The Light by alyloony

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    1/24

    Copyright 2012 by Alyoony Stories

    ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

    The Light by alyloony

    ***

    gusto ko ng mamatay

    Ang mga katagang yan ang nagdala saakin ngayon dito sa LRT station. Sa tiyan koay isang sanggol na wala na kong plano pang buhayin. Hindi ko alam kung paano ako

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    2/24

    nahantong sa ganitong kapalaran. Halos buong buhay ko ay naglingkod ako sa simbahan pero bakit nangyari saakin ito? Bakit pinabayaan ako ng Diyos?

    Ako si Miracle. Ayon sa mga magulang ko, ayan daw ang ipinangalan nila saakin dahil para sa kanila, isa akong biyaya. Dati kasi hirap magbuntis si mama kaya naman nung maipanganak ako, ganun na lang ang kasiyahan nila. Sabi nila, laking pasasalamat daw nila sa Dyos dahil dumating ako sa buhay nila.

    Second year college na ako ngayon sa kursong education. Isa rin ako sa mga naglilingkod sa simbahan bilang isang choir member. Bata pa lang ako ng magsimula akong kumanta sa simbahan. Bukod kasi sa hilig ko na ito, pinalaki rin ako ng mga magulang ko na maka-Diyos kaya naman masaya ako na naglilingkod sa kanya.

    Masaya ang buhay ko. Meron akong mabubuting kaibigan at mapagmahal na mga magulang. Lagi kong iniisip na mahal na mahal ako ng Panginoon dahil biniyayaan niya ako ng masayang buhay. Naniniwala ako noon na hindi niya ako pinababayaan at lagisiyang nandiyan para saakin. Na kahit anong mangyari hindi niya ako aabandunahin.

    Pero nagkamali ako.

    Dahil sa isang insidente, nagbago na lahat ng paniniwala ko.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    3/24

    Tandang tanda ko pa ang araw na yun. Medyo ginabi kami ng practice ng choir nungpanahon na yun. Sasali kasi kami sa isang choir singing contest at yung mapapalanunan naming premyo ay balak namin i-donate sa isang charity. Lahat kami ay pursigidong manalo kaya naman ganun na lamang ang pag pa-practice namin.

    Miracle, uuwi ka na ba? Gusto mo bang sumama saamin kumain saglit? tanong ni Ate Megan, yung president namin ng choir.

    Naku hindi na Ate, uuwi na ko agad. Nagluto kasi si Mama ng hapunan eh. Sa bahayna lang po ako kakain

    ay ganun ba? Sige ingat ka pag uwi ah? Delikado pa naman ang daan pauwi sa inyo

    opo, kayo din po

    Nagpaalam na ako sa kanila at naglakad pauwi tutal walking distant lang naman ang bahay namin.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    4/24

    Pero hindi ko inaasahan, nung mismong gabi na yun, mawawala ang lahat saakin.

    Habang naglalakad ako pauwi, biglang may isang lalaking humarang saakin at hinila ako sa isang liblib na lugar. Doon ay walang awa niya akong ginahasa. Umiyak ako ng umiyak at humingi ng tulong pero walang dumating para saakin. Kinabukasan,nadatnan na lang nila ako sa tambakan ng basura na walang malay, puro galos atwalang saplot sa katawan.

    Madaming nagsasabi na maswerte ako dahil nabuhay ako. Maswerte ako dahil kahit nagahasa ako, hindi ako pinabayaan ng Dyos.

    Pero mali sila.

    Naging mahirap para saakin ang buhay simula ng magahasa ako. Naranasan kong mapagusapan ng mga tao kaya naman nagkulong na lang ako sa bahay dahil sa kahihiyan.Pilit akong dinalaw noon ng mga kaibigan ko sa iskwela pati narin yung mga kasamahan ko sa simbahan kaya naman kahit papaano, nabawasan ang kahihiyan ko. Nunguna akala ko unti-unit na akong makakabangon dahil sa mga taong ito. Naniwala ako na kahit nagahasa ako, hindi ako pinabayaan ng Panginoon dahil nandiyan parinang mga taong nagmamahal saakin. Ngunit isang araw nagising na lang ako para malaman na nagdadalang tao ako. Nabuntis ako ng rapist ko na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    5/24

    Doon nag bago ang pananaw ko.

    Eto ba ang maswerte?! Ito ba ang hindi pinabayaan ng Panginoon?! Mas gugustuhinko pang mamatay eh! Hindi lang ang puri ko ang nawala saakin kundi buong buhay ko! Dahil sa pagdadalang tao ko, hindi na ako makapasok sa iskwelahan! Dahil sa kahihiyang nararamdaman ko, ni hindi ko na maipakita ang mukha ko sa ibang tao. Wala akong ginawa kundi umiyak magdamag habang nakakulong sa kwarto ko.

    Buong buhay ko naniwala ako na mahal ako ng Panginoon, na hindi niya ako pababayaan. Naglingkod ako sa kanya ng buong puso. Lahat ng ginagawa ko ay inaalay ko para sa kanya. Pero sa bandang huli, inabanduna parin niya ako. Hinayaan niyang mangyari ang mga bagay na to saakin.

    Sa sobrang sakit, sobrang hirap, sobrang panghihinayang at sobrang kahihiyan, isa na lang ang tanging naiisip kong paraan upang matigil na ang lahat ng ito.

    At ayun ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa LRT station.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    6/24

    Umakyat na ako sa platform ng LRT station at hinintay ang padating na tren na siyang tatapos ng buhay ko. Ilang saglit lang at narinig ko na ang pag ungol nito.Unti-unti akong naglakad papunta sa may riles habang unti unti kong nararamdaman ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Alam ko na sa ilang sandali na lang ay hihinto na ang pagtibok nito, matatapos na lahat ng paghihirap ko at mawawakasan narin ang nasira kong buhay.

    Pero habang naglalakad ako palapit sa riles ng tren, bigla namang may yumakap nabatang babae sa mga binti ko kaya napahinto ako sa paglalakad ate, ate! Nakita mo ba si mama? tanong saakin nung batang babae

    huh?

    nawawala kasi si Mama! Ate tulungan mo akong hanapin si mama! sabi niya na parangiiyak na.

    Chloe! sigaw naman nung isang babae habang patakbo siya papunta saamin

    Bigla naman kaming napalingon doon sa babae.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    7/24

    Mama! sigaw nung bata at tumakbo siya papunta sa mama niya

    Ok ka lang ba anak? Kinabahan ako nung nawala ka! sabi nung babae sabay yakap doonsa bata wag ka na ulit hihiwalay kay Mama ha?

    opo mama!

    Maya maya lang, huminto na ang tren sa harap namin. Pinanood ko ang mga tao habang papasok sila sa loob ng tren. Nakita ko rin yung mag-ina kanina na papasok narin sa loob ng tren.

    Miss papasok ka ba tren? Kung hindi pwede bang wag kang humarang sa daan! sigaw nung isang lalaki saakin.

    Tumabi ako sa gilid. Nagsara na ang mga pintuan ng tren at tuluyan na itong umalis.

    Bigla na lang bumagsak ang luha ko.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    8/24

    Bakit ganun ang Diyos? Hindi niya ko iniligtas pero hindi rin niya ako hinayaangwakasan ang paghihirap ko? Gusto ko lang naman ay matapos na ang paghihirap naito eh! Oo alam ko masama ang magpakamatay. Pero para saakin, wala ng kwenta kung ano ang tama sa mali. Hindi na ako takot gumawa ng kasalanan dahil simula ng mangyari saakin ito, nawala narin ang takot at paniniwala ko sa Diyos. Wala siyang kwenta! Inalay ko ang buhay ko sa kanya! Naniwala akong hindi niya ako pinabayaan pero ano ito?! Bakit nangyari saakin ito?!

    Ngayon alam ko na, ang Diyos na pinaniniwalaan ng marami ay hindi kasing buti ngtulad ng inaasahan natin. Kaya niyang magabanduna ng tao.

    miss, panyo oh

    Bigla akong napatungo ng makita kong may nagaabot ng panyo sa harapan ko. Nakitakong may isang lalaki ang nakangiti saakin. Pero bago pa ako makapag react, bigla na lang ako nakaramdam ng hilo at nagdilim ang paningin ko.

    Nagising ako sa isang ospital. Sa tabi ko ay yung lalaking nag abot saakin ng panyo sa LRT at meron siyang kasamang middle age na babae.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    9/24

    miss ok ka lang ba? tanong saakin nung lalaki.

    sino kayo? Bat ako nandito?

    ako si Amelia sabi nung middle age woman at eto naman si Michael, ang anak ko. Hinimatay ka kanina sa LRT station kaya naman dinala ka namin dito sa ospital. Sabing doctor anemia daw

    Napaayos ako ng upo at naalala ko lahat ng mga nangyari. Hindi natuloy ang pagtatangka kong pagpapakamatay. Buhay ako at miserable parin.

    tinawagan na namin ang parents mo at papunta na sila dito. Di ba ikaw si Miracle?Kaibigan ni mama yung mga magulang mo. Buti kami ang nakakita sayo. Pero bago ang lahat, gutom ka na ba? Kailangan mo ng kumain para maging healthy yung baby na dinadala mo sabi naman ni Michael saakin

    Baby?

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    10/24

    Oo nga pala, nagdadalang tao ako. Bakit pa kasi hindi nalaglag ang batang to eh!! Ayoko na! Hindi ko na to kaya!!

    Bigla na lang ako napahagulgol ng iyak. Sinubukan nila akong pakalmahin pero patuloy lang ang pag iyak ko. Inabutan nila ako ng pagkain pero tinabing ko lang ito at pinagpatuloy ang pag iyak ko.

    Maya-maya lang din ay dumating na ang mga magulang ko na bakas ang pag-aalala sakanilang mukha. Tinanong nila kung kamusta ako at kung anong nangyari saakin pero hindi ko sila sinagot at umiyak na lang ng umiyak.

    Sa loob ng ilang araw ganun ang sitwasyon ko. Wala akong kinakausap at lagi langakong nakakulong sa kwarto. Halos araw araw akong umiiyak at hindi ako masyadong kumakain. Sa sobrang sakit at hirap na nararamdaman ko, gusto ko na lang matulog at hindi na kailanman magising

    Akala ko, ganito na lang ako habang buhay. Palagi na lang akong miserable. Sa pangalawang pagkakataon, sinubukan kong pagtangkaan ulit ang buhay ko sa pamamagitan ng paglalaslas kaya lang nakita naman ako agad ni Papa kaya hindi na naman ito natuloy.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    11/24

    Pagod na pagod na ko, gusto ko ng mamatay. Ayoko ng magpatuloy sa buhay. Hindi ko na kaya to. Palagi na lang ba akong miserable?

    Ayan ang lagi kong tanong sa isipan ko. Akala ko habang buhay na kong ganito

    Pero nagbago ang lahat dahil sa isang hindi inaasahang bisita.

    Mga bandang hapon nun ng magpunta si Michael sa bahay namin. May ipinabibigay kasi ang mama niya na mga pasalubong galing probinsya. Nung mga panahon na yun, nasa kwarto lang ako at umiiyak. Nagulat naman ako ng bigla akong pasukin ni Michael sa kwarto.

    Miss panyo oh sabi niya saakin habang nakangiti sabay abot ng panyo

    Hindi ko siya pinansin noon at nagtalukbong lang ako ng kumot.

    nabalitaan kong member ka pala ng choir dito sa simbahan. Alam mo ba nanalo ang mga kasamahan mo sa isang choir singing contest? Ang galing no?

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    12/24

    Hindi parin ako umimik sa kanya pero sa totoo lang gusto ko siyang patahimikin.Bakit ba niya kinukwento yun ha?! hindi ba niya naisip ang mararamdaman ko?!

    alam mo ba dinonate ng mga ka member mo yung napanalunan nila tapos nagbigay pa sila ng party para sa mga bata sa ampunan! Nandun nga kami ni mama eh at kitang kita namin yung tuwa sa mga mata ng mga bata. Inbitado ka din daw pero bat hindika pumunta? Sayang naman yun! Masaya pa naman yung party

    ay oo nga pala Miracle, may uwi kaming pastillas at buko pie galing Laguna, mahilig ka ba doon?

    Hindi ko parin pinansin si Michael pero patuloy lang siya sa pagkukwento saakinng kung anu-ano. Medyo pagabi na nung umalis siya kaso nagulat ako, kinabukasan,bumalik ulit siya sa bahay namin para kuwentuhan na naman ako.

    Halos araw-araw, ganun ang ginagawa niya. Pumupunta siya saamin at kinukuwentuhan ako ng ibat ibang bagay. Tungkol sa paaralan niya, tungkol sa pamilya, mga kaibigan. Hindi ako umiimik sa kanya pero inaamin ko na naiingit ako sa kanya dahilmeron siyang isang normal na buhay. Gusto ko ulit bumalik sa dati kong buhay nakatulad ng buhay ni Michael pero alam ko, hindi na magiging normal pa ang buhayko.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    13/24

    Pero sa kabilang banda, hindi ko rin maiwasang matuwa sa mga kinukwento niya. Hindi ko alam kung bakit, pero araw araw lagi akong umaasa na pupunta siya sa bahay namin para mag kwento saakin. May mga beses na hindi siya nakakarating, at sahindi malamang kadahilanan, hinahanap hanap ko ang mga kwento niya.

    Hapon na naman at nandito sa tabi ko si Michael na nagkukwento tungkol sa nangyari sa kanya sa paaralan niya.

    Grabe Miracle nakakahiya talaga! Na-late ako sa klase ko kanina eh kamalas malasan, kalahating halimaw yung professor ko! Alam mo ba pinagawa saakin? Pinakanta niya ako ng ako ay may lobo sa harap ng mga kaklase ko! nakakahiya talaga

    Hindi ako umimik sa sinabi ni Michael pero pilit kong itinago ang ngiti sa sarili ko.

    tapos alam mo ba, nag exam kami sa English, spelling yung quiz! Grabe no? Collegestudent na kami pinag spelling pa kami! Pero alam mo ba bumagsak ako sa quiz nayun! Mga alien words ata yung pina-spell saamin ng prof namin eh. Sa totoo lang, paano mo i-ispell ang salitang supercalifragelisticexpialidocious?! Tsaka anoba meaning nun?

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    14/24

    non-sense sabi ko sa kanya na siyang ikinabigla niya. Bigla siyang napatigil sa pagsasalita at kahit ako din napatigil. Parang nabigla rin ako ng lumabas sa bibigko ang salitang yun. Kada kasi mag ku-kwento si Michael, hindi ako umiimik kahit nagtatanong siya. Ito ang unang beses na kinausap ko siya

    Nagulat naman ako ng biglang mapalitan ng ngiti ang mukha ni Michael ahh! Yun pala ang ibig sabihin nun! Non-sense? Sus! ang daming alam ng teacher ko no? hindi ko na ulit siya pinansin at iniwas ko ang tingin ko sa kanya

    Linggo na naman bukas Miracle. Gusto mo bang sumama saakin mag simba? tanong ni Michael saakin tamang tama kailangan mo naring mag pa check up para masiguro natinghealthy yang baby mo. Babae kaya o lalaki magiging baby mo? siguro kung babae magiging kasing ganda mo siya. Uy! Ninong ako ah!

    Parang biglang nagpantig ang tenga ko ng dahil sa sinabi niya. Ok na sana eh! Medyo gumagaan na ang pakiramdam ko pero bakit kailangan pa niyang ipaalala saakinang sanggol na ito?! Napabangon ako bigla sa kama at hinarap siya

    pwede ba! Wag mo nga mabanggit banggit ang tungkol sa sanggol na yan! wala akongplano isilang to!! pinaghahampas ko ang tyan ko itong sanggol na to ang bunga ng kademonyohan ng hayop na lalaking yun!! Wag mong babanggitin saakin ang tungkol dito!!

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    15/24

    P-pero Miracle, anak mo yan. Kahit pa bunga yan ng panghahalay sayo, biyaya yan ng Diyos

    Pinaglololoko mo ba ko ha?! paanong magiging biyaya to kung nagsisilbing alaala to ng nangyari saakin?! Isa pa wag na wag mo rin babanggitin ang tungkol sa Diyosna yan! Masama siya! Ayoko ng maniwala sa kanya!!

    hindi totoo yan..

    Anong hindi?! Kita mo na ngang pinabayaan niya ko eh! pwede ba umalis ka na! kinuha ko yung unan ko at ibinato ko sa kanya Wag na wag ka ng babalik! Ayaw na kitangmakita!

    M-miracle, s-sorry

    ano ba!! kinuha ko pa ulit yung isang unan at ibinato ko sa kanya sabi kong umaliska na di ba?! wag na wag ka ng babalik dito!! Ayoko na kitang makita! Ayoko ng marinig mga kwento mo! umalis ka na!

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    16/24

    s-sige, iwan na muna kita tumayo na si Michael at naglakad palabas ng kwarto ko habang nakayuko.

    Ilang linggo ding hindi pumunta si Michael sa bahay namin. Siguro nga hindi na talaga siya pupunta. Pero sa totoo lang, araw araw ko parin siyang inaabangan atumasang dadating siya na may baong panibagong kwento saakin. Kaso siguro mas maganda na nga rin na hindi kami magkita. Kahit medyo napapagaan niya ang loob ko,meron parte saakin ang naiinggit sa kanya at nagsasabing gusto ng bumalik sa dati kong buhay. Kaso alam ko, wala namang madudulot na maganda yun eh. Makukutya lang ako at masasaktan ulit kaya naman mas mabuti ng mag kulong ako sa kwarto.

    Kaso hindi ko inaasahan, bigla ulit nagpakita sa bahay namin si Michael habang may dala-dalang dyaryo. Dali-dali siyang sumugod sa kwarto ko

    sabi mo hindi ka mahal ng Diyos? ayun ang pambungad na salita niya saakin sabay abot ng isang dyaryo hanggang sa huli hindi ka niya pinabayaan Miracle. Sadyang nabulag ka lang ng galit kaya hindi mo ito nahalata. Mahal ka ng Diyos Miracle, atkahit kailan, hindi ka niya inabanduna o pinabayaan. Mahal ka niya matapos niyangsabihin yun ay umalis na siya

    Tinignan ko yung dyaryo na inabot saakin ni Micheal at bigla na lang akong napahagulgol ng mabasa ko ito. Yung rapist ko, inamin na sa mga pulis lahat ng ginawaniya at sinabing nasa impluwensya siya ng droga kaya niya nagawa ang mga bagayna yun. Araw gabi daw siyang binabagabag ng konsensya niya kaya sumuko na siya a

    t

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    17/24

    nakahanda siyang pagbayaran lahat ng kasalanan niya. Sabi pa dito ay lubos siyang humihingi ng tawad sa babaeng nagahasa niya.

    Napatakip na lang ako ng bibig habang patuloy ang pagiyak ko matapos kong mabasaito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Simula ng ma-rape ako, inisip ko ng inabanduna ako ng Diyos pero dahil sa pangyayaring ito, nagdadalawangisip na ako sa kung ano ba talaga ang totoo.

    Kinabukasan, nagulat ako ng dumating ulit sa bahay namin si Michael pero sa pagkakataong ito, kasama niya si Amelia, ang mama niya. Akala ko dinadalaw lang ni Amelia si mama at papa pero nagulat ako ng pumasok ito sa kwarto ko at kinausap ako.

    Miracle, kamusta ka na? tanong niya saakin pero katulad ng karaniwan kong ginagawa, hindi ko siya pinansin nahuli na daw yung rapist mo, hindi ka ba masaya?

    kung kakausapin niyo ko tungkol diyan, makakaalis na kayo madiin kong sabi sa kanya kaso nagulat ako ng sinagot niya lang ito ng isang ngiti.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    18/24

    alam mo ba, isa rin akong rape victim at nabuntis rin ako ng taong gumahasa saakin? nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatingin ako bigla sa kanya at kilala mo ba kung sino ang bunga?

    S-si Michael?

    siya nga. Nawalan din ako ng pag-asa nun Miracle. Ilang beses ko ring pinagtangkaan tapusin ang buhay ko at sinisi ko din ang Diyos noon. Pero nakabangon ulit ako kasi hindi ko inalis sa buhay ko ang mga taong nagmamahal saakin. Sa kanila ako humugot ng lakas para magsimula ulit

    pero ganun parin yun!! Pareho parin tayong pinabayaan ng Dyos! Inabanduna parin niya tayo! giit ko sa kanya

    Miracle, hindi ginusto ng Diyos ang nangyari sa atin. Alalahanin mo, walang masamang bagay na ginawa ang Diyos pero lahat tayo ay binigyan ng kalayaan upang gawin lahat ng bagay na gusto natin. Ang pagkakagahasa saatin ay gawa ng isang demonyo pero Miracle, pinabayaan ka nga ba ng Diyos? Inabanduna ka nga ba niya? Imulat mo ang mata mo. Kung pinabayaan ka niya, sana inalis niya lahat ng taong nagmamahal sayo, sana hindi ka niya binuhay. Oo marahil hindi ka niya tinulungan ng mga panahon na yun pero isipin mo, bawat bagay ay may dahilan.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    19/24

    Bigla na lang akong napatakip ng tenga at biglang napahagulgol ng iyak

    hindi ko alam.. HINDI KO ALAM!!! Kung totoo yan bakit niya hinayaan na mabuntis ako?! At anong dahilan ang gusto niyang ipakita saakin?!

    Hindi ako sinagot ni Amelia pero bigla na lang niya hinawakan ang tiyan ko Alam mo ba, habang nagdadalang tao ako kay Michael noon, buo na ang loob kong iwan siya sa ampunan. Gusto ko na kasi nun makalimot at magsimula ulit. Gusto ko ng ialis lahat ng bagay na makakapag-paalala saakin sa madilim kong nakaraan. Pero alammo, nung isinilang ko si Michael, nakaramdam ako ng kakaibang saya. Hindi ko nasiya magawang iwan nun kaya naman ako na ang nagpalaki sa kanya. Si Michael, lumaki siya bilang isang mabuting bata. Matulunging siya sa kapwa at napaka gentleman pa. Isa pa, masipag mag-aral yan at talented. Wala siyang ibang ibinigay saakin kundi puro saya hinawakan niya ang kamay ko at nun ko lang naintindihan ang dahilan ng Diyos kung bakit nangyari saakin ang bagay na yun bigla akong niyakap niAmelia si Michael ang nagsabi saakin na makipagusap sayo. Ewan ko ba sa batang yun, pero nakikita kong gustong gusto ka niyang tulungan. Miracle, magpakatatag ka. Hindi ka nagiisa matapos sabihin saakin ni Amelia ang mga bagay na yun, lumabas na siya sa kwarto ko.

    Maya-maya lang din, pumasok sina Mama at Papa sa kwarto ko.

    Anak.. tawag ni mama saakin

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    20/24

    Lumapit naman si Papa kain na tayo ng dinner

    Tinignan ko ang mukha ng mga magulang ko at kitang kita ko ang labis na pagkaalala at kalungkutan sa mata nila. Si mama at papa, lagi ko silang pinagtatabuyan nun pero hindi nila ako pinabayaan. Araw gabi pinupuntahan nila ako sa kwarto kopara yayain akong sumabay sa kanila sa pagkain pero lagi ko silang ptinatabuyan.Pilit kong inilayo ang sarili ko sa kanila. Pero sa kabilang banda, lagi silangnasa tabi ko at nagaalala saakin.

    Bigla kong naalala yung sinabi ni Amelia saakin Hindi ka nagiisa..

    Bigla na lang akong napahagulgol ng iyak at niyakap si mama at papa.

    ma, pa.. s-sasabay na po akong kumain sa inyo.. bulong ko sa kanila

    Nakita kong may tumulong luha sa mga mata nila at niyakap din nila ako ng mahigpit. Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko nun habang nakayakap sa kanila.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    21/24

    At pagkatapos nun, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak dahil gusto ko ng bumangon at magpakatatag kasama ng mga taong nagmamahal saakin.

    Dahil sa mga sinabi saakin ni Amelia, naglinaw lahat ng bagay na nasa isip ko. Doon ko naalala ang mga nagaalalang mukha ng mga magulang at kaibigan ko, mga taong pilit na lumalapit saakin para tulungan ko pero pilit kong tinataboy. Doon konakita lahat ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit saakin.

    [After a couple of months]

    ang cute cute cute mo talaga! Kamukhang kamuka mo si mommy oh! sabi ni Michael habang buhat buhat niya ang isang sanggol. Lumapit siya saakin at itinabi niya saakin yung baby

    Bigla akong napangiti ng makita ko yung bata sa tabi ko habang inaabot nito angmga daliri ko. Katulad ni Amelia, nakaramdam ako ng di inaasahang kaligayahan. Habang tinititigan ko yung sanggol, hindi mukha ng rapist ko ang nakikita ko kundi mukha ng kaligayahan

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    22/24

    F-felicity.. bulong ko Felicity. Yan ang gusto kong pangalan niya

    Nakita kong ngumiti si Mama maganda yang name na yan anak! Bagay na bagay sa maganda kong apo!

    syempre mana sa mama at lola! sabi naman ni Papa

    syempre kasi pati ninong gwapo! singit naman ni Michael kaya nagtawanan kaming lahat.

    Tinignan ko yung mga tao sa paligid ko na masayang nagtatawanan pagkatapos nun,ibinalik ko ang tingin ko sa sanggol na nasa tabi ko at napangiti ako.

    Thank you God, dahil hindi mo po ako pinabayaan bulong ko sa sarili ko

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    23/24

    Naging madilim man ang buhay ko noon, merong mga taong unti unting nag sindi ngkandila upang kahit papaanoy mabigyang liwanag ang buhay ko. Muli akong nakakitang liwanag at nakabanggon. Bumalik ang paniniwala ko sa Diyos at naging masaya narin ang buhay ko.

    Ngayon, alam ko na ang dahilan niya kung bakit nangyari ito. Gustong ipakita ngPanginoon saakin kung gaano ako kaswerte sa pamilya at mga kaibigan ko. Hindi ako iniwan ng pamilya ko pati ng mga kaibigan ko sa iskwela at sa simbahan. Nung dalawin ulit nila ako, nakita ko kung gaano sila kasaya na makita ulit ako. Kahitsa simbahan, buong buo na tinanggap ng mga kasamahan ko sa choir ang nangyari saakin. Sabi nila, ako lang daw ang hinihintay nila noon.

    Unti-unti akong nakabanggon at naging masaya. Unti-unting nagliwanag ang madilimkong buhay. Humingi ako ng tawad sa Diyos at patuloy na nagpasalamat sa kanya.

    At ngayon masayang masaya na ako kasama ang mga mahal ko sa buhay

    At ang anak ko na si Felicity na siyang magiging simbolo ng kasiyahang nadadalasaakin ng mga taong mahal ko.

  • 7/29/2019 The Light by alyloony

    24/24