5
NDBC News AM May 8 Headline : Mahigit 28 thousand na kabataan sa South Cotabato makikinabang sa malawakang immunization program ng DOH Makikinabang sa susunod na bugso ng malawakang immunization ng provincial health office ang may dalawamput walong libong mga magaaral sa South Cotabato para sa susunod na school year. Ayon kay Provincial Immunization Coordinator Ludegaria Larong,ang nationwide immunization ay ibibigay sa mga grades 1, 3 and 7 pupils. Ang mga ito ayon kay Larong ay makatatanggap ng bakuna kontra tigdas at tetanus-diptheria . Karagdagang bakuha kontra cervical cancer ang bibigay naman sa mga babaeng grade three pupils., Inihayag ni Larong na napili ng Department of Health para maging pilot area ng programa ang mga lalawigan ng South Cotabato at North Cotabato. Ito ay ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa mga pambublikong eskwelahan katuwang mga, ospital at iba pa nilang mga stakeholders, sa buwan ng Agosto

NDBC-News-AM-May-8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

news

Citation preview

NDBC News AM May 8Headline : Mahigit 28 thousand na kabataan sa South Cotabato makikinabang sa malawakang immunization program ng DOHMakikinabang sa susunod na bugso ng malawakang immunization ng provincial health office ang may dalawamput walong libong mga magaaral sa South Cotabato para sa susunod na school year.Ayon kay Provincial Immunization Coordinator Ludegaria Larong,ang nationwide immunization ay ibibigay sa mga grades 1, 3 and 7 pupils.Ang mga ito ayon kay Larong ay makatatanggap ng bakuna kontra tigdas at tetanus-diptheria .Karagdagang bakuha kontra cervical cancer ang bibigay naman sa mga babaeng grade three pupils.,Inihayag ni Larong na napili ng Department of Health para maging pilot area ng programa ang mga lalawigan ng South Cotabato at North Cotabato.Ito ay ipatutupad ng mga lokal na pamahalaan sa mga pambublikong eskwelahan katuwang mga, ospital at iba pa nilang mga stakeholders, sa buwan ng Agosto

NDBC News AM May 8Headline : DepEd may payo sa mga atleta ng region 12 sa Palarong pambansa aalukin ng scholarship at iba pang benipsisyo ng mga tertiary schools Huwag agad agad magpadala sa mga ipinapangako sa kanila.Ito ang payo ni Dep Ed 12 Regional Director Allan Farnzao sa mga atleta ng rehiyon na maaring alukin ng scholarship ng mga eskwelahan sa kalakhang Maynila at iba pang mga lugar.Hiling pa ni Farnazo sa mga region 12 atheltes na maaring makatanggap ng offer na bago pa man magdesisyon, isangguni muna ito sa DepEd.Layon nito ayon kay Farnazo ay upang protektahan ang mga atleta ng rehiyon at makapagdesisyon ng tama.Inihayag ni FArnazo na may mga atleta na rin ang region 12 na matapos ang isa hanggang dalawang taon na pananatili sa kalakhang Maynila ay umuwi din.Naging dahilan naman nito ang di pagpatupad sa ipinangako sa kanila habang ang iba naman ay hirap pagsabayin ang pagaaral at pagiging atleta.Ito ang sinabi ni Farnazo kaugnay sa umanoy pangungumbinsi ng ilang mga eskwelahan sa mga atleta ng rehiyon sa ginagawa ngayong Palarong Pambansa 2015 sa Tagum City.VoiceSi Deped 12 Regional Director Allan Farnazo

NDBC News AM May 8Posibleng mahaharap sa kasong infanticide ang isang biente otso anyos na ina sa Esperanza Sultan Kudarat.Ito ayon kay Esperanza Chief of Police , Senior Inspector Esbon Llamasares ay kung makakakuha sila ng sapat na ebedinsya na magdidiin sa ina ng naglibing umano sa iniluwal na sanggol.Ayon kay Llamasarez, nagpaalam lamang umano ang suspek sa kanyang mister para gumamit ng palikuran gabi ng May 6.Ngunit nang di makabalik ang mister, sinundan nito ang misis at nadatnan itong g duguan sa palikuran na sa labas ng kanilang bahay matapos umanong manganak.Humigngi naman ng tulong ang mister sa kapitbahay at agad namang hinanap ang sanggol.Sa pamamagitan ng sinundang patak ng dugo, nadiskubre nila ang mababaw na hukay na pinaglibingan umano sa sanggol.Ayon kay Llamasares, posible umanong nanganak ng wala sa oras ang suspek na misis na nagpapagaling pa ngayon sa isang ospital.Inihayag ng police official na hinihintay pa nila ang resulta ng autopsy sa mga labi ng sanggol upang matukoy kung ito ay buhay na o kung patay na nang ilibing umano ng sariling ina.Sadyang hindi pinangalanan ng police official ang pangalan ng inang suspek na may dalawa pang mga anak para maproteksyonan ang pamilya nito.Voice Clip.Si Esperanza, Sultan Kudarat Chief of Police Senior Inspector Esbon Llamasares.

Siling sa mga kabataan, wala gapanghilbaot reminder, huwag masilaw sa pera sa offer, pwede bago mag decide tanong anay para mabigyan opinion, protektahan, indi gusto bata stay sa region 12, mabuligan sang maayos nga choices, one year two years balik , promise wala nagtupa mga bata hidni naka survice tunnhgod sa pagbalanse sa study and sports , protektahan kaupod, maluoy indi magdinalag-on Talamak na offer, para masilaw, pila na nagpuli diri at indi nag madinalag-on, wala counter basid education kita kalabanan nga mag offer mga colleges