14
Mighty Asians Babylonian ( Babilonya o Babiloni a)and Phoenician

History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Embed Size (px)

DESCRIPTION

It is about the Babylonians and Phoenician

Citation preview

Page 1: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Mighty Asians

Babylonian (Babilonya o Babilonia)and

Phoenician

Page 2: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

ay isang makasaysayang lungsod-estado na naging

imperyo sa Gitnang Silangang Asya. Isa itong

lungsod sa sinaunang Mesopotamya. Matatagpuan

ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al

Hillah, Lalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil),

sa Irak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog

ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng

Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang

lungsod ng Babilonya. Nabanggit sa unang

pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-

24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito,

humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.

Page 3: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Naging tanyag sa pamumuno ni Hammurabi, ang

ikaanim na pinunong Amorite ng Babylonian.

Ipinagawa ni Hammurabi ang kanal at dike.

Nagpagawa din siya ng mga palasyo at templo na

alam niyang magugustuhan ng kanyang

nasasakupan.

Ang pinakamahalagang ambag ni Hammurabi sa

kabihasnan ay ang kanyang kodigo ng mga batas

na tinawag na “Kodigo ni Hammurabi”

Page 4: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

“Kodigo ni Hammurabi”

Ito may 15 siglo nang ipinatupad sa lungsod-estado ng

Babylonian bago pa lumabas ang batas ng mga

Romano.

Isinulat ito sa tableta ayon sa utos ni Hammurabi.

Ang isa sa mga tableta ay natagpuan nung 1901 sa

Sus, isang matandang lungsod sa Iran.

Ang tinatalakay sa librong ito ay patungkol sa pulitika,

panlipunan, at pangkabuhayang organisasyon ng

Babylonian.

Ito na patungkol rin sa pag-aasawa, hindi pagtupad sa

pangako, diborsiyo, at pakikiapid.

Page 5: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Ang kababaihan rin ay pinagkalooban ng posisyon sa

lipunan. Ito ang nagpapatunay na noong sinaunang

lipunan pa lang, ang mga Asyano ay mayroon nang

batas sa pagbibigay nang pantay na karapatan sa

mga babae.

Ang mga kasalanan mayroon din syempreng katapat

na kaparusahan, ang kaparusahan sa paglabag sa

mga batas na nakasaad sa Kodigo ni hammurabi ay

naaayon sa prinsipyong “mata para sa mata at ngipin

para sa ngipin.”

Page 6: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Ang pamilya ang batayan ng lipunang Babylonian.

Binubuo ang lipunang ito ng mga maharlika o hari’t

pari, mga manggagawa at mangangalakal, at mga

pangkaraniwang magsasaka at alipin. Ang karamihan

sa mga Babylonian ay mga magsasaka na nagaalaga

rin ng mga hayop, naghahabi ng tela, at natuklasang

higit na masigasig na mgs mangangalakal.

Ang buhay ng Babylonian ay nakasentro sa kanilang

relihiyon.

Si Marduk ang kinikilala nilang pangunahin at

pinakamakapangyarihang diyos.

Page 7: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Ang Kodigo ni Hammurabi ay matatagpuan sa Susa

na nakaukit sa haligi ng bato na may walong

talampakan ang taas.

Dito dinedetalye ang desisyong legal sa lipunan ng

mga Babylonian

Ipinahihiwatig nito ang mataas na pamantaysng

kaparanaang umiiral nang nakaraang 15 siglo bago pa

ang mga pamantayang legal ng mga Romano.

Page 8: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

“Kodigo ni Hammurabi”

(Ayon sa akin pagsasaliksik)

Ayon sa mga Greek ang Babylonian ang kalupaan sa

pagitan ng dalawang ilog

Si Hammurabi ay namuno sa Babilonya ng 42 taon.

Sa kanyang 42 taon na pamumuno ginawa niya

ang Kodigo ni Hammurabi nung ika12 taon ng

kanyang pamumuno

Mayroon din itong 282 na batas.

Page 9: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

(Ayon sa aking pagsasaliksik)

At ang parusa nito ay hindi nababase sa katayuan mo sa

iyong bansa kundi nakabase ito sa level ng kasalanan

mo.

Kahit mayaman ka man o mahirap basta napatunayan

kang guilty at nilabag mo ang batas ayon sa Kodigo ni

Hammurabi ika’y paparusahan depende sa kasalanan

mo.

Page 10: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Ang haliging bato (larawan sa

kaliwa) ay may nakaukit na

katauhan ni Hammurabi

kasami si Shamash, ang

kinikilalang Diyos ng

Katarungan sa Babylonian.

Nakaukit naman sa harapang

ibabang bahagi nito ang mga

inskripsiyong binubuong may

300 batas na may kinalaman

sa pag-aari, pangungutang,

pamilya, pag-aasawa, at iba

pang patakaran sa pag-

uugali.

Page 11: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Ang mga lungsod-estado ng Tyre at Sidon ng mga

Phoenician ay napasailalim din sa kapangyarihan ng

mga Assyrian, Hittite, Chaldean, Egyptian, Persian, at

Greek.

Ang Phoenician ay tinaguriang “Dakilang

Mangangalakal ng Sinaunang Kabihasnan.” Dahil

kulang ang kanilang likas na yaman sa kalupaan.

Maliban sa punong kahoy na cedar.

Ang pangunahing produkto ng mga Phoenician ay ang

telang lana na kulay lila.

Mayayamang Griyego at Romano lamang ang

makakabili nang mga lilang lana.

Page 12: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

• Bukod sa paggawa ng kagamitang metal, ang mga

Phoenician din ang kauna-unahang pangkat ng mga

taong gumawa ng babasaging bote.

• Alpabeto, ang pinakamahalagang kontribusyon nila.

• Ang alpabetong Phoenician ay binubuo ng 22 titik; ang

unang titik ay tinatawag na aleph at beth naman ang

ikalawa.

• Hiniram ito ng Griyego at ginamit ding batayan sa iba

pang mga wika.

• Ginamit rin ito para sa pagsulat ng mga Hebrew sa

Lumang Tipan (Old Testament)

Page 13: History report (babylonian and phoenician) mighty asians

Dalawang sinasambang diyos ng mga Phoenician:

Baal o Amang Kalangitan-nakakapigil sa ulan. Ito rin

ay mahilig sa kasiyahan at sa sandaling magalit ay

nasusuyo lamang sa pamamagitan ng

pagsasakripisyo o pag-aalay na idinaraos sa

pamamagitan ng isang pagdiriwang. Dahil

kinakatakutan ito ng mga Phoenician inaalay na nila

maging ang kanilang mga anak.

Baalat- ang pinaniniwalaang diyosa ng kasaganaan,

ang may kapangyarihan mapabuti o mapasagana ang

kanilang ani.

Page 14: History report (babylonian and phoenician) mighty asians