17
“SULAT SA AKING INA” BUHAY AT KABAYANIHAN NI APOLINARIO MABINI Isinulat nila Bea Nolasco, Tricia Tuanquin at Paulo dela Cruz -START OF SCRIPT- I. Paghatid sa Hantungan (Music by Edward Talavera) -Start of Act- Mabini’s holding cell which contains a bed, a desk and a chair. On the desk is an old gas lamp, pen and paper, and some letters. Entering Mabini being carried by two American soldiers. They put Mabini on the bed, but he shakes his head and motions to the chair. The soldiers places him on the chair. He nods them away and they leave. Now that Mabini is all alone, he felt exasperated. For he knows that he is dying. He utters a silent prayer and reads some of the letters. Then he motions to the pen

Sulat Sa Aking Ina

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Original script (Spoken poetry + Original Music) for "Tribute to Apolinario Mabini". Written by: Bea Nolasco, Paolo Dela Cruz, Tricia Tuanquin. Music by: Tricia Tuanquin, Edward Talavera

Citation preview

Page 1: Sulat Sa Aking Ina

“SULAT SA AKING INA”

BUHAY AT KABAYANIHAN NI APOLINARIO MABINI

Isinulat nila Bea Nolasco, Tricia Tuanquin at Paulo dela Cruz

-START OF SCRIPT-

I. Paghatid sa Hantungan (Music by Edward Talavera) ✓-Start of Act-

Mabini’s holding cell which contains a bed, a desk and a chair. On the desk is an old gas lamp, pen and paper, and some letters. Entering Mabini being carried by two American soldiers. They put Mabini on the bed, but he shakes his head and motions to the chair. The soldiers places him on the chair. He nods them away and they leave. Now that Mabini is all alone, he felt exasperated. For he knows that he is dying. He utters a silent prayer and reads some of the letters. Then he motions to the pen and paper and starts writing. His last letter. His last goodbye.

-End of Act-

---

II. Hangad (Music by Edward Talavera) ✓(Mabini picked a piece of paper and a quill)

-Start of Narration-Mahal kong ina, //Nakauwi na ako sa ating tahanan. // Maikling oras man lang akong nawala, / sapagkat alam ko na marami na ang nangyari at naganap / habang ako'y nakulong sa Guam. // Antagal na nating hindi nagkita at nagkausap Ina, / subalit kung alam mo lang ay lubos na lubos ko nang inaasam na makasama ka muli / at maramdamam ang iyong malambing na yakap. // Ang yakap na naghehele sa ‘kin / at ang yakap na nagsasabi na ako ay nasa ligtas na kalagayan. //

-End of Narration-

---

III. Pag-aaral at Katarungan (Music by Edward Talavera)

Page 2: Sulat Sa Aking Ina

-Start of Narration-*smiles* Tila nakakatuwa ang mga araw na aking nadaanan, / Ina. // Noong ako’y binata’t nag-aaral pa, / natrabaho ako bilang isang guro / at sinikap kong magtayo ng sariling paaralan para lamang maipambayad sa aking matrikula. // Kahit na tumagal lamang ito ng dalawang taon, / ako’y nasiyahan magturo sa mga bata. // Ina, / Patawad. / Di ko mapigilang kurutin at hampasin sila ng kaunti, / sapagkat ako’y nanggigil sa kanila, / na matuto sila’t kilalanin ang mundo. //

-End of Narration--Start of Dialogue-

Apolinario: Ano ang nais n’yong marating sa buhay? Anong gusto n’yong propesyon?Studyante 1: Gusto ko po maging guro tulad ninyo!Apolinario: Maganda ‘yan, iha. Bakit mo naman napili ‘yan?Studyante 1: Nakakatuwa lang po na bata pa lang kayo, eh, nagtuturo na kayo. Nais ko pong maging matalino tulad n’yo.Apolinario: Eh, salamat naman gwapa.Studyante 2: Pero kung kayo’y hindi guro, Ginoo. Anong gusto ninyong propesyon?Apolinario: Abogado, iho.Studyante 2: Gusto ninyong yumaman kahit papaano eh?Apolinario: *slams desk* Di mo ba alam na nakakamatay ang ganyang lohika? / Isip ka ng isip ng mga bagay pero wala ka namang pinatutunguhan // Sapagkat, / di mo alam ang tunay na dahilan. // Para saan? / Para mabuhay ka sa kaginhawaan? / Kaginhawaan ba / na nakapaligid sa ‘yo ang mga nagdudusa? // Nag-aaral tayo para sa bayan, / sa ating sariling bayan, hindi lamang para sa sarili nating pagpapayaman.

-End of Dialogue-

---

IV.A. Pagdating ng G’era (Music by Edward Talavera)-Start of Narration-

Ipinagpatuloy ko ang pagtatanggol ng mga naapi bilang abogado. Ito na ang aking napiling propesyon sa buhay. Subalit, (cue drums preferably tomtom rolling) nagbago ang lahat ng pumalo na ang malakas at katakot-takot na tambol ng gera at himagsikan na tuluyang gumuho / sa pamumuhay ng lahat ng mamamayang Pilipino.

Page 3: Sulat Sa Aking Ina

-End of Narration-

---

IV.B. Ang Sandata Ko ay Panulat (Music by Edward Talavera)-Start of Narration-

Nag-aral ako muli sa ibang namang kolehiyo / nang nagsimula ang rebolusyon laban sa mga Espanyol. // Iba’t ibang tao, / iba’t ibang paniniwala, / iba’t ibang paraan para maipaglaban ang bansa. // May mga taong gustong gumamit ang dahas upang labanan ang mga Espanyol. // May mga gusto namang ipagtanggol ang bansa gamit ay ang kanilang pinag-aralan. // Palakasan ng karapatan, / paunahan maipangibabaw ang katarungan. // Nakasama ko ang mga manunulat, / na sadyang lukso sa kanilang dugo ang talino. // Tulad nila, / sinugal ko ang aking kapakanan / sa pagsulat ng mga artikulong nagpapahayag na hindi lamang sa madugong labanan makakamtan ang kalayaan ng mga Pilipino. // Subalit nang si Rizal ay nahuli na ng mga Espanyol, / nasira ang aming samahang La Liga. // Ngunit hindi nagtapos d’un ang rebelyon ng mga manananulat / sapagkat nabuo ang Cuerpo de Compromisarios, / ang dating La Liga.

-End of Narration-

---

V. Kalagayan ng Sanlibutan (Music by Tricia Tuanquin) ✓-Start of Narration-

Kung nasilayan mo lamang, Ina, / ang mga nakita ng mata ko. // Awang awa ako sa mga Pilipino habang nagpapatuloy ang rebolusyon. // Kahit saan ka man pumunta, / makikita mo ang bahid ng takot at paghihirap. (sound effects and voice acting) Madalas marinig ang mga tili, / at paghihinagpis ng mga tao habang sila ay minamaltrato ng mga Espanyol. // At isa pang nakakalungkot dito, Ina, / ay ang pakikitungo ng mga nakatataas na Pilipino laban sa mga mahihirap. // Kahit kapwa kababayan nila ay hindi man lang nila tulungan. // Bagkus, sila pa mismo ang unang tumalikod sa kanila.

-End of Narration-

-Start of Act-

Page 4: Sulat Sa Aking Ina

(Enter one soldier who brings Mabini’s food. He stops writing for a minute and just stares at his meal. Then he continues.)

-End of Act-

---

VI. Kaunting Katuwaan (Music by Tricia Tuanquin) -Start of Narration-

Ina, / isa lang naman itong kaunting katuwaan. // Natuto akong magsayaw dahil kay Pitong, / isang malapit kong kaibigan. // *laughs* Ngunit di ata para sa akin ang pakikihalubilo, Ina. // Malaking katanungan sa aking mga kaibigan kung bakit hindi ko ninais man lang na magkaroon ng kasintahan. // Simple lamang ang sagot ko, / isa itong malaking hadlang sa aking mga ambisyon. // Pero, / sadyang hindi maiiwasan ang maputik na daan tungo sa nais kong tagumpay. //

-End of Narration-

---

VII. Karamdaman (Music by Tricia Tuanquin)-Start of Narration-

Lumipas ang ilang taon, / unti-unting kinain ng panahon ang pagkakataon na ako’y makapaglakad. // Bawat yapak ko ay parang buhat-buhat ko ang sarili kong katawan. Mabigat, / masakit, / hangg’at sa ‘di na ako makatayo. Ngunit hindi nalumpo ang aking puso upang tumulong sa aking bayan. Nang pinapatay si Jose Rizal, ikinulong ako sa San Juan De Dios Ospital. //

-End of Narration-

---

VIII. Ang Buhat (Music by Tricia Tuanquin)-Start of Narration-

Nang may kumatok sa aking pintuan ng pagkakataon, / hinding hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon. // Ilang araw bago sumapit ang ika-12 ng Hunyo, / inihatid ako ng mga sundalo ni Aguinaldo at dinala sa kanyang kampo sa Cavite. // Ibinuhat ako sa isang kawang kumot na sinuportahan ng kawayan. // Matarik ang mga bundok at malayo ang lungsod ang tinahak naming upang makipagkita kay Aguinaldo. //

Page 5: Sulat Sa Aking Ina

-End of Narration--Start of Dialogue-

Emilio: Masaya akong ligtas kang nakarating ditoMabini: Maraming salamat. Pati sa pag-imbita ninyo sa akin.Emilio: Alam mo ba kung bakit dinala kita dito?Mabini: Maaaring ito ay may kinalaman sa aking mga sinulat. Emilio: ‘Di ka nagkakamali. Lubos kong hinangaan ang ‘yong mga kasulatan, Apolinario. At ikaw, sa iyong katalinuhan. Ang mga katulad mo ang aking kailangan para maitaguyod ng maayos ang bagong pamahalaan ng Pilipinas. Mabini: Maraming salamat, Ginoo. Subalit ikaw ay nagkakamali. Hindi ako matalino. Kung gusto nyo ng matalino ay sana iba na lamang ang inimbita ‘nyo. Masinop lang talaga ako sa pagtingin sa aking paligid. At alam ko na karapat dapat lang na makuha ng mga Pilipino ang hustisya na matagal tagal na nilang inaasam. Aguinaldo: Talino.. pagkasinop. Parehas lamang ang kahulugan ng mga salitang iyan sa akin. Kailangan ko ang iyong tulong, Apolinario. Ilang sandali na lamang ay idedeklara ko na ang kalayaan ng Pilipinas. Tulungan mo ako maging isang magaling na presidente. Tulungan mo ko itayo muli ang Pilipinas mula sa paghihirap.

-End of Dialogue-

Narration: Nung araw na iyon idineklara nya ang pagkalaya ng mga Pilipino, at ang sarili nya bilang ang unang presidente ng Pilipinas.

(shouts of people rejoicing)

---

IX.A. Ang Simula at Pagdakip ng Kalayaan (Music by Tricia Tuanquin) ✓-Start of Narration-

Kung nakikita kung gaano kasaya ang mga tao, / Ina, / noong araw na idineklara ang kalayaan ng Pilipinas, / siguro ay nakikidiwang ka rin kagaya nila. // Ngunit hindi doon bumitiw ang mga dayuhan. // Bagkus, ipinasa ito sa mga Amerikano. // Sinusubukan kong maiayos ang pakikitungo ko kay Aguinaldo / kagaya ng pag-ayos sa gobyerno kanyang itinatakbo. // Ngunit lahat ay may hangganan / nang dumating sa punto na di na nakikinig ang pangulo sa aking mga payo. // Ngunit ayoko ng alitan, / Ina. // Kaya napilitan akong lumihis ng landas mula sa kanyang pamahalaan. //

-End of Narration-

Page 6: Sulat Sa Aking Ina

---

IX.B Stratehiya (Music by Tricia Tuanquin) ✓-Start of Narration-

At nang nagdeklara ng gera si Aguinaldo sa mga Amerikano, / inilihis muli ako mula sa kampo ni Aguinaldo sa Cavite at dinala sa Nueva Ecija. // Patawad kung hindi ako nakakasulat sa iyo, Ina. // Dahil pagdating ko roon, / nahuli ako ng mga Amerikano at ipinatapon sa Guam. // Ayaw ko man malaman mo, / dinudurog ng oras ang puso ko na habang malayo ako sa’yo, / ang aking panahon ay pinuno ng pangungulit ng mga Kano. // Halos mawalan na ako ng pag-asa para maipagtanggol ka. // Ngunit Ina, / dahil mahal na mahal kita, / hinding hindi ako sasama sa mga taong nang-api sa aking mga kababayan. // Dito ko naramdaman bumalik ang aking nawalang lakas. // At sa wakas, / ako ay nagsulat muli. // Isinulat ko ang “La Revolucion Filipina”, / ang aking huling paalam at huling paghihikayat para lumaban ang mga Pilipino… / para sa kanilang kapayapaan.

-End of Narration-

---

X. Sa Lupang Sinilangan (Music by Miguel Santiago)-Start of Narration-

(as if sobbing, Mabini regrets)Ngunit ipagpatawad mo ako sa pagpayag ko sa mga Amerikano. // Ipagpatawad mo ko, Ina. / ‘Pagkat kung ako man ay mamamatay, / gugustuhin ko na dito na ako sa ‘ting tahanan hihimlay. // Ipinangako nila sa akin na ako ay iuuwi nila dito sa Pilipinas, / sumanib pwersa lamang daw ako sa kanila. // At ito nga ay aking ginawa. / Ito nga ay aking ginawa… //Patawad, / Ina. // Ramdam ko ang pagbibitiw ng aking katawan sa aking kamalayan. / Unti-unting bumibigay ang aking mga mata, na para bang may humahagod sa akin at sinasabing ako’y magpahinga ng mahimbing. // Sana’y naibinigay ko na ang lahat ng aking makakaya para ibangon ka mula sa iyong paghihinagpis. // Alam ko na marami na sa mga anak mo ang namatay. // Huwag kang mag-alala, / huwag kang malungkot. // Sila ay namatay para sa iyo. / Para sa mga pamilya nila. / Para sa kapayapaan. // Salamat sa pagsilang sa akin, Ina. // Binigyan mo ako ng lakas, / at pag-unawa na lumaban para sa yo. / Ngayon ako na ay hihimlay, / at makakasama ka na

Page 7: Sulat Sa Aking Ina

muli. // Huwag mag-alala, Ina. // Ang iba mo namang anak ang susunod sa akin. // At naniniwala akong ipaglalaban ka rin nila. // Binaunan ko na sila ng sapat na kakayahan upang ipaglaban ka. // Patawad Ina, / patawad. // Patawad, mahal kong Inang Bayan. //Nagmamahal, / Apolinario Mabini.

-End of Narration-

---

-Start of Act-(Mabini then coughs and coughs and weakens until he dies.)

Note: Cholera – severe fever, vomiting that can cause death.-End of Act-

-END OF SCRIPT-

CASTInstrumentalists:Talavera – Conductor Nolasco – BandurriaTuanquin – OctavinaAquias – ViolinMonakil – ViolinSupetran – ViolinGongon – ViolaAquisap – Viola Lipana – CelloBrendal – CelloGonzales – ContrabassSilangcruz – FluteConcepcion – ClarinetLobarbio – BassoonJorvina – TrumpetTuazon – Horn Guballa – TromboneNicolas – Trombone

Voice Acting:Nico Orduna – Apolinario MabiniPaulo Dela Cruz – Emilio AguinaldoJoren RenivaCarl RomanoCarl Ivan RomeroJohn SagaPau SantiagoLawrence Luna

Sound Effects:Carl RomanoPaulo dela CruzExzel ZoletaLawrence Luna

Page 8: Sulat Sa Aking Ina