40
Unibersidad ng Santo Tomas Fakuldad ng Parmasya Isang Intensibong Pag-aaral sa Anise Bilang pangangailangan sa kursong Filipino 2 sa pamamatnubay ni Dr. Teresita Meer sa taong panturo 2012-2013 Inihanda ng Ika-4 na Grupo ng 1F-Pharmacy Na binubuo nina: Romina, Kristiana Margarette Medina, Rovie Sairra Melad, Mikee

Filipino Thesis Revision

Embed Size (px)

DESCRIPTION

:)

Citation preview

Page 1: Filipino Thesis Revision

Unibersidad ng Santo Tomas

Fakuldad ng Parmasya

Isang Intensibong Pag-aaral sa Anise

Bilang pangangailangan sa kursong

Filipino 2 sa pamamatnubay

ni Dr. Teresita Meer

sa taong panturo

2012-2013

Inihanda ng Ika-4 na Grupo ng

1F-Pharmacy

Na binubuo nina:

Romina, Kristiana Margarette

Medina, Rovie Sairra

Melad, Mikee

Meneses, Eunice

Palma, Paola Louise

San Pedro, Joanna Gee

Salvadora, Cyla Mariel

Torno, Nina Maria Inez

Page 2: Filipino Thesis Revision

PASASALAMAT

Lubos ang pasasalamat ng ikaapat na grupo, sa mga inspirasyon at mga naging bahagi ng

pananaliksik na ito. Unang-una sa Poong Maykapal sa Kanyang nag-uumapaw na biyaya at

grasya na ipinagkaloob sa amin. Sa Kanyang ibinigay na lakas, pisikal at ispiritwal, upang

maisagawa ang riserts na ito. Sa Kanyang ipinagkaloob na katatagan at karunungan na aming

lubos na kinailangan sa aming pagsasaliksik. At higit sa lahat, sa Kanyang presensya, na

gumabay sa aming pananaliksik.

Nagpapasalamat din kami sa aming mga magulang na walang sawang sumuporta at

gumabay sa aming pananaliksik. Sa kanila ring moral at pinansyal na suporta upang

maipagpatuloy namin ng maayos ang aming riserts.

At higit sa lahat, ang aming minamahal, kagalang-galang, at mabait na propesor, Dr.

Teresita Meer na walang sawang sumubaybay at gumabay sa aming pag-aaral at sa aming

kursong Filipino 2. Gayundin sa bawat miyembro ng aming pangkat na nagbigay at nagbuhos ng

kanilang oras at pagod upang maisakatuparan ang aming pananaliksik.

Maraming salamat po!

Page 3: Filipino Thesis Revision

PAGHAHANDOG

Ang papel na ito ay aming hinahandog sa mga naging inspirasyon at naging bahagi nito.

Una sa lahat sa Poong Maykapal na siyang nagbigay sa amin ng lakas, talino at

karunungan upang matapos namin ito. Sa pag-iingat at gabay habang ginagawa naming ang

papel na ito. Dahil siya din ang naging dahilan kung bakit kami ay naririto pa dito sa ating

mundo.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at pagbibigay

ng moral na suporta pati pinansyal. Sa paggagabay at pagpapayo nila habang ginagawa namin

ang papel na ito.

Gayundin sa bawat kasapi ng aming pangkat, 1F Pharmacy, na nagbigay ng oras at pagod

upang ang pananaliksik ay maisakatuparan para sa aming kurso. At higit sa lahat, sa aming

pinakamamahal, kagalang-galang na propesor, Dr. Teresita Meer, na walang sawang gumabay sa

amin pag-aaral sa asignaturang Filipino at lalong lalo na sa pagsasakatuparan ng pananaliksik na

ito.

Page 4: Filipino Thesis Revision

ABSTRAK

Rasyonale:

Ang paggamit ng mga halamang gamot bilang panlunas sa iba’t ibang karamdaman ay isinasagawa na noon pa hanggang sa panahong kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, napakarami ng naitalang mga halamang gamot na sinuri at napag-aralan na ng mga eksperto at napatunayang nakatutulong sa pagpapagaling ng mga karamdaman at nakapaggagamot ng mga sakit. Ngunit ang ating kaalaman ay limitado lamang, kaya’t minsan, hindi natin nawawari na may mga halaman din pala na mabisang panlunas na hindi pa natin nalalaman. Isa na nga rito ang anise.

Paglalahad ng Suliranin:

Hinangad ng pag-aaral na ito na mabigyang-katugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Gaano ba ka-epektibo ang anise bilang isang halamang gamot?

2. Ilang porsyento ng ating mga kababayan ang nakakaalam na ang anise ay hindi lamang

pampalasa kung hindi isa ring halamang medisinal?

3. Ano-ano ang mga chemical na components ng anise bilang isang halamang gamot?

4. Ano-ano ang limitasyon sa paggamit ng anise?

5. Anong bahagi ng halamang anise ang ginagamit sa medisina?

Sakop at Limitasyon ng pag-aaral

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa halamang anise at kung gaano ka-epektibo ito

bilang isang halamang gamot. Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan para sa isang

daan na tao na may edad labing lima pataas. Umabot ng limang araw ang pangongolekta ng datos.

Paraan ng Pananaliksik

Ang bahagi nito ng pananaliksik ay ginagamitan ng disenyong pasalaysay, palahad at

pasuri. Ginamit ang istratehiyang purposive sampling kung saan ang mga mananaliksik ay

gumamit ng sarbey sa pagkalap ng mga datos sa isang daang respondante mula sa iba’t ibang uri

at antas ng lipunan na edad 15 anyos pataas. Ang pagbasa ng mga libro, jornal, artikulo at iba pa,

at ang pagsagawa ng sarbey hinggil sa paksang tinalakay na ginawang pamantayan upang

Page 5: Filipino Thesis Revision

maging epektibo at progresibo ang pag-aaral ang teknik sa pagsusuri. Matapos makalap lahat ng

mga datos at impormasyon tungkol sa anise, ang mga nakuhang impormasyon ay inorganisa

upang makabuo ng tunay, maayos at konkretong kaisipan at isinaayos sa paraan ng grap.

Masusing sinuri rin ang mga akdang may kinalaman sa pag-aaral.

Mga Konklusyon

Batay sa natuklasan sa pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Karamihan sa mga mamayan ay gumagamit ng halamang gamot.

2. Sang-ayon sa paggamit ng halamang gamot ang karamihan sa mga mamamayan.

3. Sang-ayon ang karamihan sa mga mamamayan na epektibo ang halamang gamot.

4. Maraming mamamayan ang naniniwalang maaaring halamang gamot ang halamang

anise.

5. Hindi pamilyar ang mga mamamayan sa halamang anise bilang isang medicinal na

halaman.

6. Karamihan sa mga mamamayan ay nagsabing ang anise ay halamang gamot para sa ubo’t

sipon.

7. Tatangkilikin ng marami ang halamang anise bilang gamot kung mapapatunayan ito sa

mga pag-aaral at eksperimento bilang isang mabisang, ligtas at epektibong gamot sa mga

iba’t ibang sakit.

Mga Rekomendasyon

Matapos malagom ang lahat ng natuklasang datos sa pagaaral, nabuo ang sumusunod na

rekomendasyon:

1. Iminumungkahi ng mananaliksik na magsulong ng mga programa na maaaring

makatulong sa mga mamamayan na maging mas pamilyar sa mga halamang medicinal

tulad ng halamang anise.

2. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsulong ng programa tungkol sa mga parte

ng halaman na maaaring gamitin bilang gamot para tumaas ang kamalayan ng mga

mamayan dito.

Page 6: Filipino Thesis Revision

3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon pa ng karagdagang pag-aaral sa

benepisyong makukuha para sa kalusugan dahil karamihan sa mamamayan ay sumang-

ayon na may benepisyo ito.

4. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon pa ngkaragdagang pag-aaral para

mapatunayan kung gaano ka epektibo ang anise bilang isang halamang gamot.

5. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na sa susunod na pag-aaral tungkol sa anise ay

bigyan diin ang kahalagahan at kung gaano ito kabisa batay sa medisinal na components

nito.

6. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang katotohanan kung bakit

hindi epektibo ang halamang anise bilang gamot.

Page 7: Filipino Thesis Revision

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

I. TITULO NG PAMAGAT ------------------------------------------------------------------------- i

II. PASASALAMAT --------------------------------------------------------------------------------- ii

III. PAGHAHANDOG ------------------------------------------------------------------------------- iii

IV. ABSTRAK ---------------------------------------------------------------------------------------- iv

V. TALAAN NG NILALAMAN ------------------------------------------------------------------ v

VI. MGA KABANATA

A. Kabatana I – Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral

Panimula ----------------------------------------------------------------------------- 1

Layunin ng Pag-aaral --------------------------------------------------------------- 1

Kahalagahan ng Pag-aaral --------------------------------------------------------- 1-2

Paglalahad ng Suliranin ------------------------------------------------------------ 2

Balangkas Konseptual/ Teoretikal ------------------------------------------------ 2-3

Saklaw at Delimitasyon ------------------------------------------------------------ 3-4

Pagpapakahulugan ng mga Terminolohiya -------------------------------------- 4

B. Kabanata II – Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Pinagmulan ng Anise --------------------------------------------------------------- 5-6

Kasangkapan ng Anise ------------------------------------------------------------- 6

Kagamitan ng Anise ---------------------------------------------------------------- 6-7

Anise: Bilang Halamang Gamot -------------------------------------------------- 7-8

C. Kabanata III- Pamamaraan ng Pananaliksik

Paraan ng Pananaliksik ------------------------------------------------------------ 9

Teknik sa Pagsusuri ---------------------------------------------------------------- 9

Paraan ng Pagbibigay-halaga sa mga Datos ------------------------------------ 9-10

Paksa ng Pag-aaral ----------------------------------------------------------------- 10

Pamamaraan ng Pagsusulit -------------------------------------------------------- 10-11

D. Kabanata IV – Paglalahad at Pagsusuri ng Datos ------------------------------------ 12-15

E. Kabanata V – Paglalagom ng mga Natuklasan, Konklusyon,

at Rekomendsyon -------------------------------------------------------- 16-18

VII. BIBLIOGRAFI ---------------------------------------------------------------------------------- 19-20

Page 8: Filipino Thesis Revision

KABANATA I

Kaligiran ng Pananaliksik

Panimula

Noon pa man, ang paggamit ng mga halamang gamot bilang panlunas sa iba’t ibang

karamdaman ay hindi na lingid sa kaalaman ng tao. Ang mga katutubo ay may angking kaalaman sa

paggamit ng mga halamang ito. Sa katunayan, hanggang ngayon ang mga halamang ito ay patuloy

pa ring ginagamit sa kasalukuyan. Sa paglipas ng panahon, napakarami ng naitalang mga halamang

gamot na sinuri at napag-aralan na ng mga eksperto at napatunayang nakatutulong sa pagpapagaling

ng mga karamdaman at nakapaggagamot ng mga sakit. Ilan lamang sa mga pinakapopular na

halimbawa ng mga ito ay ang ampalaya, bawang, luya, oregano, kalamansi, sabila at marami pang

iba.

Ang ating kaalaman sa mga ito ay limitado lamang, kaya’t minsan, hindi natin nawawari na

may mga halaman din pala na mabisang panlunas na hindi pa natin alam. Isa na nga rito ang anise.

Kalimitan, kapag nabanggit ang salitang anise, ang unang sumasagi sa ating isipan ay pagkain, dahil

ang anise ay mas kilala bilang pampalasa sa mga lutuin. Ang anise ay isa ring halamang gamot.

Ngunit malungkot isipin na kaunti lamang ang may alam sa medisinal na halaga nito.

Layunin ng Pag-aaral

Isa sa mga pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang mapa-igting ang kamalayan ng

publiko sa pagtangkilik sa anise hindi lamang bilang isang pampalasa kung hindi pati na rin sa

larangan ng medisina. Nilalayon din ng pag-aaral na ito na makakalap ng mga mahahalagang datos

hinggil sa anise mula sa mga iba’t ibang pinagkakatiwalaang mapagkukunan. Ang mga makakalap

na datos at impormasyon ay magiging kapaki-pakinabang sa pagpapatunay na ang anise ay may

medisinal na benepisyo at sa paglinang ng mga bagong lunas sa iba’t ibang sakit.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral at pananaliksik ng mga halamang gamot, partikular na sa mga

natatanging gamit ng mga ito at ang mga importansya nito sa katawan ng tao. Ang pananaliksik

tungkol sa mga halamang gamot ay magiging sagot sa mga katanungan na patuloy hinahanapan ng

kasagutan sa kasalukuyang panahon. Ang mga natural at ligtas na posibleng lunas sa iba’t ibang

Page 9: Filipino Thesis Revision

mga kasakitan ay maaaring malaman sa tulong ng pananaliksik at sa pag-aaral ng mga halamang

gamot.

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Magkakaroon ang mga mag-aaral ng panibagong kaalamanan ukol sa mga gamit

at importansya ng mga natural na gamot sa ating mga tao. Mamumulat sila sa kagandahan at

kayamanang taglay ng Pilipinas sa mga halamang nakagagamot.

Health Professionals. Sa pag-aaral ng mga halamang gamot, maaari nilang gawing

basehan ang mga datos na nalikom at gamitin ang mga ito sa kanilang mga spesyalisasyon.

Maaaring nilang gawing sanggunian ang mga datos na napatunayan ng pag-aaral.

Ang Publiko. Ang ginagawang pananaliksik ay nakatuon din ang atensyon sa ikabubuti ng

publiko. Kung ano man ang mga napatunayan sa pag-aaral ay makatutulong sa pamumuhay ng mga

tao at naglalayon ng ikabubuti ng bawat isa.

Mga mananaliksik ng halamang gamot. Mabibigyang linaw ang mga katanungan ukol sa

halamang gamot na pag-aaralan. Mas magiging pamilyar ang bawat isa sa mga halamang ito at sa

mga posibleng magandang idulot ng mga ito sa katawan nating mga tao.

Paglalahad ng Suliranin

Hinahangad ng mga mag-aaral na masuri ang epektibo ng anise bilang isang halamang

gamot.

Ang mga sumusunod na katanungan ay inaasahang mabibigyan ng kasagutan sa pag-aaral

na ito:

1. Gaano ba ka-epektibo ang anise bilang isang halamang gamot?

2. Ilang porsyento ng ating mga kababayan ang nakakaalam na ang anise ay hindi lamang

pampalasa kung hindi isa ring halamang medisinal?

3. Ano-ano ang mga chemical na components ng anise bilang isang halamang gamot?

4. Ano-ano ang limitasyon sa paggamit ng anise?

5. Anong bahagi ng halamang anise ang ginagamit sa medisina?

Balangkas Konseptuwal/ Teoretikal

Ang anise bilang isang pampalasa ay napagkaalamang madami pang ibang kagamitan ayon

sa ibang pag-aaral. Ang paradigmang kabilang sa pag-aaral ay ang pagpapatunay na ang Anise ay

Page 10: Filipino Thesis Revision

maraming kagamitan di lamng bilang isang pampalasa. Una, ang pagbabatayan ng pagsusuri ng

pag-aaral ay ibabatay sa epektibong sangkap na dala ng anise bilang mabisang halaman na may iba't

ibang kagamitan. Ibabatay rin ito ang mga iba't ibang pananaw ng ordinaryong mamamayan sa

anise. Pangalawa, ang pagkilala sa gamot sa pamamagitan ng intensibong pagbabasa patugkol sa

nasabing gamot. Hihingin rin ang mga saloobin ng mamamayan patungkol sa kanilang kaalaman sa

halamang Anise. Magkakaroon ng batayan ang mga mananaliksik sa kung ano ang iba't ibang

epektong maidudulot nito sa publiko bilang gamot. Pangatlo, inaasahang mabibigyan na sapat na

kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa halamang anise. Mas mapapalawak ang kanilang

kaalaman sa epektibong paggamit ng anise bilang gamot at mabibigyan ang publiko ng kaalaman sa

iba't ibang epekto nito sa ating katawan lalo na bilang isang gamot.

Pinagbatayan:

pagsusuri ng pag-aaral

ay ibabatay sa

epektibong sangkap na

dala ng anise bilang

mabisang halaman

saloobin ng mamamayan

patungkol sa kanilang

kaalaman sa halamang

Anise

Proseso:

pagkilala sa gamot sa

pamamagitan na intesive

study patugkol sa

nasabing gamot

batayan ang mga

mananaliksik sa kung ano

ang iba't ibang epektong

maidudulot nito sa

publiko bilang gamot

Kinalabasan:

sapat na kaalaman ang

mga mambabasa

patungkol sa kanilang

kaalaman sa halamang

anise

mapapalawak ang

kanilang kaalaman sa

epektibong paggamit ng

anise bilang gamot

mabibigyan ang publiko

ng kaalaman sa iba't

ibang epekto nito sa

atting katawan

Saklaw at Delimitasyon

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagsusuri sa kilalang pampalasang halaman na anise.

Layunin nito na malaman kung gaano ka-epektibo ang anise bilang isang halamang gamot.

Gumamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan upang malaman ang porsyento ng

nakakaalam na pwede itong maging halamang gamot at kung gaano ito kapopular bilang halamang

Page 11: Filipino Thesis Revision

gamot. Isang daan na tao na may edad labing lima pataas ang sumagot ng talatanungan. Umabot ng

limang araw ang pangongolekta ng datos.

Pagpapakahulugan sa mga Terminolohiya

Sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na termino ay nais bigyan ng kahulugan:

Antispasmodic

Ito ay isang gamot na nagpapabawa ng pulikat at spasm

Carminative

Isang gamot na pinapaginhawa ang flatulence o gas

Galactogogue

Medisina na nakapagpapadagdag sa gatas ng ina

Tincture

Hydroalcohol na preparasyon ng isang halamang gamot

Papyrus Ebers

Ang papyrus ebers ng Ehipto ay ang isa sa mga pinakamatanda at pinaka-komprehensibong

talaan ng mga gamot at dosage forms sa larangan ng parmasya.

Page 12: Filipino Thesis Revision

Kabanata II

MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay binubuo ng mga literaturang may kaugnayan sa isasagawang pag-

aaral ng mga mananaliksik tungkol sa mga kagamitan ng anise maliban sa karaniwang gamit nito

na pampalasa. Napatunayan ng mga mananaliksik ang mga karaniwang gamit ng anise sa pang-

araw-araw na buhay ng tao sa pamamagitan ng mga literaturang na basa. Ngunit, sa isasagawang

pag-aaral ay mabibigay pokus ang mga mananaliksik sa iba pang kagamitanng anise lalo na

bilang gamot.

Maaring iba’t ibaang pananaw ng mga tao sa kagamitan ng anise. Ngunit, sa mga

nabasang literatura, mas mapapatunayan ng mga mananaliksik ang pokus napatungkol sa iba’t

ibang kagamitan ng halamang Anise.

Pinagmulan ng Anise

Ayon kay Kate (2002), ito ay maaring nagmula sa Asia ngunit kumalat sa Europa,

Hilagang Africa at Hilagang America. Kadalasan na ginagamit ang Anise bilang pampalasa ng

mga taga-Ehipto at Romano.

Ayon kay Gerhman (2005), sa kasaysayan, ang anise ay ginagamit bilang pampalasa at

pampabango. Ito ay unang nilinang sa Ehipto may 400 na taon na ang nakakaraan. Sa talaan

noong mga unang panahon, ang anise ay may diuretikong gamit, gayun din sa mga digestive

problems. Napag-alaman din na ito ay ginagamit din dati bilang panggamot sa mga sakit sa

ngipin.

Ang mga Griyego naman noong unang mga kapanahunan ay ginagamit ito bilang

kasangga sa paghinga, sa pag-ihi, sa pagpawi ng uhaw, at paggamot sa kanilang mga kasu-

kasuhan.

Page 13: Filipino Thesis Revision

Ang Papyrus Ebers, na sinasabing isa sa mga pinaka-komprehensibong talaan ng mga

gamot sa larangan ng parmasya, ay may nabanggit din tungkol sa anise at itinala ito bilang isang

pampalasa.

Ayon naman kay Parziale (2000), ilang mga kilalang pilosopo din ang nagpatunay sa

mabisang gamit ng anise. Sa paniniwala ni Pythagoras, sa pamamagitan lamang ng paghawak ng

halamang anise ay maiiwasan ang epileptic seizures ng isang taong may epilepsy. Inirekomenda

naman ito ni Hippocrates sa paggamot sa ubo. At ayon naman kay Pliny, ang anise ay mabisa sa

pagpapabango ng hininga, sa pagpapanatili ng kabataan at kagandahan ng isang indibidwal, at

pangkontra sa mga bangungot kung ilalagay sa unan kapag matutulog na.

Kasangkapan ng Anise

Inilahad sa artikulong isinulat ni Mupetesi (2007) na ang buto at langis ng anise ay

maaring gamitin sa pagluto. Ito ay isa sa pangkaraniwang gamit ng halamang anise na ginagamit

papatamis ng iba’tibang lutuin. Kadalasang ang buto ay ginagawang powder pampalasa sa

pagkain.

Ayon naman ki Millar (2004), ang buto ng anise ay kadalasan rin ginagamit sa mga

sanggol. Ginagamot nito ang sakit sa tiyan ay hiccups ng sanggol. Napagkaalaman rin na

pinasasagana ng anise ang paggawa ng gatas ng mga ina para sa mga sanggol.

Ang langis naman nito ay ginagamit bilang pamatay ng insect, peste at anay. Ginagamit

rin ito bilang panggamot ng ubo ng isang naninigarilyo (Vermuelen, 2005)

Kagamitan ng Anise

Gaya nga ng nabanggit, ang anise ay isang pampalasang medisinal. Ang bunga o

buto nito ay ginagamit bilang gamot. Ito ay ginagamit bilang carminative, antispasmodic, tonic,

at anticolic.Ayon din sa ibang mga herbolario, ang anise ay mabisa din bilang gamot sa ubo

(Mitchell, 2003).

Page 14: Filipino Thesis Revision

Sa pananaw naman ni Li (2002), ang Anise ay ginagawang gelatin, candy at freshener.

Ginagamit rin ang anise sa paggawa ng alak dahil sa kakaibang lasang hated nito. Pinatunayan

rin na ang Anise ay pampalasa sa iba’t ibang pagkain.

Nabanggit muli na ang Anise ay ginagawang sangkap sa alak. Sa katunayan ay ito ang isa

sa mga sekretong kasangkapan ng French Liqueur Chartreuse. Maladalas itong gamitin na

pampalasa sa iba’t ibang bansa. Ginagamit naman ito sa Ehipto bilang kasangkapan sa

tinapay. Ang ibang bansa naman tulad ng Rome ay ginagawa itong toothpaste at mouthwash.

Anise: Bilang isang Halamang Gamot

Chemical Components ng Anise

Ayo kay Mitchell (2003), ang anise ay mayroong chlorogenic acid na isang antioxidant sa

atay. Ito rin ay may estragole na siyang dahilan sa kakaibang amoy at lasa ng anise. Mayroon din

itong E-anethole, linalool, estragole, alpha-terpineol, at anisaldehyde. Ang mahalagang

component ng anise ay ang trans-anethole na siyang responsable sa medisinal na kakayahan nito

(The Review of Natural Products, Second Edition 2002).

Mga Kagamitang Medisinal ng Anise

Ayon sa World Health Organization (2004), ang Anise ay ginagamit din bilang isang

medicinal nahalaman. Ang langis ng Anise ay makakatulong iwasan ang bacteria na dulot ng

fungi at yeast. Isinaad niya rin ang iba’t ibang benepisyo nito sa kalusugan.

Ang anise ay ginagamit bilang aromatherpahy para sa may mga Bronchitis, ubo o flu para

mas mabigyan daanan ang hangin para sa medaling paghinga. Tinutulungan rin nito masaayos

ang normal na daloy n gating tiyan. Ginagamit itong panlunas ng plema at epektibo rin ito sa

paggagamot ng asthma.

Ayon rin sa Buzzle (2007), itinataas ng anise ang libido sa pagitan ng babae at lalaki.

Iniiwasan rin nito ang pananakit kapag may dalaw ang mga babae. Epektibo rin ito sa may mga

problemang impotence, cardiovascular functioning at frigity.

Page 15: Filipino Thesis Revision

Ang mga Limitasyon nito sa Paggamit

Ayon sa ibang pag-aaral, ang anise ay may mga limitasyon din bilang gamot na hindi

nagiging epektibo sa ibang bahagi ng medesina.

Binigyang-diin naman ni Holt-Gimenez (2004) na may mga limitasyon rin ang paggamit

ng anise bilang isang halamang gamot. Binigyang-diin ang paggamit ng Anise na gamot sa mga

buntis sa mapanganib na epekto nito.

Maramimang benepisyo sa sang katauhan, ang anise ay maaring maging mapanganib din.

Ang anise ay maaring mag dulot ng allergic reaction sa balat ng tao, at sa respiratory at

gastrointestinal tract. Ang langis nito, kapag nainom ng tao, ay maaaring mag resulta sa

pulmonary edema, pagsusuka, at mga seizures.

Ayon naman kay Burnham (2003), walang sapat na imporamasyon at pag-aaral ang

magpapatunay na ang anise bilang gamot sa scabies, spasms, psorias, ubo, kuto at pagpapataas

ng sexsualidad sa tao.

Pinatunayan naman ni Balch (2012) na ang Anise at dapat sa balat lamang ginagami at

wag ipagagammit s bata o buntis sapagkat ang buto nito ay naglalaman ng plant hormone katulad

sa human estrogen.

Hindi man sapat ang mga kagamitan nito sa ibang panig ng medisina ay mas marami pa

rin naming benepisyo ang makukuha sa Anise bilang gamot.

Page 16: Filipino Thesis Revision

Kabanata III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga istratehiya ng pananaliksik, teknik sa

pagsusuri, pagpili ng respondents o tagasagot, paksa ng pag-aaral, instrumentasyon, paraan ng

pagbibigay halaga sa mga datos, ang pamamaraan ng pagsusuri, at metodolohiya sa pananaliksik.

Paksa ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ang pagiging epektibo ng anise bilang panggamot ang

pinahahalagahan. Nakatuon ang mga mag-aaral sa pananaliksik ng mga napatunayang kakayahan

ng anise sa larangan ng medisina. Ang kamalayan din ng tao, hindi lamang sa anise ngunit pati

na rin sa mga gamit nito, ay mahalaga sa pag-aaral na ito dahil isa sa mga layunin ng pag-aaral

na ito ay ang pagiging beepisyo ng anise sa tao.

Paraan ng Pananaliksik

Ang bahagi nito ng pananaliksik ay ginagamitan ng disenyong pasalaysay, palahad at

pasuri. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang paglalahad ng mga impormasyong nakalap

mula sa iba’t ibang libro, mga jornal, at mga impormasyon mula sa mga pinagtitiwalaang

website ay kinakailangang isasalaysay ng maayos at ng may iisang kaisipan ay kinakailangan

upang maipabatid sa mga mambabasa ang nais nilang iparating. Sa pamamagitan nito,

mapatutunayan sa mga respondents na ang mga datos ay awtentik at tunay na may basehan.

Sinasaklaw din nito ang pamamaraang pasuri upang mailatag ang pamantayan ng

pananaliksik na maaaring maging batayan ng pananaliksik.

Isinasaalang-alang din sa pamamaraang pasuri ang mga gamit, chemical properties, dosage,

botany, mungkahi at side effects ng halamang anise. Ang mga ito ay kinakailangan upang

mailarawan ng wasto ang kabuuan ng pag-aaral.

Mga Tagasagot o Respondante

Sa pananaliksik na ito, ginamit ang istratehiyang purposive sampling kung saan ang mga

mananaliksik ay gumamit ng sarbey sa pagkalapng mga datos. Ang mga tagasagot ng sarbey ay

100 katao mula sa iba’t ibang uri at antas ng lipunan na edad 15 anyos pataas upang masukat at

Page 17: Filipino Thesis Revision

masuri ang bahagdan ng tao na nakakaalam sa medisinal na benepisyo ng anise. Ang mga datos

na natipon ay ginamit upang matugunan ang mga katanungan sa pag-aaral na ito.

Teknik sa Pagsusuri

Sa pag-aaral na ito, sinikap bigyan ng kasagutan ng mga mananaliksik ang mga suliranin na

kanilang nakaharap bago isinagawa ang pag-aaral. Ang pag-uugnay-ugnay ng mga datos ay

mahalaga sa paglutas nito.

Sinikap din ng mga mananaliksik na magtalaga ng angkop ng pamantayan ng pag-aaral

upang maging epektibo at progresibo ang pag-aaral. Kabilang na dito ang pagbasa ng mga libro,

jornal, artikulo at iba pa, at ang pagsagawa ng sarbeyhinggil sa paksang tinalakay.

Paraan ng Pagbibigay-halaga ng mga Datos

Ang mga pagkakalap ng mga datos ay nagiging maabuluhan sa pagpapahalaga nito.

Masusing inorganisa ang mga datos upang makabuo ng tunay, maayos at konkretong

kaisipan hinggil sa medisinal na epektibo ng halamang anise.

Ang mga nakuhang impormasyon ay inayos sa paraan ng grap upang maging maayos at

medaling intindinhin ang mga ito.

Kaugnay nito, masusing sinuri ang mga akdang may kinalaman sa pag-aaral. Sinikap nilang

itala ang mga pangunahing ideya upang mas maipakjita ang kahalagan ng bawat punto na nais

nilang ipakita.

Pamamaraan ng Pagsusuri

Matapos makalap lahat ng mga datos at impormasyon tungkol sa anise, ang mga

mananaliksik ay nagsumikap na masuri at maayos ang mga datos. Ito ay upang makabuo ng

pamantayan sa pagsusuri na maaring magamit sa pag-aaral ng mga sumusunod na paksa, ang

pagiging epektibo at mabisa ng anise bilang halamang gamot, ang mga sakit na kayang gamutin

ng anise, ang chemical properties ng anise, ang mga gamit ng anise sa nakaraan at kasalukuyan

at ang mga iba pang aspeto ng anise na maari pang bigyan-pansin sa pag-aaral. Ang mga ito ay

gagamitan ng istratehiyang paglalarawan, paglalahad, pagsusuri o interpretasyon, pagpapahalaga,

paglalahat, at pagtataya at paglikha.

Page 18: Filipino Thesis Revision

Metodolohiya

1. Ang mga mag-aaral ay nagtipon-tipon upang pumili ng paksa ng kanilang pananaliksik

2. Ang pagkalap ng mga kaugnay na impormasyon hinggil sa kanilang paksa ang kanilang sunod na ginawa. Ito ay kanilang isinagawa sa pamamagitan ng intensibong pagbasa ng mga iba’t ibang libro, jornal at artikulo mula sa mga pinagkakatiwalaang sanggunian, at sa pamamagitan ng mgasarbey na kanilang ginawa

3. Ang mga datos at impormasyong kanilang nakalap ay kanilang sinuri at pinili upang matiyak na ang mga impormasyon sa kanilang sulatin ay yaong may kaugnayan sa kanilang paksa

4. Matapos makalap ang mga kinailangang impormasyon ay sila ay sumulat na ng unang burador

5. Nang matapos ang burador ay kanila itong tsinek upang maitama ang mga mali sa unang sulatin. Muli nilang sinulat at nirebisa ang komposisyon

Page 19: Filipino Thesis Revision

Kabanata IV

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS

Ipinapakita sa Talahayan 1 nasa kabuuang 100 na tagatugon, mayroong 61 na mamayan

na may katumbas na 61% ang gumagamit ng halamang gamot at ang natitirang 39 na

mamamayan na may katumbas na 39% ang hindi gumagamit ng halamanggamot. Batay sa

resulta, karamihan ng mga mamamayan ay sumang-ayon sa paggamit ng halamang gamot.

Ipinapakita

sa Talahayan

2 na sa kabauuang

100 na tagatugon,

mayroong 97 na

mamamayan na may katumbas na 97% ang sumang-ayon sa pagiging epektibo ng halamang

gamot, at ang na titirang 3 mamamayan na may katumbasna 3% ay hindi sumang-ayon sa

pagiging epektibo ng halamang gamot. Batay sa resulta, karamihan ng mga mamamayan ay

sumang-ayon sa pagiging epektibo ng halamang gamot.

Page 20: Filipino Thesis Revision

Ipinapakita sa Talahayan 3 na sakabuuang 100 na tagatugon, mayroong 34 na

mamamayan na may katumbas na 34% ang pamilyar sa halamang anise, at ang natitirang 66 na

mamamayan na may katumbas na 66% ang hindi pamilyar sa halamang anise. Batay sa resulta,

karamihan ng mga mamamayan ay hindi pamilyar sa halamang anise.

Ipinapakita sa Talahayan 4 na sa kabuuang 100 na tagatugon, mayroong 4 na

mamamayan na may katumbas na 4% ang may palagay na ang halamang anise ay may ginagamit

na panlinis. Habang 45 na mamamayan na may katumbas na 45% ang may palagay na ang

halamang anise ay may gamit na panluto at 51 na mamamayan na may katumbasna 51% ang

may palagay na ang halamang anise ay may gamit na panggamot. Batay sa resulta, pinakamataas

ang bahagdan ng mga mamamayan na may palagay na ang gamit ng halamang anise ay

panggamot, susunod ang bahagdan ng mga mamamayan na may palagay na ang gamit ng

halamang anise ay panluto at ang pinakamababa ay ang bahagdan ng mamamayan na may

palagay na ang gamit ng halamang anise ay panlinis.

Page 21: Filipino Thesis Revision

Ipinapakita sa Talahayang 5 na sakabuuang 100 na tagatugon, mayroong 7 na mamamayan na

may katumbas na 7% ang pamilyar sa gamit ng Anise bilang halamang medisinal, at ang

natitirang 93 na mamamayan na may katumbasna 93% ang hindi pamilyar sa gamit ng Anise

bilang halamang medisinal. Batay sa resulta, karamihan ng mga mamamayan ay hindi pamilyar

sa gamit ng Anise bilang halamang medisinal.

Ipinapakita sa Talahayang 6 na sa kabuuang 7 na tagatugon na pamilyar sa gamit ng anise

bilang halamang medisinal, mayroong 3 mamamayan na may katumbasna 42.86% ang nag

sasabing ang anise ay halamang gamut bilang panlunas sa ubo at sipon. Habang 2 mamamayanna

may katumbas na 28.57% ang nag sasabingang anise ay halamang gamut bilang panlunas sasugat

at ang natitirang 2 mamamayan na may katumbas na 28.57% ang nagsasabing ang anise ay

halamang gamot bilang para sa iba pang kagamitan.

Page 22: Filipino Thesis Revision

Ipinapakita sa Talahayan 7 na sa kabuuang 100 na tagatugon , mayroong 89 na

mamamayan na may katumbas na 89% ang tatangkilik sa Anise bilang gamot kung

mapapatunayan ito sa mga pag-aaral at eksperimento bilang isang mabisang, ligtas at epektibong

gamut sa mga iba’t ibang sakit, at ang natitirang 11 na mamamayan na may katumbas na 11%

ang hindi tatangkilik sa Anise bilanggamot kung mapapatunayan ito sa mga pag-aaral at

eksperimento bilang isang mabisang, ligtas at epektibong gamut sa mga iba’t ibang sakit. Batay

sa resulta, karamihan ng mga mamamayan ay tatangkilik sa Anise bilang gamot kung

mapapatunayan ito sa mga pag-aaral at eksperimento bilang isang mabisang, ligtas at epektibong

gamut sa mga iba’t ibang sakit.

Kabanata V

Page 23: Filipino Thesis Revision

LAGOM NG MGA NATUKLASAN, MGA KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom ng mga Natuklasan

Matapos ang ginawang pagsusuri, natuklasan ang mga sumusunod na kasagutan:

1.Propayl ng mga tagasagot

Ginamit na tagasagot ang isang daang tao mula sa iba’t ibang uri at antas ng lipunan na edad 15 anyos pataas.

Napatunayan sa pag-aaral na epektibo ang anise bilang isang halaman gamot sa nakalap

na kaugnay na literatura. Batay kay Parziale, Hippocrates at Pliny ay mabisang halamang gamot

ang anise sa sakit katulad ng ubo at epileptic seizures. Ayon rin sa World Health Organization na

ang langis ng anise ay makakatulong iwasan ang bacteria na dulot ng fungi at yeast. Ginagamit

itong panlunas ng plema at epektibo rin ito sa paggagamot ng asthma. Epektibo rin ito sa may

mga problemang impotence, cardiovascular functioning at frigity ayon kay Buzzle.

Ang propayl ng tagasagot batay sa nakakaalam na ang anise ay hindi lamang pampalasa kung hindi isa ring halamang medisinal ay binubuo ng 7 na mamamayan na may katumbas na 7% na pamilyar sa gamit ng Anise bilang halamang medisinal, at ang natitirang 93 na mamamayan na may katumbasna 93% na hindi pamilyar sa gamit ng Anise bilang halamang medisinal, para sa kabuuang 100 na katao o katumbas na 100%.

Ang mga components ng anise na medisinal ay napatunayan sa mga kaugnay na literature. Ayon kay Mitchell ang anise ay mayroong chlorogenic acid na isang antioxidant sa atay. Ito rin ay may estragole na siyang dahilan sa kakaibang amoy at lasa ng anise. Mayroon din itong E-anethole, linalool, estragole, alpha-terpineol, at anisaldehyde. Ang mahalagang component ng anise ay ang trans-anethole na siyang responsable sa medisinal na kakayahan nito.

Ang mga limitasyon sa paggamit ng anise ay napatunayan sa nakalap na kaugnay na literatura. Binigyang-diin ni Holt-Gimenez na ang paggamit ng anise na gamot sa mga buntis ay mapanganib. Ayon rin sa kanya na ang anise ay maaaring mag dulot ng allergic reaction sa balat ng tao, sa respiratory at gastrointestinal tract. Ang langis naman nito, kapag nainom ng tao, ay maaaring mag resulta sa pulmonary edema, pagsusuka, at mga seizures. Pinatunayan naman ni Balch na ang anise ay dapat sa balat lamang ginagamit at wag ipagagammit sa bata o buntis.

Ang mga bahagi ng halamang anise na ginagamit sa medisina ay napatunayan sa nakalap na mga kaugnay na literatura. Ayon kay Mitchell ang anise ay ginagamit bilang carminative,

Page 24: Filipino Thesis Revision

antispasmodic, tonic, at anticolic. Ang langis naman nito ay ginagamit bilang panggamot ng ubo ng isang naninigarilyo ayon kay Vermuelen.

Mga Konklusyon

Batay sa natuklasan sa pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Karamihan sa mga mamayan ay gumagamit ng halamang gamot.

2. Sang-ayon sa paggamit ng halamang gamot ang karamihan sa mga mamamayan.

3. Sang-ayon ang karamihan sa mga mamamayan na epektibo ang halamang gamot.

4. Maraming mamamayan ang naniniwalang maaaring halamang gamot ang halamang

anise.

5. Hindi pamilyar ang mga mamamayan sa halamang anise bilang isang medicinal na

halaman.

6. Karamihan sa mga mamamayan ay nagsabing ang anise ay halamang gamot para sa

ubo’t sipon.

7. Tatangkilikin ng marami ang halamang anise bilang gamot kung mapapatunayan ito

sa mga pag-aaral at eksperimento bilang isang mabisang, ligtas at epektibong gamot

sa mga iba’t ibang sakit.

Mga Rekomendasyon

Matapos malagom ang lahat ng natuklasang datos sa pagaaral, nabuo ang sumusunod na

rekomendasyon:

1. Iminumungkahi ng mananaliksik na magsulong ng mga programa na maaaring

makatulong sa mga mamamayan na maging mas pamilyar sa mga halamang

medicinal tulad ng halamang anise.

2. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magsulong ng programa tungkol sa mga

parte ng halaman na maaaring gamitin bilang gamot para tumaas ang kamalayan ng

mga mamayan dito.

3. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon pa ng karagdagang pag-aaral sa

benepisyong makukuha para sa kalusugan dahil karamihan sa mamamayan ay

sumang-ayon na may benepisyo ito.

4. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na magkaroon pa ngkaragdagang pag-aaral

para mapatunayan kung gaano ka epektibo ang anise bilang isang halamang gamot.

Page 25: Filipino Thesis Revision

5. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na sa susunod na pag-aaral tungkol sa anise ay

bigyan diin ang kahalagahan at kung gaano ito kabisa batay sa medisinal na

components nito.

6. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang katotohanan kung bakit

hindi epektibo ang halamang anise bilang gamot.

BIBLIOGRAPHYAklat:

Page 26: Filipino Thesis Revision

Balch, Stacey. (2002). Prescription for Herbal Healing, 2 nd Edition: An Easy-to-use A to

Z Reference to hundreds Common Disease and Their Herbal Remedies. USA:

Penguin Publishing.

Burnham, Jeff. (2003). Evident Uses of Herbal Medicines. England: Wiley Publishing.

Gehrmann, B., Koch, W. G., et al. (2005). Medicinal Herbs, A Compendium. The

Hawthorn Herbal Press. USA: New York.

Halford, Nigel. (2006). Evident Uses of Herbal Medicines. England: Wiley Publishing.

Hirsch, J. (2010). High Flavor, Low Labor: Reinventing Weeknight Cooking. USA:

Random House Publishing Group.

Jeff M. (2000) Natural Medicine Comprehensive Database. USA.

Kate, McCormick (2002). History and Preservation of Botanical Plants. UK: MPG

Books.

Li, Thomas S.C. (2002). The Overview of Anise Plant. USA: The Chromic Publishing

Company Inc.

Mitchell, W.A.J. (2003).Plant Medicine in Practice (Using the Teachings of John Bastyr).

Churchill Livingstone. USA: Philadelphia.

Perrine, Daniel M. (2005). Pimpinella Anisum: Anise. New York: Haworth Herbal Press.

Roth, Ingrid (2003). Different Forms of Doges of some Medicinal Plants. Germany:

Springer-Verlag, Berlin Heidelberg.

Page 27: Filipino Thesis Revision

The Review of Natural Products, Second Edition. (2002). Facts and Comparisons. USA:

Missouri.

Varela, Alejandro. (2009). Different Interactions of Medicinal Plants. New York: Nova

Science Publisher, Inc.

________________. (2004). Discovering The Anise Oil. France: WHO.

Journal:

Holt-Gimenez, Eric. “Essential Anise Oil” Top Producer.Vol 22 No 15. January 2004.

LeFevre, Joseph W. “Isolating trans-Anethole from Anise Seeds and Elucidating Its

Structure: A Project Utilizing One- and Two-Dimensional NMR Spectrometry.”

Journal of Chemical Education. Vol 77 No 33. March 2002.

Manning, Elise W. “Cultivation of Anise seeds.” Farmer’s Journal. Vol 61 No 13.

February 2005.

Mupetesi, Thomas. “Culinary Uses of Anise” Vegetarian Voice.Vol 13 No 6. March

2007

Internet:

Anise Seed Nutrition Facts. <http://www.nutrition-and-you.com/anise-seed.html>.

Aniseed Oil. < http://www.essentialoils.co.za/essential-oils/aniseed.htm>.

Parkinson, Rhonda. Star Anise. < http://chinesefood. about.com/od/chinesefoodglos

sary1/g/star_anise. htm>.

Parziale, E. 2000. Anise.Earthnotes Herb Library.Retrieved from:

<http://earthnotes.tripod.com/anise.htm.>