Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Far Eastern University
Institute of Arts and Sciences
Department of English (Filipino Cluster)
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU:
Math o IT
Isang Tesis na Iniharap sa Pakulti ng Filipino bilang Parsiyal na Pangangailangan sa Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik
Ipinasa nina:
Divine Grace J. Aguilan
Michelle M. Cruz
Christina dela Rosa
Christian Jurick D. Magdame
Kenneth Marvin A. Mateo
Aileen Joyce N. Niñal
Clven A. Reyes
Ipinasa kay:
Dr. Emmanuel S. Gonzales
Marso, 2011
PASASALAMAT
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Isang taos-pusong pasasalamat, pagkilala, at pagpapahalaga ang
ipinaaabot naming sa lahat ng mga taong naging bahagi at taimtim na
naghandog ng tulong upang mabuo ang pananaliksik na ito.
Sa aming pamilya, para sa kanilang hindi matatamong pagbibigay ng
lakas, inspirasyon, pagmamahal at sa kinakailangang pinansiyal na suporta.
Sa aming mga kaibigan na nagbigay ng motibasyon sa amin sa mga
oras na kami ay nahihirapan.
Sa mga ka-BS AMIT naming estudyante, na kung wala ang kanilang
tulong na pagsagot sa aming survey ay hindi maaaring maging matagumpay
ang aming pananaliksik.
Sa aming propesor, Dr. Emmanuel S. Gonzales, para sa pagbibigay ng
kanyang tulong upang aming makumpleto itong pananaliksik.
At higit sa lahat, sa Panginoong Makapangyarihan sa Lahat na
nagbigay ng lakas ng katawan at kalinawan ng pag-iisip sa aming balakin.
Mga Mananaliksik
ABSTRAK
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Pamagat: Preperensiya ng mga estudyante ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Mga Mananaliksik: Divine Grace J. Aguilan
Michelle M. Cruz
Christina dela Rosa
Christian Jurick D. Magdame
Kenneth Marvin A. Mateo
Aileen Joyce N. Niñal
Clven A. Reyes
Pamantasan: Far Eastern University
Propesor: Dr. Emmanuel S. Gonzales
Bilang ng Pahina: 35
Kurso: Bachelor of Science in Applied Mathematics with major in Information
Technology
Taon: 2011
I. MGA SULIRANIN
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Ang layunin ng pananalik na ito ay upang maipakita kung alin sa Math
o IT ang mas gusto ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU. Ang pananaliksik
na ito ay naglalayong masagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang profile ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEY base sa
kanilang
edad at kasarian?
2. Anu-ano ang mga dahilan na naka-impluwensiya sa mga mag-aaral
sa pagkuha ng kursong BS AMIT?
3. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa dalawang larangan kung
alin ang mas madali at kung alin ang mas mahirap?
4. Ano ang preprensiya ng mga mag-aaral kung sa aling larangan nila
gustong magtrabaho?
5. Ano ang gusto nilang maging trabaho?
II. METODOLOHIYA
Sa pangagalap ng impormasyon na makatutulong sa pananaliksik, ang grupo
ay nagsagawa ng survey. Ito ay nakatulong ng malaki sa pagkuha ng datos
ukol sa persepsyon ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU sa pagpili ng
larangan na kanilang pagtutuonan ng pansin sa hinaharap. Nagpakalat ng
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
mga talatanungnan sa bawat taon ng mag-aaral ng BS AMIT sa FEU na
binubuo ng pitong (7) pangkat at may kabuuang 184 na mag-aaral.
Ang talatanungan ay binubuo ng mga sumusunod:
1. Personal na profile ng respondente: kasarian at edad
2. Mga kadahilanan na naka-impluwensiya sa mga mag-aaral sa
pagkuha ng BSAMIT
3. Persepsyon kung alin sa dalawang larangan ang mas madali at kung
ano ang mas mahirap
4. Persepsyon ng respondent sa kadalian at kahirapan ng dalawang
larangan
5. Mga nakamit na marka sa panimulang asignatura ng dalawang
larangan
6. Preperensiya kung sa aling larangan gustong magtrabaho
7. Preperensiya kung anong trabaho ang gusto pagkatapos mag-aral
Ang mga respondent ay mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU. 184 ang
kabuuang bilang ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU na kung saan ay
mayroong 7 na pangkat. Mula sa 184 na iyon ay nagawa naming kunin ang
persepsyon ng 107 o 58.15% ng kabuaang mag-aaral. Ang kanilang
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
persepsyon ay kinuha sa pamamagitan ng pagbibigay ng survey upang
kanilang sagutan.
III. RESULTA NG PAG-AARAL
Hinggil sa preperensya ng mag aaral ng BS AMIT ng taong 2010-2011,
65.42% ang kalalakihan at 34.58% ang kababaihan sa mga respondents.
Kung saan 9.35% ang nasa edad na 16, 28.97% ang nasa edad na 17,
16.82% ang nasa edad na 18, 28.04% ang nasa edad na 19, 13.08% ang
nasa edad na 20, 1.87% ang nasa edad na 21, at 1.87% ang iba pa.
Sa mga nakalap na impormasyon, 14.95% ang naimpluwensyahan ng
magulang, 0.93% ang sa kaibigan, 5.61% ang sa kamag-anak, at 78.50%
ang sariling desisyon sa pagpili ng kursong ito.
Sa 107 na bilang ng mga respondente, 15.89% ang mayroong gusto sa
mathematics, 46.73% ang sa IT, 26.17% ang sa Mathematics at IT,
samantalang ang natitirang 11.21% ay mga napilitan.
Sa pagpili ng larangan kung saan nadadalian ang mga respondente,
22.43% ang pumili sa Mathematics, 77.57% naman ang sa IT.
Sa larangan kung saan mas nahihirapan ang mga mag-aaral, 77.57%
ang sumang-ayon na mas mahirap ang Mathematics at 22.43% ang sumang-
ayon sa larangan ng IT.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
5.61% ang nagbigay ng markang 1 o napakadali, 10.28% ang nagbigay
ng 2 o madali, 39.25% ang 3 o neutral: katamtamang hirap at dali, 27.10%
ang nagbigay ng 4 o mahirap at ang nalalabing 17.76% ay ang nagbigay ng
markang 5 o napakahirap. Ito ang lumabas na resulta sa pagmamarka ng
mga respondente sa kahirapan ng mga paksa sa Mathematics.
13.08% ang nagmarka ng 5 o napakahirap, 22.43% ang nagmarka ng
4 o mahirap, 33.64% ang nagmarka ng 3 o neutral: tama lamang ang hirap
at dali, 22.43% ang nagmarka ng 2 o madali at ang natitirang 13.08% ay
nagmarka ng 1 o napakadali ng mga paksa sa IT.
Ang resulta sa mga nakuhang grado sa Mathematics ng mga
respondente ay: 8.41%, ang nakakuha ng 1.00; 13.08%, ang nakakuha ng
1.25; 9.35%, ang nakakuha ng 1.50; 8.41%, ang nakakuha ng 1.75; 11.21%,
ang nakakuha ng 2.00; 5.61%, ang nakakuha ng 2.25; 6.54%, ang nakakuha
ng 2.50; 13.08%, ang nakakuha ng 2.75; 17.76%, ang nakakuha ng 3.00; at
ang 1.87%, ang nakakuha ng 5.00.
Ang resulta sa mga nakuhang grado ng mga respondente sa C1A1Y:
0.93%, ang nakakuha ng 5.00; 4.67%, ang nakakuha ng 3.00; 0.93%, ang
nakakuha ng 2.75; 0.93%, ang nakakuha ng 2.50, 6.54%, ang nakakuha ng
2.25; 7.48%, ang nakakuha ng 2.00; 19.63%, ang nakakuha ng 1.75;
20.56%, ang nakakuha ng 1.50; 22.43%, ang nakakuha ng 1.25; at ang
14.95%, ang nakakuha ng 1.00.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Ang resulta sa preperensiya ng mga respondente kung saang larangan
nila nais magtrabaho. Ang 25 na respondente ay nagsabi na nais nilang
magtrabaho sa larangan ng Mathematics. At ang natitirang 82 na
respondente ay naglahad na nais nila sa larangan ng IT magtrabaho. Ang
porsyento ng nais sa Mathematics ay 23.36% at ang sa IT ay 76.64%.
Sa gustong maging trabaho ng mga respondente ang naging resulta
ay: 7.48% o 8 na respondente ang napili ang Teacher/Professor; 3.74% o 4
na respondente ang napili ang Researcher; 15.89% o 17 ang napili ang
System Analyst; 29.91% o 32 na respondente ang napili ang Computer
Programmer; 20.56% o 22 na respondente ang napili ang Software Designer;
12.15% o 13 na respondente ang napili ang Webpage Specialist; at ang
nalalabing porsyento na 10.28% o 11 na respondente ang napili ang iba
pang trabaho o wala pang napipili.
IV. REKOMENDASYON
Sa pananaliksik na ito, nakapagbuo ng isang konklusyon patungkol sa
preperensya ng mga mag aaral. At sa isinagawang paraan upang makakalap
ng impormasyon, marami ring nabuong mga rekomendasyon na maaaring
makatulong o kahit papano’y makaimpluwensya sa mga mambabasa. Ito ay
ang mga sumusunod:
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
1. Tiyakin na sigurado sa mga magiging desisyon lalo na’t kung
patungkol
sa kurso at sarili.
2. Dahil sa kakulangan ng impormasyon ng mga kasalukuyang mag
aaral
ng BS AMIT, iminumungkahi namin sa departamento na magsagawa ng
mas maagang orientasyon patungkol sa kurso.
3. Hinihikayat namin ang mga mag aaral na katatapos lang sa
sekondarya na kunin ang kursong BS AMIT dahil nakakalamang ito sa
ibang kurso, patungkol sa pagkakaroon ng “Double Degree”.
4. Sa mga nagbabalak na lumipat ng kursong kinukuha, mariin naming
inererekomenda na kunin na lamang ang kursong BS AMIT dahil sa
nakalalamang nga ito sa ibang mga kurso.
5. At kung magiging trabaho sa hinaharap ang gagawing basehan sa
pagpili ng kurso, mariin din naming iminumungkahi ang kursong BS
AMIT
dahil sa pagiging malawak ng mga paksang pag aaralan.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
TALAAN NG MGA NILALAMAN
PASASALAMAT
ABSTRAK
KABANATA I: SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula 1
Batayang Konseptwal 3
Mga Layunin 4
Mga Suliranin 5
Kahalagahan ng Pananaliksik 6
Limitasyon at Delimitasyon 7
Kahuluguhan ng mga Termino 8
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA 9
KABANATA III: METODOLOHIYA
Paraan ng Pag-aaral 12
Respondente 13
KABANATA IV: KINALABASAN NG PAG-AARAL 14
KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom 33
Kongklusyon 35
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Rekomendasyon 36
BIBLIOGRAPI
APPENDIKS
KABANATA I:
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
PANIMULA
Sa ating bansa, unti-unti nang bumababa ang bilang ng mga mag-aaral
na nagpopokus sa larangan ng Math habang patuloy naming tumataas ang
bilang ng mga mag-aaral na nagpopokus sa Information Technology dahil sa
walang tigil na pag-usad ng teknolohiya.
Ang Math ay isang larangan kung saan pinag-aaralan ang mga
numero, sets of points at iba pang mga elementong abstrak, kasama ang
mga kaugnayan nito sa isa’t isa at sa operasyong isinasagawa dito. Ito ay
nanggaling sa salitang Griyego na “mathema” o nangangahulugang
“kaalaman” o “pag-aaral”. Ito ay ginagamit sa problem solving;
pagsasaayos, pagsisimplify at pag interpret ng mga datos, pagsasagawa ng
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
mga kalkulasyon na kailangan sa iba pang larangan tulad ng siyensya,
commerce, at indutriya.
Sa kabilang dako, ang Information Technology naman ay ang larangan
kung saan ginagamit ang mga kompyuter at software upang magsaayos ng
impormasyon. Ito ay responsable sa pagtago ng impormasyon, pag iingat
dito, pagproproseso, pagtransmit, at paggamit muli kung kinakailangan.
Dahil dito, nakaisip ang Unibersidad ng Malayong Silangan na
magtatag at bumuo ng isang kurso kung saan magagamit ang dalawang
larangang ito, ang kinikilala natin ngayong Bachelor of Science in Applied
Mathematics with major in Information Technology (BSAMIT). Ang kursong ito
ay naglalayon na mapag-aralan ng husto ang matematika at magamit ito sa
iba’t ibang paraan lalo na sa larangan ng Information Technology. Ito ay may
mga layuning: matustusan ang mga mag aaral ng kaalaman at kasanayan na
tutulong sa kanila para lubusang maunawaan ang relasyon ng Math sa ibang
disiplina at para malinang ang kagalingan sa aplikasyon sa isa o higit pang
mga disiplina; mapaglaanan ang mga mag aaral ng pundasyon ng kaalaman
sa math at IT para sa ganon ay matugunan nila ang pangangailangan ng
isang lumalagong mundo partikular na sa larangan ng teknolohiya at
indutriya ; mabigyan ng kaalaman ang mga mag aaral sa paggamit ng
teknolohiya sa math at sa aplikasyon ng math; mabigyan ng kaalaman ang
mga estudyante tungkol sa mga gamit ng teknolohiya sa mathematics at
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
mga aplikasyon nito; upang maihanda ang mga estudyante sa mga
oportunidad sa trabaho bilang guro, researcher, programmer, software
designer, webpage specialist at para sa karagdagang kaalaman sa
mathematics at IT.
Ang dalawang larangang ito ay magkaugnay at hindi nagkakalayo sa
isa’t isa dahil pareho itong ginagamitan ng lohika at kritikal na pag iisip.
Kaya nga’t hindi nakapagtataka kung bakit maaari itong pagsamahin sa
iisang kurso. Bagamat dalawang larangan ang pinag-aaralan dito, mayroon
tayong dapat ikonsidera, ito ay kung saang larangan magtutuon ng pansin
ang isang estudyante kapag nakatapos ng kursong BSAMIT, matematika ba o
I.T.? Sa pananaliksik na ito, malalaman natin ang preperensiya ng mga mag-
aaral ng kursong BSAMIT sa larangan kung saan sila magpopokus.
Malalaman natin kung anong larangan ang pinili ng karamihan, na maaaring
makaimpluwensiya sa mga susunod pang henerasyon.
BATAYANG KONSEPTWAL
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
MGA LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1. Malaman ang opinyon ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong
BS AMIT sa FEU kung ano ang mas gusto nila sa dalawang larangan:
Math o IT?
Magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa kung anong larangan ang
mas gusto ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU base sa resulta ng
ginawang survey.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
2. Maikumpara ang bilang ng mga mag-aaral na gustong magtrabaho
sa larangan ng Math at sa larangan ng IT.
Mabibigyan ng impormasyon ang mga mambabasa kung saan at anu-
anong mga trabaho ang maaari nilang pasukan pagkatapos kunin ang
kursong BS AMIT.
3. Malaman ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit mas pinili nila
na magtrabaho sa larangan ng kanilang napili kumpara sa isa.
Malalaman ng mga mambabasa ang mga naging dahilan kung bakit
mas pinili nila ang tatahaking landas.
4. Malaman ng mga mambabasa ang saloobin ng mga mag-aaral ukol
sa paksang ito.
Magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa sa persepsyon ng mga
mag-aaral ng BS AMIT sa FEU.
5. Maimpluwensiyahan ang mga bagong nagsipagtapos sa sekondarya
na piliin ang kursong BS AMIT.
Magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa na katatapos lamang sa
sekondarya kung ano ang mayroon sa BS AMIT na maaaring mag-
udyok sa kanila na piliin ito bilang kanilang kurso.
MGA SULIRANIN
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Ang layunin ng pananalik na ito ay upang maipakita kung alin sa Math
o IT ang mas gusto ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU. Ang pananaliksik
na ito ay naglalayong masagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang profile ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU base sa
kanilang
edad at kasarian?
2. Anu-ano ang mga dahilan na naka-impluwensiya sa mga mag-aaral
sa pagkuha ng kursong BS AMIT?
3. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa dalawang larangan kung
alin ang mas madali at kung alin ang mas mahirap?
4. Ano ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa panimulang
asignatura ng dalawang larangan?
5. Ano ang preprensiya ng mga mag-aaral kung sa aling larangan nila
gustong magtrabaho?
6. Ano ang gusto nilang maging trabaho?
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Ang pananaliksik na ito ay makadaragdag ng impormasyon hindi
lamang sa mga mag-aaral ng kursong BS AMIT, kundi pati na rin sa mga
nagbabalak kumuha ng kursong ito. Maaari din itong magsilbi bilang gabay
at maka-iimpluwensiya sa pagpili ng larangang gustong pagtuonan ng
pansin. Magbibigay ito ng impormasyon na maaaring maging basehan sa
pagpili ng kurso ng isang mag-aaral na katatapos lang sa sekondarya.
Makikita rin dito ang paghahambing ng dalawang larangan ng napag-
aaralan sa BS AMIT, ang mga pagkakaiba at pagkakapareho. Narito rin ang
mga kalamangan at katalunan ng bawat larangan sa kursong ito. Sinusuri rin
dito ang saloobin ng mga kasalukuyang mag-aaral ng nasabing kurso ukol sa
kanilang persepsyon. Higit sa lahat, naipapaliwanag dito ang kahalagan ng
kursong BS AMIT hindi lamang sa mga mag-aaral kung hindi pati na rin sa
kontribusyon nito sa bansa.
LIMITASYON AT DELIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman ang preperensiya
ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU kung mag gusto ba nila ang larangan
ng Math o ang larangan ng IT. Ang kanilang preperensiya ay ibabatay mula
sa mga makukuhang sagot mula sa talatanungang ipapasagot. Ipinalagay ng
mga mananaliksik na ang kanilang preperensiya ay naka-base sa kung bakit
nila pinili ang kursong BS AMIT, alin sa dalawang larangan ang mas
nadadalian sila, larangan na may mas mataas na nakuhang marka sa unang
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
asignatura na kanilang pinag-aralan, persepsyon sa hinaharap kung saang
larangan nila balak magtrabaho, at kung ano ang gusto nilang maging
trabaho.
Ang mga respondente ay nilimitahan lamang sa mga mag-aaral ng BS
AMIT sa FEU. 184 ang lahat ng bilang ng mga mag-aaral na kung saan
mayroong 7 na pangkat. Ang bilang ng sample na gagamitin ay hindi bababa
sa 50% o 92 na mga mag-aaral.
KAHULUGAN NG MGA TERMINO
Math – Ang Math ay isang larangan kung saan pinag-aaralan ang mga
numero, sets of points at iba pang mga elementong abstrak.
Information Technology – Ang Information Technology ay ang larangan
kung saan ginagamit ang mga kompyuter at software upang magsaayos ng
datos.
FEU – Far Eastern University
BS MCS – Bachelor of Science in Mathematics major in Computer Science
BS AMIT – Bachelor of Science in Applied Mathematics with major in
Information Technology
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
MATH 1 – College Algebra 1
C1A1Y – Computer Concepts, Computers and Society
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA
THE EMPLOYMENT STATUS OF SELECTED BATCH ’98 BS
MATHEMATICS MAJOR IN COMPUTER SCIENCE OF FAR EASTERN
UNIVERSITY: A FOLLOW-UP STUDY
Sa pananaliksik na ito, ang mga kasalukuyang employment status ng
mga piling mag-aaral ng Batch ’98. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong
ipakita ang mga makatotohanang datos ukol sa pagkakaroon ng trabaho ng
mga nagsipagtapos ng BS MCS na kanilang inugnay sa edad, kasarian, at iba
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
pang impormasyon tulad ng uri ng trabaho, laki ng kita at kung sa anong
edad nagsimulang magtrabaho ang mga kalahok. Naipakita rin sa
pananaliksik ang mga impormasyong may kaugnayan sa pananaliksik na
aming isinasagawa. Ipinakita rin ang mga bagay na natutunan ng mga
kalahok sa kanilang pag-aaral ng BS MCS na kanilang kinailangan sa
kanilang pagtatrabaho. Ipinakita sa pananaliksik na ito na ang mga kalahok
na mas natuto ng mga abilidad na klerikal ay kumuha ng mga trabaho sa
larangan ng klerikal.
Tulad nang sa pananaliksik na ito, ipinapakita na ang mga kaalamang
natutunan sa BS AMIT ang siyang magdidikta kung anong trabaho ang
kanilang kukunin sa hinaharap. Nais ipakit ng pananaliksik na ito na ang
kalahok na mas nahilig o nadalian sa mga kaalamang nalalapit sa Math ay
may malaki ang posibilidad na kumuha ng trabaho na nalalapit sa larangan
ng Math habang ang mga nahilig naman sa mga kaalamang IT ay may mas
malaking posibilidad na kumuha ng trabaho sa larangan ng IT. Sa
pananaliksik naito, kayuning ipakita na ang preperensiya ng mga mag-aaral
ng BS AMIT ay naaapektuhan ng mga kaalamang nahihiligan sa kanilang
pag-aaral.
THE EFFECTS OF MATHEMATICS ANXIETY ON THE ACADEMIC
PERFORMACE IN DIFFERENTIAL CALCULUS OF THE BACHELOR OF
SCIENCE IN MATHEMATICS MAJOR IN COMPUTER SCIENCE (BS MCS)
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Sa isang pananaliksik na ito naipapakita na ang pag-aaral na Math at
ang mga mahihirap nitong mga leksyon ay nagdudulot ng malaking
pagkabagabag sa mga mag-aaral ng BS MCS. Ipinakita sa pananaliksik dito
na ang pagkabagabag na ito ay nadarama ng mga mag-aaral sa iba't-ibang
lebel, at sa bawat lebel ay nagdudulot ito ng iba't-ibang mga epekto.
Napatunayan na ang pag-aaral ng Math ay isang mahirap na gawain at
nagdudulot ng hirap sa pag-aaral ng mga mag-aaral nito. Dahil sa hirap o
pagkabagabag na ito, nakararanas ang mga mag-aaral ng iba't-ibang mga
epekto tulad ng pagsasawa at pagkabawas ng hilig sa Math.
Tulad nang sa pananaliksik na ito, naipapakita na ang pag-aaral ng
Math ay isang mahirap na gawain, kaya't maraming mag-aaral ng BS AMIT
ang pinipiling tahakin o kunin ang mga trabahong may kaugnayan sa IT at
hindi na lamang sa Math. Sinusuportahan ng pananaliksik na papel nila
Abrenica ang hinuha ng mga mananaliksik sapagkat naipapakita ng naunang
pananaliksik na papel na ang Math ay nagdudulot ng pagkabagabag sa mga
mag-aaral at nagdudulot naman ito ng mga di ninanais na epekto. Ang mga
resultang ito ay maaaring maging dahilan upang ang mga mag-aaral naman
ng BS AMIT ay makadama rin ng pagkabagabag at pagbawas ng hilig sa
Math kung kaya't ito ay magiging napakalaking salik sa kanilang mga
preperensiya or hilig na trabaho sa hinaharap. Maaaring ang mga mag-aaral
ng BS AMIT na nakakaranas ng kahirapan sa Math ay hindi na maaliw o
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
mauwa sa Math kung kaya't mas pipiliin na nila sa hinaharap ang mga
trabahong wala o di gaanong nauugnay sa Math.
KABANATA III:
METODOLOHIYA
PARAAN NG PAG-AARAL
Upang maisagawa at maisakatuparan ang pananaliksik na ito, ang mga
mananaliksik ay gumamit ng diskriptib na paraan ng pagkalap ng
impormasyon. Ang diskriptib na paraan ay maaaring isagawa sa
pamamagitan ng tatlong paraan: ang arkibal na pananaliksik, kung saan
gumagamit ng iba’t-ibang materyal na maaaring pagkunan ng datos na
natatagpuan sa mga aklatan at paggamit ng internet; natural na
obserbasyon, kung saan ginagamit ang limang senses sa pagmamasid; at
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
ang pagsusurvey, kung saan kinukuha ang pananaw ng iba’t-ibang
indibidwal tungkol sa paksa gamit ang talatanungan.
Sa pangagalap ng impormasyon na makatutulong sa pananaliksik, ang
grupo ay nagsagawa ng survey. Ito ay nakatulong ng malaki sa pagkuha ng
datos ukol sa persepsyon ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU sa pagpili ng
larangan na kanilang pagtutuonan ng pansin sa hinaharap. Nagpakalat ng
mga talatanungnan sa bawat taon ng mag-aaral ng BS AMIT sa FEU na
binubuo ng pitong (7) pangkat at may kabuuang 184 na mag-aaral.
Ang talatanungan ay binubuo ng mga sumusunod:
1. Personal na profile ng respondente: kasarian at edad
2. Mga kadahilanan na naka-impluwensiya sa mga mag-aaral sa
pagkuha ng BSAMIT
3. Persepsyon kung alin sa dalawang larangan ang mas madali at kung
ano ang mas mahirap
4. Persepsyon ng respondent sa kadalian at kahirapan ng dalawang
larangan
5. Mga nakamit na marka sa panimulang asignatura ng dalawang
larangan
6. Preperensiya kung sa aling larangan gustong magtrabaho
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
7. Preperensiya kung anong trabaho ang gusto pagkatapos mag-aral
RESPONDENTE
Ang mga respondent ay mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU. 184 ang
kabuuang bilang ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU na kung saan ay
mayroong 7 na pangkat. Mula sa 184 na iyon ay nagawa naming kunin ang
persepsyon ng 107 o 58.15% ng kabuaang mag-aaral. Ang kanilang
persepsyon ay kinuha sa pamamagitan ng pagbibigay ng survey upang
kanilang sagutan.
KABANATA IV
KINALABASAN NG PAG-AARAL
Suliranin 1: Ano ang profile ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU
base sa kanilang at kasarian at edad?
Kasarian Bilang ng
Respondente
Porsiyento
Lalaki 70 65.42%
Babae 37 34.58%
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Talahayanan 1: Profile ng mga Mag-aaral ng BS AMIT base sa
Kasarian
Ipinapakita sa Talahayanan 1 ang kasarian ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa
FEU na aming naging respondente. Makikita rito na mas nakararami ang mga
lalaki na may 70 o 65.42% na tugon, at ang mga babe naman ay may 37 o
34.58% na tugon lamang.
LalakiBabae
Grap 1: Profile ng mga Mag-aaral ng BS AMIT base sa Kasarian
Edad Bilang ng
Respondente
Porsiyento
16 31 9.35%
17 30 28.97%
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
18 18 16.82%
19 14 28.04%
20 10 13.08%
21 2 1.87%
Iba 2 1.87%
Talahayanan 2: Profile ng mga mag-aaral ng BS AMIT base sa Edad
Ipinapakita sa Talahayanan 2 ang edad ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa
FEU na aming naging respondente. Makikita rito na ang may pinakamarami
ay ang nasa edad 17 na may 31 o 28.97% na tugon, na sinundan nang edad
19 na may 30 o 28.04% na tugon, edad 18 na may 18 o 16.82% na tugon,
edad 20 na may 14 o 13.08% na tugon, edad 16 na may 10 o 9.35% na
tugon, edad 21 na may 2 o 1.87% na tugon at edad 24 na may 2 o 1.87% na
tugon lamang.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
161718192021Iba
Grap 2: Profile ng mga mag-aaral ng BS AMIT base sa Edad
Suliranin 2: Anu-ano ang mga dahilan na naka-impluwensiya sa mga
mag-aaral sa pagkuha ng kursong BS AMIT?
Naka-impluwensiya Bilang ng
Respondente
Porsiyento
Magulang 16 14.95%
Kaibigan 1 0.93%
Kamag-anak 6 5.61%
Sariling Desisyon 84 78.50%
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Talahayanan 3: Naka-impluwensiya sa mga mag-aaral na kunin ang
kursong
BS AMIT
Ipinapakita sa Talahayanan 3 ang mga kadahilanan na naka-impluwensiya sa
mga mag-aaral sa pagkuha ng kursong BS AMIT. Makikita rito na mas
nakararami ang kumuha ng BS AMIT dahil sa sariling desisyon na may 84 o
78.50% na tugon, na sinundan nang dahil sa magulang na may 16 o 14.95%
na tugon, dahil sa kamag-anak na may 6 o 5.61% na tugon at ang
pinakamababa ay ang dahil sa kaibigan na may 1 o 0.93% na tugon lamang.
MagulangKaibiganKamag-anakSariling Desisyon
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Grap 3: Naka-impluwensiya sa mga Mag-aaral na kunin ang kursong
BS AMIT
Gusto ng Mag-aaral Bilang ng
Respondente
Porsiyento
Math 17 15.89%
IT 50 46.73%
Math & IT 28 26.17%
Napilitan 12 11.21%
Talahayanan 4: Gusto ng Mag-aaral na aka-impluwensiya sa
pagkuha ng BS AMIT
Ipinapakita sa Talahayanan 4 kung alin sa Math o IT ang naging dahilan ng
pagpili ng mga mag-aaral sa kursong BS AMIT. Makikita rito na mas
nakararami ang may gusto sa IT na may 50 o 46.73% na tugon, na sinundan
nang may gusto sa Math at IT na may 28 o 26.17% na tugon, may gusto sa
Math na may 17 o 15.89% na tugon at ang napilitan lamang na may 12 o
11.21% na tugon lamang.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
MathITMath & ITNapilitan
Grap 4: Gusto ng mag-aaral na naka-impluwensiya sa pagkuha ng
BS AMIT
Suliranin 3: Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa dalawang
larangan kung alin ang mas madali at kung alin ang mas mahirap?
Larangan Bilang ng
Respondente
Porsiyento
Math 24 22.43%
IT 83 77.57%
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Talahayanan 5: Larangan na kung saan mas Nadadalian ang mga
mag-aaral
Ipinapakita sa Talahayanan 5 kung alin sa Math o IT ang mas nadalian ang
mga mag-aaral. Makikita rito na mas nakararami ang mas nadalian sa IT na
may tugon na 83 o 77.57% na tugon at ang Math na may 24 o 22.43% na
tugon lamang.
MathIT
Grap 5: Larangan na kung saan mas Nadadalian ang mga Mag-aaral
Larangan Bilang ng
Respondente
Porsiyento
Math 83 77.57%
IT 24 22.43%
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Talahayanan 6: Larangan na kung saan mas Nahihirapan ang mga
mag-aaral
Ipinapakita sa Talahayanan 6 kung alin sa Math o IT ang mas nahirapan ang
mga mag-aaral. Makikita rito na mas nakararami ang mas nahirapan sa Math
na may tugon na 83 o 77.57% na tugon at ang IT na may 24 o 22.43% na
tugon lamang.
MathIT
Grap 6: Larangan na kung saan mas nahihirapan ang mga mag-aaral
Marka Bilang ng Porsiyento
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Respondente
1 6 5.61%
2 11 10.28%
3 42 39.25%
4 29 27.10%
5 19 17.76%
Talahayanan 7: Persepsyon ng mga mag-aaral batay sa kahirapan
ng paksa sa Math (1-Napakadali; 5-Napakahirap)
Ipinapakita sa Talahayanan 7 ang persepsyon ng mga mag-aaral ng BS AMIT
sa mga paksa ng Math na kung saan “1” ang napakadali at “5” ang
napakahirap. Makikita rito na ang pinakamaraming tugon ay ang 3 na may
42 o 39.25% na tugon, na sinundan nang 4 na may 29 o 27.10% na tugon, 5
na may 19 na 17.76% na tugon, 2 na may 11 o 10.28% na tugon, at 1 na
may 6 o 5.61% na tugon lamang.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
12345
Grap 7: Persepsyon ng mga mag-aaral batay sa kahirapan ng paksa
sa Math
(1-Napakadali; 5-Napakahirap)
Marka Bilang ng
Respondente
Porsiyento
1 14 13.08%
2 24 22.43%
3 36 33.64%
4 24 22.43%
5 14 13.08%
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Talahayanan 8: Persepsyon ng mga mag-aaral sa kahirapan ng
paksa sa IT
(1-Napakadali; 5-Napakahirap)
Ipinapakita sa Talahayanan 8 ang persepsyon ng mga mag-aaral ng BS AMIT
sa mga paksa ng IT na kung saan “1” ang napakadali at “5” ang
napakahirap. Makikita rito na ang pinakamaraming tugon ay ang 3 na may
36 o 33.64% na tugon, na sinundan nang 2 na may 24 o 22.43% na tugon, 4
na may 24 na 22.43% na tugon, 5 na may 14 o 13.08% na tugon, at 1 na
may 14 o 13.08% na tugon lamang.
12345
Grap 8: Persepsyon ng mga mag-aaral sa kahirapan ng paksa sa IT
(1-Napakadali; 5-Napakahirap)
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Suliranin 4: Ano ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa
panimulang
asignatura ng dalawang larangan?
Marka Bilang ng
Respondente
Porsiyento
1.00 9 8.41%
1.25 14 13.08%
1.50 10 9.35%
1.75 9 8.41%
2.00 12 11.21%
2.25 6 5.61%
2.50 7 6.54%
2.75 14 13.08%
3.00 19 17.76%
5.00 2 1.87%
Talahayanan 9: Marka na nakuha ng mga mag-aaral sa MATH 1
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Ipinapakita sa Talahayanan 9 ang naging marka ng mga mag-aaral ng BS
AMIT sa MATH 1, unang asignatura sa larangan ng Math. Makikita rito na ang
marka na may pinakamaraming tugon ay ang 3.00 na may 19 o 17.76% na
tugon, na sinundan nang 1.25 na may 14 o 13.08% na tugon, 2.75 na may
14 o 13.08% na tugon, 2.00 na may 12 o 11.21% na tugon, 1.50 na may 10 o
9.35% na tugon, 1.00 na may 9 o 8.41% na tugon, 1.75 na may 9 o 8.41% na
tugon, 2.50 na may 7 o 6.54% na tugon, 2.25 na may 6 o 5.61% na tugon at
5.00 na may 2 o 1.87% na tugon lamang.
1.001.251.501.752.002.252.502.753.005.00
Grap 9: Marka na nakuha ng mga mag-aaral sa MATH 1
Marka Bilang ng Porsiyento
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Respondente
1.00 16 14.95%
1.25 24 22.43%
1.50 22 20.56%
1.75 21 19.63%
2.00 8 7.48%
2.25 7 6.54%
2.50 1 0.93%
2.75 2 1.87%
3.00 5 4.67%
5.00 1 0.93%
Talahayanan 10: Marka na nakuha ng mga mag-aaral sa C1A1Y
Ipinapakita sa Talahayanan 10 ang naging marka ng mga mag-aaral ng BS
AMIT sa C1A1Y, unang asignatura sa larangan ng IT. Makikita rito na ang
marka na may pinakamaraming tugon ay ang 1.25 na may 24 o 22.43% na
tugon, na sinundan nang 1.50 na may 22 o 20.56% na tugon, 1.75 na may
21 o 19.63% na tugon, 1.00 na may 16 o 14.95% na tugon, 2.00 na may 8 o
7.48% na tugon, 2.25 na may 7 o 6.54% na tugon, 3.00 na may 5 o 4.67% na
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
tugon, 2.75 na may 2 o 1.87% na tugon, 2.5 na may 1 o 0;93% na tugon at 5
na may 1 o 0;93% na tugon lamang.
1.001.251.501.752.002.252.502.753.005.00
Grap 10: Marka na nakuha ng mga mag-aaral sa C1A1Y
Suliranin 5: Ano ang preprensiya ng mga mag-aaral kung sa aling
larangan nila
gustong magtrabaho?
Larangan Bilang ng Porsiyento
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Respondente
Math 25 23.36%
It 82 76.64%
Talahayanan 11: Larangan na gustong pagtrabahuhan ng mga mag-
aaral
Ipinapakita sa Talahayanan 11 ang preperensiya ng mga mag-aaral ng BS
AMIT kung sa aling larangan nila gustong magtrabaho pagkatapos magtapos.
Makikita rito na ang larangan na may mas maraming tugon ay ang IT na may
82 o 76.64% na tugon at ang Math na may 25 o 23.26% na tugon lamang.
MathIT
Grap 11: Larangan na gustong pagtrabahuhan ng mga mag-aaral
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Suliranin 6: Ano ang gusto nilang maging trabaho?
Trabaho Bilang ng
Respondente
Porsiyento
Teacher/Professor 8 7.48%
Researcher 4 3.74%
System Analyst 17 15.89%
Computer Programmer 32 29.91%
Software Designer 22 20.56%
Webpage Specialist 13 12.15%
Iba 11 10.28%
Talahayanan 12: Gustong maging trabaho ng mga mag-aaral
Ipinapakita sa Talahayanan 12 ang gustong maging trabaho ng mga mag-
aaral ng BS AMIT. Makikita rito na ang trabaho na may pinakaraming tugon
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
ay ang Computer Programmer na may 32 o 29.91% na tugon, na sinundan
nang Software Designer na may 22 o 20.56% na tugon, System Analyst na
may 17 o 15.89% na tugon, Webpage Specialist na may 13 o 12.15% na
tugon, Iba pang trabaho tulad nang sa larangan ng Actuary, Business at
Statistics na may 11 o 10.28% na tugon, Teacher/Professor na may 8 o
7.48% na tugon at Researcher na may 4 o 3.74% na tugon lamang.
Teacher/ProfessorResearcherSystem AnalystComputer Pro-grammerSoftware DesignerWebpage SpecialistIba
Grap 12: Gustong maging trabaho ng mga mag-aaral
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
KABANATA V:
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
LAGOM
Hinggil sa preperensya ng mag aaral ng BS AMIT ng taong 2010-2011,
65.42% ang kalalakihan at 34.58% ang kababaihan sa mga respondents.
Kung saan 9.35% ang nasa edad na 16, 28.97% ang nasa edad na 17,
16.82% ang nasa edad na 18, 28.04% ang nasa edad na 19, 13.08% ang
nasa edad na 20, 1.87% ang nasa edad na 21, at 1.87% ang iba pa.
Sa mga nakalap na impormasyon, 14.95% ang naimpluwensyahan ng
magulang, 0.93% ang sa kaibigan, 5.61% ang sa kamag-anak, at 78.50%
ang sariling desisyon sa pagpili ng kursong ito.
Sa 107 na bilang ng mga respondente, 15.89% ang mayroong gusto sa
mathematics, 46.73% ang sa IT, 26.17% ang sa Mathematics at IT,
samantalang ang natitirang 11.21% ay mga napilitan.
Sa pagpili ng larangan kung saan nadadalian ang mga respondente,
22.43% ang pumili sa Mathematics, 77.57% naman ang sa IT.
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
Sa larangan kung saan mas nahihirapan ang mga mag-aaral, 77.57%
ang sumang-ayon na mas mahirap ang Mathematics at 22.43% ang sumang-
ayon sa larangan ng IT.
5.61% ang nagbigay ng markang 1 o napakadali, 10.28% ang nagbigay
ng 2 o madali, 39.25% ang 3 o neutral: katamtamang hirap at dali, 27.10%
ang nagbigay ng 4 o mahirap at ang nalalabing 17.76% ay ang nagbigay ng
markang 5 o napakahirap. Ito ang lumabas na resulta sa pagmamarka ng
mga respondente sa kahirapan ng mga paksa sa Mathematics.
13.08% ang nagmarka ng 5 o napakahirap, 22.43% ang nagmarka ng
4 o mahirap, 33.64% ang nagmarka ng 3 o neutral: tama lamang ang hirap
at dali, 22.43% ang nagmarka ng 2 o madali at ang natitirang 13.08% ay
nagmarka ng 1 o napakadali ng mga paksa sa IT.
Ang resulta sa mga nakuhang grado sa Mathematics ng mga
respondente ay: 8.41%, ang nakakuha ng 1.00; 13.08%, ang nakakuha ng
1.25; 9.35%, ang nakakuha ng 1.50; 8.41%, ang nakakuha ng 1.75; 11.21%,
ang nakakuha ng 2.00; 5.61%, ang nakakuha ng 2.25; 6.54%, ang nakakuha
ng 2.50; 13.08%, ang nakakuha ng 2.75; 17.76%, ang nakakuha ng 3.00; at
ang 1.87%, ang nakakuha ng 5.00.
Ang resulta sa mga nakuhang grado ng mga respondente sa C1A1Y:
0.93%, ang nakakuha ng 5.00; 4.67%, ang nakakuha ng 3.00; 0.93%, ang
nakakuha ng 2.75; 0.93%, ang nakakuha ng 2.50, 6.54%, ang nakakuha ng
2.25; 7.48%, ang nakakuha ng 2.00; 19.63%, ang nakakuha ng 1.75;
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
20.56%, ang nakakuha ng 1.50; 22.43%, ang nakakuha ng 1.25; at ang
14.95%, ang nakakuha ng 1.00.
Ang resulta sa preperensiya ng mga respondente kung saang larangan
nila nais magtrabaho. Ang 25 na respondente ay nagsabi na nais nilang
magtrabaho sa larangan ng Mathematics. At ang natitirang 82 na
respondente ay naglahad na nais nila sa larangan ng IT magtrabaho. Ang
porsyento ng nais sa Mathematics ay 23.36% at ang sa IT ay 76.64%.
Sa gustong maging trabaho ng mga respondente ang naging resulta
ay: 7.48% o 8 na respondente ang napili ang Teacher/Professor; 3.74% o 4
na respondente ang napili ang Researcher; 15.89% o 17 ang napili ang
System Analyst; 29.91% o 32 na respondente ang napili ang Computer
Programmer; 20.56% o 22 na respondente ang napili ang Software Designer;
12.15% o 13 na respondente ang napili ang Webpage Specialist; at ang
nalalabing porsyento na 10.28% o 11 na respondente ang napili ang iba
pang trabaho o wala pang napipili.
KONGKLUSYON
Aming napatunayan na mas nakararaming mag-aaral ng BS AMIT ang
mas gusto ang larangan ng IT sapagkat para sa kanila, mas madali ito kaysa
sa pag-aaral ng Math na masyadong komplikado. Ang pag-aaral ng IT ay
ginagamitan lamang ng simpleng lohika upang maisagawa ng maayos ang
Preperensiya ng mga mag-aaral ng BS AMIT sa FEU: Math o IT
ginagawang program samantalang ang pag-aaral ng Math ay kinakailangan
na naintindihan talaga ang leksyon at mag-praktis ng mag-praktis sa
pagsosolve ng mga equation upang maging magaling sa larangang ito.
Maganda ang kursong BS AMIT dahil sa taglay nitong “Double Degree” at
dahil diyan, malaki ang posibilidad na maganda ang makuha ng mga mag-
aaral ng kursong ito pagkatapos mag-aral.
REKOMENDASYON