8
A ng simbahan sa Pilipinas, sa pagtatapos ng taon at simula ng panibagong isa pa, ay nagtatalaga ng taong 2014 para sa mga Layko. Bahagi ito ng siyam na taong paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa ating bansa sa 2021. Nakalatag na ihanda natin ang mga sarili para sa isang pagdiriwang at pagsusuri ng ating pananampalataya bilang isang bansa, bilang magkakapatid, bilang mga taga-sunod ni Kristo. Ang mga Layko ang sentro ng ebanghelisasayon dahil napakarami ng mga Layko. Sa ating parokya na higit sa dalawampung libong pamilya ang nasasakupan ay iisa ang pari. Ano ang isa kumpara sa ilang daang libong tao? Ganito rin ang sitwasyon sa maraming ibang parokya, iilan lamang ang pari na nagsisilbi at nagpapahayag ng Mabuting Balita. Ganito rin ang sitwasyon noong nagsisimula pa ang pananampalataya sa panahon ng mga Apostoles. Ngunit paano tumagal at lumawak ang pananampalataya? - Dahil na rin sa mga Layko. Oo, ang mga alagad ang mga naging tagapag-patuloy ng gawain ni Hesus, ngunit tulad na rin ng nais ng mga Obispo na ating maintindihan, ang mga Layko ang mas nakararaming babago sa mundo, at may tungkuling pagpapahayag ng Mabuting Balita sa mas maraming pagkakataon mula sa kani-kanilang larangan, mula sa kaibuturan ng mundo, mula sa gitna ng lipunan. Ang mga Pilipino ay mulat sa ganitong pamamaraan dahil tayo mismo ay mga saksi at halimbawa ng People Power. Nagawa nating mga Pilipino ito sa ating pamahalaan, dapat ay kaya rin natin itong gawin sa ating pananampalataya at pagsasabuhay nito. Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang kainaman ng maraming bilang, ng masa, ng pagsasama-sama. Sana ay maisa-gawa rin natin ito sa ating buhay espiritwal. Kakaunti pa rin ang mga nagsisimba, ngunit kung ang narinig at natutunan sa misa ay maibabahagi, hindi lamang sa salita, kundi sa gawa; sigurado na ang pamayanan ay mas madaling mababago at mahihikayat kay Kristo. Ang mga Layko ang sentro ng ebanghelisasyon dahil babad sa mundo ang mga Layko. Hindi naman ibig sabihin na ang mga pari at relihiyoso ay hindi dapat mababad sa mundo, ngunit ang mga Layko, matapos ang misa, ang nobena, ang liturhiya, susugod na sila sa trabaho, sa tahanan, at makakasalamuha na nila ang iba’t-ibang tao, may sinungaling at mabait, makakaharap na nila ang iba’t-ibang karanasan, may maganda at pangit, kasawian at tagumpay, at doon nararapat na ang mensahe ni Kristo ng pag-ibig ay marinig at maipahayag. Oo, dapat ay sa simbahan ang Mabuting Balita naririnig, ngunit tulad ni Hesus, ipinagsigawan Niya ito sa lansangan. Dito sa punto na ito ay sentro ang mga Layko patungkol sa Ebanghelisasyon. Dapat ang bawat binyagan ay kayang maipahayag ang turo ni Hesus kung paano sila kumilos sa negosyo, makitungo sa kapwa trabahador, sumunod sa magulang, guro o nakatataas, magpayaman ng kanilang mga kabuhayan. Dito ay napaka-lamang at napaka-halaga ng ginagampanan ng mga Layko, higit sa mga pari at obispo na namumuno at gumagabay sa kanila. Dapat ang bawat binyagan ay maging instrumento ng ebanghelisasyon gamit ang kanyang buhay, kanyang katayuan, kanyang katungkulan, kahit na ang kanyang kasarian, kanyang kakayahan, dito sa mundo. Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyon Ang mga guro, estudyante, OFW, factory workers at iba pang mga binyagan ay dapat maging instrumento ng Mabuting Balita

Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

  • Upload
    ngoanh

  • View
    289

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

A ng simbahan sa Pilipinas, sa pagtatapos ng taon at simula ng panibagong isa pa, ay nagtatalaga ng taong 2014 para sa mga Layko. Bahagi ito ng siyam na taong paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa ating bansa sa 2021. Nakalatag na ihanda natin ang mga sarili para sa isang pagdiriwang at pagsusuri ng ating

pananampalataya bilang isang bansa, bilang magkakapatid, bilang mga taga-sunod ni Kristo.

Ang mga Layko ang sentro ng ebanghelisasayon dahil napakarami ng mga Layko. Sa ating parokya na higit sa dalawampung libong pamilya ang nasasakupan ay iisa ang pari. Ano ang isa kumpara sa ilang daang libong tao? Ganito rin ang sitwasyon sa maraming ibang parokya, iilan lamang ang pari na nagsisilbi at nagpapahayag ng Mabuting Balita. Ganito rin ang sitwasyon noong nagsisimula pa ang pananampalataya sa panahon ng mga Apostoles. Ngunit paano tumagal at lumawak ang pananampalataya? - Dahil na rin sa mga Layko. Oo, ang mga alagad ang mga naging tagapag-patuloy ng gawain ni Hesus, ngunit tulad na rin ng nais ng mga Obispo na ating maintindihan, ang mga Layko ang mas nakararaming babago sa mundo, at may tungkuling pagpapahayag ng Mabuting Balita sa mas maraming pagkakataon mula sa kani-kanilang larangan, mula sa kaibuturan ng mundo, mula sa gitna ng lipunan. Ang mga Pilipino ay mulat sa ganitong pamamaraan dahil tayo mismo ay mga saksi at halimbawa ng People Power. Nagawa nating mga Pilipino ito sa ating pamahalaan, dapat ay kaya rin natin itong gawin sa ating pananampalataya at pagsasabuhay nito. Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang kainaman ng maraming bilang, ng masa, ng pagsasama-sama. Sana ay maisa-gawa rin natin ito sa ating buhay espiritwal. Kakaunti pa rin ang mga nagsisimba, ngunit kung ang narinig at natutunan sa misa ay maibabahagi, hindi lamang sa salita, kundi sa gawa; sigurado na ang pamayanan ay mas madaling mababago at mahihikayat kay Kristo.

Ang mga Layko ang sentro ng ebanghelisasyon dahil babad sa mundo ang mga Layko. Hindi naman ibig sabihin na ang mga pari at relihiyoso ay hindi dapat mababad sa mundo, ngunit ang mga Layko, matapos ang misa, ang nobena, ang liturhiya, susugod na sila sa trabaho, sa tahanan, at makakasalamuha na nila ang iba’t-ibang tao, may sinungaling at mabait, makakaharap na nila ang iba’t-ibang karanasan, may maganda at pangit, kasawian at tagumpay, at doon nararapat na ang mensahe ni Kristo ng pag-ibig ay marinig at maipahayag. Oo, dapat ay sa simbahan ang Mabuting Balita naririnig, ngunit tulad ni Hesus, ipinagsigawan Niya ito sa lansangan. Dito sa punto na ito ay sentro ang mga Layko patungkol sa Ebanghelisasyon. Dapat ang bawat binyagan ay kayang maipahayag ang turo ni Hesus kung paano sila kumilos sa negosyo, makitungo sa kapwa trabahador, sumunod sa magulang, guro o nakatataas, magpayaman ng kanilang mga kabuhayan. Dito ay napaka-lamang at napaka-halaga ng ginagampanan ng mga Layko, higit sa mga pari at obispo na namumuno at gumagabay sa kanila. Dapat ang bawat binyagan ay maging instrumento ng ebanghelisasyon gamit ang kanyang buhay, kanyang katayuan, kanyang katungkulan, kahit na ang kanyang kasarian, kanyang kakayahan, dito sa mundo.

Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyon

Ang mga guro, estudyante, OFW, factory workers at

iba pang mga binyagan ay dapat

maging instrumento ng Mabuting Balita

Page 2: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

2

Features… By Sister Maura Jimenez

MOTHER BUTLER’S GUILD

A ng Mother Butler’s Guild o MBG ay isang organisasyon sa simbahan na binubuo ng mga kababaihan na tunay na gumaganap bilang mga “mothers” sa kani-kanilang mga tahanan. Kadalasan ay dapat isang ina upang maging miyembro nito. Sila ay kilala sa kanilang kulay ’brown”

na kasuutan. Sila ay madalas na nasa paligid at loob ng simbahan sa mga pagdiriwang ng Banal na Misa. Ang Mother Butler’s Guild ay naitatag sa pamamagitan ng isang “decree” ng dating Kanyang-Kabunyian na si Cardinal Rufino J. Santos noong Abril 25, 1961. Sila ay binigyan ng isang sagrado at mahalagang mga gawain ng Kardinal sa loob at labas ng simbahan bilang mga katuwang ng mga pari, lalo na sa mga pagdiriwang ng liturhiya. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Pagsubaybay at pangangasiwa sa kalinisan ng sakristiya at ng sangtuaryo. 2. Paghahanda sa mga sacred vessels na ginagamit sa misa; pagliligpit at pagtatago sa mga ito matapos ang misa. 3. Paglalaba, pananahi at paghahanda ng mga damit ng pari para sa liturhiya; pangangalaga sa mga

altar linens. 4. Pag-aayos ng mga bagay sa loob ng altar. Sa simula ay iilan lamang ang simbahan na may mga MBGs. Di nagtagal ay nakita na ng mga parokya at kaparian ang kahalagahan at ganda ng apostolate na ito. Lalong lumakas ang samahang ito sa suporta at kampanya ng dating Cardinal Sin. Ang MBG sa Sacred Heart of Jesus Parish ay naitatag noong Setyembre 1995 nang ang kura-paroko ay si Padre Lorenzo Egos. Itinalaga niya bilang mga unang kasapi ng pamayanan ang mga maybahay ng mga Extraordinary Ministers of the Holy Communion, o lay ministers. Layunin na kung paano sagrado ang mga gamit at lugar na kinikilusan ng mga MBG ay maging banal rin ang bawat miyembro nito, at maging mga halimbawa ng pananampalataya sa komunidad.

Ang MBG ay kabilang sa Worship Ministry ng parokya, ngunit sila rin ay laging handa na maki-isa at magbigay ng panahon at kakayahan sa iba’t-ibang gawain pa ng parokya. Para sa mga kasapi ng MBG, isang natatanging biyaya mula sa Diyos ang malayang makapaglingkod sa Kanyang tahanan. Laging magaan ang kalooban nila sa pagganap ng mga tungkulin at kapansin-pansin na sila ay laging mapagpakumbaba, matulungin at masaya sa pakikisalamuha sa kapwa - sa loob at labas ng simbahan. SALI NA KAYO SA MBG!

Sis. Maura Jimenez MBG Coordinator

New Year’s Resolution

W hen I was in grade school every time we came back from our Christmas vacation, our teacher would ask us to list down our new year’s resolutions. Each year I would try to re-call the list I wrote the previous year. It was the same list for a grade school student like

me: help with the household chores, finish my homework before watching TV, start my projects ear-ly, eat more vegetables… and the list goes on and on and on… to fill up the paper. Some people I know already made their New Year’s resolutions for 2014. I heard someone said that he will cut down on his rice intake from 3 cups to only 1 ½ cups per meal. Another told me that she will drink less soft drink and eat less junk food. Yet another will try to lose weight. Person-ally, I plan to exercise more. So why do we make New Year’s resolutions? The New Year’s resolutions list, as author Laurie L. Dove wrote, serves as a “personal road map for the next 12 months”. It is a list of goals people set, and hope to keep until the end of the year. It is also a “method of erasing errors of the past year”, and another author, Emrys Westacott, would say, “it expresses hope” which “allows us to believe self-improvement is possible”. I absolutely agree with their definitions, especially with the aspect of HOPE. For me ‘hope’ is important because it is one of the reasons that a person will be motivated to continue working for a better life. As most New Year’s resolutions focus on personal self-improvement, especially the physical and the external, have you ever included resolutions for spiritual improvement? Have you included resolutions such as giving more time to prayer, going to Sunday mass more regularly, practicing to pray before meals, and others? Because if we are hoping for a better “us”, “me”, “you”, this year then we cannot be wrong and mistaken if we include God in our resolutions. By putting God first in our lives, He will surely help us achieve and keep our New Year’s resolutions not only for this year but also for the years to come. We may doubt ourselves in achieving the goals that we set because we are weak, but with God there is strength, there is hope.

Views and Opinions By Heddy Woo

Page 3: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

Taon ng mga Layko Isang Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat ! Muli tayong biniyayaan ng Diyos ng isang bagong taon sa ating mga buhay. Sa taong ito, bilang isang bansang mananampalataya, tayo ay inaanyayahang bigyan pansin ang ginagampanan ng mga Layko, ang nakararami sa loob ng simbahan. Kayong mga Layko ang buhay ng simbahan. Ang malaking bahagi ng misyon ni Hesus ay nasa sa inyong pagtugon at pagkilos bilang mga binyagan. Ang taon na ito ay hindi lamang bahagi ng paghahanda sa pasasalamat ng 500 Taon ng Kristiyanismo sa ating bansa sa 2021, sa halip, ito ay pagpapanibago at pagsasariwa ng ating mga pangako at gampanin noong tayo ay binyagan. Ako ay nagpapasalamat dahil sa ating parokya ay marami ang hindi nagdadalawang isip na ibahagi ang kanilang mga sarili para sa simbahan. Ang ating mga layko, mula sa mga baranggay at komunidad, ay maalam at gising sa kanilang pananampalataya. Nawa ay atin ring mahikayat ang mas marami pa sa pamamagitan ng ating sariling buhay pananampalataya. Sa katawang mistiko ni Hesus, ang Simbahan, ay napakahalaga ang gampanin at lugar ng mga layko. Ang mga layko ay inaasahang baguhin ang buong mundo sa kanilang mga sariling kinikilusan at pamumuhay. Mabuhay ang mga Layko.

Rev. Fr. Wilmer R. Rosario

Message... From our Parish Priest

3

Message of Thanks

GREETINGS!

As we welcome the year 2014, the Year of the Laity, it is only fitting that we look back in the year passed with gratitude for the blessings our parish have received towards achieving our set goals: First, for the lead-ership and dedication of our parish priest, Rev. Fr. Wilmer Rosario. Second, the laity itself, the officers and members of the Parish Pastoral Council, members of our parish organizations, the sponsors, government officials and volunteers.

Last year, the Year of Faith, has shown the great faith the members of this parish have been blessed with because in spite of the odds our country faced we all walked in faith and love and accomplished our goals, we are truly blessed. Congratulations! As President of the Parish Pastoral Council, I would like to thank everyone for the support they have provided the church through evangelization and works of love and charity. Our community has grown and improved considerably due to your efforts. In this Year of the Laity, a significant year for all of us; let us all work together even more to welcome this eventful year in high spirits. Let us encourage each other towards accomplishing the plans the parish will lay out this year. And help add more members of the parish to participate in its activities and make this year truly a Year of the Laity.

Bro. Nikki Du Parish Pastoral Council President

H A P P Y N E W Y E A R T O A L L ! Sa ngalan po ng Parish Pastoral Council, ako ay buong pusong nagpapasalamat sa inyong lahat aming mga kapatid at katuwang sa ating parokya. Ang taong ito ay napuno ng mga biyaya dahil na rin sa ating pagtutulungan at pagbibigay ng mga sarili. Ang mga biyaya ng air-conditioning system, LED lighting, electrical re-wiring at marami pang iba ay natanggap natin dahil sa inyong mga tulong at pakiki-isa. Maraming salamat po at patuloy pa nawa kayong biyayaan at gabayan ng Diyos. Maraming salamat sa

mga organizations, ministries at mga grupo na walang sawa sa pagsisilbi sa simbahan. Nawa’y magpatuloy tayong lahat.

MARAMING SALAMAT PO.

Rev. Fr. Wilmer R. Rosario

Page 4: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

Parish December

4

SUNDAY SCHOOL PROGRAM GRADUATION

CHRISTMAS GIFT GIVING

Ang mga kabataan at ang Cultural Ministry ng parokya ay naghandog ng taunang Panunuluyan noong bisperas ng Pasko, December 24, 2013. Ito ay laging malaking tulong sa pagdiriwang ng Pasko, at inaabangan ng mga parokyano.

Mula sa mga tulong at nalikom na halaga ng Alay Parol at Gift-Giving Project, tayo ay nakapag-alay ng mga grocery baskets sa mga napiling pamilya sa ating parokya. Pinangunahan ito ng mga PPC Officers, SSDM, Caritas at ni Sis. Chie, ang ating Temporalities Minister.

IMMACULATE CONCEPTION PROCESSION

Tuwing bago mag-Pasko ay isang maagang regalo ang pagtatapos ng mga bata sa ating Sunday School Program. Ginanap ito noong December 1, 2013 sa garden ng Sacred Heart of Jesus Parish. Congratulations to all graduates. Salamat po sa mga Volunteer Teachers.

Kasama sa Panahon ng Paghahanda sa Kapaskuhan ay ang Pistang ito ng Mahal na Ina. Isang prusisyon na lumibot sa parokya ang idinaos noong December 8, 2013.

Bumaha ng iba’t-ibang itsura ng sombrero dahil sa Parish ’HAT’ Christmas Party. Naghandog ng isang awitin ang mga miyembro ng Parish Pastoral Council bilang pasasalamat. Tulad ng dati, ang lahat ay umuwing may regalo.

Page 5: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

5

PANUNULUYAN

PARISH CHRISTMAS PARTY

IMBANG GABI Misa de Gallo, Simbang Gabi, o Nobenaryo ng Pasko, ito ay laging mahalagang paghahanda para sa Pasko. Ang parokya ay mayroong dalawang misa para sa nobenaryong ito: una, sa ika-walo at kalahati ng gabi, at ikalawa, sa ika-apat at kalahati ng umaga. Sa gitna ng mga kalamidad ay naging paalaala ito ng tunay na paghahanda sa kapaskuhan.

Page 6: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

6

Throwback 2013 By Sis Heidie Gregore Ang ibig sabihin ng “throwback” sa wikang Tagalog ay Gunitain o Balik Tanaw.

Ang mga Mahahalagang Pangyayari sa Simbahang Katoliko sa 2013.

Itinalaga ng Santo Papa Benito XV1 ang Taon ng Pananampalataya, mula sa ika-11 ng Oktubre 2012, para sa ika-50 taong paggunita sa Ikalawang Konsilyo Vaticano, at para rin sa ika-20 taong paggunita sa pagpapalabas ng Katesismo ng Simbahang Katoliko, at ito ay nagtapos noong ika-24 ng Nobyembre 2013 sa Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Sa pagitan ng mahalagang pangyayaring ito ay nais ng simbahan na ulit-ulitin at ipahayag sa mundo na si Hesus ang sentro ng sanlibutan, at si Hesus ang sentro ng Kristiyanong Pananampalataya. Kay Hesus ay tinupad at isiniwalat ang mga laman ng Kasulatan, siya ang naging simula at hangganan ng pananampalataya. SAAN NA KAYA ANG ATING PANANAMPALATAYA NGAYON?

Sa unang quarter ng 2013, muling nanumbalik ang issue tungkol sa RH Bill. Patuloy ang panawagan ng simbahang Katoliko na ibasura ang naturang batas sa dahilang ito ay magbubukas ng mga pagkakataon para sa mga gawang kontra sa buhay. Nasaan na nga ba tayo ngayon sa paksang ito. TAYO NGA BA AY TUNAY NA PARA SA BUHAY?

Ika-28 ng Pebrero 2013 nang magbitiw ang pinuno ng Simbahang Katoliko na si Santo Papa Benito XVI sa edad na 85 taon sa kadahilanan ng panghihina ng katawan. Marahil ikinabigla ng lahat ang ganitong pangyayari ngunit ipinakita ng Santo Papa ang katangian ng KABABAANG LOOB. ILAN PA KAYA SA ATING MGA NAGLILINGKOD ANG MAY GANITONG KATANGIAN?

Mabuhay ang Santo Papa! Hindi naging matagal para sa ating simbahang Katoliko ang pagpili ng bagong Santo Papa dahil pagkalipas ng 13 araw ay nahalal ang ating ika-266 na Santo Papa na si Cardinal Jorge Mario Bergoglio, noong ika-13 ng Marso 2013.

Pinili niya ang pangalang Pope Francis. Siya ang kauna-unahang Santo Papa na ipinanganak sa labas ng Europa. Si Pope Francis ay kilala na isang mapagkumbaba at mapagmahal sa mga mahirap. Siya ang Santo Papa na nakitaang mabilis na nakapag-ugnayan sa mananampalataya sa pamamagitan ng

gawa. GAWA HINDI SALITA.

Ika 16-18 ng Oktubre 2013 nang maganap ang Philippine Conference on New Evangelization na idinaos sa University of Santo Tomas (UST). Ito ay dinaluhan ng mga representatives mula sa iba't ibang sektor ng simbahan at bahagi ng Pilipinas. Ang hamon ng bagong ebanghelisasyon ay para sa lahat ng mananampalataya. Hanapin nawa ng bawa't isa sa kanilang buhay, kanilang kakayahan at kanilang pagkakataon na patuloy na ipahayag si Hesus, ang Ebanghelyo sa ating panahon.

Nawa'y ang mga pangyayari sa taong 2013 ay tunay na magpaalala sa atin na pagtibayin ang

ating pananampalataya, magbigay halaga sa buhay, nang buong kababaang loob, at manalig

na GOD MAKES ALL THINGS NEW.

Community Mortuary

Isang bagong istraktura ang nasa harapan ng simbahan, ito ay isang fire station na may truck ng bumbero, at lugar na burulan o mortuary para sa mamamayan ng Mandaluyong. Kailan lamang ay ibinigay ng Baranggay, sa pamamagitan ni Kap. Rodolfo ‘Kuyog’ Posadas ang pamamahala nito sa Parokya ng Sacred Heart of Jesus Parish.

Barangay Cooperation

Nagsimula ang Bagong Taon na ito ng may malaking pag-asa para sa isang taon na mas maraming pagkakataong pagtutulungan ng simbahan at ng mga baranggay. Kasama ng Parish Pastoral Council sina Kap. Kuyog ng Addition Hills at Kap. Brando ng Hagdang Bato Libis sa kasunduang magpulong lagi patungkol sa pangangailangan at ugnayan ng simbahan at baranggay. Nawa’y makiisa rin sa amin ang iba pang baranggay.

Beverly Tama

Ang tawag sa kanya ay Ate Bing. Siya ang bagong kasama ni Fr. Wilmer sa kumbento. Tubong Masbate siya, ngunit ngayon ay naninirahan sa Montalban. Hindi na siya nakapag-asawa dahil sa kanyang pagsusumikap para sa kanyang mga pamangkin at pamilya.

Welcome Ate Bing sa Sacred Heart of Jesus Parish, sana ay magustuhan mo dito.

Parish News

Page 7: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

7

Special Feature: YEAR OF FAITH... Mula sa pahina 8 Ano ang kahalagahan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo? • Pinatotohanan nito ang lahat ng ginawa at itinuro ni Hesus. • Natupad ang pangako na may isang Tagapagligtas na darat-ing para sa buong sanlibutan. • Pinatotohanan ng Muling Pagkabuhay ang pagka-Diyos ni Jesus. Ang Kanyang Muling Pagkabuhay ang nagdulot sa atin ng pakikibahagi sa bagong buhay bilang mga ampong anak ng Ama sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

SIYA AY MULING NABUHAY! Ang Kanyang pagliligtas sa atin ay hindi lamang sa kasalanan kundi sa lahat ng umaalipin sa atin [kahirapan, sakit, kamangmangan, kasakiman at iba pa]. Sinabi Niya “Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng isang buhay na masagana at ganap.” [Juan 10:10] Totoong marami tayong mga paghihirap na dinaranas sa buhay, subalit may katapusan din ang lahat ng ito. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Hindi tayo pababayaan ni Kris-tong Muling Nabuhay.

MISS KITA KUNG CHRISTMAS

Pagsapit ng Simbang Gabi, tuwing ika-16 ng Disyembre, isang kaugaliang Pinoy na ang pagsimba sa madaling araw, Misa de Gallo ang tawag ng iba. Malamig man ang panahon at masarap na matulog ay pinipilit ng marami na bumangon upang maka-samba.

Pero kakaiba ang aking naramdaman sa taong ito, malungkot para sa akin at sa aking mga anak ang ginagawang paghahan-dang pagdiriwang, sa dahilang ang aking may-bahay na si Sis Lorna, dating isang aktibong CWL sa ating parokya, biktima ng stroke sa loob ng sampung taon, ay naging malala ang kalagayan. Nagkaroon siya ng kumplikasyon sa baga, ang sakit na pneumonia. Kinailangan siyang ipasok ng ospital sa araw na simula pa naman ng Simbang Gabi.

Sa ilang araw na iyon sa ospital ay nilabanan niya ang paghihirap na kanyang dinaranas. Habang lumilipas ang mga sandaling iyon ay lalo namang nadaragdagan ang kalungkutan sa aming pamilya dahil Pasko pa naman. Hanggang siya’y binawian ng buhay nitong nakalipas na ika-20 ng Disyembre. Walang kasing lungkot ang aming naramdaman sa mga sandaling iyon. Hindi kami maka-paniwala sa mga nangyayari sa amin. Dumaan ang Noche Buena, ang araw ng Pasko, kapiling namin siya kaya nga lamang siya’y hindi mo na mahalikan, ma-beso-beso, o magmano sapagkat siya’y nasa isang kabaong na naghihintay ng araw siya’y dadalhin na sa kanyang huling hantungan. Sa nakalipas na panahon, mula pa noong siya’y na-stroke, sampung taon nang nakalilipas, kaming lahat ay masaya dahil kapiling namin siya kahit na nauna sa kanya ang aming ikalawang anak na si Bing-bing na namatay nitong nakaraang ika-7 ng Setyembre 2012. Talagang nakaka-miss ang mawalay sa iyo ang mahal mo sa buhay lalo na kung matagal mong kapiling. Kami po ni Sis. Lorna ay magkasama ng 46 na taon sa hirap at ginhawa, ang lahat ay magkasama naming tiniis, binalikat at hinarap. Ang mawalay o mawala sa iyong piling ay napaka-hirap tanggapin gaya nga ng nakasaad sa isang awitin, “kay hirap tanggapin ang mawawala ka sa akin”.

Talagang nakaka-miss ang mga masasayang mga sandali sa iyong buhay, hindi lamang para sa aming mag-anak kundi para na rin sa mga nagmamahal sa

kanya, lalo na sa kanyang pagiging masayahin. Ang lahat ng ito na aming nararamdaman ay huling-huli ng isang awitin.

Miss kita kung Christmas

Ang Disyembre ko ay malungkot, Pagkat miss kita Anumang pilit kong magsaya Miss kita kung Christmas Kahit nasaan ako Papaling-paling ang tingin Walang tulad mo. . .

Sharing By Bro. Lino Dela Cruz

Mass Schedules and Services

Masses Weekdays AM 6:00am (Everyday) PM 6:30pm (Wednesday and Friday) 5:00pm (Saturday - Anticipated Mass)

Sunday AM 6:00am 8:00am 7:00am 9:00am (Children’s Mass)

PM 4:00pm 6:00pm 5:00pm

Blessing of Religious Articles After every Mass - Please put the religious items to be blessed on the table beside the sanctuary

Baptism Sunday 11:00am Pre-Sacramental Catechism 11:30am Sacramental Celebration

Confirmation For candidates - By appointment For marriage - By appointment

Confessions Tuesday, Thursday and Saturday after the 6:00am Mass

Kumpisalang Bayan Every First Friday of the Month

(during the Holy Hour / Benediction)

Counseling By appointment

Weddings By appointment

Pre-Cana Seminar (every Third Saturday of the month)

Funerals By appointment

(no Funeral Mass on Sunday)

Sick Visitation Every Wednesday afternoon

or by appointment

House Blessing By appointment

Page 8: Ang Mga Layko ang Sentro ng Ebanghelisasyonsacredheartmandaluyong.weebly.com/uploads/1/8/2/9/18293947/shjp... · It was the same list for a grade school student like me: help with

8

Special Feature: YEAR OF FAITH By Fr. Wilmer Rosario & Bro. Joel Lumigpit

PLACE YOUR ADS HERE. Kung kayo ay interesado maglagay ng inyong ads sa ating newsletter, maari po kayong makipagugnayan sa parish office at hanapin

si Sister Tina o tumawag sa parish office o ipadala sa pamamagitan ng email ang inyong ads.

Sacred Heart of Jesus Parish Welfareville Compound, Mandaluyong City

http://sacredheartmandaluyong.weebly.com/ Tel. Nos. 534-4331 531-8539 Email address: [email protected]

KATOLISISMO 7: Si Jesukristo ay Pinagpakasakit ni

Poncio Pilato, Ipinako sa Krus, Namatay at Inilibing

Sa Artikulong ito ay may apat na pandiwa:

Pinagpakasakit

Mababasa natin sa mga Ebanghelyo ang mga sakit at hirap na dinanas ng Panginoon kay Poncio Pilato (Juan 18:28-19:42). • Ipinakuha ni Pilato si Jesus at ipinahagupit. • Ipinutong kay Jesus ang isang koronang tinik. • Pinagsasampal at pinapasan ang krus patungong kalbaryo. Ang pagtanggap ni Kristo ng hirap at pasakit ay tanda ng Kanyang pag-ibig sa Kanyang Ama (Juan 14:31) at sa lahat.

Ipinako

Nang marating ni Jesus ang Golgota, hinubaran nila si Jesus ng damit at ipinako sa krus kasama ng dalawang tulisan. Alam nating walang kasalanan si Jesus ngunit hinarap at tinanggap Niya ito.

Namatay

Si Jesus ay namatay sa krus upang palayain tayo sa ating mga kasalanan at iugnay tayong muli sa Ama. Ipinagkasundo tayo sa Diyos ng kamatayan ng Kanyang Anak (Roma 5:10). Ito ay pag-aalay ng Kanyang buhay para sa Kanyang mga kaibigan (Juan 15:13) at para sa lahat.

Inilibing

Sa libingan nahimlay ang katawan niya habang naghihintay ng muling pagkabuhay

PAGBUBUOD:

Ang pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo ay nagpapahayag na ang Diyos ay mapagmahal na Manunubos. Ang mapangtubos na kamatayan ni Kristo ang siyang batayan

ng Banal na Misa ang pinakabuod ng Kristiyanong pagsamba. Sa Banal na Eukaristiya pinapahayag natin na si Kristo ang ating sakripisyong pampaskuwa “ang tunay na Korderong nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.”

Sa taong ito ng pananampalataya inaanyayahan tayo ni Jesus na talikdan ang sarili, pasanin ang ating krus at su-munod sa Kanya.

KATOLISISMO 8: Si Jesukristo Nananaog sa

Kinaroroonan ng mga Yumao. Nang may Ikatlong Ar-aw ay Nabuhay na Mag-muli.

Sa Katesismo ng Iglesia Katolika, mababasa natin:

Nang mamatay si Kristo, Siya ay nanaog sa tirahan ng mga yumao. Binuksan ang mga pintuan ng langit para sa mga matuwid na namatay na una sa kanya.

Sa simula, ang mga Apostoles ay hindi naniwala na si Jesus ay muling nabuhay, subalit matapos Siyang magpakita sa kanila sa silid sa kaitaasan, naniwala sila na si Jesus nga ay tunay na buhay!

Sa Aklat ng mga Gawa ng mga Apostoles mababasa natin... “Siya’y muling binuhay ng Diyos at sa loob ng maraming araw Siya ay nagpakita sa mga sumama sa Kanya. Ngayon sila ang mga saksi Niya.” (13:31)

Mahahalagang bagay tungkol sa Muling Pagkabuhay ni Kristo

“Kung si Kristo ay di muling nabuhay, walang kabulu-han ang aming pangangaral, walang katuturan ang inyong pananampalataya.” (1Corinto15:14)

Itutuloy sa pahina 7

Thanks to:

Greetings from Jellyn Santos… Miss you all!

Greetings from:

Charismatic Community of Sacred Heart of Jesus Parish

Thanksgiving from:

Woo Family

Prayers for a

peaceful and safe 2014!