189
Edukasyong Pangkatawan Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral 5 1

K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Edukasyong

Pangkatawan

Pangkalusugan Kagamitan ng Mag-aaral

5

1

Page 2: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

CHAIRMAN: Mary Jane M. Sabuya

Secretary: Henry C. Salazar

MEMBERS:

Maribel A. Balido

Annabelle G. Maghirang

Sahara Theresa D. Cruz

Bernie S. Borgonos

Michael d. Lacson

Junee Rose D. Delgado

Jenien V. Padilla

Joy G. Geniza

2

Page 3: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

PAGPAPAKILALA SA MGA GAWAING

MAKAPAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Ang pagpapakilala sa mga gawaing makapagpapaunlad ng physical

fitness ang pangunahing layunin sa yunit na ito. Ang mga gawaing

makapagpapaunlad ng physical fitness ang pokus sa mga aralin upang malaman

ang kahalagahan nito sa kalusugan ng katawan.

Sa araling ito, ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay

bibigyang-pansin upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga gawaing

iyong ginagawa at dalas ng paggawa ng mga ito para sa iyong kalusugan.

ARALIN 1

Ang Philippine Physical Activity

Pyramid Guide para sa Batang

Pilipino

3

Page 4: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Lagyan ng tsek (/) ang mga gawain kung ginagawa mo ito araw-araw, 3-5

beses, 2-3 beses, o 1 beses sa loob ng isang linggo. Kopyahin ito sa iyong

kuwaderno. Gumamit lamang ng lapis sa pagsagot.

GAWAIN 1 beses 2-3

beses

3-5

beses

Araw-

araw

Paglalakad (papuntang

simbahan, paaralan, palengke)

Pag-jogging

Paglalaro (habulan, taguan,

patintero, at iba pang mga laro)

Pagsasayaw (ballroom, pop)

Pamamasayal (sa plaza, sa park,

sa mall o kung saan pa)

Pamamalagi nang matagal (paglalaro sa computer,panonood ng TV, paghiga o pag-upo nang matagal)

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Lahat ba ng gawaing nasa tsart ay ginagawa mo? Ilang beses mo itong

ginagawa sa isang linggo?

2. Aling mga gawain ang mas madaling gawin? Alin ang mas madaling gawin?

Alin ang mas mahirap gawin?

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay

makakatulong na maging mas aktibo ang batang katulad mo. Ito ay hango mula

sa Pyramid Guide. Ito ay binubuo ng mga gawaing pisikal (physical activity) na

SIMULAN NATIN

IPAGPATULOY NATIN

4

Page 5: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

hinati sa apat na antas (levels) kung saan ang bawat antas ay tumutukoy sa

rekomendadong dalas ng paggawa (frequency) ng iba’t ibang mga gawaing

pisikal (physical activity). Ang gawaing pisikal ay tumutukoy sa anumang

pagkilos ng katawan na nangangailangan ng enerhiya (energy). Ito ay gawaing

pisikal na maaaring madali o hindi nangangailangan ng matinding buhos ng

enerhiya tulad ng pagsusulat, pagbabasa, pagsisipilyo, at iba pa. Maaari ding

may kahirapan o mas nangangailangan ito ng mas maraming buhos ng enerhiya

gaya ng pagsayaw, pagtakbo,paglalaro ng basketball at iba pa.

Samantala, ang dalas ng paggawa (frequency) naman ay tumutukoy sa

dami ng bilang ng paggawa ng isang gawain. May mga gawaing pisikal na mas

madalas na ginagawa at mayroon ding mas madalang kung gawin. Ang dalas ng

paggawa ay makatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng kalusugan lalo na

kung ang gawaing pisikal ay sumusubok sa kakayahan ng iyong katawan tulad

ng pagpapabilis ng tibok ng iyong puso at paghinga. Halimbawa, ang paglalakad

ay mas madalas dapat gawin kaysa sa pag-upo lamang buong araw dahil ang

paglalakad ay mas nakatutulong sa iyong kalusugan kaysa sa pag-upo lamang.

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nahahati

sa apat na antas (levels). Ang pinakababang antas ay mga gawaing habang

tumataas sa pyramid, nirerekumenda na mas madalang na gawin

nirerekumendang araw-araw gawin kahit ang mga ito ay simple lamang. Ang

mga simpleng gawaing ito ay makatutulong sa iyong kalusugan dahil ang iyong

katawan ay kumikilos.

Ang pangalawang antas mula sa baba ay mga gawaing 3-5 beses na

rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing lubos na

makakapagpataas ng tibok ng puso tulad ng pagbibisikleta, pagtakbo, paglalaro

ng basketball, volleyball, at iba pa. Sa paggawa ng mga gawain sa antas na ito,

mas nalilinang ang iyong kalusugan dahil patuloy sa pagkilos ang iyong katawan.

Ang ikatlong antas mula sa baba naman ay mga gawaing 2-3 beses na

rekumendadong gawin. Ito ay binubuo ng mga gawaing maaaring magpainam ng

kundisyon ng iyong katawan gaya ng pagtumbling, push-up, pull-up,

pagsasayaw, at iba pa. Ang mga gawain sa antas na ito ay makakapagpabilis din

ng tibok ng iyong puso ngunit nagbibigay din ng pokus sa pagkundisyon ng iyong

mga kalamnan (muscle conditioning).

Ang mga gawaing nasa tuktok naman ay mga gawaing 1 beses lamang

na rekumendadong gawin. Ito ay dahil ang mga ito ay itinuturing na sedentary

activities o iyong mga gawaing kung saan namamalagi lamang sa lugar ang

isang bata at hindi nangangailangan ng matindi niyang paggalaw. Ito ay binubuo

ng panood ng TV, paglalaro sa computer, pag-upo nang matagal, at iba pa. Hindi

nakakabuti para sa iyong kalusugan ang madalas na paggawa ng mga gawaing

nasa tuktok ng pyramid dahil kulang sa subok ang kakayahan ng iyong katawan.

5

Page 6: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Tandaan na ang batang tulad mo ay dapat isaalang-alang ang kalusugan

sa murang edad. Kaya nararapat na suriin mong mabuti ang iyong pang-araw-

araw na gawain at iayon ang iyong physical activities sa rekumendasyon ng

Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Makabubuti kung

gagawin mo itong gabay sa mga physical activity mo. Maaaring malinang nito

ang isports, laro, sayaw, at pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng

tahanan na maaari mong gawin nang ilang beses sa isang linggo.

Kung ikaw ay kasalukuyang hindi gaanong aktibo, dapat ay magsimula sa

ilalim ng pyramid at unti-unting damihan ang paggawa ng mga gawaing

rekumendado ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Mas

mainam kung ang mga gawaing ito ay hindi lamang minsanan kung gawin

bagkus madalas o kung maaari ay araw-araw. Kung ikaw naman ay kasalukuyan

nang aktibo, makabubuti kung ipagpapatuloy ang mga gawaing iyo nang

ginagawa o dagdagan pa ito. Tandaan na hindi mo kailangang biglain ang iyong

katawan. Pakiramdaman mo ito para mas makatulong ang physical activities sa

iyo.

Suriin ang iyong sagot sa Simulan Natin. Pag-aralang mabuti ang Physical

Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino at sagutin ang mga sumusunod:

1. Aling mga gawain sa tsart ang ginagawa mo na naaayon sa rekumendasyon

ng pyramid

2. Aling mga gawain ang sa tingin mo ay dapat mong dalasan ng paggawa? At

aling mga gawain naman ang dapat mong bawasan ng dalas na paggawa?

Bakit?

Ang mga gawaing maaaring gawin ay hindi lang limitado sa nakalagay sa

Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Maaaring gumawa ng

iba pang mga gawaing hindi nakasaad sa pyramid.

Magbilang ng 1-4 sa buong klase. Lahat ng 1 ay mabibilang sa unang

grupo, ang 2 sa pangalawang grupo, 3 naman sa ikatlong grupo at pang-apat na

grupo ang bilang 4.

Ilarawan ng pangkat ang mga gawaing araw-araw, 3-5 beses, 2-3 beses,

at 1 beses sa loob ng isang linggo niyong ginagawa sa pamamagitan ng isang

GAWIN NATIN

6

Page 7: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

eksena o representasyon. Mag-isip ng mga gawaing wala sa pyramid. Sa hudyat

ng guro, ipakita ninyo ang nagawa. Ipaliwanag ng lider ang iyong presentasyon.

Unang Grupo: Araw-araw na ginagawa

Pangalawang Grupo: 4-5 na beses sa isang linggo

Pangatlong Grupo: 2-3 beses sa isang linggo

Pang-apat na Grupo: 1 beses sa isang lingo

Sagutin ang mga tanong:

1. Sang-ayon ka ba sa mga gawaing ipinakita ng ibang grupo? Naaayon ba ang

mga ito sa dalas ng paggawa na rekumendado ng pyramid?

2. Kung ikaw ay kabilang sa ibang grupo, ano ang mga gawaing yong ipapakita?

Base sa iyong natutunan, may mga gawain bang dapat mas madalas o

mas madalang mong ginagawa? Aling mga gawain ang maiiba ang dalas ng

iyong paggawa? Mula sa tsart sa Simulan Natin, lagyan ng tsek (/) ang mga ito.

Huwag mag-alinlangan baguhin na baguhin ang iyong sagot base sa iyong

natutunan.

TANDAAN NATIN

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nakatutulong upang maging mas aktibo ang mga bata. Mahalagangisaalang-alang kung ano ang gagawin at gaano kadalas itong gagawin para maging mas maganda ang kalusugan. Hindi limitado ang mga gawaing maaaring gawin sa mga rekumendadong gawain na nasa pyramid. Maaaring magdagdag ng iba pang gawain na naaayon sa rekumendadong dalas ng paggawa tulad ng paglalaro ng ibang isports at iba pang mga gawain.

SURIIN NATIN

7

Page 8: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

GAWAIN 1

beses

2-3

beses

3-5

beses

Araw-araw

Paglalakad (papuntang simbahan,

paaralan, palengke)

Pag-jogging

Paglalaro (habulan, taguan,

patintero, at iba pang mga laro)

Pagsasayaw (ballroom, pop)

Pamamasayal (sa plaza, sa park,

sa mall o kung saan pa)

Pamamalagi nang matagal

(paglalaro sa computer,panonood

ng TV, paghiga o pag-upo nang

matagal)

Simulan ang pagtatala ng mga gawaing iyong ginagawa sa araw-araw.

Gumawa ng tsart na pang-isang linggo at isulat ang mga gawaing ito. Kopyahin

ito sa iyong kuwaderno.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

Halimbawa:

pagtulong

sa

paglalaba

Halimbawa:

paglalaro

ng habulan

PAGBUTIHIN NATIN

8

Page 9: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

Sa araling ito, ang mga sangkap ng physical fitness ay natutuhan upang

malaman ang kahalagahan ng mga ito sa kalusugan ng isang tao. Ang

pagkakaiba ng mga sangkap ay maipaliliwanag upang lalo pang mapaunlad ang

mga ito sa pamamagitan ng pakikilahok sa isports, sayaw, at iba pang pang-

araw-araw na gawain.

Pagmasdan mo ang larawan ng iba’t ibang indibidwal.

SIMULAN NATIN

ARALIN 2

Ang mga Sangkap ng Physical

Fitness

9

Page 10: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ano-anong mga katangian ang kailangang taglayin ng mga indibidwal na

ito para magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin? Gaano kahalaga

ang mga katangiang ito sa kanilang trabaho o propesyon?

Ang physical fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng

pang-araw-araw na gawain nang hindi kaagad napapagod at hindi na

nangangailangan ng karagdagang lakas sa oras ng pangangailangan.Tumutukoy

rin ito sa mga katangiang tumutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng

katawan ayon sa gawain. Ito ay binubuo ng dalawang sangkap: health-related at

skill-related.

Ang health-related na mga sangkap ay tumutukoy sa kalusugan

samantalang ang skill-related na mga sangkap naman ay may kinalaman sa

kakayahan ng paggawa. Bawat sangkap ay mahalaga upang mapanatili ang

pagkalahatang kalusugan.

May limang health-related na mga sangkap. Ito ay ang cardiovascular

endurance, muscular endurance, muscular strength,flexibility, at body

composition. May mga gawain na mainam na nagpapakita ng mga sangkap na

ito at nalilinang ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsubok o tests (physical

fitness tests).

IPAGTULOY NATIN

10

Page 11: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sangkap o Komponent

Kahulugan Halimbawa ng gawain

Paraan ng Paglilinang

Cardio-vascular Endurance (Tatag ng Puso at Baga)

Kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng kahirapan

Pagtakbo, paglalakad nang

mabilis, pag-akyat sa hagdanan

3-minute step test

Muscular Endurance (Tatag ng Kalamnan)

Kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa

Pagtakbo, pagbubuhat nang

paulit-ulit Curl-up

Muscular Strength (Lakas ng Kalamnan)

Kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas

Pagpalo nang malakas sa

baseball, pagtulak sa isang bagay

Push up

Flexibility (Kahutukan)

Kakayahang makaabot ng isang bagay nang Malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan

Pagbangon sa pagkakahiga, pagbuhat ng

bagay, pag-abot ng bagay mula sa

itaas

Sit and Reach

Body Composition

Dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, tubig) sa katawan

-------------------- Body Mass Index

(BMI)

Ang skill-related na mga sangkap naman ay kinabibilangan ng agility,

balance, coordination, power, reaction time, at speed. Katulad ng health-related

na sangkap, mayroon ding mga gawain na mainam na nagpapakita ng mga ito.

Madalas ding ang isang gawain ay maaaring magtaglay ng iba’t ibang skill-

related na mga sangkap. Ang bawat sangkap ay nalilinang din sa pamamagitan

ng iba’t ibang pagsubok (physical fitness tests).

11

Page 12: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sangkap o Komponent

Kahulugan Halimbawa ng gawain

Paraan ng Paglilinang

Balance Kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance), kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar (dynamic balance) o sa pag-ikot sa ere (in flight)

Gymnastics stunts, pagsasayaw, pagspike sa volleyball

Stork Balance Stand Test

Coordination Kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan

Pagsasayaw, pagdidribol ng bola

Paper juggling

Power Kakayahang makapgpalabas ng puwersa nang mabilisan batay sa kombinasyon ng lakas at bilis ng pagkilos

Pagpukol sa bola ng baseball, paghagis ng bola

Standing Long Jump, Vertical Jump

Reaction Time Kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari

Pagkilos ayon sa baton g bola sa batuhan ng bola, pag-iwas sa taya sa patintero

Stick Drop Test

Speed (Bilis) Kakayahang makagawa ng kilos sa maiksing panahon

Pagtakbo, pagpasa ng bola

50 m sprint

Tandaan na ang lahat ng mga sangkap ay mahalaga sa pangkalahatang

kalusugan ng iyong pang-araw-araw na mga gawain. Malaki ang naiaambag sa

pagpapaunlad ng mga sangkap na ito. Mas mainam na madalas ang paggawa

ng mga gawaing naaayon sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang

Pilipino para mas maging maganda ang estado ng iyong physical fitness.

Suriing muli ang mga larawan ng mga indibidwal sa Simulan Natin. Aling

sangkap ng physical fitness ang lubos na mahalaga para magampanan nila nang

husto ang kanilang mga tungkulin? para sa pulis? manlalaro ng basketball?

estudyante?

12

Page 13: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

PAMPASIGLANG GAWAIN

Unahin mong gawin ang mga pampasiglang gawain.

1. Pag-jogging ng limang ikot sa palaruan.

2. Head Twist

Starting Position (S.P) Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at ang

mga kamay ay nasa baywang.

Panuto

a. Ipaling ang ulo sa kanan at bumilang ng 1-8.

b. Ipaling ang ulo sa kaliwa at bumilang ng 1-8.

c. Bumalik sa posisyon

d. Ulitin mula a-c.

3. Shoulder Rotation

S.P. Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa, nakapatong sa

balikat ang mga kamay at tuwid ang ulo.

Panuto:

a. Paikutin ang balikat paharap at bumilang ng 1-8.

b. Paikutin ang balikat patalikod at bumilang ng 1-8.

c. Ulitin mula a-c.

GAWIN NATIN

13

Page 14: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

4. Arm Circles

S.P. Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at nakataas ang

mga braso

Panuto:

a.I-unat ang braso sa gilid na pantay sa balikat at paikutin paharap at bumilang

ng 1-8.

b. Paikutin pabalik at bumilang ng 1-8.

c. Ulitin ang (a) ngunit gawing malaki ang bilog.

d. Paikutin ng pabalik katulad ng (c).

5. Half-Knee Bend

S.P. Tumayo nang tuwid at nasa baywang ang mga kamay.

Panuto:

a. Dahan-dahang ibaluktot ang tuhod at bumilang ng 1-4.

b. Iunat ang tuhod at bumilang ng 1-4.

c. Ulitin ang (a) at (b) ng tatlong beses

6. Jumping Jack

S.P Tumayo na magkadikit ang mga paa at nasa gilid ang mga kamay.

Panuto:

a. Tumalon at ibuka ang paa kasabay ng pagpalakpak ng

kamay sa ibabaw ng ulo at bumilang ng isa.

b.Bumalik sa panimulang posisyon at bumilang ng dalawa.

c. Ulitin ang (a) at (b) ng tatlong beses

May iba’t ibang mga gawaing nangangailangan o nagtataglay ng mga

sangkap ng physical fitness. Maaaring isang sangkap ang lubos na tinataglay ng

isang partikular na gawain ngunit maaari din isa, dalawa o marami pang sangkap

ang taglay nito. Bumuo ng 6 na grupo at magsimula sa estasyon na itinalaga ng

guro para sa inyong grupo. Gawin ang nakatalaga sa estasyon na ito at tukuyin

14

Page 15: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

ang mga sangkap ng physical fitness na kaakibat ng gawain. Sa hudyat ng guro,

lumipat sa susunod na estasyon at gawin ang nakatalaga rito. Patuloy na gawin

ang lahat ng nakatalaga sa lahat ng estasyon.

Sagutin ang mga tanong:

1. Aling mga estasyon ang isa lamang ang sangkap ng physical fitness na

kaakibat ng gawain? Ano-anong mga sangkap ito?

2. Ano-anong sangkap ng physical fitness ang kadalasang magkasama o

parehong kaakibat ng isang gawain? Sa aling estasyon ito kaakibat?

TANDAAN NATIN

Unang Estasyon Pagtalon ng 10 beses na

walang tigil na patalikod at pagilid

Pangalawang Estasyon

Paglaro ng habulan sa loob ng itinakdang

palaruan

Pangatlong Estasyon Pagbubuhat ng mga libro mula sa dulo ng

palaruan hanggang sa kabilang dulo ng

palaruan

Pang-apat na Estasyon Pabilisang pagtakbo mula

sa dulo ng palaruan hanggang sa kabilang

dulo ng palaruan

Panglimang Estasyon Palayuang paghagis ng

basketbol o balibol

Pang-anim na Estasyon Pagpatong ng libro sa ulo

at mga kamay habang naglalakad mula sa isang

lugar at pabalik

Ang physical fitness ay ang kakayahan ng bawat tao na makagawa ng pang-araw-araw na gawain nang hindi kaagad napapagod. Binubuo ito ng health-related na mga sangkap (cardiovascular endurance, muscular endurance, muscular strength, flexibility, at body composition) at skill-related na mga sangkap (agility, balance, coordination, power, reaction time, at speed).

May mga gawain na isang sangkap ang kaakibat ngunit mayroon ding isa o dalawa o maraming sangkap ang kaakibat. Tandaan na ang lahat ng sangkap ay mahalaga sa pangkalahatang kalusugan.

15

Page 16: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Mahalagang malaman mo kung ano-anong sangkap ng physical fitness

ang kaakibat ng mga gawain mo sa pang-araw-araw. Mula sa takdang aralin sa

Aralin 1, ano-anong mga sangkap ng physical fitness ang kaakibat ng mga

gawaing isinulat mo. Ilista ang mga ito at markahan ng tsek (/) gaya ng

halimbawa sa ibaba.

Mga Palatandaan:

CVE (Cardiovascular Endurance)

ME (Muscular Endurance), MS (Muscular Strength), F (Flexibility),

BC (Body Composition), A (Agility), B (Balance), C (Coordination),

P (Power), RT (Reaction Time) at S (Speed).

Health-Related Skill-Related

CVE ME MS F BC A B C P RT S

Pagtulong sa paglalaba

/ /

Paglalaro

ng

habulan

/ / / / / / / /

Ano-anong mga sangkap ng physical fitness ang hindi gaanong

nasasagot ng mga gawaing iyong ginagawa? Ilista ang mga sangkap na ito at

subuking gumawa ng mga gawain sa loob ng isang linggo na sasagot dito.

PAGBUTIHIN NATIN

SURIIN NATIN

16

Page 17: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

ANG AKING BUONG LINGGONG GAWAIN UPANG MAPAUNLAD ANG

PHYSICAL FITNESS COMPONENTS

HEALTH-RELATED COMPONENTS

CVE ME MS F BC

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

SKILL-RELATED COMPONENTS

A B C P RT S

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

17

Page 18: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

UNANG ARAW NG PAGSUBOK

Sa araling ito, ang pagsubok sa mga sangkap ng physical fitness o

physical fitness tests ay bibigyang pansin upang malaman ang estado ng iyong

physical fitness sa kasalukuyan. Dalawang magkahiwalay na pagsubok ang

iyong gagawin sa antas na ito: ang pre-test sa yunit na ito at post-test sa

ikahuling yunit.

Ilagay ang iyong hintuturo at gitnang daliri sa iyong pulsuhan (wrist) o

kaya naman sa may leeg sa ilalim ng panga (jaw) at damhin ang iyong pulso. Sa

hudyat ng guro, umpisahang bilangin ang iyong resting heart rate simula sa zero

hanggang sa sabihin ng guro na itigil o ihinto ang pagbilang.

Ngayon na nakuha mo na ang iyong resting heart rate, itala mo ito sa

Physical Fitness Passport Card na ibibigay ng iyong guro. Ang Physical Fitness

Passport Card ay magsisilbing talaan ng iyong mga iskor sa mga susunod pang

SIMULAN NATIN

40 m

ARALIN 3

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng

Physical Fitness (Pre-test)

18

Page 19: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

mga gawain upang makita mo ang iyong pag-unlad sa bawat pagsubok sa

katapusan ng taon.

TALAAN NG ISKOR SA MGA PAGSUBOK NG PHYSICAL FITNESS

Baitang at Seksyon: _______________________________________________

Edad: __________ Bigat: ___________(kg) Taas: _______ (BMI) ___________

Guro: __________________________________________________________

Petsa: _______________ Pre-Test: ______________________

Post-Test: _____________________

POST-

TEST

REMARKS POST-

TEST

REMARKS

1. 3 Minute Step-Test

Resting Heart Rate

(15 sec. x 4)/

(10 sec. x 6)

Pulse Rate

(15 sec. x 4)/

(10 sec. x 6)

2. Sit and Reach

3. Push-up

4. Basic Plank

5. Standing Long Jump

Left Right Left Right Left Right Left Right

6. Stork Balance

Stand Test

7.40 m Sprint

8. Shuttle Run

9. Juggling

10. Stick Drop Test

11. Zipper Test

12.Vertical Jump

13. Hexagon Agility

Sagutin ang mga tanong:

1. Mabilis ba ang iyong pulso? Bakit kaya mabilis o mabagal ito?

2. Ano ang maitutulong ng mga physical activity na ginagawa mo para

mapaunlad ang pintig ng iyong puso?

19

Page 20: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang mga sangkap ng physical fitness ay nasusukat sa pamamagitan ng

mga pagsubok na sadyang maingat na inihanda upang sukatin ang antas ng

kakayahan. Ang mga pagsubok na ito ay may kanya-kanyang sariling paraan ng

paggawa na dapat sundin upang tumpak ang makuhang iskor. Ito ay ginagawa

sa simula ng antas para malaman ang kasalukuyang estado ng physical fitness

(pre-test) at pagtatapos ng antas upang malaman kung umunlad ba ang mga

sangkap na ito (post-test).

Matatawag ang isang indibidwal na malusog o physically fit kung siya ay

hindi kaagad napapagod o nanghihina sa kaniyang ginagawa. Batay sa

makukuhang iskor sa iba’t ibang pagsubok sa pre-test, malalaman kung anong

sangkap ng physical fitness ang lubos na napauunlad sa pamamagitan ng mga

gawaing ginagawa sa pang-araw-araw. Gayundin, malalaman sa mga pagsubok

kung anong sangkap ng physical fitness ang dapat pang paunlarin. Ang layunin

ay maabot ang iskor na rekumendado sa kasarian at edad ng isang indibidwal.

May iba’t ibang uri ng pagsubok para sa mga sangkap ng physical fitness. Ang

pagpili nito ay nakasalalay sa guro kung saan dapat isaalang-alang ang oras na

nilaan para sa pagsubok, mga kagamitan at lugar na kailangan, pati na rin ang

mismong pagbibigay ng mga paraan ng pagsubok.

Sa pagsasagawa ng mga pagsubok, dapat isaalang-alang ang

pagkakasunod-sunod ng mga ito. Makaaapekto nang malaki sa pagsasagawa ng

pagsubok at resulta o iskor ng isang indibidwal ang tamang pagpaplano ng mga

ito. Sa araling ito, hinati sa dalawa ang mga pagsubok para sa mas mainam na

pagbibigay nito.

Sa pamamagitan ng regular o madalas na pakikilahok sa isports, laro,

sayaw, at iba pang pang-araw-araw na gawain, mas mapauunlad ang mga

sangkap ng physical fitness. Ang pag-unlad na ito ay maitatala sa pamamagitan

ng pangalawa at huling pagsubok o post-test. Ito ay isinasagawa sa pagtatapos

ng antas na layon. Makikita ang pag-unlad ng mga sangkap ng physical fitness

sa pamamagitan ng mga araling gumagamit ng isports, laro, sayaw, at iba pang

pang-araw-araw na gawain. Kaakibat nito ang tuloy-tuloy na pakikilahok sa iba’t

ibang gawain maging sa labas ng paaralan.

IPAGPATULOY NATIN

20

Page 21: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Iyong malalaman kung ikaw ay physically fit sa pamamagitan ng

paggawa ng iba’t ibang pagsubok. Tiyaking angkop ang

mga kasuotan sa mga pagsubok na gagawin.

Pag-aralang mabuti ang Talaan ng Iskor sa Pagsubok ng Physical

Fitness. Makinig nang mabuti sa alituntuning ibibigay ng guro.

TALAAN NG ISKOR SA MGA PAGSUBOK NG PHYSICAL FITNESS

Baitang at Seksyon: _______________________________________________

Edad: __________ Bigat: ___________(kg) Taas: _______ (BMI) ___________

Guro: __________________________________________________________

Petsa: _______________ Pre-Test: ______________________

Post-Test: _____________________

POST-

TEST

REMARKS POST-

TEST

REMARKS

1. 3 Minute Step-Test Resting Heart Rate

(15 sec. x 4)/

(10 sec. x 6)

Pulse Rate

(15 sec. x 4)/

(10 sec. x 6)

2. Sit and Reach

3. Push-up

4. Basic Plank

5. Standing Long Jump

Left Right Left Right Left Right Left Right

6. Stork Balanace

Stand Test

7.40 m Sprint

9. Juggling

10. Stick Drop Test

11. Zipper Test

13. Hexagon Agility

GAWIN NATIN

21

Page 22: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

UNANG ARAW NG PAGSUBOK

Humanap ng kapareha. Magsalitan sa paggawa at pagtala ng resulta o

iskor sa bawat pagsubok. Pakinggan ang panuto at unwain ang bawat pagsubok.

Siguraduhin na hindi ka magbubuhos ng todong enerhiya o gagawa ng

mga gawaing nakakapagod bago ang pagsubok.

1. 3-Minute Step Test (Cardiovascular Endurance)

- tatag ng puso sa tuloy-tuloy na paghakbang

a. Gamit ang isang tuntungan o hagdan(8

pulgada/inches), ihakbang ang kanang paa pataas.

Ilapit ang kaliwa sa kanang paa.

b. Ihakbang ang kanang paa pababa. Ilapit ang kaliwa

sa kanang paa.

c. Gawin ito sa loob ng tatlong minute.

Hawakang muli ang iyong pulsuhan (wrist) o sa may leeg sa gilid ng

lalamunan at damhin ang iyong pulso sa pamamagitan ng hintuturo at gitnang

daliri. Sa loob ng 10 segundo, bilangin ang iyong pulse rate at i-multiply ito sa 6.

Bumilis ba ang iyong pulso? Bakit? Ano ang ibig sabihin ng iyong

nakuhang iskor? Mas mainam ba kung mababa o mataas ang nakuha mong

resulta o iskor?

Sa oras na ito, sasanayin ang iyong muscular endurance. Gawin ng

mahusay ang panuto.

2. Push-up (Muscular Strength) – lakas ng kalamnan sa braso at dibdib sa

patuloy na pag angat.

a. Dumapa sa sahig na nakatukod ang dalawang

kamay na kapantay ng mga balikat at nakatapat sa

mukha. Itukod ang mga paa.

b. Iunat ang mga braso at ituwid ang buong katawan.

c. Ibaluktot ang mga braso upang bumaba ang

katawan at lumapit ang dibdib sa sahig.

d. Iunat ang mga braso upang muling itaas ang katawan.

e. Ulit ulitin hanggang makakaya.

f. Bilangin kung ilang ulit ang nagawa nang maayos

22

Page 23: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pareho ang pamamaraan sa mga babae bukod sa (a) kung saan sa halip

na paa ang nakatukod ay tuhod ang nakatukod.

Kapag ang indibidwal ay tumigil nang matagal bago gawin ang kasunod na

bilang, kailangan nang itigil ang pagsubok at ang pagbibilang. Kailangan ding

itigil na kapag naiiba na ang paraan ng paggawa ng push-up gaya kapag naiiwan

sa sahig ang ibabang bahagi ng katawan.Balanse naman ang susubukin sa

susunod na pamamaraan.

3. Stork Stand Test (Balance) – pagbalanse gamit ang isang paa lamang.

a. Tanggalin ang sapatos at ilagay ang mga kamay sa baywang.

b. Iangat ang isang paa at ilapat ito sa kabilang tuhod na

nakatuwid.

c. Tumingkayad gamit ang isang paa.

d. Simulan ang oras kapag nakatingkayad na ang paa.

e. Itigil ito kapag natanggal ang kamay sa baywang, naalis ang

nakaangat na paa sa pagkakadikit sa tuhod, naalis sa puwesto

ang nakatingkayad na paa, o bumaba nang tuluyan ang mga

paa sa pagkakatingkayad.

f. Itala nang tama ang oras na nagawa ito.

Maaaring gawin ito sa kabilang paa gamit ang parehong pamamaraan.

Maaaring maging magkaiba ang resulta o iskor na iyong makuha.

Ngayon, susubukin naman ang iyong bilis (speed) sa pamamagitan ng

pagtakbo. Sundan lamang ang mga pamamaraan sa tulong ng iyong guro.

4. 40 m Sprint (Speed) – pagsubok sa bilis ng pagtakbo

patungo sa itinakdang lugar sa pinakamabilis na oras.

a. sa hudyat, tumakbo ng mabilis mula sa panimulang lugar

hanggang sa itinakdang lugar na 40 m ang layo.

b. Sisimulan ang oras sabay ng hudyat at itigil ito kapg

nakarating na ang tumatakbo sa itinakdang lugar.

Mabilis ba ang iyong takbo? Ilang segundo ba ang

nagugol mo? Alam mo ba na ang pinakamababang bilang

ng segundo ang pinakamabilis? Sino sa mga kamag-aral

mo ang pinakamabilis? 40 m

23

Page 24: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Apat Estasyon ng mga Pagsubok

Tandaan na dapat mauna ang 3-minute step test para hindi pa pagod ang

susubok nito. Dapat namang mahuli ang 50m run para may sapat na pahinga na

ang puso at mga hita at binti pagkatapos ng 3-minute step test. Ang partial curl-

up, push-up, at stork stand test ay maaaring mag-iba-iba ng pagkakasunod-

sunod.

Ano-anong sangkap ng physical fitness ang dapat mo pang paunlarin?

Batay sa mga naunang aralin, gumawa ng mga gawaing makasasagot sa mga

sangkap na ito. Gawin ang mga ito nang madalas para lalong mapaunlad ang

pangkalahatang kalusugan.

Step 1 Step 2

Step 3

Step 4

PAGBUTIHIN NATIN

24

Page 25: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

PANGALAWANG ARAW NG PAGSUBOK

Katulad sa naunang aralin, humanap ng kapareha at magsalitan sa

paggawa at pagtala ng resulta o iskor sa bawat pagsubok. Pakinggan ang

panuto at unawain ang bawat pagsubok.

Ilagay ang iyong hintuturo at gitnang daliri sa iyong pulsuhan (wrist) o

kaya naman sa may leeg sa ilalim ng panga (jaw) at damhin ang iyong pulso. Sa

hudyat ng guro, umpisahang bilangin ang iyong resting heart rate simula sa zero

hanggang sa sabihin ng guro na itigil o ihinto ang pagbilang.

Ngayon na nakuha mo na ang iyong resting heart rate, itala mo ito sa

Physical Fitness Passport Card na ibibigay ng iyong guro. Ang Physical Fitness

Passport Card ay magsisilbing talaan ng iyong mga iskor sa mga susunod pang

mga gawain upang makita mo ang iyong pag-unlad sa bawat pagsubok sa

katapusan ng taon.

Susunod naman ay ang pagsubok sa iyong reaction time.

SIMULAN NATIN

ARALIN 4

Ang Pagsubok sa mga Sangkap ng

Physical Fitness (Pre-test)

25

Page 26: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

1. Ruler Drop Test (Reaction Time) – bilis ng reaksyon ng pagsalo ng ruler na

nilaglag na walang hudyat gamit ang mga daliri

a.Umupo sa tabi ng isang mesa at itukod ang siko sa dulo nito. Tiyaking

nakaunat ang bisig. Nakatayo sa harap ang kapareha na may hawak na meter

stick.

Ruler Drop Test

b. Itapat ang hintuturo at hinlalaki (thumb) sa dulo ng

ruler o meter stick (zero na marka) nang hindi ito

hinahawakan habang ang kapareha ay sa kabilang

dulo ng meter stick nakahawak.

c. Bitiwan ng kapareha ang meter stick nang walang

hudyat. Saluhin ang ruler o meter stick gamit ang

mga daliri.Kunin ang sukat (sentimetro/cm) sa itaas

ng daliri.

d. Gawin ito ng ilang beses (mga 5-10 beses) at kunin ang average score.

Kahit aling kamay ay maaaring gamitin sa pagsalo ngunit mas mainam

kung ang iyong kamay na panulat ang iyong gagamitin dahil mas sanay ka nang

gamitin ito. Dapat ay pareho nang handa ang tagahawak at tagasubok bago pa

bitawan ang meter stick.

Mabilis ba o mabagal ang reaction time mo? Mas mataas ba ito sa mga

panghuling beses mo ng pagsubok dito?

Ang flexibility naman ang iyong susubuking alamin.

2. Sit and Reach (Flexibility, Masukat ang kahutukan) – pag-unat sa abot ng

makakaya ng iyong kalamnan sa pata (likod ng hita), binti, at likod.

a. Umupo sa sahig na may panukat sa pagitan ng mga binti at sumandal sa

dingding. Iunat ang mga braso sa harap ng magkapatong ang mga kamay. Itapat

ang 0 (zero) na marka sa dulo ng mga daliri.

GAWIN NATIN

26

Page 27: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

b. Iunat ang katawan paharap at pababa sa

panukat nang hindi niyuyugyog ang katawan

patalikod at paharap. Subuking mahawakan to ng

daliri.

c. Gawin ito nang dalawang beses. Itala ang

average iskor (sentimetro/cm).

Mga Dapat Tandaan:

1. Kailangang nakaunat ang mga tuhod.

2. Iwasan ang paundot-undot (jerky) na galaw.

3. Pantay ang mga daliri sa sukatan/metro; hindi nauuna ang isang kamay.

Malayo ba ang naabot mo? Nakaramdam ka ba ng sakit o kirot sa pata

(likod ng hita), binti, o likod? Bakit kaya?

Sa puntong ito, sasanayin naman ang lakas ng iyong mga hita at binti.

Gawin ang

mga pamamaraan sa susunod na pahina.

3. Standing Long Jump o Patayong Malayuang Paglundag -Masukat ang

lakas ng binti

a.Tumayo sa likod na pamulang guhit na may anim na sentinmetro ang pagitan

ng mga paa.

b. Iindayog sa likuran ang mga bisig nang minsan kasabay ng pagbaluktot ng

tuhod.

c. Lumundag nang pasulong hanggang sa makakayang tayo at lumagpas sa

pamamagitan ng dalawang paa.

d. Ulitin ang paglundag.

Mga dapat tandaan:

1. Gawin ang pag-indayog ng bisig nang isang ulit lamang.

2. Kunin ang sukat ng lundag mula sa pamulang guhit hanggang sa

pinakamalapit na tanda ng sakong.

3. Itala ang pinakamalayong lundag sa dalawang pagsubok sa

pinakamalapit na sentimetro.

4. Hexagon Agility Test- masukat ang abilidad ng katawan na makagalaw ng

mabilis sa iba’t ibang direksyon.

Kagamitan: tape measure, stopwatch, chalk o masking tape

27

Page 28: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sukat ng Hexagon:

Ang haba ng bawat gilid ay 24 inches (60.5cm)

Anga bawat angulo ay 120 degrees.

Pamamaraan:

Para sa magsasagawa

a. Tumayo sa loob ng hexagon na nakaharap sa marka ng simula.

b. Sa signal na ‘Go’, gamit ang bola ng paa na ang braso ay nakabaluktot

sa harap, tumalon ng clockwise mula sa linya at pabalik sa loob ng

parehas na linya ng hexagon.

c. Magpahinga sa loob ng 1 minuto.

d. Ulitin ang test ng pa counterclockwise ang direksyon.

Para sa kapareha

a. Simulan ang oras sa signal na ‘Go’ at tumigil kapag ang performance ay

nakaabot na sa gilid kung saan siya nagsimula.

b. Irekord/itala ang oras ng bawat pag-ikot

c. Simulan ang test ng performer kapag tumalon siya sa maling gilid o

tumapak sa linya.

* Pagbibigay ng Iskor- pagsamahin ang dalawang pag-ikot at hatiin sa

dalawa para makuha ang average. Irekord ang oras sa pinakamalapit na

minutoat Segundo.

5. Juggling-Masukat ang koordinasyon ng mga mata at mga kamay.

Kagamitan: sipa na gawa sa washer na may straw (bigat ng washer ay 4.6g)

Pamamaraan:

Para sa performer:

a. Pataamaan ang sipa ng salitan gamit ang kanan at kaliwang palad

paitaas. Ang taas ng bagay/sipa na pinatatamaan ay mas mataas sa ulo.

Para sa kapareha:

a. Bilangin kung ilang beses naisasagawa ng performer na

matatamaan ng kanan at kaliwang palad ang bagay/sipa.

b. Pahintuin na ang test kapag ang bagay/sipa ay nahulog na.

*Pagbibigay ng Iskor- Irekord/ Ilista ang bilang ng pagtama sa sipa na

naisagawa.

28

Page 29: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Batay sa BMI, kung ang isang tao ay masyadong magaan ang timbang

at may kataasan, maaari itong underweight habang ang isang taong may

masyadong mabigat ang timbang at may kaliitan ay maaaring overweight

naman. Kung katamtaman naman ang iyong timbang na tama lamang para sa

iyong taas, maaaring nasa rekomendadong bilang naman ang iyong timbang.

Tandaan na ang iyong taas ay mababago pa dahil ikaw ay patuloy pa sa paglaki

kung kaya’t mababago pa ang resulta ng iyong BMI.

Dahil wala kang kontrol sa iyong taas, ang maaari mong makontrol at

mabago ang iyong timbang kaya’t iminumungkahi na maging mas aktibo sa

pang-araw-araw na buhay para maabot ang rekomendadong timbang ng BMI

batay sa iyong taas at para maging mas malusog ang pangangatawan.

Ang pagsubok sa mga sangkap (components) ng

physical fitness ay nakatutulong upang malaman ang

estado ng physical fitness. Mahalagang matukoy kung

anong sangkap ang napauunlad nang mahusay ng

mga pang-araw-araw na gawain at kung anong

sangkap naman ang dapat pang pagtuunan ng pansin.

Ang layunin ng pre-test ay maitala ang kasalukuyang

estado ng physical fitness. Sapamamagitan ng

pakikilahok sa mga gawain sa aralin tulad ng isports,

laro, sayaw, at iba pa sa loob at maging sa labas ng

paaralan, inaasahang mapauunlad ang resulta o iskor

sa pre-test. Malalaman ang pag-unlad na ito sa dulo

ng aralin gamit ang post-test.

TANDAAN NATIN

29

Page 30: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Tingnan ang Physical Fitness Passport Card. Sa aling pagsubok ka

nadalian o nahirapan? Lagyan ng kung nadalian ka sa pagsasagawa ng

pagsubok at kung nahirapan ka. Maglagay rin ng naiisip na dahilan kung

bakit madali ito para sa iyo o naiisip na paraan para mapaunlad mo pa ang

resulta o iskor mo rito.

Mga Pagsubok/ Fitness Tests

Dahilan bakit madali/ Paraan para mapaunlad

1. 3-Minute Step Test

2. Sit and Reach

3. Push-up

4. Basic Plank

5. Standing Long Jump

5. Stork Balanace Stand Test

6.40 m Sprint

7. Shuttle Run

8. Juggling

9. Stick Drop Test

10. Zipper Test

11.Vertical Jump

12. Hexagon Agility

Ano-anong sangkap ng physical fitness ang dapat mo pang paunlarin?

Batay sa mga naunang aralin, gumawa ng mga gawaing makasasagot sa mga

sangkap na ito. Gawin ang mga ito nang madalas para lalong mapaunlad ang

pangkalahatang kalusugan.

SURIIN NATIN

PAGBUTIHIN NATIN

30

Page 31: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

Ang nagpapaunlad ng cardiovascular endurance ang pokus sa araling ito.

Bibigyang pansin ito upang mas mapaunlad ang kalusugan sa pamamagitan ng

paglahok sa mga gawaing sumusubok sa tatag ng puso tulad ng paglalaro.

Ano-ano ang mga ginagawa mo sa araw-araw na napapansin mo na

nagpapabilis ng tibok ng iyong puso? Bakit sa tingin mo ay bumibilis ang tibok ng

puso kapag ginagawa ang mga ito?

Dahil ngayon ay walang kang ginagawang anumang nakapapagod at

nakaupo lang, may pagkakataon na kunin ang iyong resting heart rate. Ilagay

ang iyong hintuturo at gitnang daliri sa iyong pulsuhan (wrist) o sa may leeg sa

gilid ng lalamunan at damhin ang iyong pulso. Sa hudyat ng guro, umpisahang

bilangin ang iyong resting heart rate hanggang sa sabihin ng guro na itigil o ihinto

ang pagbilang.

Ikumpara ito sa nakuha mong resting heart rate noong nakaraang aralin.

Tumaas ba, bumaba o pareho lamang? Ano kaya ang dahilan?

SIMULAN NATIN

ARALIN 5

Paglinang ng Cardiovascular

Endurance

31

Page 32: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Para masanay ang iyong puso sa paggawa ng mga gawaing sumusubok

sa tatag nito, nararapat na gumawa ng mga gawaing sadyang magpapagalaw ng

mga kalamnan (muscles) na may katamtaman hanggang mataas na antas ng

kahirapan. Ang pagsasayaw ay isang magandang paraan para mapaunlad ang

iyong cardiovascular endurance. Tiyaking angkop ang mga kasuotan sa mga

gawain.

Pinoy Aerobics (musikang masigla)

(Halimbawa “Sabay-sabay Tayo” ni Marian Rivera)

Figure 1: pagdya-jogging sa kinatatayuan sa 16 bilang.

Figure 2: itaas ang dalawang kamay na inaabot ang langit pakaliwa at pakanan

sa 16 bilang.

Figure 3:

a. Ihakbang ang kanang paa at itaas ang kaliwang tuhod kasabay ng isang

palakpak bawat bilang sa 2 bilang.

b. Ihakbang ang kaliwang paa at itaas ang kanang tuhod sabayan ng isang

palakpak bawat bilang sa 2 bilang.

c. Ulitin ang (a) at (b) sa 4 bilang.

d. Humarap sa kanan at ulitin ang a-c sa 8 bilang.

Figure 4: Ulitin ang Figures 1,2 at 3.

Damhin muli ang pintig o tibok ng iyong pulso. Sa hudyat ng guro,

bilangin muli ang pulso at ihambing ang kaibahan ng pintig o tibok sa naunang

naitala. Bumilis ba ang tibok ng iyong puso pagkatapos ng aerobics?

Ano ang iyong nararamdaman pagkatapos ng aerobics? Ano ang ibig

sabihin kapag bumilis ang tibok ng iyong puso?

Ang cardiovascular endurance ay ang kakayahang makagawa ng

pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa

katamtaman (moderate intensity) hanggang mataas na antas ng kahirapan (high

IPAGPATULOY NATIN

NATIN

32

Page 33: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

intensity). Nalalaman ito sa pamamagitan ng bilang ng pintig o tibok ng puso sa

loob ng itinakdang oras (kadalasang segundo o minuto lamang). Ang pintig o

tibok ng puso ay nararamdaman sa artery ng ating katawan. Ilan sa mga arteries

na ito ay matatagpuan sa pulsuhan at sa may leeg sa gilid ng lalamunan

(carotid). Kung mas malapit ang artery sa puso, mas malakas ang

mararamdamang pintig o tibok ng puso.

Ang mga halimbawa ng gawaing nagtataglay, nangangailangan, at/o

nagpapaunlad ng cardiovascular endurance ay pagtakbo, paglakad nang mabilis,

pag-akyat sa hagdanan, paglalaro, at iba

pa. Ang madalas na pakikilahok sa ganitong tipo ng mga gawain ay mainam na

paraan upang mapaunlad ang cardiovascular endurance.

Ang mga pagsubok sa sangkap (component) ng physical fitness na ito ay

kinabibilangan ng mga kilalang pagsubok tulad ng 3-minute Step Test, Harvard

Step Test, at iba pa. Sa mga ganitong pagsubok nalalaman kung ang estado ng

puso ay naaayon sa itinakda batay sa edad. Mas mabuti para sa kalusugan kung

ang bilang ng pintig o tibok ng puso na iyong makukuha ay hindi kataasan dahil

ang mataas na bilang ng pintig o tibok ng puso sa saglit lamang na paggawa ay

maaaring mangahulugan na may kadaliang mapagod ang isang tao. Ang

mababang bilang naman ng pintig o tibok ng puso sa saglit lamang na paggawa

ay maaaring mangahulugan na mas angkop ang estado ng puso sa paggawa ng

mga gawain kahit na ang mga ito ay may kahirapan.

Ang cardiovascular endurance ay mahalaga sa mga sandaling kailangan

ang matagal na gawaing pisikal. Kung madaling mapagod o hingalin kahit saglit

lamang ang paggawa o kahit madali lamang ang gawain, mas nararapat na

pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad nito. Kailangang tandaan na maiiwasan

ang madaling pagkahapon kung ang iyong puso ay matatag.

Sa layuning maging handa sa mga pangangailangan ng anumang

gawain, kailangang masanay ang iyong katawan sa mga gawaing lilinang o

magpapaunlad sa iyong cardiovascular endurance. Tingnan ang iyong naitalang

bilang ng pintig ng puso para sa pre-test sa iyong Physical Fitness Passport

Card. Ang layunin mo ay mapabuti pa ang bilang na ito sa pamamagitan ng

pakikilahok sa mga gawain sa mga aralin sa yunit na ito hanggang sa huling

yunit sa antas na ito. Malalaman ang paglilinang o pag-unlad nito sa

pamamagitan ng post-test sa Yunit IV.

33

Page 34: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Gawin muna ang pampasiglang gawain mula sa naunang aralin bago simulan

ang gawain.

LARONG PINOY

Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy ay mainam na paraan upang

mapaunlad ang cardiovascular endurance. Maraming larong Pinoy ang

makatutulong para mapaunlad ang tatag ng puso. Kabilang na rito ay ang mga

tipo ng larong may target na tatamaan (target games), papaluin at sisipain o

sasaluhin (striking/fielding games). Isa sa mga larong ito ay ang tumbang preso.

Ito ang mga bagay na kailangang malaman sa paglalaro ng tumbang

preso.

Tumbang Preso

Ang tumbang preso ay isang larong Pinoy kung saan ang isang taya ay

may binabantayang lata na nasa loob ng isang bilog. Ito ang “preso” na

tinatawag. Ang ibang manlalaro naman ay mga tagahagis ng tsinelas na ang

GAWIN NATIN

34

Page 35: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

layunin ay mapatumba at maalis ang “preso” (lata) sa loob ng bilog. Ang layunin

ng taya ay makataga (makataya) ng isang tagahagis habang ang mga ito ay

kumukuha ng mga tsinelas sa palaruan. Ang natagang (natayang) tagahagis ang

magiging susunod na taya.

Mga kagamitan:

Tsinelas (1 kada manlalaro)

Lata

Yeso o chalk pangmarka

Paraan ng Paglalaro:

1. Itayo ang lata sa loob ng bilog na guhit na may diyametrong isang talampakan.

2. Ang manuhan o pamulaang guhit ay lima hanggang pitong metro ang layo sa

lata.

3. Magmanuhan upang piliin ang taya. Isa-isang tumayo sa tabi ng lata at ihagis

sa manuhang-guhit ang tsinelas. Ang may tsinelas na pinakamalayo sa guhit ang

magiging taya.

4. Ang taya ay tatayo malapit sa lata (maaaring sa likod o gilid ng bilog ngunit

hindi niya maaaring harangan ng kahit ano mang bahagi ng kanyang katawan

ang lata). Ang mga tagahagis naman ay nasa manuhang-guhit.

5. Isa-isang pupukulin ang lata gamit ang tsinelas upang maalis o tumulapon ito

palayo sa bilog.

6. Sa tuwing titilapon ang lata ay kukunin ito ng taya at itatayo sa loob ng bilog.

7. Kung tumilapon ang lata ngunit nakatayo pa rin ito saan mang dako ng lugar

na pinaglaruan, patuloy na babantayan ito ng taya. Hindi kailangang ibalik ito sa

bilog.

8. Kapag natumba naman ang lata, ito ang pagkakataon para kunin ng mga

tagahagis ang kanilang tsinelas at bumalik sa manuhang-guhit.

9. Kapag nakatayo ang lata at may nataga (nataya) ang taya, ang nataga

(nataya) ang magiging bagong taya.

10. Hindi maaaring tagain ang manlalarong nasa manuhang-guhit. Hindi rin

maaaring managa ang taya kung nakatumba ang lata.

11. Kapag nanghahabol ang taya, maaaring sipain ng ibang manlalaro ang lata

upang tumumba ito.

35

Page 36: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Anong mga bahagi ng iyong katawan ang higit na nagagamit sa paglalaro

ng tumbang preso? Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos

maglaro? Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso? Kung madalas mo ba

itong lalaruin, mapauunlad ba nito ang iyong cardio vascular endurance?

Sa larong tumbang preso, ang paghabol ng taya sa mga tagahagis ng

tsinelas at pag-iwas ng mga tagahagis sa taya ay mga kasanayang

nangangailangan ng cardiovascular endurance. Dahil maraming pagkakataon sa

larong ito na ikaw ay tumatakbo, makabubuti ang larong ito para sa paglilinang

ng iyong cardiovascular endurance.

May mga gawaing nakapagpapabilis sa pintig o tibok ng puso. Lagyan ng

tsek (/) ang mga gawain ayon sa epekto nito sa bilis ng pintig o tibok ng puso.

GAWAIN Mabagal na Tibok ng

Puso

Mabilis na Tibok ng

Puso

Higit na Mabilis na Tibok ng

Puso

Pinaka Mabilis na Tibok ng

Puso

Pagdribol nang hindi umaalis sa puwesto

Pagdribol habang tumatakbo

Paglalaro ng tumbang preso

TANDAAN NATIN

Ang paglinang ng cardiovascular endurance

ay mahalaga para maging mas malusog ang

pangangatawan. Ang mga gawain tulad ng

pagsasayaw ng aerobics at paglalaro ng mga larong

Pinoy tulad ng tumbang preso ay maiinam na mga

paraan upang mapaunlad ang cardiovascular

endurance. Mas mainam kung ito ay madalas na

gagawin. Malalaman ang pag-unlad ng

pangangatawan sa pamamagitan ng post- test.

SURIIN NATIN

36

Page 37: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pagbabasa ng libro

Panonood ng TV

Pagsasayaw ng Aerobics

Pag-akyat sa hagdan nang naglalakad

Pag-akyat sa hagdan nang tumatakbo

Ipagpatuloy ang paglahok sa mga gawaing pisikal na tumutulong sa

cardiovascular endurance tulad ng pag-jumping rope, pagsasayaw, at paglalaro.

Itala kung gaano kadalas mo itong ginawa sa isang linggo. Kopyahin ang nasa

ibaba sa iyong kuwaderno.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

Halimbawa:

Basketball

Basketball Basketball Pagtakbo/

jogging

PAGBUTIHIN NATIN

37

Page 38: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

Sa araling ito, ang paglinang ng power. Ang bibigyang pansin upang mas

mapaunlad ang kalusugan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing

sumusubok dito tulad ng paglalaro.

Tulad sa isang pabitin na isinasagawa tuwing may kaarawan ang isang

bata, tuklasin ang iyong kakayahan sa pag-abot sa banderitas. Kayo ay

papangkatin ng guro at bawat pangkat ay may pagkakataong tumalon sa loob ng

ilang segundo at abutin and banderitas na nakasabit. Ang pangkat na may

pinakamaraming nakuhang banderitas ang panalo.

SIMULAN NATIN

ARALIN 6

Paglinang ng Power

38

Page 39: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Banderitas Challenge

Ilan ang nakuha ng iyong pangkat? Ilan naman ang nakuha ng ibang

pangkat? Anong kakayahan ang kailangan mo upang makalundag nang mataas

at maabot ang banderitas?

Napagod ka ba sa paggamit ng iyong power? Nahirapan ka ba sa pag-

aabot ng banderitas?

Ang power ay ang kakayahang makapagpalabas ng lakas nang mabilisan

base sa kombinasyon ng lakas at bilis ng pagkilos. Maaari itong maipalabas ng

mga kalamnan (muscles) sa iba’t ibang parte ng katawan tulad ng mga kamay,

braso, hita, binti, paa, at iba pa. Naipakikita ito sa mga gawain tulad ng pagtalon

nang mataas, pagpukol sa bola ng baseball, paghagis ng bola nang malayuan,

pagsipa nang malakas, pagtulak o paghila sa isang bagay, at iba pa. Ang

madalas na pakikilahok sa ganitong tipo ng mga gawain ay mainam na paraan

upang mapaunlad ang power ng kalamnan. Mas magiging maigi ang

pagpapalabas ng power kung ito ay gagawin nang mabilisan. Ang bilis ng

pagkilos kasama ng lakas na ibubuhos dito ay maaaring magresulta sa malakas

na power.

Ang mga pagsubok sa sangkap (component) ng physical fitness na ito ay

kinabibilangan ng mga kilalang pagsubok tulad ng Standing Long Jump, Vertical

Jump, at iba pa. Sa mga ganitong pagsubok nalalaman kung ang estado ng mga

kalamnan (muscles) ay naaayon sa itinakda. Mas mabuti para sa kalusugan

kung ang resulta o iskor na iyong makukuha ay mataas o may kataasan. Ang ibig

IPAGPATULOY NATIN

39

Page 40: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

sabihin ng mataas o may kataasang resulta o iskor sa pagsubok sa puwersa ay

mas maiging paggawa ng mga gawaingnangangailangan nito. Kung mas maigi

mong magagawa ang mga gawaing nangangailangan ng power,

nangangahulugang mas mahusay ang lagay ng iyong kalusugan pagdating sa

sangkap (component) ng physical fitness.

Kailangang masanay ang iyong katawan sa mga gawaing lilinang o

magpapaunlad sa iyong muscular power upang maging handa sa mga

pangangailangan ng anumang gawain. Sa iyong Physical Fitness Passport Card,

ang layunin mo ay mapaunlad ang markang iyong nakuha sa Vertical Jump. Sa

pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawain sa mga aralin sa yunit na ito

hanggang sa huling yunit, maaaring malinang o mapaunlad ang power.

Malalaman ang paglilinang o pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng post test sa

Yunit IV.

Bago simulan ang gawain, gawin ang pampasiglang gawain mula sa

naunang aralin. (Tingnan sa Aralin 2 ng yunit na ito.)

Nais mo bang subukin ang iyong kakayahan? Makilahok sa ikalawang laro.

Mula sa nakaraang aralin, iyong natutuhan na ang pakikilahok sa mga

larong Pinoy ay mainam na paraan upang mapaunlad ang cardiovascular

endurance. Ngunit hindi lamang ito ang maaaring mapaunlad ng paglalaro ng

mga larong Pinoy. Ang iyong puwersa ay maaari ding mapaunlad gamit ang mga

striking o fielding games tulad ng kickball.

GAWIN NATIN

40

Page 41: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Alamin ang mga bagay na kailangan sa paglalaro ng kickball.

KICKBALL

Ang kickball ay isang larong Pinoy na hango sa larong baseball at

softball. Ang kaibahan nito ay walang hawak na batang manlalarong nasa home

base at ang bolang gamit ay mas malaki kaysa sa baseball at softball. Hindi ito

ihahagis kundi igugulongpapunta sa manlalarong nasa home base na ang

layunin ay sipain ito nang malakas at malayo. Ang layunin ng tagasipa ay

makapunta sa mga base nang hindi natataya at maka-home run, tulad din ng sa

baseball at softball.

Mga Kagamitan:

Rattan na bola/bola ng football/bolang pambata

Beanbag bilang base

Goma o manipis na tabla (12x24 pulgada)

Metrong panukat

Paraan ng paglaro.

1. Gumuhit ng isang parisukat na katulad ng palaruan ng softball o baseball. Ang

sukat sa pagitan ng bawat sulok ay 10m.

2. Lagyan ng base ang bawat sulok. Tandaan kung alin ang unang base,

pangalawang base, ikatlong base, at home base. Ang home base ay dapat isang

goma o manipis na tabla na nakabaon sa lupa upang hindi humarang sa bolang

rattan na pinagugulong ng pitser (pitcher).

3. Maglagay ng isang tuwid na guhit na ang haba ay dalawang metro sa pagitan

ng home base at pangalawang base. Sa guhit na ito tatayo ang pitser na

magpapagulong sa bolang sisipain.

41

Page 42: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

4. Bumuo ng dalawang grupo na may tigsiyam na kasapi. Ang lider ng bawat

grupo ay magtatakda ng katser (catcher), pitser, tagabantay ng una (1st base),

ikalawa, at ikatlong base (2nd at 3rd base), short stop, kanang fielder, gitnang

fielder, at kaliwang fielder. Ang katser ay tatayo sa likod ng home base. Siya ang

magbabalik ng bola sa pitser kung ito ay hindi masisipa.

5. Magmamanuhan ang lider ng bawat grupo upang malaman kung sino ang

magiging taya. Ang grupo ng taya ay iaayos ang mga kasapi.

6. Kumuha ng isang bola para sa pitser. Pagugulungin ito ng pitser patungo sa

tagasipa ng kabilang grupo na sisikaping mapalyo ang bola.

7. Pagkasipa sa bola, ang manlalarong sumipa ay tatakbo patungo sa una,

ikalawa, at ikatlong base hanggang sa home base. Samantala, ihahagis naman

ng mga taya ang bola sa mga base hanggang sa home base. Kapag naunang

dumating ang sumipa sa home base kaysa sa bola, bibigyan ng isang puntos

ang kaniyang grupo. Kapag naunang dumating angbola sa base na pakay

takbuhan ng manlalaro, out na ang manlalaro.

8. Ang sumipang na-out ay hahalinhinan ng isang kagrupo sa pagsipa ng bola.

Tatlong out na tagasipa ang kailangan para mapalitan ang taya. Ang grupong

may mas maraming puntos o home run ang siyang panalo.

9. Tandaan ang pagkakasunod-sunod ng tagasipa ng isang grupo dahil hindi

maaaring baguhin ito hanggang sa matapos ang laro.

Sa paanong paraan naipapakita ang iyong puwersa sa larong kickball?

Anong mga bahagi ng iyong katawan ang ginagamit para mapakita ito?

Malilinang o mapauunlad ba ng larong kickball ang iyong power? Paano?

Sa larong kickball, ang paggulong sa bola ng pitser (pitcher), pagsipa

nito, at paghagis nito ng mga basemen (mga manlalaro na nakatalaga sa mga

base) at mga fielders ay ang mga kasanayang nangangailangan ng puwersa.

Kung hindi sapat ang power ng pitser sa paggulong ng bola, maaaring

masyadong mabagal ang dating ng bola sa tagasipa at maaaring madali niya

itong matamaan.

Kung sapat naman ang power na ibinuhos ng tagasipa sa pagsipa sa

bola, maaaring lumayo ito sa mga basemen at fielders na maaaring mahirapan

sa pagkuha nito. Maaari ding malakas ang dating nito kaya may kahirapang

saluhin. Sa puntong ito, maaaring magkaroon ng mas magandang tyansa o

pagkakataon ang tagasipa na makapunta sa mga base nang hindi natataya o

tuluyang maka-home run.

Para naman sa mga basemen at fielders, kung sapat ang puwersa na

ibubuhos sa paghagis ng bola, maaaring mas mabilis na makarating ito sa target

na kagrupo para mataya ang sumipa ng bola. Ibig sabihin nito ay napakahalaga

42

Page 43: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

sa larong kickball ang power at maraming pagkakataon sa larong ito na

malilinang ang power, maging grupo man ng tagasipa o tagataya.

Suriin ang iyong pakikilahok sa kickball. Lagyan ng tsek (/) kung Oo at

ekis (x) kung Hindi.

Mga Pahayag Oo Hindi

Naisagawa ko nang may sapat na (power) ang mga kasanayan sa paglalaro ng kickball:

1. Pagtakbo

2. Pagsipa

3.Pagsalo

4.Paghagis

Naipakita ko ang pagiging isports.

Naipakita ko ang pakikiisa sa grupo.

TANDAAN NATIN

SURIIN NATIN

Ang paglinang ng power ay mahalaga para mas

maiging magawa ang mga gawaing

nangangailangan nito. Ang mga gawain tulad ng

pagtalon nang mataas, pagpapagulong, pagsipa, at

paghagis sa bola sa kickball ay mainam na mga

paraan upang malinang o mapaunlad ang power.

Mas mainam kung madalas na gagawin ang mga

gawaing tulad nito. Malalaman ang pag-unlad ng

power sa pamamagitan ng post-test.

43

Page 44: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ipagpatuloy ang paggawa ng mga gawaing pisikal na tumutulong sa

paglilinang ng puwersa tulad ng paglalaro ng kickball, baseball, o softball,

paggawa ng mga ehersisyo gaya ng squats, at iba pa.

Mula sa tala noong nakaraang aralin, dagdagan ang iyong mga gawaing

nakakalinang ng cardiovascular endurance ng mga gawaing nakalilinang ng

power. Itala kung gaano kadalas mo itong ginawa sa isang linggo. Kopyahin ang

nasa ibaba sa iyong kwaderno.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Halim-bawa: (CVE) Basketball

Halimba-wa: (Power) Kickball

Halimbawa: Basketball

Halimbawa: Basketball Kickball

(CVE) Pagtakbo/Jogging Kickball

PAGBUTIHIN NATIN

44

Page 45: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

Sa araling ito, ang larong batuhang bola ang pagtutuunan ng pansin. Ito

ay isang larong nangangailangan ng mga kasanayang pagtakbo, pag-iwas,

pagbato, at pagsalo na nakalilinang o nagkapagpapaunlad ng lakas ng kalamnan

ng puso (cardiovascular endurance) at power.

Gawin ang pampasiglang gawain mula sa naunang aralin bago simulant

ang gawain.

Sapat na ba ang iyong paghahanda para sa paglalaro? Ihanda ang sarili

dahil ang laro ay nangangailangan ng cardiovascular endurance (tatag ng

kalamnan ng puso) at power . (Pakitingnan sa Aralin 2)

SIMULAN NATIN

ARALIN 7

Batuhang Bola

45

Page 46: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang larong batuhang bola ay isang larong Pinoy na hango sa

Amerikanong laro na Dodgeball. Ito ay nangangailangan ng dalawang grupo

kung saan ang isang grupo ang tagataya at ang isa naman ay ang tagaiwas o

target ng bolang ibabato ng mga tagataya. Nasa loob ng parihabang palaruan

ang mga tagaiwas o target habang ang mga tagataya naman ay nakahati sa

dalawang dulo ng palaruan. Ang layunin ay mataya lahat ang mga miyembro ng

kabilang grupo. Kapag nangyari ito, magpapalit ng tungkulin ang bawat grupo.

Sa paglalaro ng batuhang bola, maraming kasanayang dapat na

matutuhan. Kabilang dito ang pagtakbo, pag-iwas, at pagsalo sa bola para sa

mga tagaiwas o target habang pagbato at pagsalo naman ng bola ang mga

kasanayan para sa mga tagataya. Dapat maisagawa ang mga ito nang mahusay

para mas gumanda ang laro.

Para sa mga tagaiwas o target, mas gaganda ang laro kung magaling

silang umiwas sa pagbato ng kalaban lalo na yaong lagging pinupuntirya o

binabato ng kalaban. Ang patuloy na pag-iwas nang mahusay sa pagbato ay isa

sa mga kapana-panabik na pangyayarisa laro. Lalo pang gaganda ang paglalaro

kung magaling sumalo ang mga tagaiwas o target na makapagpapabuhay sa

kakamping natamaan na ng bola. Ang lahat nang ito ay nangangailangan din

nggaling sa pagtakbo dahil kung ikaw ay maabutan malapit sa isang dulo ng

palaruan kung nasaan ang bola na hawak na ng kalaban, maaaring ikaw ay

mabato agad.

Para naman sa mga tagataya, mas gaganda ang laro kung magaling ang

mga ito sa pagbato sa mga kalaban sa loob ng palaruan. Ang asintadong

pagbato sa kalaban kahit na ito pa ay mabilis kumilos ang isa sa mga kaabang-

abang na pangyayari sa laro, lalo na kung ang tinamaan ay ang magaling

sumalo ng bola (na bumubuhay sa kanilang natayang kakampi).

Sa paglalaro ng batuhang bola, nangangailangan ng diskarte at

pagkakaisa ng pangkat. Hindi magiging kapana-panabik ang laro kung

madaliang natataya ang mga tagaiwas o kaya naman ay hindi matagumpay ang

mga tagataya sa pagtama sa mga tagaiwas. Para mas maging masaya ang laro,

dapat ibibigay ng mga manlalaro ang lahat ng kanilang makakaya.

Ngayon, maglaro na ng batuhang bola. Magbilang sa klase ng isa

hanggang apat. Ang una at pangalawang pangkat ang magkalaban gayundin

ang pangatlo at pang-apat na pangkat. Ito ang mga bagay na kailangang

malaman sa paglalaro nito.

46

Page 47: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

BATUHANG BOLA

Mga Kagamitan:

• Malambot na bola/ginusot na papel na binilog/lumang medyas na pinagsama-

sama

Yeso o chalk

Paraan ng paglalaro:

1. Gumawa ng dalawang guhit na may kalayuan sa isa’t isa. Magmanuhan ang

lider ng bawat pangkat. Ang nanalo ay pipili kung magiging unang tagataya o

tagaiwas.

2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya na siyang babato sa tagaiwas. Ang

tagaiwas ay tatayo sa gitna ng palaruan sa pagitan ng dalawang guhit.

3. Ang bawat tamaan ng bola ay “out” na. Maaari itong buhayin upang makabalik

sa laro kung masasalo ng kamiyembro ang bolang binato.

4. Kapag isa na lamang ang natitira sa gitna, kailangang tamaan ito sa loob ng

tatlo hanggang limang direktang pagbato. Kung hindi ito nagawa, mabubuhay

ang lahat ng kamiyembro na “out.” Kung nataya naman, magpapalit ng posisyon

ang magkabilang pangkat at uulitin ang paraan ng paglalaro.

5. Ang bawat yugto ng laro ay magtatagal ng apat hanggang limang minuto.

6. Kung sa loob ng apat hanggang limang minuto ay hindi lang isang tagaiwas

ang natitira, ang bilang ng natamaang miyembro ang bibilangin. Ang pangkat

47

Page 48: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

may pinakamaraming miyembro ang napatamaan sa loob ng apat hanggang

limang minute ang siyang panalo.

Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkatapos maglaro?

Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso? Ano-anong mga bahagi ng iyong

katawan ang ginamit mo para mapakita ang iyong power? Naipamalas mo ba

ang iyong cardiovascular endurance at power sa paglalaro ng batuhang bola?

Kung madalas mo ba itong lalaruin, mapauunlad ba nito ang tatag ng iyong

kalamnan (cardiovascular endurance) at power?

Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy tulad ng batuhang bola ay mainam

na paraan upang mapaunlad ang tatag ng kalamnan (cardiovascular endurance)

at power. Ang target na ito ay makatutulong nang malaki sa pagpapaunlad ng

mga nabanggit na sangkap (component) ng physical fitness. Ang pagtakbo at

pag-iwas sa bola ay nangangailangan ng tatag ng kalamnan (cardiovascular

endurance) habang ang pagbato pati na ang pagtakbo ay nangangailangan ng

power. Dahil ang parehong posisyon (tagataya at tagaiwas) ay gagampanan ng

bawat pangkat, makabubuti ang larong batuhang bola para sa pagpapaunlad ng

tatag ng iyong kalamnan (cardiovascular endurance) at power.

TANDAAN NATIN

Ang paglalaro ng batuhang bola ay mainam na paraan upang malinang o mapaunlad ang tatag ng kalamnan (cardiovascular endurance) at power. Ang mga kasanayan sa larong ito gaya ng pagtakbo, pag-iwas, at pagbato ang siyang mga gawaing makatutulong sa paglinang ng mga sangkap (component) ng physical fitness. Makabubuti para sa kalusugan kung madalas ang pakikilahok sa ganitong uri ng mga gawain ng batang tulad mo.

48

Page 49: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Suriin ang iyong pakikilahok sa batuhang bola. Lagyan ng tsek (P) ang

akma sa ipinakita mong kagalingan.

Mga Kasanayan Pinaka-

Mahusay

(5)

Mas

Mahusay

(4)

Mahusay

(3)

Bahagyang

Mahusay

(2)

Hindi

Mahusay

(1)

Pagtakbo

Pag-iwas

Pagsalo

Pagbato

Tingnan ang iyong takda sa nakaraang aralin at ang Physical Activity

Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Suriin kung saang baitang nabibilang

ang mga gawaing iyong nailagay sa naunang aralin. Tugma ba sa

rekomendadong dalas ng paggawa sa pyramid ang dalas ng paggawa mo ng

mga gawaing ito. Punan ito gaya ng nasa ibaba.

Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

(CVE)

Basket-

ball

(tugma;

3-5

beses)

(power

kickball,

tugma;

3-5

beses)

Basketball Basketball Pagtakbo/

Jogging

(di-tugma;

3-5 beses

kickball)

Tandaan na maaaring gumawa ng ibang gawain bilangkapalit

(alternative) na siyang madalas gagawin. (halimbawa: ang pagtakbo/jogging ay

papalitan ng pagbabasketbol o kickball).

SURIIN NATIN

49

Page 50: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT I

Sa araling ito, ang larong syato ang bibigyan ng pokus. Ito ay isang

larong nangangailangan ng mga kasanayang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at

pagsalo na nakalilinang o nagkapag papaunlad ng tatag ng kalamnan (muscular

endurance) at power.

Bago simulan ang Gawain unahin muna ang pampasiglang gawain.

(Tingnan ang Aralin 2)

Sapat na ba ang iyong paghahanda para sa paglalaro? Ihanda ang sarili

para sa panibagong larong iyong matututuhan.

SIMULAN NATIN

ARALIN 8

SYATO

50

Page 51: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang larong syato ay isang larong Pinoy na maaaring laruin ng iilan

lamang o kaya pangkat ng mga manlalaro na salitang magiging tagapalo at

tagasalo. Ito ay gumagamit ng ilang piraso ng patpat na may magkaibang haba.

Ang layunin ng tagapalo ay paluin nang malayo ang maliit na patpat gamit ang

malaking patpat habang susubukin namang saluhin ng tagasalo ang patpat para

mataya ang kalaban. Kailangang malayo ang mapuntahan ng pinalong patpat

para magkaroon ng mas maraming bilang ng puntos batay sa distansya nito sa

panimulang lugar. Ang manlalaro o grupong unang makakuha o makaabot sa

itinakdang bilang ng puntos ang panalo.

Sa paglalaro ng syato, maraming kasanayan ang dapat na matutuhan.

Kabilang dito ang pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo. Dapat maisagawa

ang mga ito nang mahusay para mas gumanda ang laro. Para sa manlalarong

tagapukol, mas gaganda ang laro kung mahusay at malakas ang pagpalo sa

patpat para ito ay lumipad sa ere at lumayo. Kung mas malayo ang marating ng

patpat, mas mahihirapan ang kalaban na saluhin ito. Kung mas malayo rin ito,

mas maraming bilang ng puntos ang kaakibat nito para sa manlalaro o grupong

pumalo. Sa katunayan, ang malayong mararating ng patpat ang isa sa mga

kapana-panabik na pangyayari sa larong ito.

Para naman sa manlalarong tagasalo, mas gaganda ang laro kung

mabilis ang pagtakbo at mahusay ang pagsalo sa patpat na pinalo at napunta sa

ere. Ang kaba at saya na dulot ng pagsubok sa pagsalo sa pinalong patpat ang

isa sa mga inaabangan sa larong ito. Agarang matataya ang kalaban kung

nasalo nang mahusay ang patpat na pinalo at mababawasan ang pagkakataon

ng kalaban na magkaroon ng maraming bilang ng puntos. Dahil dito, maaaring

mas maging madali para sa grupo ng tagasalo na makuha o maabot nang mas

mabilis ang itinakdang bilang ng puntos para manalo.

Ang paglalaro ng syato ay nangangailangan ng diskarte at pagkakaisa ng

grupo. Hindi magiging kapana-panabik ang laro kung hindi kalayuan ang

nararating ng patpat na pinalo o kaya naman ay hindi tinamaan ang patpat

gayundin kung madaliang nasasalo ang patpat na pinalo. Para mas maging

masaya ang laro, dapat ibibigay ng mga manlalaro ang lahat ng kanilang

makakaya.

IPAGPATULOY NATIN

51

Page 52: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ngayon, maglaro na ng syato. Magpangkat-pangkat sa apat na grupo na

may anim o higit pang miyembro. Bumilang ng isa hanggang apat. Lahat ng

bilang 1 ay ang unang grupo, 2 ay pangalawang grupo hanggang sa 4 bilang

pang-apat na grupo.

Maglalaro nang sabay ang unang grupo laban sa pangalawang grupo at

pangatlo laban sa pang-apat na grupo. Kung sino ang mananalo sa bawat grupo

ay maglalaban ulit. Ang mananalo sa pangatlong laban ay siyang tatanghaling

kampeon.

Ito ang mga bagay na kailangang malaman sa paglalaro ng syato.

SYATO

Ang larong syato ay isang larong nangangailangan ng mga kasanayang

pagpukol o pagpalo, pagtakbo, at pagsalo na nakalilinang o nagkapagpapaunlad

ng tatag ng kalamnan (muscular endurance) at power.

Mga Kagamitan:

• Maliit o maikling patpat bawat manlalaro

• Malaki o mahabang patpat bawat manlalaro

GAWIN NATIN

52

Page 53: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Paraan ng Paglalaro

1. Gumawa ng butas sa lupa na korteng bangka at ilagay ang maliit na patpat na

nakausli ang kalahating bahagi (nakabaon ang isang bahagi at ang kabilang

bahagi ay nasa ere o walang tinatamaan).

2. Paluin ang maliit na patpat sa bahaging nasa ere gamit ang malaking patpat.

Paliparin ang maliit na patpat sa ere. Ang kalaban naman ay susubuking saluhin

ito. Kung masalo ang patpat, ang kalaban naman ang titira at magiging “out” ang

naunang manlalaro.

3. Kung hindi ito nasalo, mula sa butas ay ilalapag ang malaking patpat at igalaw

ito nang pabaliktad at tuloy-tuloy hanggang sa maabot ang kinalalagyan ng maliit

na patpat. Kung ilang beses tuloy-tuloy na napabaliktad ang malaking patpat ay

siyang bilang ng puntos ng unang manlalaro.

4. Magpapalit ng posisyon ang mga manlalaro at gagawin muli ang paraan ng

paglalaro. Magsasalitan ang mga miyembro ng grupo sa pagpukol at pagsalo ng

patpat.

5. Kapag nakaabot na sa itinakdang bilang ng puntos (halimbawa: 50 o 100 o

higit pa) ang isang grupo, maaari na silang umusad sa susunod na yugto ng

paglalaro. Hindi uusad sa susunod na yugto hangga’t hindi naaabot ang

itinakdang bilang ng puntos.

6. Ilagay muli ang maliit na patpat sa hinukay na butas na nakausli ang

kalahating bahagi. Paluin muli ang maliit na patpat gamit ang malaking patpat

para lumipad sa ere. Kapag ito ay nasa ere na, susubukin muling paluin itong

papalayo. Kung hindi tinamaan ang patpat ay “out” na ang manlalaro at ang

kalaban naman ang susubok.

7. Kung tinamaan naman ang patpat at lumayo, magbibilang muli gamit ang

malaking patpat mula sa butas hanggang maabot ang kinalalagyan ng maliit na

patpat.

8. Magsasalitan ang mga miyembro ng grupo sa pagpukol sa patpat kahit pa

natamaan ito sa ere.

9. Kapag nakaabot na sa itinakdang bilang ng puntos (halimbawa: 50 o 100 o

higit pa) ang isang grupo, sila na ang panalo.

Ano ang pakiramdam mo habang naglalaro at pagkataposmaglaro?

Bumilis ba ang pintig o tibok ng iyong puso? Anong mga bahagi ng iyong

katawan ang ginamit mo para mapakita ang iyong power? Naipamalas mo ba

ang iyong tatag ng kalamnan (muscular endurance) at power sa paglalaro ng

53

Page 54: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

syato? Kung madalas mo ba itong lalaruin, mapauunlad ba nito ang tatag ng

iyong puso at baga (muscular endurance) at power?

Ang pakikilahok sa mga larong Pinoy tulad ng syato ay mainam na

paraan upang mapaunlad ang tatag ng puso at baga (cardiovascular endurance)

at power. Ang target game na ito ay makatutulong nang malaki sa paglilinang ng

mga sangkap (component) ng physical fitness. Ang pagpukol o pagpalo sa

patpat ay nangangailangan ng power habang ang pagtakbo para subuking

saluhin ang patpat na pinalo ay nangangailangan ng tatag ng puso at baga

(cardiovascular endurance). Dahil ang parehong posisyon(tagapalo at tagasalo)

ay gagampanan ng bawat grupo, makabubuti ang larong syato para sa

paglilinang ng iyong tatag ng puso at baga (cardio vascular endurance) at power.

TANDAAN NATIN

Ang paglalaro ng syato ay mainam na paraan upang

malinang o mapaunlad tatag ng puso at baga

(cardiovascular endurance) at power. Ang mga

kasanayan sa larong ito gaya ng pagpukol o pagpalo,

pagtakbo, at pagsalo ay mga gawaing makatutulong sa

pag-unlad ng mga sangkap ng physical fitness.

Makabubuti para sa kalusugan kung madalas ang

pakikilahok sa ganitong uri ng mga gawain ang batang

tulad mo.

54

Page 55: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sa mga gawain sa buong Yunit I, alin sa mga ito ang tumutugon sa

sangkap (component) ng physical fitness na tatag ng kalamnan (muscular

endurance) (ME) at power (P)?

Lagyan ng tsek (/) ang bawat kolum. Maaaring magbigay ng dalawang tsek sa

bawat gawain.

GAWAIN

Sangkap/Component ng Physical Fitness

Muscular Endurance

ME

Power P

Paglalaro ng tumbang preso

Paglalaro ng kickball

Paglalaro ng batuhang bola

Paglalaro ng syato

Banderitas challenge

Aerobics

Tingnan ang iyong takda sa mga nakaraang aralin at ang Physical

Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino. Kunin ang bilang ng beses na

ikaw ay naging aktibo sa isang linggo at buong buwan. Marami ba ito o kakaunti

lamang?

Mas madalas ka bang gumagawa ng mga gawaing nasa pinakababa at

pangalawang baitang ng Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang

SURIIN NATIN

PAGBUTIHIN NATIN

55

Page 56: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pilipino? O mas umuubos sa iyong oras ang mga gawaing nasa pinakataas o

tuktok na baitang ng pyramid?

Sa iyong mga natutuhan sa Yunit I, ano-ano ang mga bagay na dapat

mong gawin para sa ikagaganda ng iyong kalusugan?

56

Page 57: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

57

Page 58: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

KAGAMITAN NG MAG-

AARAL SA

EDUKASYONG

PANGKATAWAN

CHAIRMAN: Mary Jane M. Sabuya

Secretary: Henry C. Salazar

MEMBERS:

Maribel A. Balido

Annabelle G. Maghirang

Sahara Theresa D. Cruz

Bernie S. Borgonos

Michael d. Lacson

Junee Rose D. Delgado

Jenien V. Padilla

Joy G. Geniza

58

Page 59: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

59

Page 60: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT II

PAGPAPAYAMAN SA MGA GAWAING

MAGPAPAUNLAD NG PHYSICAL FITNESS

Tingnan ang mga larawan sa itaas. Kaya mo rin bang gawin ang mga ito?

ARALIN 1

Pagpapatatag ng Kalamnan

60

Page 61: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Anong sangkap ng Physical Fitness ang kailangan upang magawa ang mga ito?

Sa araling ito, pagyamanin natin ang ating kaalaman sa Pagpapalakas at

pagpapatatag ng Kalamnan.

Nasusunod mo ba ang mga gabay sa Physical Activity Pyramid Guide

para sa Batang Pilipino na ipinakita sa inyo sa mga naunang aralin? Ano-ano

nga ba ang mga physical activity na nagdudulot ng malakas at matatag na

kalamnan?

Gawain I. Physical Activity Pyramid para sa Batang Pilipino

Tingnan muli ang larawan ng Physical Activity Pyramid Guide para sa

Batang Pilipino. Suriing muli at alamin kung aling mga gawain ang dapat gawin

araw-araw, 3-5 beses sa isang linggo, 2-3 beses sa isang linggo at minsan lang

sa isang linggo.

Isulat sa tsart ang mga gawaing makikita sa Physical Activity Pyramid

Guide para sa Batang Pilipino na kaugnay sa lakas at tatag ng kalamnan.

Lakas ng Kalamnan Tatag ng Kalamnan

Gawain II. Pampasigla

Bumuo ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay magsisimula sa estasyon ng

kanilang bilang. Pumili ng lider at gawin ang mga gawain sa bawat estasyon.

Ang pagpito ng guro ay hudyat na lilipat na kayo sa kasunod na estasyon.

SIMULAN NATIN SIMULAN NATIN

61

Page 62: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ano-anong mga kilos ang ginawa ninyo sa bawat estasyon?

Alin sa mga gawain ang nagpapaunlad ng malakas na kalamnan? Alin naman angnagpapaunlad ng matatag na kalamnan?

Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o

makatulak ng mabigat na bagay o power. Halimbawa nito ay ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng malaking timba ng tubig.

Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang na bagay o power ng paulit-ulit, o mas matagal na panahon

1. Sabay –sabay na mag -jumping

jacks

2. Kunin ang lubid. Hatiin ang

pangkat. Ang kalahati ng pangkat

ang hihila sa isang dulo at ang

kalahati naman ang hihila sa

kabila ng lubid.

3. Humiga sa lapag at sabay-

sabay na mag curl-ups.

4. Itulak ang isang mesa na isang

dipa ang layo mula sa

pinagmulang lugar. Pagkatapos

ay itulak ito pabalik.

IPAGPATULOY NATIN IPAGPATULOY NATIN IPAGPATULOY NATIN IPAGPATULOY NATIN IPAGPATULOY NATIN

62

Page 63: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Halimbawa nito ay ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa ibang lalagyan.

Magsama-sama ang magkaparehas at gawin ang sumusunod:

A. Pagtulak sa kapareha.

a. Tumayo na nakaharap sa kaparehas.

b. Paglapatin ang kamay ng kapares. Itulak ang bawat isa gamit ang puwersa ng braso.

c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo.

GAWIN NATIN

63

Page 64: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

B. Paghila sa kapareha

a. Tumayo na nakaharap ang kaparehas.

b. Hawakan ang kamay ng kaparehas. Maghilahan ang bawat isa sa loob ng 30 segundo.

64

Page 65: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

May iba’t ibang gawain na nagdudulot ng lakas at tatag ng kalamnan katulad ng pagtulak o paghila ng mga bagay,pagbubuhat at iba pa.

Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay o pwersa.

Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang bagay o puwersa nang paulit-ulit, o mas matagal na panahon.

C. Relay ng Pagbuhat

a. Humanay ang apat na pangkat.

b. Tumayo ang bawat pangkat sa

harap ng starting line.

c. Sa hudyat, bubuhatin ng unang

manlalaro ang sako o bag na

may lamang damit. Lalakad

siya patungo sa end line, iikot

at babalik sa starting line.

d. Uulitin ang gawain ng mga

susunod na manlalaro at ang

pangkat na unang makatapos

ay siyang nanalo.

Ano ang naramdaman ninyo pagkatapos ng gawain? Anong kinakailangan upang maitulak at mahila mo ang iyong kapareha?

Ano naman ang kinailangan mo upang mabuhat at manguna sa laro ninyo kanina?

Alin ang mas kinailangan mo sa mga nakaraang gawain? Ang lakas ng kalamnan o tatag ng kalamnan?

TANDAAN NATIN

65

Page 66: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Lagyan ng tsek (√ ) ang kolum ng tamang sagot.

TAMA MALI

1. Ang pagtulak o paghila ng mabigat na bagay ay ilan sa mga gawaing nagdudulot ng lakas ng kalamnan.

2. Kapag ang isang tao ay hindi makatagal sa pagdadala o pagbubuhat ng isang bagay sya ay may tatag ng kalamnan.

3. Ang pag-iingat at pagiging Masaya sa mga gawaing ginagawa sa araw- araw ay mainam na gawain.

4. Ang pagsunod sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino ay nakabubuti para sa kalusugan ng ating katawan.

Itala ang mga ginagawa ninyo sa araw-araw na nangangailangan ng lakas at tatag ng kalamnan. Ugaliing gawin ang mga ito sa tuwina upang mapalakas ang inyong katawan.

SURIIN NATIN

PAGBUTIHIN NATIN

66

Page 67: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pagpapalakas at Pagpapatatag ng

Kalamnan

ARALIN 2

ARALIN 1

Ang Philippine Physical Activity

Pyramid Guide para sa Batang

Pilipino

67

Page 68: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang pagkakaroon ng malakas at matatag na kalamnan ay mahalaga sa bawat isa. Nakatutulong ito sa pagsasagawa sa ating pang araw-araw na gawain.

Sa araling ito, muli nating pagyayamanin at tutukuyin ang ating kaalaman sa lakas at tatag ng kalamnan.

Humanap ng kapares. Pag-aralan ang mga larawan at itambal sa ibinigay na deskripsyon. Ang lahat ng pares ay magpapaunahan ng pagtambal. Ang unang pares na makatapos ay siyang panalo.

Hanay A Hanay B

1. Pagbuhat ng mabigat na bagay

2. Pagtulak ng mabigat na bagay

3. Pagpapalakasan ng puwersa

68

Page 69: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

4. Paghila ng mabigat na bagay

5. Paulit-ulit na paglipat ng magaang bagay

Tama ba ang iyong paglalarawan sa mga gawain?

Alin sa mga larawan ang may kaugnayan sa tatag ng kalamnan?

Alin naman ang gumagamit ng lakas ng kalamnan?

Gawain 1. Pagbuhat ng mabigat

Bumuo ng pangkat na may tig-apat o tig-limang kasapi.

Sama-samang buhatin ng pangkat ang isang malaking sako na naglalaman ng sampung aklat papunta sa puwesto ng may dalawang metro ang layo mula sa pinagmulan. Bumalik sa pinagmulan.

Gawain 2. Pagbuhat ng magaan

GAWIN NATIN

69

Page 70: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Humanap ng kapareha. Buhatin ng pares ng isang bag na naglalaman ng dalawang aklat lamang papunta sa puwesto ng may dalawang metro ang layo mula sa pinagmulan. Ulit-ulitin ito sa lugar ng tatlong (3) minute.

Anong naramdaman ninyo nang gawin ang unang gawain kumpara sa pangalawa?

Sino sa inyo ang hindi nakaramdam ng ngalay o hirap sa pagbuhat ng bag na may sampung aklat? Ilang ulit ninyong nagawa ang pagbuhat ng bag na may dalawang aklat lamang?

Sa pagbuhat na mabigat na bagay, kinakailangan ang lakas ng kalamnan. Sa paulit-ulit na pagbuhat naman ng magaan na bagay kinakailangan ang tatag ng kalamnan.

70

Page 71: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pamamaraan:

1. Bumuo ng dalawang grupo na may walo hanggang sampung kasapi o higit pa.

2. Maglagay ng silya sa harap ng bawat pangkat na may layong limang metro.

3. Humarap nang sunuran na ang agwat ng bawat isa ay isang ta-lampakan, at humawak sa baywang o balikat ng nasa harapan.

4. Ibaluktot ang mga tuhod nang paupo at nakaharap sa likod ng isang kasapi.

71

Page 72: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

5. Gayahin ito ng lahat ng kasapi at humanda na sa dahan-dahang paglakad. Panatilihin ng bawat isa ang ganitong posisyon habang naglalakad ang pangkat.

6. Marahang lumakad pasulong patungo sa itanakdang lugar at ikutan pakanan ng buong grupo hanggang makabalik sa pinanggalingan na napanatili ang posisyon.

7. Ang grupong unang makabalik sa puwesto at makahanay ng tuwid ang panalo.

Nagustuhan nyo ba ang larong ito?

Anong mga kakayahan o sangkap Physical Fitness ang pinauunlad dito?

Paano nagamit sa larong ito ang muscular endurance?

Ang paggamit ng kalamnan para matagalang panatilihin ang posisyon ng katawan ay pagpapakita ng pagtaglay ng tatag ng kalamnan.

Mahalaga na magtaglay ng lakas at tatag ng kalamnan upang laging handa ang ating katawan sa anumang gawaing nangangailangan ng power.

TANDAAN NATIN

72

Page 73: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutin ang mga tanong ng OO o HINDI.

TANONG OO HINDI

1. Naisagawa mo ba nang tama ang mga gawaing sumusubok sa tatag at lakas ng kalamnan?

2. Nauunawaan mo na ba ang pagkakaiba ng tatag ng kalamnan at lakas ng kalamnan?

3. Nasisiyahan ka ba kapag pinaggagawa ka ng mga gawain sa bahay at paaralan?

SURIIN NATIN

73

Page 74: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Gawing matatag at malakas ang inyong kalamnan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

mga gawaing bahay katulad ng pagdidilig, pagbubuhat ng gamit, at iba pa. Gumawa ng Fitness

Diary katulad ng nasa kabilang pahina

PAGBUTIHIN NATIN

FITNESS DIARY

Petsa: ______________

Dear Diary,

Nagawa ko sa araw na ito ang……………

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

____________________________________________________.

Tumutulong sa akin upang ako ay

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

______________________________________________________________

________________________________________________________.

Sumasaiyo,

___________ 74

Page 75: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pagpapaunlad ng Liksi

Ang liksi (agility) ay isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan na magpalit-palit o mag iba-iba ng diresyon.

Sa araling ito, isasagawa ninyo ang mga gawaing susubok at lilinang sa inyong liksi.

Tumayo at humanay sa harap ng guro. Sa hudyat ng guro,humakbang

pagilid at sundan ang direksiyong ituturo ng guro.

ARALIN 3

SIMULAN NATIN

75

Page 76: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sabay –sabay humakbang pakaliwa o pakanan.

Maliksi ba kayong nakasunod sa direksyong itinuro ng guro? Ano ang kailangan upang mapaunlad ang inyong liksi.

OBSTACLE

RELAY

IPAGPATULOY NATIN

76

Page 77: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pamamaraan:

1. Bumuo ng tatlong pangkat na may parehong bilang ng manlalaro. Humana yang bawat pangkat.

2. Ang unang manlalaro ay tatakbo nang paekis-ekis sa mga cone na nakalagay sa nakatakdang pwesto.

3. Pagdating sa dulo, sumuot sa hula hoop (buklod) na nakapuwesto sa finish line at tumakbo muli pabalik sa starting line na paekis-ekis sa mga cone.

4. Uulitin ng susunod na manlalaro ang ginawa ng nauna.

5. Ang pangkat na unang makatapos ay panalo.

77

Page 78: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Paano ninyo isinagawa ang mga gawain? Sino sa inyo ang nakatapos agad sa mga gawain

Ano ang katangiang taglay ng tao na maliksing kumilos o tumakbo habang nag-iiba-iba ng direksyon?

TALUNIN ANG SAPA

Lugar: Palaruan o ground

Pamamaraan:

1. Bumuo ng dalawang pangkat na may parehong bilang. Maglagay ng starting line at finish line

na may limang metrong pagitan.

2. Gumawa ng dalawang tuwid na guhit mula sa starting line hanggang sa finish line.

3. Sa bawat isang metrong agwat, maglagay ng tanda na guhit. Sa mga bahaging may tanda,

tumalon na kunwari ay malapad na kanal.

78

Page 79: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang liksi ay kakayahan sa mabilis na pagpalit-palit o pagbabago ng direksyon. Ang mabilis na pagkilos habang nag-iiba ng direksyon ay sukatan ng liksi.

Ang pagsasagawa ng gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay nagpapatibay ng ating katawan at nagpapahusay ng iba’t-ibang kasanayan tulad ng liksi.

4. Tumalon sa bawat tanda ng isang metrong agwat hanggang sa makarating sa kabilang guhit.

5. Simulan ito ng unang manlalaro ng bawat pangkat hanggang sa huling manlalaro. Ang unang pangkat na makatapos ay siyang panalo.

Panuto: Basahin at bilugan ang tamang sagot.

1. Ang pagkilos sa maliksing paraan ay sukatan ng

A. agility B. coordination C. balance D. flexibility

2. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay

TANDAAN NATIN

SURIIN NATIN

79

Page 80: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

A. nagpapalakas ng katawan

B. nakatutulong sa magandang pakikipag-kapuwa

C. nagpapatatag ng katawan

D. lahat ng nabanggit

3. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad ng laro

A. nakikipaglaro nang patas sa kalaban

B. walang pakialam sa kalaban

C. hinahayaang masaktan ang kalaro

D. wala sa mga nabanggit

4. Nakita mo na ang iyong kaklase ay matutumba at malapit ka sa kanya. Ano ang gagawin mo?

A. magkunwaring hindi nakita

B. titingnan lamang

C. agapang huwag tuluyang matumba

D. magsisigaw upang mapansin

5. Kapag nadapa ang iyong kalaban sa laro, alin sa sumusunod ang gagawin mo

A. pagtawanan siya

B. magkunwari na hindi nakita

C. tulungan siya

D. isumbong sa guro

80

Page 81: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sulatan muli ang inyong Fitness Diary. Isulat ang kahalagahan ng mga gawaing nagpapaunlad sa liksi (agility)

PAGBUTIHIN NATIN

TANDAAN NATIN

FITNESS DIARY

Petsa: ______________

Dear Diary,

Nagawa ko sa araw na ito ang……………

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

______________________________________.

Tumutulong sa akin upang ako ay

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

____________________________________________________________.

Sumasaiyo,

___________

81

Page 82: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Paglinang ng Bilis

Tingnan ang larawan. Ano ang makikita ninyo sa larawan? Ano kaya ang kasanayang taglay ng batang nanalo sa paligsahan?

Nasiyahan ba kayo sa mga gawain sa nakaraang aralin? Ngayon naman ay ipakikita ninyo ang inyong bilis sa pagsasagawa ng mga Gawain.

Paligsahan sa Pagbibigay ng mga Bagay

Bumuo ng tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay mag-uunahang tatakbo papunta sa guro upang dalhin ang bagay na kaniyang hihingiin.

ARALIN 4

SIMULAN NATIN

82

Page 83: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

1. Halimbawa: Bigyan ako ng Panyong Puti

2. _________________________________________

3. _________________________________________

4. _________________________________________

5. _________________________________________

Nasiyahan ba kayo sa laro? Aling pangkat ang nakakuha ng maraming puntos? Bakit sila nakarami ng puntos? Anong kasanayan ang taglay nila?

Alamin natin kung mabilis kayong umiwas.

Tapikan ng Tuhod

1. Humanap ng kapareha. Gumuhit ng linya na may isang metrong sukat sa bawat linya. Harapin ang isa’t isa. Dito lamang sa linya kayo puwedeng tumayo o gumalaw.

2. Sa hudyat ng guro, susubukang tapikin ang tuhod ng kapareha.Kailangan maiwasan ito ng kalaro. Siguraduhing di kayo aalis ng tapak sa linya. Bilangin kung ilang beses matatapik ang tuhod sa loob ng tatlong minute.

3. Pagkatapos ng tatlong minuto, magpalit ng gampanin.

4. Kung sino ang may pinakakaunting bilang na matapik na tuhod ay panalo.

83

Page 84: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sino sa inyo ang nanalo? Sino ang mas mabilis kumilos?

Ang speed o bilis ay ang kakayahan sa mabilis na paggalaw ng katawan o ilang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ay ang mabilis na pagtakbo o pag-iwas na mahuli o mataya.

Circle Chase

Ngayon ay maglalaro tayo ng isang laro na ang layunin ay maabutan o mataya ang manlalarong tumatakbo sa unahan bago makarating sa dating puwesto. Sa larong ito, kailangan mo ng bilis upang di maabutan ng taya.

84

Page 85: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pamamaraan:

1. Uupo ang mga bata sa loob ng bilog. Sa pamamagitan ng hudyat, lahat ng batang tumutugon sa bilang na tatawagin ay tatayo at tatakbong pakanan paikot sa labas ng bilog hanggang sa makabalik siya sa dating puwesto.

2. Sisikapin ng batang nasa likuran ng bawat mananakbo na mataya ang nasa unahan niya bago ito makarating sa dating puwesto. Ang mga nasa unahang mananakbo ay sisikapin naming huwag mataya at maabutan.

3. Ang bawat mataya ay di makapaglalaro at magsasama-sama sa isang lugar.

4. Tumawag muli ng panibagong bilang.

5. Ang mga batang maiiwan sa laro pagkatapos ng takdang oras ng paglalaro ang panalo

Nasiyahan ba kayo sa inyong ginawa? Nasunod ba ninyo ang alituntunin at pag-iingat sa paglalaro? Anong kakayahan ang kailangan upang hindi ka maging taya sa laro? Ano ang katangian ng isang taong may bilis? Ano ang maaaring gawin upang maging mabilis?

Ang speed o bilis ay ang kakayahansa mabilis na paggalaw ng katawan o ilang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ay ang mabilis na pagtakbo o pag-iwas na mahuli o mataya. Maraming laro ang nangangailangan ng bilis kung kaya’t mainam na sanayin ito ng bawat isa.

85

Page 86: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutin ang mga tanong ng OO o HINDI sa pamamagitan ng paglagay ng tsek ( ̸ ) sa kolum na inyong sagot.

Mga tanong OO HINDI

1. Nakasunod ka ban a may pag-iingat sa alituntunin ng laro?

2. Pinahahalagahan mo ba ang mga gawaing tumutulong upang malinang ang kasanayan sa bilis?

3. Nagsikap ka ban a sanayin ang iyong sarili na kumilos nang mabilis?

Itala sa inyong kuwaderno ang mga gawain sa bahay o sa paaralan na tumutulong upang mapahusay ang inyong bilis.

Magsaliksik tungkol sa larong patintero. Maghanda ng ulat tungkol sa larong ito.

86

Page 87: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Patintero

Alam mo ba ang larong nasa larawan? Ito ay ang patintero. Sa araling ito, maglalaro tayo ng patintero!

Bago simulan ang pangunahing gawain, sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga sangkap ng health-related fitness?

2. Guhitan ng star ang mga pamamaraang nakatutulong upang mapaunlad ang inyong lakas at tatag ng kalamnan.

___Sumasali sa dance troop.

___ Palagiang pagpapasuri sa doktor

___ Kumain ng masustansiyang pagkain.

___ Magpahinga at matulog sa tamang oras.

___ Gawin ang tamang paraan ng pag-ehersisyo araw-araw.

ARALIN 5

87

Page 88: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang mga laro ay nakatutulong sa pagsasanay ng physical fitness components.

Ang invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo. Ang Patintero ay isang halimbawa ng invasion game.

Bumuo ng pangkat na may apat o limang kasapi. Gumawa ng ulat tungkol sa patintero at ipakita ito sa harapan.

Maglaro tayo ng Patintero.

88

Page 89: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang mga laro ay nakatutulong sa pagsasanay ng mga sangkap ng physical fitness.

Ang larong patintero ay halimbawa ng invasion game, na ang layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo

Pamamaraan:

1. Bumuo ng dalawang pangkat na magkapareho ang bilang.

2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang mga sukat.

3. Pumili ng lider o patotot sa bawat grupo. Alamin kung sino muna ang tayang grupo. Ang patotot lamang ang maaaring tumaya sa likod ng kahit sinong ‘kalaban’.

4. Ang tayang pangkat ay tatayo sa mga linya. Susubukang lampasan ng kabilang grupo ang bawat bantay ng linya nang hindi natatapik ang anumang bahagi ng katawan. Kung may natapik na bahagi ng katawan, magpapalit ng tayang pangkat.

5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya, hanggang sa huling linya, at pabalik upang makapuntos.

6. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos sa loob ng takdang oras ang panalo.

Ano ang masasabi ninyo sa larong inyong ginagawa? Ano-anong kaugnay na kasanayan ang ginamit ninyo?

Sa mga isinagawang gawain, nagpakita ba kayo ng paggalang at patas na pakikipaglaro sa inyong kapuwa mag-aaral? Bakit kailangang gawin ito?

89

Page 90: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Suriin mo ang iyong sarili at iguhit ang sa wastong hanay.

Napakahusay Mahusay Kailangan pang linangin

Liksi sa pag-iwas sa pagtataya sa larong patintero

Bilis sa pagtakbo sa larong patintero

Magalang na pakikipaglaro

Pag-unawa sa konsepto ng invasion games

90

Page 91: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Isulat sa inyong Fitness Diary ang mga natutuhan tungkol sa lakas at tatag ng kalamnan.

Magsiyasat tungkol sa larong Agawang Panyo.

FITNESS DIARY

Petsa: ______________

Dear Diary,

Nagawa ko sa araw na ito ang……………

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Tumutulong sa akin upang ako ay

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Sumasainyo,

___________

91

Page 92: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Agawang Panyo

Ano ang ginagawa ng mga bata? Nagagawa mo na rin ba ito? Upang magawa ang mga ito, anong kakayahang pisikal ang kailangan mong sanayin?

Ang layunin ng araling ito ay higit pang malinang ang mga gawaing nakapagpapaunlad ng kalusugang pisikal upang magkaroon ng sapat na liksi at bilis.

Ang bilis (speed) at liksi (agility) bilang mga kasanayan kaugnay ng mga sangkap ng fitness ay bibigyang pansin upang lubos na maunawaan ang kahalagahan nito sa paglalaro at paggawa ng mga pang araw-araw na Gawain

ARALIN 6

92

Page 93: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Simulan Natin

Sa nakaraang aralin, natutuhan ninyo ang iba’t ibang pagsubok sa health-related at skill-related na mga sangkap ng fitness. Sa araling ito, mararanasan ninyo muli ang mga gawaing pisikal na magpapaunlad sa bilis (speed) at liksi (agility).

Gawain: Pagbalik-tanaw

Lagyan ng tsek ang kolum kung ang nabanggit ay madalas mong ginagawa.

OO HINDI

1. Naranasan mo na bang maglaro ng habulan at pagtakbo ng paekis-ekis?

2. Ikaw ba’y nakipaglaro na sa iyong mga kapatid at magulang?

3. Madalas ka bang maglaro ng luksong lubid, patintero at tumbang preso?

4. Nasisiyahan ka ba habang nakikipaglaro sa iyong mga kaibigan?

5. Nakatutulong bas a paglinang ng physical fitness ang paglalaro?

Ang mga larong relay na may kasamang pagdampot ng bagay ay ilan sa mga larong nagpapaunlad ng kasanayan sa bilis at liksi. Naranasan mo na bang maagawan ng isang bagay? Ano ang unang naging reaksyon mo? Ano ang ginawa mo?

93

Page 94: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sa araling ito, isasagawa ninyo ang larong may kaugnayan sa pag-agaw o pagdampot ng isang bagay. Masusubok sa larong ito ang inyong bilis at liksi sa pagdampot o pag-agaw ng isang bagay.

Agawang Panyo

Pamamaraan:

1. Bumuo ng dalawang grupo na may lima o higit pang kasapi.

2. Bigyan ng bilang ang bawat manlalaro ng bawat pangkat at pumila ayon sa pagkakasunod- sunod ng bilang.

3. Pumila nang magkaharap ang magkabilang panig na magkatapat ang bawat bilang na iniatas.

4. Ang guro ang hahawak ng panyo at tatawag sa numero.

5. Sa hudyat ng guro, tatakbo sa gitna ang manlalaro, lalapit sa hinahawakang panyo at dadamputin o aagawin ang panyo at babalik sa puwesto.

94

Page 95: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

6. Siguraduhing hindi mataya ng kalaban upang makapuntos ang grupo.

Sa paglahok sa mga larong may agawan ng

mga bagay, dapat maging maliksi at mabilis ang iyong mga paa at kamay. Kailangan ding masanay ang iyong katawan sa wastong paninimbang habang nagbabago-bago ang direksiyon at bilis ng pagkilos.

Isulat sa sagutang papel ang mga gawain na makapagpapaunlad sa bilis at liksi.

95

Page 96: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sulatan muli ang inyong Fitness Diary sa mga natutuhan tungkol sa bilis at liksi.

96

Page 97: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Agawang Base

Ang habulan, patintero at iba pang laro kasama ang mga kaibigan o kamag-aral ay kasiya-siya. Bukod sa kasiyahan, nalilinang din ang iba’t ibang mga sangkap ng fitness tulad ng lakas ng kalamnan, tatag ng kalamnan, bilis, at liksi.

Ang ating katawan ay mahalaga. Ito ay dapat alagaan at pagtuunan ng pansin. Mas mainam ang pagkakaroon ng sapat na physical fitness upang mapanatili ang masiglang isip, masiglang katawan, masiglang pamumuhay, at makakaiwas sa sakit.

Bago magsimula sa pagsasagawa ng mga gawaing pisikal, isagawa muna ang pagwarm-up upang maihanda ang katawan.

ARALIN 7

97

Page 98: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Tingnan ang nasa larawan. Ano-ano ang mga kilos na kanilang ginagawa? Ano ang masasabi ninyo sa kanilang kilos at galaw? May gawain bang nagpapakita ng lakas at tatag ng kalamnan? Alin ang mga gawaing nagpapakita ng bilis at liksi sa pagkilos?

Naranasan mo na bang maglaro ng habulan? Naranasan mo rin bang makipag-agawan ng laruan o makipag-unahan sa pagkuha ng upuan? Paano mo naunahan ang iyong kamag-aral o kalaro sa pagkuha ng laruan o upuan? Ano-anong sangkap ng skill-related fitness ang pinauunlad sa gawaing iyon.

Agawang Base

Pamamaraan:

1. Bumuo ng dalawang pangkat na may pantay na bilang.

2. Mag-Jack and Poy para malaman kung sino-sino ang magkakampi. Mas maraming manlalaro, mas Masaya.

98

Page 99: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

3. Kailangan ng bawat pangkat na may base o bahay. Ito ay maaaring puno ng kahoy, malaking bato, o anumang puwedeng gawing base ng bawat pangkat.

4. May guhit na linya sa gitna na maghahati sa dalawang base ang bawat pangkat.

5. May maiiwang isa na magbabantay sa kanilang base para hindi ito maagaw, habang ang ibang kasapi ng pangkat ay susubukang agawin ang base ng kalaban.

6. Kapag lumampas sa linya ang manlalaro, kailangang habulin ng kalaban upang hulihin. Ito ay dadalhin sa kanilang base bilang preso at kailangang bantayan upang hindi makatakas.

7. Maaari lamang makalaya ang presong manlalaro kung mahahawakan o matatapik ng kakampi at maaari na itong maglaro muli.

8. Kapag ang baseline ng pangkat ay nataya ng kalaban nang hindi siya natataya, maaari ding manalo kung lahat ng kasapi sa kabilang koponan ay nahuli na.

Umpisahan natin ang laro.

99

Page 100: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang larong Agawang Base ay nagpapaunlad sa bilis sa pagtakbo at liksi sa paggalaw. Sa paglalaro nito, kailangan ang pag-iingat upang hindi mataya ng kalaban.

Ang layunin sa larong ito ay maagaw ng grupo ang base ng kalaban nang hindi natataya. Ang Agawang Base ay isa ring halimbawa ng invasion game, tulad ng patintero.

Paano ka nakakaiwas habang hinahabol ka ng inyong kalaro? Naalala mo ba ang mga palatandaan upang makaiwas sa sakuna?

Sa larong Agawang Base, ano-anong sangkap ng physical fitness ang nagamit sa laro?

Lagyan ng tsek ( ̸ ) ang bawat kolum kung nagawa mo ang mga ito.

Mga Gawain Mahina Katamtaman Mabilis

Pagtakbo ng mabilis

Maliksing pag-iwas na mataya

Paghuli ng kalaban

Pagligtas ng kakampi

Isulat sa inyong Fitness Diary ang iyong mga natutuhan tungkol sa paglaro ng Agawang Base. Paano ka nakakaiwas habang hinahabol ka ng

inyong kalaro.

100

Page 101: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Aralin 8 Lawin at Sisiw

Maayos ba at matatag ang iyong katawan? Mayroon ka bang sapat na lakas, bilis at liksi sa pagkilos at pag-isip upang magampanan ang mga pang-araw-araw na gawain? Sa palagay mo, handa ba ang iyong katawan sa malakas, mabilis, at maliksing pagkilos.

Ang physical fitness ng isang tao ay maaaring mawala kung hindi niya napapanatili nito.Upang masanay mo ang iyong sarili,sumali ka sa mga physical activity o gawaing pisikal.

Ngayon, subukan natin ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng hablutan ng buntot. Gusto mo na bang maglaro?

ARALIN 8

101

Page 102: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Hanapin at bilugan ang mga salita ng tumutugma sa mga laro at mga sangkap ng physical fitness.

LOOP - A – WORD

J A B B K A T A W A N L I K A S F I B L

E M O I A K A A K I B A T O B B I M I T

N U Z L L A A O N A N A Y N A H K U N K

B S K I I N A S I M O N O K T I A S G A

H C A S G G N I N O N S S O U L H C A S

C U T I L Z G N A G G A I W H A U U G P

D L A L I I A G I L T Y K X A S H L A A

K A W A K Y G G G N A A O I N H T A W N

K R A W P N A L R A K A M S G A U R A Y

L E N I A L W A M E O K A N L N K S N O

G N N N T I A W A T L O N N A G A T G G

N D G A I K N I N A S E O A T N N R P D

I U B T N S G N O N I N Y N A B K E A R

P R A S T I B A K D Y A O A A I A N N L

D A T I E S A N N A A Y K M N S L G Y O

F N A S R A S G A N A O A A G I A T O J

J C N I O R E A C T I O N T I M E H I G

I E G W S A A S I G I N A N G G N A S N

X A M T S N S I N I T A T A G A A N I O

A N A O A G O W A N O E A N O N N G P P

SIMULAN NATIN

102

Page 103: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Bakit nga ba dinagit ng lawin ang mga sisiw? Gusto ba ninyong malaman?

Lawin at Sisiw

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa piyesta sa kabilang nayon.

Naroon si Tandang at ibig ni Inahing Manok na maging maganda sa paningin ni Tandang. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

“Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok, napakahalaga niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking ina,” bilin ni Lawin.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram na singsing ngunit isinuot pa rin niya ito. Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Suot niya ang hiram na singsing at pumunta sa kabilang nayon. Maraming bisita ang dumalo at nagsasayawan na nang dumating si Inahing Manok. Nang Makita siya ni Tandang, niyaya kaagad itong sumayaw. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Kinaumagahan, napansin ni Inang manok na wala na ang hiniram niyang singsing kay Lawin. Takot na takot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang hiram na singsing. Kaya hanap dito,hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok. Hindi niya nakita ang nawawalang singsing. Nang nalaman ni Lawin ang pangyayari, galit na galit ito at sinabi na kapag hindi makita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at dadagitin niya ang mga sisiw ni inahing manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang Inahing Manok ay tumulong sa paghahanap upang hindi

Batuhang lata Musculas Strength Reaction Time Katawan ng Bata Agawang Base Muscular Endurance Agawang Panyo Agility Lawin at Sisiw Patintero

103

Page 104: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw.Ngunit hindi pa rin nila nakita ito hanggang tuluyan nang magalit si Lawin kay inahing manok.

Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ni Lawin ang mga sisiw ng inahing manok.

Mga Alituntunin sa Paglaro ng Lawin at Sisiw

1. Bumuo ng anim na pangkat na may bilang na sampo o higit pa.

Dapat pantay ang bilang ng manlalaro sa mga pangkat.

2. Maglaban-laban ang pangkat 1 at pangkat 2, pangkat 3 at pangkat 4, pangkat 5, at pangkat 6

3. Ang guro ang magbibigay ng hudyat sa pagpapasimula ng laro, at siya rin ang tatayong

tagahatol nito.

4. Pumili ng pinakamalakas sa mga manlalaro na siyang maging lider o nasa unahan ng hanay.

5. Mamili rin ng isa pang maliksing manlalaro na siyang nasa hulihan ng hanay.

6. Ikakabit ang dalawang kamay sa baywang ng kasunod na manlalaro at kailangang higpitan ang pagkakahawak nito.

7. Lagyan ng panyo sa likod malapit sa baywang, ang huling manlalaro ng bawat pangkat.

8. Kailangan nakahanay nang maayos ang bawat pangkat bago umpisahan ang paglalaro

9. Sa paghudyat ng guro, magsimulang iikot ang bawat pangkat at sikaping maagaw ng lider ang panyo na nasa likod ng huling manlalaro sa pangkat ng kalaban. Kapag naagaw ng kalaban ang panyo, bigyan sila ng puntos.

10. Ang makakuha ng mataas na puntos ay siyang panalo.

GAWIN NATIN

104

Page 105: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Lawin at Sisiw

TANDAAN NATIN

105

Page 106: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang larong Lawin at Sisiw ay isa ring laro na tumutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagiging mabilis at maliksi. Nagagamit din dito ang lakas at tatag ng kalamnan.

Tinatawag din ang larong ito na ‘Touch the Dragon’s Tail’, ‘Hablutin mo ang Buntot Ko’ at iba pa. Sa paglalaro nito, kailangang maging listo at maliksi upang maagaw ang panyo.

Kailangan ng mga sisiw ang proteksyon katulad ng isang manlalaro. Layunin ng inahin na iiwas ang kaniyang mga sisiw mula sa mga kamay ng lawin.

Lagyan ng tsek (√) ang kolum na naglalarawan ng inyong tapat na sagot.

Ako ay Madalas Minsan Hindi

Nakikinig at nakikilahok sa talakayan

Sumali sa lahat ng aralin

Nakauunawa sa kahalagahan ng paglaro

Sumusunod sa alituntunin ng laro

Nasisiyahan habang nakikipaglaro

106

Page 107: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Balikang muli ang inyong Fitness Diary at isulat ang iyong mga natutuhan na mga kasanayan sa paglaro ng Lawin at Sisiw.

PAGBUTIHIN NATIN

107

Page 108: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

CHAIRMAN: Mary Jane M. Sabuya

Secretary: Henry C. Salazar

MEMBERS:

Maribel A. Balido

Annabelle G. Maghirang

Sahara Theresa D. Cruz

Bernie S. Borgonos

Michael d. Lacson

Junee Rose D. Delgado

Jenien V. Padilla

Joy G. Geniza

108

Page 109: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT III PAGPAPATULOY SA PAGPAPAUNLAD NG

PHYSICAL FITNESS

ARALIN 1

Physical Fitness (Cardiovascular Endurance, Muscular Strength, Muscular Endurance, Flexibility, at Body Composition)

109

Page 110: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Activity Pyramid Guide at naunawaan ninyo ang kahalagahan nito sa

pagpili ng mga gawain para sa pagkakaroon ng mataas na antas ng kalusugan. Ang health-related components ay mga sangkap ng physical fitness na kadalasang ginagamit sa pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan. Ang limang sangkap ng health-related fitness ay ang sumusunod:

110

Page 111: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) – kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa Muscular Endurance (Katatagan ng kalamnan) – kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa Muscular Strength (Lakas ng kalamnan) – kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas Flexibility (Kahutukan) – kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan Body Composition – dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, at tubig) sa katawan

Ang Filipino Activity Pyramid Guide ay nagpapaalala sa mga gawaing pisikal na maaaring malinang sa isport, laro, sayaw, at pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan. Ito ay gumagabay kung aling

111

Page 112: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

mga gawaing pampisikal ang maaaring gawin nang palagi, madalas, madalang o paminsan-minsan para mapanatili ang kalusugan. Tunghayan ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan o sa labas ng tahanan. Tukuyin kung gaano kadalas itong ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng karampatang bilang: 4 = palagi 3 = madalas 2 = madalang 1 = paminsan-minsan

Isulat din kung anong sangkap ng fitness ang nalilinang at napapaunlad

nito.

Gawaing Pisikal

Gaano kadalas

Sangkap ng Fitness na nalilinang/ napapauunlad

1. paggamit ng hagdan sa pag-akyat at pagbaba ng bahay/ gusali/mall

2. paglalakad patungo at pabalik sa paaralan/simbahan/park

3. pakikipaglaro ng batuhang bola/ patintero

4. pag-igib ng tubig/pagbuhat ng mabigat

5. pagtayo nang matagal habang nag-aabang ng sasakyan

6. pakikipaglaro ng syato/ tumbang preso

7. pakikipaglaro ng habulan

8. pagligpit ng gamit/laruan

9. pag-eehersisyo

10. pagsasayaw

SURIIN NATIN

112

Page 113: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

11. Iba pa (Isulat dito ang wala sa talaan)

Kabuuang Puntos

Ilan ang natamo mong puntos sa gawaing ito? ______ Alam mo ba na may kahulugan ang puntos na iyong natamo

sa pagsagot sa unang gawain? Tunghayan ang kahulugan

ngiyong puntos.

45 pataas

Pinakamataas na antas ng gawaing pisikal

33-44

Mataas na antas ng gawaing pisikal

21-32

Patungo sa mataas na antas ng gawaing pisikal

11-20

Nagsisimula pa lamang sa gawaing pisikal

10 pababa

Inactive. Maaaring mauwi sa sedentary lifestyle

Kahit ano pa man ang kinalabasan ng pagtaya sa iyong gawaing pisikal, hindi pa huli ang lahat. Mahaba pa ang panahon upang maiangat mo ang antas ng iyong gawaing pisikal. Ngayon ang panahon upang magsimula ka dahil kapag nagwalang-bahala ka baka dumating ang panahon na maging huli na ang lahat lalo pa sa panahon ngayon na uso na ang mga laro sa makabagong gadget tulad ng cellphone, computer, iPad, at iPhone.

SIMULAN NATIN

113

Page 114: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Hindi naman masamang magkaroon ng gadget lalo na at gagamitin ito sa

makabuluhang paraan tulad sa pag-aaral.

Ngunit maraming kabataan na ang nahihilig

sa mga laro sa computer at iba pang gadget

na makapanghihikayat ng palaupong

pamumuhay (sedentary lifestyle).

Upang matiyak mo na magiging physically fit ka, piliing tumulong sa mga gawaing-bahay kaysa mag-utos. Makipaglaro sa mga kaibigan sa paaralan o sa

pamayanan kaysa maglaro ng computer

games.

114

Page 115: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ngayon, subukan mong lumahok sa Fitness Challenge. Angklase ay hahatiin sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay magtutungo sa isang bahagi ng palaruan at isagawa ang challenge dito sa loob ng limang minuto.

Paraan ng Paglalaro: Gagawin ng bawat miyembro ng pangkat ang hamon sa loob ng limang

minuto. Hintayin ang hudyat ng guro bago pumunta sa susunod na hamon. Sundin ang direksiyon papunta sa gawain. Maging maingat at iwasang makasakit ng kalaro.

IPAGPATULOY NATIN

115

Page 116: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

1. Group Rope Jumps (Sabayang Pagtalon sa Lubid)

a. Dalawang miyembro ang hahawak ng lubid sa magkabilang dulo. Sila ang mag-iindayog ng lubid papunta sa kanan at kaliwa lamang. Siguraduhing sabay ang pag-indayog ng lubid.

b. Pag-indayog ng lubid, sabay-sabay tatalon ang lahat ng miyembro ng grupo paharap at patalikod.

c. Tuloy-tuloy ang paglundag nang sabay-sabay hanggang matapos ang oras.

2. Hula Hoop Over and Under Relay

a. Ang buong pangkat ay hahanay at magkakahawak ang mga kamay.

116

Page 117: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

b. Ang hula hoop ay isusuot sa paa ng unang miyembro at ipapasa sa kasunod na miyembro na magkahawak ang mga kamay.

c. Kailangang maipasa na hindi naghihiwalay ang hawak ng kamay. d. Gawin ito nang mabilis hanggang sa huling miyembro.

2. Coffee Grinder

a. Ilagay ang isang kamay sa sahig. Itukod ang paa habang inuunat ang katawan. Ilagay ang isang kamay sa tagiliran kapantay ng nakaunat na katawan.

b. Iikot ang buong katawan nang diretso na parang orasan at hindi inaalis ang pagkakalapat sa sahig.

117

Page 118: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Lagyan ng tsek (P) ang angkop na hanay ayon sa iyong pagsagawa ng Fitness Challenge.

Gawain

Sangkap ng Fitness na nalinang

Pagsasagawa

3 2 1

1. Group Rope Jumps 2. Hula Hoop Over and

Under Relay

3. Coffee Grinder

3 – maayos na naisagawa 2 – naisagawa 1 – hindi naisagawa

TANDAAN NATIN

Ang mga sangkap ng fitness ay

malilinang nang mabuti kung

naisasagawa nang tama ang

gawaing pisikal. Ang palagiang

aktibong paglahok sa mga laro,

gawain sa bahay, paaralan, at

pamayanan ay makatutulong sa

pagpapataas ng antas ng physical

fitness. Ang mataas na antas ng

physical fitness ay daan para sa

magandang kalusugan

118

Page 119: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ayon sa iyong paglahok sa laro, paano mo tatayain ang iyong sarili ayon sa iyong pagkilos? Tayain ang sarili sa pamamagitan ng pagtsek sa patlang na naaayon sa iyong sagot. 1. Gaano mo nagustuhan ang laro? _____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra 2.Gaano kabilis ang iyong pagtakbo? _____ sapat lang _____sobra _____ sobra-sobra 3.Gaano kalakas ang iyong bisig sa paggawa ng coffee grinder? _____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra 4.Naramdaman mo ba ang bilis ng pintig ng iyong puso sa pagtalon sa lubid at pagtakbo?

_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra 5.Nakatagal ka ba sa mga pagsubok na ginawa? _____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra

GAWIN NATIN

119

Page 120: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

man ay makalilinang o magpapaunlad sa antas ng iyong physical fitness. Kaya mo bang ipagpatuloy ang iyong nasimulan na?

Isulat o ilarawan ang paborito mong gawaing pisikal sa isang linggong talaan. Ito ay magpapaalala ng iyong commitment na maipagpatuloy ang

nasimulan mo nang gawain upang mapanatili o mapaunlad ang antas ng iyong physical fitness.

Talaan ng Aking Isang Linggong Physical Activity

Araw Gawaing Pisikal Oras

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Lingo

LAGDA

Mga Nagpapatunay

Magulang Guro Kamag-aral

PAGBUTIHIN NATIN

120

Page 121: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

121

Page 122: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang pagpapatuloy ng pagpapaunlad ng physical fitness ang

pangunahing layunin sa araling ito. Ang mga gawaing makatutulong sa

pagpapaunlad ng flexibility (kahutukan) bilang sangkap ng kaangkupang pisikal

(health-related component) ay bibigyang pansin upang lubos na maunawaan ang

kahalagahan nito sa paglalaro, pagsasayaw, at mga pang-araw-araw na gawain.

ARALIN 2

Paglinang ng Flexibility

SIMULAN NATIN

122

Page 123: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi ng pyramid sa pagpapaunlad ng

iba’t ibang bahagi ng katawan?

2. Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapaunlad ng

flexibility (kahutukan) ng katawan?

Ang kahutukan ay kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa

pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasukasuan. Kinakailangan ang kahutukan ng katawan upang maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbangon sa pagkakahiga, pagbuhat ng bagay, pagwalis sa sahig, at iba pa.

Ang antas ng kahutukan ng katawan ay bumababa kapag tumanda ang isang tao dahil sa palaupong pamumuhay. Kapag walang sapat na kahutukan, nagiging mahirap ang pagsasagawa ng mga pang-araw-araw na gawain Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung alin sa mga larawan ang

nagpapakita ng kahutukan ng katawan. Sabihin kung ang mga gawaing ito ay

pang-araw-araw na gawain, ehersisyo, laro, o sayaw.

Pag-abot ng bagay na mataas

Pag-unat

Pagsayaw ng ballet

Pag-gymnastic

Pagpitas ng bunga sa puno

Pagkarate

IPAGPATULOY NATIN

123

Page 124: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pagbasketball

Pagsasayaw ng ballroom

Pagwawalis

GAWIN NATIN

Gawain: Paglinang sa kahutukan

Two-Hand Ankle Grip

Pamamaraan: 1. Bahagyang

ibaluktot ang katawan sa harap.

Sa pamamagitan ng pagdikit ng

dalawang sakong (heel) ng paa,

abutin ng mga kamay sa pagitan

ng mga binti ang bukong-bukong

(ankle). 2. Pag-abutin ang mga

kamay sa harap ng mga bukong-

bukong. 3. Panatilihing

nakahawak ang mga kamay sa

harap ng mga bukong-bukong sa

ayos ng sakong ng paa. 4.

Manatili sa posisyon sa loob ng

limang segundo (5).

124

Page 125: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglagay ng

tsek sa kolum kung alin ang mga makapagpapaunlad ng iyong flexibility o

kahutukan. Kopyahin ang talaan sa iyong kuwaderno at sagutan ito.

Mga Gawaing Pisikal

Makapagpapaunlad ng flexibility

Mga Gawain

Pagdampot o Pag abot ng mga bagay

Paglilinis ng may hawak na mop

Pagsasampay ng damit

Pagsususot ng medyasat sapatos

Pagsususot at Paghuhubad ng Damit

Paglalaro ng bending

Pag eehersisyo

Ilan sa talaan ng mga gawain at ehersisyo ang inyong nalagyan ng tsek? May alam ka pa bang gawain na makatutulong sa iyo upang mapaunlad

mo ang iyong flexibility?

TANDAAN NATIN

Ang pagpapaunlad ng flexibility o kahutukan ng

kalamnan ay nakatutulong upang mapadali ang

pagsasagawa at mapaganda ang isang gawain. Ang

paglinang sa mga gawaing makatutulong sa flexibility ng katawan ay inaasahan upang

matamo ang inaasahang antas ng physical fitness. Ang two-hand ankle grip ay isa

lamang sa mga gawaing sumusubok sa flexibility.

SURIIN NATIN

125

Page 126: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Gumawa ka ng talaan ng mga ito. Ibahagi mo sa mga kamag-aral mo ang iyong

talaan.

Ang pagpapaunlad ng flexibility o kahutukan ay tuloy-tuloy na proseso. Hindi makukuha sa isang iglap ang pagsasagawa ng mga gawain o ehersisyo bagkus ito ay patuloy na nililinang.

Sa tulong ng isang kontrata na nasa ibaba, gumawa ng personal na

kontrata para sa patuloy na paglinang ng flexibility o kahutukan. Ipasa ang

kontrata sa susunod na pagkikita.

KONTRATA NG PATULOY NA PAGLINANG NG FLEXIBILITY Pangalan: ___________________________ Pangkat: ___________________________

Ako si____________________ na nangangakong patuloy na pauunlarin ang flexibility o kahutukan ng aking katawan.

Bilang pagtupad sa aking pangako, ako ay gagawa at makikilahok sa

mga gawaing makapagpapaunlad ng aking flexibility o kahutukan. Isulat ang mga gawain na makapagpapaunlad sa flexibility o kahutukan.

1._____________________________________________ 2._____________________________________________ 3._____________________________________________ 4._____________________________________________ 5._____________________________________________ 6._____________________________________________ ________________________ Lagda ng Mag-aaral ___________________ ________________ Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

PAGBUTIHIN NATIN

126

Page 127: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Isa sa mga sangkap ng skill-related physical fitness ay ang koordinasyon. Ang koordinasyon ay ang kakayahan ng iba’t ibang bahagi ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan. Ang iyong paglahok sa mga gawain sa araling ito ay makatutulong sa

paglinang nito.

ARALIN 3

Paglinang ng Koordinasyon

127

Page 128: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang pang-araw-araw na gawain, mapapansin mo na may koordinasyon

ang iba’t ibang bahagi ng iyong katawan kaya ka nakakikilos nang maayos.

Katulad ng iba pang sangkap ng physical fitness, ang koordinasyon ay mahalaga

upang ang mga bahagi ng katawan ay gumalaw nang magkakaiba ngunit bahagi

ng kabuuan.

Bilang sangkap ng physical fitness, dapat taglayin ng bawat isa ang

koordinasyon para makakilos nang maayos at mabawasan o maiwasan ang pagkakaroon ng sakuna sa pagsasagawa ng anumang gawaing pisikal. Ang koordinasyon ay ang kakayahan ng iba’t ibang bahagi ng katawan na kumilos nang sabay-sabay nang walang kalituhan. Ang koordinasyon ng mata at kamay ay kailangan mo upang

maisulat mo ang iyong binabasa, makasalo ka ng bola o bagay o masalang ang

paparating na bagay na maaaring tumama sa iyo. Ang koordinasyon naman ng

kamay at paa ay mahalaga sa iyong paglalakad, pagsasasayaw, paglalaro, at

paggawa ng pang-araw-araw na gawain.

Nasubukan na ba ninyong maglaro ng computer games? Naniniwala ba

kayong ito ay nakalilinang ng koordinasyon ng mga mata at kamay? May mga pag-aaral na nagsasabing nakalilinang nga ng eye-hand coordination ang paglalaro ng computer games ngunit dapat ito ay gawin nang madalang lamang dahil nakakakonsumo ito ng maraming oras. Mahalaga pa rin para sa batang katulad mo na matutong magbaha-bahagi ng oras para sa pag-aaral, paglalaro, pagtulong sa bahay, at iba pang makabuluhang gawain sa pang-araw-araw. Ang koordinasyon bilang sangkap ng fitness ay malilinang at mapauunlad sa pamamagitan ng mga gawaing pisikal. Handa ka na bang subukan ang mga ito?

SIMULAN NATIN

IPAGPATULOY NATIN

128

Page 129: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

GAWIN NATIN

Gawain 1: Paglinang ng Koordinasyon

Koordinasyon sa Paglakad

Pamamaraan:

1. Tumayo nang tuwid na magkadikit ang paa sa panimulang posisyon.

2. Sa unang bilang, ihakbang ang kanang paa pasulong kasabay ng pag-

swing ng kaliwang kamay sa harap.

3. Sa ikalawang bilang, ulitin ang paghakbang sa kaliwang paa kasabay ng

pag-swing ng kanang kamay sa harap.

4. Sa ikatlong bilang, ulitin ang pamamaraan bilang 2.

5. 5. Sa ikaapat na bilang, ihakbang ang kaliwang paa sa tagiliran na bahagyang nakabaluktot ang tuhod (lunge sideward) kasabay ng pagtaas ng kanang

kamay sa tagiliran kapantay ng balikat. 6. 6.Ulitin lahat simula sa kaliwang paa.

7. Ulitin pa muli ng dalawang beses simula sa kanan at kaliwa.

129

Page 130: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutin ang mga tanong:

1. Mahirap bang gawin ang koordinasyon sa paglalakad? Ang paggamit ng Hula Hoop? Bakit?

2. Paano makatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng iyong koordinasyon?

3. Sa isinagawang gawain, maaari mo bang sabihin kung ano ang kahalagahan

ng pagtaya ng iyong koordinasyon?

Gawain 2: Gamit ang Hula Hoop (Buklod) Figure 1. Panimulang ayos: Magkatabi ang mga paa, hawak ang buklod sa gilid. a. Humakbang pakanan, ilagay ang buklod sa dibdib - blg. 1 b. Tumingkayad, ilagay ang buklod sa itaas - blg. 2 c. Ulitin ang (a) - blg. 3 d. Ibalik sa panimulang posisyon - blg. 4 e. Ulitin ang a-d pakaliwa - 4 blg. f. Ulitin ang a-e pakanan at pakaliwa nang salitan - 8 blg. Figure 2. Panimulang ayos: Magkatabi ang mga paa, hawak ang buklod sa gilid. a. Ihakbang ang kanang paa, pasudsod sa unahan - blg. 1 (forward lunge), ilagay ang buklod paharap b. Humakbang pakanan, itaas ang buklod - blg. 2 c. Ulitin ang (a) - blg. 3 d. Ibalik sa panimulang posisyon - blg. 4 e. Ulitin ang a-d pakaliwa - 4 blg. f. Ulitin ang a-e pakanan at pakaliwa nang salitan - 8 blg.

Figure 3. Panimulang ayos: Magkatabi ang mga paa, hawak ang buklod sa gilid. a. Lumundag nang pabukaka,ilagay ang buklod pakanan - blg. 1 b. Ilagay ang buklod sa itaas - blg. 2 c. Ilagay ang buklod pakaliwa - blg. 3 d. Ibalik sa panimulang posisyon - blg. 4 e. Ulitin ang a-d pakaliwa - 4 blg. f. Ulitin ang a-e pakanan at pakaliwa nang salitan - 8 blg

130

Page 131: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Mahalagang malaman at mapaunlad ang koordinasyon ng iyong

katawan. Tingnan ang talaan sa ibaba at sabihin sa pamamagitan ng paglagay

ng tsek sa kolum kung paano mo mapaunlad ang iyong koordinasyon. Kopyahin

ang talaan sa iyong kuwaderno at sagutan ito.

Mga Gawain

Araw-araw na ginagawa

3-4 beses sa isang linggo

Isang beses sa Isang linggo

Paglakad papunta at pabalik sa paaralan

Pag-ehersisyo na may tugtog

Paggawa ng jumping jacks

Panonood at paggaya ng sayaw sa TV

Pagwawalis nang tama

TANDAAN NATIN Ang pagpapaunlad ng

koordinasyon ng katawan ay

nakatutulong upang mapadali

ang pagsasagawa at mapaganda

ang isang gawain. Ang paglinang

sa mga gawaing makatutulong

sa koordinasyon ng katawan ay

inaasahan upang matamo ang

inaasahang antas ng physical

fitness. Ang koordinasyon sa

paglalakad at ang paghula hoop

ay mga gawaing sumusubok sa

koordinasyon ng katawan.

131

Page 132: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Paglakad, pagtayo, at pag-upo nang maayos

Pag-abot at pagpasa ng mga gamit na di nalalaglag

(itala rito ang iba mo pang gawain)

Pagkaraan ng isang linggo, balikan mo ang talaang ito at tingnan kung nagawa mo talaga.

Kaya mo ba ang pagsubok na ito?

Ang pagpapaunlad ng koordinasyon ay tuloy-tuloy na proseso.

Hindi ito makukuha sa isang iglap na pagsasagawa ng mga gawain o ehersisyo

bagkus ito ay patuloy na nililinang.

PAGBUTIHIN NATIN

132

Page 133: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sa tulong ng kontratang nasa ibaba, gumawa ng personal na kontrata para sa patuloy na paglinang ng koordinasyon. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.

KONTRATA NG PATULOY NA PAGLINANG NG KOORDINASYON

Pangalan: _______________________

Pangkat: _______________________

Ako si____________________ na nangangakong patuloy na pauunlarin ang

aking koordinasyon. Bilang pagtupad sa aking pangako, ako ay gagawa at

makikilahok sa mga gawaing makapagpapaunlad nito. Isulat ang mga gawaing

makapagpapaunlad sa koordinasyon.

1._____________________________________________

2._____________________________________________

3._____________________________________________

4._____________________________________________

5._____________________________________________

6._____________________________________________

_____________________

Lagda ng Mag-aaral

__________________

__________________ Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

SURIIN NATIN

133

Page 134: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang stunts ay gawain sa himnastiko na nasa paraang laro. Hindi natin

namamalayan na tayo ay nag-eehersisyo kapag tayo ay naglalaro. Kung kaya ang

katawan natin ay lumalakas kapag tayo ay laging naglalaro.

Ngunit hindi naman sa lahat ng bagay at panahon tayo ay naglalaro. May

mga stunts na pang-isahan, ito’y isinasagawa ng nag-iisa lamang; ang dalawahan

ay isinasagawa ng may kapareha, mayroong tatluhan o pangkatan. Ito’y

isinasagawa ng may pangkat o higit sa tatlo na miyembro ng pangkat.

ARALIN 4

STUNTS ( ISAHAN,

DALAWAHAN,)

134

Page 135: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang kaugnayan ng bawat bahagi ng pyramid sa pagpapaunlad ng

iba’t ibang bahagi ng katawan?

2. Gaano kadalas ang pagsasagawa ng mga gawaing makapagpapaunlad

sa pagpapatibay ng katawan sa pamamagitan ng stunts?

SIMULAN NATIN

135

Page 136: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng isahan at dalawahang

stunt:

A. PRETZEL

1. Dumapa at itaas ang ulo at katawan.

2. Ibaluktot ang tuhod.

3. Abutin ang mga daliri ng paa ang likuran ng ulo.

B. TANGLEFOOT

1. Tumayo ng magkadikit ang sakong at ang mga daliri ng paa ay

nakaturong palabas.

2. Yumuko na nakaharap sa harapan.

3. Ibaluktot ang tuhod, ilagay ang dalawang kamay sa pagitan ng mga

binti at paikutin ang mga kamay sa bukung-bukong at ang hinlalatu ay

pagdikitin na ang mga palad ay nakaharap sa sarili. Manatili ng tatlo

hanggang limang segundo.

IPAGPATULOY NATIN

136

Page 137: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

C. BEAR DANCE

1. Tumalungko na ang mga sakong ay nakaangat sa sahig at iunat ang

mga bisig sa tagiliran.

2. Iunat ang kaliwang paa sa harap.

3. Lumukso at sabay na iunat ang kanang paa sa harap samantalang

humahatak ang kaliwang paa pabalik sa pagkakalungho.

4. Salisihang iunat ang kanan at kaliwang paa sa harap.

5. Ulitin ang bilang 1-4

6. Tumayo.

D. THE ANGEL

1. Ito ay isinasagawa ng batang nasa itaas sa pamamagitan ng pagtayo

ng tuwid sa tuhod ng kapareha na ang mga kamay ay nakadipa.

2. Ang batang umaalalay ay nakahawak sa mga hita ng nakatungtong sa

kanyang tuhod at nakahilig nang bahagya sa likod upang magkaroon ng

panimbang sa kapareha.

3. Mananatili sa ganitong ayos ng mga tatlong segundo.

137

Page 138: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang koordinasyon at pagpapatibay ng katawan ay makalilinang at

makapagpapaunlad sa pamamagitan ng mga gawaing pisikal katulad ng stunts.

Handa ka na bang subukan ang mga ito?

Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay

magtutungo sa isang bahaging palaruan o silid-aralan at isasagawa ang isahan at

dalawahang stunts. Gawin ang bawat stunts sa loob ng dalawang minuto (2

minutes).

Lagyan ng tsek (√) ang angkop na hanay ayon sa iyong pagsasagawa ng

isahan at dalawahang stant.

Mga Gagawaing

Isinagawa

Hindi Maayos Bahagyang

Maayos

Ganap na

Maayos

A. Pretzel

B. Tanglefoot

C. Bear Dance

D. The Angel

GAWIN NATIN

138

Page 139: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutan ang tseklis.

Pamantayan Oo Hindi

1. Naisagawa ko ba nang maayos ang mga gawain sa isahan

at dalawahang stants?

2. Sinunod ko ba ang mga tuntuning pangkaligtasan sa

pagsasagawa ng mga stunts?

3. Sinunod ko ba ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng

mga stants?

4. Nakikiisa ba ako sa gawain ng pangkat?

5. Tinanggap ko ba nang maluwag sa kalooban ang mga puna

sa mali kong kilos?

Sa pagsasagawa ng mga stunt na ito ay dapat nating isaalang-alang ang

kahalagahan ng koordinasyon upang ang mga bahagi ng katawan ay maikilos

nang wasto nang hindi napapahamak ang sarili. Gayundin dapat isagawa ito ayon

sa panuto at mga tuntuning pangkaligtasan. Ang mga ito ay makalilinang sa mga

gawaing pisikal. Ang palagiang aktibong paglahok sa mga laro, gawain sa bahay,

paaralan, at pamayanan ay makatutulong sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng

katawan.

SURIIN NATIN

TANDAAN NATIN

PAGBUTIHIN NATIN

139

Page 140: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang pagpapaunlad ng koordinasyon at pagpapatibay ng katawan sa

pamamagitan ng isahan at dalawahang stant ay tuloy-tuloy na proseso. Hindi ito

makukuha sa isang iglap na pagsasagawa ng mga gawain o ehersisyo bagkus

patuloy itong nalilinang.

Sa tulong ng isang kontrata na nasa ibaba, gumawa ng personal na

kontrata para sa paglinang ng pagpapatibay ng katawan sa pamamagitan ng

stants. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.

KONTRATA NG PAGBABAGO PARA SA PAGLINANG NG PAGPAPATIBAY NG

KATAWAN SA PAMAMAGITAN NG STANTS

Pangalan:___________________________________________

Pangkat:____________________________________________

Ako si, _____________________________ na nangangakong

pagbubutihin ang paglinang ng pagpapatibay ng katawan sa pamamagitan ng

stants. Bilang pagtupad sa aking pangako, ako ay gagawa at makikilahok sa mga

gawaing makapagpapaunlad sa paglinang sa aking pagpapatibay ng katawan sa

stants.

(Isulat ang mga gawain na makapagpapaunlad sa kasanayang nabanggit.)

1. _____________________________________________________

2. _____________________________________________________

3. _____________________________________________________

4. _____________________________________________________

5. _____________________________________________________

__________________________

Lagda ng Mag-aaral

_______________________ _______________________

Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

140

Page 141: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Alin sa mga larawan ang nasubukan ninyong gawin?

Alin sa mga larawan ang may kaugnayan sa katatagan ng katawan?

Ang stunt ay gawaing nagpapatibay ng katawan. Sa pamamagitan din ng

mga ito ay nalalaman ang katatagan ng katawan lalung-lalo na ang mga braso at

binti na nakatutulong sa pagsasagawa sa ating pang araw-araw na gawain. Ang

stunt ay maaaring gawing laro o kompetisyon.

Hindi kailanman dapat sinusubukan ang anumang uri ng stunt kung walang

sapat kasanayan o kakayahan.

SIMULAN NATIN

ARALIN 5

STUNTS ( tatluhan, pangkatan,)

141

Page 142: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pag-aralan ang mga sumusunod na pamantayan at tuntunin sa

pagsasagawa ng iba pang uri ng stunt.

1. TANDEM BICYCLE

a. Tatlo o apat na bata ang tatayo nang sunud-sunod na nakaharap sa isang

direksyon na ang pinakamaliit na bata ay nasa harap.

b. Ang batang nasa unahan ay uupo sa ibabang bahagi ng hita ng batang

nasa kanyang likuran. Hahawakan naman sa baywang ang batang nakaupo

ng batang nasa kanyang likuran. Gagawin rin ito ng mga batang nasa

likuran ng batang 1 at 2.

c. Sabay-sabay na lalakad pasulong ang mga batang gumagamit ng

magkakatulad na paa (salisihang kanan;kaliwa).

d. Sa hudyat, hhinto ang mga bata sa paglakad.

Ipagawa nang pangkatan ang stunt. Habang isinasagawa ng isang pangkat

ang stunt, ang guro at ibang bata ay nagmamasid.

IPAGPATULOY NATIN

142

Page 143: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

2. FERRIS WHEEL

a. Bumuo ng isang malaking bilog.

b. Magkahawak-hawak ang kamay nang mahigpit.

c. Salitang maupo ang mga kasama sa grupo upang ang isang tao ay

bubuhatin ng dalawang tao.

d. Ang mga paa ng mga nakupo (upong pababa) ay magkakadikit sa gitna.

e. Lumakad ang mga nakatayo ng paikot.

Hatiin sa iba’t ibang pangkat ang klase upang gawin ang tatluhan at

pangkatang stunt.

Lagyan ng tsek (√) ang angkop na hanay ayon sa iyong pagsasagawa ng

tatluhan at pangkatang stunt.

GAWIN NATIN

143

Page 144: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pangkat Maygsanay Pa May

katamtamang

Kahusayan

Pinakamahusay

Pangkat I

Pangkat II

Pangkat III

Pangkat IV

Pangkat V

Pangkat VI

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano an g naramdaman ninyo habang ginagawa ninyao ang pangkatang

gawain?

2. Ano ang masasabi ninyo sa natapos na gawain?

Ang pangmaramihang stunts ay dapat isagawa ng may pagsunod sa mga

pamantayang pangkaligtasan, may pagtitiwala sa sarili, may pagtutulungan, at

may pagkakaisa upang maisagawa ito nang matagumpay.

TANDAAN NATIN

144

Page 145: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutan ang tseklis.

Mga Sukatan Opo Hindi

po

Bahagya

1. Naisagawa ba ninyo ng maayos ang mga gawain sa

tatluhan at pangkatang stunt?

2. Sinunod ba ninyo ang mga tuntuning pangkaligtasan

sa pagsasagawa ng mga stunt?

3. Sinunod ba ninyo ang mga pamantayan sa

pagsasagawa ng mga stunt?

4. Naipakita ba ninyo ang inyong pakikiisa, pakikisama sa

inyong kapangkat sa pagsasagawa ng gawain?

5. Naipakita ba ninyo ang pagiging maingat at masunurin

sa pagsasagawa ng gawain?

SURIIN NATIN

145

Page 146: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang pagpapaunlad ng koordinasyon at pagpapatibay ng katawan sa

pamamagitan ng tatluhan at pangkatang stunt ay tuloy-tuloy na proseso. Hindi ito

makukuha sa isang iglap na pagsasagawa ng mga gawain o ehersisyo bagkus

patuloy itong nalilinang.

Sa tulong ng isang kontrata na nasa ibaba, gumawa ng personal na

kontrata para sa paglinang ng pagpapatibay ng katawan sa pamamagitan ng

stants. Ipasa ang kontrata sa susunod na pagkikita.

KONTRATA NG PAGBABAGO PARA SA PAGLINANG NG PAGPAPATIBAY NG

KATAWAN SA PAMAMAGITAN NG STANTS

Pangalan:___________________________________________

Pangkat:____________________________________________

Ako si, _____________________________ na nangangakong

pagbubutihin ang paglinang ng pagpapatibay ng katawan sa pamamagitan ng

stunt. Bilang pagtupad sa aking pangako, ako ay gagawa at makikilahok sa mga

gawaing makapagpapaunlad sa paglinang sa aking pagpapatibay ng katawan sa

stunt.

(Isulat ang mga gawain na makapagpapaunlad sa kasanayang nabanggit.)

1. _____________________________________________________

2. _____________________________________________________

3. _____________________________________________________

4. _____________________________________________________

5. _____________________________________________________

PAGBUTIHIN NATIN

146

Page 147: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

May mga simpleng hakbang na isinasagawa at pinagsasama- sama sa

mga sayaw na katutubo.

Kapag nakapanood ka ng mga katutubong sayaw, hindi lang iisang sayaw

ang kanilang isinasagawa. Marami ang mga hakbang -sayaw na pinagsasama-

sama.

Ang hakbang sayaw na nasa 2/4 na palakumpasan ay may bilang 1,2; o

kaya’y 1 at 2; o kaya’y 1 at, 2 at.

Pahanayin ang mga bata, pag-martsahin paikot ng sild-aralan pakaliwat

kanan na sinasaliwan ng tugtog. Ang mahuling huminto sa pagpatay ng tugtog ay

may parusa.

Anu ano ang mga kilos na ating isinagawa sa ating laro?

ARALIN 6

MGA KASANAYANG PANRITMO AT

PANGSAYAW 2/4

SIMULAN NATIN

147

Page 148: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Pagkilala sa mga hakbang sayaw na nasa 2/4.

Ngayon, subukan mong lumahok sa Dance Step Challenge. Ang klase ay

hahatiin sa 4 na pangkat. Ang bawat pangkat ay magtungo sa bawat station na

nasa loob ng silid aralan at isagawa ang challenge na ito sa loob ng limang minuto.

Dance Step Challenge

Ito’y mga hakbang na ginagamitan ng one,two, o kaya’y one and two na bilang.

Station 1

a. Contraganza – Blg. 1- Ilukso ang isang paa pakanan

Blg. 2- I krus ang kaliwang paa sa kanang paa

b. Grapevine - Blg 1 – Ihakbang ang kanang paa pagilid

Blg. 2 – Isunod ang kaliwang paa na ikrus sa kanang paa.

Station 2

a. Chasing Steps Blg. 1- Ihakbang pasulong ang kanang paa

Blg. 2 -Isunod ang kaliiwa na nasa likod ng kanang paa.

b. Gallop Blg. 1 - Ihakbang ang kang paa paharap

IPAGPATULOY NATIN

148

Page 149: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Blg. 2 - I-cut ang kanang paa sa pamamagitan ng kaliwa

na ang bigat ng katawan ay nasa kaliwang paa.

May dalawang gallop sa isang bilang

Station 3

a. Heel and Toe Polka Blg. 1- Ilagay ang kanang sakong sa harap

Blg. 2- Idikit ang kanang dulo ng paa sa likod

Gumawa ng isang payak na polka pasulong na mag-uumpisa sa

kanang paa (blg.1, at,2,at)

b.Polka turn (blg.1,1 and 2, and 3)

Blg.1 Ihakbang ang kaliwang paa sa paligid

And- Isunod ang kanang paa sa kaliwang paa

Blg. 2 – Ihakbang ang kaliwang paa paharap

And- Tumigil

Blg. 3 – Umikot nang isang buong 360 degree pakanan

Paraan ng Pagsasayaw

1. Gagawin ng bawat miyembro ng pangkat ang hamon sa loob ng

limang minuto. Hintayin ang hudyat ng guro bago pumunta sa

susunod na hamon.

2. Sundin ang direksyon papunta sa gawain. Maging maingat at

iwasang makasakit.

Ang mga pangunahing hakbang sa pansayaw sa 2/4 ay

mga hakbang na ginagamitan ng one, two o kaya’y one and two na

bilang.

TANDAAN NATIN

149

Page 150: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Subuking gawin ang mga natutuhang dance step na ginamit sa

challenge sa pamamagitan ng pagsayaw sa saliw ng tugtuging Leron

Leron Sinta.

Sa tulong ng inihandang tseklist, lagyan ng tsek ( / ) ang

paraan ng pagsasagawa ng mga batayang hakbang.

Mga Batayang Kasanayan sa Panritmo at Pansayaw

Mga Batayang Posisyon

Kahanga-hangang Pagsasagawa (5)

Lubos na Naisagawa (4)

Naisagawa (3)

Bahgyang Naisagawa (2)

Hindi Naisagawa (1)

1. Contraganza

2. Grapevine

3. Chasing Steps

4. Gallop

5. Heel and toe Polka

6. Polka turn

GAWIN NATIN

SURIIN NATIN

150

Page 151: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sanayin ang mga hakbang sa pagsayaw at humanda sa

sariling paglikha.

PAGBUTIHIN NATIN

151

Page 152: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sa araling ito, ang mga batayang hakbang pansayaw sa ritmong ¾

ang pagtutuunan ng pansin. Ito ay dapat matutuhan at isagawa ng wasto

at buong kahusayan upang maging kasiya-siya ang pagsayaw at

pagindak.

Gawin ang mga sumusunod na gawain.

1. Tumakbo nang pasalungat kagaya ng kilos ng kamay ng orasan

(counterclockwise).

2. Ipalakpak ang mga kamay sa bawat kumpas.

3. Ipadyak ang mga paa tuwing ikatlong kumpas

4. Sa senyas, gumawa ng buong ikot sa pamamagitan ng apat na

patakbong hakbang

5. Sa senyas huminto, magpaikot at tumakbo paayon sa kamay ng

orasan.

Kapag lalapatan ng tugtog ang inyong ginawa, ito ba ay mabilis,

katamtaman o mabagal?

ARALIN 7

MGA KASANAYANG PANRITMO AT

PANSAYAW ¾

SIMULAN NATIN

152

Page 153: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang pagsasayaw ay nangangailangan ng tamang ritmo at

galaw. Kapag tayo ay nagsasayaw dapat alam natin ang mga

hakbang sayaw na gagamitin natin. Dapat ay marunong din tayong

magbilang.Ang pagbibilang sa ¾ na palakumpasan ay 1,2,3 bawat

sukat. Hindi dapat na mabilis o masyadong mabagal, tama lang sa

kumpas na gagamitin.

Gawin ang mga sumusunod

1. Ipakikita ng guro ang tamang pagsasayaw.

2. Sundan ang demonstrasyon ng guro.

3. Magsanay hanggang matutuhan ang mga steps.

1. Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Pumili ng lider at

isagawa ang mga panritmong sayaw na nakasulat sa bawat

activity card.

2. Ipakikita ng bawat pangkat ang mga gawaing isinasaad ng

activity card.

Gawain A

a. 3 mazurka simula sa kanan at 1 step close pakaliwa

b. Ulitin ang (a) magsimula sa kaliwa

IPAGPATULOY NATIN

GAWIN NATIN

153

Page 154: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Gawain B

a. 8 na waltz sa lugar

b. Grapevine pakanan (4 na ulit)

c. Grapevine pakaliwa (4 na ulit)

Gawain C

a. 4 na Engaño Series pakanan at magkumintang sa point

b. 4 na engaño Series pakaliwa at magkumintang sa point

Ang mga pangunahing hakbang pansayaw sa ¾ ay

ang mga hakbang na ginagamitan ng one,two,three o one

and two and three na bilang. Sa pagsasagawa ng mga

batayang hakbang kinakailangan ang maayos at wastong

tikas ng katawan. Kinakailangan din ang pagsunod sa

wastong ritmo ng pagtugtog.

TANDAAN NATIN

154

Page 155: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Lagyan ng tsek (/) ang kolumn na angkop sa mga

isinagawang hakbang pansayaw.

Naisagawa

ba nang

maayos

ang

hakbang

pansayaw

Pangkat A

Pangkat B

Pangkat C

OO

Hindi

Oo

Hindi

Oo

Hindi

1.Mazurka

2. Cross

Waltz

3.Brush

Step Turn

4.Engaño

with a close

5.Engaño

with a waltz

SURIIN NATIN

155

Page 156: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sa pinag-aralang hakbang pansayaw sa ritmong 3/4 ,

lumikha ng dalawang kumbinasyon ng paa at kamay.

Saliwan ito ng tugtog.

PAGBUTIHIN NATIN

156

Page 157: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

CHAIRMAN: Mary Jane M. Sabuya

Secretary: Henry C. Salazar

MEMBERS:

Maribel A. Balido

Annabelle G. Maghirang

Sahara Theresa D. Cruz

Bernie S. Borgonos

Michael d. Lacson

Junee Rose D. Delgado

Jenien V. Padilla

Joy G. Geniza

157

Page 158: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT IV

ARALIN 1

Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng

Physical Fitness

158

Page 159: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Balik-tanaw sa mga Sangkap ng Skill-Related Fitness

Patuloy ang paglinang ng inyong kakayahang mapaunlad ang sarili sa

pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing pisikal upang mapanatili ang

kasiglahan at kalakasan ng inyong katawan. Ang Filipino Physical Activity

Pyramid Guide ang ginagamit na batayan kung ano-ano ang mga gawaing

makapagpapaunlad sa mga physical fitness na inyong nilalayong pag-ibayuhin.

Bilang mga mag-aaral na nasa ikaapat na baitang, taglay ninyo ang interes

upang mapabuti ang kalusugan.

Sa araling ito, muli nating tatalakayin ang mga sangkap ng skill-related fitness

upang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa pagpapanatili at

pagpapaunlad ng iyong physical fitness.

159

Page 160: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sa mga nakaraang aralin, ang mga sangkap ng skill-related fitness ay

tinalakay upang bigyang halaga ang mga ito para sa pagpapaunlad ng inyong mga gawaing pisikal (physical activity). Sa talaan ng mga gawaing pisikal sa ibaba, muling isipin ang mga gawain na inyong ginagawa at lagyan ng tsek sa bawat kolum kung ang mga gawaing ito ay nagtataglay ng kasanayan sa mga sangkap ng skill-related fitness. Kopyahin sa inyong kuwaderno at sagutin sa pamamagitan

ng paglalagay ng tsek kung isinasagawa ninyo nang madalas, palagian, madalang, o paminsan-minsan. Gawain 1: Imbentaryo ng Aking Gawaing Pisikal Gawain: Basahin ang talaan at lagyan ng tsek ang kolum kung ang mga gawaing

pisikal (physical activity) na nabanggit ay lumilinang sa mga sangkap ng skill-

related fitness. Kopyahin ang talaan at sagutan sa inyong kuwaderno

Mga Gawaing Pisikal

Skill Related Components

Agility (Liksi)

Balance (Balanse)

Coordination (Koordinasyon)

Power

Speed (Bilis)

Reaction Time

Gawain sa P.E sa loob ng klase at sa loob ng paaralan

Pag-eehersisyo

Paglalaro

Pagsasayaw

Paglilinis ng silid-aralan

Gawain sa labas ng paaralan gaya sa palaruan at iba pang lugar

160

Page 161: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Paglalaro sa plaza

(habulan, pag-seesaw, pagdausdos sa slide, paglambitin sa baras

Mga Gawain sa Bahay

Pagtulong sa mga gawaing-bahay tulad ng paglalaba, paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng hayop, paghugas ng plato, pagluluto, at iba pa.

Sagutin ang sumusunod: 1. Ano ang masasabi ninyo sa imbentaryo ng inyong gawaing pisikal? 2. Nalilinang ba ng mga gawaing ito ang mga sangkap ng skill-related fitness?

3. Bakit mahalagang pag-ibayuhin ang mga gawaing nakapag-papaunlad sa mga

sangkap ng skill-related fitness?

IPAGPATULOY NATIN 161

Page 162: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Muling bigyan ng pansin ang anim na sangkap ng skill-related fitness. Kagaya ng mga sangkap ng health-related fitness, mahalaga ring dapat pagtuunan ng pansin na linangin ang skill-related fitness. Ang mga sangkap na ito ang kalimitang ginagamit sa mga gawaing pang-isports. Ang iba’t ibang laro at isports ay nagtataglay ng iba’t ibang bahagi ng skill-related fitness. Karamihan sa mga isports na ito ay nangangailangan ng mas higit sa isang sangkap. Ang anim na sangkap ng skill-related fitness ay ang sumusunod:

Agility (liksi) – ang kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan nang mabilisan at naaayon sa pagkilos. Ang isang taong maliksi ay kalimitang mahusay sa mga isports na wrestling, diving, soccer, tennis, badminton, at iba pa. Balance (balanse) – ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance), kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar (dynamic balance) o sa pag-ikot sa ere (in flight). Ang isang tao na nagtataglay ng kasanayan sa pagbalanse ay kalimitang mahusay sa mga gawain tulad ng gymnastics at ice skating. Coordination (koordinasyon) – ang kakayahang magamit ang mga pandama kasabay ng isang parte o higit pang parte ng katawan. Ito ang kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa na walang kalituhan. Ang mga manlalaro ng basketbol, baseball, softball, tennis, at golf ay nagtataglay ng ganitong kakayahan.

162

Page 163: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Power – ang kakayahang gamitin nang mabilis ang lakas. Ito ay kombinasyon ng bilis at lakas. Sinasabing ang puwersa ay “combined part of fitness” sa dahilang ang bilis ay skill-related at ang lakas naman ay health-related. Ang mga manlalaro ng swimming, athletics, at football ay ilan lamang sa mga gumagamit ng power. Speed (bilis) – ang kakayahan ng katawan na gumalaw o makasaklaw ng distansiya sa maikling takdang panahon. Ang lakas ay kalimitang ginagamit sa mga larong takbuhan, gayundin sa mabilisang pagpasa o pagbato at pagsalo ng bola. Reaction Time – ang sapat na oras na ginagamit sa paggalaw kapag naisip ang pangangailangan sa pagtugon sa galaw. Ito ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari. Ang pagtugon ng katawan sa hudyat ng pito (whistle), gamit panimula sa pagtakbo (starting gun), o mga kagamitang tulad ng flag sa pagtakbo ay isang halimbawa ng pagpapakita ng reaction time.

Hahatiin ang klase sa anim na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng

isang sangkap ng skill-related fitness. Bibigyan ng laang oras ang bawat pangkat

para umisip ng isang gawain, laro /isports, at sayaw na lumilinang sa ibinigay na

sangkap sa grupo. Sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon, ipapakita ng

bawat pangkat ang naisip na gawain, laro/isports, at sayaw. Huhulaan ito ng iba

pang pangkat. Ang sinumang makahula ay bibigyan ng karampatang puntos.

Sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos ng gawain: 1. Ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa ninyo ang pangkatang

gawain?

GAWIN NATIN

Halimbawa: Balance (balanse) – magpapakita ng pagsasayaw ng ballet

163

Page 164: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

2. Natukoy ba ng buong klase ang sangkap na ipinakita at inilarawan ng inyong pangkat?

3. Ano ang masasabi ninyo sa natapos na gawain?

TANDAAN NATIN

Ang agility (liksi), balance (balanse), coordination (koordinasyon), power, speed (bilis), at reaction time ay mga sangkap ng skill-related fitness na dapat linangin upang magawa ang mga kasanayan sa paglalaro, pagsasayaw, o mga gawaing pang-araw-

araw nang buong husay. Ang mga sangkap na ito ay bubuo sa wastong pagtupad ng

kalusugang dapat matamo ng bawat isa. Sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa mga

sangkap na ito, ang lubos na pag-unawa sa mga konsepto at kasanayan ay

kinakailangan para sa pagpapaunlad ng kaalaman sa physical fitness.

SURIIN NATIN

164

Page 165: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

1. Basahin ang sumusunod na pangungusap na nasa kahon at sagutin

ang tanong.

Tanong: Bakit kailangan ang balanse sa pagsasayaw?

Tanong: Bakit mahalaga ang koordinasyon sa paglalaro ng iba’t ibang

isports?

Tanong: Bakit dapat ding linangin ang reaction time para sa pagpapa-unlad ng physical fitness?

2. Gumuhit ng mga gawaing nakalilinang ng sumusunod na sangkap ng skill-related fitness. Gumawa ng isang islogan na naaayon kung pano ito mapauunlad:

a. Agility (liksi) b. Speed (bilis) c. Power

Si Romeo ay isang mananayaw. Siya ay nag-eensayo araw-araw

para mapabuti niya ang kasanayan sa pagsasayaw. Bilang mananayaw,

kinakailangang hindi siya mapapagod at laging nasa kondisyon ang katawan.

Isa sa mga kasanayang kaniyang nililinang ay ang kasanayan sa

pagbalanse. Bilang mananayaw, kailangan niyang mapabuti ang kasanayang

ito para sa mahusay na pagsasagawa ng mga iba’t ibang galaw at sayaw.

Si Joseph ay isang manlalaro. Siya ay kabilang sa football team ng paaralan. Bilang manlalaro, kinakailangan niyang mag-ensayo para lumakas ang katawan at malinang ang kaniyang kasanayan sa paglalaro ng football. Ang mga pangunahing kasanayan sa paglalaro ng football ay ang pagdribol,

pagsipa, at pagpasa ng bola. Kinakailangan ang sapat na koordinasyon ng mga bahagi ng katawan upang mahusay na maisagawa ang mga kasanayan gaya ng mga nabanggit.

Si Christian Paul ay laging sumasali sa mga fun run at marathon. Ginagamit ni Christian Paul ang kaniyang kasanayan sa pagtakbo para maisagawa nang maayos ang kaniyang partisipasyon sa mga fun run at marathon. Malakas din ang kaniyang reaction time dahil sa tuwing magsisimula ang takbuhan, mabilis siyang nakatutugon sa hudyat ng starting gun.

165

Page 166: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT IV

ARALIN 2

Paglinang Ng Balanse

166

Page 167: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Mga ilang gawaing nagpapamalas ng balanse Patuloy ang paglinang ng inyong kakayahang maging maunlad ang sarili sa mga

physical fitness components upang mapanatili ang kasiglahan at kalakasan ng

katawan. Bilang mga mag-aaral na nasa ikaapat na baitang, taglay ninyo ang

interes upang mapabuti ang kalusugan. Sa araling ito, ang physical fitness

components sa paglinang ng kasanayan sa balanse ang inyong pag-aaralan.

Sa nakaraang aralin, binalikan natin ang mga sangkap ng skill-related

fitness. Isa sa mga sangkap na ito ang balanse. Muling tingnan ang larawan. Alin

sa mga larawan ang nasubukan ninyong gawin? Ang larawang nasa kaliwa ay

ang pagtulay sa balance beam ng isang gymnast samantalang ang nasa kanan

naman ay isang batang ballerina na nagsasayaw. Bakit kinakailangan ang

balanse sa pagsasagawa ng isang bagay? Bakit mahalagang dapat marunong

magbalanse ang isang tao? Ito ang ilan sa mga katanungang dapat nating

maunawaan at pagtuunan sa aralin na ito.

Gawain 1: Isipin ang mga laro, sayaw, at pang-araw-araw mong gawain na nagpapamalas

ng iyong kakayahan sa pagbabalanse. Sa talaan sa ibaba, isulat ang mga

gawaing ito at ipaliwanag kung paano ninyo nagagamit ang kakayahan sa

pagbalanse. Kopyahin at isulat sa inyong talaang papel o kuwaderno ang inyong

kasagutan.

SIMULAN NATIN

167

Page 168: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Sagutin ang sumusunod: 1. Anong laro o isports ang ginagamitan ng pagbalanse?

2. Sa anong sayaw naipakikita ang kasanayan sa pagbalanse?

Ang balanse ay ang kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance), kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar (dynamic balance) o sa pag-ikot sa ere (in flight).

Ang mga mananayaw ng ballet o ballerina ay kabilang sa mga

nagtataglay ng husay sa pagbalanse. Kagaya ng gymnast na tumutulay sa

balance beam, ang kasanayan sa balance ay isang mahalagang sangkap para

mapaunlad ang kakayahan ng katawan at makagawa ng mga bagay nang may

kahusayan.

Pagtulay sa Balance Beam Ang Pagtiptoe sa Ballet

Laro at Sports

Sayaw

Pang araw-araw na

gawain

IPAGPATULOY NATIN

168

Page 169: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Gawain 2. Paglinang ng Balanse “Backward Hop”

Ang susunod na gawain ay makatutulong sa paglinang ng balanse. Sa tulong ng iyong guro, isagawa nang buong husay at may ibayong pag-iingat ang gawain.

Ipapakita ng guro ang tamang pagsasagawa ng “Backward Hop”.

Pagkatapos ng pagsasagawa ng alituntunin ng “Backward Hop” hahatiin ang

klase sa apat na pangkat. Isasagawa ng bawat pangkat nang ilang ulit ang

“Backward Hop” upang maisagawa nang tama at malinang ang kasanayan.

Pamamaraan:

1. Gumawa ng limang hop nang patalikod gamit ang kanang paa, habang

bahagyang nakataas ang nakabaluktot na kaliwang paa. Panatilihing nakapikit ang mga mata.

2. Sa huling hop, manatiling nakatayo sa kanang paa sa loob ng tatlong segundo.

3. Ulitin sa kaliwang paa. 4. Ulitin lahat nang tatlong ulit na nagsasalitan ang kanan at kaliwang paa.

GAWIN NATIN

TANDAAN NATIN

Ang paglinang sa gawaing pisikal ay isang mahalagang bahagi para mapaunlad ang antas ng fitness ng isang tao. Ang balanse ay mahalagang sangkap ng kaangkupang pisikal

169

Page 170: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ano ang inyong nararamdaman sa katatapos na gawain? Naisagawa ba nang buong husay ang “Backward Hop”? Sagutin ang sumusunod:

1. Bakit mahalaga ang balanse? 2. Paano malilinang ang balanse? 3. Ano-anong mga gawain ang nagpapakita ng kasanayan sa balanse? 4. Naisagawa mo ba nang buong husay ang “Backward Hop?”

5. Alin sa sumusunod ang iyong naramdaman sa pagsasagawa ng “Backward

Hop”:

SURIIN NATIN

GAWIN NATIN

170

Page 171: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Laging isaisip na sa lahat ng ating pang-araw-araw na gawain ay ginagamit natin ang kasanayan sa balanse.

Sa tulong ng isang kontrata na nasa ibaba, gumawa ng personal na

kontrata para sa paglinang ng balanse. Ipasa ang kontrata sa susunod na

pagkikita.

YUNIT IV

KONTRATA NG PAGBABAGO PARA SA PAGLINANG NG BALANSE

Pangalan:___________________________________________ Pangkat:____________________________________________

Ako si, _____________________________ na nangangakong pagbubutihin ang kasanayan sa balanse. Bilang pagtupad sa aking panga-ko, ako ay gagawa at makikilahok sa mga gawaing makapagpapaunlad ng aking balance.

(Isulat ang mga gawain na makapagpapaunlad sa kasanayang nabanggit.) 1. _____________________________________________________ 2. _____________________________________________________ 3. _____________________________________________________ 4. _____________________________________________________ 5. _____________________________________________________ 6. _____________________________________________________ __________________________ Lagda ng Mag-aaral ______________________ _ _______________________

Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

ARALIN 3

Paglinang ng Reaction Time

171

Page 172: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang mabilis na pagtugon sa putok ng starting gun ay isang halimbawa ng reaction time

Ang nakaraang aralin ay tumutugon sa paglinang ng balanse. Sa araling ito, ang

sangkap ng skill-related na reaction time ang pokus. Mahalaga ring dapat na matutunan

ng isang mag-aaral na kagaya ninyo ang kaalaman at kasanayan sa reaction time. Isang

mahalagang kasanayan na maging alisto at may sapat na kakayahan sa reaction time.

SIMULAN NATIN

172

Page 173: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Muling tingnan ang larawan. Naranasan na ba ninyong

tumugon sa isang pangyayari na mabilis naisagawa ang inyong reaksiyon? Tulad

ng nasa larawan, ang pagtugon sa putok ng starting gun ay halimbawang

nagpapakita ng reaction time.

Gawain 1: Gaya ng naunang aralin, isipin ang mga laro, sayaw, o pang-araw-araw ninyong gawain na nagpapamalas ng inyong kakayahan sa reaction time. Sa talaan sa ibaba, isulat ang mga gawaing ito at ipaliwanag kung paano mo nagagamit ang kakayahan sa reaction time. Kopyahin at isulat sa inyong talaang papel o kuwaderno ang iyong kasagutan. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Anong laro o isports ang ginagamitan ng reaction time? 2. Sa anong sayaw naipapakita ang kasanayan sa reaction time?

3. Bakit mahalaga sa pang-araw-araw na gawain ang kasanayan sa reaction

time?

Ang reaction time ay ang kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot, at pagtanggap ng paparating na bagay, o mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari. Ang pagtugon ng katawan sa hudyat ng pito (whistle), gamit ang panimula

sa pagtakbo (starting gun), o mga kagamitan tulad ng flag sa pagtakbo ay halimbawa ng

pagpapakita ng reaction time. Sa larangan ng isports, lalo na sa paligsahan sa pagtakbo,

ang reaction time ay napakahalagang aspekto na dapat paunlarin upang matamo ang

antas ng physical fitness.

Laro at Sports

Sayaw

Pang araw-araw na

gawain

IPAGPATULOY NATIN

173

Page 174: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Gawain 2. Paglinang ng Reaction Time; Coin Catch Ang susunod na gawain ay makatutulong sa paglinang ng reaction time. Sa tulong ng inyong guro, isagawa nang buong husay at may ibayong pag-iingat ang gawain. Ipakikita ng guro ang tamang pagsasagawa ng

coin catch. Pagkatapos ng pagsasagawa ng alituntunin ng coin

catch, hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat

ay isasagawa ang coin catch nang ilang ulit upang ito ay

maisagawa ng tama at malinang ang kasanayan.

TANDAAN NATIN

Ang paglinang sa gawaing pisikal ay isang mahalagang bahagi para mapaunlad ang antas ng fitness ng isang tao.

Ang reaction time ay mahalagang physical fitness

component upang mahusay na makagawa ng gawain. Ang coin

catch ay isa lamang sa mga gawaing nakalilinang ng

174

Page 175: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ano ang inyong nararamdaman sa katatapos na gawain? Naisagawa ba nang buong husay ang coin catch? Sagutin ang sumusunod:

1. Bakit mahalaga ang reaction time? 2. Paano malilinang ang reaction time? 3. Ano-anong mga gawain ang nagpapakita ng kasanayan sa reaction time? 4. Naisagawa mo ba nang buong husay ang coin catch?

5. Alin sa sumusunod na mukha ang inyong naramdaman sa

pagsasagawa ng coin catch? Ipaliwanag ang sagot.

SURIIN NATIN

PAGBUTIHIN NATIN

175

Page 176: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT IV

ARALIN 4

KASANAYAN SA PAG-SAYAW

NG CARIÑOSA

176

Page 177: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

CARIÑOSA

Ang Cariñosa ay isang popular na sayaw na ipinakilala sa ating ng mga

Espanyol noong ika-16 na siglo naging tanyag sa buong Pilipinas. Pinaniniwalaang

ito ay nagmula sa pulo ng Panay na kabilang sa mga isla ng Visayas na unang

ipinakilala ng mga Espanyol noong sila ay dumating sa pulo noong 1569. Ito ay

itunuturing na Pambansang Sayaw ng Pilipinas. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay

“malambing” o mapagmahal.Sa pagsasayaw nito ay kailangang gumamit ng

panyo at abaniko ang mga mananayaw na animo’y nagliligawan at nagtataguan.

Orihinal na isinasayaw ang Cariñosa na suot ang damit Maria Clara at Barong

Tagalog dahil ito ay isang Kastilang sayaw nang ito ay ipakilala ng mga Kastila

ang kanilang kultura.

Ang tugtog ng Cariñosa ay nagpapakita ng malaking impluwensiya ng mga

Kastila sa mga Pilipino. Ito ay may 3/4 sa kumpas gaya ng ilang mga sayaw na

Kastila. Ang Rondalla ang tumutugtog sa tugtog ng sayaw kung saan ito ay isang

pangkat o isang orkestra ng mga instrumentong na may pisi na binubuo ng mga

bandurya, mandolin, gitara,triyangle, tambol at banjo. Kadalasang lalaki ang

tumugtog sa rondalla.

Ang isang babae ay may hawak na abaniko o panwelo kung saan siya'y

patago-tago sa kanyang napupusuan na nagsasaad na ibig rin niya

ang lalake subalit hindi pa niya ito masagot ng oo, samantalang gayon din ang

binata na humahabol-habol at nagpapahiwatig na sinisinta rin niya ang dalaga.

Ang sayaw na ito ay napakaraming bersiyon subalit ang indak ng pagtataguan ay

isang pangkaraniwan na sa kahit saan mang panig ng Pilipinas.

177

Page 178: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Noong nakaraang aralin, nalaman ninyo ang ilan sa mga basic dance

steps. Ano-ano nga ba ang mga ito?

Alam na ninyo ang basic dance steps na ito ay ginagamit sa sayaw na ating

pag-aaralan ngayon.

Bago tayo magpatuloy, maglaro muna tayo. Mayroon ako ng mga

katanungan sa inyo tungkol sa pinagmulan ng sayaw na Cariñosa?

Kapag ang inyong sagot at titik A, doon kayo humanay sa may

nakaposteng bata na may hawak na letrang A. Kapag B naman ang sagot, doon

kayo pumunta sa B, at kung C naman doon kayo pumunta sa C.

1. Ano ang ibig sabihin ng salitang Cariñosa?

a. Malambing c. Masaya

b. Matapang d. Malungkot

2. Anu-ano ang mga kailangan sa pagsayaw ng Cariñosa?

a. Tsinelas at salakot c. Panyo at abaniko

b. Bilao at panyo d. Bulaklak at pamaypay

3. Sino ang grupo ng mga dayuhan na nagpakilala ng sayaw na Cariñosa?

a. Tsino c. Amerikano

b. Espanyol d. Hapon

4. Saan lugar unang naging ang sayaw na ito?

a. Bukidnon c. Palawan

b. Cebu d. Panay

5. Magbigay ng ilang hakbang na ginagamit sa sayaw

na Cariñosa?

____________________________________________________

____________________________________________________

SIMULAN NATIN

178

Page 179: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang sayaw na Cariñosa ay isang katutubong sayaw na dapat pahalagahan

ng kabataang Pilipino. Ito ay sinasayaw sa tugtuging may ritmong 3 na

palakumpasan.

4

Mga Hakbang sa Pagasasagawa ng sayaw na Cariñosa

Paghahanda: Nakatayong pareho at magkaharap ang lalaki at babae. Nasa ng

lalaki ang babae.

Simulang tugtog:

Magkaharap ang lalaki at babae, iikot pakanan sa lugar sa loob ng tatlong bilang;

nakahawak sa saya ang babae, samantalang nakalagay sa baywang ang kamay

ng lalaki.

Unang Pigura- Tatlong Hakbang Paturo

1. Humakbang patagilid, pakanan (1,2,3). Ituro ang kaliwang paa sa harap

(1,2,3), ang kanang kamay ay nasa baligtad na T posisyon habang ang

kaliwang kamay ay nasa baywang. Ikumintang ang kanang kamay kapag

itinuturo ang kaliwang paa.

2. Gawin muli ang unang hakbang na nagsisimula sa kaliwang paa, pagilid

sa kaliwa. Ang kamay ay baligtad ang posisyon.

3. Gawin ng tatlong beses ang 1 at 2.

Ikalawang Pigura- Paturo

Magkaharap parin ang babae at lalaki.

1. Gamit ang kanang paa, humakbang ng tatlo pasulong sa gitna (1,2,3).

Gamit ang kaliwang paa humakbang palapit sa kanan (1). Tumigil ng (2,3)

sumandali.

2. Mag touch step ng apat paharap, gamit ang paang pinagpapalit-palit.

Tingnan ang kapareha.

3. Humakbang pasulong gamit ang kanag paa papunta sa kanang balikat ng

kapareha (1,2,3,4). Umikot pakanan at humarap sa isa’t-isa, ilapit ang

kanang paa sa kaliwang paa (2,3).

4. Gawing muli ang 1-3. Bumalik sa puwesto.

5.

Ikatlong Pigura-Talikuran

1. Magkita sa gitna ang magkapareha (1,2,3) at umikot pakanan (2,3).

IPAGPATULOY NATIN

179

Page 180: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

2. Gamit ang kanang paa, ituro ito paharap at iwasiwas ang hintuturo sa

kapareha sa tapat ng kanang balikat, ang kamay ay nakahawak sa

baywang (1,2). Humakbang patagilid-pakanan upang magkita ang isa’t-isa

sa kaliwang balikat (3). Gawin ito ng tatlong beses na itinatama ang kaliwa,

kanan, kaliwang paa at iwasiwas ang kaliwa, kanan, kaliwang hintuturo ng

salitan sa kapareha. Nakatayo ang magkapareha na magkadikit ang

kanang balikat kung ang kanang hintuturo ay iwinawasiwas sa kapareha,

at magkadikit naman ang kaliwang balikat kung ang iwinawasiwas ay

kaliwang hintuturo.

3. Umikot ng pabalik at pumunta sa lugar ng kapareha.

4. Gawin ang 1-3.

Ikaapat na Pigura-Taguan sa Pamaypay

1. Magkita sa gitna.

2. Gamit ang kanang kamay, bubuksan ng babae ang pamaypay. Ituro ang

kanang paa sa harap at takpan ng bahagya ang mukha ng pamaypay.

Humakbang gamit ang kanang paa palapit sa kaliwa, ibaba ang kanang

kamay. Ang lalaki naman ay ituturo ng salitan ang mga paa paharap at

sisilipin ang babae sa ilalim ng pamaypay.

3. Magpalitan ng puwesto.

4. Ultin ang 1-3. Bumalik sa dating puwesto.

Ikalimang Pigura-Pagluhod at Pagpaypay

1. Humakbang ng 3 pasulong sa pamamagitan ng kanang paa. Ang babae

ay luluhod gamit ang kanang tuhod habang iikutan siya pakanan ng lalaki,

tatayo sa likuran ng babae at nakaharap sa direksyon ng babae.

Ilagay ang mga kamay sa baywang.

2. Ituturo ng lalaki ang kanan at kaliwang paa ng salitan sa harap at titingnan

ang babae sa kanyang kanan at kaliwang balikat. Titinganan naman siya

ng babae pasalungat.

3. Ang lalaki’y babalik pakanan. Magapapalit sila ng lugar.

4. Ulitin ng 1-3. Ang lalaki naman ang luluhod.

Ikaanim na Pigura-Taguan sa Panyo

1. Magkita sa gitna. Hahawakan nila parehas ang apat na sulok ng panyo,

ang mga kamay ng lalaki ay nasa itaas na pantay ng mukha.

2. Ituro ng salitan ang mga paa ng apat na ulit. Salitan ding iangat ang mga

kamay habang hawak ang panyo na nakapagitan sa mukha ng babae at

lalaki. Sisilipin lalaki ang mukha ng kapareha.

3. Bibitiwan ng babae ang panyo at magpapalitan sila ng lalaki ng puwesto.

4. Gawin ang 1-3, bumalik sa dating lugar. Hahawakan na ng babae ang

panyo.

Ikapitong Pigura-Pagsusuyuan sa Panyo

180

Page 181: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

1. Gamit ang kanang paa, gumawa ng dalawang balseng hakbang pupunta

sa gitna. Ang mga bisig ng babae at lalaki ay magka agapay sa posisyon

na papunta sa gilid pakanan at pakaliwa.

2. Gumawa ng anim na balseng hakbang pasulong at pakanan na gagawin

ng babae. Lilingunin ang lalaki sa balikat ng salitan.

3. Bumalik. Ulitin ang papuntang kaliwa na salungat sa takbo ng orasan. Una

ang lalaki. Magtapos na kaagapay. Nasa gilid sa kanan ang babae.

Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsayaw ng Carinosa. Sa tulong ng

inyong guro, subukin ninyong sundan ang mga hakbang sa pagsayaw.

Gawain: Tayo nang sumayaw ng Cariñosa.

Task: Ang buong klase ay tatayo at hahanap ng kanyang kapareha (isang lalaki at

isang babae). Gumawa ng dalawang hanay at sundan ang guro habang

isinasagawa ang mga hakbang sa pagsayaw ng Cariñosa.

GAWIN NATIN

TANDAAN NATIN

Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa

mga hakbang at mga termino ng sayaw.

Makatutulong ang tama at palagiang pagsasanay

upang mapagbuti ang pagsasayaw at mapaunland

ang koordinasyon ng mga kamay at paa.

SURIIN NATIN

181

Page 182: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Lagyan ng tsek (/) ang kolum na makapagsasalarawan ng inyong sagot.

Mga Katanungan Mahirap Katamataman Madali

1. Naisagawa ko ba nang maayos ang sayaw

na Cariñosa?

2. Naisagawa ko ang mga galaw na tama sa

tiyempo at ayon sa tugtog.

3. Nagawa ko nang tama ang mga hakbang

sa Figure I at II.

4. Naglaan ako ng oras upang

makapagsanay kasama ng aking mga

kamag-aral.

5. Naisagawa ko nang maayos ang sayaw na

Cariñosa n gaming pangkat.

Isalaysay ang inyong naramdaman habang sumasayaw. Isulat sa sagutang

papel ang mga sagot.

PAGBUTIHIN NATIN

182

Page 183: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

YUNIT IV

ARALIN 5

KASANAYAN SA PAG-SAYAW

NG POLKA SA NAYON

183

Page 184: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

POLKA SA NAYON

Noong panahon ng Kastila popular ang ballroom polka sa lalawigan ng Batangas. Sinasayaw ito sa mga pistahan at malaking pagtitipong sosyal.

Kasuotan :Babae – kasuotang Maria Clara o estilong Balintawak

Lalaki – Barong tagalog at itim o puting salawal/pantalon Bilang : 1, at 2 sa isang sukat Musikas : May 3 bahagi : A, B at C (Aneks D)

Kaayusan :Kung gagamitin sa pagtatanghal (demonstration), ang mga mananayaw ay maaaring pangkatin ng set na may 4 na pareha.Iaayos ito ng hugis parisukat na ang bawat pareha ay nasa sulok o di kaya ay sa kaayusang longways. Kung ito man ay gagamitin sakaayusang pambulwagang sayawan, ang mga pareha aymaaaring humarap sa iba-ibang direksyon at nakakalat sa bulwagan.

Paunawa :Ang lalaki ay magsisimula sa kaliwang paa samantalang

ang babae ay sa kanang paa sa Figures I,II,III. Ang letra o salita na nakapaloob sa panaklonng sa (parenthesis) sa panuto ay sa babae.

184

Page 185: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Noong nakaraang aralin, nalaman ninyo ang ilan sa mga basic dance

steps. Ano-ano nga ba ang mga ito?

Alam na ninyo ang basic dance steps na ito ay ginagamit sa sayaw na ating

pag-aaralan ngayon.

Bago tayo magpatuloy, maglaro muna tayo. Mayroon ako ng mga

katanungan sa inyo tungkol sa pinagmulan ng sayaw na Polka sa Nayon?

Panimula

Panimulang Musika Nakaharap sa manonood ang mga pareha, ang mga babae ay nasa kanan ng lalaki at ng mga kamay ng babae ay nkahawak sa gilid ng saya, ang sa lalaki nasa baywang. (a) I-tap ang kanang paa sa bawat bilang ng sukat ……………… 8 s (b) Mga pareha magkahawak sa closed ballroom position at humanda sa Fig. I ………………………………..4 s Figure I Musika A Ang magkapareha ay nakaunat ang mga kamay na nakaturo sa manonood.

SIMULAN NATIN

IPAGPATULOY NATIN

185

Page 186: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

(a) Simulan sa Kl (Kn) paa, gumawa ng 4 na polks step sa kanan (clockwise) at magtatapos sa dating lugar………………………..4 s (b) Ituro ang KL (Kn) pakaliwa (pakanan) (blg.

1), ituro ang Kl (Kn) Itabi sa KL (Kn) (blg.

2). Gumawa ng 1 polka step pakaliwa (pakanan) (blg. 1 at 2)………………………………..2 s

(c)Ulitin (b), simulan sa Kn (Kl) paa…………..2 s (d) Uliting lahat (a-c) , 3 beses pa ………………………………24 s Figure II Musika B Magkapareha magkaharap sa nanonood. Magbitiw ng mga kamay. Tumayo ng magkatabi, babae sa Kn (mga panloob na kamay maghahawak) . Malayang kamay ng babae sa gilid ng palda, sa lalaki sa baywang. (a) Simulan sa panlabas na paa, gumawa ng 2 heel and toe polka pasulong……………………………….4 s (b) Humakbang ng 1 polka step palabas (1 s) . At 1 polka step, papasok……………………………………….2 s (c) Magbitiw ng kanang kamay pangloob. Simulan sa panlabas na paa, gumawa ng 2 polka step para makaikot sa lugar na nakaharap sa kabilang direksyon………………………….…..2 s Maghawak-kamay na panloob. Malayang kamay Tulad ng nasasaad sa itaas. (d) Ulitin (a-c) Simulan sa panloob na paa. Baligtarin ang direksyon sa (b) at (c) ………………………8 s (e) Uliting lahat (a-d) ……......................................……………..16 s Figure III Musika C Mga pareha magkahawak sa closed ball dance posisyon, mga kamay nakaunat Na nkaturo sa nanonnood.

186

Page 187: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

(a) Simuan sa Kl (Kn), gumawa ng 4 na polka step paikot pakanan tulad ng Sa Figure I ……………………...................................................4 s (b) Gumawa ng 3 galop step patagiliran KL (Kn) papunta sa harapan (3 blg.) , hinto (1 blg.). Huwag ilagay ang bigat sa inilalapit na paa sa ikatlong galop step (c) Ulitin (b), simula Kn (KL) papunta sa kabilang direksyon…………………………………………2 s (d) Ulitin lahat (a-c), 3 bese pa ………………………………….…24 s Figure IV Musika D Mga pareha nakaharap sa nanonood. Mga babae nasa kanan ng lalaki at magkahawak Ang panloob sa kamay tulad ng Figure II.Pareho silang magsisimula sa Kn paa. (a) Gumawa ng 1 polka step pakanan at 1 polka step pakaliwa………2 s (b) Ituro ang Kn paa sa harap (blg. 1) , itaas and Kn paa ng pakurus sa KL sa harap bahagyang itaas ang bukongbukong (blg. 2).Ituro ang Kn paa sa harap (blg. 1) ilapit ang Kn Paa sa KL paa (blg. 2) ………......................................…………….2 s (c) Ulitin (a) at (b) simula sa KL paa …………………………………4 s Magbitiw ng kamay.Humarap sa kapareha at ilagay ang dalawang Kamay sa sariling baywang. (d) Paglaptin ang 2 kanang siko sa isa’t isa (jaleo position), gumawa ng 8 polka step pasulong na iikot nang pakanan ng 2 beses (4 na polka step sa bawat ikot ). Tapusin sa tamang lugar…………..8 s (e) Uliting lahat (a-d)

GAWIN NATIN

187

Page 188: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsayaw ng Polka sa Nayon. Sa

tulong ng inyong guro, subukin ninyong sundan ang mga hakbang sa pagsayaw.

Gawain: Tayo nang sumayaw ng Polka sa Nayon.

Task: Ang buong klase ay tatayo at hahanap ng kanyang kapareha (isang lalaki at

isang babae). Gumawa ng dalawang hanay at sundan ang guro habang

isinasagawa ang mga hakbang sa pagsayaw ng Polka sa Nayon.

Lagyan ng tsek (/) ang kolum na makapagsasalarawan ng inyong sagot.

Mga Katanungan Mahirap Katamataman Madali

TANDAAN NATIN

Mahalaga sa pagsasayaw ang pagsaulo sa

mga hakbang at mga termino ng sayaw.

Makatutulong ang tama at palagiang pagsasanay

upang mapagbuti ang pagsasayaw at mapaunland

ang koordinasyon ng mga kamay at paa.

SURIIN NATIN

188

Page 189: K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN PE (Q1-Q4)

6. Naisagawa ko ba nang maayos ang sayaw

na Polka sa Nayon?

7. Naisagawa ko ang mga galaw na tama sa

tiyempo at ayon sa tugtog.

8. Nagawa ko nang tama ang mga hakbang

sa Figure I at II.

9. Naglaan ako ng oras upang

makapagsanay kasama ng aking mga

kamag-aral.

10. Naisagawa ko nang maayos ang

sayaw na Polka sa Nayon ng aming

pangkat.

Isalaysay ang inyong naramdaman habang sumasayaw. Isulat sa sagutang

papel ang mga sagot.

PAGBUTIHIN NATIN

189