45
Republic Of The Philippines Tarlac State University Tarlac City College of Arts And Social Sciences THESIS SA FILIPINO Submitted to: Ms. Shella Marie Inocencio Submitted by: Ramos Raffy D.

Filipino Thesis

Embed Size (px)

Citation preview

Republic Of The PhilippinesTarlac State University Tarlac City College of Arts And Social Sciences

THESIS SA FILIPINOSubmitted to: Ms. Shella Marie Inocencio Submitted by: Ramos Raffy D. Dupitas Jerico T. Sonza Crisandra M. CASS 1-E

ANO ANG EPEKTO NG PAGLALARO NG DOTA SA PILING KOLEHIYO NG TARLAC STATE UNVERSITY

PANIMULaAng ibig sabihin ng dota ay efense Of The Ancients na isinaayos sa larong Warcraft III The Frozen Throne. Ang dalawang koponan ay may mga toreng tumitira sa kalaban at merong siyanm na tore bago marating ang base ng kalaban. Dahil ang mga toreng ito ay malakas bumawas sa mga karakter ng manlalaro ito ay dinidiskartehan ng mga ito para ito ay mapatumba at makapagpatuloy sa laban. Ang mga karakter o Heroes ay ang mga pinipili ng mga manlalaro para sa larong ito at ang mga Heroes ay sinusuportahan ng mga Creeps na silang tumutulong para matalo din ang kalaban. Mayroong dalawang kuponan at tinatawag itong Sentinel at Scourge. Ang mga Sentinel ay nakabase sa timog kanluran ng mapa sa laro at ang mga Scourge naman ay nakabase sa hilagang silangan ng mapa ng laro. Ang larong Defense Of The Ancients ay nilalaro ng hanggang limang manlalaro kada kopunan. Sa umpisa ay nagpapalakas muna ang mga manlalaro ng kanilang mga piniling karakter at ang mga Computer Killing Units ang

kanilang inuuna para madagdagan ang kanilang Experience Points para ang kanilang lebel ay tumaas at makaipon para sa mga gamit.

Kapag ang lebel ng manlalaro ay tumaas, lumalakas ang kanilang pagbawas sa buhay ng kalaban at humihirap silang patayin.

Ang DOTA ay madalas nating naririnig sa mga kabataan ngayon lalo na sa mga estudyante. Ano nga ba ang meron sa DOTA at sobra na lang ang kasikatan nito sa mga estudyante ng Tarlac State University? dota tayo! yan ang madalas na naririnig natin sa mga tao ngayon, pero ano nga ba talaga ang DOTA? At ano ang epekto nito sa mga mag-aaral ng Tarlac State University? Ang DOTA ay laro ng mga taong walang magawa sabi ng marami pero hindi nila alam ay hindi basta-basta ang larong ito sabi ng marami. Ang larong ito raw ay ginagamitan ng estratehiya, pabilisang bumuo ng gamit at konsentrasyon sa larong ito. Simple lang naman ang gagawin ng mga manlalaro para manalo, kailangan nilang mapatay ang karakter ng kalabang manlalaro, mawasak ang tore ng kalabang manlalaro, mapasok at mawasak ang pinaka importanteng tore ng kalabang manlalaro. Kailangan din palang mag level-up ng karakter na pinili para sa laro at ng kaukulang gamit para dito.

Ano sa tingin ng ating mga magulang kapag naglalaro tayo nito? Ginagastos natin ang pera natin sa mga walang kuwentang laro? Na imbes na pagkain natin ang bibilhin ay DOTA pa ang pipiliin? Na imbes na gawin natin ang mga dapat nating gawin sa eskuwelahan ay mas pipiliin pa nating mag DOTA? O baka naman nahatak tayo ng ating mga kamag aral o mga kaibigan sa eskuwelahan na maglaro nito kaya ng tingin ng ating mga magulang ay masamang impluwensiya sila para sa atin? Napakarami nga namanng alam ng mga taong imbentuhin na laro tulad nito, pero bakit sa ngayon ay nangunguna itong larong ito sa ating unibersidad? Ano ba talaga ang BEHIND THE SCENE sa larong ito?at bakit sobrang nahuhumaling ang mga estudyante ng Tarlac State University dito? Matagal-tagal naring nagsimula ang larong ito pero dati ay kakaunti pa lamang ang mga pagpipilian karakter at gamit, hindi tulad ngayon na parami na nang parami ang mga karakter, gamit at mga estratehiya sa pagbuo ng mga ito. Sa sobrang bilis ng ebolusyon ng larong ito ay hindi man lang naming napansin na napaka laki na pal ng pagbabago ng larong ito. Tulad ng ebolusyon ng grapiko, pagpapadali ng pagbili ng mga gamit. Ano ang mga kagandahan ng larong ito? Mayroon nga ba talagang kagandahan ang larong ito?

Marami din naming kagandahan ang larong ito tulad ng pampalipas inip para sa mga taong walang magawa sa buhay kundi mag DOTA. Okaya namn ay kapag nag away kayo ng bf/gf ay puwede mo itong gawing daan para pansamantalang makalimutan ang sakit na nararamdaman mo sa kaibuturan ng iyong puso. Meron ding iba na kapag stress sa buhay ay ito ang nilalaro pansal=mantala para makag unwind sila. Napakaraming paraan para makalimutan an gating mga problema ngunit sa ngayon itong larong DOTA ang pinaka magandang paraan para makalimutan ang mga ito pansamantala. Kung sisiyasatin ng bahagya ang larong ito ay mapapansin natin na napaka saya palang maglaro ng DOTA. Ikaw kung papipiin ka ba DOTA o gawaing bahay? Malamang DOTA ang pipiin mo dahil Masaya nga naming mag DOTA kesa maglinis, maglaba, magluto, mag alaga ng bata at kung anu-ano pa. At kung iisipin natin ay ibang saya ang mararamdaman natin kapag naglalaro tayo nito. Daig pa natin ang tumama ng jueteng o kaya ay nanalo ng malaki sa saklaan.kapag ikaw naman ay nanalo sa laban ay daig mo pa si superman sa kasikatan, puwede rin naming kapag natalo ka ay hihingi ka pa ng isa pang rematch para ikaw ay makabawi at para matuto na rin.

Kapag 5 on 5 naman ang laban ay siyempre pabilisan kayong dumiskarte at maghalungkat ng mga gamit para kayo ay lumakas at manguna sa inyong kopunan, nasa isip mona noon ay ikaw na ang playmaker ng inyong grupo sa laro, at kapag kayo ay nanalo siyempre daig mopa ang BIG BOSS sa asta at paglalakad at magpapaturo pa ang iyong mga kasama sayo kung paano ang ginawa mong estratehiya sa laro at nanalo kayo.

paglalahad ng suliraninNapakaraming problemang sinasabi sa larong ito tulad ng mga sumusunod: Ang pagwawalang bahala sa pag pasok sa klase dahil sa kagustuhang maglaro. Pagiging Adik (time na, 1hr pa po, time na ulit, extend pa, time na po., puta! Opentime na nga lang!) (Galit pa) Pagkakaroon ng problema sa relasyon na Mag kasintahan o ng magkatipan (babe samahan mo ko sa mall, babe im busy gaming ako oh, ok magsama kau ng dota mo, ok manigas ka sa mall mo)

May mga tiyansang pagkaroon ng sakit / Ulcer (maya na ko mag breakfast 8 plang naman, @ 7pm, shit! d pa pala ako kumakaen ng breakfast dinner na)

Pagkakaroon ng mga Mababang Grado sa eskuwela.. (dota muna ko 1game lang bago ako gumawa ng assignments

Nagiging Walang Galang sa mga Magulang at nakatatanda (anak bili ka nga suka, kau na bumili naglalaro ung tao istorbo ka pa eh) (pag namatay pa hero nya lalong galit) (pucha kc un si nanay namatay tuloy ako)

Pagkakaroon ng mga kaibigang hindi naaayon sa tamang landas.

Pagwawaldas ng pera upang makapaglaro lamang.

Maaring maging dahilan ng pagnanais magnakaw ng pera sa magulang.

Natututong magsabi nga mga bagay na hindi maganda sa pandinig (Mga mura. At iba pang di-kanais nais na bagay)

Nagiging mayabang pagdating sa mga kaibigan porke magaling sa laro

At kulang nalang ay magpatayo na sila ng rebulto ng DOTA at ito na ang sambahin nila.

Tanging mapapansin lang natin sa mga nabanggit ay ang mga bunga ng sobrang paglalaro ng DOTA na madalas ay nadadamay na natin ang mga taong mahal

natin. Pero hindi man lamang natin napansin ang mga bagay na yoon dahil nga tayo ay sobrang busy sa ating paglalaro ng walang katapusang DOTA.

Ang mga bagay na ito ay tanging nakakapagbigay ng maling tingin satin ng iba tao, mula ng naimbento ang mga computer games na pawang nagmula at naImbento ng mga dayuhan itoy nakaka-apekto rin sa ating kapaligiran ang DOTA ay isa lang halimbawa ng laro ng makabagong kabataan.

Sa mga suliraning nakalahad sa aming isinulat ay ang mga halimbaha ng mga problemang kinakaharap n gating mga magulang dahil sa mga naimbentong larong ito

Pangunahing palagayIpag palagay na lang natin na ang larong DOTA ay ang sinasamba ng

maraming kabataan at ang pambansang laro dito sa pilipinas at ito ang kanilang panata PANATANG MAKADOTA dahil na rin sa sobrang dami ng naglalaro at nawiwili dito. Pero sa aming palagay ay mas marami ang napapasama sa larong ito lalo na sa mga kabataang mag aaral. Sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos ay napakaraming imbensiyon ang natutuklasan sa panahon nating ngayon, ang mga touchscreen na cellphone, mga xbox, play station at marami pang iba. Ngunit ang computer games ang nangunguna dahil sa sobrang daming laro na puwede nating pagpilian mula dito, ang counter strike, ragnarok online, grand chase, flyff, rhan online at marami pang iba. Ngunit ang larong DOTA ay namayagpag sa mga manlalarong adik dito dahil daw sa sobrang ganda nang naidudulot nito sa pakiramdam ng mga manlalaro nito, ang saya na hindi mo mabibili kahit saan, ang problema na pansamantalang nakakalimutan dahil sa isa o higit pang oras na paglalaro nito. Ngunit sa kabila nang lahat ng ito ito ay kinakaharap natin ay nagiging tama dang mga kabataan sa kanilang Gawain dahil nahuhumaling sila sa larong ito. Madalas nakakalimutan narin ng mga kabataan ang pagsisimba na dati nilang

ginagawa, ang dating ginagawa sa bahay na ngayon ay hindi na mautusan dahil sa paglalaro nito, ang mga suliranin sa eskuwelahan na nakakalimutang gawin at ang pang araw-araw na suliranin sa buhay na nalalammpasan dahil sobra na ang oras nang kanilang paglalaro nito Nahihirapan din ang ating mga magulang na disiplinahin tayong mga kabataan dahil daig pa natin ang may ari ng bahay kung makasagot tayo sa ating mga magulang nang pabalang. Okaya naman ang pagiging mahina natin sa klase dahil puro DOTA ang nasa isipan natin na mas uunahin pa kaysa sa pag aaral natin ng mga leksiyon natin. Nagkaroon ka ng gf/bf pero ito pa ang inuuna kesa sa taong mahal natin at ito narin ang madalas na pag awayan ng mga mag partner sa ngayon. Okaya naman ang pagiging mayabang ng mga taong magagaling na sa larong ito, at madalas ay puro masasamang salita na ang lumalabas sa ating mga bibig dahil lang ditto. Bakit hindi natin isaisip na laro lamang ito?bakit natin uunahin ito kaysa sa mga mas importanteng bagay na dapat nating gawin sa buhay?bakit tayo nahumaling sa larong hindi naman magbibigay sa atin ng magandang kinabukasan?

Bakit hindi nalang natin isispin na nagpapakahirap ang ating mga magulang para lang maiusad tayo sa ating pag aaral tapos tayo ay kampante lang na naglalaro nito? Hindi ba ninyo naisip na marami na tayong nadadamay na tao dahil lang dito? O baka alam natin ang lahat ng mga bagay na ito ngunit tayo ay nagwawalang bahal lamgng sa mga ito? Ganito nab a ang mga bagong kabataan ngayon? Na kung sumagot sa mga magulang ay wala nang galang? na kapag natalo dito at uuwi sa ating mga bahay ay akala mo kung sino pa tayong mga batas kung magalit? Kahit wala satin ang otoridad? Sana irespeto natin ang mga taong nakapaligid sa atin at huwag idamay dahil lang sa paglalaro nito.

Pamamaraang pag aaral

ginamit

sa

Napaka raming paraan sa pagsuri at pag aaral tungkol sa larong ito. Nagtanong tanong, nakilaro, nakisabwat, nangielam kami sa bagay na ito para malaman ang maraming halimbawa ng manlalaro sa larong ito. At lumabas na sa ating unibersidad ay napaka rami ang nakakaalam sa larong ito. Mapalalake, babae, bakla o tomboy ay alam na ang larong ito. Ang mga estudyante ng CCS o COLLEGE OF COMPUTER STUDIES ay ang una naming tinanong sa mga bagay na ito. Pero siyempre tinanong din naming ang iba pang kolehiyo sa aint unibersidad tungkol sa bagay na ito. Ano ang meron sa dota na wala sa iba?ang isinagot ay, ito kasi ang usong laro ngayon kahit saan ka magpunta.

Bakit niyo nilalaro ang larong DOTA? Dahil ito daw ay nakakapag tanggal ng stress sa katawan lalo na kapag napaka raming ginagawa sa eskuwela.

Anong pipiliin mo DOTA o bf/gf?. Sinabi nila na kung nag away daw sila nang kanilang mga kasintahan ay maglalaro sila nito para makalimutang pansamantala ang kanilang problema. Nkakailang oras ka sa larong ito? Hindi daw nila alam kung minsan na inaabot na pala sila ng hapon o higit pa sa larong ito dahil sobra sila kung mag enjoy dito. Gaano kana katgal na naglalaro nito? Kahit baguhan ka palang ay mabilis kang matututo kung may aalalay sa iyo o kaya naman ay kung gusto mo talaga ang larong ito. Bakit DOTA at hindi ang ibang mga laro?maliban sa uso ito? E kasi sa larong ito ako namulat nang sobra sobra sabi nang mga manlalarong tinanong naming.

Magkano ang nagagastos mo sa paglalaro ng DOTA? Hindi na daw nil;a minsan na nawawalan na sila ng pang kain at pamasahe dahil sa sobrang paglalaro nito atumuutang nalang sila sa kanilang kaklase para makauwi. Gaano ka kaadik sa larong ito? Sobra ang isinagot sa amin dahil daw kahit maisanla na ang cp basta makaplaro nito gagawin nila. Madalas ba kayong makipag pustahan? Oo naman daw dahil sa paraang ito ay nagkaka pera sila. Lalo na kapag malaki ang pusta ng bawat kuponan.

Ito ang mga halimbawa ng karakter at mga gamit sa larong DOTA.

Yan ang ilan lamang sa mga puwedeng pagpiliang karakter sa larong ito.

Narito rin ang mga halimbawa ng pagsasagupaan sa larong DOTA.

Buod

sa

nagging

bunga

ng

pagsusuriSa lahat ng ginawa naming pagsusuri ay nalaman naming na sobrang dami ang nahumaling sa larong ito dahil narin sa ito ang usong laro sa panahon natin ngayon. Kung ating sisiyasatin ng mabuti ay mapapansin nating mas marami ang masamang bunga ng larong ito dahil na rin sa mga taong walang disiplina sa sarili at kapwa. Dahil narin ito sa walang sawang pag imbento ng mga bagay na nagpapadali sa ating buhay at hindi iniisip ang kapakanan ng maraming tao. Tulad na lamang ng ating pamilya, kaibigan, mga taong nagmamahal sa atin na nadadamay dahil mas pinipili pa natin ang larong ito kaysa sakanila.hanggang kalian ang ebolusyon ng makabagong tao? Aabot ba tayo sa puntong mag aaway sahil lamang sa larong ating kinahihiligan nang sobra? Dahil may mga muntik na daw na mangyaring ganitong pangyayari sabi ng ibang estudyante. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili sino at anong pipiliin mo? Sana an gating desisyon ay pag isipan muna natin ng sampung beses o higit pa bago tayo gumawa ng hakbang o bago natin pagdesisyonan ang mga bagay-bagay sa paligid natin dahil konting

pagkakamali lang natin ay malaking epekto na ito sa buhay natin, sa buhay ng mga taong nakapaligid na magmamahal sa atin. At sana unhain muna natin ang tungkulin natin bilang kasapi n gating pamilya na pangunahing gumagabay sa araw-araw nating ginagawa. Huwag nating abusuhin ang binigay ng diyos sa atin dahil baka mapasama pa tayo dahil hindi natin ito ginagamit ng maayos ang ipinag kaloob sa atin ng maykapal. Gamitin natin ito ng tama at wasto, sabi nga ng marami ay maraming oras para sa laro pero unahin muna natin ang mga dapat gawin kaysa sa laro dahil ang oras ay mahalaga. Lalo na ng pag aaral natin. Dahil ang gusto n gating mga magulang ay makapag tapos tayo n gating edukasyon lalo na ngayon na napakahirap maghanap ng trabaho lalo na kapag hindi tayo nakatapos ng kolehiyo. Papaano pa kay kung hindi tayo natapos ng high school? Mas mahirap maghanap ng trabaho hindi ba? Papaano kung mag asawa tayo? Ano ang ipapakain natin sa asawa at mga anak natin? Pagsisisihan lang natin na hindi tayo nakatapos n gating pag aaral kung iniisisp lang natin ang laro sa buhay natin. Tayo kasing mga Filipino ay mahilig sa salitang bahala na mamaya, bahala na bukas, bahala na si batman. Ano namang kinalaman ni batman sa buhay natin? Sarili din naman natin ang maglalagay kung nasaan tayo ngayon sa kasalukuyan at hindi ito kasalanan ng ibang taong nakapaligd sa atin. Kahit na sabihin nating naaya tayo ng ating mga kaibigan ay kasalanan pa rin natin ito dahil hindi natin binigyan importansiya ang

mga dapat nating isaalang alang na mga bagay-bagay. Kung sabagy kung papipilin ang mga manlalaro nito ay mas pipiliin pa nila ito kaysa sa kanilang gf/bf. Dahil ang DOTA bente pesos lang Masaya ka na, samantalang ang bf/gf ubos na time mo, pagod ka pa sa kakatulong sakanila, ubos na pera mo hindi pa Masaya sa ginagawa mo. Mura nga naman ang dota kaysa sa mga karelasyon natin, pero iniisip ban g mga naglalaro nito na may limitasyon din ito? Na may hangganan dahil ito ay gawang tao lamang na agad nawawala sa uso. Sobrang bilis pa naman magpalit ng mga tao ngayon kung ano ang uso. Pagdating na lamang sa mga damit, burloloy sa katawan tulad ng hikaw, kuwintas, bag, damit, sapatos, mga palda at kung anu-ano pang mga bagay-bagay na nauuso ngayon sa panahon natin. Tulad lang ng panahon ngayon na mabilis magbago, mamay mainit, maya maya din lalamig o uulan pa. tulad ng palabas sa telebisyon namay wakas, lalo na ang mga paborito nating mga teleserye.

KonklusyonSa dinami dami ng aming mga natanong na estudyante ay mas marami ang pangit na epekto nito para sakanila, mababang grades, nagiging pasaway sa magulang, hindi pagsunod sa mg autos, pagiging tamad, at madalas na pag awayan. Dahil na rin ito sa maling paggamit natin sa teknolohiyang ginagawa na hindi natin alam gamitin ng tama. Cellphone na lang kapag sinabihan tayo n gating mga guro na itago ang mga ito habang nagkaklase ay hindi natin sinusunod dahil sa katigasan ng mga ulo nating mga Pilipino. Isa pang problema nating mga pinoy ang katigasan n gating mga ulo pagdating sa mga ganitong bagay. Kapag ba tayo ay nakakakita ng salitang BAWAL UMIHI DITO ano ang ginagawa natin? Umiihi parin sa mismong tapat pa ng pader kung saan nakasulat ito. BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO doon pa nakatambak ang mga basurang ikinalat nating mga pinoy. Ganoon ba kahirap intindihin ang mga ganoong mga salita? Tagalong na ang nakasulat pero hindi pa rin tayo makasunod ng maayos. Paano pa kaya sa teknolohiyang kinawiwilihan natin mgayon?

Ang laro ay ginawa lamang nating mga tao kaya sana ay alam natin na mas marami pa tayong puwedeng gawin kaysa sa magfocus dito. Oo walang duda na masaya nga ang larong ito, nakakawala ng pagod, binubuhay ang dugong matagal nang tulog dahil sa daming problemang kinakaharap natin pero hindi natin dapat ialay ang buong oras natin para dito. Kahit nga mga estuyante sa elementary ay naglalaro nito dahil tinuturuan sila ng mga nakatatanda sakanila sa kanilang lugar. Kahit ang mga batang ito ay magagaling na rin sa paglalaro ng DOTA. Dahil minsan mismong si Jerico na aming kaklase ay natalo sa batang elementary pa lamang. Pero ano ang ginagawa ng mga ito maliban sa paglalaro ng DOTA? Pumapasok ban g mga ito? Ginagawa ba nila ng kanilang mga takdang aralin? Kumusta ang kanilang mga grado sa eskuwelahan? \ Paano pa kaya ang kolehiyong estudyanteng katulad natin? Na pagpasok pa lamang natin dito ay solo na natin ang buhay eskuwela natin dahil hindi na natin puwedeng gawin ang ginagawa nating petiks na madalas nating gawin noong high school tayo? Tulad ng pagbubulakbol pero papasa?cutting classes paro may attendance?pagtulog sa klase?baon lang ang habol? Sobrang laki ng agwat mula sa nakasanayan natin hindi ba?ang kailangan lamang nating gawin ay disiplinahin natin ang ating mga sarili ng sobra.

Lalo na kung ang kinuha mong kurso ay ang gusto mo talaga. Dapat kang mag pokus ditto ng sobra dahil mahal ang summer classes, kapag bumagsak tayo maliban sa magastos na mayroo na ring bakas na singko ang grado natin. Nakakahiya pa ito sa ating mga magulang na sesermonan tayo ng saan ba kami nagkulang anak? binigay naman naming ng papa mo ang lahat pero bakit ganito pa ang nakuha mo?nagdadrugs ka ba anak? Siyempre ganyan talaga ang ating mga magulang Sino ba namanng magulang na gustong mapasama ang kanilang mga anak? Depende na lang kung ang maguylang ng iba ay mga drug dealer o kasapi sa mga sindikato at ipinagmamalaki pa sa pamilya ang mga ganitong Gawain. Kahit ano pa man ang mangyari hawak pa rin nating indibidwal an gating hinaharap. Maganda pa rin na may maipagmamalaki tayo sa ating magiging anak natin na tayo ay nakatapos ng pag-aaral kahit medyo tumagilid tayo dahil sa larong DOTA. At sa pamilya natin na nagpakahirap na itaguyod tayo kahit umutang lamang ng pang tuition natin o nagbenta ng kalabaw o nagsanla ng alahas at maging pulubi para lamang maipagpatuloy lang natin ang ating edukasyon.

Ang mga mabubuting kaibigan nating gumagabay sa atin na huwag nating gawin ang mga bagay na makasasama sa atin dahil tayo din ang magsisisi sa bandang huli. Ang laro ay mananatiling laro habang buhay na hindi tayo ang yumayaman kundi ang may gawa ng mga ito, kaya sana na kung hindi natin pinangarap na laruin ito ay ayiusin na lamang natin ang ating pag-aaral nang sa ganoon ay makatapos tayo sa ating piniling propesyon at magkaroon ng magandang trabaho.

RekomendasyonNagsimula sa patentero, tumbang preso, bahay bahayan, luksong baboy, at marami pang ibangmga laro na nakawiwili din para sa mga bata. Pero habang tumatanda ay nagbabago asng kagustuhan ng mga ito lalo na kung sila ang tipo ng tao na nakukuha ang gusto sa isang iglap lamang. Sa hindi matapos na kagustuhan ng tao ay nagkaroon ng malawak na ebolusyon ng teknolohiya para sa ikagagaan n gating buhay na madalas makatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Napapadali ang ating mga trabaho dahil sa mga ito ngunit madalas ito ang nagiging daan para tayo ay maging tamad na dahil alam nating nandyan ang teknolohiya para tumulong sa atin.

Tuloy-tuloy na rin ang pag unlad ng ating unibersidad pagdating sa mga ganitong bagay. Di tulad dati na pahabaan ng pila para makapag enroll ang mga estudyante. Ngayon ay napadali na ng kaunti. Dahil sa mga computer ng bawat kolehiyo sa ating unibersidad na doon na lamang tayo nagpapa tally ng ating mga kinuhang mga paksa.

Narito na rin ang tinatawag nating wifi sa ating canteen na puwede na tayong makakonekta sa internet kahit anong oras natin naisin basta ipa rehistro lamang natin an gating mga laptop sa MISO at puwede na natin itong gamitin. Ang mga ito ay ilan lamang sa napakaraming dahilan kung bakit napapadali ang buhay at trabaho sa ngayon, ngunit itong mga bagay rin na ito ang dahilan kung bakit nagiging abusado ang mga tao dahil ang mga ito ay puwedeng gamitin para sa kasamaan. Sana gamitin natin ang teknolohiya sa magandang paraan at hindi para abusuhin ang ibang tao dahil sa kaalaman natin sa teknolohiya. Dahil ang mga bagay na ito ay ang magdadala din sa atin sa maling daan kapag inabuso natin ang mga ito. Ang ebolusyon ng teknolohiya sa ngayon ay hindi natin alam kung hanggang saan tayo dadalhin kaya gamitin natin ito sa wasto at hindi sa maling pamamaraan.

Mungkahi naming para sa mga manlalaro ng DOTA dito sa ating unibersidad o kahit sa lahat ng taong makababasa n gaming risets na ang laro

ay laro parin kahit anong pagbabaligtad an gating gawin sa mga ito at hindi ito ang pangunahin nating dapat iprayoridad sa ating buhay Naryaan ang DOTA para aliwin tayo hindi para tayo ay malulong sa larong ito. Kaya maganda na laruin lamang natin ito at hindi gawing buhay, dahil walang maidudulot na magan da ang pag abuso natin dito. Marerekomenda naming mga nagrisets ay gawin lamang natin itong libangan para tayo ay malibang hindi para tayo ay mawili ng sobra at kalimutan ang ibang bagay na dapat nating unahin kaysa sa larong ito. Pag-aaral: nandito tayo ngayon sa unibersidad na ito upang mag aral hindi maglaro. Makapasa: Hindi tayo nag aaral para maglaro kundi makapasa dahil ang bawat singko na ating ginagastos ay mahalaga at pinagpapaguran n gating mga magulang. Makatapos: Kailangan nating makatapos ng pag aaral natin kaya tayo ay nag aral ng kolehiyo. Makapgtrabaho:Kapag tayo ay nakatapos, magkakaroon tayo ng magandang trabaho, hindi lang ni=atin matutulungan ang sarili natin kundi makakatulong pa tayo sa ating mga magulang. Magkaroon ng magandang buhay: Kapag tayo ay nakatapos, nagkaroon ng magandang trabaho, tayo ay magkakaroon ng magandang buhay ngunit

nasa sa atin na lang kung ano ang ating gusto sa buhay kung magDODOTA o pilitin nating makatapos n gating edukasyon upang magawa natin ang mga nabanggit. Mas maganda ang makatapos kaysa sa DOTA. Ito ay laro at hindi propesyon para ating seryosohin ng sobra at sirain ang ating pag-aaral dito. Kaya tara na at mag DOTA na tayo. Tandaan laro lang guys ahhuwag gawing adik ang sarili dito.