12
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 4 Ang Klasikong Kabihasnan sa Africa; Songhai, Mali at Ghana at Ang Mga Pulo sa Pacific Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Z P Araling Panlipunan · 2021. 1. 26. · Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Republic of the Philippines Department of Education

    Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

    Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 4

    Ang Klasikong Kabihasnan sa Africa; Songhai, Mali at Ghana at Ang Mga Pulo sa Pacific

    Zest for Progress Zeal of Partnership

    8

    Name of Learner: ___________________________

    Grade & Section: ___________________________

    Name of School: ___________________________

  • Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Lelineth B. Tumapon Editor: Florence S. Gallemit

    Ma.Vilma E. Mahinay

    Julito H. Abne

    Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Peter Alavanza, Name of layout artist Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa Dr. Jephone P. Yorong

    Florence S. Gallemit

    Leah B. Acoymo

  • Alamin

    Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

    Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng mga klasikong kabihasnan sa Africa; Songhai, Mali at Ghana at Mga Pulo sa Pacific.

    Mga Layunin:

    1. Nasusuri ang mga pangyayari sa pag-usbong at pag-unlad ng klasikong kabihasnan ng Africa; ang Songhai, Mali at Ghana.

    2. Natatalakay ang katangian ng mga pulo sa pacific; Polynesia, Micronesia, at Melanesia.

    Balikan

    Bago natin simulan ang bagong aralin, sagutin muna ang sumusunod na mga

    tanong.Bilgan ang titik ng tamang sagot .

    1. Alin sa sumusunod na mga kabihasnan sa Mesoamerica ang namayani sa Yucatan Peninsula? A. Maya C. Aztec B. Inca D. Olmec 2. Ano ang tawag sa nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy? A. Olmec C. Aztec B. Inca D. Maya 3. Sino sa mga sumusunod na pinuno ng kabihasnang Inca ang nagtatag ng lipunang may isang sentralisadong estado. A. Pachakuti C. Manco Capac B. Topa Yupanqui D. Huayna Capac 4. Ano ang kahulugan ng salitang Inca? A. Teritoryo C. Kabihasnan B. Imperyo D. Kaharian 5. Ano ang tawag sa artipisyal na pulo na nilikha ng mga Aztec upang madagdagan ang lupaing pagtataniman? A. Isla C. Floating island B. Burol D. Floating garden

    Tuklasin

    Aralin 1

    Ang Klasikong Kabihasnan sa Africa; Songhai, Mali at Ghana at mga Pulo sa Pacific

  • Ang Imperyong Ghana Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba-ibang produkto tulad ivory, ostrich, feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala sila. Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon. Ipinagpautos ni Haring Al-Bakri na ibigay sa kaniya ang mga butil ng ginto at tanging mga gold dust ang pinayagang ipagbili sa kalakalan kaya nanatili ang mataas na halaga ng ginto. Ang Imperyong Mali

    Ang Mali ang tagapagmana ng Ghana. Nagsimula ang Mali sa estado ng Kangaba, isa sa mahalagang outpost ng Imperyong Ghana. Ang pag-akyat ng Mali sa kapangyari- han ay sinimulan ni Sundiata Keita. Noong 1240, sinalakay niya at winakasan ang kapangyarihan ng Imperyong Ghana. Sa pamamagitan ng patuloy na pananalakay, ang Imperyong Mali ay lumawak pakanluran patungong lambak ng Senegal River at Gambia River, pasilangan patungong Timbuktu, at pahilaga patungong Sahara Desert. Hawak nito ang mga ruta ng kalakalan. Noong mamatay si Sundiata noong 1255, ang Imper- yong Mali ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Katulad ng Ghana, ang Imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Nang mamuno si Mansa Musa noong 1312, higit pa niyang pinalawak ang teritoryo ng imperyo. Sa pagsapit ng 1325, ang malalaking lungsod pangkalakalan tulad ng Walata, Djenne, Timbuktu, at Goa ay naging bahagi ng Imperyong Mali. Maliban sa pagpapalawak ng imperyo, naging bantog din si Mansa Musa sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook-dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod ng imperyo. Hinikayat niya ang mga iskolar na pumunta sa Mali. Sa panahon ng kaniyang paghahari, ang Gao, Timbuktu, at Djenne ay naging sentro ng karunungan at pananampalataya. Ang Imperyong Songhai Simula pa noong ika-walong siglo, ang Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Maliban sa kalakalan, dala rin ng mga Berber ang pananampalatayang Islam. Sa pagsapit ng 1010, tinanggap ni Dia Kossoi, hari ng mga Songhai, ang Islam. Noong 1325, ang Songhai ay sinalakay at binihag ng Imperyong Mali. Subalit hindi ito nagtagal sa pagiging bihag ni Mali. Mula 1461 hanggang 1492, sa ilalim ni Haring Sunni Ali, ang Songhai ay naging isang malaking imperyo. Sa panahon ng kaniyang paghahari, pinalawak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng kasalukuyang Niger hanggang Djenne. Hindi niya tinanggap ang Islam sapagkat naniniwala siyang sapat na ang kaniyang kapangyarihan at ang suporta sa kaniya ng mga katutubong mangingisda at magsasaka. Ang mga imperyong ito ay naging makapangyarihan dahil sa kalakalan. Pangunahing produkto nila ang ginto. Nag- silbi silang tagapamagitan ng mga African na mayaman sa ginto at ng mga African na mayaman sa asin. Sa pana- hong ito, ginagamit ng mga African ang ginto upang ipam- bili ng asin. Ginagamit ng mga African ang asin upang mapreserba ang kanilang mga pagkain. Ang Mga Pulo sa Pacific

    Ang mga pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ang POLYNESIA ay maraming isla; poly (marami), nesia (isla). Ang MICRONESIA naman ay maliliit na mga isla; micro (maliit), nesia (isla), samantalang ang MELANESIA ay maiitim ang mga tao dito; mela (maitim), nesia (isla).

  • Mapa ng mga Pulo sa Pacific

    Ang POLYNESIA ay matatagpuan sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng Melanesia at Micronesia. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia. Ito ay binubuo ng New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands, Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda. Ang karaniwang tanim nila ay taro o gabi, yam, o ube, breadfruit, saging, tubo, at niyog. Sa pangingisda naman nakakuha ng tuna, hipon, octupos, pating at iba pa. Sila ay naniniwala sa banal na kapangyarihan o mana. Ang katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas”. Sa sinaunang Polynesian, ang mana ay maaaring nasa gusali, bato, Bangka, at iba pang bagay.

    Ang MICRONESIA ay maliliit na pulo na matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at sa silangan ng Asya. Ito ay binubuo ng Caroline Islands, Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands o Kiribati at Nauru. Ang sinaunang pamayanan dito ay matatagpuan malapit sa lawa o dagat-dagatan. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian. Nagtatanim sila ng taro, breadfruit, niyog, at pandan. Sagana ang mga ito sa asukal at starch na maaring gawing harina. Pangingisda ang isa pang ikinabubuhay ng mga Micronesian. Malimit din ang kalakalan ng magkakaratig-pulo. Animismo ang sinaunang relihiyon ng mga Micronesian. Ang ritwal ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalay ng unang ani.

    Ang MELANESIA ay matatagpuan sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Australia. Ito ay binubuo ng New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Giunea, Solomon Islands, Vanuatu, New Caledonia, at Fiji Islands. Ang sinaunang pamayanan ditto ay maaaring nasa baybaying-dagat o sa dakong loob pa. Pinamumunuan ito ng mga mandirigma. Tagumpay sa digmaan ang pangkaraniwang batayan ng pagpili sa pinuno. Taro at yam ang pangunahing sinasaka sa Melanesia. Nagtatanim din sila ng pandan at sago palm. Pangingisda, pag-aalaga ng baboy at pangangaso ang iba pang kabuhayan. Naniniwala rin sa animismo ang mga sinaunang Melanesian.

    Suriin

    Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa espasyo na inilaan. 1. Ano ang naging batayan ng pag-unlad ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana? 2. Paano nakamit ng Imperyong Mali ang kapangyarihan mula sa Imperyong Ghana?

  • 3. Bakit naging tanyag si Mansa Musa sa Imperyong Mali? 4. Paano napalawak ni Sunni Ali ang Imperyong Songhai? 5. Ano ang naging batayan ng kapangyarihan ng Imperyong Ghana, Mali at Songhai? 6. Gaano kahalaga ang asin at ginto ng imperyong Ghana, Mali at Songhai? 7. Saan matatagpuan ang Polynesia? 8.Ano-ano ang mga lugar o bansa na nasasakop ng Micronesia? 9.Ano-ano ang pangunahing kabuhayan ng mga Melanesian? 10.Sa anong aspeto nagkakatulad ang Polynesia, Micronesia at Melanesia?

    Pagyamanin Three Words in One: Panuto: Tukuyin kung sa anong imperyo ng Aprika nabibilang ang mga lugar, tao o bagay na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa bakanteng kahon.

    1. 2.

    Kanlurang Africa Ivory, ostrich

    Niger River

    Trans-Sahara

    Dia Kossoi Gao at Timbuktu

  • 3. 4.

    Hula , Hoop! Panuto: Alamin kung ano ang hinihiling ng mga pahayag sa bawat

    bilang. Mamili ng sagot mula sa mga salitang nakasulat sa malaking hula hoop. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

    ___________ 5. Ginagamit ito ng mga African upang ipambili ng asin.

    ____________ 6. Ito ay ipinagawa ni Mansa Musa noong 1935.

    ____________ 7. Ang pulo sa pacific na matatagpuan sa hilaga at silangang baybayin baybay-dagat.

    ____________ 8. Tumutukoy sa banal na kapangyarihan na nangangahulugang bisa o lakas.

    ____________ 9. Nasasakop ng islang ito ang Caroline Islands, Marianas Islands at Kiribati.

    ____________ 10. Ang sinaunang relihiyon ng mga Melanesian at Micronesian.

    Gawain

    Gawain 1: HISTORY MAKERS

    Panuto: Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong mga napag-aralan tungkol sa mga pinuno ng mga Kabihasnan sa Africa.

    Sundiata Keita Senegal River Sahara Desert

    Mansa Musa Walata. Djenne Kanlurang Sudan

    A. Mana D. Sankore Mosque

    B. Ginto E. Melanesia

    C. Micronesia F. Animismo

  • PINUNO IMPERYONG PINAMUNUAN

    MAHALAGANG NAGAWA

    Al-Bakri

    Sundiata Keita

    Mansa Musa

    Dia Kossoi

    Sunni Ali

    Gawain 2: Data Retrieval Chart

    Panuto: Punan ng mga kinakailangang impormasyon ang talahanayan.

    ISLA KAHULUGAN NG PANGALAN

    KABUHAYAN RELIHIYON

    Polynesia

    Micronesia

    Melanesia

    RUBRIC sa Pagmamarka ng History Maker at Data Retrieval Chart

    Pamantayan Diskripsiyon Puntos

    Nilalaman Nailalahad ang tamang kaalaman tungkol sa paksa.

    10

    Kalinisan Malinaw at malinis ang gawain. 5

    Kabuuan 15

  • Isaisip

    Gawain: FACTS OR VIEWS

    Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang FACT o VIEW. Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang FACT kung ang pahayag ay katotohanan, at isulat ang VIEW kung ang pahayag ay opinyon. _______1. Sa imperyong Ghana, Malayang nakapagtatanim ang mga tao

    dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan. _______2. Naging isang malaking imperyo ang Songhai bunga ng pagdating

    ng mga Berber na nakikipagkalakalan sa Niger River. _______3. Ang imperyong Ghana, Mali at Songhai ay naging makapangya-

    rihan dahil sa kalakalan. _______4. Sa mga African, mas malaki ang halaga ng asin kaysa ginto. _______5. Sa imperyong Mali, si Mansa Musa ay kilala hindi lamang dahil sa pagpapalawak nito

    ng imperyo, kundi dahil sa pagpapahalagang ibinigay niya sa karunungan. _______6. Ang Polynesia ay isa sa mga pulo sa pacific na binubuo ng maraming isla kaya mas

    naimpluwensiyahan nito ang iba pang isla. _______7. Naging pangunahing kabuhayan ng mga pulo sa pacific ang pangingisda at pagsasaka. _______8. Ang Polynesia ay higit na malaki kaysa pinagsamang lupain ng Melanesia at Micronesia. _______9. Dahil malapit sa mga lawa o dagat-dagatan ang sinaunang pamayanan ng Micronesia,

    kaya madali lang sa mga tao ang lumabas at maglayag sa karagatan. _______10. Ang salitang Melanesia ay nangangahulugang mela o maitim at nesia o isla. Tinawag

    itong maitim dahil ang mga isla dito ay may maiitim na dalampasigan.

    Tayahin Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem o tanong. Bilugan ang titik ng iyong tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod na pinuno ng mga imperyo sa Africa ang naging tanyag dahil sa pagpapahalagang ibinigay sa karunungan? A. Mansa Musa C. Sunni Ali B. Sundiata Keita D. Dia Kossoi 2. Ano ang pangkat ng tao ang nakikipagkalakalan sa Songhai na nagdadala rin ng pananampalatayang Islam? A. Barbaro C. Muslim B. Berber D. Hindu 3. Paano naging makapangyarihan ang imperyong Ghana, Mali at Songhai? A. Dahil sa pagsasaka C. Dahil sa kalakalan B. Dahil sa pangangaso D. Dahil sa paggawa ng palayok 4. Ano ang pangunahing produkto ng mga imperyo sa Africa? A. Asin C. Karne B. Asukal D. Ginto 5. Paano ginamit ng mga African ang ginto? A. Pambili ng asin C. Palamuti sa katawan B. Pambili ng asukal D. Pambili ng iba pang produkto 6. Ano ang kahulugan ng salitang Micronesia? A. Maraming isla C. Maitim na isla B. Maliit na isla D. Maitim ang mga tao

  • 7. Alin sa mga sumusunod na mga pulo sa pacific ang matatagpuan sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya?

    A. Polynesia C. Pacific Ocean B. Melanesia D. Micronesia 8. Alin sa mga sumusunod na mga isla o lugar ang nabibilang sa Melanesia? A. Marianas Islands C. Papua New Guinea B. Cook Islands D. New Zealand 9. Ano ang relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Micronesian? A. Animismo C. Buddhismo B. Hinduismo D. Mana 10. Alin sa mga sumusunod nagkakatulad ang tatalong pulo sa pacific? A. Relihiyon C. Paniniwala B. Kabuhayan D. Kaalam

    Karagdagang Gawain

    Mamili ng isa mula sa dalawang pagpipilian at gawin ang hinihiling. A.) Bumuo ng isang SAKNONG ng Tula na binubuo ng apat na TALUDTOD

    tungkol sa Kabihasnang Ghana, Mali at Songhai. B.) Sumulat ng isang TALATA sa mga bagay na inyong natutunan mula sa Mga Pulo sa Pacific.

    RUBRIC sa Pagmamarka ng Gawain

    Pamantayan Diskripsiyon Puntos

    Kabuuan ng Gawain

    Naglalaman ng tukmang kaalaman kaugnay sa paksa. May malalim at makahulugan ang kabuuan ng gawain

    10

    Sukat at Tugma Gumamit ng mahusay at angkop na salita, sukat at tugma

    10

    Kabuuan 20

  • Susi sa Pagwawasto

    Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan 8 (Kasaysayan ng Daigdig) Mga Manunulat - Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C.

    Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorena S. Asis

    BALIKAN

    1. A

    2. C

    3. A

    4. B

    5. D

    PAGYAMANIN

    1. Ghana

    2. Songhai

    3. Mali

    4. Mali

    5. B

    6. D

    7. E

    8. A

    9. C

    10. F

    ISAISIP

    1. FACT

    2. VIEW

    3. FACT

    4. VIEW

    5. FACT

    6. VIEW

    7. FACT

    8. FACT

    9. FACT

    10. VIEW

    TAYAHIN

    1. A 6. B

    2. B 7. D

    3. C 8. C

    4. D 9. A

    5. A 10. B

  • 1

    Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

    Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

    Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX

    Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land

    Region IX Our.. Eden... Land...

    The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.

    In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.

    Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.

    “And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”

    And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!

    I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.