barangay Affairs Benjie Macadangdang ang ilang kaalaman tungkol sa kanilang lungsod at nagpahayag na rin ng pagbati sa matagumpay na pagsasagawa ng Barangay Congress ng Tarlac City. Dumalo rin sa aktibidad sina Mayor Cristy Angeles, Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza at mga Konsehal na sina Floor Leader Vlad Rodriguez, Pee Jay Basangan, Ato Chua, Henry De Leon, Ricky Diolazo, Ana Aguas, Topey Delos Reyes, Emy Ladera-Facunla at SK Federation President Genise Anne Delos Reyes. “Dito po ay maipapakita natin na tayong lahat ay nasa iisang direksiyon para sa kabutihan ng pamayanan. Dito pa lamang ay tagumpay na tayo sa larangan ng pamumuno sa ating kani-kaniyang nasasakupan,” wika ni Vice Mayor Aro. “Wala pong imposible sa lungsod na may disiplina, na nananalangin at higit sa lahat ay nagkakaisa, kaya patuloy po tayong magkaisa, bawat oras ay sama-sama,” pahayag naman ni

Maor Cristy. Samantala, ipinaliwanag ni Tarlac City CLGOO Engr. Robert Diola ang magaganap na mga aktibidad sa kongreso at pinarangalan ang tatlong barangay secretaries mula sa Mapalacsiao, Lourdes at San Carlos na naging magaling na ehemplo sa pagganap sa kanilang tungkulin. “Ang parangal po ay para sa on-time na submission ng barangay reports ng ating secretaries na bunga ng 10-month monitoring ng CLGOO at mula po ngayon ay gagawin na nating buwanan ang pagpaparangal,” wika ni Diola. Nagsilbi naming espesyal ng panauhin si dating Senador JV Ejercito na nagpasalamat sa imbitasyon. “Bagaman wala na po ako sa senado, ako po ay lubos na nagpapasalamat dahil hindi po ako kinalimutan ng Tarlac City. Patunay po na hindi ako nagkamali sa pagpili ng kakampi at kaibigan gaya nina Mayor Cristy, Vice Mayor Aro, mga city councilors at ninyo pong lahat,” wika nito. “Ako po ay bilib sa inyo, mga barangay officials, na kahit maliit ang sahod ay naglakas loob pa din kayong tumakbo sa inyong nasasakupan dahil sa kagustuhan niyong makapaglingkod,” dagdag pa ni Ejercito. Hiniling din ng dating senador sa lahat na patuloy nilang itaguyod ang Universal Health Care Law na kaniyang ini-akda dahil ito ay para sa lahat ng Pilipino. Naging espesyal na panauhin din ng aktibidad si Tarlac 2nd District Representative Victor Yap at sinabing ang Tarlac City ay may kakayahang hindi umasa sa Internal Revenue Allotment (IRA) dahil malaki ang kinikita nito sa custom taxes. Mula sa atas ng mga opisyal ng DILG na sina Regional Director Julie Daquioag at Proincial Director Belina Herman ay tinalakay naman ng kanilang mga tauhan ang

ilang paksa ukol sa kalakaran sa barangay. Tinalakay ni LGOO V Precious Ava Guevara kung paano makalahok sa Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) samantalang ipinaliwanag naman ni LGOO VII Jeffrey Manalastas ang tungkol sa Barangay Peace and Order Council (BPOC) Functionality Assessment na isa umano sa mahalagang criteria ng Barangay SGLG. Sa presentasyon naman ni LGOO VI Paul Michael Blanco, kaniyang ipinakilala ang Seal of Good Local Governance – Barangay (SGLGB) na naipatupad umano noong November 6, 2018 at itinuro ang core at essential areas nito upang makamit ang prestihiyosong parangal. Nagbigay ng kanyang ulat din sa aktibidad ang bagong talagang City Police Chief na si P/Lt.Col. Alex Apolonio tungkol sa napapanahong sitwasyon

ng lungsod sa aspeto ng peace and order at drug clearing samantalang inspirasyon naman ang ihinatid ni Mr. Lloyd Luna tungkol sa Stepback Leadership. Nagkaroon din ng kasiyahan ang mga kalahok sa pamamagitan ng Kahoot App ng DILG na isang Question ang Answer game tungkol sa Barangay Trivia at sa gabi ay nagsama-sama muli ang lahat, kasama ang City Officials sa isang socialization night. Katatawanan ang hatid ng kilalang komidyanteng si Boobsie Wonderland sa socialization kasama ang ilan pang artista at lokal na banda. Sa pagtatapos ng kongreso, pinangunahan ni CLGOO Diola ang pagpapahayag sa SGLGB 2018 assessment result at ang pagsasagawa ng action planning para sa kasalukuyan bago nagbalik sa kani-kanilang barangay ang mga participants. CHRISTIAN

ABALANG DULOT NG KONSTRUKSIYON SA HIGHWAY, INALAM NG SP

Dahil sa kabi-kabilang mga reklamo na natanggap ng Sangguniang Panlungsod

tungkol sa isang konstruksiyon sa kahabaan ng McArthur Highway sa may Barangay San Roque, minabuti nitong alamin ang puno’t dulo ng lahat sa pag-imbita sa mga kinauukulan. Sa kanilang isinagawang Executive Session sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza, ipinatawag nila ang mga opisyal ng DPWH na kinatawanan nina Engr. Jun Catalan at Val Bravo. Sa kumpanyang Huawei, naging kinatawan nito sina Mark Lyndon Villegas at Niño Villahermosa samantalang ipinadala naman ng BSPT Construction Corp. sina Lara Galang at Ronald Dural at si Emily Muñoz naman mula sa Ines Solutions. Pinapunta rin ng konseho si City Engineer Jesus Cawigan upang malaman ang iba pang bagay na may kinalaman sa pagsasagawa ng konstruksiyon sa

naturang highway. Ang kontruksiyon umano ay para sa instilasyon ng fiber optic lines (FOL) na isinasagawa ng Huawei- ang main contractor ng proyekto- kasama ang dalawang sub-contractors nitong BSPT Construction Corporation at Ines Solutions. Ang FOL ang siya umanong daan para sa mas mabilis na internet connection lalo na sa papasok na bagong TelCo sa lungsod. Sabi ni VM Aro: “Hindi po tutol ang inyong Sanggunian sa progreso, sa ngayon talagang kinakailangan na po ang internet sa pang araw-araw na buhay, ngunit sa pagsasagawa ng ganitong proyekto, hangga’t maaari ay hindi ito magdudulot ng abala o panganib sa ating mamamayan, kaligtasan po nila ang ating prayoridad.” Naging isa sa mga nagbigay patunay sa abalang dulot ng konstruksiyon ay si Konsehal Vlad Rodriguez na ayon sa kanya ay muntik na niyang masagi ang

pinagtratrabahuhan sa daan sa kaniyang pagmamaneho ng gabi dahil umano sa kakulangan nito sa warning signs. Dagdag ni Rodriguez na may nahulog na ring bata sa butas na paglalagyan ng poste bilang bahagi pa rin ng isinasagawang trabaho ng Huawei. Tugon naman ng contractors ay mayroon silang inilagay na warning tapes at enclosures sa work area. Sagot ni Konsehal Rodriguez na nakikita ang mga warning tapes sa umaga ngunit pagdating ng gabi ay hindi na, lalo na para sa malalaking sasakyan. Dahil dito ay inatasan ng konseho ang CEO na magsagawa ng inspeksiyon sa workplace ng contractors at siguruhin ang kaligtasan ng lahat. Napag-alaman din ng konseho na ang excavation permit ay naigawad sa mga contractors noong ika-16 ng Enero at ang noong November 29, 2019 naman naibigay ang permit para sa Aerial Construction na gagamitan ng mga poste.

Ang kanilang kontrata ay para lamang sa 90 araw at inaasahang makukumpleto ang trabaho sa Marso. Pinaalalahanan ng DPWH ang mga dumalong contractors tungkol sa safety measures para sa kaligtasan ng publiko. Upang lalo umanong maintindihan ng konseho ang tungkol sa naturang proyekto, humihiling si VM Aro sa DPWH ng kopya ng kanilang mga panuntunan o guidelines sa pagsasagawa ng public works at kopya ng kontrata ng mga dumalong contractors. Nagbigay pahayag din si Konsehal Ricky Diolazo ng siya ay mabiktima rin ng di-ligtas na road project sa may Fairlane Bypass Road kaya naitanong niya sa DPWH kung may naibigay na ba itong kaparusahan sa mga contractors na sumusuway sa safety standards. Tugon ng DPWH na hindi pa sila nakapagbigay ng penalties sa mga pasaway na contractors maliban na lamang umano sa idinepositong mga cash bonds ng mga ito na hindi na nila mababawi kung may magagawa itong mga paglabag. Naitanong naman ni ABC President Winston Torres na sa pagsasagawa ng mga proyekto ng contractors kung nakipag-ugnayan ba ang mga ito sa mga maapektuhang mga barangay at umamin naman ang mga ito na hindi nila ito naisagawa. Naging mungkahi rin ni Konsehal Ana Aguas sa mga contractors na bago magsagawa ng mga pagbubutas o paggiba sa daan ay kausapin muna ang LGU at mga barangay officials na apektado ng kanilang konstruksiyon. Binigyang pansin naman ni Konsehal Topey Delos Reyes na kadalasan umano sa pagdaan niya sa naturang kalsada ay walang nagtratrabaho sa project site sa gabi na mas mainam sana dahil mas kaunti na ang mga dumadaang sasakyan. Ayon naman kay Konsehal Jojo Briones na dapat ang ang implementing agency sa proyektong ganito ay ang Department of Communication and Telecommunications imbes na ang DPWH. CHRISTIAN

ANG MGA TAGAPAGSALITA AT PANAUHIN NA SINA MARK JESTER ALEJO, PRECIOUS AVA GUEVARRA, JEFFREY MANALASTAS, PAUL MICHAEL BLANCO AT P/LT.COL. ALEX APOLONIO SA HARAP NG MGA LUMAHOK.

ANG BUOD NG ISINAGAWANG EXECUTIVE SESSION KUNG SAAN INALAM NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD ANG DAHILAN NG DIUMANO’Y ABALANG DULOT NG PROYEKTO SA MCARTHUR HIGHWAY. NAGBIGAY NAMAN NG KANI-KANIYANG PALIWANAG ANG DPWH SA KATUAHAN NI ENGR. JUN CATALAN, CITY ENGINEER JESUS CAWIGAN, AT SI RONALD DURAL NG BSPT CONSTRUCTION CORP.

Page 4: MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY …

Ang Sanggunian6 Ang Sanggunian 7Pebrero 2020 Pebrero 2020

Sanggunian in ActionTAPAT NA TRICYCLE DRIVER, BINIGYANG PAGKILALA AT TULONG NG SP

Matapos ngang aprubahan ng Sangguniang Panlungsod (SP), sa

pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza, ang kahilingang otorisasyon ni Mayor Cristy Angeles upang siya’y makapag-bigay ng P5,000 pabuya sa isang tapat na tricycle driver, inimbitahan ng konseho sa kanilang sesyon upang maibigay ang kaniyang gantimpala. Ang tricycle driver ay nakilala bilang si Jonard David, residente ng Barangay Balibago I, ama ng dalawang anak at asawa ni Leila David at nasa 14 na taon ng namamasada ng tricycle. Sa pagsasalaysay ni David, nakapagsakay umano ito ng isang lalakeng pasahero sa harapan ng SM City Tarlac na nagpahatid sa isang gusali sa Barangay San Roque at sa pagmamadali ay nahulog ng pasahero ang pitaka nito sa sahig ng sasakyan ni David ng hindi nito namalayan. Naka-alis na umano si David ng makita ang nahulog na

wallet kaya ito bumalik sa pinag-hatiran upang ibigay ang pitaka sa may-ari. Ngunit dahil hindi niya alam ang pangalan ng pasahero ay matiyagang naghintay sa labas ng gusali ngunit hindi nito napalabas ang naisakay na lalake. Ito na umano ang nag-udyok sa kanya na buksan ang pitaka upang hanapan ng ID ang pasahero at nagulat pa ng malamang may laman itong pera na nagkakahalaga ng P30,000 at dahil walang nakitang pagkakakilanlan ay idineretso ni David ang napulot na wallet sa Mayor’s Office. Sa pagkakatanggap ng impormasyon ukol sa ginawa ni David, nagalak si Mayor Cristy at agad na humiling sa SP ng paalam upang gantimpalaan ang mabait at tapat na mamamayan. Nioong ika-4 ng Pebrero ay naging panauhin ng konseho si David upang pormal na igawad sa kaniya ang Resolution No. VIII-4-032 na naglalaman ng otorisasyon para sa pagbibigay ng cash reward ng alkalde at bilang komendasyon

sa ipinakita nitong katapatan. Sa pagbisita ni David sa konseho, nabahagi rin nito na ang amang si Ricardo David ay dating service driver ni G. Vic Angeles na asawa ni Mayor Cristy at kasalukuyang may tricycle din ngunit hindi makapamasada dahil wala umanong prankisa at kaukulang body number ang sasakyan nito. Agad namang tumugon si Konsehal Jojo Briones, pangulo ng komitiba ng Transportasyon, na tutulungan nito ang ama ni David sa pagkakaroon ng body number samantalang nangako naman si Konsehal Ato Chua na

daragdagan ang cash reward ni David at hinikayat ng konsehal na gawin din ito ng mga kasamahan na umayon naman agad. “Maraming salamat sa inyo pong ipinakitang kabutihan. Naway’ dumami pa ang iyong lahi ng mga tapat na mamamayang Tarlakenyo,” mensahe ni VM Aro para kay David. Samantala, naikuwento rin ni David na nito lamang katatapos na 4th Kaisa Festival ay may pasahero nakaiwan ng asul na mobile phone sa kaniyang tricyle at sa kaniyang pagiging maagap ay agad niya itong naibalik sa may-ari. CHRISTIAN

BAGONG COP NG LUNGSOD, BUMISITA SA SP

Pormal na nagbigay ng kanyang courtesy call sa Sangguniang Panlungsod

ang bagong talagang city police chief na si P/Lt.Col. Alex Apolonio sa isinagawang Executive Session ng konseho upang ibahagi nito ang mga programang ilalatag ng kapulisan para sa lungsod. Sa presentasyon ni Apolonio, tinalakay niya ang antas ng kriminalidad sa lungsod at ipinakita ang pagbaba nito kung ihahambing sa mga nagdaang taon, kasama na ang naisagawang

drug-clearing sa ilang barangay. Sinabi nito na karaniwang nai-uugat sa droga ang mga krimeng nagaganap sa bansa gaya ng pagpaslang at panghahalay. Ipinakilala rin ni Apolonio sa konseho ang PNP Peace and Order Agenda for Transformation and upholding of the Rule-of-Law (P.A.T.R.O.L.) Plan 2030 na naglalaman ng iba’t-ibang programa ng Philippine National Police para sa hinaharap. Partikular dito ang

pagtatatag ng PNP Aviation Security Group na naglalayong maging mas epektibo at mas may kredibilidad na unit ng kapulisan sa pakikipagtulungan sa otoridad ng mga paliparan para sa mas ligtas umanong paglalakbay. Bilang pangulo ng kometiba ng peace and order, inalam ni Konsehal Jojo Briones ang isinasagawang pagpapatrolya ng kapulisan sa lungsod lalo na umano sa gabi na ayon kay Apolonio patuloy naman ito umano sa kanilang pinanghahawakang resources bagama’t sa kasalukuyan ay may kakulangan pa sa mga sasakyan. Ayon kay Konsehal Briones, patuloy ang isinasagawang pag-donate ng pamahalaang lungsod ng mga service vehicles sa kapulisan ng lungsod tulad ng kamakailan lamang na pamamahagi ng ilang motorcycle services. “Kami po sa Sangguniang Panlungsod ay kaantabay ninyo sa pagpapatupad ng batas,” wika

naman ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza. Dahil umano sa dami ng mga lumalapit na mamamayan sa kanila upang humingi ng tulong sa pagkakahuli dahil sa pagsusugal, humingi ng kaunting kaluwagan at konsiderasyon si VM Aro para sa mga taong naglalaro ng baraha o card games sa kani-kanilang mga bahay. “Sana po ay pagsabihan muna natin sila sa una at ikalawang opensa, at kung matigas pa rin ang ulo ay bigyan na po ng tamang citation at pagmultahin upang madisiplina,” wika nito. Humiling din ang bise alkalde kay Apolonio ng regular na ulat upang mabigyan ng napapanahong impormasyon ang konseho at makatulong sa paglikha nila ng nauukol na batas. Sa pagtatapos ng kanilang paghaharap, ini-abot ng SP ang Resolution No. VIII-4-048 kay Apolonio bilang pagtanggap sa bagong COP ng lungsod. CHRISTIAN

Tripartite committee meeting ng kometiba ng Rules, Laws & Good Government, Housing at Urban Poor kasama ang ilang CGT

concerned departments at Commission on Audit (COA). Ms. Milaflor Gamboa, Audit Team Leader, na nagpababa ng kanilang Audit Observation Memorandum (AOM) tungkol sa ilang deficiencies sa Housing Program ng CGT. Sa pagtatapos ng pulong, napagkasunduan ang mga sumusunod na rekomendasyon:- reconstitution ng Local Housing Board (LHB)- formulation ng guidelines base sa AOM- establishment ng Urban Poor Affairs OfficeAng mga ito ay tatalakayin sa susunod na sesyon ng SP

Ang pagbisita sa Sangguniang Panlungsod ng tatlong Japanese students mula sa Tokyo City University. Manami Gomi,

Information System Student, Minori Someya, Tomomi Kirosawa na kapwa City Planning students at Ms. Vivian Viray, City Government employee na nagsilbing interpreter ng mga panauhin.

Ang pagprisinta ng SP Secretary sa Sangguniang Panlungsod tungkol sa pag-amyenda sa kanilang IRP. Sa gagawing pagbabago,

mabibigyan ng sapat na oras ang konseho upang aralin ang minutes ng mga nagdaang sesyon. Ang amyenda ay base sa natutunan ng SP Secretary sa isinagawa nilang Bench Marking sa SP ng Puerto Princesa, Palawan. SP Sec. Ma. Tess Pangilinan habang ipinaliliwanag sa konseho ang pagbabagong gagawin sa Rule No. 9 Sec. 1 ng SP Internal Rules of Procedure (IRP)

Ang pagdalo ng buong Sangguniang Panlungsod, sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Genaro “Aro” Mendoza, sa isang

pagsasanay para sa mga namumuno sa Local Government Unit na tinaguriang Special Course on Enhanced Comprehensive Land Use Plan - Zoning Ordinance and Comprehensive Development Plan of Cities & Municipalities towards Sustainable Development na bahagi ng LGU Planning & Plans 2020-A at inorganisa ng Philippine World Gateway. Ang naturang training na gaganapin mula Feb. 11 hanggang 14 sa isla ng Boracay, sa bayan ng Aklan ay napapanahon para sa patuloy na pag-aaral at pagsasaliksik para sa naipasang ordinansa ni Committee Chair on Housing, Land Use & Urban Planning Konsehal Ana Aguas patungkol sa bagong CLUP at CDP para sa lungsod ng Tarlac.

Ang pagbisita ng ilang espesyal na panauhin sa

Sangguniang Panlungsod. Ang mga panauhin ay mga kaibigan ni Konsehal Ana Aguas. Sila ay kinabilangan nila Ms. Felisa Pimentel mula sa Indianapolis, Indiana, Ms. Estrelita Abella mula sa Waipahu, Honolulu, Hawaii at Ms. Marites Tugade.

HUWARAN. TINANGGAP NI JONARD DAVID, KASAMA ANG KANYANG PAMILYA, ANG PARANGAL AT GANTIMPALA MULA SA MGA OPISYAL NG LUNGSOD DAHIL SA KANYANG TAPAT NA PUSO SA KABILA NG PAGIGING TRICYCLE DRIVER.

SA KANYANG PAGBISITA SA KONSEHO, MAINIT NA TINANGGAP NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD SI P/LT.COL. ALEX APOLONIO MATAPOS MAITALAGA BILANG BAGONG HEPE NG KAPULISAN SA LUNGSOD.

Page 5: MATAGUMPAY NA ISINAGAWA ANG 2ND BARANGAY …

PATN

UGUT

AN Ang Sanggunian

Hotline NumbersCDRRMO(Tarlac City Disaster Risk Reduction Management Office)

(045) 470-8647(Globe) 0995-231-2411 (Smart) 0921-930-0047

PDRRMC TARLAC(Provincial Disaster Risk Reduction Management Office)

(045) 628-0584 / (045) 628-0586(Globe) 0917-806-9276 (Smart) 0908-887-2339

Landline:(045) 982-2101

Landline:(045) 982-1356

Landline:(045) 982-8811

Pangkalahatang Patnugot:KGG. GENARO M. MENDOZAPatnugot:MARCO MANUEL M. MENDOZAKaagapay na Patnugot:JERRY M. HERNANDEZMga Kaagapay sa Produksiyon:RUBEN PHILIP S. DELA CRUZCHRISTIAN REYESRONNIE C. BASAVICE MAYOR’S OFFICEOFFICE OF THE SANGGUNIANGPANLUNGSOD SECRETARYCITY INFORMATION OFFICE

Pakinggan din ang aming programa sa radyo...

ORAS NG SANGGUNIANTuwing Lunes 7:00-8:30 ng umaga

Kinatatampukan ng mga batikangKomentarista at Manunulat:

LENG LOPEZ-TIAMZONAMADO DE LEONJERRY HERNANDEZ

SP SECRETARY’S OFFICE CORNERMA. THERESA PANGILINAN - SP Secretary

ANG PROPOSED LEGISLATIVE GALLERY AT MUSEUM

Muli, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Sangguniang Bayan at ngayon ay Sangguniang Panlungsod ng Tarlac ay napipintung maisagawa ang isang proyektong kasalukuyang tinatalakay ng ating Bise Alkalde, kasama ng ating mga Konsehal at ng Kalihim ng Sangguniang Panlungsod. Isa man itong bagong proyekto ay kalakip pa rin ito sa 5 Point Legislative Agenda ni Vice Aro, na bahagi ng

nauna ng naitatag noong taong 2018, ang Legislative E-Library. Ito ang pagtaguyod ng Legislative Gallery & Museum. Masusing pinag-uusapan at pinag-aaralan ngayon ng konseho ang lokasyon, disenyo, pagkaka-ayos, mga kagamitan at eskaparate, at kung ano ang mga itatanghal dito. Ang Kalihim ng Sangguniang Panlungsod, sa direktiba ni Kgg. Diosdado Briones na noon ay Acting Vice Mayor, na sinegundahan naman ni Kgg. Genaro “Aro” Mendoza, bilang Acting City Mayor, sa pamamagitan ng isang liham pahintulot, kasama ang iba pang mga kawani sa tanggapan na sina Gng. Angie Tañedo, G. Arnold Santos, kabilang na rin si Information Officer III Jerry Hernandez na namamahala sa E-Library, ay naglakbay-aral sa Senado ng Pilipinas noong Abril 11 ng 2018 upang makakuha ng ideya kung papaano makapag-tanghal ng ka-aya-aya na Gallery / Museum. Hindi naman nabigo ang pakay ng lakbay-aral sapagkat napakaganda ng Gallery / Museum ng Senado at iyan ngayon ang pinag-aaralan ng Konseho kung papa-ano mai-papatupad ang kanilang mga natutunan. Sa ngayon ay inihahanda na ni G. Arnold Santos, Museum Researcher sa tanggapan ng Kalihim ang mga listahan at mga larawan ng mga nagdaang mga Bise Alkalde ng noong ay bayan at ngayon na lungsod na ng Tarlac. Nakapaglikom na rin siya, sa pakikipagusap kay G. Sergio Santiago, eredero ng dating Bise Alkalde at nagi rin Alkalde na si Kgg. Isidoro Mendoza, at kanya naman itong napasang-ayon na ipagkaloob, ng mga memorabilya at mga relikiya ni Kgg. Mendoza. Narito ang mga ilan sa mga minumungkahi na disenyo at mga kagamitan sa nasabing Gallery / Museum, base sa pagbisita sa Senate Museum.

MAKIKITA SA LARAWAN ANG MAGSISILBING MODELO NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD SA PAG TATAYO NG LEGISLATIVE GALLERY AND MUSEUM NA KASALUKUYAN NG ISINASAGAWA.

RUDY BUAN, 68Namayapa na sa edad na 68 ang kilalang manunulat

ng kasaysayan na si Rodolfo Buan matapos makipagbuno sa kumplikasyon sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan mula nang ma-operahan sa bituka sanhi ng cancer apat na taon na ang nakararaan. Si Buan ay natural na Tarlakenyo na likas na may pagmamahal sa tinubuang lupa. Dito niya inilaan ang malaking bahagi ng kaniyang buhay at talento sa pagsulat ng kasaysayan kung kaya’t nakilala nang lubos ng kaniyang mga kababayan. Naging aktibo siya bilang paralegal expert at part-time professor of Political Science, History, Economics, at Law habang naghahanda para sa Bar exam. Nakapagsilbi rin si Buan sa iba’t-ibang organisasyon sa pamahalaan at pribadong sektor at dahil likas na mapagmahal sa bayan ay nakilahok sa ilang malalaking pagkilos noong panahon ng kaniyang kalakasan. Isa sa mga nakinabang sa angking kahusayan ni Buan bilang historyador ay ang lathaling ito kung saan nakapag-ambag siya ng ‘di-mabilang na artikulo ng maikling kasaysayan ng Tarlac at binalak pang ituloy o lagumin ang mga ito upang gawing coffee table book katuwang ng sumulat ng pagkilalang ito. Sa ‘di-inaasahang pagkakataon ay tuluyan nang nanghina si Buan at nitong Pebrero 21 ay nalagutan ng hininga. Bago ipikit ang mga mata ay naghabilin sa kaniyang mga mahal sa buhay na ilibing siya ng Pebrero 25- anibersaryo ng People Power Revolution- kung saan siya ay aktibong nakilahok at isa sa mga nanguna sa pagkilos. Iniwan ni Buan ang kaniyang maybahay na si Maria Lourdes at mga anak na sina Jesus Eduardo, Sheryl Lou, Pilipina, at Jenesis. Samantala, nagpa-abot naman ng pagkalungkot at pakikiramay sa pamilya ni Buan si Vice Mayor Genaro Mendoza na nanghihinayang sa kaniyang pagkawala. Sinabi ni Vice Mayor Aro na malaking kawalan ang manunulat dahil sa makabuluhang tulong nito sa pagtala ng kasaysayan ng Tarlac, lalo na ng lungsod na siyang magagamit ng mga kabataang mag-aaral sa kanilang pagsasaliksik. “Nabigla ako at nalungkot nang malaman ang nangyari kay Ginoong Buan. Malapit siya sa aming pamilya at Malaki talaga ang naitutulong niya sa lipunan sa pamamagitan ng kaniyang mga sulatin,” wika ni Vice Mayor Aro. JERRY HERNANDEZ

RUDY BUAN (1951-2020)