12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 7: Ang Polo y Servicio Zest for Progress Zeal of Partnership 5 Pangalan : ____________________________________ Baitang at Seksyon: ___________________________ Paaralan : ____________________________________

Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

  • Upload
    others

  • View
    259

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Republic of the Philippines Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 7:

Ang Polo y Servicio

Zest for Progress

Zeal of Partnership

5

Pangalan : ____________________________________

Baitang at Seksyon: ___________________________

Paaralan : ____________________________________

Page 2: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marrylen P. Campos Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:. Tagalapat: Peter Alavanza, Marrylen P. Campos Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa

Dr. Jephone P. Yorong Florence S. Gallemit Jose C. Overa Macaria A. Manuta

Page 3: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Ø makasusuri sa mga epekto ng sapilitang paggawa sa pamumuhay ng mga katutubong Pilipino.

Balikan

I. Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa iyong natutunan sa araling ito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang Gobernador- Heneral na nagpapatupad ng mga repormang pang-

ekonomiya sa Pilipinas? A. Jose Palma C. Jose Basco y Vargas B. Emilio Aguinaldo D. Jose Rizal 2. Alin sa tatlong programang ekonomiko ng Pilipinas ang tungkol sa pagtatanim,

pag-aani at pangangalakal ng tabako nang higit sa kontrol at pangangalaga ng pamahalaan?

A. Real Companion de Filipinas C. Real Sociadad B. Monopolyo ng Tabako D. Monopolyo ng Tubo

3. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng monopolyo sa tabako, MALIBAN sa isa. Alin ito?

A. Ang Pilipinas ang naging pangunahing pagawaan ng tabako sa buong daigdig. B. Naging tanyag ang tabakong Pilipino o Tabakong Maynila. C. Nahikayat pa ang mga magsasaka na magtanim. D. Ang mga magsasakang napinsalaan ay hindi lamang pinagmumulta, binawian din ng lupa.

4. Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng monopolyo? A. Yumaman ang mga ahente. B. Lumaki ang kita ng pamahalaan. C. Matiwasay ang pamumuhay ng mga magsasaka. D. Marami ang natutong manigarilyo.

5. Sang-ayon ka ba sa pagpapatupad ng monopolyo ng tabako sa Pilipinas ? A. Oo, dahil lumaki ang kita ng pamahalaan. B. Oo, dahil naging tanyag ang Pilipinas na tagapagluwas ng tabako sa England at Amerika. C. Hindi, dahil ang mga ahente lang ang yumaman. D. Hindi, dahil mas lalong naghirap ang mga ninuno natin.

Page 4: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Tuklasin

Pag-aralan ang mga larawan.

Anong naramdaman mo nang makita ang mga larawan? Bakit?

Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga sinaunang Pilipino, pipiliin mo bang makipaglaban para sa iyong paninindigan o manahimik na lang para sa kaligtasan ng iyong pamilya?

Lahat ng nasa larawan ay naranasan ng ating mga ninuno nang ipatupad ng pamahalaang Espanyol ang polo y servicio. Kitang-kita rito ang kalunos-lunos na kalagayan nila habang nasa kamay ng mananakop.

Ano ba ang polo y servicio? Bakit ba ito ipinatupad sa bansa?

Ano ang naging kalagayan ng mga Pilipinong sumailalim sa ganitong patakarang pang-ekonomiya?

Aralin 7 Ang Polo y Servicio

Page 5: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Suriin

Basahin at unawaing mabuti ang teksto.

Ang Polo y Servicio Dahil nais ng mga Espanyol na mapakinabangan ang likas na yaman at yamang

tao ng kolonya, nagpatupad sila ng mga patakarang pangkabuhayan sa Pilipinas. Isa sa mga patakarang pangkabuhayan ay ang polo y servicio o sapilitang paggawa.

Ang polo y servicio ay ang patakaran ng sapilitang paggawa. Sa ilalim ng patakarang ito ay puwersahang pinalahok ang mga Pilipino sa iba’t ibang mabibigat na trabaho, tulad ng pagtatayo ng kalsada, tulay, simbahan, gusaling pampamahalaan, galyon at mga bahay na bato. Pinagpuputol din sila ng mga puno para gawing galyon. Ang galyon ay isang uri ng sasakyang-pandagat na hugis half moon na ginamit ng mga Espanyol sa kalakalan at pakikidigma.

Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong gulang. Ayon sa patakaran hinggil sa polo, ang polista ay nararapat na bigyan ng 1/4 real at bigas sa isang araw. Hindi sila dapat ipadala sa lugar na malayo sa kanilang pamilya. Hindi rin dapat isagawa ang polo tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani.

Ngunit, hindi nasunod ang mga nakasaad sa patakarang ito, kaya maraming pag-aalsa ang isinagawa ng mga Pilipino upang wakasan ito. Halimbawa nito ay ang pag-aalsa ni Juan Sumuroy noong 1649.

Ang paghihirap na naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol ay nagbigay-daan sa mga pag-aalsa simula ika-16 na siglo at sa himagsikang sumiklab noong 1896.

Mga Epekto ng Polo y Servicio

Ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Espanyol ay nagpayaman sa kanila, subalit naging sanhi ng paghihirap ng mga Pilipino. Isa na rito ang polo y servicio.

Dumanas ng matinding hirap ang mga katutubo sa ilalim ng polo. Napilitang gumawa ng iba’t ibang mabibigat na gawain ang mga katutubong polista. Kadalasan ay ipinapadala sila sa mga lugar na lubhang malayo sa kanilang tahanan, kung kaya hindi sila nakauuwi ng ilang buwan sa kanilang pamilya. Halimbawa, ang mga taga-Visayas ay dinadala sa Cavite upang pagputulin ng mga puno para sa galyon.

Ang hirap na ginugol ng mga polista para sa paggawa ay halos walang kabayaran dahil ang pambayad dapat sa kanila ay napupunta sa bulsa ng mga alcalde at gobernadorcillo. Dahil wala namang ibinabayad sa mga polista, ang ginugugol nila para sa pagkain ay nakababawas pa sa kabuhayan ng kanilang pamilya.

Kaugnay ng pagdadala sa kanila sa malalayong lugar, napabayaan ang lokal na ekonomiya. Ang mga magsasaka o mangingisda ay naging abala sa sapilitang paggawa. Bilang resulta, bumaba ang produksyon at nagkaroon pa ng mga kaso ng taggutom.

Page 6: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Ang mga dating datu at kanilang panganay na anak ay hindi kasali sa polo. Para sa iba pang kalalakihang nais umiwas sa polo, nagbigay ang pamahalaan ng alternatibo. Maaari silang hindi sumailalim sa polo kung magbabayad sila ng buwis kapalit ng sapilitang paggawa. Ang buwis na ito ay tinatawag na falla. Subalit kakaunti lamang ang may kakayahang magbayad ng falla. Yaong mga ibinayad para makaiwas sa polo ay ibinulsa rin ng mga opisyal.

Ang iba namang ayaw magpasailalim sa polo ay nangungutang sa patubuan upang may maibayad sa isa pang katutubo na magtrabaho kapalit niya. Ang ibang nais umiwas sa polo subalit walang pambayad ay nagtungo sa mga kabundukan at naging tulisan o taong-labas.

Sa kabilang banda, may mabuting dulot naman ang polo y servicio sa bansa. Nakagawa ng mga kalsada, tulay, simbahan, gusaling pampamahalaan, mga bahay na bato, at galyong pangkalakalan ang mga Pilipino noon sa panahon ng pananakop ng Espanyol. Hanggang ngayon, marami pa ring makikitang mga lumang simbahan, gusali, at bahay na bato ang nakatayo at pinipreserba na ginawang makasaysayang lugar o bagay para makita pa ng mga susunod na henerasyon.

Pagyamanin

_____1. Maraming tulay at kalsada ang naipagawa. _____2. May mga lalaking pumunta sa kabundukan at naging tulisan o taong- labas dahil sa pag-iwas sa polo y servicio. _____3. Nakapagpatayo ng mga simbahan at mga gusaling pampubliko. _____4. Naging sanhi ito ng paghihirap ng mga Pilipino. _____5. Dahil dumami ang mga tulay at kalsada, naging mabilis ang paglalakbay. _____6. Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain. _____7. Napawalay sa pamilya ang mga polista sa loob ng maraming buwan. _____8. Nabaon sa utang ang ibang ayaw magpasailalim sa polo dahil nangungutang sila sa patubuan upang may maibayad sa isa pang katutubong magtatrabaho kapalit nila. _____9. Nagkaroon ng makasaysayang lugar at bagay, gaya ng mga lumang simbahan at bahay na bato, para sa susunod na henerasyon. ____10. Nagkaroon ng maraming pag-aalsa dahil sa sapilitang paggawa.

Gawain

_____1. Ang polo y servicio ay patakarang pangkabuhayang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas, kung saan ang mga kalalakihang may edad na

Panuto: Iguhit ang kung ang aytem ay nagpapahayag ng kabutihang naidudulot ng polo y servicio at naman kung hindi.

Gawain A Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M kung mali. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Page 7: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

16-60 ay sapilitang magkaloob ng serbisyo. _____2. Ang mga polista ay binabayaran ng 1/4 real at bigas araw-araw pagkatapos ng kanilang trabaho. _____3. Kadalasang dinadala ang mga polista sa malalayong lugar, kaya nawawalay sila sa kanilang mga pamilya. _____4. Napabayaan ang lokal na ekonomiya dahil sa polo, kaya bumaba ang produksyon ng mga magsasaka at mangingisda at nagkaroon ng mga kaso ng taggutom. _____5. Walang lalaking makakaiwas sa polo y servicio; pati ang mga dating datu at kanilang panganay na anak ay obligadong magserbisyo. Gawain B Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang tamang kaisipan.

1. Ang hirap na ginugol ng polista para sa paggawa ay halos walang kabayaran

dahil ang pambayad dapat sa kanila ay napupunta sa bulsa ng mga alcalde at _________________.

2. Dahil wala namang ibinabayad sa mga polista, ang ginugugol sa kanilang pagkain ay nakakabawas pa sa ________________ ng kanilang pamilya.

3. Ang falla ay buwis na ibinayad ng mga lalaki para makaiwas sa polo. Yaong mga ibinayad ay _______________ ng mga opisyal.

4. Ang iba namang nais umiwas ay _______________ sa mga patubuan upang may maibayad sa katutubong magtatrabaho kapalit nila. 5. Ang manggagawa sa polo ay tinatawag na ____________.

Isaisip

Natutuhan ko sa araling ito na ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay _____________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________. Nalaman ko ring ang mabubuting epekto ng polo y servicio ay _________ _______________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________. Ngunit, akin din nalaman ang mga mga di-mabuting dulot nito sa mga katutubong Pilipino, tulad ng _________________________________________________ _______________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________.

Page 8: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Tayahin

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay isa sa mga patakarang

pangkabuhayan sa panahon ng mga Espanyol. Ilang taong gulang ang mga kalalakihan na dapat magkaloob ng serbisyo?

A.15-30 B. 16-60 C. 10-20 D. 20-50

2. Sa simula ng pagpapatupad ng polo y servicio, kailangang magserbisyo ang mga kalalakihan ng 40 araw kada taon. Ngunit binago ito noong 1884. Ilang araw na lang kada taon magseserbisyo dapat ang mga

kalalakihan? A. 15 B. 20 C. 25 D. 30

3. Ano ang tawag sa sinumang magkaloob ng polo y servicio? A. polo B. servicio C. polista D. enkomendero

4. Ang mga sumusunod ay mga pinapagawa sa mga polista. Alin ang HINDI? A. mga kalsada B. uniporme ng mga sundalo C. gusaling pampamahalaan D. mga bahay na bato

5. May mga alternatibo upang hindi sumailalim sa polo y servicio ang mga mga kalalakihan. Isa sa mga ito ay ang pagbayad ng buwis. Ano ang tawag sa nasabing buwis? A. bandala B. quota C. tributo D. falla

6. Ang ibang ayaw magpasailalim sa polo ay nangungutang sa patubuan upang may maibayad sa isa pang katutubo na magtrabaho kapalit niya. Ano sa palagay mo ang posibleng nangyari sa mga nangungutang sa patubuan? A. Bumuti ang kalagayan dahil nakapagtrabaho sila nang maayos. B. Lumaki ang lupang sakahan dahil hindi natigil sa pagsasaka. C. Naging malapit sa mga opisyal ng pamahalaan dahil sa pagbabayad ng buwis. D. Nabaon sila sa utang.

7. Isa pa sa mga paraan para makaiwas sa polo ay ang pagpunta sa kabundukan. Ano ang nangyari sa mga pumunta sa kabundukan? A. naging tulisan o taong labas B. naging mga minero C. bumuti ang kalagayan sa buhay D. naging matagumpay na magsasaka

8. Ano-ano ang nararamdaman ng mga Pilipino sa ipinatupad na polo y servicio? A. lungkot, galit at poot B. pagsang-ayon at pasasalamat C. pagtataka at pagkabahala D. kasiyahan at pagmamahal

Page 9: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

9. Nahirapan ang mga Pilipino sa mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espanyol. Kadalasang hindi natutupad ang mga benepisyo na dapat matanggap ng mga Pilipno. Ano ang ginawa ng mga Pilipino? A. nag-alsa upang mawakasan ang kanilang paghihirap B. ginalingan ang pagtatrabaho upang maawa ang mga Espanyol C. nagsumbong sa hari ng Espanya D. nagpunta sa ibang bansa

10. Sa kabila ng kahirapang dala ng polo y servicio sa mga Pilipino, mayroon din namang kabutihan ang naidulot nito sa bansa. Ano ang kabutihang ito?

A. Maraming makasaysayang lugar na makikita ang mga sumusunod na henerasyon.

B. Natuto ang mga Pilipinong makipaglaban sa mga Kastila. C. Naging magaling na mga manggagawa ang mga kalalakihan. D. Tumibay ang loob ng mga pamilyang naiwan ng mga polista.

Karagdagang Gawain Panuto: Unawain at saguting mabuti ang inilahad sa ibaba. Gawing gabay ang rubrik para sa pagkuha ng puntos. (5 puntos / aytem)

RUBRIK SA PAGPAPALIWANAG

Pamantayan Deskripsyon

Napakahusay (5)

Tumpak at napakalinaw ng sagot sa tanong na ibinigay.

Mahusay (4)

Malinaw at tama ang sagot sa tanong na ibinigay.

Katamtaman (3)

May kalinawan ang sagot, ngunit may ilang punto na nalilihis sa tanong na ibinigay.

Di-gaanong Maayos (2)

Lumihis ang kasagutan sa tanong na ibinigay.

Sadyang Di-maayos (1)

Hindi natapos ang sagot/ Walang naisulat.

1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga sinaunang Pilipino, pipiliin mo bang makipaglaban para sa iyong paninindigan o manahimik na lang para sa kaligtasan ng iyong pamilya? Bakit?

Sagot:__________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ___________________________________________________________.

Page 10: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

2. Ipagpalagay mong ikaw ay anak ng isang magiging polista. Ayaw mong mahiwalay sa iyong tatay. Gusto mong pumili na lamang ang iyong tatay ng isa sa mga alternatibo upang manatili siya sa inyong tahanan. Alin sa mga alternatibo ang gusto mo para sa iyong ama? Bakit?

Sagot:_________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ ___________________________________________________________.

Page 11: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

Sanggunian:

Lydia N. Agno, R. D. (2006). Marangal na Pilipino. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc., pp. 62-63

Maria Annalyn P. Gabuat, M. M. (2016). Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vibal Group, Inc. , pp. 179-180

mesavnasa.info

slideplayer.com

https://kowalski.weebly.com

Susi sa Pagwawasto

TAYAHIN

1.B

2.A

3.C

4.B

5. D

6. D

7. A

8.A

9.A

10.A

GAWAIN

A. 1.T 2.M 3.T 4.T 5.M B. 1. gobernadorcillo 2. kabuhayan 3. ibinulsa 4. nangungutang 5. polista

BALIKAN 1.C

2.B

3.D

4.B

5.D

PAGYAMANIN

1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.

Page 12: Z P Araling Panlipunan...kalakalan at pakikidigma. Polista ang tawag sa manggagawa sa polo. Kailangang magkaloob ng polo y servicio ang lahat ng kalalakihan mula 16 hanggang 60 taong

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

Region IX Our.. Eden... Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.