21
SEARCH WARRANT

Search warrant

Embed Size (px)

Citation preview

SEARCH WARRANT

Philippine Constitution

Article III, (KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN (Bill of Rights))Section 2 – Right Against Unreasonable Arrest, Search andSeizure

“Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ngkapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mgabagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog atpagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, athindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrantsa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan napersonal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasatang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalimng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar nahahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay nasasamsamin.”

“A man’s home is his castle. Not even the king would dare desecrate it.”

Kahit nakatira ka pa sa barong-barong at sabihin na nating isa kalang iskwater, hindi pwede tumapak sa maputik mong sahig angsinuman, pati ang presidente ng Pilipinas na walang pahintulot. Itoang garantiya ng ating Saligang Batas.

Karapatan ng bawat tao ang seguridad ng kanyang sarili, tahanan,papeles, at ibang bagay laban sa hindi makatarungangpaghahalughog at pagkumpiska na walang search warrant.

Para ipahiwatig ang kahalagahan ng ating karapatan laban saunreasonable searches and seizures, idineklara ng ating SaligangBatas na anumang bagay na makukuha sa ganitong paraan ayhindi magagamit na ebidensiya sa ano mang kaso at sa anumanguri ng paglilitis.

Definition: Search

Warrant is an order in

writing issued in the

name of the People of

the Philippines, signed

by a judge and directed

to a peace officer,

commanding him to

search for personal

property described

therein and bring it

before the court.

PROSESO NG PAG-ISYU NG SEARCH WARRANT

Ang proseso sa pagkuha ng search warrant ay halos katulad din ng

proseso sa pagkuha ng warrant of arrest.

1) Una, ang search warrant ay iniisyu lang ng hukom, period. Walang

kapangyarihan ang sinumang kernel, major, heneral na magpalabas

ng search warrant.

2) Pangalawa, dapat may probable cause sa isang konektadong

krimen ang pag-isyu ng search warrant na personal na denitermina ng

hukom matapos niyang suriin ang testigo na nanumpa sa kanyang

harapan.

3) Pangatlo, ang nasabing testigo ay dapat higit pa sa inyong

tsismosang kapitbahay na puro sabi-sabi lang ang nalalaman.

Nararapat na meron siyang personal knowledge at kayang ilarawan

ang partikular na bagay na kukunin at saang lugar matatagpuan.

Kapag nakumbinse ang hukom na may probable cause ay maaring

mag-isyu siya ng search warrant ayon sa tamang form.

PERSONAL PROPERTY TO BE SEIZED

(1) Bagay na kasama sa krimen (subject of the offense)

(2) Nakaw na bagay o bagay na bunga ng isang krimen ( fruit of the

offense)

(3) Bagay na ginamit o gagamitin sa isang krimen (use or intended to

be used as the means of committing an offense)

IN THE PRESENCE OF WITNESSES

Hindi pwedeng maghalughog ang mga pulis o law enforcer na may

search warrant sa inyong tahanan ng hindi ginagawa sa inyong

harapan o sa harapan ng myembro ng inyong pamilya.

Kung walang tao sa bahay ay dapat gawin ang paghahanap sa

harapan ng dalawang testigo na nasa tamang edad at pag-iisip na

nakatira malapit sa inyo.

TIME OF MAKING SEARCH

Ang search warrant ay pinapatupad dapat sa araw. Pwera na lang

kung ang salaysay ng testigo na ang bagay na hinahanap ay nasa

tao at nasa sa lugar at may direksiyon siyang maaring mahanap ito

sa araw o gabi lamang.

VALIDITY OF SEARCH WARRANT

Ang search warrant ay may buhay lamang ng 10 araw. Di’ tulad ng

warrant of arrest na nakalutang lang sa ere hangga’t hindi nahuhuli

ang akusado, ang search warrant ay napapanis.

WELL RECOGNIZED EXCEPTIONS TO WARRANTLESS SEARCH

1. Warrantless search incidental to a lawful arrest

Kapag ang isang tao ay hinuli dahil may warrant of arrest siya, SOP ng mga pulis

ang kapkapan ang akusado.

Mahirap na kasi baka may baril o pasabog na dala ang nahuli at maaring

masaktan ang mga kapulisan. Kung may nakitang droga o ‘di lisensiyadong baril

habang kinakapkapan, maaring itong gamit laban sa kanya.

Kasama rin sa warantless seach ang mga bagay na nasa paligid ng nahuling tao.

Maari kasing pumasok ang pulis sa isang bahay upang tugusin ang isang akusado

basta’t may hawak siyang warrant of arrest. At kung nahuli siya sa loob ng bahay at

sa tabi niya ay may nakitang illegal substance, maaring rin itong gamitin laban sa

kanya.

Ngunit ang warrantless search ay dapat “within the area of his immediate control”

2. Seizure of evidence in plain view

Ito ang tinatawag na “plain view doctrine”.

Mga kailangan sa plain view doctrine:

i.) Legal ang initial intrusion ng mga pulis;

ii.) ang pagdiskubre ng kontrabando ay hindi sinasadya dahil

pakalat-kalat;

iii.) at ang bagay na yun ay nagamit o maaring magamit sa isang

krimen.

3. Search of a moving vehicle

Di tulad ng bahay, ang sasakyan ay tumakbo at humaharurot, kaya

hindi praktikal na kumuha pa ng search warrant para dito. Kaso,

hindi rin ito lisensiya para sa kapulisan na halughugin ang sasakyan

ng walang dahilan. Dapat may probable cause ang pulis para

siyasatin ang kotse.

Pero kung isa lang itong regular na check point na kaliwa’t-kanang

ginagawa dahil sa nalalapit na eleksiyon, at wala namang kahina-

hinala sa mga kilos ninyo na maaring gawin “probable cause“,

walang karapatan ang pulis na pababain kayo at kapkapan o

siyasatin ang inyong sasakyan.

4. Consented warrantless search

May permiso ng tao o may ari ng isang bahay para isagawa ang

search.

5. Customs search

Ang mga naatasang magpatupad ng ating mga Custom and Tarriff

Laws ay authorized na mag-conduct ng search kahit walang warrant

kahit na anong uri ng artikulo o bagahe, basta may suspetsa sila na

ang mga bagay na ito ay nakapasok sa Pilipinas na hindi nagbayad

ng tamang buwis.

6. Stop and Frisk

Kung kahinahinala ang kilos ng isang tao ay pwede itong

pahintuin ng pulis at siyasatin.

7. Inspection of buildings and other premises for the enforcement of

fire, sanitary and building regulations

References: http://panyero.net/?s=search+warrant

http://www.batasnatin.com/law-library/remedial-

law/criminal-procedure/698-search-and-seizure.html