A one-shot story by calebzamora
This story is a fiction, a product of the author’s imagination. Scenes that are similar or related to real-life situations, and/or to living or dead person, are purely coincidental.
Copyright © 2012 by calebzamora of Wattpad.com
No part of this story may be copied, reproduced, distributed, or transmitted, in whole or in part, in any form or by any means, at all times, without prior written permission of the Copyright owner.
Violation of such is illegal and punishable by law.
NO TO PLAGIARISM! DO NOT REDISTRIBUTE. DO NOT EXTRACT THIS FILE.
This SOFT COPY is for PERSONAL USE ONLY.
The Bus
Ilang beses na akong nasaktan sa pag-ibig.
My first girlfriend, Jenny, who also happened to be my first love, died on a car accident.
My second girlfriend, Anna, who also happened to be my best friend, died due to dengue.
My supposedly third girlfriend, Clarisse, died on a plane crash.
And my third girlfriend, Elise, after the day na sinagot niya ako, died on a shooting incident.
Siguro yung iba sa inyo sasabihin na napaka-malas ko naman sa pag-ibig. Kinaya ko pa noong
namatay ang supposedly third girlfriend ko. Supposedly, kasi sinabi niya na sasagutin na niya ako
after ng tour nila sa Cebu. Pero, unfortunately, she died on a plane crash.
But after my third girlfriend died, nawalan na ako ng gana.
Namatay na kasama niya ang puso ko.
Masama mang gawin pero kinuwestiyon ko ang Diyos kung bakit nangyari lahat ito sa buhay ko.
But as what others would say, God always have a better plan for all of us.
Kaya ang ginagawa ko nalang ay ang maghintay. Ngunit wala na talaga. Napagod na ang puso ko
magmahal muli. At napagod na rin itong maghintay, na kung sa huli ay mawawala rin pala ang
hinihintay.
Simula noong mawala si Elise ay nagfocus nalang ako sa trabaho ko. I can say that I have a very
stable job. I’m a supervisor sa isang call center company.
Binaling ko nalang atensyon ko sa trabaho ko. I made a promise to myself na work muna, na I
have no time for love, and will never have a time to love again.
It’s been 8 months mula ng mamatay si Elise. I can say that there still a portion in my heart that
says I still love her. But I know eventually na makakalimutan ko rin siya ng tuluyan, in a sense
that she will be just a part of my past, just like the others.
I’m on my way to work. Nasa bus ako ng may biglang tumabing babae sa akin. I can say na sa
itsura nito ay isa siyang call center agent.
Siguro, she ages between 19-22. Medyo chubby, pero hindi naman sobra. Parang katamtaman lang
ang pangangatawan niya. Maputi. Medyo singkit ang mga mata. May katangusan ang ilong, at
mapupula ang mga labi. Kung ibabase ko sa description ko sa kanya, masasabi kong maganda
itong katabi ko.
May kakaiba akong naramdaman. Parang tila nabuhay muli ang natutulog kong puso. Corny man
sabihin pero ito ang naramramdaman ko. But I decided to ignore it. Baka masyadong matagal
lang akong napatitig sa kanya.
Maya-maya ay lumapit na ang kondoktor sa may pwesto namin.
“Kuya, sa Ortigas lang po.”
Pareho pa kami ng bababaan.
After niyang magbayad ay napagpasyahan ko nalang umidlip muna. Medyo malayo pa naman
yung bababaan namin eh.
After mga 15 minutes ng medyo naalimpungatan ako. Trapik. Yan ang bumungad sa akin. Sana
hindi matagal, meron pa naman akong isang oras before my office hours.
“Ahmm, excuse me po, pwede po bang matanong kung anong oras na?” biglang tanong ng
babaeng katabi ko.
“Sure! It’s 2:58 PM.”
“Ok, thanks!”
Since traffic and nakakaburyo naman kung walang kausap, napagpasiyahan kong kausapin siya.
“Excuse me, if you don’t mind, pwede matanong kung saan ka nagtatrabaho?”
“Actually, trainee palang po ako sa **********.”
“Oh, I’m working there. Saang department ka?”
“Sa outbound po ako sir.”
“Ah, I’m at the technical department. And please, don’t call me sir. I’m only 21. And sorry,
hindi pa pala ako nagpapakilala, I’m James.”
“Nice meeting you, James. I’m Nicole.”
“If you don’t mind, how old are you?”
“I’m 20.”
“Nag-aaral ka pa?”
“Actually, nag-stop muna ako, para makatulong sa pamilya. Fourth year na sana ako this
sem. How about you?”
“I graduated BSBA 2 years ago. Maaga kasi akong pinag-aral, kaya maaga rin nakatapos.”
“Ah, if you don’t mind. Ano ka sa technical dept?”
“Actually, I’m the supervisor.”
“Oh. Bata ka palang, supervisor na agad.”
“Hehe. Hindi naman. Mas bata ka nga sa’kin eh.”
Hindi ko alam pero naging magaan ang loob ko kay Nicole. Marami pa kaming napag-usapan, at
marami rin akong nalaman sa kanya. She’s the eldest sa kanilang anim na magkakapatid. She’s
taking BS Education.
I don’t know. Pero may something na humahatak para lumapit ako sa kanya. Para bang may
magnet. Siguro dahil may hawig sila ni Elise, that’s why naging magaan ang loob ko sa kanya. I
can’t deny na sa maikling panahon ay natutunan ko siyang magustuhan. PBB Teens? As what
others would say. But for me, I don’t care. And I don’t know. Maybe, I’m just confused and need
to sort out my feelings.
“Uy, nanahimihik ka ata.” Her voice snaps me out back to reality.
“A-ano?”
“Sabi ko, nagka-girlfriend ka na ba?” BOOM! Binuksan niya ang isa sa mga topic na ayaw ko na
sanang mapag-usapan.
“…”
“Ok lang kung ayaw mong mapag-usapan. Ako nalang muna.”
“Actually, isang beses palang akong nagka-boyfriend. Back when I was in highschool.
Puppy love, ika nga ng iba. Pero para sa akin, nung mga panahon nay un, it’s true love.
Magkababata kasi kami ni Anthony. Close yung family naming. Kaya hindi rin maiwasan
na asarin kami sa isa’t-isa. Umamin siya sa’kin nung second year kami. Naging kami nung
third year kami. Actually, napaka-saya ko talaga noon. But I guess, hindi kami ang para sa
isa’t-isa. He broke up with me nung first year college kami, sa araw mismo ng anniv.
namin.” Medyo naluluha na siya. Inabot ko yung panyo ko sa kanya. “Thanks. Anu ba yan?
Nakakahiya naman sa’yo.”
“It’s fine. Continue.”
“Ayun nga, he said that he loves someone else. Ang sakit nung mga panahon na yun. But
eventually, naka-move on na rin ako. Naiiyak lang talaga ako pag napag-uusapan ulit, o
pag nakukwento ko ‘to.” Then she smiled. Which, by the way, I find cute. “Ikaw naman.”
“Wait, so my boyfriend ka ngayon?”
“Wala, but I like someone.”
“Okay.” Hindi ko na tinanong kung sino, hindi ko naman siguro kilala.
“Oii, tumatakas ka, ikaw naman magkwento, dali.”
I smiled.
“Minsan lang ako mag-kwento about this part of my life. So you better listen.” I smiled
again at tumango lang siya.
“First year high school ako nung magkaroon ako ng girlfriend. She’s my first love, si
Jenny. Becoming her boyfriend was one of the happiest event of my life. She was my first
GF, I’m her first BF. Sobrang saya namin. Like what you said, sabi nila puppy love lang
yun, pero for us, it’s true love. 6 months na kami noon, and one day, she’s absent. Ewan
ko kung bakit. The I received a text from her, sabi niya, biglaang umuwi yung tito niya
from US, and sinama sila pauwi sa province nila. I texted her na ingat siya, and mag-text
na pag nakarating na sila doon. But little did I know na yun na pala yung huling text niya.
Later that day kasi may tumawag kay mama na naaksidente sila Jenny. Nabangga daw ng
bus yung kotseng sinasakyan nila. Jenny didn’t survive the accident.”
“Umiyak talaga ako nung mga panahon na iyon, then Anna came. She’s my girl bestfriend.
Siya yung umalalay sa akin noong mga panahong pinagluluksa ko si Jenny. We became
really close, hanggang sa naka-move on na ako. And I found myself falling in love with
her. I tell her and sinabi niya na matagal na niya akong gusto, kaya lang nagparaya siya
noon sa amin ni Jenny. So, we give it a shot. And it went well. Siya ang naging second
girlfriend ko. Tumagal kami hanggang third year high school. Then dumating yung
excursion namin sa Mt. Makiling. Masaya kami noon, kasi nga first time dahil laking
Maynila kami. After that excursion, nilagnat si Anna. Dahil nga lagnat lang, she decided
na mag-rest nalang siya. Pero lumala yung kondisyon niya. So we decided na dalhin na
siya sa ospital. Then we found out na may dengue na pala siya. And the doctor said na
incurable na yung stage ng dengue niya. After a few days, she died.”
Tahimik lang na nakikinig si Nicole, pero nakikita kong umiiyak pa rin siya.
“Pasensya na ha, hindi ko mapigilan umiyak.”
“Ok lang, alam kong madrama ang buhay ko. Can I continue?” Tumango lang siya.
“Then after that, hindi muna ako nag-girlfriend. Masyado akong nasaktan noon. Then
nung nag college ako, I met Clarisse. I don’t know pero there’s something sa kanya kaya
again, I fell in love. Niligawan ko siya for 5 months. The day before ng tour nila sa cebu,
she told me na she loves me at pagbalik niya ay sasagutin na niya ako. I was happy that
time. Pero, mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana. On the day of their return, nanood
ako ng tv. Saktong pagbukas ko, may flash report about a plane crash. And that flight
came from Cebu. Kinakabahan na ako noon. And a text from the school admin came na
nagsasabing nasa plane na iyon ang mga students ng school namin. Kinabahan ako. So
fast forward, she’s one of the unlucky passengers.”
“Matagal bago ulit natutong magmahal ng puso ko. And that’s only a year ago. Nang
makilala ko si Elise. Nagtatrabaho siya noon sa katapat namin na call center company.
Nagkakilala kami dahil sa isang bote ng tubig. Papasok na ako noon ng naisipan kong
bumili muna ng tubig. Dahil malayo pa yung convenience store, lumapit ako sa isang
manang na nagtitinda ng candy. Sakto ring lumapit si Elise noon, at sabay kaming
nagsabi ng ‘Ate, tubig nga po.’ Nung time na yun, isa nalang yung tinda nung ale, so ako
nalang yung nagparaya, but she insisted na sa akin nalang ibigay ni ate yun, since hindi
pa naman daw nauuhaw masyado. So ako na nga yung bumili. Uminom lang ng konti, at
binigay ko rin sa kanya yung tubig. After that, we start seeing each other, naging close
friend kami, and the day came that I confessed my feelings for her, she said that time na
mahal din niya ako. Tinanong ko siya kung pwede ko siyang ligawan, pero she said na wag
na dahil hindi na kailangan, at girlfriend ko na siya. I was so happy that time. Halos hindi
ako makatulog sa sobrang tuwa. The next day came, sabay kaming umuwi ni Elise, so ang
routine, ihahatid ko siya, tulad ng ginagawa ko dati nung friends palang kami.
Naglalakad kami noon ng makarinig kami ng putok ng baril. I hugged her that time,
assuring her that she’s safe. But ang hindi ko alam, siya pala yung tinamaan nun. Sakto sa
may puso niya. I was so scared and shocked that time at hindi ako makagalaw. I said na
dalhin ko siya sa hospital but she insisted na wag na, dahil alam daw niyang mawawala na
siya. She just said ‘Is love you’ before she closed her eyes.”
“Sa lahat ng iyon ay kay Elise ang pinakamasakit, seeing the girl you love dying is the
most painful thing for a man. Hindi ko nakitang mamatay si Jenny, Anna or Clarisse. But
Elise died in my arms. I blame myself for what happened to her. I even questioned God
about it. Bakit hindi nalang ako? Kung hindi lang din naman ako sasaya. Kailangan bang
lahat ng mamahalin ko ay mamatay?”
“So I promised myself na hindi na ako magmamahal ulit. I would rather be alone all my
life kesa naman may madamay pang babae sa sumpang ito.”
“But I think, I broke my promise again.”
I started to cry. Even though it may look gay. Buti nalang at konti lang ang sakay ng bus. Nicole
patted my shoulders.
“Ok lang yan, and sorry ah.”
“No, it’s fine. Thanks at gumaan yung pakiramdam ko. First time ko lang kasi magkwento
about this eh.”
“Tahan na, mukhang t@nga na tayo dito.”
“Oo nga eh.”
I looked at my watch. 3:45 pm. At medyo malayo pa kami sa Ortigas. Mukhang late na kami ah.
“May sasabihin pala ako sa’yo James.”
“Ano yun?”
“Actually, thankful ako at sa wakas ay nakausap na kita.” HUH?
“Alam kong nagtataka ka kung bakit sinabi ko yun. Actually, kilala kita. I’m Elise’s
cousin.”
“Huh? How?” Kaya pala may resemblance.
“Alam kong naguguluhan ka nakita na kita noong first time kang dinala ni Elise sa kanila.
Magkapitbahay lang kami. Nung nakita kita, I can’t explain pero there’s something
happened here.” Sabay turo sa puso niya. “Before I knew it, in-love na pala ako sa’yo. Haha.
Nakakatawa no? Unang kita ko palang sa’yo minahal na kita agad. Natutuwa kasi ako
sa’yo pag nakikita kitang kasama si Elise. How I wish na sana ako nalang si Elise. That’s
one of the reasons kaya ako nag-apply sa call center. Kasi nakwento sa akin ni Elise na
nagtatrabaho ka sa isang call center company. Pag nakikita ko kayong magkasama ni
Elise ay nasasaktan ako, pero alam kong wala akong karapatan dahil hindi mo naman ako
kilala, at hindi mo naman ako mahal. Haha. Matagal na talaga kitang gusto makausap.
Kaya nga nung nakita kita pagkasakay ko, I didn’t think twice, tumabi na ako sa’yo kahit
maraming bakante. Sa loob ng halos isang oras na pag-uusap natin, I can’t help but to fall
in love with you more and more. Sorry ah. Ok lang naman kahit hindi mo ako mahalin,
ayos na sa akin na kahit papaano, napasaya kita, at napagaan ko ang loob mo.”
I was dumbfounded. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ako ba?
Minahal ko na ba siya sa loob ng isang oras?
Siguro magaan ang loob ko dahil kamukha siya ni Elise. But did I see her as Nicole? O nakikita ko
lang si Elise sa kanya kung bakit nasabi kong mahal ko na siya?
Pero sa loob ng isang oras, nakilala ko ang tunay na Nicole. Alam kong masaya ako kahit na
ngayon ko lang siya nakilala. Alam kong hindi siya si Elise, siya si Nicole. Siya ang bumuhay sa
akin matapos mamatay ng puso ko kasama ni Elise.
Masyado mang maaga para sabihin pero alam ko kung ano ang nararamdaman ko para kay
Nicole.
“I think I like you.”
“James, wag mo sabihin yan kung gusto mo lang pagaanin ang loob ko. Alam ko naming si
Elise pa rin ang mahal mo, just by looking at you while telling your story. Baliw man ako
pero kaya kong maghintay. Alam kong makakalimutan mo rin siya. It may sound
desperate pero I will help you forget her.”
“Nakalimutan ko na siya. And thanks to you. It may sound ridiculous pero sa loob ng
isang oras na pag-uusap natin, nawala lahat ng sakit na naramdaman ko. And after 8
months or more, ngayon nalang ako ulit sumaya ng ganito. Alam kong mahal na kita,
pero ayoko muna sumugal. Hindi ko siguro kakayanin.”
“Naiintidihan kita, pero you must let go of your past. Love is a gamble. Sometimes we win,
sometimes we lose.”
“Ayun nga eh, apat na beses na akong sumugal, pero laging talo.”
“Sorry kung naguguluhan ka ngayon dahil sa akin.” Tiningnan niya yung phone niya.
“Malapit na pala mag-4. Lalakarin ko nalang siguro mula dito. Medyo malapit naman na
eh. Hindi ako pwedeng ma-late ngayon. Last day na ng training. It’s nice to have a chat
with you. ‘Til we meet again. Bye.”
After that, tumayo na siya at bumaba na ng bus.
Handa na ba talaga akong magmahal muli? Kailangan ko na bang sumugal ulit?
Alam kong parte ng pagmamahal ang masaktan. Pero ang hirap kung lagi ka nalang nasasaktan.
Nakakatakot nang sumugal ulit.
Pero para kay Nicole, alam kong kakayanin ko.
Dahil siya lang ang babaeng nagpakita sa akin na kayang magmahal muli ng taong takot na
magmahal.
Sa loob lamang ng isang oras.
Alam kong handa na ako. Susugal ulit ako.
Wala akong pakialam kung masaktan ulit ako. Pero hindi ko muna kailangan intindihin iyon.
Alam kong eto na yung God’s perfect timing.
This is it.
At tumayo na ako at bumaba ng bus.
FIN.
Words from the Author This is my first short story posted in Wattpad. This story is inspired from Jersey’s and Kevin’s monologue audition piece for Minsan Ako si Madonna from the story The Despicable Guy Book 1 by Leng Anne de Chavez aka shirlengtearjerky of Wattpad.
This is posted on my Wattpad account (http://wattpad.com/calebzamora).
Comments and suggestions may be posted there.
Thanks for reading. This is unedited, so, sorry for any typo and wrong grammar, kung meron.
Do not redistribute and/or repost this story/file without my permission.
Thank you and God bless us all.
-calebzamora