66
Ang Aklat ng Janazah ز ئ ا ن ج ل ا اب ت ك مس ب له ال ن م حّ ر ل ا م ي حّ ر ل اAng Panimula ng libretang ito ay tumatalakay sa mga bagay na dapat maisagawa sa pagsasaayos ng bangkay ng isang namatay na Muslim bago ito mailibing. Ang paksang ito ay napakahalaga at dapat matutuhan ng bawat Muslim, dahil ang kamatayan ay hindi maiiwasan. Sinabi ng Allah “Bawat kaluluwa ay makakatikim ng kamatayan” 1 . Kaya kapag sumapit ang kamatayan sa isang kamag-anak o di kaya ay sa isang Muslim, ang katungkulan sa paglilibing dito ay nagiging tungkulin 2 sa bawat kapatid na Muslim. A Ang ebulosyon ng tao, ayon sa paniniwala ng Islam, ay dumaan sa 1 . Al-Imran 3:185 2 . Fardh Kifayah 3

Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

الرحيم الرحمن الله بسمAng Panimula

ng libretang ito ay tumatalakay sa mga bagay na dapat maisagawa sa pagsasaayos ng bangkay ng isang namatay na Muslim bago ito

mailibing. Ang paksang ito ay napakahalaga at dapat matutuhan ng bawat Muslim, dahil ang kamatayan ay hindi maiiwasan. Sinabi ng Allah “Bawat kaluluwa ay makakatikim ng kamatayan”1. Kaya kapag sumapit ang kamatayan sa isang kamag-anak o di kaya ay sa isang Muslim, ang katungkulan sa paglilibing dito ay nagiging tungkulin2 sa bawat kapatid na Muslim.

A

Ang ebulosyon ng tao, ayon sa paniniwala ng Islam, ay dumaan sa iba’t-ibang yugto. Mula sa mga talata ng banal na Kor’an, ang tao ay unang nilikha mula sa luad, at mula sa luad ay nabuo ang isang patak ng likidong nagmula sa gulugod ng isang ama at naisalin ito sa isang pook pahingahan sa sinapupunan ng isang ina at dito pinauunlad ang maliit na mikrobyong buhay na naging similya hanggang

1 . Al-Imran 3:1852 . Fardh Kifayah

3

Page 2: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزsa ito ay maging isang ganap na tao. Ang pagkakapanganak sa isang sanggol ay ang unang paglalakbay sa daigdig na ito.

: تعالى األ(نسـن قال خلقنا ولقدنطفة جعلنـه ثم ، ط(ين من سلـلة ن م(

النطفة خلقنا ثم ك(ين، م قرار ف(ىفخلقنا مضغة العلقة فخلقنا علقة

لحما الع(ظـم فكسونا ع(ظما المضغةالله فتبارك ءاخر، خلقا أنشأنـه ثمذل(ك بعد (نكم إ ثم ، ين الخـل(ق( أحسن

لميتونSinabi ng Allah:“Aming nilikha ang tao mula sa dalisay na Luad. Pagkatapos, siya ay Aming inilagay na (isang patak ng) similya sa isang pook pahingahan, na may matatag na taning; at ginawa Namin ang similya na (namuong) malapot na dugo, at mula sa namuong (dugo na) ito ay Aming binuo ang (isang similya na) mga buto at dinamitan ito ng laman; at mula dito Kami ay nakagawa ng ibang nilalang. Kaya ang pagpapala ay para sa Allah, ang Pinakamahusay lumikha. Pagkatapos, (hindi rin magtatagal)

4

Page 3: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزKatotohanan, kayo (ang tao) ay mamamatay .3

Ang bagong nilalang na ito ay ang tao. Siya ang binigyan ng Allah ng buhay at pinagkalooban ng kaisipan, na siyang dahilan kung bakit ang tao ay nangingibabaw sa mga ibang nilikha ng Allah . Sanhi ng buhay na ito, ang tao ay tinaguriang “Hari” ng mga nilikha dahil sa laki at bigat ng katungkulang ipinagkaloob sa kanya ng Allah . Ang tao ayon sa banal na Kor’an ay nahirang Khaleefah4 sa mundong ito.

: تعالى ل(لملـئ(كة( قال ربك قال (ذ وإمن صلصـل من بشرا خـل(ق (ني إ

ونفخت يته سو فإ(ذا مسنون، حمإد(ين سـج( له فقعوا وح(ى ر ن م( يه( ف(

Sinabi ng Allah .“(Makinig kayo!) at Sinabi ng inyong Panginoon sa mga Anghel; Ako ay lilikha ng tao, mula sa luad ng putik na hinugisan. At pagkatapos Kong bigyan ng anyo (sa tamang sukat at timbang) at ipagkaloob sa kanya ang kaluluwa na Aking nilikha para

3 . Al-Mu’minun 23:12-144 . Taga-pamahala o Taga-pagmana.

5

Page 4: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزsa kanya ay magpatirapa kayo bilang paggalang sa kanya.5”

: تعالى ف(ى قال جاع(ل (نى إ ل(لملـئ(كة( ربك قال (ذ وإخل(يفة األرض(

Sinabi ng Allah .“(Makinig kayo!) Sinabi ng inyong Panginoon sa mga Anghel; “Ako ay gagawa ng Khaleefah 6 sa lupa.”7

Ang mga talatang ito ay nagbibigay ng palatandaan na ang tao ay nangingibabaw sa lahat ng nilikha ng Allah . Subalit ang pangingibabaw nito ay may kasamang pananagutang (tungkuling) malaki sa Allah .

: تعالى األمـانة وقال عرضنا ا (نـ إبال( والج( واألرض( مـوت( الس على

نها م( وأشفقن لنها يحم( أن فأبيناإل(نسـن وحملها

Sinabi ng Allah .“Katotohanan, Aming inialok ang Tiwala sa mga Kalangitan at Daigdig at sa mga 5 . Al-Hijr 15:28-296 . Taga-pamahala o taga-pagmana7 . Al-Baqarah 2:30

6

Page 5: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزBundok subalit sila’y tumanggi sa dahilang sila ay may pagkatakot (na baka hindi nila ito magampanan). Subalit ito ay tinanggap ng tao8.”

Ang tao ay binigyan ng Allah ng kalayaang mamuhay sa mundong ito. Subalit ang paglikha sa kanila ay hindi upang magsaya at maglibang, Bagkus ito ay may mahalagang layunin para sa kanila na dapat magampanan. Ang layunin ay walang iba kundi ang paglingkuran ang Dakilang Manlilikha sa pamamagitan ng pagsamba (sa Kanya).

: ن الج خلقت وما تعالى وقالل(يعبدون إ(ال واإل(نس

Sinabi ng Allah .“Aking nilikha ang mga Jinn at mga tao upang ako ay sambahin lamang”9.

Ang bawat taong nilikha ay nilalang na may katawan, at bawat katawan ay binigyan ng Allah ng buhay at kaluluwa. Ang pansamantalang katawan ng tao ay nilikha mula sa mga makamundong bagay. Ito ay pansamantala nating tutustusan mula sa mga bagay at pagkaing galing sa mundong ito. Subalit ang buhay at kaluluwa ng tao (at ito ay

8 . Al-Ahzab 33:729 . Al-Dhariyat 51:56

7

Page 6: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزmananatili nang walang hangganan) ay galing sa Allah at nangangailangan ding tustusan mula sa mga espirituwal na gawain.

Ang layunin kung bakit nilikha ang tao ay upang mapaglingkuran ang Allah . Ang pamamaraan kung paano ito mapaglingkuran ay hindi suliranin dahil ipinaliwanag ito ng Allah sa banal na Kor’an:

: الله( ند ع( الدين إ(ن تعالى وقالاإل(سلـم

Sinabi ng Allah . “Katotohanan ang relihiyon para sa Allah ay Islam.”10

: اتقو ءامنو ياأيهاالذ(ين تعالى وقالوأنتم إ(ال تموتن وال تقات(ه( حق الله

سل(مون مAt Kanyang muling sinabi:“O’ kayong mga mananampalataya, matakot sa Allah, kung paano Siya dapat katakutan11, at huwag kayong mamatay maliban sa kalagayang Islam.”12

10 .Al-Imran 3:1911 . Kung paano katatakutan ang Allah ay umiwas sa Kanyang mga

ipinagbabawal at mahalin at sundin ang Kanyang mga ipinag-uutos.12 .Al-Imran 3:102

8

Page 7: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Mula sa talatang ito ay nag-alok ang Allah sa sangkatauhan na maging matatag sa kanilang pananampalataya sa Allah bilang isang tagasunod na Muslim. Ang malakas at matatag na pananampalataya ay makakamit natin sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga katuruan ng relihiyong Islam na siyang makapagbibigay sigla sa ating pananampalataya sa Kanya. Sa bawat Muslim, ang pagkakamit ng tamang kaalaman ay mahalaga sa lahat. May kasabihan, “magtamo ng kaalaman (sa Islam), mula sa duyan hanggang libingan”.

Ang kamatayan ay hindi maiwasan at walang makakatakas dito. Ito ay walang itinatangi sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap, maharlika at karaniwan, pinapadapa ang mga trono at palasyo ng mga makapangyarihan at malalakas na tao. Ito ay umaagaw sa mga pinakamamahal mula sa mga nagmamahal, tulad ng pag-agaw ng kamatayan sa isang mapagmahal na anak sa kamay ng kanyang mga nagmamahal na magulang, ang mapagmahal na asawa sa kanyang magiliw at mapagmahal na asawa, ang makamundong tao sa kayamanang taglay ng mundong ito at ang makapangyarihang hari sa kanyang malawak na kaharian. Samakatuwid, ang kamatayan ay sakunang malaki sa bawat tao. Ito ay batas ng

9

Page 8: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزAllah, na ang lahat ng may buhay ay makakaranas ng kamatayan. Ang kamatayan ng tao ang siyang unang paglalakbay sa daigdig ng walang hanggan.

Sa kasalukuyan ay hindi binibigyang pansin ng karamihan sa mga Muslim ang halaga ng kaalaman sa pagsasagawa ng retuwal sa pag-aalaga sa bangkay ng kapatid na Muslim bagkus isinasaisang-tabi nila ito. Nakakalimutan nila na maaring bukas o makalawa, o saan mang pook sila naroroon ay maaring maganap ito. Sinabi ng Allah “Kahit saan man kayo naroroon ay aabutan kayo ng kamatayan kahit doon kayo (magtago) sa mga matataas na tore”13.

Ang pangangailangan sa mga gawain na ito (ang paghahanda ng libing) ay maaring maganap habang ikaw ay nasa paglalakbay o di kaya ay sa iyong tahanan. Sa sandaling sumapit ang pangangailangan dito at walang nakakaalam kung paano aayusin ang bangkay ng kapatid na Muslim ay dito mag-uumpisa ang mabigat na suliranin, dahil nasasaklaw ng pananagutang ito ang lahat ng mga Muslim. Nang dahil sa hindi pagbibigay- halaga sa kaalaman na ito, ang suliraning ito ay karaniwang nakakaharap ng karamihan sa mga Muslim sa kasalukuyan, lalung-lalo na sa mga bansang hindi Arabo.

13 . Al-Nisa 4:78

10

Page 9: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Marami tayong matatalino at propesyonal na mga kapatid mula sa iba’t ibang propesyon katulad halimbawa sa larangan ng abogasya, inhinyero, medisina at iba pa. Kung tatanungin ang karamihan sa kanila tungkol sa kaalaman kung paano inihahanda ang bangkay ng patay na Muslim kung paano ito lilinisin at lalagyan ng sapot (o paano binabalot), hanggang sa pagdarasal at paglilibing ay tiyak na malalaman mo ang malubhang pangangailangan sa kaalamang ito. Karamihan din sa mga kapatid nating Muslim, na kapag inalok sa pagsasagawa nito, ay ang mga pantas at ulema ang itinuturo nila sa dahilang sila ang nakakaalam sa ganitong kaalaman.

Ang katanungan dito ay paano kung walang nakakaalam? Ano kaya (sa isip mo) ang susunod na mangyayari? Dahil ang bangkay ng patay na Muslim ay dapat mailibing sa loob ng 24 oras mula sa kanyang pagkamatay. Kung Hindi, ito ay tiyak na magkakaroon ng kakaibang amoy, sa dahilang ito ay magsisimula nang maagnas. At hindi natin ito mapipigil sa pamamagitan ng embalsamu sapagkat bawal sa atin ang mag-embalsamo sa patay.

Ito ay hindi maaring maisagawa sa praktikal na pamamaraan sa dahilang may pananagutan tayo sa alinmang pagkakamaling

11

Page 10: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزmangyayari sa pagsasagawa dito. Bilang isang Muslim ay mayroon tayong sariling pamamaraan kung paano natin isinasaayos ang bangkay ng kapatid na Muslim. Ito ay dapat umaalinsunod ayon sa tradisyon ng dakilang Propeta at ayon sa kung paano ito isinalarawan ng kanyang mga kasamahan , mula sa paglilinis, paglalagay ng balot o sapot hanggang sa paglilibing. Samakatuwid, ang pagtatamo ng kaalaman tungkol dito ay kasama sa kakailanganing karunungan ng isang Muslim dahil nakahanda niyang gampanan ang obligasyong ito sa oras ng pangangailangan.

Kasama sa aming mga panalangin sa Allah na sana, ang aklat na ito ay makapagdulot ng maganda at mabuting kaalaman sa lahat ng Muslim Ummah lalung-lalo na ang mga bagong kapatid sa pananampalatayang Islam. At sana, tanggapin ng Allah ang aming magandang layunin at hangaring paglilingkod para sa Kanya lamang.

Wassalamu Alaikom Wa Rahmatullahi Wa Barakatuho

AbdulKhaliq Sharif SaripadaAng Tanggapang Kooperatiba sa Panawagan

12

Page 11: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزAt Pamatnubay sa Pamayanan ng Al-Sulay, Riyadh, Kaharian ng Saudi Arabia

15 May 2000 g 11 Safar 1421H

Ang Aklat Ng Paglilibing (JANAZAH)

ز الجنـائـ( ك(تـابAno ang dapat nating gawin kapag ang

isa ay naghihingalo?

1) Iharap ang kanyang mukha sa gawi ng Kiblah14. Pahigaing nakatagilid sa kanan at nakaharap ang kanyang mukha sa Kaabah o Kiblah (ito ang pinaka-mabuti); o di kaya ay nakahigang nakaharap sa Kiblah ang kanyang paa at nakataas ng bahagya

14 . Ito ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap ang mga Muslim kapag isasagawa nila ang mga pagdarasal. Sa ating bansang Pilipinas ay dito humarap sa kanluran.

13

Page 12: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

ang kanyang ulo upang ang kanyang mukha ay nakaharap sa Kaabah.

2) Ang pinakamamahal ng naghihingalo (at maka-relihiyoso) sa kanyang pamilya ay karapat-dapat na nandoon palagi sa kanyang tabi upang matulungan ito sa pagpapaalala o pagpapagunita sa Allah , at mabulungan ito upang humingi ng kapatawaran sa Allah sa kanyang mga pagkakasala, at magawa ang kanyang huling habilin kung sakaling mayroon man. Ang naghihingalo ay karapat-dapat ding masabihan tungkol sa pagpapahayag sa paniniwala, ang pagbabanggit ng “La Ilaha Illallah Wa Muhammadon Rasulollah” (Walang diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang Sugo)15 nang paulit-ulit para marinig niya ito. Dapat ito ay bigkasin nang malumanay upang sa gayon ang “La Ilaha Illallah Wa Muhammadon Rasulollah” (Walang diyos maliban sa Allah at si

15. Abu Daud and Hakim, Riyadh-Us-Saleheen, Vol 2 no. 917 page 474.

14

Page 13: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Muhammad ay Kanyang Sugo) ang kanyang pinakahuling mabigkas bago ito malagutan ng hininga. Subalit ito ay hindi maaring ulitin kapag ang tao ay patay na.

Paala-ala: (Ang lahat ng bagay na kinasusuklaman ng

mga anghel katulad ng mga gamit pang-musika, larawan at mga imahen ay dapat maitago o mailayo sa namatay at dapat tabihan ito ng mga pabango, at maging kanais-nais na rin kung ang mga babaing kasalukuyang may buwanang dalaw at ang mga babaing kapanganganak lamang, na napapaloob sa taning na 40 araw, at mga taong nasa katayuang sexual impurity ay huwag lumapit sa namatay.)

3.) Damihan ang mga panalangin at ganoon din ang mga nandoon para sa naghihingalo. Basahin (sa mababang boses para hindi maka-istorbo) ang banal na Kor’an lalung-lalo na ang Surah Yasin 16. Subalit, sa oras na mawalan na ng hininga (o patay na) ang taong

16 . Sunnan Abu Daud Vol.2 Chapter 1153 no. 3115 page 889.

15

Page 14: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

naghihingalo, ang pagbabasa mula sa banal na Kor’an ay kinakailangang ihinto.

Mga Bagay Na Dapat Gawin Kapag Natiyak Ang Pagkamatay Ng Tao

Bago Ito Mahugasan.

1. Ipikit ang mata ng namatay o higit na makabubuti kung ang pinakamalapit sa namatay ang siyang magpikit sa mata ng namatay17.

2. Isara ang kanyang bibig (sa pamamagitan ng malapad na tela na nakatali sa (ibabaw ng) kanyang ulo) upang hindi maiwanang nakabuka ito.

3. Umpisa sa kanyang pagkamatay ay kina-kailangang baluktutin paulit-ulit ang kanyang mga kasukasuan sa pamamagitan ng pagbabalikuko sa kanyang mga kamay, daliri at mga paa upang ang kanyang mga kasukasuan ay lumambot at maging mabilis ang paghuhugas sa kanya. (paalala: kapag ang mga kasukasuan ng yumao ay

17 . Muslim, Riyadh-Us-Saleheen Vol. 2 no. 919 page 475.

16

Page 15: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

paulit-ulit na binabaluktot, ito ay tuluyang lumalambot. Subalit kapag ito ay pinabayaan, mahirap na itong palambutin at mahirap ang pagsasagawa sa rituwal ng paghuhugas).

4. Patungan nang anumang bagay na medyo mabigat ang ibabaw ng kanyang tiyan upang hindi mamamaga ito.

5. Ang bangkay ay itaas ng bahagya, pihitin ito at iharap ang kanyang mukha sa Kaabah.

6. Marahang (o malumanay na) alisin ang kanyang mga damit at takpan ang kanyang katawan ng (magaang na) tela (ipitin ito sa ilalim ng kanyang ulo at paa ang dulo ng tela upang matakpan lahat ang kanyang buong katawan).

7. Higit na mainam kung madaliin ang pagbabayad sa kanyang mga utang (kung mayroon). Higit na mainam rin kung madaliin ang pag-aayos sa paglilibing sa kanya.

17

Page 16: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

8. Kapag biglaan ang pagkamatay ng isang tao (sudden death) ay kinakailangang hayaan muna ang kanyang bangkay ng sapat na panahon upang matiyak na talagang siya ay patay na (sa palatandaang magbabago ang kanyang kulay o di kaya ay may kakaibang amoy na magmumula sa kanyang katawan at iba pang mga palatandaan na nagpapatotoo na siya ay patay na).

9. Kapuri-puri kung ipapaalam sa mga tao (nang mahinahon) ang pagkamatay niya, upang sila ay makadalo sa paglilibing sa kanya. Karapat-dapat na maisagawa ito na walang kasamang pananangis at pananaghoy. Ipinagbabawal sa Islam ang pagsisigaw na may kasamang pananangis, pananaghoy, pananakit sa sarili, pagpunit ng damit sa katawan at marami pang kasintulad nito. Ang lumuha ay hindi masama sa kondisyong ito ay walang kasamang pagtatangis o hagulgol at iba pang

18

Page 17: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

ipinagbabawal na gawin18. Ang pagtitimpi ay ipinapakiusap sa mga nagluluksa, at ang dapat sa kanila ay umasa sa gantimpala ng Allah sa Kabilang Buhay at tulungan sila upang madaling manumbalik sa dating katayuan ang kanilang sarili mula sa malubhang pagdadalamhati.

10. Bilang pagbibigay galang sa namatay ay lalong kapuri-puri kung madaliin ang paglilibing sa kanya pagkatapos na ito ay mahugasan, malagyan ng balot at maisagawa ang pagdarasal sa kanya.

18 . Saheh Al-Bukhari. Volume 2, no. 384 page 216.

19

Page 18: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Ang Paghuhugas Sa Patayالميت غسل

Ang paghuhugas sa bangkay ng isang namatay na Muslim ay isang espirituwal na tungkulin sa kapwa Muslim at ang pagsasagawa dito ay tungkulin na pangkalahatan (Fardh Kefayah19).

Alin Ang Namatay Na Dapat Mahugasan?

1. Karapat-dapat na ang namatay ay isang Muslim dahil ang mga hindi sumasampalataya sa Islam ay hindi hinuhugasan.

2. Ang namatay na sanggol (fetus) na inilaglag: kung ang sanggol (fetus) ay ipinanganak na dati nang patay ay hindi na hinuhugasan.

3. Ang namatay ay hindi napaslang sa giyera, o namatay sa landas ng Allah

19 . Ang Fardh Kefayah ay tungkuling pangkalahatan at kapag ang tungkulin na ito ay naisagawa ng isa man sa mga Muslim ang lahat ng mga Muslim ay absuwelto sa tungkulin at pananagutan sa Allah.

20

Page 19: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

dahil ang isang martir ay hindi hinuhugasan 20.

Sino Ang Karapat-Dapat Maghugas Sa Bangkay Ng

Namatay?Siya ay isang Muslim, nasa hustong

gulang, matino at mapagkakatiwalaan sa pagsasagawa sa rituwal na ito alinsunod sa Sunnah (tradisyon) ng mahal na Propeta at may tiwala sa sarili na hindi maipapahayag21

sa publiko ang anumang bagay na hindi kanais-nais o pagkukulang na kanyang napansin habang isinasagawa niya ang rituwal.

Kanino Dapat Ipagkatiwala Ang Paghuhugas Sa Patay?

1) Ang taong karapat-dapat maghugas at maglagay ng sapot o balot sa patay ay ang sinumang pinagbilinan niya na maghugas sa kanya (bago siya namatay) at ayon sa pagkasunod-sunod ng malapit sa kanya; Ang kanyang ama, lolo, anak, apo, kapatid, tiyuhin, mga kamag-anak na lalaki at kung walang

20 . Al-Bukhari , Bulugh al Maram hadeeth bilang 441 pahina 19021 . Hakim, Riyadh-Us-Saleheen, Vol. 2 no. 928 page 479.

21

Page 20: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزlalaki maari na rin ang kanyang asawa (kung mayroon) at kung wala ay maari na rin ang kanyang mga mahram tulad din ng kanyang nanay, lola, kapatid na babae at tiyahin. At kung walang naroron sa kanyang mga mahram ay isasagawa sa kanya ng ibang babae ang tayammum na may saping tela 22.

2) Kung ang namatay ay babae. Ang karapat-dapat na maghugas at maglagay ng balot o sapot sa kanya ay alinsunod doon sa pagkasunod-sunod ng pinakamalapit sa kanya, katulad ng kanyang nanay, lola, anak, apo at kamag-anak na babae at puwede na rin kung walang babaing makapaghugas sa kanya ang kanyang asawa at ang mga lalaking kanyang mahram katulad ng kanyang tatay, kapatid, at mga tiyuhin at kung wala sila ay isasagawa sa kanya ng ibang lalaki ang tayammum na may saping tela.

Ang paghuhugas sa isang namatay na perigrinong papunta

22 . Al-Fiqh-ul-Islamie, 2:460.

22

Page 21: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزng Makkah, na nasa katayuang banal upang isagawa ang rituwal sa Hajj.

Ang namatay na perigrino ay hinuhugasan ng tubig at walang pabangong mailapit sa kanya o di kaya ay takpan ang kanyang ulo, dahil sa Araw ng Muling Pagkabuhay (Resurrection Day) siya ay bubuhaying muli bilang isang perigrino23.

Paano Hinuhugasan Ang Patay.

1. Kinakailangang takpan ng magaan na tela ang katawan ng patay mula sa pusod hanggang tuhod sa mga lalaki at mula sa dibdib hanggang tuhod sa babae.

2. Kinakailangan hugasan ang patay sa isang pribadong pook at kasama sa mga sunnah (tradisyon) na walang ibang kasamahan ang naghuhugas maliban sa kanyang katulong sa paghuhugas.

3. Bawal na titigan ang hubad na katawan ng namatay o hawakan ito na hindi nakabalot ang kamay sa tela at sa pamamaraan na ito ay maaring iligpit o

23 . Saheh Bukhari. Volume 2 no. 358 page 201.

23

Page 22: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

linisin ang anumang bagay na marumi mula sa katawan ng namatay.

4. Pagkatapos, ay hugasan ang ibang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng malinis na tela at marahang idiin ang tiyan (habang nakataas ang katawan na halos nakaupo) upang makalabas ang anumang bagay na marumi sa loob ng kanyang tiyan. Kinakailangan ding maghanda ng mga insenso o pabango para walang mabahong maaamoy.

5. Kinakailangan ding iangat ng bahagya ang ulo ng namatay upang maiwasan ang tagas mula sa kanyang katawan pabalik sa (kanyang) ulo.

6. Kinakailangang umpisahan ang paghuhugas kasintulad ng munting paglilinis o wudho .Basain ng naghuhugas ang kanyang dalawang daliri at ipasok ito sa bibig ng namatay upang linisin ang ngipin o di kaya ay sa bibig ipunas at pagkatapos ay ang ilong at ipagpatuloy ang paglilinis na ito kasintulad ng munting paglilinis (wudho) sa pagdadasal maliban sa ingatan ang pagpasok ng tubig sa bunganga at ilong ng namatay.

7. Ang kanyang bigote at kuko ay gupitin (ilagay ito sa balot at kasamang ililibing) at umpisahan ang paghuhugas mula sa

24

Page 23: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

kanyang buhok at balbas. Buhusan ng tubig ang katawan ng namatay at umpisahan ito mula sa kanyang kanang katawan24 (harapan at likod pababa sa paa) at pagkatapos ay sa kaliwa.

8. Hugasan ang namatay ng tubig na may halong dahon ng sidr (lotus, kung mayroon) o di kaya ay malinis na tubig na may halong panglinis ng katawan katulad ng sabon. Haluan din ng pabango ang tubig katulad ng pabangong Alkampor25

sa panghuling paghugas sa kanya. 9. Bilang pagbibigay-galang sa namatay, ay

kinakailangan (sa mga naghuhugas) ang malumanay at maingat na pangangalaga sa kanya habang isinasagawa ang mga paglilinis na ito, katulad ng pagpipihit sa kanyang katawan, paghipo sa kanyang mga braso at kamay, pagdidiin sa kanyang tiyan at pagbabaluktot sa kanyang mga daliri at iba pang mga pangangalaga sa kanya.

10. Ang bilang ng paghuhugas sa patay ay dapat gansal (3,5,7), ito ang sunnah ng Propeta 26.

24 . Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 346 page 195.25 . Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 344 page 194.26 . Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 345 page 194.

25

Page 24: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

11. Kung mayroong lumabas na maruming bagay at dumikit ito sa kanyang katawan pagkatapos ng paghuhugas, kailangang linisin ito at hugasan siyang muli (gansal ang bilang (3,5,7)). Subalit kung ang dumi ay lumabas pagkatapos malagyan ito ng balot (o sapot), ang paghuhugas, ganoon din ang wudhu (ablution) ay hindi na kailangan pang ulitin. Bagkus alisin lang ang dumi.

12. Patuyuin ng malinis na tela ang kanyang katawan para hindi mabasa ang kanyang sapot.

13. Pagkatapos ng paghuhugas, ang buhok at balbas ay lagyan ng pabango kasama ang bahagi ng kanyang katawan na nagagamit sa pagdarasal, katulad ng kanyang noo, ilong, mga kamay, tuhod at paa, ganoon din ang kanyang kili-kili at tainga. Mas maganda kung ang pabango ay alkampor27 o di kaya ay musko.

Ang Paglalagay Ng Balot O Sapot Sa Patay.

الميت تكفينAng paglalagay ng sapot sa patay na

Muslim maliban sa mga martIr na napatay sa

27 Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 349 page 196.

26

Page 25: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزdigmaan ay isang espIrituwal na tungkulin ayon sa napagkaisahang opinyon ng mga maalam sa teolohiyang Islamik. Ang pagsasagawa dito ay Fardh Kifayah28.Ang gastos sa pagsasapot o pagbabalot sa patay, gastos sa paghahanda sa paglilibing, at ang paglilibing ay karapat-dapat na ito ay mula sa sariling pera ng namatay29.

Kung ang namatay ay walang naiwang kayamanan na pagkukunan ng pambayad sa lahat ng gagastusin, ang kanyang mga taga-pagmana ang dapat bumalikat sa gastos. At kung hindi nila makayanan ito, ay sa pundo ng pamayanang Muslim kukuha (kung mayroon). At kung ito ay hindi pa rin makayanan sa hindi malamang kadahilanan, ang tungkuling ito ay sama-samang isasabalikat ng sambayanang Muslim, Mula sa pagbabalot sa bangkay hanggang sa paglilibing dito.

28 . Ang Fardh Kefayah ay tungkuling sama-sama at kapag ang tungkulin na ito ay naisagawa ng isa man sa mga Muslim ang lahat ng mga Muslim ay absuwelto sa tungkulin at pananagutan sa Allah.

29 Saheh Al-Bukhari. Volume 2 Chapter 25 page 203.

27

Page 26: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Mga Pamamaraan sa Pagbalot o Pagsapot

Kung ang namatay ay lalaki ay ipinapayo na siya ay mabalot sa tatlong mapuputing tela at tiyaking ito ay walang halong turban o di kaya ay Ihram, maliban kung ang namatay ay nasa katayuang pagkaperigrino o nasa katayuang paglalakbay papuntang Makkah upang isagawa ang Hajj at ang mukha ay hahayaang nakalantad. Maaari na ring gawin ang paglalagay ng balot sa dalawang pirasong tela sa kondisyon na kayang takpan ang buong katawan nito30. Mahigpit na ipinagbabawal na gamitin ang telang seda o sutla bilang sapot sa lalaki.

Ang sapot o balot para sa bata

Ang batang namatay ay ibinabalot sa iisang malapad na tela, subalit hindi rin ipinagbabawal kung ito ay gawing tatlo.

Paglalagay ng sapot o balot para sa lalaki

30 Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 354 page 199.

28

Page 27: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

1. Ilatag ang tatlong pirasong telang pambalot (pagkatapos itong malagyan ng insenso o pabango, 7x7 talampakan o peye ang sukat ), na nagkakapatung-patong. Ang pinakahuli o pinaka-ilalim na tela ang dapat pinakamalapad at pinakamahaba (na kayang takpan ang buong katawan).

2. Buhatin ang katawan ng namatay (na may takip na tela) at ilagay sa ibabaw ng nakalatag na sapot.

3. Tiklupin ang dulo ng pinakaunang sapot sa kanyang kanan at ang kabilang dulo sa kaliwa. Ganoon din ang pangalawa at pangatlong sapot.

4. Talian ito (ng apat (4) na pirasong panali na may sukat na 7 peye bawat panali sa nakapulupot na tela) sa magkabilang dulo at may paikot sa katawan ng namatay. Alisin ang tali kapag siya ay nasa loob na ng kanyang puntod.

5. Kung walang makuha o makitang balot o sapot na kayang takpan ang kanyang buong katawan, Kinakailangang gamitin ang balot na pantakip sa

29

Page 28: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

kanyang ulo at takpan ng damo 31 o papel o anumang bagay na makakatakip sa kanyang mga paa.

* Kung ang mga napaslang ay marami at kulang ang pansapot o pambalot sa kanila, maaring pagsamahin ang dalawa o tatlong tao sa iisang malapad na sapot at pagsama-samahin sila sa iisang hukay, dahil ganito ang ginawa sa mga martir sa digmaan ng Uhud 32 .

Ang balot o sapot para sa babae

Ang balot para sa babae ay binubuo ng limang pirasong mapuputing tela. Ito ay; Dalawang pirasong malalapad na tela (7x7 peye), pang-itaas na tela na may butas sa ulo (parang (sleeveless) kamisadentro na may sukat ½ x 14 peye), telang pantapis sa baywang na may sukat 6x3½ peye, at telang pantakip sa kanyang ulo (na may sukat 4x4 peye).

Ang sapot o pagbalot sa babae

31 Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 366 page 205.32 Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 429 page 240

30

Page 29: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

1. Ilatag ang sapot ng magkakapatung-patong. Buhatin ang namatay na may takip at ilagay ito sa ibabaw ng nakalatag na sapot pagkatapos malagyan ng insenso o pabango.

2. Ibalot ang telang para sa kanyang mga paa.

3. Ibalot ang telang pantapis sa kanyang baywang.

4. Damitan siya (ng Kamesadentro)5. Hatiin ang kanyang buhok sa tatlong

terintas at ito ay nakalaylay sa kanyang likuran.

6. Takpan ang kanyang ulo (ng pantakip o bandana).

7. Balutin ito ng isang malapad at mahabang tela at talian ang magkabilang dulo nito. Aalisin lamang ang tali kapag siya ay nasaloob na ng (parang nitso sa) kanyang puntod.

ANG PAGDARASAL SA PATAYالجنازة على الصالة صفة

Ang pagsasagawa ng pagdarasal sa patay ay isang espirituwal na tungkulin, ayon sa opinyon ng mga pantas na Muslim. Ito ay

31

Page 30: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزtungkuling pangkalahatan (sa lahat ng Muslim) o Fardh Kefayah.

Sino ang dapat mamuno (o Imam) sa pagdarasal na ito?

Ang karapat-dapat na mamuno sa padarasal na ito ay kung sino ang may higit na karapatan sa lahat na maghugas sa kanya. Ang kamag-anak o di kaya ay ang Imam sa kanilang pook. Ang paglalagay ng bangkay upang maisagawa ang pagdarasal dito.

1. Higit na mainam kung (ang bangkay na may balot ay nakalulan sa bier33 (o patungan ng bangkay) at nasa harapan ng Imam na nakahigang patagilid sa kanan at ang mukha ay nakaharap sa dako ng Kiblah). Ang Imam ay tatayo sa bandang ulo ng namatay kung ito ay lalaki at sa bandang gitna kung ito naman ay babae.

2. Kung mahigit sa isa o marami ang mga bangkay ay mas mabuti kung maisagawa

33 . tingnan ang litrato sa pahina 39.

32

Page 31: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

ang pagdarasal sa kanila nang isa-isa, kahit pinapayagang maisagawa sa kanilang lahat ang isang dasalan lamang na ang mga bangkay (na nakalulan sa bier) ay ilalagay sa harapan ng Imam (na magkakasunod-sunod, na nakahelira sa hanay ng mga magdadasal) at ang kanilang mukha ay nakaharap sa dako ng Kiblah. Dapat na ang pinakamalapit na bangkay sa Imam (kung magkakaiba ang kasarian ng mga bangkay) ay ang lalaki, sumunod ang batang lalaki at susunod ay ang babae.

Ang paglalarawan kung paano ginagawa ang padarasal sa patay.

1. Ang layunin ng mga magdadasal ay upang isagawa ang pagdarasal na ito, Ang pagsasa-isip na ito (ang pagdarasal) ay isang tungkulin.

2. Ang Imam, habang ito ay nakatayo sa harapan ng namatay, at ang mga taong may balak sumama sa pagdarasal na ito ay

33

Page 32: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزdapat gumawa ng tatlong hilera34 (ito ang sunnah)na silang lahat ay nakaharap sa Kiblah. At uumpisahan ng Imam ang pagdarasal sa pamamagitan ng pagbigkas sa una sa apat ng “Takbeer” (ito ang pagbigkas sa Allaho Akbar) at nakataas ang kanyang dalawang kamay na nakapantay sa kanyang balikat at ibababa itong patiklop sa kanyang dibdib (ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay).

3. Pagkatapos ng unang takbeer o Allaho Akbar ay kailangang bigkasin lamang ang “Ta’awwuz” (A’oodho-billahi minas shaytaanir rajeem) at ang surah Al-Fatiha (Ang Pambungad na Kabanata sa Qur’an) lamang35. At pagkatapos ay itaas ulit ang dalawang kamay (katulad ng unang takbeer) at sabihin ang Allaho Akbar sa pangalawang takbeer, at pagkatapos ay bigkasin ang panalangin kay Propeta Abraham (nang tahimik);

34 . Abu Daud and Tirmidhi, Riyadh-Us-Saleheen Vol. 2 no. 934 page 481.35 Saheh Al-Bukhari. Volume 2 no. 412 page 231

34

Page 33: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

د على صلى اللهم ) ال( وعلى محم د يم على صليت كما محم وعلى إبراه(

يم ال( (براه( (نك إ يد إ يد حم( اللهم ، مج( د على بار(ك د ال( وعلى محم كما محم

يم على باركت (براه( ال وعلى إ يم (نك إبراه( يد إ يد حم( مج( )

” Allahumma salli ‘alaa Muhammaden wa ‘alaa aali Muhammaden, kama sallayta ’alaa Ibraahema wa ‘alaa aali Ibraahima fil ‘alameena innaka hameedun majeed, Allahumma baarik ‘alaa Muhammadin wa ‘alaa aali Muhammaden kamaa baarakta ‘alaa Ibraahema wa ‘alaa aali Ibraahema innaka ‘hameedun majeed.”

At pagkatapos ay itaas muli ang kamay sa pangatlong takbeer at sabihin ang Allaho Akbar, at bigkasin ang panalangin para sa yumao (nang tahimik);

د(نا) وشاه( وميت(نا ل(حينا ر اغف( اللهمنا وذكر( وكب(ير(نا وصغ(ير(نا وغائ(ب(نا

فأحي(ه( نا م( أحييته من اللهم وأنثانا،

35

Page 34: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

ه فتوف نا م( يته توف ومن ) اإل(سالم علىاإل(يمان( ( على

“Allahummagfir li’hayyina wa mayyetina washa-hidina wa ghaa-ibina wa sagheerina wa kabeerina wa dhakarina wa unthaana, Allahumma man a’hyaytaho minna, fa-a’hyehi ‘alal Islaam, waman tawaffaytahu minna fatawaffahu ‘alal eemaan”

” O ! Allah patawarin mo po ang mga buhay sa amin at ang mga namatay sa amin, ang mga nandito at wala, ang mga bata at matatanda, ang mga lalaki at mga babae. O! Allah , gawin Mo pong isang Muslim ang sinumang binigyan Mo ng buhay sa amin, at sinuman sa amin ang binawian Mo ng buhay ay mamatay sanang nasa tamang paniniwala.

O maaring idagdag mo ang panalanging ito:

ه(،) وعاف( وارحمه، رله، اغف( اللهمع ووس نزله، وأكر(م عنه، واعف

والبرد(، والثلج( ب(الماء له واغس( مدخله،الثوب يت نق كما الخطايا، ن م( ه( ونق

خيرا دار وأبد(له ، الدنس( ن م( األبيض

36

Page 35: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

وزوجا أهل(ه(، ن م( خيرا وأهال دار(ه(، ن م(ذه وأع( الجنة، له وأدخ( ه(، زوج( ن م( خيرا

) النار عذاب( ن وم( القبر(، عذاب( ن م(“Allaahummagfirlaho wa ar’hamho wa’aafihi wa’afo ‘anho, wa akrim nozolaho, wawassi’ mod’khalaho, wagsilho bil maa iwaththalji wal barad, wanaqqehi minal ‘kha’taayaa, kamaa naqqayta aththawbal abyadha minad danas, wa abdelho daaran khayran min daarihi, wa ahlan ‘khayran min ahlihi, wazawjan ‘khayran min zawjihi, wa ad’khilhol jannata, wa a’idh-ho min ‘adhaabil qabr, wa min ‘adhaabin naar”36

“O! Allah , patawarin at kaawaan (Mo po) siya sa kanyang mga pagkakasala at pagkalooban siya ng marangal na tahanan (sa Langit) at paluwangin ang kanyang libingan. Hugasan siya ng tubig, niyebe at yelo at linisin ang kanyang mga pagkakasala katulad sa isang maputing telang malinis sa dumi, at pagkalooban siya ng panibagong tirahan, pamilya at asawa na mas mabuti kaysa kanyang lumang tirahan, pamilya’t asawa, at tanggapin siya sa Paraiso at ipag-adya sa parusa sa libingan at Impiyerno.

(kung ang namatay ay bata ay maaring idagdag lamang ito:)

36 . Muslim, Riyadh-Us-Saliheen, Vol 2 no. 935 page 483.

37

Page 36: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

وسلفا) ألبويه( فرطا اجعله اللهمل وثق يعا وشف( واعت(بارا وع(ظة وذخرا

على بر الص وافر(غ( ينهما مواز( ب(ه(ما( قلوب(ه(

“Allahummaj ‘alho fara’tan li abawayhi wa salafan wa dho’khran wa ‘idhatan wa ‘utibaaran wa shafee’an wa thaqqel bihi mawaazeenahoma wa afrigis sabra ‘alaa quloobihima.”

“O! Allah , ipadala siyang una sa kanyang mga magulang upang maging magaan ang daan para sa kanyang mga magulang at gawin siyang dahilan bilang gantimpala, yaman, ala-ala, larawan at tagapamagitan. Sa pamamagitan niya (ang bata)ay gawing mabigat ang timbang ng kanilang (ang kanyang mga magulang) mabubuting gawain at punuin ang kanilang puso ng pagtitiis at tiyaga.”

بعده) تفت(نا وال اجره تحر(منا ال اللهموله ( لنا ر واغف(

“Allahumma la ta’hrimna ajrahu walaa taf’tinna ba’adaho wagfir lana walahoo”

38

Page 37: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

“O! Allah huwag alisin (sa amin) ang mga gantimpala para sa aming yumao at huwag Mo po kaming pagkalooban ng mga pagsubok sa kanyang pagyao, patawarin siya at kami.”

Bigkasin (minsan lamang) ang: “Assalamu alaikom warahmatullah” At dito nagtapos ang pagdarasal.

Ang Pagdarasal ng mga huling dumating.

Kailangang buuin ng mga nahuling dumating sa pagdarasal (na ang imam ay nakailang beses na nagtakbeer) ang kanilang dasal, hanggang sa sila ay makapag-tasleem. Makabubuti ng huwag alisin ang bangkay habang nagdadasal pa ang mga nahuli at hintaying sila ay makatapos sa pagdarasal.

Ang Salatul Ghaaeb (Ang Pagdarasal Sa Isang Patay Na Nasa

Malayo)

39

Page 38: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

الغائب على الصالةPinapayagang isagawa ang pagdarasal sa

isang namatay na nasa malayong lugar o di kaya ay nasa iisang pamayanan subalit ito ay malayong marating. Kung ang bahaging (nahiwalay sa) katawan ng isang namatay ay nakita, karapat-dapat na ito ay mahugasan, lagyan ng balot at isagawa dito ang pagdarasal sa patay (kahit ang bahagi ng katawan ay kasinlaki ng daliri dahil walang pagkakaiba sa maliit sa malaki kung ito ay nahiwalay sa kanya noong siya ay mamatay).

Ang pagbubuhat ng patay papunta sa kanyang libingan

المـيت حـملKinakailangang maisagawa ang

paglilibing sa lalong madaling panahon pagkatapos maisagawa ang pagdarasal sa kanya. Hindi ito dapat maantala sa dahilang mayroong (taong) hinihintay37, maliban kung ito ay ipinakiusap ng kanyang pamilya na hintayin ang isa sa kanila (nasa malapit lamang), at tiyak,

37 . Bukhari and Muslim, Riyadh-Us-Saleheen, Vol. 2 no. 941 page 486.

40

ANG BIER

Page 39: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

ang bangkay ay hindi maapektuhan. Subalit kung sa akala nila ay maapektuhan ang bangkay,

hindi na kailangang hintayin pa ito at mailibing na kaagad ang bangkay.

Pinakamabuti na ang bier ay buhatin ng mula apat o limang tao at kailangang bilisan nang kaunti ang kanilang paglalakad. Ang mga ibang kalalakihan naman ay sumunod sa bandang likuran ng prusisyon38. Hindi kanais-nais na sundan ito ng mga insensong sinusunog o mga bagay na kagaya nito, hanggang sa libingan.

ANG PAGLILIBINGالـدفن

Ang paglilibing sa patay ay isang obligasyon o tungkulin at pinakamabuti kung ito ay sa libingan ng mga patay o sementeryo (ng mga Muslim (kung mayroon)) ito mailibing.38 Sahih Al-Bukhari Vol. 1 page 40 no. 45.

41

Page 40: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Hindi pinahihintulutang mailibing ang patay sa nalibingan ng iba, maliban kung ang libingan na ito ay ganap na malinis at walang buto o laman ng tao ang naiwan dito.

Hindi rin pinahihintulutang ilibing ang dalawa sa iisang libingan maliban kung ito ay lubhang kailangan dahil sa kakulangan ng libingan at sa dahilang marami ang namatay, kasintulad sa mga pangyayaring naganap sa digmaan ng Uhod sa panahon ng Propeta .

Ang Paglilibing Sa Martirالشهـيد دفـن

Ang martir o Shahid ay mga Muslim na namatay habang sila ay nakikipagdigmaan laban sa mga hindi Muslim o di kaya ay napatay sa pamamaraang naapi at iba pang kahalintulad nito. Sila ay hindi hinuhugasan39. Ang kanyang sandata, at iba pang nakakabit sa kanyang katawan ay aalisin maliban sa kanyang damit. Ito ay hindi inaalis dahil siya ay ililibing na suot ang kanyang damit nuong

39 . Al-Bukhari , Bulugh al Maram hadeeth bilang 441 pahina 190.

42

Page 41: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزsiya ay patayin. Hindi pagkakamali kung siya ay ilibing na may sapot at walang damit subalit mas mabuti kung siya ay ilibing sa kanyang sariling damit at walang pagdarasal na isasagawa para sa mga taong napatay sa digmaan katulad noong ipag-utos ng dakilang Propeta na ang mga martir sa Uhod ay ilibing na may dugo sa kanilang katawan40. Hindi ito pinahugasan o magsagawa ng pagdarasal para sa kanila.

Ang paglilibing sa isang sanggol na patay na noong isilang.

السـقط دفـنAng sanggol na ipinanganak nang maaga o wala pa sa panahon at ito ay naiyak, bumahing, umubo o di kaya ay nagpakita ng mga galaw noong siya ay isilang at sa isang saglit ay namatay, ay kasintulad ng malaki. Ito ay kailangang mahugasan, malagyan ng balot, maisagawa ang pagdarasal sa patay 40 . Sila ay nakalibing sa sarili nilang dugoang damit dahil sa Araw Ng

Paghuhukom , sila ay babangon mula sa kanilang libingan sa sariling kaanyuan na nagpapatunay na sila ay namatay sa landas ng Allah.

43

Page 42: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزat mailibing. Kung ang sanggol ay nasa pang-apat na buwan pa lamang (pinaniniwalaang ito ang buwan nang ipagkaloob ng Allah ang kanyang kaluluwa), ito ay dapat mahugasan bago mailibing subalit hindi karapat-dapat na maisagawa dito ang pagdarasal sa patay. Subalit ang sanggol na ipinanganak at namatay na hindi pa umabot sa buwan na ito ay dapat na mailibing lamang.

Paano inililibing ang patay habang nakasakay sa barko.

Kung ang isang tao ay namatay sa loob ng barko habang ito ay naglalakbay at imposibling mailibing ito sa lupa, ang kanyang katawan ay iniipit (na mahigpit na nakatali) sa pagitan ng dalawang makapal na tabla (upang hindi ito lumutang) at itapon sa dagat ( baka sakaling makarating ito sa dalampasigan at mailibing nang maayos ang kanyang bangkay).

Paano ang paghukay sa libingan.

44

Page 43: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

القبر حفرAng wastong lalim at laki ng libingan

ay yaong tiyak na hindi lalabas o sisingaw ang amoy (kapag ito ay nabulok) ng katawan ng tao at ligtas ito na hindi mahukay (at kainin) ng anumang hayop.

Mas mabuti kung paluwangin nang kunti ang libingan at ang lalim ay kasintaas ng isang ordinaryong taong nakataas ang kamay.

Ano ang itsura ng libingan? 41

Ang hukay (Lahd) ay binubuo ng isang malaking lunggang patagilid na kayang gumalaw ang naghuhukay upang gumawa ng parang nitso sa gilid ( at bandang ilalim) ng hukay na nakaharap sa Kiblah. Ito ay lalagyan ng dingding42 pagkatapos mailagay o maisiksik dito ang bangkay (kanais-nais kung ang dami ng dingding ay siyam (o gansal ang bilang dahil ito ay sunnah).

Hindi katanggap-tanggap na iburol o ilibing ang patay na may ataul o maglagay ng unan para sa kanya.

41 . Tingnan ang larawan sa pahina 43. 42 . mabuti kung ito ay gawa ng silyar o bloke.

45

Page 44: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Paglilibing ng patay Ang mga kalalakihan ang karapat-dapat na maglibing sa patay, kahit na babae ang namatay. Ang karapat-dapat na maglibing sa babaing namatay ay ang kanyang asawang lalaki (kung kaya niya), maliban dito ay ang pagkakasunod-sunod sa talaan ng mga taong maaring magdasal sa kanya, at maging kanais-nais kung ang bilang ng mga lalaking maglilibing sa kanya ay gansal.

Ang ulo ng patay ay ilalagay malapit sa bunganga ng hukay at alisin ang bangkay mula sa bier sa bandang ulo.

46

Page 45: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز Kanais-nais na takpan ang ibabaw ng hukay43 sa pamamagitan ng paglalatag ng tela sa ibabaw ng hukay kapag ang katawan ng namatay ay naibaba at isinisiksik sa ilalim nito (nitso). Ang bawat dulo ng tela o kumot ay hahawakan sa magkabilang dulo na nakaangat ng halos kalahating metro mula sa ibabaw ng hukay at ito ay ginagalaw (o bahagyang ipinapagpag) ng habang nandoon pa sa libingan ang naglilibing sa patay. Mas mabuti kung ang naglilibing (taong nasa loob ng hukay) ay higit sa isa o tatlo upang maibulong sa namatay ng isa sa kanila ang “Bismillahi wa’alaa millati Rasulillaahi (Sallallaahu Alayhi Wasallam)” na ang kahulugan ay “ Sa Ngalan Ng Allah at ayon sa relihiyon ng Sugo Ng Allah (Sumakanya nawa ang kapayapaan). Pagkatapos ay ang panalangin upang humingi ng kapatawaran sa Allah para sa nailibing at pihitin siyang nakaharap sa Kiblah. Pagkatapos ay lagyan ng dingding

(bloke o di kaya ay silyar na may bilang na

43 . ito ay kailangang maisagawa kapag ang inililibing ay babae.

47

Al Lahd (Libingan)

cross section

Page 46: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائزgansal ( ang kanais-nais ay siyam na piraso)) ang hukay (nitso) sa tagiliran at bandang ilalim ng libingang nakaharap sa Kiblah. Sabugan ng tatlong dakot44 na lupa ang loob ng libingan. At pagkatapos, ang hukay ay punuin

na ng lupa. Bago lisanin ang libingan makabubuting payohan45 ng isa sa mga naglibing ang namatay tungkol sa pagdating ng anghel Munkar at Nakir upang siya ay tanungin sa loob ng kanyang libingan tungkol sa kanyang Panginoon, relihiyon, at propeta. At manalangin para sa namatay at sabihin ang:

ته حج نه لق اللهم ثبته اللهم“Allaahumma thabbit ho, Allaahumma

laqqinho ‘hojjataho”Ang kahulugan “O! Allah turuan Mo po siya sa kaniyang pagsasagot”. At pagkatapos ay manalangin para sa

kapatawaran ng namatay. (Dito nagtapos ang paglilibing).44 .Ad-Darqutni, Bulugh Al-Maram, no. 469 page 201. 45 . Ang paniniwala ng mga Muslim ayon sa katuruan ng Islam ay;

kapag ang tao ay namatay ay manunumbalik ang kanyang pandinig at pakiramdam na higit pa sa normal. Kaya naririnig niya ang mga yapak ng mga nakipaglibing sa kanya.

48

Page 47: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز

Ang Tapos Na Libingan

Maaring paumbukin nang kunti ang ibabaw ng libingan ng halos isang dangkal46 at

lagyan ang gitna ng mga maliliit na bato, bilang palatandaan na ito ay libingan na dapat igalang, dahil bawal upuan o tayuan. Maliban sa panahon ng digmaan kung kailan ito ay hindi itinataas

bagkus pinapantay para hindi mahalata

46 . Ibn Hibban, Bulugh Al-Maram no. 468 page 200.

49

Ang Tapos na Libingan(Cross Section)

Page 48: Question : Who is the fittest person to prayer over …DE%F3%83%E1%20%83… · Web viewIto ang direksiyon ( ng Kaabah sa Lungsod ng Makkah sa Bansang Saudi Arabia) na doon humaharap

Ang Aklat ng Janazah كـتاب الجنائز(bilang pagliligtas na huwag mapakialaman ang bangkay). Hindi pinapayagang sementuhin ang libingan, o kulayan ito, o di kaya ay pagtayuan ng bubong na parang puntod o musoleo, o lagyan ito ng mga pabango at sulatan o guhitan ito bilang inskripsiyon.

Ang panalangin kapag dumalaw o dumaan sa isang libingan.

ر) يغف( القبور( أهل يا ، عليكم الم السونحن سلفنا، أنتم ولكم، لنا الله

) ب(األثر( “Assalamu alaikom, ya ahlal qoboor, yagfirollaaho lanaa walakom, antom salafonaa, wa na’hno bil athar.”47

“Sumainyo nawa ang kapayapaan, sa mga naninirahan sa libingan na ito. Sana, patawarin kayo at kami ng Allah. Nauna lang kayo at kami ay susunod.”

47 . Tirmidhi, Bulugh Al-Maram no. 481 page 205.

50