13
Ester Rada, Ph.D. 3 rd International Conference on Filipino as a Global Language August 3-5, 2012 CSB International Conference Center PAGTUTUMBAS SA FILIPINO NG MGA TEKNIKAL NA TERMINO SA MGA TEKSBUK

Presentation 2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Presentation 2

Ester Rada, Ph.D.3rd International Conference on Filipino as a

Global Language August 3-5, 2012

CSB International Conference Center

PAGTUTUMBAS SA FILIPINO NG MGA TEKNIKAL NA TERMINO SA

MGA TEKSBUK

Page 2: Presentation 2
Page 3: Presentation 2

Batayang Teoretikal“Buhay at dinamiko ang wikang Filipino” kaya

naman nagkakaiba ang wikang ginagamit kabilang na rito ang pagkakaiba sa baybay o ispeling na bahagi ng estilo sa pagpili ng salita lalo na sa pagtutumbasan sa dayuhang wika.

Mahalaga ang paglalarawan ng barayti ng Filipino na ginagamit sa iba’t ibang larangan at ang patuloy na dokumentasyon ng mga datos ng mga pahambing na pag-aaral ng mga nabubuong barayti sa mga pasulat na aklat dahil makatutulong ang mga ito upang makabuo ng pangkalahatang paglalarawan ng Filipino tungo sa istandardisasyon ng Filipino (Catacataca at Espiritu,Wikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad, 2005).

Page 4: Presentation 2

Ang pagsasalin, panghihiram at pag-iimbento ng salita ay nakapaloob sa proseso ng intelektwalisasyon (Alonzo, Varyasyon at Varayti ng Wika, Minanga 2002). Mababatid na nagkakaiba ang estilo ng pagtutumbas ng ilang limbagan dahilan na rin sa iba’t ibang sanggunian mula sa pribadong organisasyon, indibidwal at ahensya ng pamahalaan at maging sa nagkakaibang sosyolohikal na pananaw at katayuang sosyal ng mamamayan.

Page 5: Presentation 2

Maging sa intelektwalisasyon ng wika ay mahalagang pagkunan ng batis ng mga baryasyon ng mga salita ang pasulat at nakalimbag na mga kagamitang panturo at mga aklat ng pagkatuto.

“Tinatawag ito ni Sibayan (1988) na idyomang pedagojikal. Wika niya, pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon ang mga manunulat ng kurikulum at mga teksbuk at isang idyomang pedagojikal sa Filipino. Ang idyomang pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang kagamitang panturo na magagamit mula unang baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya ay isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Wika ni Sibayan, ito ang kailangan kung talagang seryoso tayong magamit ang wikang Filipino sa pagtuturo.”

Page 6: Presentation 2

Sa pagsusuri, ginamit ang paraan sa panghihiram sa pag-aaral ni Virgilio Enriquez na may kaugnayan din sa pamamaraan ng panghihiram sa kategorya nina Haugen, Weinreich, Rodman at Bynon.

1. hiram ganap (tinatawag ding saling angkat, direktang pag-aangkat, tahasang panghihiram o loan words) – ito ang pagbabaybay sa orihinal na anyo ng salita mula sa Ingles

2. hiram paimbabaw (saling paimbabaw) may pagbabago sa tunog at pagbabaybay o pagbigkas sa orihinal na anyo ng Ingles/Español at saka binaybay sa Filipino.

Page 7: Presentation 2

3. hiram sanib (loan blend) pagsasanib ng mga banyaga at katutubong morpema

4. hiram salin (saling tapat) – pagtugaygay sa orihinal o pinaghiramang wika at kultura

5. hiram likha (saling likha, loan shift - creations o coinage) paglikha at pagbuo ng bagong termino

 

Page 8: Presentation 2

Proseso/Daloy ng Pag-aaralPagpili ng mga termino na nagkakaiba ng tumbasan

mula sa serye ng mga aklat na inilathala ng mga pangunahing limbagan

Pag-iinterbyu sa mga editor at pagsasagot sa mga talatanungan ukol sa paraan ng pagtutumbas at pamantayan sa pagtutumbas ng mga teknikal na termino

Pagkaklasipika sa mga datos na nakalap ayon sa batayan at paraan ng pagtutumbas: tumbasang angkat, tumbasang leksikal, tumbasang kontekstwal, tumbasang berbal, at tumbasang di-tiyak

Page 9: Presentation 2

Batayang Konseptwal

Pagsusuri sa mga teksbuk sa Araling Panlipunan

A. KonseptoKahulugan at mensahe ng

salitang hiramBatayan ng pagtutumbasBatay sa orihinal na wika

(tumbasang angkat)Diksyunaryo (tumbasang

leksikal)Partikular na larangan

(tumbasang kontekstwal)Literal/gramatikal

(tumbasang berbal)Hindi malinaw (tumbasang di

tiyak) Dalas ng pagtutumbas

ayon sa paraan

Page 10: Presentation 2

Paglalahad ng mga Datos

Page 11: Presentation 2

2. Tumbasang Leksikal – pagtutumbasan mula sa diksyunaryo. Kabilang dito ang mga pantanging pangalan tulad ng bansa (Spain-Espanya), nasyonalidad (French-Pranses), atbp.

Chemist – kimiko (quimico-lalaki) o (quimica babae at salin ng chemistry).

Chemistry – kimika (quimica)Physicist – pisiko (fisico) o fisica (babae at

physics)Physics – pisika (fisica)Dessert – desyerto (desierto) hindi disyertoCanvass – kanbas (mula sa Ingles)Classic - klasik

Page 12: Presentation 2

3. Tumbasang Kontekstwal – pagtutumbas ng mga termino ayon sa kahulugan nito partikular sa larangan o diskurso na hindi tuwirang tinutumbasn sa diksyunaryo. Kabilang dito ang mga pantanging pangalan na tila magkahalo ang wika dahil sa pagsasama ng Ingles at Filipino. Hal. Kanal Suez, Panahong Pleistocene.

4. Tumbansang Berbal – sansalitang salin ngunit maaaring isinasaalang-alang ang istruktura ng wikang Filipino. Halimbawa:life expectancy – inaasahang haba ng buhayPolitical novel – nobelang pulitikal; Asia Minor – Asya Menor

5. Tumbasang di-tiyak – ang pagtutumbas ay hindi nagmula sa diksyunaryo o nakagawian na ngunit hindi tiyak ang pinagmulan. Gayundin ang magkahalong Ingles at Filipino na maaari namang tumbasan sa Filipino. Hal. Asyano (Asiatico sa Espanyol; Alyado – alyada sa Espanyol; lakas-geothermal

Page 13: Presentation 2

Resulta ng Pag-aaralParaan ng pagtutumbasAngkat 41.63%Leksikal 33.68%Kontekstwal 12.24%Berbal 4.01%Di Tiyak 8.30%