3
“Yes! Pasado ako!“, "Mam/Sir pwede pa po ba magpasa bukas?”, “C.R tayo”, “Kinikilig ako, nagkatitigan kami ni crush”, “Sana suspended”. Mga katagang di nawawala sa buhay hayskul. Sabi nga nila ang buhay hayskul ang pinakamasayang apat na taon ng ating buhay. Dito mo mararanasang umibig, gumala, mapariwara sa buhay, at tawagin lahat ng santo para tulungan ka. Sa apat na taon na yun ay marami ka ng naranasan at nakilala. Dito mo masasabi na “Sana ganito nalang habambuhay.” Ito na kasi ang parte ng iyong buhay kung saan ang iyong pagkatao ay unti-unti ng nahuhubog sa pagiging isang dalaga at binata. Dito na tayo napapasabi ng “Pwede bang manligaw?”, “ Ang sakit, pinaasa niya lang ako”. Ito na kasi ang yugto ng ating buhay kung saan binigay ng Diyos upang matutunan ang lahat ng ating pagkakamali. Ang buhay hayskul ang pinakamasarap na apat na taon ng ating buhay. Sa bawat araw ay masasabi mong best day ever o di kaya ay worst day ever. Dito tayo makakahanap ng tunay na kaibigan at plastik na kaibigan. Dito mo makikilala ang mga tao na dapat hindi na binuhay sa mundo. Dito ka rin makakahanap ng mga gurong ubod ng bait at mga gurong katakot takot. Sa bawat klasrum ay may isang estudyante na laging pinapasaya ang buong klase, siya yung tipong hindi nauubusan ng joke. Ngunit, hindi rin maiiwasan ang mga estudyanteng KSP o kulang sa pansin, mga taong bida-bida. Sila yung kinaiinisan ng lahat at ang pinaguusapan ng mga tsimosa at tsismoso. Meron din namang mga PDA o public display of affection yung walang ginawa kung hindi maglandian. Syempre di rin mawawala ang mga grupo grupo. Grupo ng mga matitino, grupo ng mga matatalino, grupo ng mga pasaway at grupo ng magkakaibigan lang talaga. Di rin mawawala ang mga projects na kung kailan pasahan ng bukas tyaka ka palang gagawa, pupunta kung kani kaninong bahay para gumawa ng projects, ang group projects na ang leader lang ang gagawa. Syempre sa

Yes

Embed Size (px)

DESCRIPTION

as dsa d

Citation preview

Yes! Pasado ako!, "Mam/Sir pwede pa po ba magpasa bukas?, C.R tayo, Kinikilig ako, nagkatitigan kami ni crush, Sana suspended. Mga katagang di nawawala sa buhay hayskul. Sabi nga nila ang buhay hayskul ang pinakamasayang apat na taon ng ating buhay. Dito mo mararanasang umibig, gumala, mapariwara sa buhay, at tawagin lahat ng santo para tulungan ka. Sa apat na taon na yun ay marami ka ng naranasan at nakilala. Dito mo masasabi na Sana ganito nalang habambuhay. Ito na kasi ang parte ng iyong buhay kung saan ang iyong pagkatao ay unti-unti ng nahuhubog sa pagiging isang dalaga at binata. Dito na tayo napapasabi ng Pwede bang manligaw?, Ang sakit, pinaasa niya lang ako. Ito na kasi ang yugto ng ating buhay kung saan binigay ng Diyos upang matutunan ang lahat ng ating pagkakamali. Ang buhay hayskul ang pinakamasarap na apat na taon ng ating buhay. Sa bawat araw ay masasabi mong best day ever o di kaya ay worst day ever. Dito tayo makakahanap ng tunay na kaibigan at plastik na kaibigan. Dito mo makikilala ang mga tao na dapat hindi na binuhay sa mundo. Dito ka rin makakahanap ng mga gurong ubod ng bait at mga gurong katakot takot. Sa bawat klasrum ay may isang estudyante na laging pinapasaya ang buong klase, siya yung tipong hindi nauubusan ng joke. Ngunit, hindi rin maiiwasan ang mga estudyanteng KSP o kulang sa pansin, mga taong bida-bida. Sila yung kinaiinisan ng lahat at ang pinaguusapan ng mga tsimosa at tsismoso. Meron din namang mga PDA o public display of affection yung walang ginawa kung hindi maglandian. Syempre di rin mawawala ang mga grupo grupo. Grupo ng mga matitino, grupo ng mga matatalino, grupo ng mga pasaway at grupo ng magkakaibigan lang talaga. Di rin mawawala ang mga projects na kung kailan pasahan ng bukas tyaka ka palang gagawa, pupunta kung kani kaninong bahay para gumawa ng projects, ang group projects na ang leader lang ang gagawa. Syempre sa kabila ng lahat napakasaya parin ng buhay hayskul dahil sa mga taong di ka iniwan tulad ng iyong mga guro at mga kaibigan.Ano nga ba ang hayskul? Marami ang nagsasabing ito ang pinaka sa lahat. Pinakamasaya, pinakaexciting, pinakadi-malilimutan at ang pinakamaraming karanasan sa loob at labas ng paaralan. Ito ang panahon kung saan nagaganap ang pagbibinata at pagdadalaga ng bawat mag-aaral. Kaya marahil ito ang matatawag na di malilimutang estado ng pag-aaral ng bawat isa. Bakit nga ba ito kailangang pagdaanan ng bawat magaaral? Siguro ay dahil ito ang pinakamagaling na guro na magpapakita sa bawat magaaral kung ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit kailangan ng edukasyon at ito ang maghahanda sa mga kabataan sa kanilang pagharap sa realidad ng buhay. Ang hayskul ay kung saan nagaganap ang mga unang karanasan ng bawat magaaral. Tulad na lang ng unang paghanga na akala nilay panghabang buhay na ang taong gusto nila. Mayroon ding unang pagkabigo na akala moy ikamamatay na nila dahilan lang sa may ibang gusto ang taong gusto nila. Kaya naman naimbento ang mga salitang paasa, umaasa, friendzone, complicated, walang forever. Ganyan kagulo ang buhay hayskul. Hindi maaaring pumapasok ka lang para magaral dahil sa bawat pagpasok sa umaga, parte na ng pang araw-araw na buhay ang ibat ibang issues, compliments, at trip sa buhay. Ang buhay hayskul ay hindi madali pero punong puno ng kasiyahan, trip, komplikasyon at hamon sa buhay kaya naging isang makabuluhan at di malilimutang karanasan ang buhay hayskul. Siguroy kung sino man ang di makapag hayskul ay parang nawala na ang kalahating buhay nila. Bakit? Dahil ang hayskul ang magtuturo sayo ng napakaraming bagay sa mundong iyong kinatatayuan. Tuturuan ka kung pano magpahalaga sa mga oportunidad ng buhay, oras na dapat di sayangin, kapaligiran na dapat linisin at di pabayaan, mga taong dapat mahalin at irespeto. Tuturuan ka rin kung pano magmahal at pano mahalin. Maging ang paano masaktan ay mararanasan sa buhay hayskul. Kung paano masaktan ng taong mahal mo at gurong nagbigay sa iyo ng mababang grado. Komplikado pero masaya. Yan ang buhay hayskul na dapat maranasan ng bawat tao sa mundo. Isang hindi malilimutang parte ng ating buhay.Ang sarap lang balikan yung mga panahon na ganon, ngayong graduation. Sa loob ng apat na taon, napakaraming nangyari na siguradong nakatatak na sa isipan mo, mga pangyayaring hindi mo inasahan. Sa apat na taon natin sa Calauag Montessori, marami akong natutunan. Natuto tayong makisalamuha sa ibang tao. Natuto rin tayong tumayo sa sarili nating paa at hindi umasa sa iba. Natuto tayong umuwi ng gabi o hindi na umuwi dahil sa mga performance tasks. Natuto tayong makipag-usap ng English. Natuto tayong magdasal araw-araw. Natuto tayong makibagay sa iba. At higit sa lahat, natutunan nating kilalanin ang sarili natin at ang mga kakayahan. May mga tao din na siguradong naging malaking parte ng buhay mo, maaaring tumulong sila sa paghubog kung sino ka man ngayon. Ngayon may mga tanong na gumugulo sa isip ko. Paano na kaya tayo sa college? Ano na kayang mangyayari sa atin kapag nakatapos na ako ng pag-aaral? Ano kaya tayo 10 years from now? Sa ngayon parang mahirap pang iwanan nang tuluyan ang buhay high-school. Mahirap mag-adjust dahil nakasanayan mo na ang mga taong nakasama mo sa iyong buhay hayskul. Darating talaga sa buhay natin na magkakahiwalay rin tayo ng ating high-school family dahil hindi permanente ang lahat lalo na sa pag-aaral. Sa ganitong pangyayari, hindi maiiwasang paghiwahiwalayin ang mga nagbubuklod. May mga pagkakataon at oportunidad na dumadating sa atin na kailangan nating tanggapin. Ilang oras na lang ang natitira at matutuldukan na ang aking buhay hayskul. Masaya ang pagiging high school student, ibang-iba sa lahat. Kaya habang sana nasulit natin ang buhay hayskul sa Calauag Montessori. Ako sulit ko ito, ikaw kaya? Mamimiss natin ito.