22
0 Holy Cross Parish Youth Ministry Core Group June 9, 2008 Holy Cross Parish, Amparo Village, Caloocan City

Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

Embed Size (px)

DESCRIPTION

HCPYM

Citation preview

Page 1: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

0

Holy Cross Parish Youth Ministry

Core GroupJune 9, 2008

Holy Cross Parish, Amparo Village, Caloocan City

Page 2: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

Chapel Based Formation Moduleconceptualized on June 9, 2008by the Parish Youth MinistryHoly Cross ParishAmparo Village, Kalookan City

1st Revision: 2010 2nd Revision: 20123rd Revision: May 27, 20144th Revision: March 5, 2015

1

Page 3: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

MGA NILALAMAN:PAHINA

ANO ANG CHAPEL-BASED FORMATION?............................................................. 3

I. UNANG BAHAGI : PAGKATAO (Identity) .……………………………………... 4

A. Objectives/Layunin

B. Unang Gawain – Shape Profile 1. Pag-isipan Natin

C. Ikalawang Gawain – Song Analysis 1. Pag-isipan Natin

II. IKALAWANG BAHAGI: UGNAYAN (Relationships) ..................................... 6

A. Objectives/Layunin

B. Unang Gawain 1. Option 1: The Web 2. Option 2: Me & My Circle ………………………………………………….... 7 a. Pag-isipan Natin

C. Ikalawang Gawain - “Wanted: Friend”

1. The 5 Building Blocks of Friendship……………………………………….. 9

a. Pag-isipan Natin

D. Ikatlong Gawain – 8 Squares 1. Pag-isipan Natin

III. IKATLONG BAHAGI: PURPOSE (Layunin) ................................................... 12

A. Objectives/Layunin

B. Recall ng 2 Naunang Nahagi ng CBF 1. Animation: There Was a Tree

C. The Puzzle

D. Story: “Sino ang Pinakamahalaga?” 1. Pag-isipan Natin

2

Page 4: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

E. Scriptural Readings & My Note to God

1. Pangwakas na Panalangin/Praise & Worship/Paraliturgy

Ano ang CBF o Chapel Based Formation?

Ang CBF o ang Chapel Based Formation ay isang gawaing pinangungunahan ng Parish Youth Commission na isinasagawa sa mga kapilya na sakop ng Holy Cross Parish. Layunin nito na ang mga bagong kasapi ng PYM sa mga kapilya ay makasalamuha ang iba pang mga kapwa kabataan sa kanilang mga area/chapel. Ang mga gawaing nakapaloob dito ay naghahangad na maipaalala sa kanila na sila ay bahagi ng isang komunidad. Sisimulan ito sa pagkilala o pagtuklas pa sa kanilang

3

Page 5: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

mga sarili, ang estado ng kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang pamilya, sa mga tao kaniyang paligid at higit sa lahat, ang kanyang bahagi at maaaring gawin bilang isang kabataang alagad ni Kristo.

I. UNANG BAHAGI : PAGKATAO ( Identity )

Objectives/Layunin: upang makilala ng mga kabataan ang kanilang mga sarili at matuklasan o maimulat sa kanila ang kanilang mga natatanging talento at pag-uugali.

Animation

Unang Gawain ~ Shape Profile

Materials/Kagamitan: papel o cartolina, pencil or crayon, scotch tape

Instructions:

1. Gumupit ng ilang piraso ng mga papel or cartolina na may 5 iba’t-ibang hugis (pwedeng heart, star, pencil, cloud, oblong, circle, aquare, triangle, etc.)

2. Ipamigay ang mga papel na ito sa mga participants, siguraduhin lamang na mayroon silang 5 piraso ng papel na may tig-iisang hugis.

3. Ipaliwanag kung bakit iba-iba ang hugis ng mga papael. Ang bawat hugis ay susulatan nila ito ng mga sumusunod: SPIRITUAL GIFTS, FRUSTRATIONS, ABILITIES, PERSONALITY at EXPERIENCE o KARANASAN.

SPIRITUAL GIFTS – mga matatanging katangian na ibignigay sa atin noong tayo ay binyagan o kumpilan. Mga halimbawa: pagtitiyaga,

4

Page 6: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

katapatan, kahinahunan, charity, generosity, katapangan, magaling magbigay ng payo, may pananalig sa Diyos or understanding.

FRUSTRATIONS – mga bagay na nais nilang gawin o mga pangarap sa buhay ngunit di nila maisakatuparan ito dahil mayroong humahadlang sa kanila.

ABILITIES – mga talento/skills (marunong magluto, magaling sa sports, magaling sa Math at Science, marunong kumanta, sumayaw o tunugtog ng isang instrumento, nakakapagsulat ng tula, etc.)

PERSONALITY – maaari itong kagandahan o di kagandahang ugali; halimbawa, suplada, friendly, masiyahin, bugnutin o moody, mahiyain, madaldal, patawa, pasaway.

EXPERIENCE o KARANASAN – gaya ng personality, maaari rin itong negative o positive. Ito ay mga karanasan nila sa buhay na hindi nila malilimutan o siyang nakapagpabago sa kanilang buhay.

4. Bigyan ng ilang minuto ang mga participants para sa activity na ito. Kapag natapos na nilang masulatan ang mga papel ay maaari nilang idikit ang mga ito sa pader upang makita ng lahat. Kailangang nakaayos ang mga papel ayon sa kategoryang nasa itaas.

5. Kapag natapos na ang lahat ay bigyan sila ng ilang sandali upang pagmasdan ang kanilang mga naisulat.

Pag-isipan Natin:

1. Ano ang iyong reaksyon o naramdaman habang ginagawa ang activity na ito? Bakit?

2. Alin sa mga naisulat mo sa mga papel tungkol sa iyong sarili na sa palagay mo ay ngayon mo lang natuklasan?

3. Bilang isang kabataan, paano o magagamit ang iyong mga natatanging talento at katangian sa inyong tahanan at komunidad at ano ang maaaring maging kalabasan nito?

Notes to the Facilitator:

- siguraduhing naipaliwanag ng mabuti ang mga category dahil maaaring magkaroon ng kalituhan sa PERSONALITY, ABILITIES at SPIRITUAL GIFTS.

- obserbahan ang mga sagot ng mga participants, tignan kung may mga pagkakaiba o pagkakatulad na sagot. Isama ang mga ito sa diskusyon para may participation pa rin ang mga kabataan.

Ikalawang Gawain ~ Song Analysis

Materials/Kagamitan: visual aid ng lyrics ng “Perfect” ng Hoobastank o “Firework” ni Katy Perry, o anumang awiting “in” sa kanila ngayon

5

Page 7: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

(siguraduhing ang awitin ay may tema patungkol o may kinalaman sa pagtitiwala sa sariling kakayanan), CD player o laptop, mp3 player, speakers, microphone.

Instructions:

1. Habang tumutugtog ang napiling awitin ay nakatuon ang pansin ng mga participants sa lyrics ng kanta.

2. Pagkatapos makinig ay tanungin sila kung ano ang paborito nilang bahagi ng awit na may malalim na kahulugan o mensahe para sa kanila. Ipaliwanag kung bakit yun ang kanilang napili.

Pag-isipan Natin:

1. Ano sa tingin mo ang isang katangian na alam mong natatanging sa iyo lang at wala ang iba?

2. Ano ang masasabi mo sa mga taong kaybilis manghusga ng iyong pagkatao?

II. IKALAWANG BAHAGI: UGNAYAN ( Relationships )

Objectives/Layunin: upang malaman at sapat na maunawaan ng mga kabataan ang kanilang ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan, pamilya at sa mga taong nasa kaniyang komunidad.

Animation

Unang Gawain

Option 1: The Web

Materials/Kagamitan: short bond paper/recycled paper, pencil

Instructions sa Facilitator:

1. Sabihin sa mga participants na mag-drawing ng isang bilog na sinlaki ng piso sa gitna ng papel at lagyan ng salitang “AKO” o “ME” sa loob nito. Ipagpatuloy paggawa ng iba’t ibang bilog para naman sa ibang tao na may kaugnayan sa kanilang buhay: Diyos, classmate, mortal enemy, favorite superhero, crush, ex-bf, parents, parish priest, napapabalitang adik sa kanilang lugar, terror teacher, favorite singer, banda o artista, etc.

2. Pag nakagawa na ng maraming bilog na may mga pangalan ay saka magdu-drowing ang mga participants ng isang arrow mula sa kanilang

6

Page 8: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

bilog na AKO patungo sa mga taong nasa ibang bilog. Kapag ang communication o ugnayan nila sa isang tao ay hindi gaano kadalas o hindi ganoong kalalim, magdo-drawing nila ang isang broken arrow o ganito: - - - - - - - . Kapag malapit naman sila o may patuloy na komunikasyon sila sa taong iyon ay magdo-drawing sila ng isang straight arrow o ganito: . Kapag hindi talaga maganda ang kanilang ugnayan o relasyon sa iba ay magdo-drawing sila ng curved arrow o ganito: .

3. Kapag nakapag-drawing na ng mga arrows sa lahat ng mga bilog ay maaari na kayong dumako sa bahaging “Pag-isipan Natin”.

Pag-isipan Natin:

1. Masdan ang inyong Web. Kanino ka may matatag na relasyon o komunikasyon? Bakit? Kanino naman ang hindi masyadong matatag o malalim ang komunikasyon o relasyon? Bakit?

2. Ano ang mga maaari mong gawin upang ang mga broken o curved arrow ay maging straight?

Option 2: Me and My Circle

Materials/Kagamitan: short bond paper/recycled paper, pencil

Instructions sa Facilitator:

1. Magdo-drawing ang mga participants ng isang bilog na sinlaki ng piso sa gitna ng kanilang papel. Lagyan nila ito ng label na AKO or ME. Mag-drawing ng mas malaki pang bilog upang paligiran ang unang bilog na ginawa. Lagyan ito ng pangalan na DIYOS. Sa labas ng bilog na Diyos ay gagawa pa sila ng isa pa, at papangalan nila itong FAMILY. Palaki ng palaki ang bilog at lalagyan nila ito ng mga sumusunod: FRIENDS at NEIGHBORS.

7

Page 9: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

2. Pag natapos na ay magbibiggay ang facilitator ng isang sitwasyon sa kanilang buhay na maaaring may kaugnayan sa mga taong nakasulat sa kanilang bilog. Halimbawa: Sino ang nilalapitan mo kapag nagkaproblema ka sa pamilya? Kanino ka naiilang kapag nakakasalubong mo siya sa kalsada? Etc.

3. Sa bawat tanong ay maglalagay ng isang stick o guhit ang mga participants sa loob ng bilog ng mga taong may kinalaman sa tanong ng facilitator. Halimbawa: Sino ang nilalapitan mo kapag nagkaproblema ka sa pamilya? Lalagyan ng participant ng isang stick ang bilog na nakapalibot sa salitang FRIENDS.

4. Kapag tapos na ang lahat ng mga tanong/situationer, gagawa ang facilitator ng isang survey upang ma-tally ang mga sagot ng participants. Sa isang manila paper, o kung may blackboard o whiteboard, isusulat ng facilitator ang ganito:

ME –

GOD –

FAMILY –

FRIENDS –

NEIGHBORS –

5. Uulitin ng facilitator ang mga katanungan at kung sino ang pinakamaraming boto ay lalagyan niya ng isang stick figure ang manila paper. Halimbawa, sa tanong na “Sino ang nilalapitan mo kapag

8

Page 10: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

nagkaproblema ka sa pamilya?”, at mas marami ang sumagot ng FRIENDS, maglalagay ang faci ng isang stick sa tabi ng salitang “FRIENDS” sa manila paper.

6. Kapag natapos na, tignan ng maigi ang resulta ng “survey”. Magsulat ng “top three sa buhay ko” sa ibabang bahagi ng manila paper o ng blackboard/whiteboard. Sino ang mga malalapit sa akin? Halimbawa:

1. FRIENDS 2. GOD 3. FAMILY

Note: Maaaring ang top three ng isang chapel ay iba sa kabilang chapel.

Pag-isipan Natin:

1. Kanino mas malapit ang iyong ugnayan? Bakit?

2. Ano sa palagay mo ang mga nagiging hadlang upang maging mas malapit ang iyong ugnayan sa: pamilya, kapitbahay at sa Diyos?

2. Ano ang mga maaari mong gawin upang mas mapalapit pa sa mga tao na alam mong hindi mo pa gaanong nakakasalamuha? Bakit?

Ikalawang Gawain ~ “WANTED: FRIEND”

Materials/Kagamitan: Half sheet of bond paper/scratch paper, pencil, crayons or colored pencils

Instructions sa Facilitator:

1. Bigyan ng papel, lapis at crayons, colored pencils ang lahat ng participants.

2. Gagawa ang mga participants ng isang advertisment na sila ay nagahahanap ng kaibigan. Ganito ang gagawin nilang format:

9

Page 11: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

3. Kapag natapos na sila ay ipabasa sa kanila ang kanilang mga wanted ads at pag-usapan ang mga kwalipikasyon kung saan sila nagkakapare-pareho. Halimbawa: halos lahat gusto nila mabait o maaasahan, etc.

4. Pagkatapos ng discussion ay maaari na kayong magtungo sa susunod na topic ang 5 Building Blocks of Friendship.

The 5 Building Blocks of Friendship

1. SHARING (Pagbabahagi) – hindi lamang sa pagbabahagi ng mga materyal na bagay o pagkain nasusukat ang pagiging matatag ng pagkakaibigan. Maaaring mas mapalalim ang samahan o pagkakaibigan kapag marami tayong ibinabahaging karanasan o mga saloobin sa isa’t-isa. Kadalasan ang pagbabahagi ay may nagiging madali kapag matagal na ang samahan o ugnayan.

2. CARING (Pagkalinga) – Ang pinakamabuting halimbawa ng pagkalinga sa ating mga kaibigan o sa ating kapwa ay ang talinghaga ni Hesus tungkol sa Mabuting Samaritano. Hindi ba’t ang bilin ng Panginoon ay mahalin natin ang ating Diyos at ang ating kapwa?

3. LISTENING (Pakikinig) – kailangan ito sa Sharing at kapag wala nito, paano natin makikilala ng husto ang ating kapwa? Ito ay isang bagay na napakahalaga ngunit mahirap gawin.

10

Page 12: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

4. RISKING (Pakikipagsapalaran) – paano ba kayo naging mag BFF ng iyong bestfriend? Paanong nagsimula maging close ang inyong barkada? Sa umpisa ay hindi naman talaga kayo magkakakilala noong una kayong nagkita? Madalas ay nagdadalawang-isip tayong batiin ang mga taong di natin kilala sa ating paligid dahil natatakot tayong isnabin o ipagwalang-bahala ang ating “hi” at “hello”. At kapag malalim na ang ating pagkakaibigan, nagkakaroon ng pakikipagsapalaran dahil nais natin silang protektahan o alagaan. Kung pagbabasehan natin ang Bibliya o ang Lumang Tipan, sina Jontahan at David ang magandang ehemplo nito. Ayon sa aklat ni Samuel, matapos na mapatay ni David si Goliath ay naging mabuting magkaibigan si David at ang anak ni Haring Saul na si Jonathan. Ngunit dahil mas naging sikat si David dahil sa nagawa niyang talunin ng paulit-ulit ang kanilang mga kaaway sa pakikipagdigma, nagselos si Saul at ninais niyang patayin si David upang siya uli ang maging sikat. Nang malaman ito ni Jonathan ay sinabihan niya si David na magtago muna at siya mismo ang kakausap sa ama kung bakit nag-iba ang kanyang pakikitungo sa kanyang kaibigang matalik. Sa pagbasang ito makikita natin na delikado ang buhay ni Jonathan at maaari siyang mawalan ng pangalan at mana dahil sa ginawa niyang pagtatanggol kay David. Ngunit alam niyang walang kasalanan ang kanyang kaibigan at handa siyang mapahamak huwag lamang mapasama si David.

5. TRUSTING (Pagtitiwala) – Kung mahalaga ang pakikinig, mahalaga rin sa pagkakaibigan ang tiwala sa isa’t-isa. Ngunit kung gaano kahirap makuha ang tiwala ng isang tao siya namang napakadaling mawala.

Pag-isipan Natin:

1. Kung ikukumpara ang inyong ginawang advertisment at ang 5 Building Blocks of Friendship, may pagkakatulad ba ang mga ito pagdating sa “qualifications”?

2. Dahil sa Building Blocks na ito, nabago ba ang iyong pananaw tungkol salitang “kaibigan”?

3. Ano na ang mga pagsubok na pinagdaanan ninyong magkakaibigan at ano ang naidulot nito sa inyo pagkatapos?

4. Hanggang saan ninyo kayang ipagtanggol ang inyong mga kaibigan?

Ikatlong Gawain ~ “8 Squares”

Materials/Kagamitan: half sheet ng bond paper o scratch paper, pencil or pen.

Instructions:

11

Page 13: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

1. Hatiin ang papel sa walong bahagi sa pamamagitan ng pagguhit ng 3 vertical lines at isang horizontal line sa gitna at lagyan ng numbers gaya nito:

2. Sa bawat kahon ay isusulat nila ang mga sumusunod:

1 – Ilista ang mga miyembro ng inyong pamilya mula sa pinkamatanda hanggang sa pinakabata

2 – Ano ang gawain ng inyong pamilya na tinagurian nang “tradisyon” at hindi mawawala?

3 – Kung ang pamilya mo ay isang palabas sa TV, ano’ng pamilya sa TV ang kagaya sa pamilya mo?

4 – Sa napili mong pamilya sa TV na kagaya ng sa pamilya mo, sinong karakter doon ang pinakapaborito mo?

5 – Ano ang isang bagay na meron ang pamilya mo na hindi mo ipagpapalit sa kahit na ano?

6 – Ano naman ang isang bagay na gusto mo sanang mawala o baguhin sa pamilya mo?

7 – On a scale of 1 to 10, kung saan ang 1 ay ang pinakakulelat na score at ang 10 naman ang pinakamataas, paano mo sususkatin ang ugnayan ng iyong pamilya kay Kristo?

8 – Magbigay ng isang maikling pangungusap na naglalawaran sa iyong pamilya.

3. Matapos na mapuno ang mga kahon ay ibabahagi ng mga participants ang kanilang mga sagot. Maaaring tawagin ang isang participant para basahin ang kanyang sagot sa isang box/number.

Pag-isipan Natin:

1. Nahirapan ba kayo sa activity na ito? Naging madali ba ang pagsusulat sa nga kahon?

12

1

2

3

4

5

6

7

8

Page 14: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

2. Paano kung isang araw ay biglang dumalaw si Hesus sa inyong tahanan at sinaluhan Niya kayo sa inyong hapunan, ano sa tingin mo ang sasabihin niya tungkol sa iyong pamilya?

III. IKATLONG BAHAGI: PURPOSE ( Layunin )

Layunin/Objective: Tulungan ang mga kabatan na alamin ang kanilang layunin sa kinabibilangang parokya – iyon ang kilalanin, mahalin at pagsilbihan ang ating Panginoon sa pamamagitan ng kanilang kapwa kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga talento o kakayanan.

Unang Gawain ~ Recall ng 2 Naunang Nahagi ng CBF

Animation: There Was a Tree

Ikalawang Gawain ~ The Puzzle

Materials/Kagamitan: puzzle pieces ng logo ng PYM

Instructions sa Facilitator:

1. Mag-count off para magkaroon ng mga grupo. Pagkaayos ng mga grupo ay bigyan sila ng isang pakete ng puzzle pieces na sadyang kulang ng isang piraso. Sabihin sa participants na buuin nila ito ng katahimikan, walang mag-uusap, kahit anong mangyari.

2. Kapag “nabuo” na nila ay maaari na kayong magtungo sa susunod na gawain.

Ikatlong Gawain – Kuwento A: “Sino ang Pinakamahalaga?”

Isang araw ay nagtalo ang mga bahagi ng katawan ni Juan. Ang sabi ni utak, “Ako! Ako ang pinakamahalagang bahagi ng katawang ito dahil ako ang palaging nag-iisip kung paano kayo gagalaw,” aniya. Ngunit nag-protetsta naman ang mga mata at sinabi, “Oy hindi! Ako ang pinakamahalaga! Kung hindi sa akin, puro na kayo sugat at pasa dahil hindi makikita ni Juan ang kanyang daraanan at palagi siyang mabubunggo kung saan saan!” Ngunit nagsalita naman sina Ilong at Baga na ang sabi ay kung hindi dahil sa tandem nila ay mamamatay si Juan dahil walang hangin na papasok at lalabas sa kanyang katawan. Nagpatuloy pa rin ang pagbabangayan ng mga bahagi ng katawan – maging sina bibig, tiyan, bituka, kamay at paa nakisali na rin sa kaguluhan. Hanggang sa napansin nilang walang imik si Puwet. “Tignan ninyo itong si Puwet, kanina pa siya tahimik!” sabi ng bibig. “Oo nga, siguro kasi puwet lang siya! Eh alam ninyo naman ang lumalabas sa puwet. YUCK… hahahahaha!”

Pinagtawanan nilang lahat si Puwet, ngunit ni gaputok ay di ito kumibo.

Lumipas ang ilang araw at nakaramdam ng panghihina si Juan. Hindi siya makapag-isip, nanlabo ang kanyang paningin, hindi siya makahinga o makapagsalita, hindi siya makakain ng maayos, namimilipit siya sa sakit ng tiyan

13

Page 15: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

at hindi niya magawang igalaw ang kanyang mga braso at paa at nakaratay na lamang sa higaan dahil hindi na siya halos makalakad. Isinugod si Juan sa opsital. Ang sabi ng doktor, hindi nailabas ng kanyang tiyan at bituka ang dapat na ilabas ng kanyang katawan at nalason ang buong katawan ni Juan.

Ano sa tingin ninyo ang nangyari?

Kuwento B: “The Treasure/Ang Kayamanan”

There once lived a very wise man in a small village. He was the head of the local administration and respected by all for his views and opinions on a varied subjects.

People came to him in times of need or just to seek some good advise on the different aspects of life. But ironically his only son was a lazy lad, who spent away his time eating, sleeping or enjoying with his friends outside.

No amount of advise or even threat made any difference to his attitude. As the years passed and the wise man grew old he got more and more worried about his sons future and realized he needed to give something to his son to take care of himself and the family, so one day he called his only son and said,

“My son, you are grown up now, you need to understand life and your responsibilities by yourself now.”

Surprised by his father’s sudden anxiety, his son said, “Father, you have always been by my side to guide me always, how will i ever manage without you…I will be so lost without you.”

His father drew him close, hugged him and said, “I want you to find the real purpose of your life and when you find it remember it always and you will lead a life full of happiness and joy.”

The son was greatly amused, what could be this important lesson that could cure all his problems in future, he wondered!

The next day, his father gave him a bag. The son was greatly surprised as he opened the bag, as it had 4 pair of clothes one for each season, some raw food, grains, lentils, some money and a map. As he wondered what he was supposed to do with the stock, his father declared, “I want you to go find a treasure. I have drawn a map of the place where the treasure is hidden, You need to go and find it.”

Aha, so this is what father was referring to earlier, the real purpose of my life is to find this treasure that will solve all my problems in future, the son thought to himself, greatly pleased at the idea.

The next day, he set out early on his journey eager to find the mystical treasure. The place described in the map was far far away and he had to cross many

14

Page 16: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

rivers, forests, plateaus , and mountains to reach his destination. He prayed he would still see his father alive and well when he returned to show him what he has found.

He set out on his travel- days, weeks and months passed, as he travelled, he met a lot of people on the way. Some helped him with food, some gave him shelter, he also met thieves and robbers who tried to cheat him and rob him of his belongings. As he moved through landscapes, slowly the seasons changed… fall gave way to winter and spring led to summer.

When the weather got harsh, he would pause and then set out again moving towards his destination. He wanted to find the treasure before anyone else did .

Finally after a long year, he reached the cliff below which his father has told him he would find his life’s treasure. He spotted the tree, just eactly where his father had described in the map and started looking around it. He searched and searched, but found nothing. He spent two days looking and digging for the treasure around that tree until he was so exhausted that he decided to return home on the third day.

Tired and devastated by his father’s lie, he headed back home. On his way back, he experienced the same changing landscapes and seasons. But this time he stopped to wonder the blooming of flowers when the spring came, the birds dancing in the falling rain. He witnessed glorious sunsets and reveled in peaceful summer evenings.

He learned to hunt for his own food, sew his own clothes and protect himself from the harsh weather. He learned to calculate the time of the day with the sun’s position and planned his journey accordingly. He also learned how to protect himself from wild animals and poisonous plants.

He met the same people who had helped him on his way, this time he stopped and spent some days with them to help them with their chores to show his gratitude. He realized how wonderful they were in their sense of trying to help the passersby on that route without expecting anything in return.

When he reached home, he realized he had been out of his house for 2 years now. He went straight to his father’s room and was relieved to see him alive and resting. He walked up to him and whispered, “Father”, so not to disturb him in his sleep. The wise man opened his eyes, he got up as he saw his son and embraced him.

“So how was your journey my son, did you find the treasure?” he asked. “The journey was fascinating father,” the son replied, “but forgive me, as I have disappointed you. I could not find any treasure at the place described in the map. Maybe somebody took it before I reached the spot.” He was surprised at his own answer that instead of getting angry, he was asking for his father’s forgiveness. His father smiled and signaled him to sit down to a chair next to him.

“That is because there is no treasure, my son,” he answered smiling.

15

Page 17: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

“But why did you send me to find it then?” he asked.

“I promise to tell you why, but first, tell me, how was your journey? Did you enjoy the varying landscapes, experienced living among new people and the changing seasons? Did you make good friends along the way?”

“Of course not father, I got distracted for a while. I had no time to do all that since I was always focused on reaching my destination as soon as possible before anybody else could find the treasure. I had no time to experience the landscape, the weather or to make any new friends. But yes, I did all of these on my way back home. I must admit i really enjoyed it. I learned many new skills and mastered the art of survival, that I forgot the pain and sadness of not finding the treasure.”

The father held his son’s hands and said, “Exactly my son. You wanted to reach your goal… you missed out on the real treasures on the way because you were so focused on finding the treasure when the real treasure is not a pot of gold coins. Life’s treasures are friendship, the fruits of hard work, God’s creation, nature’s blessings.”

Moral:It is when we set out in life without trying to associate any meaning or greater purpose to it that we find the treasure of true joy in each moment.

“To be what you were born to be and to explore your full potential each day is life’s only goal”.

Pag-isipan Natin:

1. Ano ang inyong naramdaman habang binubuo ang puzzle? Ano ang inyong napansin?

2. Ano sa tingin ninyo ang nangyari kay Juan?3. Ano kaya ang kayamanang tinutukoy ng Ama sa Kuwento B? 4. Ano ang mga natutunan ng Anak sa kanyang paglalakbay upang

makita ang sinasabing kayamanan?5. Sa mga kuwentong inyong narinig, ano sa inyong palagay ang mga

mensaheng nais ibahagi ng huling bahagi ng CBF?

Ikaapat na Gawain ~

(Video showing) Music Video ng “Simeon’s Canticle” ng Bukas Palad Ministry

Pag-isipan Natin:

1. Ano ang iyong napansin sa pinalabas na music video at ano ang mensaheng ipinararating nito sa iyo?

2. May mga pagkakataon ba sa iyong buhay hindi mo namalayang nakatulong ka na pala sa iyong kapwa?

16

Page 18: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

3. Matapos ang lahat ng mga gawain na ito: ang puzzle, ang animation, ang kuwento at ang AVP, ano ang paksa ng huling bahagi ng formation na ito?

Reflection: Gaya ng animation na “There Was a Tree”, ang kuwento ng Pwet ni Juan, ang mga tao sa music video, at ang nawawalang piyesa ng puzzle, ang mga kabataan ay kailangan ng simbahan, ng isang pamilya, ng kanyang komunidad. Ang bawat isa sa atin ay mahalaga, may silbi, may patutunguhan. Ang bawat kabataan ay may kakayanan na umunlad, hindi lamang para sa kanyang sarili, pati na rin ang kanyang relasyon sa Panginoon, sa kanyang pamilya at sa kanyang kapwa-kabataan na nasa paligid niya.

Ang isang puno ay hindi mabubuhay ng walang dahon, ang mga taong nasa music video ay hindi magkakaroon ng pag-asa o kaginhawaan sa buhay kundi dahil sa mga tumutulong sa kanila. Kailangan ng ating katawan na ilabas ang “waste material” at hindi natin makikita ang lawaran sa isang jigsaw puzzle kung kulang ang ilang piraso. Ganoon din ang ating komunidad. Sino na lamang ang papalit sa mga namumuno kung walang kabataan na tutulong sa kanila? Sa bahay, kung kayo ay tutulong sa inyong mga magulang sa pamamagitan ng inyong mga kakayanan, maaaring maging maayos ang inyong samahan bilang isang pamilya. Sino naman ang maaaring tumulong sa mga kaparian at madre na magpalaganap ng Salita ng Diyos sa mga kabataang naliligaw ng landas kung walang mga kabataan na mas makakaabot at makakaunawa sa kanila?

Ikalimang Gawain ~ Scriptural Reading at My Note to God

Instructions sa Facilitator:

1. Bigyan ng papel at lapis ang bawat participant. Basahin ng malinaw ang selected Gospel reading kung walang visual aid. Huwag nang banggitin ang title ng readings. Magpatugtog ng instrumental music.

2. Matapos na basahin ito ay ipasulat sa mga participants kung ano ang kanilang nais na sabihin sa Panginoon.

3. Kapag natapos na sila ay sabihan silang itupi ang sulat sa dalawa at ilagay sa kanilang harapan.

Scriptural Readings: (Maaaring mamili kung ano ang mas angkop)

Ang Labindalawang Alagad(Marcos 3: 13-19)(Lucas 6: 12-16)

               Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus.

17

Page 19: Chapel+Based+Formation+Module Rev 030515

Ang Pagtawag Kay Jeremiah(Jeremiah 1:4-9)

4 Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi, 5 Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.

6 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.

7 Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo. 8 Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.

9 Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig: 10 Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.

Pag-isipan Natin:

1. Anu-ano sa tingin ninyo ang uri ng pamumuhay meron ang labindalawang alagad bago sila pinili ni Hesus na kanyang maging mga alagad sa lupa?

2. Sa inyong palagay, bakit sila ang napili ni Kristo bilang mga alagad niya?

3. Kamusta na ang iyong “state of mind” sa ngayon? Paano mo ito maihahalintulad sa naging kalagayan ng mga disipulo ni Kristo nang sila ay tinawag Niya bilang kanyang mga “alagad”?

4. Nararamdaman o naramdaman mo na ba ang paanyaya sa iyo ng Panginoon? Sa paanong paraan mo Siya maaaring tugunan?

Pangwakas na Panalangin/Praise and Worship/Paraliturgy

18