25
Presidential Communications Operations Office News and Information Bureau CABINET REPORT SA TELERADYO – 2 nd EPISODE WITH PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE SECRETARY MARTIN ANDANAR BY LEO PALO – KAAGAPAY NG BAYAN, RADYO PILIPINAS JANUARY 13, 2018 (11:15 A.M. – 12:23 P.M.) LEO: Magandang umaga Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao. It’s another Saturday, another Cabinet Report tayo ngayon. At siyempre pa, ako po ang inyong lingkod, Leo Palo III. SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Cabinet Report sa Teleradyo. Magandang, magandang, magandang umaga po Luzon, Visayas at Mindanao… LEO: Magandang umaga, Sec. SEC. ANDANAR: Ika-labingtatlo sa buwan ng Enero, dos mil disi-otso, another beautiful Saturday morning. LEO: Saturday the 13 th SEC. ANDANAR: Talagang nagmadali ako, partner. Nagmadali akong bumiyahe— LEO: Para lang… SEC. ANDANAR: Para lang maka-attend dito sa ikalawang episode natin ng Cabinet Report sa Teleradyo. Doon tayo sa Tagum City, sa Davao. Napakaganda ng Tagum City Hall, parang hindi city hall, parang isang napakalaking building sa Makati. LEO: Malapit lang ang lugar namin diyan, iyong mga Palo… SEC. ANDANAR: Ah, ganoon ba? LEO: Oo, diyan sa Pantukan. Kamusta kayo diyan, maayong buntag diyan sa Davao. SEC. ANDANAR: Oo, at kaya binabati natin si Speaker Alvarez ng Happy Birthday. 60 th birthday ngayon ni Speaker Alvarez. LEO: Ay happy talaga siya, nandoon ka.

Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

  • Upload
    vuminh

  • View
    213

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

Presidential Communications Operations Office News and Information Bureau

CABINET REPORT SA TELERADYO – 2nd EPISODE WITH PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

SECRETARY MARTIN ANDANAR BY LEO PALO – KAAGAPAY NG BAYAN, RADYO PILIPINAS

JANUARY 13, 2018 (11:15 A.M. – 12:23 P.M.) LEO: Magandang umaga Pilipinas – Luzon, Visayas, Mindanao. It’s another Saturday, another Cabinet Report tayo ngayon. At siyempre pa, ako po ang inyong lingkod, Leo Palo III. SEC. ANDANAR: Ako po naman si Secretary Martin Andanar, at ito ang Cabinet Report sa Teleradyo. Magandang, magandang, magandang umaga po Luzon, Visayas at Mindanao… LEO: Magandang umaga, Sec. SEC. ANDANAR: Ika-labingtatlo sa buwan ng Enero, dos mil disi-otso, another beautiful Saturday morning. LEO: Saturday the 13th… SEC. ANDANAR: Talagang nagmadali ako, partner. Nagmadali akong bumiyahe— LEO: Para lang… SEC. ANDANAR: Para lang maka-attend dito sa ikalawang episode natin ng Cabinet Report sa Teleradyo. Doon tayo sa Tagum City, sa Davao. Napakaganda ng Tagum City Hall, parang hindi city hall, parang isang napakalaking building sa Makati. LEO: Malapit lang ang lugar namin diyan, iyong mga Palo… SEC. ANDANAR: Ah, ganoon ba? LEO: Oo, diyan sa Pantukan. Kamusta kayo diyan, maayong buntag diyan sa Davao. SEC. ANDANAR: Oo, at kaya binabati natin si Speaker Alvarez ng Happy Birthday. 60th birthday ngayon ni Speaker Alvarez. LEO: Ay happy talaga siya, nandoon ka.

Page 2: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Of course, nandoon si Presidente. Nandoon si Presidente kahapon. Naku, ang daming kinuwento ni Presidente doon. Anyway, ito po’y napapanood… ang Cabinet Report sa Teleradyo dito po sa PCOO FB page, RTVM, PIA, PNA. Of course, napapakinggan po dito sa Radyo Pilipinas 738 AM, Radyo Pilipinas Uno. Dito ninyo po malalaman lahat ang proyekto’t accomplishment ng bawat ahensiya ng pamahalaan, at dito ninyo rin po mapapakinggan ang mga update mula mismo sa mga Gabinete. LEO: Siyempre pa, at anumang issue mga kababayan o usapin sa kinasasangkutan ng ating mga ahensiya ng ating pamahalaan, dito lilinawin ‘yan, mula ‘yan mismo sa Cabinet Secretaries ng mga ahensiya kung anuman ang tutukuyin natin ngayong araw na ito. ‘Ayan… SEC. ANDANAR: Batiin natin ang mga… mayroon tayong mga bisita dito sa studio. LEO: Ay oo, siyempre pa… mamaya-maya ‘yan ha. At sila po ay narito dahil gusto nilang malaman, ano bang mayroon, ano bang pag-uusapan ngayong mga araw na ito ang ating mga tech bloggers narito po sila – sina Sir John Cueto(?), Axel Jun Guinto, PWD blogger, si Mercy Maata(?), Dante Ward -- tama ba ako sa aking mga sinasabi? Rommel Santiago, Jervy Jobo(?) – ‘yan ang ating mga guests ngayon dito, ang ating mga… SEC. ANDANAR: They’re observing, and they also—alam mo partner, mahalaga kasing maintindihan ng madla kung bakit napakahalaga itong Digital Terrestrial Television Broadcasting. Dapat maintindihan nila kung bakit mahalaga itong Emergency Broadcast System at Data Casting na kamakailan lang ay inilunsad natin dito sa PTV with the Minister of Internal Affairs and Communications sa Japan na si Minister Seiko Noda. So, ang panauhin na kailangan na makausap, ma-interview natin para maintindihan natin dito ay walang iba kundi ang ating GM. LEO: Oo, ang General Manager ng PTV siyempre pa. Ipapakilala ko na ba? SEC. ANDANAR: Ay puwede rin, puwede rin. Ngayon na, ipakilala mo na. tapos of course— hindi, bago mo ipakilala si GM, ipakilala muna natin iyong mag-a-assist sa atin para mas lalong maitanong iyong mga tamang tanong. Kasi para maintindihan ng lahat, dapat expert iyong nagtatanong sa ating GM. LEO: Oo. Kasi inaamin ko Secretary, hindi ko rin alam ang DTTV. SEC. ANDANAR: DTTV, Emergency Broadcast System and Data Casting. LEO: Oh ‘yan… ‘yang mga ‘yan ay malalaman ninyo po ngayon dito at in layman’s term, maipaliwanag man lamang sa atin ng ating mga eksperto ang bagay na ito para maintindihan ng bawat Juan Dela Cruz, ano ba ito? SEC. ANDANAR: Dahil napakasuwerte natin ngayong administrasyon na ito, na ngayon ay mayroon na tayong DTTV, Emergency Broadcast System at Data Casting. Ito po ay ano lang,

Page 3: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

ito’y pangarap lang. nagsimula ito ng panahon ni Pangulong GMA, at sinubukan na ilunsad noong panahon ni PNoy— LEO: Pero hindi natuloy. SEC. ANDANAR: Pero ngayon lang nangyari. LEO: Oo. Hindi ko alam bakit hindi natuloy. ‘Yan… anyway— SEC. ANDANAR: Oh, pakilala— LEO: Pakilala ko muna iyong ating isa sa mga guest. Alam ninyo, kilala ninyo po ito… kilalang-kilala ninyo at lagi ninyo itong naririnig, lagi ninyo itong nakikita. Ang aking kaibigan… paliguy-ligoy pa ba naman ako – isa po siyang expert pagdating po sa technology, modern technology, I should say siyempre, pagdating sa cellphone, sa computers. Ngayon tatanungin natin sa kaniya, ano bang mayroon dito DTTV na ‘to… ladies ang gentlemen, walang iba kundi ang aking kaibigan, galing din ito sa kabila—sa kabilang istasyon. SEC. ANDANAR: Inikot na nito— LEO: Lahat, inikot na nito, oo… hindi ko malaman kung bakit. Ladies and gentlemen, Jerry Liao. JERRY LIAO: Yes, good morning po. Good morning idol Leo. Siyempre good morning Secretary… SEC. ANDANAR: Martin lang (laughs)… Alam mo, sabay kami nagsimula nito… sa GMA— LEO: Oo, kinukuwento nga niya kanina. SEC. ANDANAR: Sa morning show, saka sa programa ni Igan, DZBB. LEO: Kinukuwento nga niya, kaya sabi ko sa kaniya maliit pa ako, naka-kansursilyo pa ho ako… oo, idol ko na ‘tong dalawa. SEC. ANDANAR: Sipunin ka pa noon, oo tama. Pare… Jerry, Jerry… JERRY LIAO: Yes, good morning po. Congratulations at DTTV na tayo… SEC. ANDANAR: Salamat Jerry, salamat at pinaunlakan ninyo kami. Alam naming busy ka, and of course you are very in-demand. LEO: At siyempre, kasama rin natin of course mula po sa PTV4, diretso na natin si GM…

Page 4: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Alam mo, itong si GM ay isang broadcast engineer. Broadcast engineer at malawak din ang kaniyang karanasan sa larangan ng broadcasting. Ilang dekada siyang nagtrabaho sa United States bilang broadcast engineer sa NBC. NBC ha… hindi lang basta-bastang NBC ha, ito iyong—ano ba ibig sabihin ng NBC sa America? GM DINO APOLONIO: National… SEC. ANDANAR: Dito kasi Nation Broadcasting, ABC… American Broadcasting Corporation, KXTV at… alam mo itong si GM ng PTV ay matagal din itong naging Head ng technical engineer nila noong kasagsagan ng giyera doon sa Sarajevo. Alam mo iyong likod niya, may tama ‘yan. LEO:Ganoon? Kita mo naman ha… tsk, tsk, tsk… SEC. ANDANAR: Oo, he’s got the guts to prove it (laughs). Pero—and then he joined TV5. And of course now, he has PTV… Ladies and gentlemen, ang aming GM po sa PTV para sagutin ang mga katanungan pagdating sa DTTV, si Dino Apolonio. Dino, good morning. GM DINO APOLONIO: Good morning, Secretary at kay Leo. Magandang umaga po sa inyo at sa mga tagapakinig. LEO: Boses pa lang… SEC. ANDANAR: Boses pa lang ulam na. LEO: Ano ba ito… SEC. ANDANAR: Baka mawalan ka ng trabaho (laughs). LEO: Mga kababayan, ang nakapalibot po sa akin mga batik-batik (laughs)… batikan. SEC. ANDANAR: Oo, puro magagaling. LEO: ‘Pag naghubad po ito, batik-batik ang mga likod nito (laughs). Anyway so mga kababayan, ang dami po nating—actually isa lang ang pupuntuhin natin ngayong araw na ito, dito nga po sa… ang issue nito —ako, kaya gusto ko ring malaman ano ba talaga ito. Nabanggit mo Secretary sa isang interview – from analog to digital. So doon ako gustong—gusto ko doon magsimula. Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan, ng ating mga nanay, mga lola’t mga kuya’t ate na nakikinig po sa atin ngayon at nanonood sa pamamagitan po ng ating mga live streaming. ‘Ayan… Siguro unahin kong… ikaw muna, kasi gusto kong malaman mula sa’yo – bilang isang anchorman…

Page 5: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Ipapasa ko na lang kay Jerry… LEO: Hindi, gusto ko ngang malaman sa’yo.. SEC. ANDANAR: (Laughs) Hindi, hindi… kasi ganito ‘yun… DTTV – Digital Terrestrial Television Broadcasting, ito po ay isang sistema ng broadcasting na, number one, pinapadami niya iyong channel ng analog. So for example, kung ikaw po ay mayroong TV station, ang TV station mo ay PTV – isang istasyon lang ‘yan, PTV4. Ipihit mo iyong channel mo, 4, iyon lang iyon. Pero with DTTV, iyong isang channel nagiging pito. LEO: Ah… SEC. ANDANAR: So because of technology, nai-split na iyong channel na iyon at mas nagiging efficient iyong paggamit ng frequency at mas nagiging malinaw – that’s number one. Number two, mas high definition iyong napapanood mong pictures – so iyon iyong DDTV. LEO: Meaning, pagka sinasabi ho kasing high definition is talagang clear ang nakikita mo. SEC. ANDANAR: Clear… Number three, ‘di ba usually kung gusto mong maraming channel, mag-subscribe ka sa cable – magbabayad ka. Kapag pumunta ka sa mga bansa tulad ng Australia, America, Japan iyong mga… hindi iyong mga Digital TV Broadcasting nila, sistema, libre… So you just open your television, basta mayroon kang digital receiver, and then you have more channels. So for example NBC, National Broadcasting Corporation before only had one channel. Ngayon mayroon na silang one channel dedicated to news, one channel dedicated to sports, so iyon din ang mangyayari dito sa PTV. LEO: Wow… So, napakasuwerte naman ni GM pala – sa panahon niya ito mangyayari. SEC. ANDANAR: Hindi, napakasuwerte ng ating mga kababayan ‘di ba? LEO: Iyon... Dahil sa panahon ng Pangulong Rodrigo Duterte pa. SEC. ANDANAR: So itong technology na ito like what I mentioned earlier, matagal ng pinangarap panahon pa po ni Presidente GMA, panahon ni PNoy, ngayon under the Duterte administration ay mangyayari na ito. Kaya tanungin natin si Dino. Dino, tatlo iyong project na inilunsad ninyo DTTV emergency broadcasting system and data casting. Puwede mong ipaliwanag sa amin ang kahalagahan nitong tatlo na ito? GM APOLONIO: Yes sir, ang unang una po ang DTTV. Ang Digital Terrestrial Television Broadcast, ang EWBS or early warning broadcast system at ang data casting ay inherent technology po ng digital broadcast. So unang-una ang pinaka layman’s term, in layman’s term ko ho na naiisip para ma-differentiate ang analog television sa digital television sa ating mga kababayan ay makikita po ninyo ang diperensiya noong qualities ng inyong

Page 6: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

napapanood. Sa analog, dito po sa analog broadcast kung—karamihan ang mayroon sa ating, nakikita ninyo po diyan may nag-go-ghosting o parang nagdo-doble iyong image kapag medyo malayo na po tayo sa transmission point nakikita ninyo na po talaga na hindi na maganda or maliwanag iyong inyong napapanood, iyong isa parang minsan parang mayroong mga slow— LEO: Kumbaga traffic na ang signal— GM APOLONIO: Pagdating naman po sa digital regardless po basta nare-receive ninyo ang maski mahinang signal ng digital, malinaw pa rin ang pasok, malinaw pa rin ang pasok regardless kung whether malapit kayo doon sa transmission point kayo ang farthest point, pareho pa rin iyong quality. LEO: Pati iyong mga nasa ilalim ng mga tunnel mayroon pa rin? GM APOLONIO: Well depende na po iyon pagdating po doon sa kung anong channel kayo nandidiyan, mayroon po tayong penetration factor. Although, doon po sa technology may mga areas po na hindi naaabot ng main transmitter ay puwede pong punuan ng kung tawagin ay gap fillers, so magkaroon ng mga mini transmitter para punuan iyong mga gaps. LEO: Alright GM, bago kita patuluyin dito sa patuluyin dito sa tatlo, kasi ito ipapaliwanag mo sana. Pero nasa linya muna natin, isama na natin sa ating talakayan ngayong oras na ito ang ating Secretary ng DICT, siyempre pa, ang Department of Information and Communications Technology. My God pinalilibutan na ako ng mga text. [laughs]. Harap at likod ko pati sa telepono kasama ko na. SEC. ANDANAR: Oo, noong inilunsad natin so nagkaroon ng ceremonial switch on ng DTTV ay present doon si Secretary Rio ng DICT napakahalaga ang—maraming tanong kasi kasama rin sa mga naging pakay ng pagpunta dito ni Minister Noda ay iyong pagpapalakas ng broadband sa pamamagitan ng information technology ng Japanese government. So si Secretary po ay dating heneral ng Armed Forces of the Philippines na nagretiro noong October 2000, nagsilbi siya sa AFP sa larangan ng communications and development at noong 2002 napili siyang most outstanding professional in the field of electronics and communications ng Professional Regulation Commission or PRC, siya po ay na-appoint noong September 2016 bilang Undersecretary for special concerns ng DICT at ngayon po ay siya ang OIC Secretary. Mga kababayan nandito na po ang ating mahal na Kalihim, Secretary Rio, magandang umaga po sir. LEO: Secretary, good morning. USEC. RIO: Magandang umaga din po, magandang umaga sa inyong lahat at sa lahat ng nakikinig sa atin. Magandang umaga.

Page 7: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Okay, Sec. Rio kasama ko si Leo Palo, si Dino Apolonio at si Jerry Liao and siguro bago kayo magpatuloy doon sa aming diskusiyon about Digital Terrestrial Television Broadcasting, gusto po naming malaman sa inyo kung ano po iyong mga napag-usapan ninyo ni Minister Seiko Noda. Kasi alam ko after our meeting doon sa PTV at after our bilateral between PCOO and the MIC ay kayo po ang nag-meeting with Minister Noda. USEC. RIO: Opo, iyong meeting po namin ni Ms. Noda is more on the National Broadband Plan ng Pilipinas po at talaga ho sila ay very keen in giving us support para mapaunlad natin iyong ating National Broadband Plan, isa ho iyon sa pinag-usapan then iyong... of course iyong disaster management, iyong ating government emergency communication system na kailangan na kailangan natin during mga typhoons and earthquake. Kung matandaan ninyo ho iyong Japan ho ay katulad din natin na bibisitahan ng typhoon, may earthquake may volcano at sila ho ay nakapag-manage ng mabuti ng kanilang communication pagdating ho nitong mga disasters. At gusto ko nga idagdag ho dito sa digital TV natin ay isa ho ito sa—maging isang sistema na makapagbigay ka ng warning sa ating mga kababayan kung magkaroon ng mga sakuna dahil ito ay isang—maraming term ho itong system na ito na anytime kahit na ho patay ang TV ninyo ay puwede hong buksan kapag may disaster ho so magandang warning at iyan ho ay talagang ginagamit ho sa Japan. Then of course iyong tutulungan ho tayo dito sa mga teknolohiya na kailangan na kailangan natin especially sa mga paggawa ho ng ating mga government platform. Gusto natin ho na lahat ng serbisyo ng gobyerno ay mabigay online kahit na sa mga kababayan natin sa mga malalayong lugar, hindi na po kailangan pumunta sa mga siyudad para kumuha ng... let say NBI clearance or passport or iyong kanilang mga driver’s license o ito ho iyong mga pinag-usapan namin kung paano kami or tayo matulungan ng Japanese government ho and mga ibang mga bilateral matters like kung paano kami maging—mag-cooperate sa ITU (?) para ho iyong mga kandidato natin ay ma-elect ho sa mga different position sa ITU. Iyan ho ang mga napag-usapan po namin. SEC. ANDANAR: Okay, Sec. Rio, during our pull-aside with Minister Noda, doon nangyari doon sa pagbisita niya kay Pangulong Duterte ay naitanong natin ‘di ba kung interesado sila doon sa pagiging—o kung interesado ba ang Japan na mag-bid as a—third player. Ano po ba ang napag-usapan? Kung interesado ba ang Japan na maging... na mag-bid para maging third player because I understand na base on your Cabinet report ay ang PT&T and a Korean firm which... ang sabi naman sa akin ng PT&T ay LG Plus ang gustong makipagtrabaho. So they are looking at the—a consortium with the LG Plus. Now with the Japanese government coming in, so ang ibig bang sabihin nito ay magiging tatlo na ang interesado? USEC. RIO: That is right sir… Iyong Japan mayroon na ho sila dito iyong NTT iyong pinakamalaking Japanese Telecommunication Company ay of course partner na with PLDT. Ang interesado sa pag-invest sa atin din is iyong number two nila, iyong KDDI, the second biggest telecommunication company. And well of course kailangan maghanap sila ng Filipino

Page 8: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

partner dahil sa Constitution nga natin, 40 percent lang ho ang foreign ownership, but they are very much interested and in fact they are seeking help with the department to find, or to partner with a Filipino Telco ho. LEO: Sec., linawin ko lang. KBBI? Tama ba? USEC. RIO: KEDI— LEO: Ah KEDI? USEC. RIO: No, no, K double D-I. LEO: Ah KDDI? Ah iyon, iyon. Sec., nandito si Jerry Liao ang aming guest ngayon. May tanong kay Pareng Jerry? JERRY LIAO: Yes, good morning Secretary Rio. USEC. RIO: Good morning, Jerry. Magandang umaga. JERRY: So magandang balita po iyan na magkakaroon tayo ng players, pero to the consuming public, iyong mga gumagamit ng internet, ano po iyong magiging parang advantage dito sa ating mga gumagamit ng internet? USEC. RIO: Opo, iyong third player ho ay isang—iyon nga ho ang puwede nilang pasukan kaagad iyong fixed-line internet ho, dahil kung mapuna ninyo iyong ating dalawang kumpanya, iyong Globe and Smart, they are more—doon sila more concern sa kanilang mobile access, kung mapuna ninyo halos lahat tayo nag-a-access ng internet through their mobile tracking structure. Kahit na nasa bahay ho tayo, sa opisina, doon pa rin tayo pumupunta sa cell sites nila. Ang cell site ho ng dalawa ho ay very-very inadequate kaya very congested na ho at kaya nga ho mabagal na dahil sa dami ng gumagamit. And ang solution ho dito ay bakit hindi ho natin pairalin iyong line, iyong mayroon ho tayong—kung mayroon hong Wi-Fi sa isang lugar, establishment, hindi na ho tayo maghahanap ng Globe and Smart ho. ‘Di ba mostly kung nasa isang lugar tayo, restaurant ang unang tanong natin, ‘May Wi-Fi ba dito? Anong password?’ JERRY: Correct. USEC. RIO: Sa pamamagitan po niyan mas mabilis at mas mura ho iyong magiging internet connection if it’s a through a fixed-line access. Yun ho ang kulang natin, almost lahat tayo subscriber na ng Globe and Smart so ilang bahay, ilang opisina, ilang establisyemento sa buong Pilipinas na mayroong wide connection, mga 17 percent lang ho. So dito kaagad malaking market ng—itong third Telco. At of course iyong gobyerno rin mayroon na ho tayong pinapairal na free Wi-Fi ay puwede rin ho itong magiging market din nitong third party player. Iyong RA 10929 na nagmamandato sa DICT to give free Wi-Fi access sa lahat ng

Page 9: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

public places, we are targeting 260,000 so malaking market po iyan. And ang nakapag—well ang Globe and Smart kailangan pa rin silang magpadami ng kanilang cell sites, pero kung itong third player ay mag-concentrate sa fixed access sa mga landline ay makapag compete talaga sila dito. SEC. ANDANAR: So linawin natin, Sec., sa 200,000 plus na Wi-Fi spots na gagawin ng DICT. I understand 60,000 ang gagawin this year? USEC. RIO: Mga ganiyan po. Well mga about—kalahati lang ho niyan muna dahil nag-uumpisa pa lang. But before the end of the term of this administration 2022 iyon ang target namin. SEC. ANDANAR: Alright. So 200—30,000 this year. At ang pangalawang tanong ko Secretary is that binanggit mo kasi doon sa Cabinet report mo na within the first quarter of this year so meaning by March ay dapat makapagsimula na iyong third player ng Telco. Can you just give us a brief summary or, in layman’s term ‘no—paano ito mangyayari? Ano iyong mga steps na gagawin po ng DICT? USEC. RIO: Thank you for that question, Secretary. Okay po, iyong utos sa amin talaga three months, kasi actually ho matagal na ho itong gusto ni Presidente. Well more than a year ago gusto niya na hong magkaroon ng third player. So ngayon ho na nagkaroon na ho ng bilateral noong last November 16, 2017 between China and Philippines. Doon nga ho na naililitaw ni Presidente at nag-react naman iyong China, sending China Telecom para hong bumilis-bilis ho iyong—ang usad ng proseso. So ano ho iyong—paano ho namin pipiliin? First of all, the selection process must be keen or must be—kailangan ho very transparent, very objective para ho iyong manalo ay talagang walang question na iyan ang nanalo. LEO: Tama. USEC. RIO: So ang kuwan ho namin is we will try to remove all subjective, iyong kailangan may kaunting judgment sa mga gagawin ng tao paano ho makapagpili. We will be putting it objective criteria on—like for example itong more or less—ang pinakarason na base po iyong mga small Telco players natin ay biglang isa-isang nawawala although nandiyan iyong minsan, Digitel, iyong Bayantel, unti-unti silang kinain ng Globe and Smart pati PLDT nakain na ng Smart. LEO: Kahit nga iyong load ko nakain din. SEC. ANDANAR: [laughs]. USEC. RIO: Ibang kuwento na naman ho iyan.

LEO: Ibang kuwento pala.

Page 10: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: So ang ibig sabihin nito Sec., ay ipagbabawal mo doon sa kasunduan na bawal po iyong ibenta ng third player iyong kaniyang shares— LEO: Correct. SEC. ANDANAR: Doon sa mga existing Telco companies? USEC. RIO: Isa ho iyan sa kailangan ho na requirements. SEC. ANDANAR: Okay. USEC. RIO: Para lang ho, itong papasok ay hindi na ho mabigyan ng frequency, and later on ay ibebenta lang pala. Ganoon ho ang nangyari iyong doon sa San Miguel ho. San Miguel ho is a very big corporation at iyong partner nila Telstra, the biggest telco in Australia. Hindi pa ho sila nag-operate nakain na ho sila ng Globe and Smart. Ayaw ho natin mangyari iyan ngayon. So ang number one consideration lang namin is, kung gaano kalalim ang bulsa ng third player. So iyong makapagbigay ho ng pinakamagandang financial plan for five years. Ito ho iyong aming financial plans, ito ho iyong aming present asset in liability after our latest financial statement. Ito ho iyong idadagdag namin in five years’ time. Iyong pinakamalaki hong magbigay niyan, so arithmetic lang ho ang kailangang gawin dito. Your present asset plus your financial plan for five years minus all your liabilities, kung sinong pinakamataas niyan siya hong mananalo po. SEC. ANDANAR: So as we speak Secretary. Ano po ang—para malaman lang ho ng mga kababayan natin. Ano pong mangyayari, magsa-submit sila ng kanilang proposal sa DICT and then kailan po kayo mag-o-open for public bidding? USEC. RIO: Last January 8 nagbigay na ho kami ng Memorandum Order sa NTC umpisahan na gawin iyong Memorandum Circular nila, defining the terms of preference ho. So doon ho nakasaad iyong terms of preference na iyon kung ano iyong mga frequencies na ibibigay namin sa mananalo, mga support and things like that, and ito naman ang aming inaasahan na mananalo. Ano ang kanilang financial clout na-i-po-propose. February 19, mapa-finalize na itong terms of preference and from that time on, we will give them more than one month ho to come up with their organization, with their financial plans at kung sinong magiging kanilang mga foreign partners and then come to us maybe before the Holy week ho, mga third week of March and in a sealed proposals, draft their different—mga kanilang—well sort of a bidding process ho. Bubuksan ho iyan and sa kanilang lahat, bubuksan isa-isa iyan, iyon na nga ho, present asset like whatever you are going to bid on your financial plan minus your liability. Arithmetic lang ho kung sino ang pinakamataas ay siyang mananalo. LEO: Secretary, putulin ninyo sandali ha. Tatlo ba, tama ba? Tatlo sila lahat, iyong mga nagbigay na ng intensions?

Page 11: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

USEC. RIO: Mga tatlo na ho. LEO: Tatlo, kasama na ho ba diyan— USEC. RIO: Different... ang mga—you know dahil hindi ko pa mabanggit ho kasi consortium ho iyon. So hindi pa nila nabubuo iyong kanilang mga participants pero more or less ang kanilang makukuhang foreign partner is iyong China Telecom— LEO: China Telecom. USEC. RIO: Iyong LG— LEO: LG. USEC. RIO: At isang Taiwan ho. LEO: Iyong Taiwan? USEC. RIO: Taiwanese Telco. LEO: So ang KDDI ay kasama din dito? USEC. RIO: Ang KDDI ay siguro iyon na ho ang pang fourth, na puwedeng pang fourth or puwede hong mag-partner sa isang nabuo na ho. So dito—actually LEO: Ang ZTE— USEC. RIO: Ang foreign partner ay iyong Telco mismo, iyong consortium mismo. It is going to be a private business institution hindi ho papakialaman ng gobyerno ho iyon. LEO: May isa pang China Telecom, Secretary iyong China—iyong ZTE? Kasama ba siya? USEC. RIO: Bagong—lumabas ho kahapon sa Inquirer ho na pumasok, iyon ay isang sorpresa rin ho sa amin. Kasi ho iyong ZTE ay hindi ho Telecom company ho. They are just a vendor, supplier din. At hindi ho namin alam kung paano sila magiging partner kasi ho hindi sila nag-i-invest doon. Iyong pang opisina ang kanilang mga equipment. SEC. ANDANAR: Ang alam ko kasi iyong ZTE, iyong nagsuplay doon sa broadband sa Australia, iyong fiber optic. So nabanggit mo Sec. Rio apat na China Telecom, LG plus tapos nandiyan pa iyong— USEC. RIO: Taiwanese—

Page 12: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Iyong KDDI Japan. Ano po iyong specific na company sa Taiwan iyong interesado? USEC. RIO: Iyon ho ay hindi ko pa nakuha iyong kanilang—alam mo may mga non-disclosure sila, kaya ho hanggang hindi ho magpirmahan sila ay hindi na talaga dini-disclose. SEC. ANDANAR: Okay so ito iyong mga timeline? January 8 tapos— USEC. RIO: Tapos na ho iyon. SEC. ANDANAR: Yeah iyong terms of preference. USEC. RIO: February 19 mayroon na ho tayong terms of preference and so iyong pagbabasehan ho noong mga contestant, iyong mga magpa-participate ho kung paano nila gagawin iyong kanilang mga consortium at iyong kanilang mga magiging investment ho para ho mayroon linaw kung mananalo sila o hindi. SEC. ANDANAR: So iyon ang gagawin ninyo— USEC. RIO: Given more than one month— SEC. ANDANAR: One month… So more or less mga March 19 to end of March. So the last question, Sec., kasi nabanggit ninyo po doon sa Cabinet report sa meeting ulit natin na 50 billion pesos ang ni re-invest ni MVP para sa Smart. Globe has also re-invested 48 billion pesos yet. The point is sinabi ninyo na by mere announcement lang ay kulang-kulang hundred billion ang nire-invest noong dalawang company. The question is magkano po ang estimate ninyo na dapat i-invest ng isang third player? USEC. RIO: Tama kayo diyan, Mr. Secretary iyong—by the mere mention of our President at nakita ng political will ng mga tao ay nag-aksiyon na kaagad iyong dalawa ho. Talagang they are taking it very seriously na talagang determined ho ang ating Presidente na pabutihin ho iyong Telecommunications services sa ating bansa. Iyong, pero ho, iyong talaga nating kailangan itong magiging third telco ay talaga ho ring makakapag-tatag ng ganiyang kalaking investment. Kasi kung maliit lang ho ay talagang hindi sila mararamdaman ng tao. So kung—ang aming estimate ho iyong more or less na talagang mayroong impact, ang third Telco, kung makapag-invest ho sila in five years or around—mga 300 to 400 billion pesos. LEO: Alam mo, Sec., kapag narinig ng dalawa iyan, lalakihan na naman. SEC. ANDANAR: Mas maganda iyon. USEC. RIO: Sa kuwan lang ho ha, laway lang ho ni Presidente, iyan na ho nagbigay na silang pera. Lalo na ho kapag nagkaroon na ho talaga ng third player na talagang because of the determination of our President, magkakaroon ho tayo ng third player ho.

Page 13: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

LEO: Well Secretary, again thank you for your time. Next time around ha punta kana dito, kasama ka na dapat namin dahil ang hirap ipaliwanag itong mga bagay na ito. USEC. RIO: Opo, maraming salamat. LEO: Thank you so much. USEC. RIO: Next time ho nandiyan na ako. LEO: Iyan nangako na iyan. SEC. ANDANAR: Mabuhay kayo, Sec. Rio. Thank you po. LEO: Alright magbabalik po ang Cabinet report sa Teleradyo in a while.[Commercial Break] LEO: And we’re back. Ito po si Leo Palo III. SEC. ANDANAR: Ito po naman si Secretary Martin Andanar, at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo. LEO: Again, napakasarap ng ating mga napag-usapan. Pero sabi ko nga, medyo… kung ako ang tatanungin mo Secretary ha bilang isang reporter, nagno-nosebleed ako, oo. Kanina pa ako ganun-ganun ng ilong ko eh. Hirap na hirap akong— SEC. ANDANAR: Nagpapasalamat tayo sa ating mga kaibigan sa mga diyaryo na nakatutok ngayon, dahil iyong kanilang mga tech reporters… tinututok nila sa programang ito. So baka maubusan tayo ng oras, nandiyan pa si Dino Apolonio. LEO: Actually may mga tanong na tayo dito, para kay GM ‘to, GM Dino. Ito: “Mag-i-improve na raw po ba ang,” nang konti ha, nang konti lang naman… konti lang hinihingi niya, “ng reception ng PTV4?” Kasi napaka-grade-B daw po, especially iyong Rizal Day na event. GM DINO APOLONIO: Opo. Tamang-tama po iyong tanong, dahil mayroon po tayong plano sa PTV. Sa kasalukuyan po, ang ating transmitter, analog transmitter natin ay rated at 60 kilowatts. Ang average po niyan na output ngayon ay 55 kilowatts after po naayos natin, so nakatulong po, nagkaroon ng konting improvement. Pero with the direction po na binibigay sa atin ni Secretary, ay i-a-up po natin ‘yan. We are in the procurement process po, dodoblehin po natin iyong ating output power, from 60 kilowatts to 120 kilowatts. At—so nilalakad na po ng PTV iyong mga permits na kailangan sa NTC, iyong transmitter po is going to go through the procurement process; at, at the same time eh naghahanap din po kami ng viable location for a main transmitter. Kasi po ang analog transmitter natin ngayon kung saan siya nandoon ngayon, napaligiran na po ng mga building at structures na mas

Page 14: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

matataas pa yata doon sa tower natin, kaya nag-iba na po iyong pattern. Pero ililipat po siya sa mas magandang lugar. Ngayon po, iyong—to answer iyong question noong ating kababayan from Rizal. Mayroon po kaming plano na maglagay ng isang relay station sa Jala-jala, and that will hopefully solve din iyong pagka-grade-B… reception doon sa bandang Rizal. SEC. ANDANAR: So kung sa Rizal kasi, kung sa Rizal iyong—ini-imagine ko. ‘Pag kung sa Rizal, siyempre nakadungaw ‘yan sa Metro Manila, Caloocan, Malabon, Quezon City… eastern side of Metro Manila, northern side, southern side. Papaano iyong Mega Manila na dapat mapanood din ang PTV sa Cavite, Laguna at Batangas? Anong gagawin ninyo? GM DINO APOLONIO: For Laguna, Batangas and—part of Batangas and Cavite, with the coordination po with DICT, maglalagay po tayo doon. In fact this coming week iyong mga equipment eh i-shi-ship na natin doon sa Palace in the Sky. SEC. ANDANAR: Ah… Tagaytay. GM DINO APOLONIO: Yes sir, sa Tagaytay – that will answer the signal problem doon po sa Cavite, Laguna and parts of Batangas. SEC. ANDANAR: Talagang napaka-busy ninyo ngayong taon na ito. GM DINO APOLONIO: Yes, sir. At doon po sa—dito po ma-cover din ang—mas maganda po ang coverage within Metro Manila, bukod nga po doon sa increase ng power which we hope na matapos, hopefully towards a little after midyear. Ang ina-eye po namin na location, dito po sa Antipolo, para doon po sa ating main transmitter. SEC. ANDANAR: So iyong Antipolo, Rizal… covered niya na pati iyong Pampanga ‘di ba? GM DINO APOLONIO: Opo. From...along po niyan, reach niyan conservatively, we’re looking at Laguna to Pampanga na ‘yan. SEC. ANDANAR:Very good. LEO: At lalakas pa. hindi lang naman 55 ‘di ba, pagka nilagay mo diyan sa area na ‘yan, so 120 – at abot na. GM DINO APOLONIO: 120, iyon po ang plano. Iyong grade of signal po, kung papaano tayo nare-receive, let’s say grade B ang inyong signal ngayon, magiging grade A. Kung grade C, magiging grade B. SEC. ANDANAR: Tamang-tama ‘yan.

Page 15: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

LEO: Oo. At saka Secretary, ito lang napansin ko ha. Government station na ito, pero dumadaan pa rin si GM doon sa talagang proseso? Lahat, NTC… GM DINO APOLONIO: Hindi sir, kailangan po. Kailangan po talaga. LEO: Mahigpit din talaga. SEC. ANDANAR: So itong pagpapalakas ng signal, I understand ang target ninyo midyear— GM DINO APOLONIO: Yes, sir. SEC. ANDANAR: Na mangyari ‘to midyear, na you will fire up your 120 watts and plus your new antennas, the new towers bale. GM DINO APOLONIO: Iyong atin pong—iyong location, it will be a little bit past the midyear level. Pero we’re looking at, at least iyong ating bagong output power na pinaplano which is a 120 kilowatts ay mapaandar na natin dito sa ating present location. SEC. ANDANAR: Okay, by midyear? By midyear? GM DINO APOLONIO: By midyear po, yes. SEC. ANDANAR: Oo, pero iyong sa Palace in the Sky mo, pupuntahan ninyo this week for… GM DINO APOLONIO: Ay, nag-ocular na po doon. We also have coordinated with DICT pati rin po iyong Mayor’s Office sa Tagaytay. At mag-uumpisa na po na dalhin na iyong gamit doon sa Tagaytay within the next—between next week or two. SEC. ANDANAR: So bago mag-ano, bago mag-Undas maganda na iyong signal sa area na iyon? GM DINO APOLONIO: Yes, sir. SEC. ANDANAR: Timing na timing ‘yan partner, kasi alam mo kung bakit? LEO: Oh? SEC. ANDANAR: Magsisimula na iyong Radyo Pilipinas Teleradyo sa PTV. At… next week ba iyon? GM DINO APOLONIO: Next week pinaplano po iyong schedule with the Radyo Pilipinas. LEO: Huwag mo naman i-pressure Secretary. Pini-pressure mo… (laughs)

Page 16: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Hindi, hindi… kasi maraming nagtatanong. Kasi gusto nilang mapapanood, lalo na iyong alas diyes ng umaga. Alas diyes, alas onse, alas dose… all the way kay Pareng Erwin Tulfo, para mapanood sa Teleradyo. LEO: Kay Senator… SEC. ANDANAR: Senator Tulfo (laughs)… LEO: Pero… balikan ko lang saglit. Iyong sa DTTV and so on and so forth, may nabanggit kasi si Secretary kanina GM, anong klaseng frequency ang gagamitin natin? Dahil parang ang nabanggit mo Secretary din kanina, parang agad-agad makakapasok agad tayo doon sa frequency na iyon? SEC. ANDANAR: Mayroon na sila, may head end na sila. GM DINO APOLONIO: Mayroon na pong ano, sa ngayon po ay mayroon na po tayong test broadcast sa digital. Although low power at directional lang po at this time iyong antenna. Pero iyon po ay ginagamit sa ating testing, mga ganiyan ano. Mayroon pong three active channels ngayon sa Digital PTV. LEO: ‘Ayan makinig kayo. Tingnan ninyo mabuti ito, kung ano ito ha. GM DINO APOLONIO: Ang PTV main channel, tapos mayroon pong… inumpisahan po natin iyong Salaam TV, it’s a sub-channel ng PTV. At isa pa pong sub-channel which is PCOO TV. SEC. ANDANAR: Aba, may TV na… LEO: Mayroon palang TV? SEC. ANDANAR: Mayroon na kayo… wala ka namang bilib pare… Sabi ko sa’yo. GM DINO APOLONIO: Naroon kasi sa labas po iyon noong ano, noong…(overlapping voices)… opo. SEC. ANDANAR: Noong Huwebes. Huwebes ba ‘yan o Huwebes o Miyerkules, oo. LEO: By the way, anong channel iyon? SEC. ANDANAR: Depende. GM DINO APOLONIO: Depende po sa lugar ninyo. ‘Pag nag scan po kayo gamit iyong digital box, depende po doon sa mapping noon… (overlapping voices)… kung anong channel.

Page 17: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR:Okay, okay. Okay so for example mayroon kang ABS-CBN Plus, iyong box nila. Ngayon nasa anong channel ba tayo? Nasa 30 plus ba? Parang something like that. GM DINO APOLONIO: Doon po, iyong sa… SEC. ANDANAR: Sa PTV. Ako mismo, oo. GM DINO APOLONIO: Opo. Pero dito sa amin, nasa channel 26, 27, 28… (overlapping voices) SEC. ANDANAR: So ibig sabihin itong di—teka, so mayroon kang digital Head end. Itong antenna na ‘to na pang-digital, ito iyong nagbabato ng digital signal papunta doon sa mga setup box. Okay. So ang ABS, may sariling setup box? Ang GMA mayroon din ‘ata. LEO: Maglalabas din yata sila. SEC. ANDANAR: Maglalabas din… LEO: Mayroon pang… ano, RCA ba iyon? Mayroon bang mga ganoon… SEC. ANDANAR: Radio Corporation—(overlapping voices) LEO: So mayroon mare-receive po iyon doon? GM DINO APOLONIO: Oo, mare-receive po iyon doon. Kasi itong mga ‘to, ang standard naman po noong mga boxes na ito ay ISDB, which is iyon po ang in-adopt ng ating bansa na… iyon po ang digital standard ng Japan. SEC. ANDANAR: Okay. So ibig sabihin, ito kasi ng—partner ngayon kasi sa analog, mayroon kang isang tore – halimbawa ABS-CBN may isang tore diyan, si GMA may tore, may tore din tayo dito sa Visayas, ganoon din sa IBC-13 may tore din. Pero itong digital DTTV, kailangan mo ng maraming tore ‘di ba, maraming maliliit na tore para sa digital head end. Tama ba o… LEO: Parang relay o something… GM DINO APOLONIO: Para ‘tong ano, iyong katulad noong na-mention ko po kanina, bukod doon sa ating main transmitter, hindi naman po lahat ng areas mako-cover. So, maari pong mayroong laktawan. So iyong mga gaps po, iyong mga lugar na walang signal, puwede po nating lagyan ng mas mali—smaller scale na transmitter, taga-relay or a gap filler. SEC. ANDANAR: Saan mo ilalagay itong mga tore? Ibig sabihin, may kaniya-kaniyang antenna ang GMA, ABS saka PTV? GM DINO APOLONIO: Opo.

Page 18: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Ganoon ang mangyayari? GM DINO APOLONIO: Opo, ganoon mangyayari – na isasampa sa mga buildings… SEC. ANDANAR: Parang cell sites? GM DINO APOLONIO: Opo. SEC. ANDANAR: Pero kagandahan kasi nito partner, doon sa usapan ng PCOO, PTV at JICA, sila magpopondo ng lahat ng antenna – nationwide. ‘Di ba Dino, tama iyon? GM DINO APOLONIO: Nationwide po ‘yan. Yes, sir. SEC. ANDANAR: So ang napag-usapan natin ni Secretary Rio noong nag-meeting tayo during the ceremonial switch on, is the idea na imbes na magtayo pa iyong mga private stations ng sarili nilang antenna o tore, puwede silang magtayo na doon sa atin, magrerenta lang sila… GM DINO APOLONIO: Common carrier… SEC. ANDANAR: Oo, common carrier. Iyon ang plano, para at least hindi na magastos. At least kung mayroong GMA, mayroong ABS, may PTV. LEO: Teka, linawin ko lang Sec., GM…Kailangan bang bumili ang isang Juan Dela Cruz ng box for that or hindi na kailangan? GM DINO APOLONIO: Well actually po— LEO: Magkakaroon ba tayo ng sarili? GM DINO APOLONIO: Well, kakailanganing bumili po noong setup box para ma-decode ang digital signal. LEO: So coming from us, sa PTV? GM DINO APOLONIO: Not necessarily po, kasi isang standard lang po ‘yan. Whether iyong whatever is out in the market now, as long as—para po iyong—mapunta po ako doon sa EWBS… As long as iyong box po ay compliant sa EWBS standard which is iyong Early Warning Broadcast System, para po kung mayroon man na early warning data na papasok, eh ma-decode po noong box. SEC. ANDANAR: Ipaliwanag natin ha. Iyon ang dapat maintindihan ng mga bloggers natin pati iyong mga tech reporters natin. EWBS – Early Warning Broadcast System, ano naman ito?

Page 19: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

GM DINO APOLONIO: Ito pong EWBS ay puwede po nating tawaging isang advantage po or part of Digital Television Broadcast, na isa po siyang ancillary data kung tawagin – na kung mayroon pong halimbawang emergency/calamity na darating at kailangan ma-warn po ang ating mga mamamayan, na sa pamamagitan po nito, kung sila ay mayroong setup box na compliant sa EWBS, maski ano pong channel iyong pinanonood nila, mao-override po iyong programa at magkakaroon po noong—iyong message na may darating na malakas na bagyo, kailangang mag-ingat kayo, lumikas… or whatever. Ngayon po ang isa pang kagandahan nito, dahil balewala naman po iyon kung ang inyong television set ay nakapatay. As long po as naka-standby siya sa power, maski po naka-off, ‘pag pumasok po ang emergency signal sa EWB—doon sa box o kaya sa tuner, mayroon pong protocol doon para i-turn on iyong TV at iyong emergency message ay lumabas, para mapanood po noong tao. LEO: Okay ‘yan. SEC. ANDANAR: Now… ito, maganda ‘to. Kasi magkasama kami ni Dino sa Japan last year noong ito’y dinemonstrate (demonstrate) ng NHK. ‘Di ba NHK? Alam mo sa Japan Jerry, ‘di ba nagkaroon ng tsunami doon sa Sendai. Habang lumilindol, nag-on iyong kaniyang EWBS, lahat ng tao doon sa Sendai kahit sa paligid, the entire Tokyo lumabas iyong Early Warning Broadcast System device—sorry, warning na nagsasabi na mayroong lindol at mayroong isang tsunami na parating. Of if you notice, even if malakas iyong lindol sa Japan, even if malakas iyong tsunami, naka-prepare agad – at iyon ang in-adopt ng PTV. GM DINO APOLONIO: Opo… LEO: Iyon eh, napakaganda… GM DINO APOLONIO: Kaya po, sa laki po noong calamity na iyon, ang casualties ay napakababa. LEO: Nakababa. Sa atin dito inulan lang… ‘di ko malaman. SEC. ANDANAR: Kasi, daanan tayo kasi ng bagyo, so ito ang importante, oo. LEO: So iyon, ulan lang… wala pa ngang bagyo iyon, ulan lang. SEC. ANDANAR: Ulan lang, oo. LEO: Oh ‘di ba, hindi pa nalalaman. SEC. ANDANAR: Ano naman iyong Data Casting?

Page 20: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

GM DINO APOLONIO: Okay. So iyong Data Casting naman ay… I think para sa akin the best way to explain it, kasi tayo naman, marami tayong kamag-anak sa Amerika’t kung saan-saan ‘di ba? Pinapadalan tayo ng balik-bayan box. Ang audio and video information is so big na kakasya doon sa balik-bayan box. Sayang naman kung ipapadala nila, mayroon pang mga space doon sa ano eh, doon sa box… SEC. ANDANAR: Kailangan punuin. GM DINO APOLONIO: Sayang. So ganoon din ang bayad, kailangan punuin ‘di ba. Iyong mga empty spaces although maliliit, is puwedeng lagyan ng maski ano pang data or information na… not maybe hindi siya related mismo doon sa audio-video information. Maaring data siya tungkol sa traffic, puwede siyang data na puwedeng gamitin sa distant learning, which puwedeng mapapakinabangan po sa mga far-flung areas po natin sa bansa. So iyong mga lesson plans noong mga, let’s say from [DOE] na para pantay-pantay iyong quality of education, nakita ko na po iyong application na ‘yan sa distant learning. May application din po ang Data Casting sa pag-transmit ng mga medical procedures sa mga malalayong lugar. So maari po siyang, parang lowest… in terms of lowliest video or— SEC. ANDANAR: Image… GM DINO APOLONIO: Or image, or puwede rin pong tech—whatever file na puwede pong maikarga doon sa mga maliliit na space, ay kaya po niyan. SEC. ANDANAR: At ipapadala through broadcasting din? Broadcasting din. GM DINO APOLONIO: Broadcast din, opo. Nakakarga po doon sa broadcast—sa signal sa areas. SEC. ANDANAR: Okay. So for example, kung mayroon kang—kung digital na lahat at mayroon kang receiver sa kotse mo, digital television, so puwede kang… puwede tayong magtayo ng isang traffic channel. GM DINO APOLONIO: Traffic channel… traffic information. LEO: Talagang into ano na tayo, modernize sa… doon sa— SEC. ANDANAR: Iyon ang sinasabi ko sa’yo partner, na kailangan maipaliwanag talaga ito… LEO: Ito… hindi iyon nga, tatanong ko kay Jerry ito. So ibig sabihin into that ano na tayo, papunta na tayo, papunta na tayo doon. Jerry, anong masasabi mo kung for example.. kasi ikaw—ito, more on ano ‘to, on… SEC. ANDANAR: Maven ‘to, Maven. Talagang pinag-aaralan niya lahat ng mga bagong technology.

Page 21: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

JERRY LIAO: Hindi kasi ito, as a user, matagal ko na itong hinihintay. So ako talaga natutuwa ako, dahil naisakatuparan natin lahat ito ngayon. Makikita mo kung gaano kaseryoso iyong pamahalaan natin sa paggamit ng teknolohiya. Appreciation lang, makikita mo iyong e-governance, nandiyan ‘di ba. So ang tagal ko nang hinihintay iyong digital TV, tapos iyong Data Casting… Kasi nga sa normal citizen, iyong opportunity – makikita mo talagang ano eh, endless iyong opportunity hindi ba, so napakaganda talaga. Isipin mo… example ko nga, pumunta lang ako ng Batangas, wala akong signal ‘di ba. So according to survey, iyong mga mamamayan natin, aside from entertainment, kumukuha ng news sa TV and radio – hindi sa internet. LEO: Hindi sa internet… JERRY LIAO: Oo, sa TV and radio. So can you imagine, ang hindi pa natin nababanggit iyong mobile TV ‘di ba? LEO: Yeah, wala pa iyon. JERRY LIAO: So kumbaga sa ano, iyong TV dala-dala ko anytime. So pupuwede mong i-push kahit may information. Ang tawag kasi doon push technology, so kahit na hindi ko hinihingi, ibabato mo sa akin iyon. So iyong lindol, iyong ulan and everything… so can you imagine kung ano iyong impormasyon na makukuha ko. And lastly gusto ko lang sabihin, sa mga investor natin ano. Alam mo ba idol Leo, may isang hinahanap ng mga investors sa Pilipinas is koneksiyon – internet connection. LEO: Correct ‘yan. Totoo ‘yan. JERRY LIAO: So makikita niya, “Oh mayroon ka lang ilang player lang diyan, tapos naka-digital signal ka na…” Alam nila, ay, seryoso ang Pilipinas pagdating dito. So it’s a very big opportunity for all of us, kaya ako talaga natutuwa ako sa mga nabanggit ninyo ngayon at isa ako sa mga maghihintay na lahat ‘yan in placed, gagamitin ko lahat ‘yan (laughs). SEC. ANDANAR: Aba’y dapat bigyan ng— LEO: Puwede palang magkaroon ng EWB sa cellphone na. Hindi ba puwede? SEC. ANDANAR: Papunta na tayo doon. Hindi, kasi mayroong— LEO: Imposibleng wala. SEC. ANDANAR: Oo, kasi mayroon ka namang mobile TV. LEO: Puwede na iyon.

Page 22: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

JERRY LIAO: And they are all using digital signal, DTTV lahat ‘yan. SEC. ANDANAR: Pinakamaganda siguro, bigyan na ng programa itong si Jerry dito sa… Aabangan daw niya. Aabangan na niya, so nandito sa kabila… (laughs) LEO: Ay sandali, may phone-in question tayo dito. Para kay GM ito, may phone-in question daw dito. “Magkakaroon daw ba ng variety show…” kakaiba ito… “at Korean novela sa PTV?” Alam ko Chinese mayroon, magkakaroon ‘di ba? GM DINO APOLONIO: Oho. Ano, when it comes po doon sa K-Pop halimbawa, Korean novela… mayroon naman pong—kasi of course ang atin pong mandate, primary natin na mandate ay dalhin ang pamahalaan natin na malapit sa mamamayan. Pero mayroon din naman pong konting porsiyento na kailangan eh ma-address din po natin iyong entertainment. So, it’s in the works po. LEO: Iyong bagot ni nanay at lolo, ni ate’t kuya… gustong manood ng ano… “Sige na koya, gusto kong manood niyan koya,” mga ganoon ‘di ba? Magkakaroon? GM DINO APOLONIO: Mayroon pong plano, mayroon pong niluluto… SEC. ANDANAR: Niluluto… LEO: Pinaparinig mo kay Secretary ‘yan…(laughs) SEC. ANDANAR: Maganda ‘yan. May kimchi ‘yan sigurado. Sabi mo K-Pop… GM DINO APOLONIO: (Laughs) SEC. ANDANAR: Very popular iyong kimchi… (laughs) LEO: Talaga naman… Anyway, ang ikli ng panahon natin. Pero… napapasarap lang tayo dito. Pahabol ko lang ‘to Secretary, may tanong dito coming from Malacañang Press Corps. Kay Hannah Jane: “Reaksiyon po sa Communications…” kay Secretary ito, “that 86 percent daw ng Filipinos believe that the media in the country are doing, either somewhat well or very well, and reporting the news accurately according to Washington-based think tank, Pew… ano Pew ba ito? Pew Research, yeah. SEC. ANDANAR: Pew Research, oo. 86 percent sa Philippines. Totoo naman ‘yan, at tayo’y natutuwa na masigla ang ating press freedom, freedom of expression dito po sa Pilipinas. At nakikita nga natin, araw-araw ho binabasa ko lahat ng diyaryo, pinapasadahan ko lahat ‘yan. Mayroong mga positive, mayroong mga negative… balanse, balanse – hindi iyong… hindi subservient ang media dapat sa gobyerno. Dapat mayroon talaga silang press freedom to

Page 23: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

keep us in our toes, kami sa gobyerno. So that is really the role of media – checks and balance ‘yan. So, ako’y natutuwa na masiglang-masigla ang media dito sa bansa natin. Ito po ay taliwas sa mga sinasabi ng kritiko ng ating Pangulo na ang gobyernong ito ay sinu-suppress ang media. Exactly the opposite… Mayroon tayong freedom of information, mayroon tayong Administrative Order No. 1 for the media security, at itong lumabas na research ngayon. So, maraming salamat po sa MPC. Maraming salamat sa pag-cover ng mga nangyayari po sa Palasyo, at of course sa pakikinig dito sa programa namin ni Leo. LEO: Alright. Ito… inihayag pa ni Secretary Rio kanina, dapat daw ay matiyak iyong isang interesadong third player na kaya nitong makapag-invest ng 300 billion… SEC. ANDANAR: Iyon ang sinabi ni Secretary Rio. LEO: Oo, iyon na pala iyon… SEC. ANDANAR: Hindi, mayroong tanong dito: “Anong plano ng PCOO para sa Radyo Pilipinas Dos? What will be the radio network’s market scope?” Ang pagkakaalam ko, ang plano ni Bong Aportadera sa Radyo Pilipinas Dos ay— LEO: Ano bang RP2? Anong frequency? SEC. ANDANAR: Frequency… 918 AM, 918 – ito iyong kasalukuyang sports radio ‘di ba? So Radyo Pilipinas—magiging Radyo Pilipinas Dos ‘yan, at dito natin ilalagay iyong mga current affairs radio shows plus sports… kasabay ng sports at iba pang mga talk shows na dapat eh mabigyan ng pagkakataon. LEO: Uy Kiko Malicdem, maganda ‘to para sa’yo. SEC. ANDANAR: Hindi… magkakaroon din ng—so nabanggit na, may Radyo Pilipinas Dos. Magkakaroon din ng Radyo Tres – RP3 Worldwide. LEO: Wow… SEC. ANDANAR: This is our ano, Jerry, kailangan may programa ka rin doon. It’s our short wave, kasi marami tayong mga OFWs, marami tayong mga seaman. So iyong mga seaman puwedeng mag-short wave, papakinggan nila, Radyo Pilipinas Tres Worldwide; and Radyo Pilipinas Kuwatro, RP4 – this will be the podcast. Oh so kumpleto, ito iyong magiging direction nila Bong Aportadera, ang Director General po ng Philippine Broadcasting System. LEO: Secretary, hindi daw ba parang makikipagkumpetensiya daw ang gobyerno—government station sa mga commercial stations? Hindi ba daw ito papatayin iyong local TV?

Page 24: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: No, hindi naman. Kasi alam mo, whether we improve it or not, nasa mandate ‘yan ng PBS. Ibig sabihin itong radio station natin ngayon, halimbawa ito… itong RP1, whether we do this or not, whether we improve this or not, tuluy-tuloy ang broadcasting nito because it’s in their mandate. So we want to improve it, because we want to give the best programming back to the Filipino people – because this is taxpayer’s money. LEO: ‘Ayan, mga… ito, magdadagdag ba ng job opportunities sa publiko, lalo na sa mga graduate ng mga related courses? SEC. ANDANAR: It’s going to be good. Alam mo ang plano nga natin, tuwing Cabinet Report every Saturday ‘yan dito po sa RP1, Leo, mag-i-invite tayo ng mga Masscom students dito para makita rin nila iyong facilities ng government media, so they can appreciate it. And it’s also one way of teaching them kung ano iyong mga teknolohiya, ano iyong mga sistemang dapat nilang matutunan. Mayroon po tayong FM2, 104.3 na in just 17 months, number one na. LEO: Number one… SEC. ANDANAR: Number one na siya ngayon sa ABC category. Mayroon tayong FM1, 87.5 for the Millennials. You can just tune in to it right now, napakaganda po, talagang world-class iyong programming natin. LEO: And as of now, we are number? RP1… SEC. ANDANAR: Iyong RP1… itong RP1, from 0 rating to number 7 in Metro Manila. LEO: Number seven... SEC. ANDANAR: Mega Manila, which means kasama iyong Pampanga, Cavite, lahat iyon, oo. LEO: Si GM kaya, kailan kayo magpapa-number one sa PTV? (laughs) SEC. ANDANAR:Hinihintay na lang natin iyong sa Nielsen ‘di ba? Pero ang alam natin—ano bang balita sa inyo? GM DINO APOLONIO:Sir, noon pong third quarter of last year, nakuha po namin iyong ANTaR report. So basically from nowhere, ang lumabas po doon ay amongst free to air networks, nasa number 4. LEO: Wow, iyon naman pala. SEC. ANDANAR:Mababawasan na iyong kanilang Home TV Shopping sa umaga… LEO: (Laughs)…

Page 25: Presidential Communications Operations Office News …pcoo.gov.ph/wp-content/uploads/2018/01/Sec... · Ano ba ang analog, ano ba ang digital – para maintindihan ng ating mga kababayan,

SEC. ANDANAR: Hindi, totoo ‘yan. Isa iyon sa mga tinatrabaho natin, at mapalitan na ng Teleradyo at iba pang mga programa na… LEO: Iyon naman pala… Hindi na maging number 4 ‘yan. Aakyat sa number 1, number 2 ‘yan… mga ganoon. SEC. ANDANAR: Kahit number 3, puwede na (laughs). GM DINO APOLONIO: ‘Di isa-isa… (laughs) LEO: Well it’s a…sabi ko nga, lumagpas lang ho kami nang kaunti para raw ma—kahit papaano maintindihan pa nang bahagya ang mga napag-usapan natin ngayong araw na ito. Again, maraming salamat kay idol… JERRY LIAO: Yes, maraming salamat sa pag-imbita. SEC. ANDANAR: Ang programa mo si… si Bong na ang bahala sa programa ni Jerry Liao ha. Alam mo, kasama ko ito dati pa. Bago ko siya naging kasama, pinapanood ko na siya (laughs)… Pasalamatan natin mga bisita natin… LEO: Siyempre, si GM. Maraming-maraming salamat kay GM Dino ha… GM DINO APOLONIO: Maraming salamat po. LEO: At naipaliwanag naman siguro, at naintindihan ng ating mga kababayan ang kahalagahan nitong DTTV. At siyempre, ang ating mga guest—ang ating mga kaibigan, ang ating mga bloggers today… thank you so much sa inyo diyan. At sa mga taga-Malacañang Press Corps, maraming-maraming salamat sa inyong patuloy na pagsubaybay. At siyempre, sa susunod muli, makakasama ninyo ang inyong mga lingkod para sa ating gagawing Cabinet Report dito pa rin sa Radyo Pilipinas 1. Again… muli, samahan ninyo kami sa susunod na Sabado. Ito po muli si Leo Palo III. SEC. ANDANAR: Ako po si Secretary Martin Andanar at ito po ang Cabinet Report sa Teleradyo.

###