5
Republic of the Philippines Department of Education NCR Division of Pasay TIMOTEO PAEZ ELEMENTARY SCHOOL Mga Iba't-ibang Uri ng Graph 1. Ang paggamit ng pie chart/graph ay nagpapakita ng pagkahati-hati ng mga bahagi ng isang kabuuan. 2. Ang Talangguhit o Line graph ay ginagamit upang ipakita ang iba’t-ibang impormasyo at datos sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya. Ito ay ginamagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa magkaibang panahon o pangyayari. 3. Ang bar graph ay ginagamit sa paghambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito ng kaugnayan ng mga ideya o paghahambing ng magkaugnay na mga ideya. 4. Ang Pictograph ay ang graph na gumagamit ng mga larawan upang paghambingin ang mga datos o impormasyon. Parirala, Sugnay at Pangungusap 1. Ang sugnay ay lipon ng mga salita na maaaring buo o hindi buo ang diwa. Dalawang Uri ng Sugnay a. Ang sugnay na makakapag-iisa ay lipon ng mga salita o bahagi ng pangungusap na may simuno at panag-uri na may buong diwa b. Ang sugnay na di -makakapag-iisa ay lipon ng mga salita o bahagi ng pangungusap na may simuno at panag-uri, subalit hindi buo ang diwa dahil sa pangatnig sa unahan nito. 2. Ang parirala ay mga lipon ng mga salita na hindi buo ang diwa at bahagi lamang ng pangungusap. 3. Ang salita o lipon ng mga salitang may buong diwa ay tinatawag na pangungusap. Ito may dalawang bahagi simuno at panaguri. a. Ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap ay ang simuno o paksa. b. Ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan sa simuno. Dalawang yos ng pangungusap !araniwan ang tawag sa ayos ng pangungusap na nauuna ang panag-uri sa simuno. "al. Naglakad ng isang milya si #ang Nestor. $i - karaniwan ang tawag sa ayos ng pangungusap kung ang simuno ay nauuna sa panag-uri at may panandang %ay.& "al. 'i #ang Nestor ay naglakad ng isang milya. Uri ng Pangungusap yon sa Ga!it 1. Pasalaysay o Paturol Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. (agi tiong nagtatapos sa tuldok. #ga "alimbawa 'i Norberto ay isang matagumpay na arkitekto. Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong a)is. Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay. 2. Patanong Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. *andang pananong+ a bantas sa hulihan nito. #ga "alimbawa

Reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Reviewer

Citation preview

Republic of the PhilippinesDepartment of EducationNCRDivision of PasayTIMOTEO PAEZ ELEMENTARY SCHOOL

Mga Iba't-ibang Uri ng Graph

1. Ang paggamit ng pie chart/graph ay nagpapakita ng pagkahati-hati ng mga bahagi ng isang kabuuan.2. Ang Talangguhit o Line graph ay ginagamit upang ipakita ang ibat-ibang impormasyon at datos sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya. Ito ay ginamagamit upang ipakita ang pagtaas at pagbaba ng datos sa magkaibang panahon o pangyayari.3. Ang bar graph ay ginagamit sa paghambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito ng kaugnayan ng mga ideya o paghahambing ng magkaugnay na mga ideya.4. Ang Pictograph ay ang graph na gumagamit ng mga larawan upang paghambingin ang mga datos o impormasyon.

Parirala, Sugnay at Pangungusap1. Ang sugnay ay lipon ng mga salita na maaaring buo o hindi buo ang diwa.Dalawang Uri ng Sugnaya. Ang sugnay na makakapag-iisa ay lipon ng mga salita o bahagi ng pangungusap na may simuno at panag-uri na may buong diwab. Ang sugnay na di -makakapag-iisa ay lipon ng mga salita o bahagi ng pangungusap na may simuno at panag-uri, subalit hindi buo ang diwa dahil sa pangatnig sa unahan nito.2. Ang parirala ay mga lipon ng mga salita na hindi buo ang diwa at bahagi lamang ng pangungusap.3. Ang salita o lipon ng mga salitang may buong diwa ay tinatawag na pangungusap. Ito ay may dalawang bahagi: simuno at panaguri.a. Ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap ay ang simuno o paksa.b. Ang panaguri ay ang bahagi ng pangungusap na naglalarawan sa simuno.

Dalawang Ayos ng pangungusapKaraniwan ang tawag sa ayos ng pangungusap na nauuna ang panag-uri sa simuno.Hal.Naglakad ng isang milya si Mang Nestor.Di - karaniwan ang tawag sa ayos ng pangungusap kung ang simuno ay nauuna sa panag-uri at may panandang ay.Hal.Si Mang Nestor ay naglakad ng isang milya.

Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

1. Pasalaysay o PaturolIto ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi tiong nagtatapos sa tuldok.Mga HalimbawaSi Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.

2. PatanongIto ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan nito.Mga HalimbawaSaan-saan matatagpuan ang magagandang tanawin ng Pilipinas?Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang semester?Kanino makukuha ang mga klas kards?

3. PadamdamIto ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam. Maaari ring gamitin ang tandang pananong.Mga HalimbawaAy! Tama pala ang sagot ko.Ano? Hindi mo pa natatapos ang proyekto natin?Yehey! Wala na namang pasok.

4. Pautos o PakiusapAng pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.Mga HalimbawaPautosMag-aral kang mabuti.Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.PakiusapPakibigay mo naman ito sa iyong guro.Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?

Uri ng Pangungusap ayon sa KayarianAng PAYAK na pangungusap ay nakapag-iisa. Malayang sugnay ito na may simuno at panag-uri na may iisa diwa.Hal. Malamig ang simoy ng hangin.Ang TAMBALANG pangungusap ay may dalawa o higit pang paksang pangungusap o sugnay na makapa-iisa.Ito ay ginagamitan ng mga sumusunod na pang-ugnay:a) at - ito ay ginagamit upang dagdagan ang kalinawan ng mga nasabi na.b) ngunit, subalit - Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan ay nagkakasalungatan.c) o - Ito ay ginagamit sa pagpili.Ang HUGNAYANG pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-nakapag-iisa.Ito ay ginagamitan ng mga sumusunod na pang-ugnay:a) dahil, sapagkat - Ito ay ginagamit upang ilahad ang sanhi o dahilan.b) kaya Ito ay ginagamit upang ilahad ang epektoc) kung , kapag Ito ay ginagamit upang ipakita ang mga kondisyon o maaaring mangyarid) upang, para Ito ay ginagamit bilang pagbibigay linaw sa mga inilahad na impormasyon

Mga Uri ng Akda1. Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.2. Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na akda kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.3. Ang parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.4. Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.5. Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

Sanhi at Bunga1. Ang SANHI ang siyang pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari. Ginagamitan ito ng mga salitang dahil at sapagkat.2. Ang BUNGA ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.

Paksang Pangungusap at Pansuportang Detalye1. Ang paksang pangungusap ay naglalahad o nagtataglay ng pangunahing paksa o kabuuang diwa ng buong talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna o hulihan ng talata.2. Ang pansuportang detalye ay sumusuporta o nagbibigay linaw sa pangunahing paksa. Pinatutunayan nito kung ang pangunahing paksa ay totoo o hindi.

Paghihinuha1. Ang PAGHIHINUHA ay ang nagpapakita ng paggawa ng mga pahayag na nabuo mula sa mga obserbasyon at mga pahiwatig ng may-akda.2. Ang opinion o palagay ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito at maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.3. Ang katotohanan ay mga impormasyong napatunayan na totoo. Ito ay mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan.

Isulat kung Karaniwan o Di-karaniwan ang anyo ng pangungusap.__________21. Ang mga tinder ay maraming kita ngayon.__________22. Si Teresa ay nainis sa inasal ng anak.__________23. Mag-aawitan ang mga kalalakihan.__________24. Ang ekonomiya natin ay dapat pangalagaan.__________25. Ang mga huni ng ibon ay kay sarap pakinggan.Isulat ang P kung payak ang pangungusap, T kung tambalan, at H kung hugnayan__________26. Malamig ang simoy ng hangin.__________27. Umalis siya sapagkat dumating na ang kasama niya.__________28. Mabait si Ana at masipag pa.__________29. Maraming bata ang naliligo sa ilog habang ang magulang naman ay naglalaba.__________30. Nagkasakit ang bata dahil sa init ng panahon.__________31. Ginawa niya iyan kasi ipinag-utos sa kanya.__________32. Iyan ang sagot nya samakatuwid siya ang may sala.__________33. Natuwa ang ama dahil sa mataas na marka ng anak.__________34. Maraming ang itinanim nila.__________35. Ang magkapatid ay natutuwa sa pagbabalik ng ina mula sa ibang bansa.