6
Lesson Plan in Filipino with Culture-Based Integration Grade & Subject: Grade 1 – Filipino Prepared by: Gloreli C. Canolo M.A. in Education major in Cultural Education La Salle University, Ozamiz City March 3, 2013 School: Tangub City Central SPED Center School Topic: Mga Salitang Naglalarawan SA Sagisag Kultura na Anahaw Cultural Icon: Anahaw (CD of Sagisag Kultura 800 from NCCA 2013) anáhaw Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o puno ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas. Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito. Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likas na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito. Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa ng bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang. Ang buko naman nito ay ginugulay at kinakain. Ang puno ng kahoy o katawan nito ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed GSZ)

Lesson Plan in Filipino Grade1- Gloreli Canolo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Lesson Plan in Filipino Grade 1

Citation preview

Page 1: Lesson Plan in Filipino Grade1- Gloreli Canolo

Lesson Plan in Filipino with Culture-Based Integration

Grade & Subject: Grade 1 – Filipino

Prepared by: Gloreli C. Canolo

M.A. in Education major in Cultural Education

La Salle University, Ozamiz City

March 3, 2013

School: Tangub City Central SPED Center School

Topic: Mga Salitang Naglalarawan SA Sagisag Kultura na Anahaw

Cultural Icon: Anahaw (CD of Sagisag Kultura 800 from NCCA 2013)

anáhaw Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis na bunged o puno ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas. Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay ng dahon ay matinik at tumutubo nang paikot sa sariling katawan nito. Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubo sa likas na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito. Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa ng bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nito, nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang. Ang buko naman nito ay ginugulay at kinakain. Ang puno ng kahoy o katawan nito ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed GSZ)

Page 2: Lesson Plan in Filipino Grade1- Gloreli Canolo

I Layunin: Pagkatapos ng leksyon ang mga bata ay inaasahang:

a. Nakapagbibigay ng mga salitang naglalarawan ayon sa text ng sagisag sa kulturab. Nagagamit ang anahaw bilang dekorasyon sa mga pagdiriwang at bubong sa bahay-kuboc. Napahahalagahan ang anahaw sa pamayanan

II Paksang – Aralin:Mga Salitang Naglalarawan sa Sagisag Kultura na Anahaw

References: Marangal na Pilipino K to 12 Curriculum GuideCultural Icon: Anahaw (Sagisag Kultura CD 800, 2013) Kagamitan: Larawan at tsart ng text ng Anahaw, sticks ng kawayan, pantali,

krayola,manila paperIII Pamamaraan:

A. Pre-reading1. Motivation:

a. Say: Nakakita na ba kayo ng isang anahaw?b. Magkakaroon tayo ng field trip sa araw na ito. Pupuntahan natin ang puno

ng anahaw sa harap ng ating kantina. c. Paano ninyo mailalarawan ang anahaw?

2. Unlocking of Difficult Words:a. Makinis – Magpapakita ng isang mangga at ipahawak ito sa bawat isa at

ipalarawan ang tekstura ng balat nito.

b. Nakakumpol – Magpapakita ng larawan na nakakumpol.

c. Matinik – Magpakita ng larawan na may tinik.

d. Tangkay- Magpakita ng dahon na may tangkay

e. Kagubatan- Magpakita ng larawan ng kagubatan.

B. During reading1. First reading

- Babasahin muna ng guro ang text tungkol sa "Anahaw" at habang nagbabasa ipapaliwanag ng guro ang mga detalye na mahirap maunawaan.

2. Second reading- Ipabasa ng mga bata ang text at hayaan ang mga batang

makapagbibigay ng kanilang sariling opinion.

Page 3: Lesson Plan in Filipino Grade1- Gloreli Canolo

Mga Tanong:a. Anong sagisag kultura ang binabasa natin?b. Paano natin mailalarawan ang "Anahaw"?c. Paano natin ito mapapakinabangan?d. Bakit mahalaga ang sagisag kultura na ito sa ating pamayanan?

3. Engagement Activities:(The teacher will group the pupils into 4 and do the following)

Group #1Iguhit ang anahaw sa isang manila paper at kulayan ito.

Mga Tanong:1. Anong sagisag kultura ito?2. Isulat ang mga salitang naglalarawan sa anahaw.

( Ibabahagi ng grupo ang kanilang nagawa sa harap ng klase)

Group #2Iguhit ang anahaw bilang pangdekorasyon sa mga selebrasyon.

Mga Tanong:1. Paano ninyo ginagamit ang anahaw? Paano ninyo inilalarawan ang anahaw batay

sa inyong ginawa?2. Magbigay ng mga selebrasyon na maaring magagamit ang anahaw.

(ibabahagi ng mga bata ang kanilang nagawa sa harap ng klase)

Group # 3Magsasagawa ng isang cultural mapping. Iguhit ang lokasyon ng anahaw

na ating pinuntahan kanina.

Page 4: Lesson Plan in Filipino Grade1- Gloreli Canolo

Mga tanong:1. Ibigay ang lokasyon ng anahaw ayon sa inyong igunuguhit. Paano ninyo ito

mailalarawan batay sa inyong ginawa?2. Magbigay ng mga iba't ibang lugar dito sa ating lokalidad na kung saan makikita ang

puno ng anahaw.(ibabahagi ng grupo ang kanilang nagawa sa harap ng klase)

Group#4Gumawa ng isang bahay- kubo na yari sa maliit na stick ng kawayan at gamitin

ang dahon ng anahaw bilang bubong nito.

Mga tanong:

1.Paano ninyo ginagamit ang anahaw?

2.Paano ninyo mailalarawan ang anahaw batay sa ginawa ng inyong grupo?

Generalisasyon:

a. Paano natin inilalarawan ang sagisag kultura na "Anahaw"?

- Ibigay ng mga bata ang mga salitang naglalarawan sa anahaw at isusulat nila ito sa pisara.

b. Paano natin mapapakinabangan ang bawat bahagi ng puno ng anahaw?

- Ibigay ng mga bata ang bawat halaga nito tulad ng sa dahon, buko at katawan nito.

c. Paano ito nakakatulong sa ating pamayanan?

d. Paano natin ito mapapanatiling mahalaga sa ating kultura?

Value and subject integrations:

Araling Panlipunan – Pagbibigay ng lokasyon sa anahaw na makikita sa paaralan.

Arts – Pagguhit ng anahaw bilang dekorasyon at bubong sa bahay

Edukasyon sa pagpapakatao – Pagpapahalaga sa anahaw sa ating pamayanan.

IV Ebalwasyon: Rubrics ng kanilang ginagawa sa bawat grupo.

V Takdang-aralin: Magsulat ng dalawang pangungusap na naglalarawan sa anahaw.