Upload
fem-dadison
View
921
Download
13
Embed Size (px)
Citation preview
Tamang Pagsugpo at Pag –
iwas sa
Nakamamatay
naDengue
VirusBy: Fem Dadison
Paano nga ba
masusugpo at
maiiwasan ang
Nakamamatay na
Dengue Virus?
Male (left) and female (center and right) Ae. aegypti
ANO BA ANG DENGUE?
https://en.wikipedia.org/wiki/Aedes_aegypti
https://en.wikipedia.org/wiki/Dengue_fever
Aedes Egypti
Ang dengue ay isang sakit na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng BABAENG LAMOK na Aedes na sanhi ng mikrobyong “Dengue virus “.
PAANO NAKUKUHA ANG DENGUE?
Ang dengue ay nakukuha sa kagat ng lamok, na tinatawag na Aedes Aegypti at Aedes albopictus, na kumagat ng taong may sakit na dengue.
Ang lamok na ito’y nangangagat sa araw at nangingitlog sa bagay o lalagyang naipunan ng malinaw na tubig.
Ito’y namamahay sa madilim na parte ng loob at paligid ng bahay.
MGA PALATANDAAN NG MAY SAKIT NA DENGUE?
MGA PALATANDAAN NG MAY SAKIT NA DENGUE?
1. Sa umpisa, lagnat na tumatagal ng 3-5 araw, matinding sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, panghihina, at walang ganang kumain.
2. Kasabay ng pagbaba ng lagnat, ay paglitaw ng mapupulang butlig “rashes” – sa iba’t-ibang parte ng katawan.
3. Maaaring magkaroon ng pagdurugo ng ilong at gilagid o pagsuka o pagdumi ng maitim.
PAANO MAIIWASAN ANG
SAKIT NA
DENGUE?
KASAGUTAN!!!AYON
SA
DOH!
1.Search and DestroyItapon ang lata, bote at iba pang kalat sa paligid na maaaring pangitlugan ng lamok kapag naipunan ng tubig.
Butasan ang mga lumang gulong na ginagamit na pabigat sa bubungan ng bahay.
Tiyakin na walang naiipon na tubig sa ilalim ng paminggalan, at refrigerator.
Linisin at kuskusin ang gilid ng mga lagayan ng tubig minsan sa isang linggo. Ang mga itlog ng lamok na nagiging kiti-kiti ay kumakapit sa mga gilid nito.Takpan maigi ang mga drum, timba at iba pang ipunan ng tubig upang hindi pamahayan ng kiti-kiti.
Linisin ang alulod ng bahay upang hindi maipunan ng tubig at pamahayan ng kiti-kiti.Palitan ang tubig ng plorera minsan sa isang linggo.
Gumamit kulambo sa ang pagtulog o lagyan ng “screen” ang bintana at pinto ng bahay.
2. Self- Protection Measures
Magsuot na mahabang pantalon at may mahabang manggas na polo o kamiseta. Maaari ding gumamit ng mosquito repellant araw-araw.
Huwag painumin ng Aspirin. Maaaring maging sanhi ito ng pagdurugo.
Para sa lagnat, punasan ang pasyente ng bimpo na binasa ng tubig-gripo para maginhawaan ito.
Kung may lagnat na nang 2 araw, pumunta at kumunsulta agad sa pinakamalapit na Health Center o Hospital.
3. Seek Early Consultation
4. Say NO to Indiscriminate Fogging
Mag fogging lamang kung may Dengue Outbreak.
MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA
LAMOK NA AEDES:1. Apat na beses pwedeng magkasakit ng dengue ang isang tao dahil mayroong apat na klase ng Dengue Virus.
2. Mahahawa lamang tayo ng dengue sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes na may Dengue Virus.
3. Pagkatapos ng bawat pagsipsip ng dugo (blood meal), sila ay nangingitlog.
4. Mainit na balat ang mas gusto nilang kagatin.
5. Mas tawag pansin din sa kanila kung gumagalaw ang biktima nila. Kaya ingat ang malilikot na bata!
6. Karaniwan silang umaatake o kumakagat mula sa gilid o likod ng tao.
7. Dumadami sila tuwing tag-ulan.
8. Tumatagal ang kanilang buhay mula 20- 30 araw.
TANDAAN!!!
Ang Dengue ay nakamamatay at maaaring magka-Dengue ang sinuman, bata, matanda, mahirap o mayaman. Kaya’t sama-sama tayong kumilos upang masugpo ang Dengue.
Ugaliin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na sa loob ng tahanan sa lahat ng pagkakataon.
At ang magandang balita mula sa DOH! Mayroon na pong
Libreng Bakuna Laban sa Dengue Virus!!!
upang patuloy na maiwasan ang sakit na Dengue. Sa
katunayan ay nagsimula na po ang pagbabakuna sa mga
batang nasa ika-apat na baitang sa lahat ng pampublikong
paaralan sa Pilipinas noong Abril 2016!
Kaya naman,
Sama – sama nating
ISIGAW!!!
DENGUE ay
Sugpuin!!!
Panatilihing Malinis ang ating Kapaligiran.
Thank You!!!
Sources/References: • https//:www.irosin.gov.ph.local-news.health-updates: DOH Health
Advisory, 2015 (pamphlets)courtesy of Pasig Health Department
• https://en.wikipedia.org/wiki/Aedes_aegypti/retrieved March 23, 2016
• https://en.wikipedia.org/wiki/Dengue_fever/retrieved March 23, 2016
• phil.cdc.gov/phil/details.asp?pid=9261/retrieved March 23, 2016
• https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQRRH6767d45EBE1bDY3QwZuKlPpnbJSlaThj6NX5Y5DBi8hXcM/retrieved March 23, 2016
• https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2F2.bp.blogspot.comMarch 23, 2016
• http://www.onlinebestprice.biz/dengue-fever-symptoms-treatment-and-prevention/March 23, 2016