3
88th foundation of TWA Candelaria, Quezon [DECLAMATION PIECE] Deklamasyon Candido,Candido ano nasaan kaya ang batang ito ? Apo halika rito at hilutin mo ang tuhod ko , Araguy ,aruy ko po ! Malamig na naman kase ang panahon kaya sikal itong rayuma ko ….. Dyuskong bata ito … Aba , Candido … Candido ! Pag hindi ka pa lumabas ay lalaparin kita ng tungkod na ito….. (Pagpasok ni Candido) Eh kasi naman , Lola Nidora, tawag kayo ng tawag kay Candido , di ba noon ko pa sinabi sa inyo … ako si Candy ang ma beauty nyong apo…..ako po si Candy Dimagiba (lalakad ala- fashion show)representing the picturesque province of Quezon , may kasabihan po tayo na “Ang lumakad ng matulin kong matinik ay malalim” , kaya lagi akong pa demure,poise na poise all the time (kekendeng- kendeng sa harap ni Lola Nidora ) Uy, damuho ka ,tumigil ka nga at nariyan ang Papa mo ,dumating siya kagabi mula sa distino sa Mindanao ,halika nga at hilutin mo iring tuhod ko …. As usual , masahista na naman ang beauty ni Candy … Hu, kase naman , Lola nilantakan mo yung bulalo , hayan tuloy (hinilot ng masuyo ang tuhodng matanda ) Lola , totoo bang narito si Papa ? Aba’y , oo,apo , kaya mag –ingat ka at ng hindi ka macourt martial , he,he,he …. Lola naman eh , matutuwa ka pa , may gestapo na naman sa bahay… Ano pa nga ba , eh di lalaki na naman ang peg ko … Babu , Candy exit muna ang beauty mo . . . Candido, Candido, son where are you ? ( animo’y tunay na lalaking humarap sa ama ) Reporting for duty , SIR ! ( sabay saludo ) Anak, dalawang taon nalang at papasok ka na ng Philippine Military Academy sa Bagio.Parang nakikita ko ang sarili ko sa’ yo – Matikas,Matalino ,Maparaan ,at higit sa lahat buo ang loob! I’ve heard from your Mom, you’re still on top of your class , I’m so proud of

declamation piece

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: declamation piece

88th foundation of TWA Candelaria, Quezon [DeCLAMATION PIECE]

Deklamasyon

Candido,Candido ano nasaan kaya ang batang ito ? Apo halika rito at hilutin mo ang tuhod ko , Araguy ,aruy ko po ! Malamig na naman kase ang panahon kaya sikal itong rayuma ko ….. Dyuskong bata ito … Aba , Candido … Candido ! Pag hindi ka pa lumabas ay lalaparin kita ng tungkod na ito…..

(Pagpasok ni Candido) Eh kasi naman , Lola Nidora, tawag kayo ng tawag kay Candido , di ba noon ko pa sinabi sa inyo … ako si Candy ang ma beauty nyong apo…..ako po si Candy Dimagiba (lalakad ala- fashion show)representing the picturesque province of Quezon , may kasabihan po tayo na “Ang lumakad ng matulin kong matinik ay malalim” , kaya lagi akong pa demure,poise na poise all the time (kekendeng- kendeng sa harap ni Lola Nidora ) Uy, damuho ka ,tumigil ka nga at nariyan ang Papa mo ,dumating siya kagabi mula sa distino sa Mindanao ,halika nga at hilutin mo iring tuhod ko …. As usual , masahista na naman ang beauty ni Candy … Hu, kase naman , Lola nilantakan mo yung bulalo , hayan tuloy (hinilot ng masuyo ang tuhodng matanda ) Lola , totoo bang narito si Papa ? Aba’y , oo,apo , kaya mag –ingat ka at ng hindi ka macourt martial , he,he,he …. Lola naman eh , matutuwa ka pa , may gestapo na naman sa bahay… Ano pa nga ba , eh di lalaki na naman ang peg ko … Babu , Candy exit muna ang beauty mo . . .

Candido, Candido, son where are you ? ( animo’y tunay na lalaking humarap sa ama ) Reporting for duty , SIR ! ( sabay saludo ) Anak, dalawang taon nalang at papasok ka na ng Philippine Military Academy sa Bagio.Parang nakikita ko ang sarili ko sa’ yo –Matikas,Matalino ,Maparaan ,at higit sa lahat buo ang loob! I’ve heard from your Mom, you’re still on top of your class , I’m so proud of you, Son! (niyakap ng mahigpit ang anak ). Magkita ulit tayo,at dinner time . Magrereport ako sa kampo ngayon.

(Nang makaalis ang ama) Lord ano po ba ang dapat kong gawin ? nahihirapan napo ako , hanggang kailan ko maitatatago ang tunay kong pagkatao kay papa ... kapag kaharap siya , macho ako , matapang ako , matatag … maaasahan … Karapat-dapat magdala at magmana ng kanyang pangalan ... ( napaluhod , napaiyak ) Pero , heto ako … isang babaeng nakabilanggo sa katawan ng isang lalaki … Ah , lalaki ako , lalaki ako , di ba lalaking lalaki ako ? ( palakad – lakad ) Candido Dimagiba Jr. – pangalan pa lang machong macho ang dating … ( biglang mag-eemote ) Ako’y isang sirena , kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda ! Akoy isang sirena , kahit anong gawin nila’y bandera ko’y di tutumba !

(Biglang titigil sa pagkanta) Sa ganda kong ito , kahit si Yaya Dub ay makakalimutan si Alden at kahit humarang pa ang tangke-militar ni papa , eh babae talaga ako !

Hoy , Candido ! Mama , Candy please ! Sya sige , Candy , tigilan mo na yang kaeemote at magbihis ka na for dinner , Papa is on his way home .Alam mo na si Heneral Candido Dimagiba Sr. gusto

Page 2: declamation piece

88th foundation of TWA Candelaria, Quezon [DeCLAMATION PIECE]

nakapormal tayo sa dinner time ! Kaya umayos ka , at ng walang gulo , anak ! Sige po Mama … susunod napo ako …

What else is new , heto na naman ako para gampanan ang papel ni Candido , kadami kasing pangalan sa mundo eh Candido pa … pwede namang Conrado , o Reynaldo , maari rin namang Armando … kaya lagi tulo’y akong tinutukso sa school eh .

Sa hapag kainan … Good evening Papa ! Good evening Son ! Please say our grace and bless the food …… (After dinner ) Maaga akong aalis bukas , hindi na kita gigisingin , anak at babalik na ko sa Mindanao … Sige po ! Papa , lagi po kayong mag-iingat ! Lord, lagi po ninyong papangalagaan ang papa ko …

Makalipas ang isang linggo, isang malungkot na balita ang gumimbal sa pamilya Dimagiba … Nasawi sa engkwentro si Heneral Dimagiba …

Papa ! papa ko ! Hu , hu ,hu! Papa isinusumpa ko sa harap ng inyong bangkay , magpapakalalaki ako at tutuparin ko ang iyong mga pangarap para sa akin . Makalipas ang sampung taon …

Ako si Police Senior Inspector Candido Dimagiba Jr. ang bagong talagang Chief of Police ng Candelaria PNP , reporting for duty po , Mayor !

Inihanda ni :

Mrs. Imelda M. CuetoPunong guro ng Tayabas Western Academy