1
Mga Pangkalahatang Alituntunin sa Antarctic Treaty Protektahan ang Antarctic Wildlife Ang pagkuha ng, o mapanganib na pakikialam sa, Antarctic wildlife ay ipinagbabawal maliban na lang kung alinsunod sa permit. Wildlife Kapag malapit sa wildlife, maglakad nang marahan at maingat, at huwag mag-ingay. Panatilihin ang naaangkop na distansya sa willdlife. Bagama't sa maraming pagkakataon ay maaaring naaangkop ang mas malaking distansya, sa pangkalahatan, huwag pumunta nang mas malapit sa 5m. Sumunod sa anumang gabay sa mga distansya sa mga alituntuning partikular sa site. Obserbahan ang gawi ng wildlife. Kung nagbabago ang gawi ng wildlife, huminto o dahan-dahang lumayo. Higit na sensitibo ang mga hayop sa pagkabulabog kapag panahon ng kanilang pagpaparami (kabilang ang pamumugad) o pagpapalit-balat. Manatili sa labas ng colony at mag-obserba mula sa malayo. Magkaiba ang bawat sitwasyon. Isaalang-alang ang topography ng site at mga indibidwal na sirkumstansya nito, dahil maaari itong makaapekto sa pagiging sensitibo ng wildlife sa pambubulabog. Palaging magbigay-daan sa mga hayop at huwag harangan ang kanilang mga daanan papuntang dagat. Huwag magpakain ng wildlife o mag-iwan ng pagkain o mga tira-tira sa paligid. Huwag gumamit ng mga baril o pampasabog. Vegetation Ang vegetation, kabilang ang mga moss at lichen, ay madaling masira at napakatagal tumubo. Huwag sirain ang vegetation sa pamamagitan ng paglalakad, pagmamaneho, o pag-land sa anumang moss bed o batong nababalot ng lichen. Kapag naglalakad, manatili sa mga track na matagal nang ginagamit hangga't maaari upang mabawasan ang mga pambubulabog o pinsala sa lupa at tinutubuan ng halaman. Kapag walang track, dumaan sa pinakadirektang ruta at iwasan ang vegetation, malambot na terrain, mga scree slope, at wildlife. Pagdadala ng Mga Non-Native na Species Huwag magdala ng anumang halaman o hayop sa Antarctic. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga non-native na species at sakit, linisin nang maigi ang boots at linisin ang lahat ng kagamitan kabilang ang mga damit, bag, tripod, tent, at walking stick bago dalhin ang mga ito sa Antarctica. Partikular na pagtuunan ng pansin ang mga suwelas ng boot, velcro fastening, at bulsa na maaaring may lupa o mga buto. Dapat ding linisin ang mga sasakyan at aircraft. Alalahanin din ang paglipat ng mga species at sakit sa pagitan ng mga lokasyon sa Antarctica. Tiyaking nalinis ang lahat ng kasuotan at kagamitan bago magpalipat-lipat ng lugar. Respetuhin ang mga Pinoprotek- tahang Lugar Dapat sumunod ang mga aktibidad sa mga Antarctic Specially Protected Area (mga ASPA) o Antarctic Specially Managed Areas (mga ASMA) sa mga probisyon ng nauugnay na Plano ng Pamamahala. Maraming makasaysayang lugar at monumento (historic sites and monuments - HSM) ang pormal na itinalaga at pinoprotektahan. Mga Lugar na Partikular na Pinamamahalaan at Partikular na Pinoprotektahan Kinakailangan ang isang permit mula sa nauugnay na pambansang awtoridad upang makapasok sa anumang ASPA. Dalhin ang permit at sundin ang anumang kundisyon sa permit sa lahat ng oras habang bumibisita sa isang ASPA. Tingnan ang mga lokasyon at hangganan ng mga ASPA at ASMA nang maaga. Sumangguni sa mga probisyon ng Plano ng Pamamahala at sumunod sa anumang paghihigpit hinggil sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa o malapit sa mga lugar na ito. Mga Makasaysayang Site at Monumento, at Iba pang Istruktura Maaaring gamitin sa ilang pagkakataon ang mga makasaysayang kubo at istruktura para sa mga pagbisita ng turista at panlibangan at pang-edukasyong pagbisita. Hindi maaaring gamitin ng mga bisita ang mga ito para sa iba pang layunin maliban na lang kung magkaroon ng emergency. Huwag pakialaman, babuyin, o sulatan ang anumang makasaysayang lugar, monumento, o artefact, o iba pang gusali o emergency refuge (may nakatira man o wala). Kung may makita kang item na maaaring may makasaysayang halaga na maaaring hindi alam ng mga awtoridad, huwag itong galawin. Sabihan ang iyong expedition leader o ang mga pambansang awtoridad. Bago pumasok sa anumang makasaysayang istruktura, linisin ang niyebe at dumi sa iyong boots at alisin ang niyebe at tubig sa mga damit, dahil makakapagdulot ang mga ito ng pinsala sa mga istruktura o artefact. Ingatang huwag lakaran ang anumang artefact na maaaring natabunan ng niyebe kapag naglalakad sa mga makasaysayang site. Respetuhin ang Siyentipikong Pananaliksik Huwag mangialam sa siyentipikong pananaliksik, mga pasilidad, o kagamitan. Humingi ng pahintulot bago bumisita sa mga Antarctic station. Muling kumpirmahin ang mga nakaiskedyul na pagbisita nang hindi bababa sa 24-72 oras bago dumating. Sumunod sa anumang panuntunang partikular sa site kapag bumibisita sa mga Antarctic station. Huwag pakialaman o alisin ang mga siyentipikong kagamitan o marker, at huwag pakialaman ang mga lugar ng experimental na pag-aaral, field camp, o nakaimbak na supply. Panatilihing Malinis ang Antarctica Nananatili pa ring malinis ang Antarctica sa pangkalahatan. Ito ang pinakamalawak na lugar ng wilderness sa daigdig. Mangyaring huwag mag-iwan ng anumang bakas ng iyong pagbisita. Kalat Huwag magtapon ng anumang kalat o basura sa lupa at huwag din itong itapon sa dagat. Sa mga station o camp, manigarilyo lang sa mga nakatalagang lugar, upang maiwasan ang kalat at panganib na masunog ang mga istruktura. Ipunin ang abo at kalat upang maitapon sa labas ng Antarctica. Tiyaking napapamahalaan ang mga kalat alinsunod sa Annex III at IV ng Protocol sa Proteksyon ng Kapaligiran sa Antarctic Treaty. Tiyaking naka-secure ang lahat ng kagamitan at basura sa lahat ng oras sa paraang maiiwasan ang pagkalat sa kapaligiran sa pamamagitan ng malalakas na hangin o pangangalkal ng wildlife. Mga Pinapahalagahan sa Wilderness Huwag bulabugin o dumihan ang mga lawa, sapa, ilog, o iba pang anyong tubig (hal. sa pamamagitan ng paglalakad, paglilinis ng iyong sarili o ng iyong kagamitan, pagtatapon ng mga bato, atbp.) Huwag magpinta o mag-ukit ng mga pangalan o iba pang graffiti sa anumang man-made o natural na surface sa Antarctica. Huwag kumuha ng mga souvenir, man-made, biological, o geological man na mga item, kabilang ang mga balahibo, buto, itlog, vegetation, lupa, bato, meteorite, o fossil. Ilagay ang mga tent at kagamitan sa niyebe o sa dating ginamit na mga campsite kung saan maaari. Maging Ligtas Maging handa para sa matindi at nagbabagong lagay ng panahon. Tiyaking tumutugma ang iyong kagamitan at kasuotan sa mga pamantayan sa Antarctic. Tandaang hindi mahilig sa bisita, hindi nahuhulaan, at maaaring maging mapanganib ang kapaligiran sa Antarctic. Mga Pag-iingat/Paghahandang Pangkaligtasan Alamin ang iyong mga kakayanan, ang mga panganib na hatid ng kapaligiran ng Antarctic, at kumilos nang naaayon. Planuhin ang mga aktibidad nang isinasaalang-alang palagi ang kaligtasan. Dumistansya sa mabangis na wildlife tulad ng mga fur seal, sa lupa at sa dagat. Panatilihin ang distansyang 15m, kung saan naaangkop. Kung naglalakbay ka sa isang pangkat, kumilos ayon sa payo at mga tagubilin ng inyong mga pinuno. Huwag humiwalay sa iyong pangkat. Huwag lumakad sa mga glacier o malalaking snow field nang walang naaangkop na kagamitan at karanasan. Malaki ang panganib na mahulog sa mga nakatagong bitak. Huwag umasa sa rescue service. Nadaragdagan ang kakayanan ng sarili at nababawasan ang mga panganib sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, de-kalidad na kagamitan, at bihasang personnel. Huwag pumasok sa mga emergency refuge (maliban kapag emergency). Kung gumamit ka ng kagamitan o pagkain mula sa isang refuge, ipaalam ito sa pinakamalapit na research station o pambansang awtoridad kapag natapos na ang emergency. Respetuhin ang anumang paghihigpit sa paninigarilyo. Dapat iwasan ang paggamit ng mga combustion style lantern at naked flame sa loob o sa paligid ng mga makasaysayang istruktura. Mag-ingat nang husto upang maging ligtas sa panganib ng sunog. Isa itong totoong panganib sa tuyong kapaligiran ng Antarctica. Mga Kinakailangan sa Landing at Transportasyon Kumilos sa Antarctica sa paraang mababawasan ang mga potensyal na epekto sa kapaligiran, wildlife, at mga nauugnay na ecosystem, o pagsasagawa ng siyentipikong pananaliksik. Transportasyon Huwag gumamit ng aircraft, mga vessel, maliliit na bangka, hovercraft, o iba pang paraan ng transportasyon sa paraang nakakaistorbo ng wildlife sa dagat man o sa lupa. Iwasang lumipad sa ibabaw ng mga nagtitipong mga ibon at mammal. Sundin ang payo sa Resolution 2 (2004) Mga Alituntunin para sa pagpapatakbo ng aircraft malapit sa mga nagtitipong ibon sa Antarctica na available sa www.ats.aq/devAS/info_ measures_list.aspx?lang=e. Dapat mag-refill ng mga fuel tank para sa maliliit na bangka sa paraan na matitiyak na kontrolado ang anumang spill, halimbawa habang nakasakay sa vessel. Wala dapat anumang lupa, halaman, o hayop ang maliliit na bangka at dapat suriin kung may anumang lupa, halaman, hayop, bago magsagawa ng anumang pagpapatakbo ng barko papuntang pampang. Dapat palaging bantayan ng maliliit na bangka ang kanilang daan at bilis upang mabawasan ang pambubulabog sa wildlife at para maiwasan ang anumang pagbangga sa wildlife. Mga Barko * Isang barko lang maaaring bumisita sa isang site anumang oras. Hindi dapat magsagawa ng landing sa Antarctica ang mga vessel na may mahigit 500 pasahero. Landing ng mga Pasahero Mula sa Mga Vessel Maaaring pumunta sa pampang ang hanggang 100 pasahero mula sa isang vessel sa bawat pagkakataon, maliban kung ipinag-aatas ng payo na partikular sa site ang mas kaunting pasahero. Habang nagsasagawa ng mga landing mula sa mga vessel, magpanatili ng 1:20 na ratio ng gabay sa pasahero sa lahat ng site, maliban kung ipinag-aatas ng payo na partikular sa site ang mas maraming gabay. Pangkalahatang Alituntunin para sa mga Bisita sa Antarctic Ang lahat ng pagbisita sa Antarctica ay dapat isagawa alinsunod sa Antarctic Treaty, sa Protocol nito sa Proteksyon ng Kapaligiran, at mga nauugnay na Hakbang at Resolusyong ipinapatupad sa mga Antarctic Treaty Consultative Meeting (ATCM). Maaari lang magsagawa ng mga pagbisita matapos ang paunang pag-apruba ng nauugnay na pambansang awtoridad o kung natugunan na ng mga ito ang lahat ng pag-aatas ng pambansang awtoridad ng mga ito. Ang mga Alituntuning ito ay nagbibigay ng pangkalahatang payo para sa pagbisita sa anumang lokasyon, na naglalayong matiyak na ang mga pagbisita ay walang hindi kanais-nais na epekto sa kapaligiran ng Antarctic, o sa mga siyentipiko at aesthetic na halaga nito. Nagbibigay ang ATCM Site Guidelines for Visitors ng karagdagang payo na partikular na lugar para sa ilang lokasyon. Basahin ang mga Alituntuning ito bago ka bumisita sa Antarctica at bago mo planuhin kung paano mababawasan ang iyong epekto. Kung bahagi ka ng ginagabayang pangkat ng bisita, sundin ang mga alituntuning ito, makinig sa iyong mga gabay, at sumunod sa kanilang mga tagubilin. Kung ikaw ang nag-ayos ng sarili mong pagbisita, responsibilidad mong sundin ang mga alituntuning ito. Responsable ka rin sa pagtukoy sa mga katangian ng mga site na bibisitahin mo na maaaring maselan sa mga epekto ng bisita, at sa pagsunod sa anumang pag-aatas na partikular sa site, kabilang ang Mga Alituntunin sa Site, Antarctic Specially Protected Area (ASPA), at Antarctic Specially Managed Area (ASMA) management plans, o mga alituntunin para pagbisita sa station. Maaaring may mga nalalapat ding alituntunin para sa mga partikular na aktibidad o panganib (gaya ng paggamit ng aircraft, o pag-iwas na makapagdala ng mga non-native na species). May makikitang mga plano ng pamamahala, listahan ng mga makasaysayang lugar at monumento, at iba pang nauugnay na impormasyon sa www.ats.aq/devAS/ats_other_siteguidelines.aspx. * Ang barko ay inilalarawan bilang vessel na nagdadala ng higit sa 12 pasahero (REKOMENDASYON 3, 2011) Kalihiman ng Antarctic Treaty

Mga Pangkalahatang Alituntunin sa Antarctic Treaty

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Pangkalahatang Alituntunin sa Antarctic Treaty

Mga Pangkalahatang Alituntunin sa Antarctic Treaty

Protektahan ang Antarctic WildlifeAng pagkuha ng, o mapanganib na pakikialam sa, Antarctic wildlife ay ipinagbabawal maliban na lang kung alinsunod sa permit.

Wildlife● Kapag malapit sa wildlife, maglakad nang marahan at maingat, at

huwag mag-ingay.● Panatilihin ang naaangkop na distansya sa willdlife. Bagama't sa

maraming pagkakataon ay maaaring naaangkop ang mas malaking distansya, sa pangkalahatan, huwag pumunta nang mas malapit sa 5m. Sumunod sa anumang gabay sa mga distansya sa mga alituntuning partikular sa site.

● Obserbahan ang gawi ng wildlife. Kung nagbabago ang gawi ng wildlife, huminto o dahan-dahang lumayo.

● Higit na sensitibo ang mga hayop sa pagkabulabog kapag panahon ng kanilang pagpaparami (kabilang ang pamumugad) o pagpapalit-balat. Manatili sa labas ng colony at mag-obserba mula sa malayo.

● Magkaiba ang bawat sitwasyon. Isaalang-alang ang topography ng site at mga indibidwal na sirkumstansya nito, dahil maaari itong makaapekto sa pagiging sensitibo ng wildlife sa pambubulabog.

● Palaging magbigay-daan sa mga hayop at huwag harangan ang kanilang mga daanan papuntang dagat.

● Huwag magpakain ng wildlife o mag-iwan ng pagkain o mga tira-tira sa paligid. Huwag gumamit ng mga baril o pampasabog.

Vegetation● Ang vegetation, kabilang ang mga moss at lichen, ay madaling

masira at napakatagal tumubo. Huwag sirain ang vegetation sa pamamagitan ng paglalakad, pagmamaneho, o pag-land sa anumang moss bed o batong nababalot ng lichen. Kapag naglalakad, manatili sa mga track na matagal nang ginagamit hangga't maaari upang mabawasan ang mga pambubulabog o pinsala sa lupa at tinutubuan ng halaman. Kapag walang track, dumaan sa pinakadirektang ruta at iwasan ang vegetation, malambot na terrain, mga scree slope, at wildlife.

Pagdadala ng Mga Non-Native na Species● Huwag magdala ng anumang halaman o hayop sa Antarctic.● Upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga non-native na species

at sakit, linisin nang maigi ang boots at linisin ang lahat ng kagamitan kabilang ang mga damit, bag, tripod, tent, at walking stick bago dalhin ang mga ito sa Antarctica. Partikular na pagtuunan ng pansin ang mga suwelas ng boot, velcro fastening, at bulsa na maaaring may lupa o mga buto. Dapat ding linisin ang mga sasakyan at aircraft.

● Alalahanin din ang paglipat ng mga species at sakit sa pagitan ng mga lokasyon sa Antarctica. Tiyaking nalinis ang lahat ng kasuotan at kagamitan bago magpalipat-lipat ng lugar.

Respetuhin ang mga Pinoprotek-tahang Lugar Dapat sumunod ang mga aktibidad sa mga Antarctic Specially Protected Area (mga ASPA) o Antarctic Specially Managed Areas (mga ASMA) sa mga probisyon ng nauugnay na Plano ng Pamamahala. Maraming makasaysayang lugar at monumento (historic sites and monuments - HSM) ang pormal na itinalaga at pinoprotektahan.

Mga Lugar na Partikular na Pinamamahalaan at Partikular na Pinoprotektahan● Kinakailangan ang isang permit mula sa nauugnay na

pambansang awtoridad upang makapasok sa anumang ASPA. Dalhin ang permit at sundin ang anumang kundisyon sa permit sa lahat ng oras habang bumibisita sa isang ASPA.

● Tingnan ang mga lokasyon at hangganan ng mga ASPA at ASMA nang maaga. Sumangguni sa mga probisyon ng Plano ng Pamamahala at sumunod sa anumang paghihigpit hinggil sa pagsasagawa ng mga aktibidad sa o malapit sa mga lugar na ito.

Mga Makasaysayang Site at Monumento, at Iba pang Istruktura● Maaaring gamitin sa ilang pagkakataon ang mga makasaysayang

kubo at istruktura para sa mga pagbisita ng turista at panlibangan at pang-edukasyong pagbisita. Hindi maaaring gamitin ng mga bisita ang mga ito para sa iba pang layunin maliban na lang kung magkaroon ng emergency.

● Huwag pakialaman, babuyin, o sulatan ang anumang makasaysayang lugar, monumento, o artefact, o iba pang gusali o emergency refuge (may nakatira man o wala).

● Kung may makita kang item na maaaring may makasaysayang halaga na maaaring hindi alam ng mga awtoridad, huwag itong galawin. Sabihan ang iyong expedition leader o ang mga pambansang awtoridad.

● Bago pumasok sa anumang makasaysayang istruktura, linisin ang niyebe at dumi sa iyong boots at alisin ang niyebe at tubig sa mga damit, dahil makakapagdulot ang mga ito ng pinsala sa mga istruktura o artefact.

● Ingatang huwag lakaran ang anumang artefact na maaaring natabunan ng niyebe kapag naglalakad sa mga makasaysayang site.

Respetuhin ang Siyentipikong Pananaliksik Huwag mangialam sa siyentipikong pananaliksik, mga pasilidad, o kagamitan.● Humingi ng pahintulot bago bumisita sa mga Antarctic station.

Muling kumpirmahin ang mga nakaiskedyul na pagbisita nang hindi bababa sa 24-72 oras bago dumating.

● Sumunod sa anumang panuntunang partikular sa site kapag bumibisita sa mga Antarctic station.

● Huwag pakialaman o alisin ang mga siyentipikong kagamitan o marker, at huwag pakialaman ang mga lugar ng experimental na pag-aaral, field camp, o nakaimbak na supply.

Panatilihing Malinis ang AntarcticaNananatili pa ring malinis ang Antarctica sa pangkalahatan. Ito ang pinakamalawak na lugar ng wilderness sa daigdig. Mangyaring huwag mag-iwan ng anumang bakas ng iyong pagbisita.

Kalat● Huwag magtapon ng anumang kalat o basura sa lupa at huwag

din itong itapon sa dagat.● Sa mga station o camp, manigarilyo lang sa mga nakatalagang

lugar, upang maiwasan ang kalat at panganib na masunog ang mga istruktura. Ipunin ang abo at kalat upang maitapon sa labas ng Antarctica.

● Tiyaking napapamahalaan ang mga kalat alinsunod sa Annex III at IV ng Protocol sa Proteksyon ng Kapaligiran sa Antarctic Treaty.

● Tiyaking naka-secure ang lahat ng kagamitan at basura sa lahat ng oras sa paraang maiiwasan ang pagkalat sa kapaligiran sa pamamagitan ng malalakas na hangin o pangangalkal ng wildlife.

Mga Pinapahalagahan sa Wilderness● Huwag bulabugin o dumihan ang mga lawa, sapa, ilog, o iba

pang anyong tubig (hal. sa pamamagitan ng paglalakad, paglilinis ng iyong sarili o ng iyong kagamitan, pagtatapon ng mga bato, atbp.)

● Huwag magpinta o mag-ukit ng mga pangalan o iba pang graffiti sa anumang man-made o natural na surface sa Antarctica.

● Huwag kumuha ng mga souvenir, man-made, biological, o geological man na mga item, kabilang ang mga balahibo, buto, itlog, vegetation, lupa, bato, meteorite, o fossil.

● Ilagay ang mga tent at kagamitan sa niyebe o sa dating ginamit na mga campsite kung saan maaari.

Maging Ligtas Maging handa para sa matindi at nagbabagong lagay ng panahon. Tiyaking tumutugma ang iyong kagamitan at kasuotan sa mga pamantayan sa Antarctic.Tandaang hindi mahilig sa bisita, hindi nahuhulaan, at maaaring maging mapanganib ang kapaligiran sa Antarctic.

Mga Pag-iingat/Paghahandang Pangkaligtasan● Alamin ang iyong mga kakayanan, ang mga panganib na hatid ng

kapaligiran ng Antarctic, at kumilos nang naaayon. Planuhin ang mga aktibidad nang isinasaalang-alang palagi ang kaligtasan.

● Dumistansya sa mabangis na wildlife tulad ng mga fur seal, sa lupa at sa dagat. Panatilihin ang distansyang 15m, kung saan naaangkop.

● Kung naglalakbay ka sa isang pangkat, kumilos ayon sa payo at mga tagubilin ng inyong mga pinuno. Huwag humiwalay sa iyong pangkat. Huwag lumakad sa mga glacier o malalaking snow field nang walang naaangkop na kagamitan at karanasan. Malaki ang panganib na mahulog sa mga nakatagong bitak.

● Huwag umasa sa rescue service. Nadaragdagan ang kakayanan ng sarili at nababawasan ang mga panganib sa pamamagitan ng maayos na pagpaplano, de-kalidad na kagamitan, at bihasang personnel.

● Huwag pumasok sa mga emergency refuge (maliban kapag emergency). Kung gumamit ka ng kagamitan o pagkain mula sa isang refuge, ipaalam ito sa pinakamalapit na research station o pambansang awtoridad kapag natapos na ang emergency.

● Respetuhin ang anumang paghihigpit sa paninigarilyo. Dapat iwasan ang paggamit ng mga combustion style lantern at naked flame sa loob o sa paligid ng mga makasaysayang istruktura. Mag-ingat nang husto upang maging ligtas sa panganib ng sunog. Isa itong totoong panganib sa tuyong kapaligiran ng Antarctica.

Mga Kinakailangan sa Landing at Transportasyon Kumilos sa Antarctica sa paraang mababawasan ang mga potensyal na epekto sa kapaligiran, wildlife, at mga nauugnay na ecosystem, o pagsasagawa ng siyentipikong pananaliksik.

Transportasyon● Huwag gumamit ng aircraft, mga vessel, maliliit na bangka,

hovercraft, o iba pang paraan ng transportasyon sa paraang nakakaistorbo ng wildlife sa dagat man o sa lupa.

● Iwasang lumipad sa ibabaw ng mga nagtitipong mga ibon at mammal. Sundin ang payo sa Resolution 2 (2004) Mga Alituntunin para sa pagpapatakbo ng aircraft malapit sa mga nagtitipong ibon sa Antarctica na available sa www.ats.aq/devAS/info_measures_list.aspx?lang=e.

● Dapat mag-refill ng mga fuel tank para sa maliliit na bangka sa paraan na matitiyak na kontrolado ang anumang spill, halimbawa habang nakasakay sa vessel.

● Wala dapat anumang lupa, halaman, o hayop ang maliliit na bangka at dapat suriin kung may anumang lupa, halaman, hayop, bago magsagawa ng anumang pagpapatakbo ng barko papuntang pampang.

● Dapat palaging bantayan ng maliliit na bangka ang kanilang daan at bilis upang mabawasan ang pambubulabog sa wildlife at para maiwasan ang anumang pagbangga sa wildlife.

Mga Barko*

● Isang barko lang maaaring bumisita sa isang site anumang oras.● Hindi dapat magsagawa ng landing sa Antarctica ang mga vessel

na may mahigit 500 pasahero.

Landing ng mga Pasahero Mula sa Mga Vessel● Maaaring pumunta sa pampang ang hanggang 100 pasahero mula

sa isang vessel sa bawat pagkakataon, maliban kung ipinag-aatas ng payo na partikular sa site ang mas kaunting pasahero.

● Habang nagsasagawa ng mga landing mula sa mga vessel, magpanatili ng 1:20 na ratio ng gabay sa pasahero sa lahat ng site, maliban kung ipinag-aatas ng payo na partikular sa site ang mas maraming gabay.

Pangkalahatang Alituntunin para sa mga Bisita sa AntarcticAng lahat ng pagbisita sa Antarctica ay dapat isagawa alinsunod sa Antarctic Treaty, sa Protocol nito sa Proteksyon ng Kapaligiran, at mga nauugnay na Hakbang at Resolusyong ipinapatupad sa mga Antarctic Treaty Consultative Meeting (ATCM). Maaari lang magsagawa ng mga pagbisita matapos ang paunang pag-apruba ng nauugnay na pambansang awtoridad o kung natugunan na ng mga ito ang lahat ng pag-aatas ng pambansang awtoridad ng mga ito.

Ang mga Alituntuning ito ay nagbibigay ng pangkalahatang payo para sa pagbisita sa anumang lokasyon, na naglalayong matiyak na ang mga pagbisita ay walang hindi kanais-nais na epekto sa kapaligiran ng Antarctic, o sa mga siyentipiko at aesthetic na halaga nito. Nagbibigay ang ATCM Site Guidelines for Visitors ng karagdagang payo na partikular na lugar para sa ilang lokasyon.

Basahin ang mga Alituntuning ito bago ka bumisita sa Antarctica at bago mo planuhin kung paano mababawasan ang iyong epekto.

Kung bahagi ka ng ginagabayang pangkat ng bisita, sundin ang mga alituntuning ito, makinig sa iyong mga gabay, at sumunod sa kanilang mga tagubilin.

Kung ikaw ang nag-ayos ng sarili mong pagbisita, responsibilidad mong sundin ang mga alituntuning ito. Responsable ka rin sa pagtukoy sa mga katangian ng mga site na bibisitahin mo na maaaring maselan sa mga epekto ng bisita, at sa pagsunod sa anumang pag-aatas na partikular sa site, kabilang ang Mga Alituntunin sa Site, Antarctic Specially Protected Area (ASPA), at Antarctic Specially Managed Area (ASMA) management plans, o mga alituntunin para pagbisita sa station.

Maaaring may mga nalalapat ding alituntunin para sa mga partikular na aktibidad o panganib (gaya ng paggamit ng aircraft, o pag-iwas na makapagdala ng mga non-native na species). May makikitang mga plano ng pamamahala, listahan ng mga makasaysayang lugar at monumento, at iba pang nauugnay na impormasyon sa www.ats.aq/devAS/ats_other_siteguidelines.aspx.

*Ang barko ay inilalarawan bilang vessel na nagdadala ng higit sa 12 pasahero

(REKOMENDASYON 3, 2011)

Kalihiman ng Antarctic Treaty