16

Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim
Page 2: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

Rice Technology Bulletin Series

No.1 Released Rice Varieties (1968-1994)2 Pagpaparami at Pagpupuro ng Binhi sa Sariling Bukid3 Paggawa ng Maligaya Rice Hull Stove4 PhilRice Micromill5 PhilRice Flourmill6 PhilRice Drumseeder7 PhilRice Rototiller8 Rice Food Products9 PhilRice-UAF Batch Dryer10 Integrated Management of the Malayan Black Bug11 SG800 Rice Stripper-Harvester 12 Dry-Seeded Rice-Based Cropping Technologies13 Maligaya Rice Hull Stove14 10 Steps in Compost Production15 Rice Tungro Virus Disease16 The Philippine Rice Seed Industry and The National Rice Seed Production Network17 10 Hakbang sa Paggawa ng Kompost18 10 nga Addang ti Panagaramid iti Kompost19 Characteristics of Popular Philippine Rice Varieties20 Rice Stem Borers in the Philippines21 Rice Food Products (revised edition)22 Leaf Color Chart (English)23 Leaf Color Chart (Ilocano)24 Leaf Color Chart (Filipino)25 Equipment for Rice Production and Processing26 Useof40kgCertifiedSeedsperHectare27 Rice Wine28 Management of Field Rats29 Controlled Irrigation: Saving water while having good yield30 Minus-one Element Technique: SoilNutritionDeficiencyTestMadeEasy31 Management of the Rice Black Bug32 ManagementofZinc-deficientSoils33 Management Options for Golden Apple Snail34 Use of Evaporation Suppressant 35 Pagpaparami ng Purong Binhi ng Palay36 ManagementofSulfur-DeficientLowlandRiceSoils34 Use of Evaporation Suppressant 35 Pagpaparami ng Purong Binhi ng Palay36 ManagementofSulfur-DeficientLowlandRiceSoils37 Management of Planthoppers and Leafhoppers38 ManagementOptionsforRicefieldWeeds

39 Use of Indigo as Green Manure40 Management of Salt-affected Soils for Rice Production41 Wet-Seeded Rice Production42 Matatag Lines43 Hybrid Rice Seed Production44 Metarhizium anisopliae: Microbial Control Agent for Rice Black Bug45 Integrated Nutrient Management for Rice Production46 Management of Armyworms/Cutworms47 Carbonized Rice Hull48 Rice-based Microbial Inoculant49 Integrated Farm and Household Waste Management50 Rice Postproduction Practices51 Ecological Rice Farming52 ModifiedDryDirectSeedingTechnology53 Palayamanan: Making the Most out of Rice Farms 54 Practical Guidelines in Predicting Soil Fertility Status of Lowland Rice Soils55 Bakanae: The Foolish Disease of Rice56 Management of Rice Blast Disease57 Root-knot Management in Rice-Onion Cropping System58 Management of Yellow and White Stemborers59 The PhilRice Dapog Technology60 Rice Straw-Based Nutrient Management in Irrigated Lowland Rice 61 Biofertilizer Production: Vesicular Arbuscular Mycorrhizae (VAM)62 Trichoderma: Biofungicide for vegetables63 Barayti ng Palay handog ng PhilRice 2007-200964ManagementofZinc-deficient Soils (revised edition)65 Soil Series: Improving Agricultural Productivity in Pampanga66 Soil Series: Improving Productivity in Tarlac67 Laboy tiller: Improving deep muddy and swampy rice lands68 B&S Rice mini-combine harvester69 Rice Disease Diagnostic Kit70 Reducing Methane Emissions from Irrigated Ricefields71RiceHullGasifierEngine-PumpSystem

Page 3: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

1

Paunang Salita

Ang tubig ay mahalaga sa pagpapalaki at pag-aalaga ng halamang-palay. Tinatayang 2,000 litrong tubig ang kailangan upang makapag-ani ng isang kilong palay kung ang ani ay100 kaban kada ektarya. Subali’t tinatayang umaabot sa 4,000 litrong tubig ang inuubos ng mga karaniwang magsasaka sa kanilang palayan dahil sa tuluy-tuloy nilang pagpapatubig mula sa paghahanda ng lupa hanggang sa pagtigas ng mga butil sa uhay at hindi paggamit ng mga pamamaraan sa pagtitipid ng tubig-irigasyon.

Ngayong pakaunti na at pamahal pa ang presyo ng tubig, kailangan nang itaguyod ang mga pamamaraan upang mabawasan ang ginagamit na tubig sa mga bukid nang hindi nababawasan ang ani ng mga magsasaka, na siya namang tinatalakay sa babasahing ito. Kung gagamit nang maayos ang mga magsasakang ang sakahin ay nasa bungad ng sistemang patubig, makatutulong ito nang malaki upang magkaroon ng sapat na tubig sa mga dulong bukirin. Para naman sa mga gumagamit ng bombang patubig, ang pamamaraang ito ay makatutulong upang lumaki ang kanilang kita sa pamamagitan ng pagbabawas ng gastos na may kinalaman sa pagpapatubig na gaya ng krudo.

Ang kaalaman sa pagtitipid ng tubig at kahalagahan ngpagkakaroon ng maayos na dike at kanal ay ilan lamang sa mga matututunan sa babasahing ito. Nabuo ito sa tulong ng IRRI, NIA, at iba pang lokal na ahensiya ng gobyerno. Nawa’y makatulong ang babasahing ito sa pagpapalaganap ng epektibo at mahalagang teknolohiyang ito.

Page 4: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

2

Panimula

Mula sa paghahanda ng lupang sakahin hanggang sa huling pag-papatubig, ang isang metro kwadradong palayan na karaniwang umaani ng kalahating kilo hang-gang 0.75 kilo ng palay ay kumu-kunsumo ng humigit-kumulang sa 2,000 litro (o 10 dram) na tubig. At dahil karamihan sa mga mag-sasaka ay tuluy-tuloy at malalim magpatubig ng kanilang palayan, umaabot pa ng hanggang sa 15 dram na tubig ang nagagamit. Ka-raniwan nila itong ginagawa upang mag-imbak ng tubig, mabawasan ang pagpapabalik-balik o pagbisita sa bukid, at dahil na rin sa kanilang paniniwala na higit na makapipigil sa pagtubo ng damo kung mas malalim ang tubig sa pinitak.

Nguni’t ang tuluy-tuloy at malalimang pagpapatubig ay nagreresulta sa malakas na pagtagas at pag-agos ng tubig mula sa pinitak. Nagi-ging sanhi rin ito ng mahinang pagtubo ng mga ugat ng tanim na palay at pagbagal ng pagsusuwi dahil sa mas kakaunting oksiheno ang nagagamit ng mga ugat. Mahina rin ang nagiging pagkuha ng tama at balanseng nutrisyon ng halamang-palay mula sa lupa dahil sa maling gawaing ito.

Maaari ring maging sanhi ito ng mababang ani dahil sa hindi ba-lan-seng mga sustansya sa lupa (halimbawa, may kakulangan sa zinc), paghapay o pagdapa ng halamang palay, at pagkasira sa kalikasan dahil sa pagtaas ng emisyon ng methane. Dagdag pa rito, nagrere-sulta ito sa mas mahina at di-wastong pagdating ng patubig sa mga sakahan na nasa dulo ng sistema ng irigasyon at mas mataas na-mang gastusin sa pagpapatubig na gamit ang makinang pambomba ng tubig.

Halamang palay na may malabis na patubig

Page 5: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

3

Ang tamang panahon, dami, at pamamaraan ng pagpapatubig ay nakapagpapalusog ng lupa at halaman at isang pamamaraang ma-bisa sa pamamahala ng damo at kuhol sa palayan.

Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim na palayan, ang tuluy-tuloy at malalim na pagpapatubig ay hindi kinakailangan ng halamang-palay para magbigay ito ng magandang ani. Ang controlled irrigation (CI) ay resulta ng mga pananaliksik na ito. Napag-alaman sa pananaliksik na ang CI ay mainam na gamitin upang mapababa ang gastusin sa pagpapatu-big, mapalawak pa ang lupang napatutubigan, at makatutulong ito sa pagpapalaki ng mas malulusog na halamang-palay.

Mga benepisyo ng CI

• Nakababawas ng 16%-35% sa dami ng tubig na pinapapasopk sa pinitak na di-naaapektuhan ang ani ng palay

• Nakatutulong sa magan-dang pagtubo ng mga punla ng palay, nakasisiguro ng pagkabuhay ng lipat-tanim, at nakapagpapaganda sa pagsuwi na nagreresulta sa pantay-pantay na pagtubo ng palay

• Nakatutulong na maging mas epektibo ang hala-mang-palay sa paggamit ng sustansya na galing sa lupa at sa abono na ibinibigay sa mga ito

• Binabalanse ang sustansya sa lupa

• Nakatutulong sa pagkontrol ng damo

• Pinabababa ang pag-atake ng kuhol

• Mas mababang gastos sa pagpapatubig

• Nakatutulong upang hindi humapay o dumapa ang mga halamang-palay

• Nakatutulong sa mekanikal na pag-aani

• Nakatutulong upang u-mabot ang patubig sa mga sakahan na nasa dulo ng sistema ng irigasyon.

Page 6: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

4

Mga inaasahang gagamit ng CI

1. Mga sakahan na kakaunti lamang ang suplay ng tubig o kaya ay mga sakahan na:

• nasa dulo ng sistema ng irigasyon

• gumagamit ng small water impounding systems

• may maliit lamang na pinag-iimbakan ng tubig

• kasama sa mga komunal na irigasyon

• gumagamit ng pump irrigation system (shallow tube o deep well)

2. Mga sakahan na malapit sa kanal na:

• malambot ang hard pan (ang matigas na bahagi sa ilalim ng lupa) kaya mas mahirap ang mga gawain tulad ng paghahanda ng lupa, pag-aani, at pagdadala ng mga ani palabas ng palayan

Nakatutulong ang CI sa mas madaling pag-ani ng palay.

Sa mga pag-aaral na isinagawa sa PhilRice Central Ex-periment Station noong tag-araw ng 2007, napag-alaman na sa paggamit ng combine harvester ay mas mainam ang nagiging operasyon sa palayan na ginamitan ng CI kaysa sa palayang tuluy-tuloy ang pagpapatubig. Ang mas matatag na kondisyon ng lupa ay nakatutulong sa operasyon ng mga makinarya at nagpapabilis sa pag-aani.

Page 7: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

5

Mga importanteng konsiderasyon

1. Paraan ng pagtatanim

• Lipat-tanim (madalas na isinasagawa kapag tag-ulan at sa mga lugar na mahirap ang pagkontrol sa tubig)

• Sabog-tanim (mas kaunti ang ginagamit na tubig lalo na kapag isinasagawa ito sa mamasa-masang lupa)

• Panahon ng pagtatanim

• Tag-tuyo (mas maraming patubig ang kailangan)

• Tag-ulan (mas kaunting patubig ang kailangan)

2. Uri ng lupa

• Lupang malagkit (clayey) na kung saan ang tubig ay madalas na tumatagal ng 3-5 araw sa unang 5 sm na lalim ng lupa

• Lupang katamtaman ang lagkit (loam) o medyo galas (sandy loam), magalas o bahagyang magalas na kung saan tumatagal lamang ng 24 na oras ang patubig. Sa ganitong uri ng lupa, mas madalas ang pagpapatu-big nguni’t kailangan ay mababaw lamang (2-3 sm) o sanap-sanap para mapababa ang pagkawala ng tubig.

• di-balanse ang sustansya sa lupa (hal., may kakulangan sa zinc o sulfur)

• di-maganda ang pagtubo ng ugat dahil sa pagdami ng or-ganikong asido mula sa mga nabubulok na materyales dulot ng kakulangan ng oksiheno sa lupa.

Page 8: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

6

(A)

(B)

Teknik bago magtanim

1. Ayusin nang mabuti ang mga pilapil at kanal bago o sa u-nang pagpapatubig, o bago dumating ang tag-ulan.

2. Gumamit ng tamang paraan sa pagtatanim na ayon sa makukuha at makokontrol na patubig.

Pag-aalam sa uri ng lupa

Ang feel method o pagtaya sa pama-magitan ng paghipo ay maaaring gamitin upang malaman kung anong uri ang inyong lupa. Sa paraang ito, kumuha ng sampol ng lupa, basain ng kaunti, at ikuskos sa pagitan ng daliri.

A)Pinong kayarian o tekstura ng lupa–Madikit, malagkit, at bumubuo ng sintas (ribbon) pagkapindot at kapag ikinuskos sa pagitan ng daliri.

B)Bahagyang magalas (katamta-mang tekstura) ng lupa–Bahagyang madikit, magaspang o mabuhangin, at hindi nagiging sintas kapag pinindot at ikinuskos sa pagitan ng daliri (hal., loam, silt loam, at sandy loam).

Page 9: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

7

3. Araruhin agad ang lupa matapos ang pag-aani.

4. Iklian ang pana-hon sa pagha-handa ng lupa kung di-gaanong madamo o ka-kaunti lamang ang pinaggapasang puno ng palay.

• Isa hanggang dalawang linggo para sa mga palayang walang damo o kaya’y inararo ng tuyo ang lupa; hanggang tatlong linggo para sa palayang may dayami pa at kagagapas lang; at hanggang apat na linggo para sa mga palayang maraming damo at pinaggapasan o dayami.

5. Gumamit lamang ng sapat na tubig sa paghahanda ng lupa para ito ay magputik, mabulok ang mga organikong mater-yales, at mapatag ang lupa.

6. Paghahanda at pagpatag sa lupa nang mabuti. Kailangang pantay ang distribusyon ng tubig sa buong palayan at may lalim lamang na 2-3 sm.

7. Kapag gumamit ng pamatay-damo sa unang buwan, sundin ang tamang paraan ng pamamahala ng tubig batay sa pa-matay-damo na ginamit.

Page 10: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

8

Sundin ang tamangpagsasagawa ng CIsa pagpapalaki ng palay

Paggawa ng observation well

1. Kumuha ng isang biyas ng kawayan (walang buko) at putulin ayon sa tamang ka-buuang haba (25 sm).

2. Markahan ng “itaas” ang isang dulo ng kinuhang biyas na kawayan. Mula sa pinakaitaas na bahagi nito hanggang sa 5 sm (2 pulgada), maglagay ng paikot na marka at sulatan ng

Mga hakbang matapos ang pagtatanim

1. Panatilihin ang 2-3 sm lalim ng tubig simula sa pagtatanim hanggang isang buwan. Ito ay makatutulong para mabuhay ang mga itinanim na punla at para makontrol ang damo.

2. Gamitin ang pamamaraan ayon sa CI sa pamamagitan ng paggamit ng observation well. Ito ay ginagamit para masukat ang antas o lalim ng tubig sa palayan upang malaman ang tamang panahon ng pagpapa-tubig.

Page 11: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

9

“tag-ulan”. Mula sa markang “tag-ulan”, sumukat muli ng 2 pulgada at lagyan ng markang “tag-araw”.

3. Butasan ang kawayan ng 3 sm (mahigit isang pulgada) sa pahabang direksyon at 5 sm (dalawang pulgada) sa palapad na direksyon na gamit ang 3-5 mm na laki ng pambutas (drill bit).

Paglalagay ngobservation well

1. Pumili ng pinitak na maaaring kumatawan sa kabuuan ng inyong bukid. Maaaring ito ay ang una hanggang ikalawang pinakamataas na pinitak

2. Sa pinitak na napili, ang mainam na paglagyan ng observation well ay mga 1 hanggang 2 metro ang layo mula sa gilid upang madaling masilip ang loob nito.

3. Hawakan ang observation well at itulak pabaon sa lupa at hugutin ito kasama ang naipong putik sa loob.

Page 12: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

10

Paggamit saobservation well

1. Kapag magpapatubig kung tag-ulan, magpa-tubig lamang hanggang umabot sa dulo ng ob-servation well. Kapag tagag-araw, patubigan ang palayan hanggang umabot ng 5 sm ang lalim o umabot sa markang “tag-ulan”. Ang markang tag-ulan o tag-araw ay tumutukoy sa lalim ng pagkakabaon ng observa-tion well o tubo.

2. Ulitin ang pagpapatubig kapag wala nang nakiki-tang tubig sa loob ng observation well.

Tag-araw Tag-ulan

4. Ulitin ang proseso (ang pagbabaon sa lupa) hanggang umabot ang tubo (observation well) sa markang “tag-ulan” kapag tag-ulan o sa markang “tag-araw” kapag tag-araw naman.

5. Ayusin ang observation well ng patayo at sigu-raduhin na ang mga marka ay patag at pantay sa lupa.

Page 13: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

11

Mga importanteng kaalaman

1. Simulan ang pagpapatu-big ayon sa ibinabadya ng observation well 30 araw (apat na linggo) pagkatapos magtanim. Sa panahong ito, mati-tibay na ang kapit ng mga itinundos na mga punla sa lupa at lahat ng mga pamamahala sa damo ay naisagawa na.

2. Magpatubig sa hapon, bandang alas tres o alas kwatro, para maiwasan ang malakas na ebaporasyon at para hindi mainit ang tubig na nagmumula sa sistema ng irigasyon.

3. Sa panahon ng pagsusuwi, ang halamang-palay at ang lupa ay malulusog kapag may sapat na oksiheno na siyang bumaba-lanse sa iba’t ibang aktibidades at bayolohikal na kaganapan sa lupa at ugat ng palay (rhizosphere).

4. Sa panahon ng pamumulaklak, panatilihin ang 5 sm lalim ng tubig sa palayan para maiwasan ang hindi paglalaman ng butil ng palay.

5. Ang huling pagpapatubig ay nararapat gawin isang linggo bago umani para sa mga katamtamang tekstura (light-textured) na lupa at dalawang linggo bago umani para sa mga pinong teks-tura (heavy-textured) na lupa.

6. Isagawa ang mababaw na pagbungkal ng lupa (shallow rotava-tion) pagkatapos umani. Ito ay makatutulong sa pagpanatili ng halumigmig sa lupa at nababawasan ang pagkakaroon ng mga malalaki at malalalim na pagbitak sa ipinapahingang lupa sa tuyong panahon.

Page 14: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

SANGGUNIAN

Bouman BAM, H Hengsdijk, B Hardy, PS Bindraban, TP Tuong, and JK Ladha (Eds.). 2002. Proceedings of the International Workshop on Water-Wise Rice Production. Philippines: International Rice Research Institute. p 356.

Cuyno RV, BAM Bouman, RM Lampayan, DF Tabbal, MB Quiamco, AT Lactaoen, T M Norte, EJP Quilang, and JL de Dios. 2002. Technology Transfer or Transformation Process? Initial Insights from the “Technology Transfer for Water-Savings” Project in Central Luzon, Philippines. Water-Wise Rice Production. 8-11 April 2002. International conference. Philippines: International Rice Research Institute.

De Dios JL. 2004. Promising Water-Saving Techniques for Irrigated Lowland Rice in the Philippines. In ED Redoña, AP Castro, GP Llanto (Eds.). Rice Integrated Crop Management: Towards a RiceCheck System in the Philippines. Proceedings of the National Workshop on Rice Integrated Crop Management May 4-5, 2004. Philippines: Philippine Rice Research Institute. p 191.

De Dios JL, EJP Quilang, AA Corpuz, AJ Espiritu, MD Malabayabas, AC Arocena, LF Ramos, JG Ignacio, LD Esteban, and MI Liwanag. 2000. Response of Philippine Released Rice Varieties to Different Water-Saving Irrigation Schemes. Philippine Agricultural Mechanization Bulletin. Vol. VII No. 1. 1st & 2nd Quarter Issue 2000. Philippines: College of Engineering and Agro-industrial Technology University of the Philippines Los Baños, Laguna.

De Dios JL and EF Javier. 2000. Intermittent Irrigation: A New Approach to a Better Water Management. In CECAP and PhilRice. 2000. Highland Rice Production in the Philippine Cordillera. Philippines: CECAP, Banaue Ifugao and PhilRice, Maligaya Munoz, Nueva Ecija.

Lampayan RM, BAM Bouman, JL de Dios, AT Lactaoen, AJ Espiritu, TM Norte, EJP Quilang, DF Tabbal, LP Llorca, JB Soriano, AA Corpuz, RB Malasa, and VR Vicmudo. 2004. Adoption of Water Saving Technologies in Rice Production in the Philippines. Extension Bulletin 548. Taiwan: Food and Fertilizer Technology Center.

Page 15: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim

Subject Matter Specialists Jovino L. de Dios** Alex J. Espiritu* Evelyn F. Javier* Melanie Aileen T. Cantre* Kristine C. Samoy* Eduardo Jimmy P. Quilang, PhD*

Managing Editors Hanah Hazel Mavi M. Biag** Hazel V. Antonio*

Layout Artists Marc Elvin T. Lozano** Hazel V. Antonio*

For more information, text the Farmers’ Text Center(+63) 920-911-1398;

write, visit, or call: Agronomy, Soils, and Plant Physiology DivisionPhilippine Rice Research InstituteMaligaya, Science City of Muñoz, Nueva Ecija 3119Tel. No. (044) 456-0285; -0113; -0651 loc 215, 217

Readers are encouraged to reproduce the content of this bulletin with acknowledgment. Suggested citation:PhilRice. “Kontroladong pagpapatubig: Paraan ng pagtitipid na hindi bumababa ang ani.” Rice Technology Bulletin No. 72: 16p., March, 2011.

Editor Anselmo S. Roque**

Translator Andrei B. Lanuza**

Editorial Advisers Ronilo A. Beronio** Karen Eloisa T. Barroga** Leocadio S. Sebastian, PhD* Sosimo Ma. Pablico, PhD* Diadem B. Gonzales*

(*2nd Edition **Translated Version)

Page 16: Rice Technology Bulletin Series - pinoyrice.com · Ayon sa resulta ng mga pananaliksik na isinagawa sa pagtitipid at tamang paggamit ng patubig para sa mga lipat-tanim at sabog-tanim