15
1 Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno during the 40 th Year and 14 th National Convention of the Integrated Bar of the Philippines (IBP) on January 16, 2013 at the SMX Premier, Lanang, Davao City Mga kaibigan, marami pong salamat sa inyong pagbigay po sa akin ng welcome. Kung maari lang po sana ay magsiupo tayo. Salamat. Former Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, now the Ombudsman; President Roan Ibay Libarios; the national officers and governors of the Integrated Bar of the Philippines; Justices of the Court of Appeals sister and brother team Henry and Socorro Inting; our beloved Judges of the Regional Trial Courts and the first-level trial courts who are seated in several tables, good evening. Fellow public officials, fellow public servants, friends, members of the most prestigious law organization in this side of the world, members of the Integrated Bar of the Philippines, good evening. It gives me great pleasure to be here with you tonight, and I understand that the attendance for the principal conferences, in fact have been very successful. And I give my warmest congratulations to the leadership of Roan Libarios and his officers, directors and governors, together with the various chairmen and chairwomen of your committees.

Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A ...sc.judiciary.gov.ph/aboutsc/justices/cj-sereno/2013/CJ Sereno... · 1 Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A

  • Upload
    hadieu

  • View
    221

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

1

Speech delivered by Chief Justice Maria Lourdes P. A. Sereno during the 40th Year and 14th National Convention of the Integrated Bar of the Philippines (IBP) on January 16, 2013 at the SMX Premier, Lanang, Davao City

Mga kaibigan, marami pong salamat sa inyong pagbigay po sa akin ng

welcome. Kung maari lang po sana ay magsiupo tayo. Salamat.

Former Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales, now the

Ombudsman; President Roan Ibay Libarios; the national officers and

governors of the Integrated Bar of the Philippines; Justices of the Court of

Appeals sister and brother team Henry and Socorro Inting; our beloved Judges

of the Regional Trial Courts and the first-level trial courts who are seated in

several tables, good evening. Fellow public officials, fellow public servants,

friends, members of the most prestigious law organization in this side of the

world, members of the Integrated Bar of the Philippines, good evening.

It gives me great pleasure to be here with you tonight, and I understand

that the attendance for the principal conferences, in fact have been very

successful. And I give my warmest congratulations to the leadership of Roan

Libarios and his officers, directors and governors, together with the various

chairmen and chairwomen of your committees.

2

This is actually not my first time to speak before the IBP National

Convention in my capacity as an official of the judiciary. The first time was

when I spoke before the National Convention in Subic in 2011. And then, kung

maalala niyo po, hindi po ako nagbasa mula sa kahit anong papel pagkat gusto

ko pong makilala niyo kung sino ako. At pinakita niyo po sa akin ang pagyapos

sa mga prinsipyong inaadhika ko na, noon pang araw na iyon.

Noon po, pinangako ko sa inyo ang isang buhay na marangal at

maasahan niyo bilang isang alila ng sambayanang Pilipino. Sinabi ko po sa inyo

na kung sino po ako sa aking mga desisyon, yun po ako. Hindi ho kayo kailangan

mag alanganin, pagkat kung ano po ako sa publikong pananaw, ganun din po

ako sa pribadong pamumuhay ko. At sinabi niyo po sa akin, sa maraming salita,

sa inyong palakpak, pagbati, ang iba po’y yumapos, [video paused]... Ang

pinakita niyo po sa akin, ay pakiki-isa sa aking adhikain na ang gawain para sa

hustisya ay isang pakikibaka upang ang trabaho ng Panginoon na magbigay ng

hustisya sa lupa ay maari nating kopyahin at gawin.

Sinabi niyo po sakin, marami pong lumapit sakin at sinabing magpatuloy

lang po ako sa aking gawain. Kung maalaala niyo po, sampung buwan pa

lamang po ako na mahistrado, at nung mga panahong iyon po, ang aking mga

nailalabas na nababasa po niyo ay hindi masyado yung aking mga ponencia

3

kasi po ang katotohanan, napakarami ko din naman pong ponencia noon na

unanimous ang boto. Ngunit ang sinusundan po ng sambayanang Pilipino at

kasama po kayo nun, ay ang aking mga sinasabi natin pong kaibang pananaw o

dissenting opinion.

Nung ako po ay humarap sa inyo, ako po ay mag 51 anyos pa lamang.

Ngunit, naramdaman ko po na ka-akibat ko kayo sa aking pagnanais na maging

tapat sa aking konsensya, at kung ano man po ang nasasaloob sa aking puso, at

naiintindihan ng aking pagiisip, ay iyon po ang aking nilalathhala sa aking mga

opinyon. Hindi ho ako nag-atubili na maging kaiba sa aking mga minamahal na

kapwa mahistrado. Hindi ko po ninais na maging kaiba. Hindi ko po ninais na

ang aking boses ay maging kaisa-isang tinig lamang noon, o kaya’y paminsan-

minsan kasama ko si Ombudsman Morales, minsan-minsan kasama ko po si

Ginoong Carpio, at iba pa. Hindi po dahil sa pinili ko na mag-stand out. Ngunit

naramdaman ko po na wala po akong ibang katungkulan na maging tapat sa

aking konsensya. Hindi niyo po ako kinondema. Ang sinabi niyo po ay

magpatuloy ako sa aking iniisip na tamang gawain. Pagka’t noon po, sinabi ko

naman po sa maraming tao, na noon po akong niluklok ni Ginoong Benigno

Aquino III bilang mahistrado sa Korte Suprema, hindi naman niya po talaga

ako kilala. Dalawang beses palang ho kami nagkita. At ang pangatlong beses ay

4

nung ako po’y ginawaran ng aking panunumpa sa katungkulan sa Malacañang.

Bagamat hindi niya po ako kaibigan, hindi niya po ako kaklase, mayroon po

siyang pananaw na kaya ko pong tahakin ang sinasabi niyang daan na ang

gagawin ko lamang ay yung karapat-dapat. At nung ako po ay nag-oath sa

harap niya, iyon lamang po ang hiniling nya — just do what is right. And I have

been trying very hard.

Araw-araw po, sa tulong po ng Maykapal at sa pamamagitan po ng

mataimtim na pananalangin, ninanais ko lamang po na gawin lamang po kung

ano ang aking nakikitang tama. Hindi ko po inisip ni minsan na ang aking

gantimpala ay magiging mabilis. Hindi ko po inisip noon na magkakaroon ako

ng gantimpala man lang sa mundong ito. Inisip ko lamang po, kailangan ko

lamang gawin ito, wala akong choice. I cannot be but me. Hindi ko po alam na

ang landas na aking tinahak —na minsan po’y malungkot, marami din naman

pong naguudyok sa akin na ako’y tumuloy sa daang ito. Ni hindi ko po naisip na

ang daang ito ay maglalagay sa akin, sa aking kinaluluklukan ngayon.

Kaya’t noon pong ibang pagkakataon na kinakausap ko po kayo, na

pinagbibigyan niyo po ako at ako po’y buong tuwa na nagsasaad ng aking

kalooban noon, sa presentation halimbawa po ng mga nominees noon sa

Supreme Court, at nung ako po ay nakikinig sa mga plano ninyo noong National

5

Convention sa Subic, naisip ko po na ang daang reporma na ginagawa ng

Integrated Bar of the Philippines, ay kinakailangan ng suporta ng

pinakamataas na liderato sa bayan natin. Pagka’t nakikita ko na po ang

paguusbong, pagyabong at paglaganap ng kabutihan na ginagawa niyo.

Iyong legal aid niyo po, alam ko po na ang PAO malimit inilalagay sa inyo

ang trabaho nila at sinasabi sa mga kliyente na doon na lamang kayo sa IBP

Legal Aid. Alam ko po na iyong mga nag-o-operate ng legal aid offices ng IBP

nararamdaman din ang hirap ng pagtanggol sa mga dukha at walang

kakayahang itustos ang gastos sa paglilitis. Alam ko po na kulang kayo ng

pondo. Alam ko po rin ang pakikibaka niyo para sa human rights, lumawak na

po ito at kasama na po ngayon ang environmental justice. Alam ko po ang puso

niyong nagdurugo para sa mga biktima ng extra-judicial killings. Alam ko po

nahihiya kayo kung may mga iskandalong kasama ang kapwa abogado at alam

na alam ko po na sa puso niyo, nais niyo pong itingala muli ang propesyon ng

abogasya at itaguyod at itanghal muli ang mga abogado sa Pilipinas bilang

mga bayani ng bayan.

Ang tanong lamang po at alam kong tanong ng marami, paano po ba ang

mga abogada sa 21st century sa Pilipinas, lalaban para sa tama, lalaban para sa

hustisya, lalaban para sa mga naapi sa buhay — kung napakarami rin pong

6

mga systematic injustices at systematic reasons, kung bakit ang korupsyon,

ang kakulangan ng integridad at kaguluhan ng sistema ay patuloy na nanaig.

Nagtatanong po kayo noon, at naghahanap ng solusyon. Kaya’t bagamat hirap

kayo sa inyong sariling pagsisilbi, sa mga kliyenteng bumubuhay sa inyo, alam

ko pong mas hirap po kayo sa pagsisilbi sa mga kliyenteng gusto niyo pang

silbihan at kailangan ng serbisyo niyo ngunit hirap po kayo sa mga institutional

at personal constraints. Alam ko po na hindi kayo masaya na ang judiciary at

ang legal profession, ay hindi pinaguusapan sa pinakabusilak na pamamaraan

ng taong-bayan, kundi ang pakakarikature sa atin bilang mapagmahal sa pera,

bilang may mga pusong bato, sa mga naghihirap nating kababayan. Alam ko

pong nais niyong mahanapan ng solusyon ang mga ito. Kaya nga po nakikita ko,

dahan-dahan niyong itinataguyod ang pangalan ng IBP, dahan-dahan niyong

binibigay at pinararamdam sa ating taong-bayan ang serbisyong maasahan sa

mga abogado, na bayani ng bayan. Kaya’t nung ako po ay nahirang po na

punong mahistrado, alam ko pong sa puso ko at diwa ko na importante po

akong makaabot sa bawat isa sa inyo. Hindi ko po tinitingnan ang IBP bilang

isang organisasyon lamang ng mga taong kailangan mag-comply sa mga

requirements ng pagbabayad ng dues nila, kundi mawawalan kayo ng good

standing — kundi ang tingin ko po sa inyo, kayo po isang organisasyon ng mga

Pilipinong naghahanap ng solusyon para sa bayan.

7

Kayo po ang aking partner. Kayo po ang partner ko at ng aking mga

kasamahan sa Korte Suprema. At ang pakikisamo ko po ay hindi lamang po sa

mga officers ng IBP, gaya ni Roan Libarios, kundi kailangan pong makisamo

ako sa bawat isa sa inyo. Samahan niyo po ako sa lakbay ng judicial and legal

reform. Samahan niyo po ako, sapagkat mahaba po ang ating magiging

paglalakbay, ngunit kailangan po natin gawin ito. At kailangan po tayong

magkasundo na gagawin po natin ito hindi po sa isang rebolusyonaryo at

dramatik na pamamaraan, but we will build the temple of justice once again,

brick by brick, one authentic line after another, one authentic work after

another. Ibuubuhos po natin ang ating puso, ang ating talino, ang ating pawis,

at bahagi ng ating yaman upang paglingkuran ang hustisya. Kailangan pong

magkaroon ng integridad at pagkabuo, hindi lamang po sa ating partikular na

serbsiyo sa ating kliyente, kundi po ang integridad sa buong pagkatao.

Maaari pong marami na tayong nadaanan. Marami po sa ating

nagsabing, “wala na tayong magagawa kasi ganyan ang sistema, kailangan

tayo maglaro.” Wala po akong kinokondena na kahit anong pamamaraan

ngayon. Ang sinasabi ko lamang po, kailangan sabihin natin simula ngayon, na

babalik na tayo sa tamang landasin, dahan-dahan.

8

Kung mayroon man po tayong problema sa isang bahagi ng buhay natin,

hindi ko naman po sinabing baguhin natin ng buong-buo ang ating buhay bukas

at maging legal aid officer nalang o legal aid practitioner, hindi ko naman po

sinasabi iyon. Ang sinasabi ko po, isang makabayaning gawa, sundan po natin

ng pangalawang makabayaning gawain, pangatlong makabayaning gawain,

hangga’t ang kabuuan ng ating pamumuhay ay isa pong pag-aalay ng

pagmamahal sa ating bayan. Hangga’t kung alam natin na pag sinisilbihan po

natin, kahit ang isang kliyente na nagbabayad, alam po natin na ang

pagsisilbing ito ay galing sa puso ng serbisyo. Alam po natin na sasabihin natin

sa kliyente natin: Ito ang tama at ipaglalaban kita sa hangga’t sa dulo ng aking

kakayanan upang makamit mo ang hustisya. Ngunit ang pamamaraan na

baluktot ay hindi natin dapat yakapin na muli, kundi mag-ibayo tayo ng ating

paghihirap. Ipagsasama natin ang mga boses, upang sabihin natin simula

ngayon po ang standard natin ay improving levels of confidence in the

integrity of the legal profession. Hindi po kailangan tayo maging malinis

overnight, kundi kung anong kakayanin nating pagbaling sa liwanag, gawin na

po natin. Dahan-dahan po, magkakasama tayo dito. Kung ano ho ang kaya ko

gawin para ikorek ang systemic injustice at inefficiencies ng system, yung mga

inefficiencies na nagdudulot sa inyo at nagtutulak sa inyo na magbayad, ayaw

niyo man. Sa mga empleyado po ng korte, upang maipabilis ang inyong mga

9

proseso, maaasahan niyo po na ako, araw-araw pinagiisipan ko po kung pano

magkaroon ng transparency sa system.

Pinagisipan ko po ung teknolohiya na kaunti na lamang po ang human

intervention, para kung maaari lamang po sa inyong desktop, sa inyong laptop,

sa inyong bahay, sa inyong opisina, iyong mga transaksyon na maaaring gawin

na with the court, ay magagawa niyo na po. Pinagiisipan ko po pano tayo

dalhin sa electronic age. Ang naiisip ko po kasi, kung kayo nauubos ang gasolina

niyo, at oras niyo, para mag follow-up lamang at mag-file lamang, hindi po

sensible ito. At alam ko po na sa kainisan niyo sa systemang ito, mas

makakaisip po kayo at mas may temptasyon na gumawa ng hindi tama.

Naiintindihan ko po na karamihan sa inyo, ayaw makipag-participate sa

maling gawain, tama po ba ako? Na kung may paraan lamang, hindi kayo

gagawa ng marumi, kundi malinis lamang, tama po ba ako? Ngayon hindi po

madali ang ating trabaho, kasi po may tinatawag po tayong systemic evil at

systemic injustice. Iyong mga bagay sa sistema na nagtutulak sa inyo na piliin

ang mali over what is right. Ako po, ang obligasyon ko ay ayusin po at gawing

patag ang daan ng katuwiran para sa inyo. Ang duty ko po ay hawakan ang

mga manubela ng hustisya upang lahat po kayo ay makakapagsabi at lahat ho

kayo ay may pantay na pantay na tsansa na ipaglaban ang inyong mga kliyente.

10

Hindi po madali ito, hindi po madali ito, sa ating kultura lalo na —na

napakahirap po magsabi ng hindi, napakahirap pong sabihing huwag,

napakahirap pong sabihing tiisin mo kasi ito ang tama. Ngunit ang hinihingi ko

po sa inyo, ang unang-una po ay buhayin ang pag-asa sa inyong mga puso.

Maniwala po kayo, na kung tayo po ay magkakasundo, na kaya nating

baliktarin ang imahe ng legal profession, na kaya natin itong napakalaking

barko na tinatawag nating justice system —ay unti-unti nating ibaling sa

tamang patutunguhan.

Magsimula lamang po tayo sa isang kasunduan ngayong gabi. Maniwala

po tayo at hayaan po natin na ang ganitong paniniwala ay maging laman ng

ating mga panaginip. Hayaan po nating buhayin ang pagnanasa sa ating puso

na masabing kami ay nagkokontribute sa pagbangon ng aming bayan. Wag po

nating sugpiling ang mga nationalistic and patriotistic sentiments na ito.

Maaari pong sabihing corny, maaari pong sabihin sobra ka namang idealistic

at romantic, ngunit ito lamang po ang makatotohanang buhay. Wala pong

makatotohanang buhay kundi ang pinag-iisipan ay serbisyo sa iba at

pagmamahal sa kapwa —at ito po talaga ang totoong kahulugan ng ating

propesyon.

11

Ang ating propesyon, hindi po ibig sabihin nun na maging successful ka

dahil napakayaman ka. Ang kaibuturan po ng ating propesyon ay mahusay

kang abogado pagkat marunong kang magmahal at marunong kang magsilbi.

Kaya’t iyon po ang hinihingi ko sa inyo: paniwala, panaginip, pasensya, at

pagod.

Marami po tayong maaaring gawin. Meron na po akong itinawag at

nilathala na four pillars ng judicial reform. Hindi ko na po babalangkasin isa-

isa ang mga programang mapupunta rito, ngunit isipin po natin ang unang

haligi po ay ang pagbabalik ng paningin ng publiko sa amin bilang mga huwes.

Ang tinatawag po doon ay, institutionalizing integrity and restoring public

credibility. Sa maiksing salita, ang nais po namin sa liderato ng hudikatura ay

maging norm ang integrity, iyon po ang maging new normal. Makukuha po

namin ang mga taong may integridad at mamemaintain po namin sa lahat ng

tulong na kaya namin ibigay ang ganyang integridad sa buong pagsisilbi niya sa

taong bayan. Nais po naming dahil dito, gagawa po kami ng communication

strategy at information strategy, na yung values po ng good judge, yung iniisip

po natin na dapat pinapakita ng isang good judge —iyon po ang nakikita ng

taongbayan —at dahil po doon, ang paniwala ng taong-bayan ay

12

manunumbalik sa hudikatura. Iyon po ang unang haligi ng judicial reform

pillar po.

Ang pangalawa po, ay ang sinasabi ko po na consistency, predictability,

rationality, and responsiveness of judicial actions —including speed. Ibig

sabihin po, mula sa mata ng isang ekonomista, ang cost ng justice ay bababa

kung tatanggalin natin ang paghahakahaka at paghuhulahula kung ano ba ang

magiging outcome sa isang litigation. At dahil doon, ang chance of a settlement

becomes even larger. Kailangan pong balikan namin ang lahat ng mga desisyon

na ginawa na namin at ilagay po ang mga variations within a band that is

acceptable. Gagawa ng sistema na sasabihin lumalabag na masyado at

lumalayo na masyado sa tamang band ng desisyons itong aming ginagawa.

Matagal pong trabaho to. Unang-una po, napaka overloaded ng ating mga

court systems.

Kung iisipin niyo po, more than 600,000 cases are already clogging lower

courts —meaning first- and second-level trial courts —600,000. Hindi na po

kaya ng taong-bayan ang ganyang klaseng declogged docket congestion.

Mawawalan na po sila ng gana sa legal system. Hindi na po sila maniniwala sa

hustisya kaya’t kailangan hanapan natin ng paraan upang kayo kasama ng

13

hudikatura ay magisip kung paano natin mapabibilis ang aksyon sa mga kasong

ito.

100,000 detention prisoners are now in various kinds of jails. Kung ang

conviction rate po ay 20% lang, then we are being so unjust to more than

80,000 souls who are not enjoying the benefit of their families. We must,

together, think about a solution. And I am very happy, kasi ang IBP ang alam

ko, ang jail decongestion, ang legal aid sa prisoners, kasama po ng inyong mga

aktibidades. Salamat po sa inyong tulong.

Pangatlo po ay effective systems, procedures and infrastructure. In

other words, ayoko na po sana na lumala ang sitwasyon na ang mga huwes

namin hindi po nakakatanggap ng mga benefits nila on time, at kami naman po

ay hindi nakakakolekta ng tama at matagal po ang mga sistema at processes

namin, at ang mga korte po namin ay kahabag-habag ang itsura. Kailangan

pong magkaroon ng long-term planning, para i-upgrade ang physical,

technological, and systems processes sa buong hudikatura.

At ang pang-apat ko pong sinasabing pillar, ay ang pag-create ng

efficient and effective human resources. Kami po ng mga sheriff, ng mga clerk

of court, ng mga huwes, nag-usap-usap na po at gusto namin at mithiin namin

na maging elite sa bureaucracy ang judiciary. Gusto po naming i-

14

professionalize at itaas ang antas ng kwalipikasyon na hinihingi para sa mga

technical support services, para sa mga huwes at gayun din naman po sa mga

administrative and general support services: dadagdagan po namin ang

training.

Kasi ho ang importante ho, kung magaling naman po ang Pilipino sa

ibang bayan, mali po ba na managinip po kami sa hudikatura na ang gold

standard of public service is entry to the judiciary? Whether is it to be an

adjudicator, i.e., a judge, a clerk of court, a sheriff, an interpreter, or even the

accountants, who are supporting and forming the backbone of the judiciary.

Kaya ho nga nagiisip na kami ng isang human resource development plan na

mahaba at hahanapan po namin ng metrics para magawa ito.

Napakadami po naming, at nating, kailangang gawin. Ang hinihingi ko

po, maaari ho natin sigurong tingnan ngayon ang mga prioridad natin sa

buhay. Paano po ba natin ginugugol ang ating salapi, ang ating oras? Ginugugol

po ba natin ito sa ating pleasure most of the time or is there room in our

hearts to think of others, the needs of others, the needs of the institution that

can best bring about justice on earth, which is the judiciary.

Kung kaya niyo pong pag-isipan, na mayroon pa ho kayong kaya ibigay

pa sa serbisyong publiko, pag-isipan niyo po —to serve, volunteer, be a

15

consultant, or even think of ways of helping the judiciary. And more than

anything, I ask you, ipagdasal niyo po kami sa lahat ng antas ng hudikatura,

ipagdasal niyo po ang legal profession, ipagdasal niyo po ang ating bayan.

Kaya po ako ganito katapang na pumupunta po sa inyo, at kinakausap

kayo ng ganito kadirecho, dahil alam ko pa na ang puso niyo, ang puso ko, ay

pareho pong minimithi ang kabutihan, kabutihang nagmumula sa Diyos. At ang

Diyos ay handang tumulong sa atin. Kailangan lang natin hingin ang tulong

niya, magpakumbaba at kilalanin ang ating mga pagkukulang. Kailangan po

nating ilagay ang sitwasyon ng ating kapwa na mas mahalaga sa sitwasyon

natin. At kailangan po natin alalahanin iyong unang panahon na inisip niyo

pong maging abogado. Hindi po ba, kaya niyo inisip maging abogado, mayroon

po kayong sense sa inyong puso na gusto ninyo in a certain way, to be a hero. I

ask you to revive those dreams of heroism again. I ask you to be the day-to-

day heroes that our countrymen can rely on.

Please join me. Please help us. And I thank you for all your hard and

honest work. Goodnight po.