17
Mga Transgenic na Halaman Para sa Seguridad Sa Pagkain sa Usaping Pangkaunlaran Filipino, Philippines Sa pangangasiwa ng Ponitifical Academy of Sciences, ginanap sa Linggo ng Pag-aaral ang paksang “Transgenic Plants for Food Security in the Context of Development” sa tanggapan ng Casina Pio IV sa Vatican noong ika-15 hanggang ika-19 ng Mayo 2009. Sa talakayan ay nakita namin ang mga kaunlaran ng mga makabago at iba’t-ibang pag-aaral pang-agham tungkol sa mga halamang “genetically engineered (GE)” , gayundin sa panlipunang usapin na ang teknolohiyang GE ay maaaring magamit upang higit at lalong mapagbuti, una sa lahat ang agrikultura, gayundin ang kapakanan ng mga (walang kakayahan sa buhay) o ang maliliit at mahihirap na tao. Ang adhikain ng mga dumalo ay napag-alab ng magandang inspirasyon mula sa Papa Benedikto XVI na may katulad na pananaw ukol sa teknolohiyang ito. Ayon sa kaniyang bagong pahayag (Encyclical), tanging ang teknolohiya ang layunin sa pagkilos na ito (1). Ang ugat at dahilan nito ay natagpuan ng tao mismo sa kanyang mga gawain. Dahil dito ang teknolohiya ay hindi lamang basta teknolohiya. Nagpapakita ito ng pagsisikap ng tao para sa ikabubuti at ikauunlad ng isang bagay, hanggang matagpuan niya unti-unti ang mga bagay na sa kaniyang akala ay hanggang doon lamang. Ang nakapaloob sa teknolohiya, kung pagninilayan, ay pagtugon sa ipinag-uutos ng “Diyos na Lumikha” na bungkalin o pagyamanin at pangalagaan ang lupa (Cf. Gen. 2:15) na siyang ipinagkatiwala sa tao. Dapat na pagtibayin ang banal na kasunduang ito sa tao at sa mundong kaniyang ginagalawan upang makita ng tao ang Mapanlikhang Pag-ibig ng Diyos (2) sa tipan na ito. Pangunahing Konklusyong Sayantipiko Nais naming mapagtibay ang mga pangunahing konklusyon sa dokumentadong-pag-aaral sa paggamit ng Genetically Modified na Halamang Pagkain”, upang malabanan ang Malawakang Tag-gutom, na inihain noong ika- 10 hanggang ika-13 ng Nobyembre 2009 sa pagtatapos ng Jubilee Plenary Session on Science and the Future of Mankind. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1. Mula sa 6.8 bilyong populasyon ng tao sa mundo, mahigit sa 1bilyon ay kasalukuyang kulang sa pagkain - isang kalagayan na kailangan matugunan ng mga makabagong sistema ng agrikultura at teknolohiya.

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

  • Upload
    dodien

  • View
    320

  • Download
    54

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

Mga Transgenic na Halaman Para sa Seguridad Sa Pagkain sa Usaping Pangkaunlaran

Filipino, Philippines

Sa pangangasiwa ng Ponitifical Academy of Sciences, ginanap sa Linggo ng Pag-aaral ang paksang

“Transgenic Plants for Food Security in the Context of Development” sa tanggapan ng Casina Pio IV sa Vatican

noong ika-15 hanggang ika-19 ng Mayo 2009. Sa talakayan ay nakita namin ang mga kaunlaran ng mga makabago

at iba’t-ibang pag-aaral pang-agham tungkol sa mga halamang “genetically engineered (GE)” , gayundin sa

panlipunang usapin na ang teknolohiyang GE ay maaaring magamit upang higit at lalong mapagbuti, una sa lahat

ang agrikultura, gayundin ang kapakanan ng mga (walang kakayahan sa buhay) o ang maliliit at mahihirap na tao.

Ang adhikain ng mga dumalo ay napag-alab ng magandang inspirasyon mula sa Papa Benedikto XVI na may katulad

na pananaw ukol sa teknolohiyang ito. Ayon sa kaniyang bagong pahayag (Encyclical), tanging ang teknolohiya ang

layunin sa pagkilos na ito (1). Ang ugat at dahilan nito ay natagpuan ng tao mismo sa kanyang mga gawain. Dahil

dito ang teknolohiya ay hindi lamang basta teknolohiya. Nagpapakita ito ng pagsisikap ng tao para sa ikabubuti at

ikauunlad ng isang bagay, hanggang matagpuan niya unti-unti ang mga bagay na sa kaniyang akala ay hanggang

doon lamang. Ang nakapaloob sa teknolohiya, kung pagninilayan, ay pagtugon sa ipinag-uutos ng “Diyos na

Lumikha” na bungkalin o pagyamanin at pangalagaan ang lupa (Cf. Gen. 2:15) na siyang ipinagkatiwala sa tao.

Dapat na pagtibayin ang banal na kasunduang ito sa tao at sa mundong kaniyang ginagalawan upang makita ng tao

ang Mapanlikhang Pag-ibig ng Diyos (2) sa tipan na ito.

Pangunahing Konklusyong Sayantipiko

Nais naming mapagtibay ang mga pangunahing konklusyon sa dokumentadong-pag-aaral sa paggamit ng

“Genetically Modified na Halamang Pagkain”, upang malabanan ang Malawakang Tag-gutom, na inihain noong ika-

10 hanggang ika-13 ng Nobyembre 2009 sa pagtatapos ng Jubilee Plenary Session on Science and the Future of

Mankind. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Mula sa 6.8 bilyong populasyon ng tao sa mundo, mahigit sa 1bilyon ay kasalukuyang kulang sa pagkain - isang

kalagayan na kailangan matugunan ng mga makabagong sistema ng agrikultura at teknolohiya.

Page 2: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

2

2. Ang inaaasahang karagdagang 2-2.5 bilyon na tao sa taong 2050 na maaring umabot sa total na 9 na bilyong

tao sa mundo ay dadagdag sa suliraning nangailangan ng agarang pagkilos.

3. Isa sa nakikitang kahihinatnan ng pagbabago ng klima at kakulangan sa tubig na pang-agrikultura ay ang

epekto nito sa kakayahan nating mapakain ang patuloy na lumo-lobong populasyon sa buong mundo.

4. Ang kasalukuyang pamamaraan sa agrikultura ay hindi sustenable at karaniwang nagbubunsod ng pagkawala

ng mabuti at matabang lupa, dagdag pa dito ang walang habas na paggamit ng mga nakalalasong pestisidyo sa

buong mundo.

5. Ang wastong aplikasyon ng GE at iba pang mga makabagong molecular na pamamaraan sa pagsasaka ay

malaki ang kontribusyon sa pagharap sa mga darating na hamon.

6. Walang malinaw na katibayan o basehang magpapatibay na direktong makakaapekto sa halaman o magiging

di-ligtas na kainin ang mga panananim na ginamitan ng mga teknolohiyang GE.

7. Ang mga komunidad ng siyensya na nagsasagawa ng mga pananaliksik at pagpapaunlad (Research &

Development) ukol sa makabagong pagsulong at sa kapakinabangang pang-agrikultural ay dapat maging

responsable at patuloy na makita na ang mga pakinabang na kaugnay sa pagsulong nito ay kahalintulad ng

mga pakinabang ng mahihirap na bansa, gayon na rin ng mga maunlad na bansa na may mga mamamayang

kasalukuyang may mataas na antas ng pamumuhay.

8. Masusing pagsisikap ang dapat isagawa upang magkaroon ang mga mahihirap na magsasaka mula sa mga

umuunlad na bansa ng pagkakataon na makagamit ng mas mahusay na binhi mula sa GE na akma sa local na

kondisyon.

9. Dapat pagtuunan ng masusing atensyon ng pananaliksik ukol sa pagpapaunlad ng naturang pananim ang mga

lokal na pangangailangan, uri ng pananim at kakayahan ng bansa na iayon ang kanilang minanang

pamamaraan at nakagisnang paniniwalang tradisyon sa pagtatanim upang matagumpay na magamit ang mga

pananim na GE.

Page 3: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

3

Maraming ginamit na bansag para maipaliwanag ang prosesong nakapaloob sa pagpapalahi ng

halaman. Lahat na buhay na organismo ay binubuo ng mga cells na naglalaman ng mga genes na nagdudulot

sa kanila ng naiibang katangian. Ang kumpletong grupo ng mga genes (genotype) ay naka-encode sa DNA at

tinatawag sa katagang, genome; ito ay ang namamanang impormasyon na naisasalin sa anak mula sa mga

magulang (parent’s offspring). Lahat ng pagpapalahi ng halaman, maging lahat ng mga ebolusyon, ay

nagkakaroon ng pagbabagong henetiko na sinusundan ng tamang pagpili ng bunga o offspring na may mga

katangian na mas kapaki-pakinabang o makakapagbibigay ng karagdagang benepisyo. Halos lahat ng pag-

iibayo ng phenotype ng halaman (katulad ng physical structure, development, biochemical and nutritional

properties) ay nagiging dahilan sa pagbabago ng genotype nito. Ang tradisyunal na pagpapalahi ng halaman

ay gumagamit ng pagpili ng mga iba’t-bang genes mula sa magkakatugmang species o may malalapit na anyo

na kalimitan, ay hindi masasabi ang mga katiyakan na kahihinatnan ng mga halamang ito pati na rin ang mga

genetic na pagbabago. Ang pagpapalahi ng halaman ay sinundan ng mutagenesis breeding noong ika-20 siglo.

Ito ay ang paglalagak sa mga binhi o buong halaman sa mutagenic na kemikal o radiation na may mataas na

enerhiya na inaasahang magdulot ng mabuting pababago sa phenotype ng halaman. Sa ganitong paraan, ay

hindi rin masasabi ang katiyakan sa magiging resulta sa pagpapalahing ito. Sa ngayon, marami na ang mga

naisagawang pamamaraan na nakakapagpabuti para maaaring pagpalitin ang mga katangian ng genes sa

iba’t-ibang species, at dito tukoy na ang kalalabasang genetic at phenotypic. Ang tawag sa ganitong

pamamaraan ay ang “transgenesis” o kilala sa tawag na “genetic engineering”.

Mga Iba Pang Ebidensya Simula pa lamang sa paghahanda ng naunang dokumento sa pag-aaral, dumaan na ang mga nakalap na ebidensya

sa matindi at mahigpit na pagsusuri. Kabilang rin dito ang mga aktwal na karanasan ukol sa pagsulong,

pagpapaunlad, paggamit, at epekto ng teknolohiyang GE.

Ang sumusunod ay mga konklusyong aming napagtuunan o naabot mula sa pagsusuri ng mga ebidensya na

isinagawa namin sa loob ng isang linggong- pag-aaral:

1. Ang wastong paggamit ng teknolohiyang GE ay malaki ang naibahagi sa lahat ng pagkakataon. Kabilang na dito

ang pagpapabuti sa pagtatanim, pagpapalago ng mga ani, pagkakaroon ng mas dekalidad na nutrisyon,

pagpapalakas ng resistensya laban sa mga peste, sa tagtuyot at mga iba pang suliraning pangkalikasan. Ang

mga ito’y kailangan sa buong mundo upang makasapat sa mga pangangailangan ng produktong agrikultural.

2. Ang mga pagbabagong henetiko sa mga halamang pananim at ornamental ay nagpapakita ng mahaba at

tuloy-tuloy na pagtuklas ng mga pamamaraan na masasabing eksakto at tukoy. Ayon sa ulat ng US National

Research Council noong 1989, “Dahil mas malinaw at angkop ang pamamaraang molecular, ang mga

nagsasagawa sa ganitong pamamaraan ay mas nakakatiyak sa mga katangian na ninanais na maisalin sa

halaman, at mas maliit ang tsansa na magkaroon ng pagkakamali, hindi gaya ng ibang pamamaraan sa

pagpapalahi ng halaman”.

3. Ang mga benepisyo ay nagkaroon na ng malaking kabuluhan sa mga bansa tulad ng US, Argentina, India, Tsina

at Brazil, kung saan ang mga GE na pananim ay malawakang ginagamit.

Page 4: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

4

4. Mahalaga din ito para sa mga mahihirap na magsasaka at mga taong walang kakayahan o walang kalaban-

laban gaya ng mga kababaihan at mga kabataan. Ang mga pagpapalahi ng GE na bulak at mais na matibay ang

resistensya sa pesteng insekto, ay nakababawas sa paggamit ng lasong kemikal, kaya’t ligtas sa epekto ng mga

lason ang mga magsasaka na siyang gumagamit nito. Lumalago rin ang produksyon ng mga pananim, kaya’t

nadaragdagan ang kita ng mga magsasaka, at naiibsan ang kahirapan sa mga umuunlad na bansa tulad ng

India, Tsina, Timog Afrika at Pilipinas.

5. Ang pagkakaroon ng resistansiya ng mais, soya, canola at iba pang pananim sa ordinaryong herbisidyo ay isa

ring popular na GE na malawakang itinatanim. Ang pagtatanim ng mga ito at nagresulta sa paglago ng

pananim sa bawat ektaryang lupang sakahan, pagpapalit sa manu-manong pag-gagamas ng damo (weeding),

pagbawas sa malawakang pagbubungkal o pagsuyod sa lupa, kung kaya’t naiwasan ang pagguho ng lupa o soil

erosion. Malaking tulong ito sa mga umuunlad o mahihirap na bansa laluna’t kung ang magsasaka ay hindi na

makagawa ng ganitong gawain dala ng katandaan at kahinaan ng katawan.

6. Ang teknolohiyang GE ay sapat upang malabanan ang kakulangan sa nutrisyon sa pamamagitan ng pagbabago

ng mga pangunahing micro-nutrients. Isang halimbawa nito ang ginagawang pag-aaral sa pro-Vitamin A-

biofortified “Golden Rice” na nagsasabing ang palagiang pagkain nito sa araw-araw ay sapat para matugunan

ang kakulangan sa Vitamin A.

7. Dahil sa paggamit ng teknolohiyang GE sa pagpuksa sa insekto, nabawasan ang paggamit ng mga kemikal na

pamatay-insekto, na naging dahilan ng pagbaba ng gastusin sa pagtatanim, at pangangalaga sa kalusugan ng

mga magsasaka. Ang ganitong ugnayan ay mahalaga sa mga bansa sa Europa, kung saan mas malakas ang

paggamit ng pamatay-insekto kumpara sa ibang bansa. Nakakasira ito sa ating ecosystem pati na rin sa ating

kalusugan.

8. Nakakatulong ang teknolohiyang GE na mabawasan ang lubhang mapanganib at mekanikal na uri na

pagbubungkal ng lupa, at ibinabalik na muli ang biodiversity at pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng

pagbabawas ng emisyon ng CO2, isang mahalagang greenhouse gas, sa kapaligiran.

9. Ang mga nakikitang posibilidad na maidudulot ng pagbabagpo ng klima (climate change) sa daigdig, ang naging

dahilan upang agarang maipatupad ang teknolohiyang GE. Kasama na dito ang mga tamang pamamaraan ng

pagpapalahi na kung saan ang mga katangian tulad ng resistensya sa tagtuyot at pagbaha ay maaring isama sa

mga pangunahing pananim sa lahat ng rehiyon sa lalong madaling panahon.

Page 5: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

5

10. Nakatulong ang teknolohiyang GE sa mga mahihirap na magsasaka na mapalaki ang kita nila mula sa kanilang

ani. Mayroon ding katibayan na nagpapakita na patuloy na tumataas ang kanilang kita at nagkakaroon ng

hanapbuhay.

11. Ang mga mataas na gastusin sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa teknolohiyang GE ay dapat may maingat

na siyentipikong basehan. Ibig sabihin, ang regulasyon ay dapat na nakatuon lamang sa uri na naipaloob sa

bagong binhi ng halaman at hindi sa pamamaraan ng pagpapalahi nito.

12. Dapat isaalang-alang ang magiging sanhi ng panganib hindi lamang sa paggamit ng bagong binhi ng halaman,

kundi pati na rin sa mga alternatibong pamamaraan kahit hindi magamit ang mga ito.

13. Kumikilos na ang ilang pampublikong sektor para maparami ang mga uri ng halaman na pinabuti sa henetikong

paraan (genetically improved varieties) tulad ng kamoteng kahoy, kamote, bigas, mais, saging, sorghum at iba

pang kalimitang itinatanim sa mga tropikong lugar na pinakikinabangan ng mga mahihirap. Higit na hinihikayat

ang mga ganitong pagkilos.

14. Ang napakalaking hamon o pagsubok na kinakaharap ng maraming mga dukha ay dapat matugunan sa lalong

madaling panahon. Kada taon, ang kakulangan sa pagkain ang nagiging sanhi ng sana’y maiiwasang

pagkakasakit at pagkakamatay ng ilan. Ang nakaraang pagtaas ng mga bilihin sa buong mundo ang nagpalala

sa kalagayan ng mga dukha at nagdulot ng kawalan ng kakayahang makabili o magkaroon ng mga pangunahing

pangangailangan nila sa buhay.

15. Dapat maipahatid sa malawak na populasyon ang mga pakinabang mula sa teknolohiyang GE lalo na sa mga

mahihina at nangangailangan nito, nang sa gayon ay magkaroon sila ng kakayahang maiangat ang estado ng

kanilang pamumuhay, kalusugan at matutunang pangalagaan ang kanilang kapaligiran.

Sa kabuuan, ang pagpapaunlad ng produktong pangsakahan saan mang panig ng mundo ay nagpakita ng

kahalagahan ng paggamit ng teknolohiyang GE. Ngunit isang bahagi lamang ito ng mga makabuluhang estratihiya.

Sa obserbasyon ng Banal na Papa Benedicto XVI: ‘mabuting isaalang-alang ang mga oportunidad na makukuha sa

paggamit ng tradisyunal gayon din ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka. Kailangan lamang na ito ay

dumaan sa sapat na pagsusuri upang maging karapat-dapat, ligtas sa kapaligiran, at natutugunan ang

pangangailangan ng mga dukha.’ (3) Gayunpaman, isinasaalang-alang namin na di lahat ng kaunlaran sa

teknolohiyang GE, tulad ng iba pang uri ng teknolohiya, ay makakamit tulad ng inaasahan. Dapat ipagpatuloy

nating timbangin ang mga maaaring maiambag ng paggamit ng wastong teknolohiya, kung saan kasabay ng

nakagisnang paraan sa pagpapalahi ng halaman at mga karagdagang estratehiya, ay magamit upang mapalaganap

ang katiyakan sa pagkain at maibsan ang kahirapan para sa susunod na henerasyon. (4) Marami dito ay maaring

gamitin kaalinsabay ang mga teknolohiyang GE. Kasama dito ang istratehiya para mapanatili ang lupang pang-

ibabaw sa pamamagitan ng hindi pag-aararo at iba pang gawaing pangangalaga sa lupa, tamang pag-aabono,

Page 6: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

6

paglikha ng makabagong uri ng mga abono at makakalikasang kemikal na pang-agrikultura, pangangalaga ng tubig,

pinagsamasamang-pangangasiwa ng mga peste, pangangalaga sa genetic diversity, ang pagtangkilik ng mga angkop

na mga bagong uri ng pananim at pagpapabuti ng mga panananim (lalo na ang mga orphan crop (5)) upang

magamit rin ng pampubliko at pampribadong mamumuhunan. Kasama rin dito ang mga pagsasaayos ng mga

imprastraktura (transportasyon, elektrisidad at mga imbakan) - isa ring napakahalagang bagay sa mga salat na

bansa para sa kalakalang mapasapat ang seguridad sa pagkain. Kakayahang makapaghatid ng kaalaman at

maiparating sa mga magsasaka ang mga rekomendasyon at suhestiyon ayon sa mabuting pagpili ng mga itatanim

na butil sa pamamagitan ng serbisyong panglokal, ang pagkakroon ng patas na sistema para sa puhunan at

insurance pati na rin ang pagpapalisensya sa paghawak ng teknolohiya. Ganoon pa man, alam naman ng lahat na

walang nag-iisang solusyon na makatutulong sa problema ng kahirapan, ganoon din sa diskriminasyong

nararanasan ng mga mahihirap saan mang panig ng mundo, huwag dapat hadlangan ang paggamit ng mga

pananim na GE na siyang nakikitang makakalutas sa mga suliraning nabanggit.

Malawakang Argumentong Pampubliko

Nakapukaw sa interes ng publiko at nagbunsod ng malawakang debate sa buong mundo ng ihimok ng

siyensya ang teknolohiyang GE para sa mga kakaharaping problema sa kalusugan at pagkain para sa ika-21 na siglo.

Bukas sa lahat ng uri ng usapin (kapangyarihan, potensyal na papel, saklaw ng paggamit) ang lahat na posibilidad

para sa teknolohiya. Ngunit ang mga usapin ay dapat na may marating. Napagkasunduan ng lahat na kung ang

siyensya at teknolohiya ay maliwanag na napag-aaralan o nahimay na mabuti, may mga dapat sunding alituntunin

upang tiyak na mapakinabangan ito ng tao. Labas sa mga adhikain ang pagpapa-walang bahala. Ang siyensya at

teknolohiya ay hindi isang bagay na pwedeng ilabas lamang kung kailangan at nasa taguan naman kapag hindi pa

kailangan. Tungkulin ng siyensya na tutukan ang mga ambang panganib upang maiwasan ito at pagsumikapan ang

mas makabubuti. Tinutukoy dito ang anim na konseptong pang-talakayan na dapat tuunan ng pansin:

pampublikong pang-unawa sa siyensya; ang papel na gagampanan ng pag-aaring intelektwal, ang ginagampanang

papel ng iba-ibang katayuan sa publiko, ang ginagampanang papel ng lipunang sibil, pagtutulungan ng

pamahalaan, banyagang samahan at lipunang sibil; pagbuo ng mga makatarungan, wasto at epektibong mga batas

at alituntunin.

Pampublikong Pagkaunawa ng Siyensya

Paulit-ulit na binigyang pansin ng mga dumalo sa talakayan ang mga bagay na sanhi ng di-

pagkakaintindihan ukol sa teknolohiyang GE, na nagbubunsod ng pampublikong talakayan at pang

administratibong regulasyon. Halimbawa, malimit pinagwawalang-bahala sa mga pampublikong debate ang ideya

na lahat ng uri ng pagpapalahi ng halaman ay kinapapalooban ng pagbabagong henetiko (genetic modification), at

Page 7: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

7

ang mga halimbawang tinatawag na “kumbensyunal na pagpapalahi” (conventional breeding) – tulad ng

“mutagenesis induced by radiation” – ay nagdudulot ng mas hindi tiyak na kinahihinatnan kaysa sa paggamit ng

teknolohiyang GE.

Lahat ng mga dumalo ay nangakong makiisa sa diskusyon upang malinawagan. Tungkulin ng mga

siyentipiko ang magpahayag at ipaliwanag ang kanilang kaalaman sa siyensya na dapat ay kapanipaniwala, o

katanggap-tanggap at palaging may nakahandang konklusyon. Hinihimok din namin ang mga may agam-agam sa

paggamit ng mga pananim na GE, gayundin sa pagpapairal ng modernong henetiko na mapag-aralang mabuti at

makatulong sa paghimay ng nasabing agham. Tingnan din ang mga nakitang kasamaang dulot nito kung di

mailalahad ang teknolohiyang napatunayan na ang halaga sa mga nangangailangan nito. Mapagsisilbihan ang

nakararami kung ang mga pampublikong debate ay nakatuon sa napakataas na antas ng ebidensyang

pangsiyentipiko at pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga sibilyan o mamamayan.

Ang Papel ng Pag-aaring Intelektwal

Mahalaga ang papel ng propriety rights sa pagpapabuti ng mga teknolohiya, kabilang dito ang pang

medikal at teknolohiyang pangsakahan na ginampanan nila sa lahat ng aspeto ng modernong lipunan. Alam din

natin na malaking ang naging kontribusyon ng mga pinakamabuting gawain ng sektor na komersyal upang

masugpo ang kahirapan at kasiguraduhan sa pagkain. Subalit, kaakibat sa turo ng Simbahan ukol sa pangunahing

karapatang patutunguhan ng lahat ng biyaya sa mundo para sa sangkatauhan, (6) tinatawagan ang pampubliko at

pribadong sektor na kilalanin na ang lehitimong pagmamay-ari sa karapatang ito na hangga’t maaari ay iwasang

mapagsasamantalahan ang kalagayan ng mga mahihina at mahihirap upang gamitin lamang ang teknolohiya para

sa pagpapayaman, kundi ang layunin talaga ay para makarating ang mga biyaya sa kinauukulan.

Ang mga samahang pribado at pampubliko ay lalong naging mahalaga sa paghikayat na paunlarin

at ipamahagi ang mga pananim na karaniwang kinakain ng mga mahihirap sa umuunlad na bansa. Ang makataong

proyekto para sa ikapakikinabang ng lahat tulad ng “Golden Rice” ang isang napakagandang halimbawa nito. Ang

mga patente ng mga pribadong kumpanya ay kaagad ipinagkaloob ng walang gastos sa mga pampublikong

samahan na siyang nagpaunlad ng mga uri ng binhi na maaari nang ipamahagi sa mga pataniman upang

mapakinabangan ng lipunan kanilang kinabibilangan. Ang halimbawang proyektong ito’y marami pang katulad.

Pinag-iibayo pang mabuti ang progreso nito at inilalapat na mabuti sa paniniwalang ang lahat ng tao ay may

karapatang mamuhay sa daigdig na may mataas na antas ng pamumuhay.

Kapag ang pribadong sektor ay pumayag sa wastong pagpapairal ng teknolohiya para sa ikapakikinabang

ng mas mahihirap, kami’y nararapat na bumati sa kanila. Hinihimok namin na ipagpatuloy nila ang pinakamataas

na pamantayang pang-etiko (ethical standards) na napagkasunduan dito.

Dahil dito, kung pag-uusapan ang kaugnayan ng pagnenegosyo at etiko, (moral) bawat pribadong

kumpanya maging sa buong bansa ay hindi lamang dapat sa tutubuin nakatutok lalo na’t kung pang-agrikultura ang

nasasakupan. Higit sa lahat, makapagdulot nawa ito ng kahalagahang pantao, kultura, at edukasyon. Dahil dito

hinihikayat ng Caritas in veritate ang mga pag-unlad na tumutukoy sa ekonomiyang pang-sibil (civil economy) at

Page 8: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

8

ekonomiya ng komunyon (economy of communion), dalawang magkaibang katotohanan na hindi isinasantabi ang

paghahangad ng tutubuin sa negosyo kundi isinasaalang-alang nito ang mga bagay na makakatulong sa pagkamit

ng layuning pangtao at pangkomunidad. Lalo nitong pinatutunayan na ang pagdami ng iba’t-ibang uri ng

institutusyong pang-negosyo ay nagbibigay-daan sa merkadong hindi lamang sibilisado kundi may malakas na

kakayahan din. (7) Katanggap-tanggap ang mga repleksyon na ito kung isaalang-alang ang dami at kalidad ng

pagkaing nakalaan para sa isang populasyon.

Ang Bahaging Ginagampanan ng Pampublikong Sektor

Ang pag-unlad ng mga makabagong uri ng mga halaman, na naging dahilan rin para maging posible ang

Green Revolution sa ika-20 siglo, ay gawaing nakamit ng mga pampublikong sektor sa kanilang pananaliksik sa mga

laboratoryo sa maraming bansa. Kahit wala ng monopolyo ang mga pampublikong sektor sa ganoong klase ng mga

kaunlaran, napakahalaga pa rin ng kanilang papel na ginagampanan. Maaari nilang gamitin ang pondo na nagmula

sa buwis at sa mga iba pang ahensya na nagbigay ng donasyon upang maitaguyod ang mga pananaliksik na

mahalaga para sa mga pangangailangan ng mga walang kaya at mahihinang grupo. Mahalaga ang papel ng

pampublikong sektor upang malawakan maipahayag ang resulta ng pananaliksik, at upang makaisip ng

makabagong paraan na mahirap para sa mga pribadong sektor; na kung saan ang pag-unlad ng mga makabagong

uri ng halaman para sa komersyalisasyon ang sentro ng layunin. Kung ang kooperasyon sa pagitan ng pampubliko

at pribadong sektor, ay nakatulong upang matagumpay na magamit ang mga pag-unlad sa siyensya at teknolohiya

para sa kabutihan ng tao, lalo na sa bahagi ng kalusugan, hindi dapat maisantabi ang epekto nito sa agrikultura. Sa

kasamaang palad, dapat nating isipin, na sa kaso ng pag-unlad ng mga halaman sa pamamagitan ng modernong

pamamaraan na bioteknolohikal, may mga regulasyong sobra at di-base sa siyentipikong paraan na nagpapataas sa

presyo ng R&D (pananaliksik at pag-unlad), na wala namang karampatang pagtaas sa kaligtasan nito, at lalo pang

pinapahirap ang paggamit nito ng mga pampublikong sektor, na karaniwan ay imposible na rin sa kadahilanang

pampinansyal.

Ang Bahaging Ginagampan ng Lipunang Sibil

Ang mga pamahalaan, edukadong lipunan, NGOs, kawang-gawa (charities), organisasyon sa lipunang sibil,

at ang mga simbahan ay maaaring maging boses sa mga magagandang naitutulong ng siyensya para sa kapakanan

ng kabuhayan sa mga taong kapos-palad. Sila dapat ang nagsisilbing katuwang ng mga taong kapos-palad sa mga

nananamantala sa kanilang paghihirap. Sila rin ay dapat maging responsable upang ang mga komunidad na ito ay

Page 9: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

9

makatamasa ng mga benepisyo na dulot ng modernong siyensya upang maiwasan o mapigilan ang kanilang

patuloy na nararanasang kahirapan, ang mga malalalang sakit at kawalan ng kapanatagan ng pagkain.

Kooperasyon sa pagitan ng Pamahalaan at mga Banyagang Samahan at

ang Lipunang Sibil

Ayon sa nakita o naranasan, malaki na ang naiambag ng teknolohiyang GE sa pag-unlad ng mga pananim

at seguridad sa pagkain. Ang tamang aplikasyon ng teknolohiya kaalinsabay ng iba pang molekular na pamamaraan

sa pagpapalahi ng halaman, ay nagpapalawak ng potensyal upang makapagbahagi pa ng kontribusyon para sa pag-

unlad ng mga pangunahing halamang produkto, at yung tinatawag na “orphan crops” sa mga umuunlad na bansa.

Ang paggamit ng napatunayan nang siyentipikong pag-unlad ay maituturing na PangGlobal na Kabutihan pasa sa

Lahat (Global Public Good). Dahil sa mataas na gastos ng R&D sa ganitong makabagong teknolohiya sa pag-

unlad ng mga panananim, pati na rin ang mamahaling gastusin sa mga regulasyon ng pagdala ng mga makabagong

katangian ng pananim sa merkado, ang teknolohiyang ito ay ginagamit lamang ng mga kumpanyang multinasyunal

sa maraming bilang ng mga pangkaraniwang pananim sa bansang maunlad. Naging limitado ang paggamit ng

teknolohiyang GE sa pampublikong institusyon sa pagpapalahi ng halaman dahil sa dalawang kadahilan:

1. Ang kamahalan sa mga gastusin at ang kakulangan sa pondo ng pamahalaan. Naging balakid ito upang hindi

maisagawa ang mga ganitong pamamaraan para sa pag-unlad at pagtanggap ng mga lokal na pananim kasama

na ang mga “orphan crops” katulad ng sorghum, kamoteng kahoy, plantains at iba pa, na hindi ginagamit sa

pandayuhang kalakalan at hindi rin makatarungan para sa pangkomersyal na pamumuhunan (commercial

investment) ng mga kumpanyang multinasyunal.

2. Ang sobra at hindi naaakmang regulasyon sa teknolohiyang ito kumpara sa iba pang teknolohiya sa larangan

ng agrikultura ay nagdudulot lamang ng karagdagang gastusin sa mga menor na pananim at sa mga iba pa na

hindi mabalik nang sapat ang nagamit na puhunan at ang kanilang pakikipagsapalaran. Ito ay hindi para sa

pribadong sektor lamang, lahat ng nagamit na puhunan, pribado man o publiko, ay dapat makita ang

maliwanag na pagtubo ng ginamit na puhunan. Samakatuwid, ang pampublikong sektor pati na rin ang mga

pribado ay maaaring iwasan ang paggamit ng produkto sa mga limitadong pangangailangan lamang kumpara

sa mga pangunahing pangangailangan na siyang inaasahan sa pamumuhunan.

Kung kaya’t kailangan ang pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan, banyagang samahan at ang mga

ahensyang nagbibigay tulong at ang mga kawang-gawa sa lugar na ito. Ang inaasahang benepisyo ng nasabing

pagbubuklod-buklod na naisagawa na ng mga multinasyunal na korporasyon, ay nagpakita ng pakikiisa sa pribado-

publikong samahan at naghatid ng libreng donasyon ng mga patentableng teknolohiya para sa paggamit ng pinag-

ibayong pananim. Sa kaso ng “Golden Rice”, ito ay nagdulot sa pagpapakilala ng teknolohiya sa maraming bilang na

bansa sa Asya. Ang iba pang halimbawa ay ang mais sa Afrika na may resistensya sa tagtuyot; mga gulay na

matatatag sa mga insekto sa Indya at Afrika, at ang maraming bilang na mga proyekto sa Afrika, Asya at Latin

Amerika.

Page 10: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

10

Pagtatakda ng mga Iaakmang Regulasyon

Ang pagpapatunay ng mga benepisyo sa anumang bagong teknolohiya ay kailangan ng tamang

pamamalakad o regulasyon. Ang napaka-higpit na pamamalakad na umiiral sa mayayamang bansa ay

nakatingin lamang sa inaakalang masamang dulot ng pananim na GE na nakapagpapahina sa nga maliliit

na prodyusers at retailers. Lalo lamang nasasadlak ang mga mahihirap sa di-katanggap-tanggap na

kalagyan. Kabaligtaran sa layunin ang hapding idudulot kung hindi magagamit at makakamit ang

inaasam na produksyon ng teknolohiya at kung iisiping hindi na maibabalik ang mga ginastos sa

pamumuhunan ng mga produkto (R & D) at mga benepisyo.

Ang mga evaluation ng mga bago at pinag-ibayong uri ng halaman ay dapat sa katangian nito

iba-base at hindi sa teknolohiya na kung paano ito pararamihin. Dapat itong husgahan sa malinaw at

aktwal na katangian. Sa ganito hindi mahihirapang makakamit ang mga pakinabang mula sa teknolohiya.

Ipinapabatid na ang bagau na ito ay hindi gumagamit sa mga mahihirap para pag-eksperimuntuhan,

tinitiyak lamang nito na sila ay magkamit ng karapatan sa teknolohiya na pinatutunayang ligtas,

katanggap-tanggap ng lahat at kapaki-pakinabang maging sa maunlad at di-maunlad na bansa. Mas

pipiliin pa naming makita ang mga katanggap-tanggap na bagay (sa teknolohiya) habang kami’y

nabubuhay. Kesa lagging kumontra nang kumontra sa mga ambang panganib sa S & T, sa pagkain at sa

pagasasaka.

Ang mga inaakalang makasasama na ibinabato tungkol sa genetic engineering crop plants ay

walang ipinagkaiba sa ibang may kahalintulad na pinaggamitan ng genetic technology ng ibang mga

organismo (halimbawa: mga enzymes sa paggawa ng keso at beer). Ang mga ambang panganib na hindi

naman pangmatagaln ang epekto kagaya ng allergy, ay pwede ring isama sa pag-aaral at alisin sa mga

bagong varities, mas higit ang magagawang pag-iingat sa ganitong pamamaraan kumpara sa mga

nararanasan sa pananim na ginamitan ng sinaunang pagbi-breeding. Sa mahabang pag-aaral tungkol sa

ebolusyon. Ang kasalukuyang pagkaunawa sa molecular evolution habang ito’y lumilitaw sa mababang

antas ng kusang pagbabago ng genetic sa kalikasan ay malinaw na nagpapakita na ang genetic

modification na gumagamit ng genome ay makasususnod lamang sa napag-aralang likas na stratehiya ng

biological evolution. Ang ikalulutas na mga modifications ay possible lamang sa maliliit na hakbangin.

Mas mauunawaan lamang ito kung ikikintal sa isip na ang plant genomes ay katulad ng mga malalaking

encyclopedia sa napakaraming libro habang ang gentic modififcations na gumagamit ng pamamaraang

genetiko ay nakakaapekto lamang sa isa o kakaunting genes mula sa bilang na C. 26,000 genes sa

average na plant genome. Kaya ang mga maaaring maging ambang panagnib ng ebolusyon sa

pagsasagawa ng genetic engineering ay hindi hihigit sa ambang panganib ng natural na proseso ng

biological evolution o ang paggamit ng chemical mutagenesis na parehong responsible sa paglala ng

Page 11: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

11

hindi magandang katangian ng pagbabagong genetiko. Bibihira naman ang di kanais-nais na epekto ng

genetic change ayon sa statistical record at sa kaso ng napiling conventional breeding.

At sa pag-usad ng pagkaunawa sa science mula sa pagtanggap ng Cartagena Protocol on

Biosafety in 2000. Ngayon na ang panahon upang ire-asses ang protocol para bigyang pansin ang

pagreregulasyon sa pangangailangan at benepisyo sa iminulat na siyensya

Pananampalataya, Siyentipikong Dahilan at Ethics

Ang pananaw ng isang mananampalatayang Kristiyano ay nakatuon sa kanyang pinagmulan (Divine Origin)

at higit sa (naniniwala) lahat ng tao ay binigyan ng Diyos n (buhay) kaluluwa, itinataguyod ng Diyos ang mga tao sa

mundo, kaya ibinibigay dito ang pamamahala sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng mundi sa kanyang kakayahan na

ginagabayan naman ng Espiritu ng Diyos. Sa ganitong kalagayan siya ang naging tagapag-alaga ng Diyos sa mundo

upang ito’y papagyamanin, napakaloob dito na ito’y pag-ibayuhin, lapatan ng mga pamamaraan para sa mas

ikabubuti ng kalagayan nito sa kalikasan upang mapagkunan ng makakain at mga kailanganin ng tao sa daigdig. (8)

Sa katotohanan may hangganan ang karunungan at kakayahan ng tao sa walang hanggang karunungan ng Diyos.

Nakikiisa ang tao sa kapangyarihan ng Diyos na ayusin ang daigdig at kaya ng tao ito upang makapamuhay ayon sa

material at espiritwal na kalagayan, mga kailanganin sa buhay bilang tao. Hindi nararapat na isiping sinasaklawan

ng tao ang ginawang paglikha ng Diyos sa sanlibutan. Ganoon nga sa pahayag ni Paul VI sa Pontifical Academy os

Science noong 1975. (9) Ang mga scientist ay dapat na handing humarap at hindi isasantabi ang mga katanungan at

ang maaaring kalalagyan ng tao sa hinaharap at bilang responsible ay tumulong sa paghahanda, pagpapanatili (ng

kalikasan) para sa kapakanan at sa magiging maayos na kalalagyan ng tao at ilayo ang mga nakaambang panganib.

Dapat tayong bumuo ngayo at sa susunod na mga henerasyon bilang pagpapakita at pagpapahayag ng pag-ibig at

pagdadamayang tunay bilang mga Kristiyano. Sa isang banda, sana’y huwag magsawang kumilos ng may

pagtitiwala ang mga siyentipiko na ang kalikasan ay mayroon pang posibleng mga lihim na ginawa ng Diyos na

naghihintay ng tamang pagkakataon at panahon na Makita ng karunungang taglay ng tao para magamit at maabot

ang anumang uri ng pag-papaibayo na kasama sa plano ng Diyos. (10)

Mga Rekomendasyon

1. Bigyan ng sapat na impormasyon ang mga regulator, magsasaka at mga prodyuser sa buong mundo, upang sila

ay makapagsagawa ng wastong desisyon at pagkaunawa sa pangangasiwa ng kanilang mga pananim na

maaaring magdulot ng kaginhawaan o kabutihan at katibayan.

Page 12: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

12

2. Ilagay sa pamantayan at isakatwiran- ang mga itinakdang alintuntunin sa pagsusuri at para sa pagtanggap ng

mga makabagong panananim (nalikha man sa pamamagitan ng kumbensyonal, marker-assisted breeding o

teknolohiyan GE) sa buong mundo para ang mga ito ay nakabase sa siyentipiko, nakaambang na panganib,

nakatitiyak at may malinaw na kahihinatnan. Kritikal ang kabuuan ng anumang paksa na rerepasuhin na case-

by-case ay kasinghalaga rin ng aktwal na pagrerepaso nito, dapat rin na may basehang pang siyentipiko at

hindi babalewalain ang nakambang panganib na maaring idulot.

3. Muling suriin ang paggamit ng precautionary principle sa agrikultura, at buuing muli sa siyentipiko at praktikal

na pananaw at gawin ang mga pangangailangan sa regulasyon at mga pamamaraan na makatutugma sa mga

nakaambang panganib, at isaalang-alang din ang mga nakaambang na panganib sa hindi paggamit nito. Laging

isaisip na ang kalawakan ng pananaw ay ang kahinugan ng kaalaman ng isang tao na dapat gamiting gabay sa

pagdedesisyon. (11) iGanoon pa man, ang karunungan ng kaalamang magandang pananaw ay dapat na may

pag-iingat rin upang mapanatili o idiin ang kabutihan at iwaksi ang masama. Hindi pang babala lamang ito

kundi tiyaking pananaw. At ang pangunahing nilalayon nito ay pagtuunan ang mga mala-siyentipikong

posibleng kahihinatnan ng isang (mga) bagay sa pagsasagawa, kaysa itigil ang sinimulan para lamang makaiwas

sa maaaring panganib na maidudulot. (12) Kaya’t inihahayag ni Pope Benedict XVI sa Pontifical Academy of

Sciences sa okasyon ng 2006 Plenary Session on “Predictability Science”. Nasa prestihiyosong kalagayan sa

lipunan ang siyensya dahil sa kakayahang makita ang mga maaaring kahihinatnan ng mga bagay, (ayon sa

kanilang obserbasyon at karanasang siyentipiko) pati na ang penomena, ang pag-aaral sa pag-unald at

pangangalaga sa tahanan ng tao ay kontrolado. “Sa katunayan, maari nating sabihin”, ayon kay Papa

Benedikto “ang gawaing iyan na makapagsabi ng kahihinatnan, pagsasaayos at pamamahala sa kalikasan na

ginagawa ngayon ng siyensya ay mas praktikal kaysa noong nakaraan, bahagi ito ng plano sa paglikhang

ginawa ng Diyos”. (13)

4. Suriin ang Cartagena Protocol, ang nangangasiwa sa pandayuhang kalakalan ng mga pananim na GE, na nabuo

sa panahon kung saan hindi pa ganoon kalalim ang kaalaman sa teknolohiyang GE, upang makasiguro na ito ay

naayon sa mga makabagong impormasyon o pagkaunawa sa siyensyang ito.

5. Palayain ang mga GE techniques, mga makabago, tiyak at makakapagsabi ng kahihinatnang pamamaraan nang

pagpapabuting henetiko, mula sa sobra at hindi makasiyentipong regulasyon, pahintulutang magamit ito

upang mapataas ang kalidad ng nutrisyon at mas maparami ang kita sa mga pananim (at pati na rin ang mga

pambakuna at iba pang panggamot) sa iba’t-ibang lugar.

6. Itaguyod ang mga may potensyal na teknolohiya para magabayan ang mga maliliit na magsasaka sa

pamamagitan ng paglalaan ng sapat na pondo sa pananaliksik, pag-unlad ng kapasidad at pagsasanay na may

kaakibat na akmang pampublikong patakaran.

Page 13: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

13

7. Hikayatin ang malawakang pagtanggap ng sustenable at produktibong pamamaraan na pang-agrikultural at

serbisyong ekstensiyon, na makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga mahihirap at nangangailangang

tao sa buong mundo.

8. Upang makasiguro na ang wastong GE at molecular marker-assisted breeding ang ginamit para mapaunlad ang

mga mahahalagang panananim na tumubo sa may kakulangan sa pagkain at mahihirap na bansa, kung saan

pagtanggap ng mga teknolohiyang ito ay maaaring maging malaking epekto sa pagpapaunlad ng

kasiguraduhan sa pagkain. Hinihimok namin ang pamahalaan, internasyonal na ahensyang

mapagkawanggawa na bigyan ng sapat na puhunan sa mga dukhang lugar na ito upang mabigyan ng

kaginhawaan. Ang mga banyagang samahan katulad ng FAO, CGIAR, UNDP o UNESCO ay may malaking

responsibilidad para sa seguridad sa mga pagkain para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.

Dapat silang kumilos upang pangasiwaan ang pagtatag ng kooperasyong pampubliko-pampribado para

makasigurado sa libreng paggamit sa teknolohiyang ito sa ikabubuti ng buong mundo kung saan mararanasan

nila ang mabuting resulta ng teknolohiya. (14)

Mga Ilang Impormasyon sa Likod ng Pag-aaral

Ang Linggong pag-aaral ng PAS ay naganap noong ika-15 hanggang ika-19 ng Mayo taong 2009, sa

pamamagitan ng Pontifical Academy of Sciences, na pinangasiwaan ni Prof. Ingo Potrykus, isa sa mga miyembro ng

PAS, kasama ang mga iba pang miyembro na sila, Prof. Werner Aber at Prof. Peter Raven. Napag-alaman ng mga

tagapangasiwa na simula pa noong taong 2000, nang mailathala ang naunang pag-aaral na isinagawa rin ng

Academy na ito, na pinamagatang “Genetically Modified Food Plants to Combat Hunger in the World”, marami

nakalap na mga ebidensya at karanasan tungkol sa mga pananim na GE.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin o suriin ang mga posibleng benepisyo at panganib na maaaring

kaharapin sa GE at sa iba pang mga gawaing agrikultura mula sa kasalukuyang kaalaman na siyentipiko at ang mga

potensyal na makukuhang aplikasyon para sa ikauunlad ng pagkaing pangseguridad at sa ikabubuti ng

sangkatauhan sa buong mundo. Ang mga kalahok ay may makalayan sa turo ng Simbahan tungkol sa bioteknohiya

at tinanggap ang kahalagahang moral na tuunan ang responsableng paggamit ng GE ayon sa patakarang social

justice.

Ang mga kalahok ay inimbitahan at pinili lamang ayon sa kanilang mga natatanging kagalingan o

kahusayan sa kani-kanilang larangan ng siyensya at sa social justice. Ang mga nangangasiwa ay dapat gumawa ng

mga seleksyon ng mga kalahok at ang kanilang pagpili sa makatutulong na maisulong ang pangunahing layunin ng

pagpupulong, kung saan ay dapat pag-aralan ang mga naranasan ngayon. Kahit na may mga hindi pagkakatulad sa

mga kani-kanilang mga opinyon, ang lahat ay sumang-ayon sa mga malawakang prinsipyo sa pahayag na ito.

Page 14: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

14

Ang mga kalahok sa Linggo ng Pag-aaral at ang kanilang mga

kakayahang siyentipiko ay ang mga sumusunod base sa alpabetikong

kaayusan:

Mga Miyembro ng Pontifical Academy of Sciences:

Prof. em. Werner Arber • Switzerland, University of Basel: Microbiology, Evolution.

Prof. Nicola Cabibbo † • Italy, Rome, President Pontifical Academy of Sciences: Physics.

H.Em. Georges Cardinal Cottier, Vatican City: Theology.

Prof. em. Ingo Potrykus • Switzerland, Zurich, Swiss Federal Institute of Technology: Plant Biology, Agricultural

Biotechnology.

Prof. em. Peter H. Raven • USA, St. Louis, President Missouri Botanical Garden: Botany, Ecology.

H.Em. Msgr. Marcelo Sánchez Sorondo • Vatican City: Chancellor Pontifical Academy of Sciences: Philosophy.

Prof. Rafael Vicuña • Chile, Santiago, Pontifical Catholic University of Chile: Microbiology, Molecular Genetics.

Mga Iba Pang Eksperto:

Prof. em. Klaus Ammann • Switzerland, University of Berne, Botany, Vegetation Ecology.

Prof. Kym Anderson • Australia, The University of Adelaide, CEPR and World Bank: Agricultural Development

Economics, International Economics.

Dr. iur. Andrew Apel • USA, Raymond, Editor in Chief of GMObelus: Law.

Prof. Roger Beachy • USA, St. Louis, Donald Danforth Plant Science Center, now NIVA, National Institute of Food

and Agriculture, Washington DC.,: Plant Pathology, Agricultural Biotechnology.

Prof. Peter Beyer • Germany, Freiburg, Albert-Ludwig University, Biochemistry, Metabolic Pathways.

Prof. Joachim von Braun • USA, Washington, Director General, International Food Policy Research Institute, now

University of Bonn, Center for Development Research (ZEF): Agricultural and Development Economics.

Page 15: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

15

Prof. Moisés Burachik • Argentina, Buenos Aires, General Coordinator of the Biotechnology Department:

Agricultural Biotechnology, Biosafety.

Prof. Bruce Chassy • USA, University of Illinois at Urbana-Champaign: Biochemistry, Food Safety.

Prof. Nina Fedoroff • USA, The Pennsylvania State University: Molecular Biology, Biotechnology.

Prof. Dick Flavell • USA, CERES, Inc., Thousand Oaks: Agricultural Biotechnology, Genetics.

Prof. em. Jonathan Gressel • Israel, Rehovot, Weizmann Institute of Science: Plant Protection, Biosafety.

Prof. Ronald J. Herring • USA, Ithaca, Cornell University: Political Economy.

Prof. Drew Kershen • USA, University of Oklahoma: Agricultural Law, Biotechnological Law.

Prof. Anatole Krattiger • USA, Ithaca, Cornell University and Arizona State University, now: Director, Global

Challenges Division, WIPO, Geneva, Switzerland: Intellectual Property Management.

Prof. em. Christopher Leaver • UK, University of Oxford: Plant Sciences, Plant Molecular Biology.

Prof. Stephen P. Long • USA, Urbana, Energy Science Institute: Plant Biology, Crop Science, Ecology.

Prof. Cathie Martin • UK, Norwich, John Innes Centre: Plant Sciences, Cellular Regulation.

Prof. Marshall Martin • USA, West Lafayette: Purdue University: Agricultural Economics, Technology Assessment.

Prof. Henry Miller • USA, Hoover Institution, Stanford University: Biosafety, Regulation.

Prof.em. Marc Baron van Montagu • Belgium, Gent: President European Federation of Biotechnology:

Microbiology, Agricultural Biotechnology.

Prof. Piero Morandini • Italy, University of Milan: Molecular Biology, Agricultural Biotechnology.

Prof. Martina Newell-McGloughlin • USA, Davis, University of California: Agricultural Biotechnology.

H.Em. Msgr. George Nkuo • Cameroon, Bishop of Kumbo: Theology.

Prof. Rob Paarlberg • USA, Wellesley College: Political Science.

Prof. Wayne Parrott • USA, Athens, University of Georgia: Agronomy, Agricultural Biotechnology.

Prof. Channapatna S. Prakash • USA, Tuskegee University: Genetics, Agricultural Biotechnology.

Prof. Matin Qaim • Germany, Georg-August University of Göttingen: Agricultural Economics, Development

Economics.

Dr. Raghavendra S. Rao • India, New Delhi, Department of Biotechnology, Adviser to the Ministry of Science and

Technology: Agriculture, Plant Pathology.

Prof. Konstantin Skryabin • Russia, Moscow, ‘Bioengineering’ Centre Russian Academy of Sciences: Molecular

Biology, Agricultural Biotechnology.

Page 16: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

16

Prof. Monkumbu Sambasivan Swaminathan • India, Chennai, Chairman, M.S. Swaminathan Research Foundation:

Agriculture, Sustainable Development.

Prof. Chiara Tonelli • Italy, University of Milan: Genetics, Cellular Regulation.

Prof. Albert Weale • UK, Nuffield Council on Bioethics and University of Essex now University College of London,

Dept. of Political Sciences: Social & Political Sciences.

Prof. Robert Zeigler • Philippines, Metro Manila, Director General International Rice Research: Agricultural

Biotechnology, Rice research and Development Policy.

Notes

1) Cf. John Paul II, Encyclical Letter Laborem exercens, 5: loc. Cit., 586-589

2) Caritas in veritate, § 69.

3) Caritas in veritate, § 27

4) Ito ang dapat na prinsipyong laging tatandaan sa larangan ng agrikultura. Kung may mga katanungan o

mga pagdududa sa pagsulong na nagagawa ng biotechnology, na hindi nabibigyan ng panahong pag-

aralan para sa pang-ekonomiyang interes. Dapat ito’y iparating kaagad sa mahigpit na mala siyentipiko at

etikal na pagsusuri, upang maiwasan nang makasama pa sa kalusugan ng tao at sa hinaharap ng mundo.

(John Paul II, Address to the Jubilee of the Agricultural World, 11 November 2000)

5) Ang orphan crops o ang mga pananim na hindi napapansin ay ang mga panananim na napakahalaga sa

maliliit na bansa. Kinabibilangan ito ng mga cereal crops (millet at tef), legumes (cow pea, grass pea and

bambara ground nut), and root crops (cassava at sweet potatoes). Kahit pa na ang mga orphan crops na

ito ang mahalaga sa kabuhayan ng napakaraming mahihirap na magtatanim, ang pag-aaral para i-research

ang ganitong pananim ay hindi napagtutuunan dahil sa maga major crops. Dapat ring isama sa pag-aaral

(research) ang mga ganitong orphan crops upang masabi na sapat at laganap ang pagkain sa buong

mundo.

6) Centisimus annus, § 6.

7) Caritas in veritate, § 46.

8) ‘Ang Diyos ang tanging nakapangyayari sa lahat ng mga bagay at sa Kaniyang pagtataguyod sa tao

ipinahintulot niya ang paggamit sa mga bagay sa lupa para sa pangangailangan ng tao sa buhay. Dahil dito

siya (tao) ang binigyan ng Diyos ng karapatang mamahala sa lahat ng mga bagay na nasa daigdig (Thomas

Aquinas, Summa Theologica, II-II, q. 66, a. 1 ad 1)

9) Cf. Paul VI, pahayag sa Plenary Session ng Pontifical Academy of Sciences noong ika-19 ng Abril 1975,

Papal Addresses, Vatican City 2003, p. 209.

10) St. Thomas Aquinas, Summa Theologica, I-II, 94, a.5. Cf. loc. Cit. ad 3.

Page 17: MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA KATIYAKAN NG ...ang

MGA TRANSGENIC NA HALAMAN PARA SA SEGURIDAD SA PAGKAIN SA USAPING PANGKAUNLARAN

17

11) Prudence (phronesis) o Kahinahunan ay ang pagbukal ng katotohanan mula sa isang katangi-tanging pang-

unawa, may pagmamalasakit sa lahat ng mga bagay na makapaghahatid ng kabutihan sa tao. (Aristotle,

Eth. Nic., VI, 5, 1140 b 20, Eng. Tr. J. Bywater). Cf. also the rest of the chapter.

12) Ang kaalaman sa kahihinatnan ay ang saligan ng kahinahunan. Dahil dito, ang salitang kahinahunan ay

nagmula sa kahihinatnan (kalooban ng Diyos) mula sa pangunahing bahagi’ (St. Thomas Aquinas, Summa

Theologica, II-II, q.49, a. 6 ad 1).

13) Mensahe ng Banal na Papa Benedict XVI sa Plenary Session ng Pontifical Academy of Sciences. Makikita sa

http://www.vatican.va/holy-

father/benedictxvi/speeches/2006/november/documents/hf_benxvi_ec_20061106_academysciences_en

.htm

14) Cf. P. Dasgupta, ‘Science as an Institution: Setting Priorities in a New Socio-Economic Context’ in World

Conference on Science: Science for the Twenty-First Century, A New Commitment (UNESCO, Paris, 2000).

Translation facilitated by Clive James from ISAAA and Clement Dionglay Project Assistan, Global Knowledge Center

on Crop Biotechnology, ISAAA SEAsiaCenter