6666thththth SP Bids Farewell SP Bids Farewell SP Bids Farewell SP Bids Farewell
Taon 9 Blg. 2 Abril - Hunyo 2010
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph
And now, the end is near… so goes the popular song.
The end is here, for the 6th
Sangguniang Panlalawigan of
Bulacan. Time has come to close a chapter in the historic
book of the local legislature and open a new one. It’s the
time for goodbyes for the out-goings and congratulations
for the incoming ones and “another chance” for the
returning ones.
Last June 24, 2010, at 2:00 pm, the departing
Sangguniang Panlalawigan, headed by Vice-Governor
Wilhelmino M. Sy-Alvarado, incoming governor, held
its last Regular Session at the Fortune Restaurant away
from the prying eyes of the public to finally close a
chapter in the book of the historic local legislature.
With deep emotions and tearful eyes, the members, after
dispensing with the usual routine of the session and
acting on all legislative matters, devoted the remaining
moments of their final gathering in delivering their
respective farewell messages, especially by those who
will not return for the next sanggunian.
For his part, Governor-elect Alvarado delivered his
valedictory address with much enthusiasm as expected
of him but with sentimental poignancy. He concluded
his speech with these words, “Sa aking pamamaalam ay
nais kong ibahagi sa inyo ang isang munting kaisipang
naging gabay ko sa pagtahak sa masalimuot na mundo
ng pulitika. “SALUS POPULI EST SUPREMA LEX. THE WELFARE OF THE
PEOPLE –not ours-IS THE SUPREME LAW! BAYAN MUNA
BAGO SARILI.
“Lastly, I encountered one great Greek lately in the
pages of the ages who gave me a piece of good advice
na gusto ko ring iwanan sa inyo:
“Hindi raw masamang matakot ang mga bata sa dilim.
Ang pinakamalaking trahedya ng buhay na ito.” Sang-
ayon kay Socrates. “ay kung ang matatanda ay matakot.
. . sa liwanag.” (For his complete valedictory address, go to page 2)
After all the farewell messages, Vice-Governor
Alvarado banged his gavel for the last time signaling
the end of the 6th
SP.
MASS OATH-TAKING
GINANAP SA KAPITOLYO
Kaalinsabay ng ginanap na panunumpa ng Pangulo
Benigno “Noynoy” Aquino III at Pangalawang Pangulo Jejomar Binay noong Hunyo 30, 2010 sa Quirino Grandstand, Luneta, ginanap naman sa lalawigan ang Sabayang Panunumpa (Mass Oath-Taking) at Pagsasalin ng Tungkulin ng mga lokal na opisyal mula sa Punong Lalawigan at Pangalawang Punong Lalawigan hanggang sa mga konsehal ng 21 bayan at 3 lungsod ng lalawigan.
Pinangunahan ng halal na Punong Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarado at halal na Pangalawang Punong Lalawigan Daniel R. Fernando ang mga bagong pinuno na maglilingkod sa loob ng tatlong taon mula Hulyo 1, 2010 hanggang Hunyo 30, 2013 ang panunumpa sa harap ng libu-libong taumbayang sumaksi sa dakilang okasyong ito
Sina Alvarado at Fernando, kasama ng mga halal na kinatawan ng apat na distrito at mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan, ay nanumpa sa harap ni Executive Judge Herminia V. Pasamba, samantalang ang mga halal na punong bayan at panlungsod, mga pangalawang punong bayan at lungsod at mga konsehal ay pinanumpa ni Punong Lalawigan Alvarado.
Matapos ang panumpa ay ipinahayag ni Alvarado ang kanyang mensahe hinggil sa mga nais niyang isakatuparan sa buong panahon ng kanyang panunungkulan na naka-pokus sa mga sumusunod:
(Sundan sa P. 3)
Sa araw na ito (Hunyo 24, 2010) ay isinara natin ang huling
kabanata ng ika-anim na Sanggunian ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Bulacan.
Naging lubhang mapanghamon at kapana-panabik ang mga
araw na inilagi ko sa piling ninyo bilang inyong Pinunong
Tagapangulo. Bagama’t magkakaiba tayo ng paninindigan
at pananaw sa maraming usaping pambayan dala ng
pagkakaiba ng ating mga pangkating pampulitikang
kinabibilangan, hindi maikakailang naging makabuluhan sa
akin at sa ating mga mamamayan ang ating naging mga
pagniniig sa bulwagang ito. Ang bawat isa sa inyo ay
buhay na personipikasyon ng konsepto ng demokrasya.
Nagpingkian tayo ng mga kaisipan, totoo, upang sa tilamsik
ng ating mga diwa ay kumislap ang apoy ng katotohanang
naging tanglaw ng ating lalawigan sa pagtahak sa
mapanganib at liku-likong landas ng paglilingkod sa bayan.
Ang pangkatin mang aking kinabibilangan ay kapos sa
bilang, hindi ko pinayagan ang tinig ng minorya ay malunod
sa dumadagundong na boses ng nakararami. Sa kaayusan
ng ating sistemang pampulitika, kinikilala natin ang
tinatawag na rule of the majority o ang pananaig ng grupong
mayorya datapwa’t dapat din nating igalang ang karapatan
ng minorya na napatunayan sa maraming pagkakataon ay
siyang may hawak ng katuwiran sa dalawang panig na
nagtutunggalian. Ang katotohanan ay hindi monopolyo ng
nakararami na malimit ay sumasandal sa kanilang bilang
upang sagasaan, inisin at lupigin ang katotohanang ito.
Ang karanasan natin sa nagdaang tatlong taon ang siyang
magpapatunay ng katumpakan ng aking sinasabi na
maliwanag pa sa sikat ng araw sa katanghalian.
Kung uulitin ang mga pangyayari, walang mababago sa
aking naging mga paninindigan sa mga usaping iniharap sa
kapulungan ng Sanggunian. I took the less popular stand
and in so doing won the acclamation of our constituents.
I would stand up and speak out with the same intensity for
what I believe was in the best interest of our people.
That the people of Bulacan rallied behind me in the greatest
political triumph of my life has proven beyond contention
that all these years I was treading on the right track.
The best Prime Minister England has ever had, Winston
Churchill, having served his beloved country in war and
peace, once came to the conclusion, in retrospect, that war
and politics are almost exactly identical except for one
thing: In war, we die only once. In politics, we die many
times over.
kanilang lohika upang daganan at siilin ang mga
pagmamatuwid ng minorya.
Ganoon pa man, iyan ay isa sa mga realidad ng buhay.
Talagang nilululon ng malaki ang maliit. Ang hindi ninyo
alam, in defeat I was able to score a glorious moral victory.
On days like these, I just wished that there would be members
of the majority bloc who could cross party lines and articulate
in favor of the truth and the long term benefit of the people.
Wala. The party whip was always ready to be unleashed to
make members toe the line.
Another pragmatic politician of his time, the fiery Manuel
Luis Quezon of the Commonwealth, had this to say of the
outgoing members of the Sixth Sanggunian: “Loyalty to party
ends where loyalty to country and people begins” Sayang!
You have conveniently forgotten his exhortation.
But all these are now water under the bridge.
I wish thank you, though, for what you have made of me.
Without you around. Willie Alvarado would not have made it
a step higher in the political ladder of this great and noble
Province.
Kung namamatay man ako nang maraming beses sa piling
ninyo sa kapulungang ito, muli’t muli akong binubuhay ng
pag-ibig at pagmamahal ng ating mga mamamayan.
Sa aking pamamaalam ay nais kong ibahagi sa inyo ang isang
munting kaisipang naging gabay ko sa pagtahak sa
masalimuot na mundo ng pulitika.
SALUS POPULI EST SUPREMA LEX.
THE WELFARE OF THE PEOPLE – not ours- IS THE
SUPREME LAW! BAYAN MUNA BAGO SARILI.
Lastly, I encountered one great Greek lately in the pages of the
ages who gave me a piece of good advice na gusto ko ring
iwanan sa inyo:
“Hindi raw masamang matakot ang mga bata sa dilim.”
(Sundan sa P. 3)
2
TALUMPATI NG PAMAMAALAM
(Valedictory Address)
KGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO
Out-going Vice-Governor & Governor-Elect
Totoo po. Kung
alam n’yo lang
kung ilang beses
akong namamatay
sa bulwagang ito
sa bawat sanda-
ling ginagamit ng
mayorya ang bi-
gat ng kanilang
bilang at hindi ng
TALUMPATI NG PAMAMAALAM…
“Ang pinakamalaking trahedya ng buhay na ito.” Sang-ayon
kay Socrates. “ay kung ang matatanda ay matakot. sa… sa
liwanag.”
With Daniel Fernando as the new Presiding Officer of the
next Sanggunian, I feel very sure, ang kanyang daratnan ay
hindi na matatakot sa liwanag. Hindi matatakot sa liwanag
dahil handang punitin ang karimlan.
Mabuhay kayo! Mabuhay ang Bulacan!
Mabuhay ang Demokrasya! Mabuhay ang Sambayanan!
Magandang araw po at maraming maraming salamat sa
inyong lahat!
Sa Secretariat na pinamumunuan ni Mrs. Alice S. Javier, sa
technical at janitorial staff na ngayon lang inabot ng
hatinggabi sa pagtatrabaho, tanggapin po ninyo ang taus-
pusong pasasalamat ng isang lingkod bayan na
pinaglingkuran ninyo nang buong husay sa kabila ng lahat.
Mabuhay po kayo! Muli, ay isang magandang araw sa inyo.
3
LAST PUBLIC HEARING – Ginanap noong Hunyo 28, 2010 ang kahuli-hulihang pampublikong pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan hinggil sa pagkakaloob ng amnestiya sa mga mambubuwis ng lalawigan.
TAX AMNESTY PABOR SA
MAMBUBUWIS
Pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan sa pinakahuling
pulong nito (Special Session No. 3) noong Hunyo 28, 2010
ang Panlalawigang Kautusan Blg. 01-T’2010 (Panlalawigang
Kapasiyahan Blg. 060-T’2010) na nagkakaloob ng kaluwagan o
amnestiya sa pagbabayad ng buwis para sa mga ari-ariang
di-natitinag (real properties) sa pamamagitan ng pag-aalis
ng pagbabayad ng multa na magkakabisa mula Hulyo 1
hanggang Nobyembre 30 ng taong kasalukuyan.
Sa mungkahi nina Bokal Vicente Cruz, Sr. at Bokal Michael
Fermin, at akda ni Bokal Glenn Santos, Tagapangulo ng
Lupon sa Pamamaraan at Pagkukunan, pinagtibay ng
Sangguniang Panlalawigan ang napapanahong batas upang
mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na may di pa
nababayarang buwis na mabayaran ito na hindi na kailangang
bayaran ang multa.
Nasasakupan ng amnestiya ang mga delingkwenteng ari-arian
para taong 2009 pababa mula sa 21 munisipalidad ngunit
hindi kabilang ang mula sa tatlong lungsod.
Ang pagkakaloob ng amnestiya ay bunsod ng kahilingan ng
Asosasyon ng mga Pambayang Ingat-yaman ng Lalawigan
bilang pagbibigay konsiderasyon sa dinanas na kahirapan ng
mga mambubuwis sanhi ng mga kalamidad ng dumating sa
lalawigan kamakailan, tulad ng mga bagyong Ondoy at
Pepeng na nagdulot ng pinsala sa imprastraktura at
MASS OATH-TAKING…
pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran, pagpapataas sa antas ng edukasyon, pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan, pagpapalakas ng kabuhayan ng mamamayan, pagpapanatili ng katiwasayan at kaayusan ng pamayanan, patuloy na pagyayamanin ang kasaysayan at kultura at pagkakaloob ng mapanagutang pamamahala. Matapos ang panunumpa ay ginanap ang Panata ng Pagkakaisa kung saan ang lahat ng mga halal na opisyal, kasama ang lahat ng mamamayang dumalo at sumaksi sa okasyon, ay sama-samang sinambit ang “Panata ng Nagkakaisang Bulakenyo” upang maisabuhay at maisakatuparan ang mga dakilang mithiin para sa bayan.
kabuhayan. Itinatadhana ng Seksyon 276 ng Batas Pambansa 7160 na lalong kilala bilang Local Government Code of
1991, gayundin ng Seksyon 2.A.84 ng Revised Revenue Code ng
Bulacan, na ang Sangguniang Panlalawigan ay maaaring
magpatibay ng isang ordinansa na magpapatawad o magpapababa
(condonation or reduction) sa buwis at multa ng mga ari-ariang
di-natitinag kapag mayroong kalamidad sa lalawigan.
Inaasahan na ang amnestiyang ito ay hindi lamang magbibigay ng
kaluwagan para sa mga mambubuwis kundi makatutulong din
upang maragdagan ang masisingil na buwis sa lalawigan sa taong
ito.
“Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako
makinig sa mga utos ninyo. We will design and
implement an interaction and feedback mechanism
that can effectively respond to the people’s needs
and aspirations.” – Excerpts from the Inaugural
Speech of President Noynoy Aquino III
Hunyo 30, 2010 – Provincial Capitol Gymnasium
Panunumpa nina Congressmen Pedro Pancho, Arthur Robes at Panunumpa ng mga Opisyales ng Lungsod ng Meycauayan
Linabelle Villarrica sa harap ni Executive Judge Herminia Pasamba sa pangunguna ng Punong Lungsod Joan Alarilla
Panunumpa ng mga Opisyales ng Bayan ng Bulakan Mga Opisyales ng Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng Punong
sa pangunguna ng Punong Bayan Patrick Meneses Bayan Romeo Estrella kasama si Gov. Alvarado at VG Fernando
4
6th
SP QUIKSTAT (July 1, 2007 – June 30, 2010)
A. PLENARY AFFAIRS:
1. No. of Sessions Conducted: 117
B. COMMITTEE AFFAIRS:
1. No. of Committee Meetings Conducted: 796 2. No. of Committee/Public Hearings Conducted: 230
C. RESOLUTIONS/ORDINANCES
1. No. of Resolutions/Ordinances Enacted: 716
a. Provincial Resolutions: 704 b. Provincial Ordinances: 12
D. SIGNIFICANT ACCOMPLISHMENTS:
1. Conduct of Gawad Galing Sanggunian - 2008 & 2009 2. Posting/Publication of Ordinances 3. Scanning/Backing up of Resolutions/Ordinances 4. Encoding of Resolutions’ titles and pertinent data in the Legislative Tracking System (excel) 5. Maintenance and Updating of SP Website 6. Publication of quarterly newsletter Legislative Digest 7. Review and approval of MOAs/MOUs ` 8. Review and approval of Annual Budgets 9. Enactment of Provincial Ordinance No. 04-S’09 – Nag-aatas na Ipagkaloob ang Cost of Living Allowance (COLA) Para sa mga Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan