Upload
rodolfo-azanza
View
241
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
�� � ���� �� �� ���������
RODOLFO AZANZA
OO NGA
ANG SAYA SAYA
FROM THE AUTHOR OF THIS IS YOUR KUNG‐FU: 17 MINDSETS FOR NON‐HERMITS
AND THE TAO OF HELMUT
THE WISDOM OF FLYING SOLO
1
BABALA: ANG LIBRONG ITO AY HINDI PWEDENG IPANG-GIFT SA CRUSH MO.
Mga
Kwentong
Style-Bulok
Sa Pagchi-
Chicks ni El
Verzo
����� ��� ��� ���������
2
KABANATA UNO:
Ang Kasaysayan sa Likod ng Pangalan ni El Verzo at ang Alamat Ni Hernando
Ang isa sa mga talento ko ay nakakautot ako ng may tono. Champion ako sa
event na ito sa barkada namin sa high school. Nag ne‐name the tune pa nga
kami. Ang pinakamaganda kong nakatha sa pamagitan ng pag‐utot ay ang
first 11 notes ng Strawberry Fields ng Beatles.
Hindi talaga El Verzo ang pangalan ko. Ang firstname ko, Tomas. Ang last
name ko naman Timoteo. Nung nagiisip ako ng pseudonym, marami akong
pinagpilian. Ang isa sa pinakamuntik ko nang mapili, yung Anonymous. Kaya
lang may nakapili na pala dun. Kaya wag na yun. May nag suggest din, bakit
hindi na lang daw T.Timoteo, para short version ng full name ko. Pangit lang
pakinggan ano ha?
Teka, marahil nagtatanong kayo, bakit ako naghanap ng pesudonym.
Syempre, noon pa man ayoko na talaga ng Tomas. Nung high school ako,
nagbalak akong mag‐ipon ng pera para magpabinyag ng ibang name. Hulog
ako ng hulog ng coins sa pinto ng kwarto namin sa probinsya. Yung pinto
kasi naman double‐wall ng plywood, kaya pag linagyan mo ng gatla, may
puwang sa gitna na para bagang alkansya. Drinowingan pa nga kuya ko ng
mukha ng baboy kasi daw piggy bank dapt mukhang pig. Tataka nga si
����� ��� ��� ���������
3
erpats kung bakit may drowing sa pinto. Eh kasi nga piggy bank, engerts.
Akala nya naman idol lang namin yung tindera ng sa‐malamig sa tapat ng
school. Eniwey, nung tingin ko marami na akong ipon, pinalakol ko yung
pinto, tapos binilang ko yung ipon ko. Beinte kwatro pesos at sitenta
sentimos. Sabi ni Attorney Satairapan, mag‐ipon pa daw ako ng 125 years
and 7 months. Hindi na rin natuloy kasi kinuha ni erpats yung pera,
pinambili ng bagong plywood.
Medyo OK pa nung una yung Tomas, kahit talagang mukhang panahon pa
ng El Filibusterismo ang tunog. Kaso lang nung bandang huli, may lumabas
na sarsang Mang Tomas. Ayoko na talaga! Kaya nung pumili na ako ng
pseudonym, naisip ko, ah El, short for Emmanuel. Kasya di ba?
Eh bakit naman Verzo? Ganito yan. Combination yan ng Voltes 5, Eragon,
Roxetta (wag nyo igo‐google ito, please lang) , Zorro at Orthanc. Ayos ba?
O, wag nyo nang ipaisa‐isa sa akin yan magtatagal tayo baka 50 pages na di
pa tayo makarating sa usapang pag chi‐chicks, loko.
So, bakit nga ako naghanap ng pseudonym? Yung nga, ayaw ko ng Tomas.
Pero bakit ayaw ko rin ng Timoteo? Kasi nagkataon yung kuya ko, nung
kolehiyo na kami, masyadong popular. Tumakbong USC chairman, at
nanalo. Papapaanong di mananalo eh lahat ng org sinalihan. Nayaya pa nga
akong mag‐join nung pumasok sa KM. Minsan nagkabit kami ng
paraphernalia sa likod ng Humanities building. May dala akong timba na
����� ��� ��� ���������
4
puno ng gawgaw, at hawak ko rin ang paint brush na kwatro pulgada ang
lapad. Pintura ako ng pintura sa pader, pagkatapos takbo sa dilim. Labas
naman si utol, kabit ng kabit ng poster tapos takbo sa dilim. Tagumpay ang
misyon. Daan ng daan ang ronda ng mga pigoy, panis sila, di nila kami
nasakote. Kinabukasan puro baliktad yung poster. Asar na asar ako, anti‐
climactic ang dating. Sabi naman nya, OK lang yun, marurunong naman daw
bumasa ng pabaliktad ang mga taga UP. May point sya dyan. Yun ngang
kaibigan kong si Sam, kung magsalita sa normal na pangaraw‐araw,
pabaliktad . Cryptic sya, men. Sabi nya sa akin minsan, erp, nits batoganits?
Nampuchea. Sabi ko, erp, I’m sorry I don’t speak Klingon. But I digress.
So, yung utol ko nga, masyadong popular. Kaya ang tawag sa akin ng mga
tao sa campus, utol ni Patrick. Wala akong identity. I only found my identity
nung magkaroon ako ng pseudonym. Syempre ang lakas ng palo diba? Hi
I’m El Verzo. Foreign‐sounding, erp!
At yan ang una kong payo sa ‘yo. Kung mahina ang arrive ng pangalan mo,
bumawi ka sa nickname. At pumili ka ng bagyo ang dating. Lalong lalo na
kung ang nickname mo ay tunog doorbell: Bingbong, Dingdong, Jingjing,
hetsetera, hetsetera. Biro mo yung brod ko, habang bumibili ng sardinas sa
tindahan sa Grove, may tumawag sa kanya bigla, Dingdong! Sigaw agad ang
tindera, hoy Jordan, taragis ka tigilan mo yang kaka PSP, may
nagdodoorbell! So my friend said, Manang, ako po yun, may tumawag lang
sa akin, Dingdong ho kasi nickname ko. Ganun ba, magpalit ka kaya ng
����� ��� ��� ���������
5
nickname iho, walang katorya torya eh, nakakalito pa. Gawin mo kayang
Counterstrike.
Ang kagandahan sa pagpapalit ng nickname, walang gastos yan. Kung
magpapalit ka ng pangalan, ayon sa aking research, kailanga i‐file yan sa
court of law. Naloko na! Ang laki ng gastos nyan pag may kasama nang
serbisyo legal. Eh tipid ka na nga ng tipid sa drinks, imbes bibili ka ng SMB,
Red Horse na lang para malakas agad ang amats. Tapos di ba tumititig ka pa
sa channel na walang palabas, yung puro haze lang, para doble‐amats pa.
Tapos lahat ng natipid mo ibabayad mo sa abogado para ka makapagpalit
ng pangalan? Tsk tsk.
Eniwey, halimbawa, kung ang pangalan mo Gilbert, ang most likely na
nickname nyan tatlo lang: Gil, Bert or Gilbert din. Plain masyado. Kumbaga
sa siopao bola‐bola, walang itlog na maalat. Kung sa goto, walang
chicharon. At pag minalas‐malas ka pa ng konti at medyo pa tweetams ang
nanay mo sayo nung elementary ka, malamang ang nickname mo, Baby Gil,
o kaya Bebe Bert. Todas ka, wala kang mapapasagot, loko. Tatanda kang
hindi nakakatikim ng putahe, puro kanin ka lang. May kaibigan ako, si
Gilbert. Ang nickname nya ay, you guessed it right: Gilbert. Pero
somewhere along the way, pinalitan din nya. Ginawa nyang…Treb. Sounds
like Dranreb. Showbiz di ba? Ayun, maraming napasagot yun. Sa dami ng
bebot sa buhay hindi grumaduate. Pero kahit di grumaduate, nakapag
����� ��� ��� ���������
6
abroad at ngayong ay nagkakamal ng limpak‐limpak na salapi. Syempre UP
eh.
Bukod sa babaliktarin mo yung name mo, ano pa kaya ang magandang
paraan ng pagpili ng nickname. Eto: pwede mong gawing tunog Russian.
Yung friend ko na si Boy Hagapet, ginawa nyang Boris Hagapov. Pumatok sa
mga chicks, sumikat si loko. Kasi ang pasok nya, Hi, my name is Boris, Boris
Hagapov. And I can think of a nice nickname for you. Di itatanong agad ng
chick, really? Like maybe, Natasha? Sasagot naman si Boy: No. Doris.
Napanood nya daw sa True Lies yung mga linyang yan.
May kilala rin akong kumuha ng nickname na Noysky Oplasky, sikat din yun,
marami nga yung pinaluha eh.
At may kaibigan din akong Franklin ang tutuong pangalan, hinango pa sa
pinakasikat na presidenteng kano, si FDR. Ang nickname naman nya, Glenn.
Just imagine, ang pasok lagi ng usapan: ako nga pala si Franklin, just call me
Glenn. Di sasabihin ng girl, ay bakit Glenn, parang ang layo sa Franklin. Di
sasagot naman si Glenn, ah, eh, alam mo, to be frank about it, kaya Glenn
dahil… hetsetera, hetsetera. And so the conversation proceeds smoothly,
having been seamlessly ushered by a seemingly benign but
incomprehensible mystery and the girl was unable to instantaneously grasp
that it was all but a well‐concocted messenger‐receiver ploy. Ayos ba? Pero
paliwanag ko lang ha, baka kasi mabasa ito ng misis ni Glenn. Walang
����� ��� ��� ���������
7
pinaluha si Glenn. Wala siyang pinaluha! May dalawa lang syang pina‐asa.
So in short, maganda rin yan na ang nickname mo isang kilometro ang layo
sa tunay mong first name.
Ang kahalagahan ng nickname ay hindi matatawaran. Sigurado ako dyan.
May research akong ginawa dyan eh. Noong nasa kolehiyo ako, pag sabado
syempre CMT yan. Kung babae ka di mo alam yan, kasi lalaki lang ang
required nyan. Sabi nga namin sa barkada noon, pag nakakuha ng 90 sa
exam yung mga ka‐blockmate naming girls, at kami 50 lang, quits lang yan.
It does not mean mas matalino sila sa atin, erp. Lamang lang sila dahil
pwede sila mag‐aral pag sabado, habang tayo nagsi‐CMT. Minsan may erp
din kaming nagsabi: pero mga erp, kung magaaral din siguro tayo pag
sabado ng hapon imbes lagi tayong present dun sa lumang sinehan sa
crossing na puro bold ang palabas, baka maka 90 din tayo. Ang sagot ko
naman dyan, ah hindi erp, pag umabsent tayo dun babagsak tayo. You must
never let go of your source of inspiration.
Pero teka nalalayo tayo. Balik tayo sa CMT. Nakahanap ako noon ng gimik.
Pagka pala may doctor’s certificate ka na may Asthma ka, ilalagay ka sa light
duty. Yung hindi ka martsa ng martsa sa ilalim ng araw. Dahil pag ibinabad
ka nila sa araw, at kunwari nahimatay ka, pwede mong ihabla mula
commandant, cadre, corps commander, adjutant,ex‐o, flag officer,
intelligence officer, company commander, platoon leader at lahat ng kabo
at nagpapataya ng hueteng kahit napadaan lang. Entonses, light duty ka.
����� ��� ��� ���������
8
Doon kayo tatambay sa ilalim ng akasya, at habang pagod yung iba, kayo
pwede pa shot‐shot ng The Bar dahil madaling itago sa kilikili, wag ka lang
saludo ng saludo at baka malaglag. At kayo ngayon ang taga‐gawa ng
attendance sheet. Syempre meron dyan mga nakikiusap, brod, aabsent ako
next week ha, kasi napatay sa away yung aso ng neighbor namin, pero
ipresent mo ako ha kasi patatlo ko na eh. OK sure, basta pakopya sa Math
26 ha. Dyan ko unang naintindihan ang mga katagang, quid pro quo. It’s a
nice concept eh? Meron naman mga master sa Frat na pinapasukan ko,
brod, ipresent mo ako next week, bawas ka ng tatlong paddle sa akin.
Master pwede bang wag ka na lang pumalo para kwentas claras tayo. OK
it’s a deal! Ayos! Teka nalalayo na ulit.
So, nung CMT namin, yung commandant, sobrang lupit. Tuwing sabado,
pakatapos ng pasa‐masid, tatawagin lahat ng platoon sa tapat ng
grandstand. May pinapaborito yan na isang kadete tuwing sabado. Ikaw,
anong pangalan mo? Tatlonghari sir! Hindi yan ang pangalan mo, Tukmoy
ang pangalan mo, gardemet! Masyado kang sloppy magbitbit ng M‐1
Garand. Pocket your smile!
At pag ikaw ang Tukmoy sa sabado na yun, yari ka buong next week,
maririnig mo sa background ang mga naghahagikhikan sa Library, hihihi si
Tukmoy oh, nagpapaxerox ng notes, hihihi. Halos gusto mong lumipad ang
oras na sana CMT na ulit, para iba naman ang Tukmoy. Minsan nga sigaw si
Komandante, you, you with unshined shoes, punasan mo yung combat mo,
����� ��� ��� ���������
9
use your white hankerchief. Sir, I do not have awhite hankerchief sir! Ha?
But how come there was something on your hand during inspection
kanina? Sir, A‐4 po yun sir, tiniklop ko lang na parang hanky para hindi
halata sa malayo, sir! Ah ganon? What is your name???? Sagot nung
kadete, Sir, bago nyo ituloy yang sir, pwede bang 20 ikot na lang ako sa
oval, o kaya 1,000 push ups, wag lang yang nickname na yan sir, hindi ko
kaya yan sir! Mababasted ako nyan sir!
So, it really matters. Kaya do not think twice. Get yourself a new nickname.
Painom ka lang sa barkada, tapos pag nakakatig isang bote na sila ng
Grandma, mag by‐the‐way ka na kaagad. Sabihin, mo, mga erp, by the way,
meron pala akong announcement. Hernando is no longer your friend. Your
new friend is…Hisnando. O diba mas masculine?
����� ��� ��� ���������
10
KABANATA DOS:
The Azanzian Moneovre in the Dark
May crush ka bang sis mo o barkada mo, pero di ka makapagpahiwatig?
Naku, ang hina mo naman, baka naman katulad ka ni Jordan na puro PSP
ang inaatupag. Simple lang ang problem mo, kid. Consider it solved, ika nga.
Ganito ang style dyan.
Kalimitan, pag diniretso mo ang pahiwatig, more often than not timbog ka.
Hindi bale sana kung ka‐built mo si Derek Ramsey o dili naman kaya ay
kaboses mo si Jed Madela na tinaguriang Bagoong voice (nakakpagparupok
ng panty). Kung ikaw ay mala boy‐next‐door type lang, kailangan mo
talagang basahin ang librong ito. Bumili ka na rin ng extrang kopya in case
bahain yang hawak mong kopya ngayon. Sige na, lakad na at malapit na ma‐
sold out. But I digress.
Kailangan, ang pahiwatig mo yung medyo slanted ng todo‐todo. Kung sa
chess, parang takbo ng bishop. Wag na wag kang gagamit ng mga hirit na
panis na nabasa mo sa Internet o kaya Facebook, dahil malamang si Sweet
Capricorn of your dreams ay nakareceive na rin ng spam mails na yan o kaya
may nag share na na Friend sa FB. Cloaked Originality is the key concept
here (ano daw?). Ganito yan, dapat, ang plano mo should have the three
����� ��� ��� ���������
11
basic elements of what is known in the western hemisphere as the Azanzian
Maneovre: Weave the Web, Create Shock Value and Do the Matt Monro.
This is simply translated to the common English words: Intricacy, Content,
and Patience.
Yung intricacy, dapat ang totality ng diskarte mo can be judged as
absolutely complicated. Kung baga sa telenovela, talagang mahirap hulaan
kung sino ang totoong tatay ng bida. Nagpa DNA test na, maling buhok pa
yung natest dahil kinuha nya lang ito sa kanyang suklay, na noong isang
linggo pala ay hiniram ng kanyang friend habang nagcacamping sila. So,
halimbawa, kakausap ka ng ilang barkada. Sabihin mo, mga erps, favor
naman, mamayang gabi, pag pauwi na tayo galing sa caroling, i‐dunk nyo
ako dun sa pond na puno ng lotus sa ilalim ng mga rebulto ng mga kalabaw
malapit sa main gate ha? Basta, tsaka ko na i‐eexplain. Pero ikaw brod
Hisnano, bago ako tuluyang mahulog, kukunin mo ang wallet ko para di
mabasa, OK? Yan ang Intricacy. Bakit ito intricate? Number one, it means
maghihintay ka na magpasko. Two, kailangan may mabuong plano ng
caroling. It means pag walang nagplaplano, magpropromotor ka iho,
otherwise mapapanis ang mga pangarap mong maging GF si Sweet
Capricorn. Three, dapat may tubig yung pond, dahil baka may madislocate
sa mga kasu‐kasuan mo kung semento ang papatakan mo, loko. And the list
goes on and on.
����� ��� ��� ���������
12
Dun naman tayo sa Content. Ganito naman yun. Gumawa ka ng paraan na
makapag padevelop ka ng picture nya. Kung group picture ang meron ka,
iphotoshop mo para mag mukhang solo pic nya. Kung kita ang tagihawat
nya sa ilong, iphotoshop mo na rin. Kailangang magandang‐maganda. You
know what I mean. Tapos palagyan mo ng caption sa baba, isang word lang,
at ang katagang ito ay…Suddenly. At sa ibaba ng word na ito ay: by BIlly
Ocean. Yes, that guy. Sya rin ang kumanta ng Carribean Queen. Yan ang
original na Bagoong voice, bago sya nagreincarnate bilang Jed Madela.
Yang napakahalagang picture na yan ay ilalagay mo sa iyong wallet. Wag sa
kasuluksulukan ha, dun lang sa ngala‐ngala ng wallet mo, yung madaling
makikita ni Hisnando.
Eto na ngayon ang mangyayari, the content of the wallet has to be
revealed. But not without the drama that must precede it. Picture this
happening: Gabi, malamig ang simoy ng hangin gawa ng ang pasko is just
around the corner. Pauwi kayo galing caroling, na ikaw rin ang nagpromotor
because you wanted to raise funds so your barkada can launch a gift‐giving
program sa street kids na natambay sa Agapita, and in this regard become
part of the solution to the problems of the world. Hebigats. Pagtapat nyo sa
pond which I already describe some paragraphs ago, pasok ang mga erps, i‐
dunk and promotor ng caroling! I‐dunk, I‐dunk, sabay hawak ang mga erps
sa lima mong extremities. Ops, apat lang pala, hindi pala extremity and ulo
sabi ni Professor Payawal na nagsingko sa aking sa NatSci 2. Sisigaw ka
����� ��� ��� ���������
13
ngayon, erp, erp, baka mabasa wallet ko! May importante dyan! So,
kukunin ngayon ni Hisnando ang wallet mo. At ikaw ay tuluyan ng will meet
the acquaintance of the cold water of the pond.
At si Hisnando naman ay “accidentally” may makikitang picture sa wallet
mo. Oh no….the content is revealed! On cue ay sisigaw si Hisnando, alin ba
dito ang importante wala pang isandaan tong pera mo sa wallet… teka, sino
itong picture na ito? Oh my, si Sweet Capricorn. At may nakasulat pang
Suddenly, by Billy Ocean!
At syempre pa klarong klaro pa sa CM Recto na maririnig ni Sweet Capricorn
yan. Syempre ikaw, quietly, yuko ang ulo, kukunin mo ang wallet kay
Hisnando (wag mong kukunin yung picture, dahil ibibigay ito ni Hisnando sa
object of your dreams). At tahimik kang uuwi, bukod tanging ang sasabihin
mo should have nothing to do with the picture. Halimbawa, a simple: sige
mga caroling‐mates, uwi muna ako dahil I feel so wet. At bigyan mo lang sya
ng isang 2 seconds glance, sabay tingin sa malayo. And then you walk away.
That part is called The Matt Monro.
Now let us fast forward sa bedroom ni Sweet Capricorn that night. Hawak
nya ang picture na pinagpaguran mong iphotoshop. Suddenly…what does
this mean? Billy Ocean, who is this guy? Punong puno ng mystery ang
kanyang cerebellum. And using a borrowed SmartBro ay mag‐oonline sya.
At for the first time ay makikita nyaang itsura ni Billy Ocean, na nuknukan
����� ��� ��� ���������
14
ng laki ang bibig, at ang bukod‐tanging mas lalaki na lamang ang bibig sa
kanya ay si Steven Tyler, yung tatay ni Liv Tyler. Tapos makikita nya na ang
isang kinanta nito ay Suddenly. Tapos pupunta sya sa www.youtube.com, at
doon nya mapapanood at mariring ang lyrics na…I used to think that love is
just a fairy tale. Until that first hello, until that first smile… and if I had to do
it all again, I wouldn’t change a thing, coz this love is everlasting…
Syempre sya naman ang mai‐sleepless nights. Dahil iisipin nya, tutal nabuko
ka na, bubuntot‐buntot ka na at manliligaw. Pero hindi! It’s a big no. Since
ininexpect nya ganun, you should dig deep and never approach her. Wag ka
makikinig ng FM dahil lahatng kantang maririnig mo ay related.
Ang ganda ng shock‐value nung diskarte, pero mysteriously, hindi ka
nagpapakita. Kapag ilang araw na no‐show ka pa rin, maguumpisa ka na
niyan makita sa kanyang Macchiato Caramel. At may LSS narin yan, panay
ang sipol ng Suddenly habang nagkukula ng medyas. Most likely itetext ka
nya. Sasabihin nya sayo, Excuse me, Mr. Tatlonghari, nasa akin kasi yung
importanteng picture na nanggaling sa wallet mo, ano ba talaga ang ibig
nun sabihin? Rejoice! Because from that very moment, ay mayamats na
sayo si Sweet Capricorn.
And that is how the Azanzian Manoevre is executed.
����� ��� ��� ���������
15
KABANATA TRES:
Ang Pakikipagtunggali ng Mandirigma sa Perfect World
Yung mga girls na kung kumilos ay parang nasa perfect world, kalimitan
nakakailang na ligawan, agree? Para kasing wala na silang kailangan to be
happy. Nasa kanila na lahat that a woman could wish for, specifically the 5
Bs: beauty, brains, BMW, blackberry na post paid at Bag na Kipling na may
nakalawit na unggoy. But don’t despair mga erp. May paraan yan. First of
all, isipin mo na lang, kahit anong ganda nya, think always that this world by
nature has a great equalizer. Lahat tayo ay nauupo sa trono at umi‐ire sa
saliw ng kantang Please Release Me ni Engelbert Humperdink. Di ba nga
may kasabihan, na ang janitor na may hawak ng susi sa CR ay laging may
pamasko from the lactose intolerant. Or something like that.
Eniwey, and point ko ay simple lang. You just have to be different para ka
mapansin in Makati Girl. Sa Economics ang tawag dito ay product
differentiation. Check out your shampoo. Bakit yan ang shampoo mo? Ah
kasi meron daw new Z‐7 formula, o kaya may anti‐dandruff, o may
conditioner nang nakahalo, o nakakatibay ng hibla ng hair, o kaya para kang
nag pa rebond. Ikaw naman bilang mandirigma sa larangan ng pag‐ibig, you
simply have to differentiate yourself from the rest of the pack. Halimbawa,
may kaibigan ako nung high school na itago natin sa pangalang JT. Puro
����� ��� ��� ���������
16
kami naka baston and pantalon (yung cut na ngayon ay kung tawagin na ay
skinny jeans). Pero si JT naka bell bottom palagi. Hindustani, non‐conformist
ang dating, kaya medyo bad boy ang image. Nandoon na ako, talagang
tisuyin si JT, pero talagang sya ang laging pinaguusapan ng mga girls sa
campus. Yung isa nga narinig ko, gusto daw nya sya nag makapag pabago
kay JT. I think JT is just waiting for a woman like me to change him. Aba,
doon ko naisip, may merito pala talaga ang pagiging bad boy image. Pero
don’t get me wrong. The bad boy image works only if you are among saints.
Pero kung lahat kayo bad boy, the nerdy one will take home the prom
queen. So, in order to differentiate yourself, know first the common
characteristics of the pack where you belong. And then reinvent yourself
out of it. Wag naman yung extreme ha. Halimbawa, may naikwento lang sa
akin. May lumiligaw daw dun sa isang magandang nakatira dati sa
Sampaguita dorm, tinawagan sya sa telepono, sabay nakikipagdebate sa
kanya sa definition ng Socialism and Communism. Ayun tumba‐lata.
Extreme kasi. Ang sinagot nung chick yung isa pang suitor na medyo bansot,
pero rock.
Isip ka lang ng mga konting pautot, erp. Nung kolehiyo may naisip ako
something na almost irrelevant in the scheme of things. I thought, why not
wear my watch sa ibabaw ng manggas ng jacket ko. Wala lang, naisip ko
lang. for a change, ika nga. Tapos after mga 3‐4 months kong ginagawa yun,
napansin ko dalawa sa mga sis ko ganun na rin. Tapos halos buong sorority
����� ��� ��� ���������
17
na. Aba lihim akong natuwa, dahil according to Malcolm Gladwell, only a
selected few ang merong ability to influence others and bring prospects of
change to a tipping point. Hebigats! At bandang huli, isa dun sa dalawang
unang gumaya sa pa‐epek ko ay dinalaw ako sa Frat house. At kinausap ako,
sabay tanong, is it true that you like me? Nagulat si Tomas! Kundi lang ako
nakapagpigil, baka namangka ako sa dalawang ilog, gawa kasi kakasagot pa
lang sa akin nung isa pang object of my affection. Ito pa namang nagtanong
na ito ay mala nasa perfect world, maraming letter B ito. Di ko akalain na
makukuha ko ang kanyang atensyon. At marahil hindi na sya makahintay na
mapansin kong napapansin niya ako (duda ko ay nakikita nya na ako sa
kanyang iced tea tuwing oras ng miryenda), kaya sya na ang nag break ng
yelo.
So, again, just always check out what the pack is doing, and be different
from it. Katulad ngayon, wag lang babaha ng konti sa Marikina, sasabihin ng
mga tao, climate change yan. Pag nagtrapik sa SLEX, climate change yan.
Pag nagbrownout, climate change din. Hindi tumama sa lotto, climate
change na din ang dahilan nyan. Kaya pag bukang bibig mo climate change
basted ang aabutin mo loko. Sobrang gastado na yan. Parang nung mid 80s
yung phrase na isang mapagpalayang pasko sayo kaibigan ay halos isuka ko
na. Lahat ng kilala kong gumamit nyan bilang pautot sa chicks ay puro ang
napasagot yung tadtad ng tigidig ang mukha. No offense dun sa mga tunay
na mikabaka katulad nina Lean Alejandro at Teddy Casino ha, idol ko sila.
����� ��� ��� ���������
18
Kayang masaya ako sa mga erps ko noon. Karamihan babati lang ng ganito:
brod, Merry Christmas, may Lucky Me ka bang naitatabi dyan? Yung iba
naman di na talaga babati, kukuha na lang bigla ng Lucky Me sa ilalim ng
unan ko. Pero at least wala yung mga mapagpalayang mapagpalayang
batian na yan. OK lang kapag nasa barricades tayo, kahit magkantahan ng
ibon man may layang lumipad game ako dyan. Yung friend ko ngang si erp
Monching, ginagawa pang sounds yan sa pagsali sa 10K mini‐marathon, at
pang finale pa nya yan pag malapit na sa finish line. Wag lang pasko na at
lahat sasalihan pa ng mapagpalayang ek‐ek. Ang gusto ko sa pasko, ligawan
portion naman. Pagpasok ng January protesta muna sa dagdag‐sahod ng
manggagawa. Tapos June, no to tuition fee hike naman. Mula June
hanggang November puro rally na, dapat pag December, chicks‐hunting
naman. Kaya ko maging activist ng 11 months a year. Pero 1 month a year
my nature is to be a lover boy and I cannot go against that nature. It is
inconceivable. Teka, nalalayo na yata tayo.
Going back to product differentiation, ano kaya ang magandang gawin kung
ang gusto mong ligawan ay officemate mong si Makati girl, na
nakapowersuit kung manamit, hindi naglalunch sa mga Jollijeep, at kung
magsalita ay pandalas gumagamit ng mga katagang, on the other side of the
coin… By the way phone‐in question ito kaya kailangan nating sagutin agad.
Sa ganitong situation, we may need to analyze the common approach that
the pack may apply (by the pack here I mean the pack of suitors or would‐
����� ��� ��� ���������
19
be suitors, that as an aggregate becomes the universe that we need to
dissect).
Una, most likely ang mga suitors nyan ay may mga tsikot, o kung man nag e‐
FX lang pauwi sa bahay nila yan sa Antipolo o Rizal, pag magyaya ng date
yan manghihiram yan ng kotse sa mga erps nya, o kaya magrerenta.
Pangalawa, malamang yung mga suitors kung magyaya ay either sa hotel na
mga resto o kaya sa Eastwood. In short best foot forward ang approach ng
mga yan. Pangatlo, malamang tanda ang birthday ni Makati Girl at walang
paltos sa okasyon. Mga matikas din kung manamit, yung mga pitis na
pantalon, pitis na long‐sleeves na may makitid na necktie, at mahabang
leather shoes na mala‐Boy Abunda. Most likely may hawak na Blackberry
yan sa kanan habang sa kaliwa ay may hawak na Starbucks coffee. Grande.
So, to be different, how should you package yourself? Ganito yan. First of all
wag kang liligaw sa kanya. Magpakita ka ng interes dun sa second best na
maganda na kaibigan nya. Yang payong yan ay hindi akin, galing pa yan kay
John Nash, isang genius in Mathematics and a Nobel Laureate in Economics
whose life was immortalized in the film A Beautiful Mind. Kasi nga naman,
magtataka si Makati Girl, bakit ito hindi ma‐attract sa akin? Why? Why?
Pangalawa, wag kang gagaya sa mga Metrosexual look ng mga Makati boys
ngayon. Basta bagong laba ang damit mo, at angkop sa okasyon (bihis ka ng
business‐like attire sa office, at wag kang mag cacanvas shoes sa badminton
����� ��� ��� ���������
20
court) OK na yan. Wag ka rin palabitbit ng Starbucks sa kalye, inumin mo
lahat yan sa loob ng café. If you really have to bitbit a drink outside,
Scramble, pwede yun. Let me explain. Kung kailangan mong bitbitin ang
Starbucks coffee mo, it only means 2 things. Una, ikaw ay hindi talaga
palakape, kaya di mo matiis ang init ng kape, at kaya pabalik na kayo sa
office ay puno pa ang Grande mo. Pangalawa, nanghihinayang ka kasi may
laman pa, therefore you are nothing but a cheap basterd. Kaya, if you find
yourself in a Starbucks coffee shop with Makati Girl, perhaps you went as a
group, order your coffee, take a sip and say, I do not like this coffee. Leave
it there, go out, find a Scramble, come back and join them again. Pag
sinuswerte ka baka sabihin pa nya, pa sip nga ng Scramble mo, it
looks…different. Aha. Exactly.
Pangatlo, utang na loob wag kang magsusuot ng matulis na leather shoes,
at baka damputin ka ng pulis sa salang possession of a deadly weapon. Wala
akong dagdag na paliwanag dyan, basta wag.
At pang apat, pag tingin mo it is ripe for the picking, pagdating ng
Valentines Day, kung tingin mo talaga gusto mo sya igreet, ay pumunta ka
sa National Bookstore, bumili ka ng ng dalawang kartolinang pula,
pagdikitin mo at gupitin mo sa hugis puso, tapos bumili ka rin ng manila
paper, at gumawa ka ng malaking envelope. Ilagay mo ang puso sa loob ng
envelope, guhitan mo ng red and blue pentelpen and labas at gilid ng
envelope para magmukhang airmail. Tapos ideliver mo hanggang dun sa
����� ��� ��� ���������
21
mesa nya, where everybody could see you put yourself in the firing line.
Samahan mo na rin ng tatlong bar ng chocnut. Tatlo para may meaning. Pag
binasted ka, marami pa ring hahanga sa sobrang pula ng dugo mo. At
maraming magpapayo, ano ka ba naman Makati Girl, pag ganyan ang guy, it
only means hindi ka pababayaan ever, kasi magaaral yan umakyat ng puno
ng niyog makainom ka lang ng sabaw ng buko pag may balisawsaw ka. Pero,
most likely di ka mababasted. Dahil isa pa lang tao ang gumawa nyan sa
balat ng pongkan. Unique yan, tol. Unique.
Ngayon, pag kayo na, it is worthwhile na kumuha ng tsikot, erp. Kahit
hulugan tyagain mo na. Dahil mahirap nga naman yung nakapowersuit ka sa
FX. Puro holdap ang aabutin ni Maam. Tapos wag mong yayain sa Jollijeep,
kasi nga naman rather than being different, you may be construed as just a
cheap basterd. Marami namang karinderya na nakakaupo ng maayos
habang kumakain. Ang minimum qualification dapat may mesa at silya. At
may kubyertos.
����� ��� ��� ���������
22
KABANATA KWATRO:
Ang Alamat ni Schoolbus at ni Slomo
What did I say about getting a car? Tyagain mo na. Exactly. Tyaga, which is
my next point. Alam mo yang tyaga, it’s good for your health. Halimbawa,
sa pagbabalat ng butong pakwan, kailangan mo yan. Sa pag fill‐up ng mga
promo coupons ng SM at Shopwise, naku, kailangan mo talaga yan. Ako nga
nung nagpakasal kami ni misis, dun kami sa Max nagreception dahil mura
ng konti (because I’m a cheap basterd). Isangdaan at sinkwenta katao ang
bisita, kaya pagbayad ko, sa tuwa ng Max binigyan kami ng raffle coupons
na isa’t kalahating supot ng Puregold supermarket plastic bag. Pudpod ang
daliri ko sa kaka fill‐up. Syempre, sayang din kasi, biro mo Toyota daw ang
tatamaan. Kaso lang kahit toyo wala. May isang booklet na finill‐up ko ng
pangalan ng byenan kong lalaki, si SPO4. Yung pa ang nabunot sa
consolation. Alam nyo kung ano ang premyo? Eto, ang premyo ay
pagkakataong maglaro sa Eat Bulaga. Eh camera shy ang byenan ko, ayaw
ding lumahok. In short, wala rin. Pero as I said, ang tyaga is good for your
health. Kakafill‐up ko ng raffle coupon ng ilang linggo, na‐absent ako sa mga
inuman sa kapitbahay. Eh di nakapahinga naman ang liver ko.
Pero sa usapang chicks, bentahe ang may tyaga. Katulad ng kilala ko sa
kolehiyo, si Eileen. Singkit sya at medyo kamukha ni Vilma Santos sa
����� ��� ��� ���������
23
pelikulang Baby Tsina. Maganda ang tindig. Shiny hair. Expressive eyes.
Kissable lips. Pointed nose. Rosy chicks. Side by side, beautiful. Back‐to‐
back, siete pares. Pati nga prof namin sa Econ 11 may crush kay Eileen.
Maraming lumiligaw sa kanya, iba‐ibang klaseng lalaki. May matipuno, may
payat. May matangkad, may bansot. May maputi, may maitim ang ipin.
Pero and sinagot, yung matyaga.
Ganito ang kwento nyan. Paglabas namin sa Spanish II, nakaabang na sa
labas si loko. Ihahatid ngayon sa Baker Hall gawa ng doon ang P.E.3.
Paglabas namin sa Baker Hall, andun ulit si loko. Ihahatid naman sa
Humanities dahil doon and Soc Sci 2. Basta naging routine na yung hatid‐
sundo. At minsan naman, sundo’t hatid. Hanggang sa tingurian na ng buong
Block 33 si loko bilang Eileen’s Schoolbus. Minsan, nagkasakit yata, hindi
nakasundo si Schoolbus. Paanong hindi magkakasakit eh paglabas sa klase
sa BioSci tatakbo hanggang Baker Hall para makasundo, eh ang layo nun ha.
Minsan linakad ko yun nakaubos ako ng dalawang supot ng cheese curls at
isang tetrapak ng Zesto. Hindustani, ang layo, grabe.
Pero nung di sya nakasundo, na‐miss sya ni Eileen, kasi, the Schoolbus is
already part of her routine. Little did she know that sya pala ay meron ng
pagtingin.
Doon ko naisip, teng! I think I just learned of a sure‐fire strategy to get
myself a girlfriend. Sinubukan ko rin yang pasundo‐sundo. Pero syempre
����� ��� ��� ���������
24
nag jijeep ako. Ang kaso lang minsan, ang nasakyan kong jeep si Slomo. Yan
ang tawag namin dun driver na lolo ng jeep na maiksi na mabulok‐bulok
ang kulay. Pag may hinahabol kang quiz sa CEM at sumakay ka kay Slomo sa
Men’s Dorm, kalahating oras yun, siguradong aabot ka sa quiz for the next
subject. Pag pumina si Slomo ng paliko sa may Rural, sampa sa gutter ang
tatlong gulong. In short minsang nasakyan ko si Slomo, di ako umabot sa
sundo, and the conculsion drawn by the girl ay wala akong tyaga. Kahit mo
ipaliwanag na ito ay dahil kay Slomo, sasagutin ka lang ng, really? and what
will you use as an excuse next time it happens, climate change? So umuwi
na lang akong luhaan.
Ang isang taong nuknukan talaga ng tyaga, na wari baga ay nang nagsaboy
ng tyaga ang Supreme Being ay batya ang naisahod, ay ang kaibigan kong si
Rico noon sa probinsya. Rico ang name nya, pero dahil alam na nating
kailangan malakas ang nickname ay ginawa nya, Khorickz. Wag lang
nandyan yung tatay nyang si Mang Johnny, at balik sa Ikoy ang nickname
nya. Si Khorickz noon ay may nagustuhang taga kabilang bayan pa, pero
dahil may service ay hatid‐sundo ng tatay sa school sa capital town, were
the premier high school (yes, our school) is located. Nung 3rd year kami any
lumipat yung naging crush ni Khorickz sa school namin bilang 2nd year
student. Isang tingin pa lang ng erp ko ay dagli nyang naibulalas na, Tomas,
Tomas, I think I’m gonna faint (sa salitang Bicol). Sabi ko, bakit erp? Sabi
nya, yang padating na girl na yan, sya na ang mapapangasawa ko. Lufet.
����� ��� ��� ���������
25
Biglang naging Oracle of Delphi ang kaibigan ko. Biglang naghahabi na ng
prophecies. Kaya wala pang isang linggo, araw‐araw na kaming gumagawa
ng love letter para dun sa girl, kasi wala pang cellphone noon at kung may
telepono man ay tadtad ng partyline. Nagyayaya pa sa library si Khorickz
palagi para maghanap ng quotations. Bilib nga ang principal namin dahil we
are turning to be the epitome of a high school student daw. We will make it
big daw. Pero wari ko’y mali si maam kasi eto ako ngayon, manunulat ng
walang saysay, minsan naman akong nakapag abroad nga pero ang trabaho
ko noon taga salansan ng panindang bra sa Woolworths. Eniwey, ako ang
taga abot ng love letter. Nuong una tinatanggap naman ng maayos,
syempre pakitang mabuti rin yung girl dahi lafterall sya ay baguhan sa
school. Peor nung ilang buwan na, minsan pag‐abot ko ng sulat pinunit sa
tatlong piraso. Report agad ako kay Khorickz, akala ko give up na dahil
where I come from, ang pagpunit ng love letter at portent of bad things to
come. Klaro‐klarong pa yan sa CM Recto.
Eto ngayong ang sagot ni Khoricks: erp, palagay ko napaaga ang alis mo, at
di mo nakitang pinunit pa ng pinong‐pino. O ngayon? Eh kasi kaya pinong‐
pino, isasahog nya sa ulam so that she can internalize it. Nampuchea! Ang
tindi ng fighting spirit! Kung sa basketbol parang Ginebra!
Inabot kami ng exactly 1 year, 4 months and 11 days bago naisipan ni
Khoricks na tumigil na sa kasusulat. Kasi daw malapit na kaming
grumadweyt. May point sya dun. Pero hindi pa rin pala sumusuko etong
����� ��� ��� ���������
26
kaibigan ko. Ang lakad naman namin, tuwing Wednesday ng gabi, umaarkila
kami ng traysikel papuntang kabilang bayan at doon na pomopormal sa
bahay si loko. Payag naman akong samahan sya kahit na pinapapak ako ng
lamok sa labas sa kakahintay, dahil may pinsan si Khorickz na long and wavy
ang hair at medyo hawig kay Dina Bonnevie ang mga hinlalaki sa paa. At kay
galing pang sumaway ng Strut. Syempre kanya‐kanyang pulitika yan, diba,
hehe.
Hanggang grumadweyt kami walang nangyari sa ligaw ni Khorickz. Pero
nung 2nd year college na ako sa Peyups, minsan nakakita ako ng liwayway
(yes, the magazine, engerts). Ang featured story ay mula sa mga
mamababasa at tungkol sa isang babaing linigawan ng matagal, hindi nya
sinagot, ngunit pinagsisisihan nya ang lahat ng panahong sinayang nya, ay
ngayon ay 2 years na nyang namimiss si lalaki. At ang name ni lalaki ay, yes
natumbok mo, Khorickz.
Ang isa pang halimbawa sa tyaga yung erp ko sa office. Batya rin ang
naisahod nun. Basta’t nagkacrush yun, ang tyaga sa hatid. Kung sa Makati
ang office, at sa Malolos ang bahay, maghahatid yun lalo na kung malalim
na ang gabi. Ako hindi ako pwede sa ganyang kalayo. Kaya nung na‐meet ko
ang naging misis ko sa office namin sa Ortigas noon, at nalaman kong taga
Libis lang, sa may Eastwood, sabi ko kaagad, ihatid na kita kasi on the way
naman sa pauwi ko. Sabi nya, bakit, saan ka ba umuuwi? Sagot ko, sa may
Sta. Ana Park sa boundary ng Makati at Maynila. Speaking of boundary, ang
����� ��� ��� ���������
27
limit ko sa hatid sa pa‐south Bicutan lang, pag pa‐Maynila Sta Mesa lang. O
kahit makatawid na ng Jones bridge, sige pwede na kahit hanggang aabot
ng Ongpin, tutal pwede naman makabili ng Eng Bee Ten na hopia sa pauwi.
Pag pa‐north naman pag lalagpas ng SM West ayoko na. Sa Marcos Highway
hanggang Sta. Lucia Mall lang ako. Kaya minsan may type ako tinanong ko,
sa Masinag daw ang bahay nila, sa Barangay Mayamot. Sabi ko kapag
lumipat sila ng bahay sa Mandaluyong just call me ha. Yung friend ko na
babae nagrereklamo kasi wala pa daw sya BF eh 35 anyos na sya. Lagpas sa
kalendaryo pero pasok pa sa lotto at lalo na sa Bingo. Sabi ko where do you
live ba? Sa Lerma daw. Sabi ko, nasasakupan na ba ng Taiwan yun? I told
her magrenta ng apartment sa JP Rizal sa Makati. Ayun, wala pang
kalahating taon buntis na. Opps, balik tayo.
Etong erp ko, kaya daw sya matyaga sa hatiran, ang dahilan nya, may
genuine concern sya to offer na maghatid, dahil it already poses a risk for a
girl to go home alone so late in the night. Tumpak! And even while many
boys would shy away as soon as they know kung saan ang bahay ng girl,
etong erp ko walang lugar na sinasanto. Sabi ko erp di ka ba nagaalala
paano yan pag pauwi ka na di mag‐isa ka na. Ah, sagot naman nya, usually
erp, dahil delikado nga, ay yung parents mismo nag nagaalok sa akin na dun
na ako magpalipas ng umaga. Afterall I made a supreme sacrifice na ihatid
ang anak nila. Bentahe na agad yun. Pag nalaman ng mga karibal mo ang
ganun, aatras na sila. Parents na yun erp, parents. Etong erp ko lang na ito
����� ��� ��� ���������
28
ang natuwa nung bumaha nung Ondoy eh. Kasi paghatid nya, baha na sa
Marcos Highway. Sabi ng girl sa kanya kargahin mo naman ako kasi takot
ako sa bahang ganyan baka may ihi ng daga. Ayun, pangko‐pangko nya yung
girl ng isa’t kalahating kilometro. Pagpatak nila sa kabilang pangpang nung
baha, GF na nya. Syempre, nalagyan na niya ng thumbmark sa ilalim ng kili‐
kili at alak‐alakan eh.
����� ��� ��� ���������
29
KABANATA SINGKO:
Ang Salin-lahing Sikreto Ni Lolo Paking
May brod ako sa Econ na lapitin talaga ng chicks, si Jun. Nickname nya yan.
Ang full name nya Junathan. Hindi kailangan ng bagyong nickname ni Jun,
gawa kasi talagang malakas na ang dating nya sa physical department.
Unang‐una, matangkad, at balbon ang mga braso. At kinikilig ang mga girls
kapagka sinasabi ni Jun na, nakikita nyo ba ang balbon ko sa braso? Dili
baga ay may kasabihan na kung mayabong ang puno sa bayan, ay ano pa
kaya sa gubat? It makes sense ano ha? Ang magandang trait talaga ni Jun ay
sya ay palangiti. Minsan wala kaming maisagot sa paexam ni Prof
Anonuevo, simangot kami lahat, pero si Jun nakangiti. Kamote kami lahat,
pero sa kanya, wa‐ay kaso. No problem. Noong una takang‐taka talaga ako
sa kanya. Pero dahan‐dahan (in English, slowly‐slowly) ay naintindihan ko
rin. Kaya masayahin si Jun ay por dahil marami syang alam na masasayang
bagay sa balat ng pongkan. Una, alam nya ang mga sauna sa Cubao at Delta.
First year pa lang kami at hindi pa namin alam ang tunay ng pagkakaiba ng
powder sa lotion, sya alam na nya. Pangalawa, may mga alam syang hirit sa
chicks na ipinasa sa kanya ng kanyang chickboy na lolo. Ganito ang kwento
nyan. Nung nasa ospital na si lolo nya dahil otsenta y tres na, pinatawagan
syang pumunta agad sa St. Lukes. Sya naman bilang close na apo, sagsag ng
����� ��� ��� ���������
30
punta. Pagdating nya dun sabi nya pang maluha‐luha, Lolo Paking, bakit po,
magpapaalaman na po ba tayo? Hindi may iuutos lang ako sayo. Ano po
‘yon? Puntahan mo nga yang nars, hipuan mo sa boobs at di ko na maingat
itong braso ko eh. Nampuchea.
Pero bago daw nalagutan si lolo, ay nagsalin ng kaalaman kay Jun. At si Jun
naman, sa kagandahang loob na makakuha rin kami ng GF, ay ipinasa sa
amin. Tatlo lang kaming brods na pinagpasahan, kaya, sa ilang bilyong tao
sa mundo, apat lang kaming may alam nito. Pero komo ako naman ay may
kagandahang loob din, ay isusulat ko naman sa libro at ng marami sa inyong
mga di pa nakatikim ng putahe ay ma wean‐out na sa puro kanin.
Eto ang sikreto ni Lolo Paking. Una, tatanungin mo ang object of your
affection kung na test na ba ang kanyang capability to manifest leap‐
frogging increments of creativity? Hebigats ano? Sa tindi pa lang ng
wordplay, sa loob‐loob nya ay iisipin nyang, ano raw? Pero syempre di sa
magpapahalata. Sasagot sya ng, me? Not really.
Syempre tatanong mo, would like to take The Test? Dahil mangha‐mangha
at windang pa sya ng konti sa tindi ng command mo ng language of the
west, ay sasabihin nyan, sure. So, itatanong mo sa kanya kung sya ay kanan,
o kaliwete. At whatever ang kanyang sagot ay yun ang kukunin mong
kamay. Sasabihin mong, I need to execute the test using your strongest
manifestation. Tapos the situation that you will create using her hand ay
����� ��� ��� ���������
31
toganits: For example, in this middle portion of your hand, is a crocodile‐
infested river. At namamangka kayo dyan ng BF mo. When in one stroke of
a moment ay nag capsize ang vessel. But don’t worry, both of you survived.
Ang kaso lang, your BF swam and reached the shore on this side of your
hand, sa bandang wrist. Pero ikaw, in a staccato of convoluted thoughts of
kicking the bucket, you panicked and swam to the other side, sa bandang
mga finger mo. In short, nagkahiwalay kayo. However, your definition of life
is being together. So now, given the current predicament presented by the
existence of a raging river infested with flesh‐eating reptiles, give me one
solution, isang epektibong paraan, such that your definition of life will be
true again. Naks, medyo ubusan ng baong ingles na ito.
Merong dyang mga chicks na sasagot, bakit ako ang gagawa ng paraan?
Bakit hindi sya? Ang sagot mo dyan, wrong answer!
Meron naman dyang chicks na magtatanong pa muna, ito bang mga fingers
ko are trees, such that it would allow me to consider the option of making a
boat? Ang sagot mo dyan yes mga trees yan. Really? then I will make a boat
and cross over. Ang sagot mo ulit, wrong answer!
At meron namang pilosopo, at sasagot ng, well, I will bend my fingers
towards my wrist, and then cross over by using them as a bridge. And sagot
mo muna ay, which finger will you use? Tapos kahit anong finger ang piliin
nya, wrong answer!
����� ��� ��� ���������
32
Meron ding romantic fatalist, na ang sagot ay, then iwould risk it. I would
rather die trying to swim across than to live without him. Wrong answer!
Pero meron talaga dyan na tunay nga creative. Maghahanap sya ng unggoy,
huhulihin nya at ibabato nya sa ilog. Pag lumangoy ito palayo, hahabulin ng
mga crocodiles, at therefore, libre na syang makakalangoy to the other side.
Ang sagot mo dyan, paano kung walang unggoy. Sasagot naman sya ng, eh
di itong unggoy na nakalawit sa Kipling bag ko ang gagamitin ko.
Nampuchea. Wrong answer!
By this time I think you are already getting the gist. Lahat ng answer nya,
mali. Let’s cut to the chase. Finally sasabihin nya sirit na. So what’s the right
answer?
Eto makinig kang mabuti dahil this is the reason why homos erectus
evolved to be on top of the foodchain, or why man is superior to beast. You
shall answer only this way: Ang totoo nyan, ang tamang sagot ay…hindi ko
rin alam. Basta ang alam ko masaya ako dahil hawak ko ang kamay mo.
After mong madeliver ang linyang yan ang may makikita kang pagkahawi ng
mga ulap sa itaas, at may tunog ng mga pakakak sa saliw ng tugtuging
Hernando’s Hideaway. At may bubulusok na ray of light mula sa alapaap,
babagsak sa iyong kinatatayuan na para bagang ikaw si Simba, ang bagong
panganak na Lion King.
����� ��� ��� ���������
33
Kidding aside, pagkadeliver mo ng linya makiramdam ka. Pag tumawa sya,
tawa ka rin. Pag yumuko at nahiya, ay wag mo ng bibitawan yan kamay na
iyan dahil saiyo na yan eh. It’s all yours.
Ang kagandahan ng diskarte na ito, walang sabit. In the parlance of
aerospace engineers, may fail‐safe mechanism, ika nga. Pag tumawa sya, at
tumawa ka, wala syang right magalit dahil it’s all but a joke, diba? Pero kung
nahiya, ay isa lang ang ibig sabihin, meron syang crush sa’yo.
Ang isa pang fail‐safe mechanism ay por si acaso magalit na nga rin at baka
masampal ka nung libreng kamay. Ay diba kabilin‐bilinan ko na yung
stronger hand nya ang hawak mo, para masampal ka man, mahina lang.
Tiisin mo na lang tutal mga 5 minutes mo syang na holding hands. Quits
lang.
Uy loko, do not use this technique arbitrarily. 100 percent ang batting
average nyan. Lahat ng gumamit nyan na naitala namin sa record book ng
Grupong Knights ay sinagot at nakatikim ng putahe. Kaya kung gagamitin
mo ito, kapagka sigurado kang you really like the girl. And how will you
know that? Kapagka nakikita mo na sya sa iyong shot of Wheatgrass.
����� ��� ��� ���������
34
KABANATA SEIS:
Ang Pagbabalik ng Sasabungin
May crush ako nung kolehiyo na ang pangalan Henna. Medyo maitim ng
konti si Henna, malapit‐lapit ang kulay kay Vice President. Matalino sya,
maraming alam na trivia. For ejemplo, alam nya na hindi tunay na nanay ni
Derek Ramsey si Elizabeth Ramsey. And therefore hindi magkapatid si Jaya
at si Derek. Kunsabagay kahit tunay na nanay ni Derek si Elizabeth Ramsey,
si Tina Turner naman ang talagang nanay ni Jaya, so never talaga silang
magiging magkapatid. Maiba ako, dahil nasa usapang kapatid na rin lang
tayo. Tinanong daw ni Colin Powell noon kay Dubya, Mr. President, who is
the son of my parents but who is not my brother. Sabi ni Dubya, who?
Sagot ni Powell, it is me. Pagbalik ni Dubya sa White House tinanong naman
nya si Condy Rice. Condy, who is the son of my parents but who is not my
brother? Tanong ni Condy, who? Sagot ni Dubya, it’s Colin Powell. But I
digress.
So, balik tayo kay Henna. Long hair sya, at kahit nga medyo maitim, maputi
ang ipin. Bilugin ang mga mata na parang si Chanda Romero. Medyo
maihahambing mo ang kanyang tindig kay Jackie Lou Blanco, yun na nga
lang maputi kasi si Jackie Lou na parang A4. At nasabi ko nga, marami syang
alam na mga bagay‐bagay. Hindi katulad nung crush ko sa elementary na si
����� ��� ��� ���������
35
Jeraldine, na nung pinalagyan ng mga panlapi yung salitang kagat ay ganito
ang ginawa: Root word, KAGAT. Pangkasalukuyan, KINAKAKAG.
Panghinaharap, KAKAKAGIN. Ay sus gid. Eniwey, yun nga, crush ko nga siya.
So pag nadaan ako sa tambayan na nandun sya, tambay din ako. Pag
nakatambay pa sya pero maguumpisa na ang klase ko, papalate pa ako ng
konti, to maximize my proximity to her. Pag naman umalis na sya, kahit 1
hour pa bago magumpisa ang sunod kong klase, pasok na ako. Ginagawa ko
na lang nagbabasa muna ako ng mga vandalism sa mga armchair. O kaya
mag siCR ako ng matagal, magbabasa din ng mga vandalism sa mga cubicle.
At nagsusulat na ring sa mga dingding, dahil I had the feeling back then na I
will pursue a career in writing, and practice makes perfect, ika nga.
Minsan, nakapag‐ipon ako ng lakas ng loob, naisipan kong dalawin si Henna
sa bahay. Nakahiram ako ng motorsiklo kay The Kim, yung brod naming
Koreano. Si The Kim kasi ang mga parents nagtratrabaho sa IRRI, mga
researcher yata ng kung paano pinapabintog ang mga butil ng palay para
lumakas ang ani. Nung umuwi sa South Korea yung parents gawa ng tapos
na ang research grant, si The Kim kailangan pa magthesis sa Econ. Kaya
ibinili ng motor, ikinuha ng apartment sa tapat ng Agrix, ikinuha ng
katulong, ibinili ng isandamakmak na black noodles, pinaturukan ng anti‐
Malaria in case maisipang mamasyal sa gubat, at iniwan na sa UP para
tapusin ang thesis. Como ako naman ay medyo nakakaintindi ng konti sa
Econometrics, at medyo advance sa paggamit ng computer dahil alam ko na
����� ��� ��� ���������
36
na ang diskette ay hindi nagkakavirus dahil naeexpose sa maduming hangin,
samantalang sina Emmylou at Donah ay laging kanlong‐kanlong ang mga
diskette nila sa loob ng mga cardigan nila, ay nagvolunteer akong tumulong
kay Kim sa pag manipulate ng kanyang data about growth of information
workers in Seoul and its correlation to the growth of the City’s GDP. Ang in
exchange, ako ay may right to use the 500cc Sangyong motorcycle. Syet,
ang layo na ng digress na ito ah.
Balik tayo. Sagsag akong nagmotorsiklo hanggang sa bahay nina Henna sa
loob ng Pleasant Hill. Sa may Biotech pa ako dumaan dahil nakihilamos pa
ako dun sa canteen ng IRRI. Pagdating ko doon, ang lumabas sa gate yung
tatay. Ganito ang aming exchanges: Bakit? Ano yun? Ay sir, good evening
po, nadyan po ba si Henna? Bakit nga? Kaklase nya po ako sir, may
itatanong lang sana ako. Ano yun? Ay sya ho kasi ang tatanungin ko sir. Ah
ganun, o sige halika pasok ka. Pasok naman ako sa gate. Sa driveway,
hinarap ulit ako nung tatay. Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko, halos
magdikit ang mga ilong namin. Para kaming mga boksingero na nasa poster,
yun bang eye‐to‐eye talaga. Sabay tanong sya, lumiligaw ka ba sa anak ko?
Ha, ah eh sir, actually kasi sir yung ano kasi…Lumiligaw ka ba sa anak ko
(mas malakas na boses)? At sabay buga ng yosi na para bagang ako ay
sasabunging talisayin. I felt the warmth of the cigarette smoke in my
hypothalamus, at naisip ko ganito pala ang feeling ng mga ganador. Ah eh
sir actually magpapaalam nga ho ako sana sa kanya kung pwedeng lumigaw.
����� ��� ��� ���������
37
Hindi pwede! Ah eh sir sa kanya ho nga kasi sana ako magpapaalam… Hindi
nga pwede! Ang di ko magets, bakit nya naisip na sa kanya ako
nagpapapaalam ay hindi naman sya si Henna. Bakit sya ang sagot ng sagot?
Eniwey, tumalikod na ako at nagkibit‐balikat at sumakay sa motorsiklo ng
parang may hindi nanguyang pandemonay na nagbara sa aking esophagus.
In my ears ay naririnig ko ang kantang…Inday, Inday, nakain ka, san
masunog, ang monyika…
Nalungkot ba ako? Of course. Nag‐inom ba ako dahil sa sama ng loob? Of
course ulit. Lahat ng tagay ko ay sagad hanggang upper miniscus ng baso.
Nakatatlong The Bar nga ako at labintatlong stick ng Phillip. Naging scarred
for life ba ako? Ah, yan ang NO. Nung binugahan nya ako ng usok ay yun
ang naging throphy ko. Sabi ko sa loob ko, I came, I saw, and I made her
father afraid. Nakita ko sa mga mata nya ang takot, na kung ako ang
kanyang magiging manugang ay malamang maihahambing sya palagi sa
akin. Sasabihin sa kanya ng anak nya, dad, why can’t you not be like El
Verzo. Just his nickname is enough for me to feel like a woman of the 90s.
Sabi ng brods ko, erp, bakit di mo subukan pumunta ulit, baka maapreciate
nyaang perseverance mo at patuluyin ka na hanggang sala. Sagot ko naman,
mga erp wag na, hindi ko nga maspell yang word na yan yun pa kayang
magawa ko pa. Besides, he may not get the girl, but the boy went home a
man. Whatever that means. What’s my point here? Ang hina mo naman, so
slow in the uptake. Ganito yan. Number one, nabasted ba ako? Ah hindi.
����� ��� ��� ���������
38
Hindi lang ako nakatuloy sa sala pero hindi ako basted by the strict
definition of the word. Agree? Secondly, bumaba ba ako sa level ng tatay
nya? Ah hindi. Dahil kung bumaba ako ng level most likely nabigyan ko sya
ng isang leg drop, isang front kick sa ilalim ng dila at finally isang rear‐naked
choke. Ang importante, may lesson akong natutunan, and I came home a
more experienced person. Duguan nga la‐ang. What is the lesson here?
Wag ka nang dadalaw sa bahay. Sa bahay dehado ang talisayin, dahil may
home court advantage ang teksas. Sa campus o sa office, at lalo na sa
Eastwood, pantay ang laban. Walang malay ang teksas na panay ang gire ng
talisayin sa white leg horn. Write it down, iho.
����� ��� ��� ���������
39
KABANATA SIETE:
Ang Caballero at ang Bulaklak sa Disyerto
Maipakilala ko pala sa inyo si Rob. Katulad din ni Junathan, hindi na
kailangan ni Rob ng bagyong nickname, gawa ng medyo lamang din sya sa
nakararami ng ilang paligo. Nakakagulat ang kanyang mga tagahanga.
Nakaranas ka na bang mabigyan ng regalo ng iyong lady friend dahil
birthday mo? Ako oo, nakatanggap na ako ng halimbawa, stapler,
cardholder, ballpen na hugis bola ng tennis ang dulo (yung kabilang dulo ha,
hindi yung dulong pang‐sulat), at paper weight na gawa sa abo ng Mayon.
Ang pinaka mamahalin ko nang natanggap sa isang lady friend ay isang
karsunsilyo na BAYO ang tatak. Pero ang pinaka memorable ay, birthday
card na may nakalagay na: when the going get tough, the tough gets ice‐
cream. Wanna go get some? (wow, pambato ano ha?). Pero si Rob, iba.
Nakatanggap na sya ng pair of Air Jordan Nike shoes na libo‐libo ang halaga.
Nakatanggap na rin sya ng mapusok na halik, pero friend lang daw sila. No
malice daw. Kaya hindi ako magtataka kung malaman ko minsan na
nakatanggap sya ng pabertdey na condo. Malakas talaga ang arrive eh.
Medyo mapungay ang mata at nuknukan sa pagkapilyo. Dagdag pa sa
kanyang positive attributes ay sya ay…suplado sa fersonal. Yes, suplado,
that’s right. At yan naman ang ating topic sa kabanatang ito. Ang pigiging
����� ��� ��� ���������
40
suplado minsan ay para bagang curve ball na mahirap hulaan kung saan
papunta ang bola kaya nakakalusot.
May officemate kami ni Rob na itago na lang natin sa pangalang Cozet
(sounds like lang yan ng tunay nyang pangalang…Cozette). Medyo OK sya
and I’m being generous. Minsan nakaisip ang kanyang officemates na puro
girls na makipag group date sa officemates ko naman na puro boys. May
tawag nito sa ingles na nagsisimula sa letter S pero di ko maalala ang
spelling. Pumayag naman kami out of boredom (hehe joke). So, ang format
nung andun na kami sa Larry’s Bar (sarado na, lugi sa kakahingi ng discount
ng mga parukyano) sa Robinsons Galleria ay ganito. Salit‐salitan ang upo ng
babae sa lalaki regardless of height and looks. Tapos kada trenta minutos,
iikot ang boys ng clockwise, so that at the end of night, everybody would
have had the chance to talk to everybody. Hindi ka kasi pwedeng
makipagusap sa katapat mo dahil sa dami ng order na beer at New Orleans
chicken wings, parang may Smokey Mountain na sa ibabaw ng mesa.
Entonses ganito ang nangyari. Usap, ikot, usap, ikot. Hanggang natapat ako
kay Cozet. At that time may isa akong diskarte na pinapolish, kaya naisipan
kong magpraktis kay Cozet. And it goes something like this: If I am a Knight,
and I had been travelling thorugh the desert for many days, seeing nothing
but desolation and barren rolls of desert sands. One day, I chanced upon a
solitary flower. It looked ordinary if you would see it in Megamall, but there
it was in the middle of nowhere, so it looked attractive and pleasing to the
����� ��� ��� ���������
41
eyes. The question is, pipitasin ko ba o hindi. My dilemma is, pag pinitas ko,
the flower will e mine but only for a few days, as soon it will wilt and its
beauty shall cease to be. Pag di ko naman pinitas, at least the flower will
exist longer, and perhaps other world‐weary travellers will come to also
gaze upon its beauty. However, one of these travellers just a few hours
before me, could decide to pick the flower anyway, and the flower will
nonetheless die. So tinanong ko si Cozet, should I or should I not? Tapos
trenta minutos na, so iikot na. Sabi ni Cozet, wag ka na umikot let’s
continue our conversation. Sabi ko naman, sure.
Ang sagot nya, pitasin mo na. Ang tanong ko naman, ngayon na? Oo sabi
nya ,ngayon na. Sabi ko wag, dahil bilang Caballero ng Kalikasan, hindi bale
nang ako ay malungkot, wag lang magiging dahilang ako ng cessation of
beauty. Ang lufet din ano ha?
Kinabukasan at sa mga sumunod pang mga araw at buwan, nagbago si
Cozet. Lagi na syang plantsado ang mga liston ng blusa, at napansin ni Rob
na pakapal ng pakapal ang makeup. At pairap‐irap na. Nampuchea. Naloko
na. Ang sabi ni Rob, kasalanan ko daw lahat yan dahil binigyan ko raw ng
ideya na sya ay isang Desert Rose. Parang feeling daw tuloy, ang taas ng
presyo nya. Sabi ko naman, erp wala namang pumitas ah. Kung Desert Rose
man sya, andun sya dapat sa desert. Kahit na, ika no Rob. Kasalanan ko pa
rin daw. Tsk tsk.
����� ��� ��� ���������
42
Eto ngayon. Minsan nagkayayaan mag bowling ang boys and girls. Handa na
ang lahat, nakasakay na lahat sa kotse at sa office vehicle na kung tawagin
ay The All‐weather Isuzu dahil kapag mainit sa labas, mainit din sa loob, at
kung umuulan, umuulan din sa loob gawa ng may butas ang bubong. Prente
na ang upo ni Rob sa loob, at biglang nagka commotion dahil ayan na daw si
Cozet papasok sa gate ng office, hahabol at sasama sa bowling. Yung tayo ni
Rob at labas ng kotse, at sabay alis at uwi. Sabi ko erp san ka pupunta? Sabi
nya di na daw sya sasama. Bakit? Basta ayoko lang. Ang bait nya ano, di na
lang sya sumama para may pwesto sa kotse si Cozet. Nung sabihin ko, erp
ang bait mo daw, gentleman ka sabi ni Cozet. Lalong nagalit sa akin si Rob. I
don’t understand…..
Ganyan kasuplado si Rob. Pero nalaman ko later, gustong‐gusto sya ni
Cozet. For some reason, mukhang naisip ni Cozet, kung willing si Rob to give
up bowling so that she can have a comfortable seat, Rob was acting like the
knight in the desert. Matindi pala sya sa logic, mas matindi pa kay Mr.
Spock. Nevertheless, my point is, yung pagiging suplado can be a positive
attribute, basta wag mo lang sasamahan ng bad words. Di ba sabi ni Rob,
basta ayoko lang. May bad words ba dyan? Ah wala. Gentleman sya eh. Ang
intindi ko, ganito: Kay Rob, nung sinabi nya, basta ayoko lang, it means
ayaw nya as in ayaw nya talaga. Kay Cozet, it means, hindi nya kaya ang
powers ko, Rob can not hold himself together in the presence of the Desert
Rose. Matindi talaga ang logic, lasa ko ay combination ni Mr. Spock at ni
����� ��� ��� ���������
43
Commander Data. So yun nga. Kahit suplado sa fersonal, Rob remains a
gentleman. Yang ganyang combination of attributes can be lethal. It can
erode the best defenses, and false sense of confidence in women. Pero and
duda ko, pag nabasa ito ni Rob, magagalit na naman sya sa akin at ako daw
ang culprit sa pagkapal ng makeup in Cozet. Honestly until now, I still don’t
understand. It does not compute…
����� ��� ��� ���������
44
KABANATA OCHO:
Ang Misteryong Bumabalot Kay Bogart
Ang isa pang pambatong gimik sa chicks ay yung ang guy ay parang wala
lang reaksyon palagi. Sabi ni erpats ko dyan, yan daw ang style in Humprey
Bogart noong araw. Yes, si Humprey Bogart ay yung bida sa Casablanca, na
nagpasikat sa mga katagang, here’s looking at you, kid. Di mo alam ang
Casablanca? Yun ay kakanin na maputi at makintab ang ibabaw at may
nakabudbod na mixture of nyog at kalamay. Sa Casablanca, hindi mo naman
masasabing walang reaksyong talaga si Humprey Bogart, kaso nga lang
black and white kasi yung pelikula kaya its hard to discern. Pero mas
maganda ang character nya sa The African Queen. Dito may konting sesne
of humor si Bogart, pero pag tumawa sya one syllable lang. Katulad imbess
hahaha, ay, ha! lang. at pag hehehe naman ay, he! Lang. In short, it apears
that it would be difficult to elicit a reaction from the guy, and that is what
makes him attractive.
May kilala ako, parang ganun din ang arrive nya. Oblivious sya sa mga
bagay‐bagay, kaya cute na cute naman sa kanya ang mga girls. Minsan daw
ibinili sya ng nanay nya ng paint blower machine, dahil Fine Arts sya sa
����� ��� ��� ���������
45
Diliman. Mahal yun, parang libo‐libo yata halaga nun kasi pang propesyonal
nang gadget yun. After one week, sa breakfast table, tinanong ni nanay si
loko…Ric, di ko na yata napanpansin na dinadala mo yung binigay kong
paint blower machine. Asan na? Sagot si Ric. Teka, san na nga ba….(ilang
seconds)…ay naalala ko na, naiwan ko pala yung sa bus nung lunes kasi alas
onse na ako nakauwi di ba? Haaaa? Eh asan na ngayon? Andun yun sa bus,
mommy. Sabay subo ng pandesal na may palamang itlog. As if nothing
happened. Ang cute di ba? Minsan nga pinarinig ko kay Ric yung utot na
first 7 notes ng A Day In The Life ng Beatles, tumawa lang din ng one
syllable laughter.
May utol din akong ganyan, si Joseph. Restrained din ang mga reaksyon
nya. Kaya pag may binulong sya kay ermats na yun ang makapagpapasaya
sa kanya, bigay agad si ermats dahil bihira nga makitang may reaksyon si
utol. Pag ako ang nagpaalam magsine noon, ang sagot ni ermats ganito.
Tomas, kung gusto mo magsine, sa huebes pwede ka. Pero mula ngayong
sabado hanggang miyerkoles, diligan mo ang mga halaman ko, bunutin mo
yung mga damo sa driveway, isuga mo si Bogart (yung kambing na pet ni
erpats), at pinturahan mo ng kalburong puti yung mga batong nakahilira sa
labas ng gate, at if I’m feeling good on Thursday ay bibigyan kita ng
pangsine.
Pero, dahil ako nga ay in the future will turn out to have some skills in
Econometrics, ay nafigure out ko na ang mas madaling paraan para
����� ��� ��� ���������
46
makapag sine. Ganito yan. Pupuntahan ko si Joseph, at yayayain kong
magbaril‐barilan. Tapos pag sawa na sasabihin ko, dapat kasi merong
tayong mga bagong ideya ng baril‐barilan, katulad nyan palabas ngayon ang
Pagbabalik ni Leon Guerrero. Kaya lang ang ka dobol na pelikula horror,
kakatakot yun. Hangos naman si Joseph kay ermats, gustong magsine.
Payag agad si ermats, bigay ng pangsine at pangtraysikel at pangbili ng
Nutriban na may palaman na either pansit or bukayo. Sasabihin ni Joseph,
kulang ito, pahingi pa ng pangsine rin ni Kuya Tomas, dahil horror ang
kadobol na sine, baka matakot ako sa pauwi. Ayos. But I digress again.
Si Joseph minsan may nagustuhan na chicks. So, after a lot of prodding from
friends, nakumbinseng dumalaw sa dorm sa Peyups Diliman. Kahit poker
face ang dating, pinatuloy ng girl. Pero yung girl medyo alanganin na kasi
natatakot yatang baka isang malungkot na relasyon yung ang BF mo konti
lang kung magreact sa mga bagay‐bagay. Eto ngayon nangyari, sabi ni
Joseph, palagay ko may gusto ako sayo, ano kaya kung magrelasyon tayo.
Sagot ng girl, ah eh ano kasi Joseph, ang bilis mo naman. Yung iba kong
suitors may intro muna, minsan mula Welcome Rotonda pa nga ang intro
eh para talagang may bwelo. Ikaw naman relasyon agad. Kung OK lang sana
sayo, baka pwedeng friends muna tayo kahit 1 week lang, tapos we can
decide after that if we really want to have a relationship. Sabay biglang tayo
si Joseph, sabi nya in a monotonous voice: Friend? Madami na akong friend.
Ang gusto ka GF naman. Galit ako sayo, kaya aalis na ako, babalik na lang
����� ��� ��� ���������
47
ako bukas. Sabay larga. Fast forward tayo sa kinabukasan ng gabi ulit. Nasa
gate pa lang ng dorm si Joseph, sumasalubong na yung girl, sabay sabi,
akala ko di mo tototohanin yung sabi mo na babalik ka ngayon. Buti naman
bumalik ka, kasi payag na akong makipagrelasyon.
KABANATA NUEVE:
Ang Kapangyarihan ng Pompyang
Syempre pamilyar sa ating lahat ang kantang Words ng Beegees. Kung di
mo kilala ang Beegees, yan yung grupo ng mga Gibbs, kaya nga Beegees eh.
Yung kanilang pamosong lead singer, yung ang boses parang laging
naiitlogan kaya ang taas, halos Falsetto na. Ano nga ba ang message ng
Words. Let’s break it down: It’s only words, and words are all I have, to take
your heart away….
Ayun. Ang klaro ng recto, este ng message. Yun daw salita ay sapat upang
makasilo ng bebot. Totoo yan. Minsan may friend akong babae, sabi nya
nung una ko daw ginamit sa kanya yung salitang PERFUNCTORY, ay
namangha daw sya dahil di nya alam ang ibig sabihin nun. Humanga daw
sya, at parang naramdaman nya na parang mahal na nya agad ako. Whoa.
Isang word pa lang yan, ano ha? Ang di nya alam, napulot ko lang din yun sa
roommate kong si Franklin/Glenn.
����� ��� ��� ���������
48
Pero yan ang sunod na payo ko mga erp. Kumbaga sa mga classicong
kwento na katulad ng mga katha ni Jane Austen at yung mga Harlequin
romance, iba kapag ang pananalita ng lalaki man o babae ay may pino. May
breeding, ika nga. Ang language ay ang ultimong lamang natin sa mga
hayop. Ang pananalita ng tao ay kumplikado, hindi tulad ng mga unggoy na
limited lang ang kanilang vocabulary. Kung sa alphabet ay hanggang S lang
sila, dahil yun lang ang kailangan nila to spell saging. Entonses, may bentahe
yung magaral tayo ng iba‐ibang words na may kabigatan. Yung pagbitaw mo
ay makukuba sa bigat ang makakarinig. Naalala ko tuloy yung una kong
narinig yung salitang orgasm na binigkas ng teacher ko sa Sex Education
subject sa high school. Tandang‐tanda ko para akong pinompyang.
Hanggang gabi parang tumataginting pa sa tenga ko yung word na yun.
Eniwey, back to some heavy words. Por ejemplo, ang salitang PARLANCE,
maganda yan, at madaling isingit sa usapan kahit ano ang topic. Dahil
pwede mo sabihin, oh really, in the local parlance you mean…, o kaya, oh I
understand what you mean when you say it is difficult to resist, in the
parlance of Star Trek, resistance is futile. Oh diba? Ako nga bumili pa ng
libro ng mga English idiomatic expressions. Kasarap naman kapagka
nagagamit, yung sa usapan ay makasingit ka ng, oh, its water under the
bridge, o kaya, its like watching Hamlet without the prince. Hebigats! Sulit
yung 275 pesos na ibinayad ko sa Powerbooks, dahil ng gamitin ko yan
minsan sa boss ko noon, naipromote agad ako. Sabi nya, I like the way you
speak, it is evident that you have the potential to lead a team. Sabi ko
����� ��� ��� ���������
49
naman agad, thank you sir, my vision is to build with words an
indestructible bridge to improve the communication flow between and
among our departments.
At kung hindi ka naman talaga mahihilig magsaulo ng heavy words or
idiomatic expressions, ay may isa pa akong tip. Mag coin ka ng new words.
Original ka pa. Katulad na lang nung mama na nagcoin ng salitang mormor.
What? You don’t know the meaning of mormor? Well, yan ang libag na
naiipon sa ilalim ng beer belly ng lalaki, at sa ilaim ng boobs ng babae. Di ba
these are things na wala tayong tawag, and I myself used to feel helpless
because I could not express myself completely. Until this guy came along
with a name for it. For example, ngayon sasabihin mo na lang, taragis ka
Jordan nagpiPSP ka na naman, kakamadali mo maligo ang kapal na ng
mormor mo! Dahil pag sinabi mo libag, the next question of Jordan would
be, libag where? Tama nga naman, ang lapad‐lapad ng human body. It pays
to be specific, di ba.
Yun ding isang nag coin ng word na espaface, sumikat din yun. Akala ng
marami ngayon ang espaface means spa for the face. No, no, no. It means
makapal na face powder. Dahil ang root word nyan ay espasol.
Yang mga pag introduce ng new words ay patok sa chicks yan. Por ejemplo,
eto: Hi sis, tag‐ulan na naman, I’m planning to go shogging mamaya, sama
ka? Ha? Ano yung shogging? It means shower habang nagjojogging, in
����� ��� ��� ���������
50
Tagalog, ligo tayo sa ulan. Sagot naman sya, ay ayoko bagong rebond ang
hair ko di pwede mabasa, but I like that concept ha. O sige kung di ka
pwede ng shogging, sinelast na lang, sine na last full show.Sagot naman sya,
wow, you are on a roll ha, so cute. Sige na nga sama ako sa sinelast. Basta
hatid mo ako sa Brookside sa Cainta afterwards, tapos sa bahay ka na
matulog in case baha. Ayos.
����� ��� ��� ���������
51
KABANATANG PANGWAKAS:
The Wisdom of Flying Solo
Eto na sa wakas ang huling yugto sa librong ito. Tawagin natin ang yugtong
ito na...The Wisdom of Flying Solo. Ito ang nais kong ipamahagi sa inyo dahil
ito ang itinuturing na the mother of all advise in getting the attention of any
GLMOS. Ano? Hindi mo alam ang GLMOS? Ang ibig sabihin nyan ay Good‐
looking Member of the Opposite Sex. At ang advise na ito ay, yes, ipabasa
mo sa crush mong bebot. Pero remember, itong huling yugto lang ha, wag
ang buong libro, dahil take note ang babala sa umpisa.
Girls, ganito yan. Halimbawa, mahilig ka sa dabarkads. Pag lumakad kayo ay
palagi kayong isang pulutong (kung hindi ka nag ROTC, ang pulutong sa
English ay platoon). Manonood kayo ng sine, sampu kayo. Kakain kayo sa
mga naglalakihang restoran katulad ng KFC at Rodics (ha? di mo alam ang
Rodic's? Puwes, you'd been missing half of your life), sampu kayo. Uuwi
kayo, sampu pa rin kayo, kaya puno agad ang jeep pagsakay nyo sa tapat ng
Puregold sa Cubao.
Eto naman yung may crush sayo. Gusto nyang dumikit sayo, hindi pwede
dahil nakapaligid sayo ang comrades mo. Sa sobrang siksikan nyo sa
pulutong, naghahawa‐hawa na ang mga leki‐leki nyo (Huwat? di mo alam
����� ��� ��� ���������
52
ang leki‐leki? Puwes bumili ka ng 3rd edition ng Webster na salin sa
Tagalog). Kung yayayain ka naman nya magsine, sampu ang ililibre nya.
Todas sya pag sa Narnia: Voyage of the Dawn Treader 3D ka nagyaya.
Php250 ang isa, 2,750 agad. Huwat? Mali ang math ko? 250 X 11 = 2750.
Ha? Bakit 11? Syempre kasama sya, alangan naman linibre kayong sampu
tapos sya di kasama.
Kung gusto ka nyang yayain sa mamahaling restoran, sampung bibig agad
ang pakakainin nya. Kayo tapsilog sa Rodics ang tsibug pero sya kok lang.
Daig pa nya ang padre de pamilya na hindi nag‐family planning dun sa may
estero sa Maynila sa dami ng bibig na bubusugin.
Kung gusto ka niyan ilibre sa pamasahe, kailangan niyang arkilahin yung
jeep para magkasya kayo lahat. Sumalosep.
Ngayon, OK lang yang sandamakmak ang dabarkads mo kung ikaw ay
young and certified GLMOS. Kaso lang, paano na kung medyo malapit ka na
sa dulo ng Lotto? Sige, bumarkada ka pa, sige, sige!
Parang yung kilala ko. Mapili sya pagdating sa boys. Ang gusto daw nya
yung kasing tangkad ni Richard Gomez at matipuno na parang si Rey PJ
Abellana (ang original na The Punks!). Pero, pag sinipat mo sya, medyo wala
sa hulog ang looks. Kung sa tinapay na pan de rosa, sya yung tipong
naupuan ng panadero. Ang lakas ng loob maging mapili. Pero meron paring
����� ��� ��� ���������
53
nabighani, dalawa ang lumigaw, pareho ko rin kilala. Yung isa medyo shy,
ayaw pumunta sa Optometrist kahit na yung Letter E sa tuktok ng Eye Chart
eh F ang basa nya. Yung isa naman member ng Addams Family. Kaso ganun
na nga ang nangyari. Yung dalawa gustong tyumempo, kaso nga yung girl
laging nasa puyo ng barkada. Minsan nagkalakas ng loob yung member ng
Addams Family na magyaya sa Tia Maria sa Megamall (Opo, may Tia Maria
po dyan nuong araw, gardemet!). Sumama ang buong pulutong. Gabi noon.
Alas nueve y media. Nakatanggap ako ng tawag sa aking Bosch na cellphone
(Opo, may Bosch na cellphone nuong araw!). Sabi ng member ng Addams
Family, tol, I need you to go to the nearst ATM, withdraw all your lifetime
savings and lend them to me. I‐deliver mo ang cash dito sa may CR sa Level
5 ng Megamall. Pronto!
To cut a long story short, inabot ko ang Php6,530 sa may CR. At tinanong
ko kung ano ang emergency. Ayun! Mga uhaw pala ang dabarkads. Nakaka‐
apat na bote na raw ng Tequila. Sumalosep!
I told my friend, ibibigay ko sayo ang pera na ito sa isang kundinsyon:
sukahan mo ang buong pulutong!
At eto ang naging ending: Umayaw na nga yung friend ko, although hindi
nasukahan ang mga buhong dahil puro kok lang ang ininom nya para
makabawas sa total invoice. Matandang dalaga na si Ms. Dabarkads
����� ��� ��� ���������
54
ngayon. Si Addams Family member naman ay nag‐aamortize pa rin sa akin.
Susmio, kaybagal maghulog.
At yun namang malabo ang mata, masahista na ngayon sa isang malaking
spa sa Libis.
Kaya girls, ang payo ko sa inyo, fly solo.
Sa mga lalaki naman, ganun din ang advise ko. Lumakad ka ng solo, iho.
Yung malakas lang ang loob mo pag kasama mo ang mga kaklase mo, hindi
uubra yan. Lahat ng matipuhan mong chicks, mapupunta sa barkada mo,
lalo na kung ikaw ay biniyayaan ng pisnging healthy, yung tipong kalahating
ihip lang ng hanging habagat, tutubo na agad ang labing‐isang tigidig.
Huwat? You don't know tigidig? Yan ay pimples sa English.
Samantalang kung mag‐isa ka, madali kang malalapitan ng chicks in case
kailangan nila ng assistance. O kay haba ng listahan ng maaring mangyari
kung mag‐isa kang lumalakad (o tumatambay). Maraming dahilan para
lumapit sayo si Sweet Capricorn. Por ehemplo:
1. Para magtanong ng assignment
2. Para umutang ng pamasahe
3. Para mag‐abot ng brochure ng bagong condo sa Pasig
4. Para hingin ang boto mo kasi tumatakbo syang Muse sa halalan
5. Para magtanong kung saan banda ang library
����� ��� ��� ���������
55
6. Para magpaturo kung paano mag DOTA
7. Para magpa‐pasa load
8. Para magtanong kung ano ang mainam na sabon para sa tigidig (ang
tamang sagot ay: CY Gabriel Wonder Soap)
9. Para humiram ng game mong Tetris
10. At ang the last but not the least, para magpalibre ng kok.
I‐share ko na nga itong istorya ng isang matagumpay na caballero sa
larangan ng pag‐ibig. Hapon noon sa tapat ng Farmer's sa Cubao. Nang
walang ano‐ano'y biglang dumilim ang paligid, at nag volt‐in ang mga dark
clouds sa ibabaw ng Araneta Center. At dahil talagang galit ang kalangitan,
bumuhos ang sandamakmak na ulan. Pero ang aking friend ay buong liksing
naglabas ng foldable (is this really a word?) umbrella. At sa kalagitnaan ng
delubyo ay may slender na daliring tumapik sa balikat nya, at paglingon na
ay nanduon ang "her face is as beautifiul as a day" na babae. At sabi ng girl
ay "boss, pwede ba akong makisuno". At half‐an‐hour silang magkasalo sa
kanlungan ng isang itim na payong, nagaabang ng bus papuntang Letre
dahil tila baga nagkasundo‐sundo ang lahat ng bus driver na pagbigyan ang
kanilang love story, at umilalim lahat sa underpass ng Cubao.
At bago may dumaang bus ay naisulat na ni Beautiful As Day Girl ang
kanyang phone number sa puting sidebag na Khumbmela ni Umbrella Boy.
����� ��� ��� ���������
56
At sila ngayon ay may apat nang supling (Kung di mo alam ang meaning ng
supling ay ida‐drop kick kita).
Kitams! And therefore I conclude, there is wisdom in flying solo.
At magdala lagi ng payong.
Gardemet.
����� ��� ��� ���������
57
“After basahin ko ito nagkaroon agad ako ng girlfriend” – Ellen D. Generes
“Ang ganda ng cover, philosophical!” – Ayn Rand
“Nakaka-aliw basahin, kaso walang crossword” – Michael Jordan
“Napapanahon at akmang-akma sa mga current issues katulad ng climate change...” – Mayron Bryan
“Nakakaihi ...” – Sweet Capricorn
“Probably the best book in 2011. Hinding-hindi mo maiisip ipambalot ng espasol” – T. Timoteo
“Ang ganda ng back cover!” – Hisnando Hidaway