Upload
others
View
3
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
March — May 2014 Volume 3, Issue 1
FINANCIAL HIGHLIGHTS As of December 31, 2013
TOTAL ASSETS – Php 152,340,798.39 NETWORTH – Php 83,582,924.66 ALLOCATION OF NET SURPLUS for the year 2013 Interest of Preferred Stock: 4% Interest of Common Stocks: Cargo Handling Operations: 18.78% Credit & Lending Operations: 5.38% Rate of Patronage Refund: Cargo Handling Operations: 4.11% Credit & Lending Operations: 7.51%
39th Annual GA Meeting, Madamdamin at Makabuluhan!
Muling dinagsa ang bulwagan ng Benedictine Nuns of the Eucharistic King Monastery, Salong Calapan City ng mga kasapi ng CALSEDECO noong March 23,2014 upang dumalo sa 39th Annual General Assembly Meeting. Ito ay isang regular na Parliamentary Procedure na kinakailangang idaos ng isang kooperatiba tulad ng CALSEDECO. Ngayong Taon ang tema ng pagpupulong ay “KOOPERATIBA: LAKAS NG PAGBABAGO”. Tunay ngang ipinakita at isinabuhay ng pamunuan at mga kasapi ang tema ng pagpupulong sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng lahat sa dimokratikong talakayan na pinangunahan ni Chairman Denisardo T. Gasic. Naging kapana-panabik ang talakayan tungkol sa pagdadagdag ng Share Capital ng mga kasapi upang
ilaan sa mga Special Projects na nais pagtuunan ng pansin ng CALSEDECO upang higit na mapalaki ang kita ng kooperatiba para sa kapakinabangan ng mga kasapi. Sa huli napagtibay ng lahat na ang tatanggaping Patronage Refund at dibidendo ay idadagdag sa Share Capital ng bawat isa para sa Special Projects. Malinaw na naiparating sa mga kasapi ang reports ng lahat ng komite. Naging madamdamin naman ang mga huling bahagi ng reports ng General Manager,
Gng. Sonia G. Satur at ng Asst. Manager for Finance and Administration, Gng. Marjorie Cuasay kung saan naipahayag nila ang kanilang mga sakripisyo alang-alang sa kapakanan ng buong kooperatiba. Kaya nga masasabi nating lahat, na ang tunay na lakas ng pagbabago ay magmumula sa pag-aalay at sakripisyo ng bawat isang kasapi para sa kapakanan ng nakararami. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-5 ng hapon na masasaya ang damdamin at baun-baon ang tagumpay na nakamit ng buong CALSEDECO.
Nakiisa ang CALSEDECO sa pagdiriwang ng ika-16 na taon ng pagkakatatag ng Calapan bilang isang siyudad sa pamamagitan ng pakikilahok nito sa mga activities noong March 20, 2014 kung saan inilaan sa araw na ito ang Cooperative Day. Una, pinangunahan nito ang isang Symposium tungkol sa pagbubuo ng isang Laboratory Cooperative na dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan ng Calapan. Ikalawa, nakilahok ang CALSEDECO sa mga paligsahan at mga palaro na inorganisa ng
Coop Day sa 16th Founding of Calapan City
Calapan City Cooperative Development Office. Hindi man nakamtan ng CALSEDECO at mga kasama nitong kooperatiba sa ilalim ng Green Team ang kampeonato, subalit masaya naman nitong naipahayag ang ganap na pakikiisa ng bawat kasapi at kooperasyon sa iba pang kooperatiba.
Si Ghia Tenefrancia ang itinanghal na Champion sa Dart Competition-Girls Division. Napagwagian ng Green Team ang tropeo bilang Second Runner-Up sa Over-All Ranking. At ikatlo, pinarangalan din ang ilang lider ng CALSEDECO para sa kanilang natatanging naiambag para sa ikapagtataguyod ng Kooperatiba, tulad nina: G. Denisardo T. Gasic, Chairman of the BOD; Gng. Sonia G. Satur, General Manager, at G. Manuel T. Cubos, Asst. Manager for Credit & Lending Operations.
KUDOS, CALAPAN…
KUDOS…CALSEDECO
MEMBERSHIP
As of March 31, 2014
Total Membership: 7,648
Total Regular Members: 828
Total Associate Members: 5,140
Total Calabco Members: 1,541
Total SMILE Members: 139
ANNOUNCEMENT
39th FOUNDING ANNIVERSARY:
Theme: “Kooperatiba: Lakas ng Pagbabago” Date: May 1, 2014, Huwebes Time: 7:30 AM-5:00PM Venue: Calsedeco Shelterville, Parang, Calapan City
PAALAALA:
Ang lahat ng kasapi ay malugod na inaanyayahan, maging Associate o Regular Member sa pagdiriwang na ito. Bilang bahagi ng pagsasabuhay ng diwa ng Kooperatiba ang lahat ay inaasahang magdadala ng kani-kaniyang baon subalit pagkakalooban ng kooperatiba ng halagang P150.00 bawat isa bilang pang-alalay sa pagkain at ilang gastusin. MAHAHALAGANG GAWAIN:
1. Misang Pasasalamat
2. Blessing of New Basketball court
3. Oath Taking of Officers
4. Sportsfest at mga Larong Pinoy
5. Scholarship Draw
6. Pagkakaloob ng mga PARANGAL para sa mga natatanging kasapi.
CALSEDECO Page 2
MARCH—MAY 2014 KOOP-BALITA VOLUME 3 ISSUE 1
Election of Officers, Matagumpay na Naisagawa!
Ang halalan ng mga Officers ay karaniwang isinasagawa tuwing Annual General Assembly kaya noong March 23, 2014 ay isinagawa ng CALSEDECO ang taunang halalan sa Salong, Calapan City. Ang mga nagwagi sa nasabing halalan ay ang mga sumusunod: A. BOD–Calapan: Israel
Isang sorpresang pagdiriwang ang inihandog ng CALSEDECO sa isa sa mga pangunahing nagtatag (Founder) ng Koopeatibang ito, si NANAY CORING, sa kanyang ika-84 na taong kaarawan. Si Gng. Socorro M. Satur o kilala bilang “Coring”, ang maybahay ni Brgy. Capt. Rosauro C. Satur, ang siyang nagpatuloy ng adhikain at unang namahala ng CALSEDECO. Si Kapitan Siyong Satur ay pinaslang noong panahong nakikipaglaban ang samahan para sa pamamahala ng pantalan ng Calapan noong 1975. Ang kanyang kamatayan ay hindi nasayang sapagkat makikita
ngayon ang tagumpay at mga kabutihang dulot ng kooperatiba sa buong lalawigan ng Or. Mindoro at maging sa ilang bahagi ng Batangas. Kaya nga’t ang tulad ni Nanay Coring ay nararapat lamang na handugan ng isang parangal at pasasalamat. Nagtipon-tipon ang mga empleyado, kargador, kapamilya at mga kaibigan ni Nanay Coring, ganoon din ang
mga Senior Citizens na benepisyaryo ng CALSEDECO. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang Misang Pasasalamat sa pangunguna ni Fr. Josef Situ,SVD. Sinundan ito ng isang simple at makabuluhang pagdiriwang at salu-salo.
NANAY CORING, MABUHAY KA! ISA KANG INSPIRASYON
SA AMING LAHAT!!!
Matagumpay na idinaos ang Symposium para sa Laboratory Cooperative noong ika-20 ng Marso 2014 na ginanap sa Sangguniang Panglungsod Session Hall, New City Hall, Guinobatan Calapan City. Ito ay pinangunahan ng Calapan Labor Service Development Cooperative (CALSEDECO), bilang kauna-unahang kooperatiba na nagkaroon ng Laboratory Cooperative sa Or. Mindoro. Kaalinsabay ng pagdiriwang na ito ang ika-16 na taong pagkakatatag ng Lungsod ng Calapan. Ang nasabing symposium ay dinaluhan ng mga piling mag-aaral na may edad 7-18 taong gulang mula sa iba't ibang dalubhasaan at paaralang sekondarya sa Lungsod ng Calapan, kasama ang kanilang mga tagapayo at guro. Ilan dito ay ang DWCC - High School, City College of Calapan, Oriental Mindoro National High School, Luna Goco Colleges at iba pa. Kasama ng CALSEDECO ang CVMPC, SAMPACA, CGCEMCO at iba pang kooperatiba na bukas at handang mag-organisa ng laboratory cooperative. Layunin ng Symposium na ito na ma-educate at mahikayat ang mga batang mag-aaral na mag-impok sa pamamagitan ng pakikikilahok at pagiging kasapi ng laboratory cooperative upang sa murang edad ay makabahagi sila sa pagpapaunlad ng kanilang buhay at ng lipunan.
Naging bukas naman ang mga mag-aaral sa kanilang pagtatanong at pagbabahagi ng kanilang mga ideya para sa mga Guardian Cooperatives na makakaagapay nila sa pagbubuo ng Laboratory Cooperative. Ang symposium ay natapos sa sama-samang pag-awit ng Cooperative Hymn. Laking pasasalamat ni G. Manuel Cubos ng CALSEDECO sa mga nagsidalo lalong higit sa mga kabataan na siyang naging sentro ng symposium at gayundin sa suporta mula sa Calapan City Cooperative Development Office (CCCDO) upang maisakatuparan ang mga ganitong gawain.
Sinulat ni Bb. Jo Ann Mariel C. Leido
Editorial Staff
Heribert B. Quialquial Editor
Ms. Sonia G. Satur Adviser
Mr. Denisardo T. Gasic Adviser
Jo Ann Mariel C. Leido News Contributor
Schenker T. Marasigan Photo Editor
SUBSCRIPTION
Gusto mo bang regular na makatanggap ng lathalaing ito?
P10.00/taon (4 copies)P3.00/copy Makipag-ugnayan sa pinakamalapit
na opisina ng CALSEDECO.
Pinohermoso – 135 votes B. BOD–Naujan: Eligio Castillo –
216 votes C. BOD–Pinamalayan: Meredith
Yap – 215 Votes Ang apat pang miyembro ng BOD ay nasa pangalawang taon pa lamang ng panunungkulan.
D. Election Committee 1. Melanie Arguelles -
194 2. Cherry Ilagan - 187 3. Mary Rose Venus - 89
E. Audit & Inventory Committee: 1. Madrid Rone - 209 2. Ma. Ginadora Incapaz
205 3. Eduardo Enano – 197
Ikinagalak ng mga kasapi ang maagang pagtatapos ng halalan kumpara sa mga nagdaang halalan.
Congratulations ELECOM for the job well done!
MAHAHALAGANG RESOLUTION
Ang BOD ay nakapagpasa ng 122 Resolutions na pinagtibay ng General Assembly at naririto ang ilan sa mga mahahalagang Resolution:
1. Res. # 20 s-2013: Karagdagang probisyon kaugnay sa SCHOLARSHIP BENEFITS.
2. Res. # 33 s-2013: Pagbabago ng term of payments sa AGRICULTURAL LOAN na gagawing 6-month term sa halip na 4-month term.
3. Res. # 44 s-2013: Pagpapatupad ng SALARY LOAN PROGRAM for TEACHERS.
4. Res. # 45 s-2013: Karagdagang patakaran kaugnay sa CO-MAKERSHIP upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng buong kooperatiba.
5. Res. # 53- s-2013: Pagsasakatuparan ng STUDY NOW PAY LATER PROGRAM upang makatulong sa mga mahihirap at deserving students na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
6. Res. # 92 s-2013: Paglulunsad at implementasyon ng LOAN DEFAULT ASSISTANCE PROGRAM sa ilalim ng Members Support Fund upang makatulong sa member-borrower at maging sa co-maker.
7. Res. # 11 s-2014: Paglulunsad ng mga stratehiya upang makalikom ng sapat na halaga para sa mga SPECIAL PROJECTS.
SYMPOSIUM, PINANGUNAHAN NG CALSEDECO
CALSEDECO FOUNDER @ 84