14
Lathalain (Feature Article) Pagsulat ng

LATHALAIN

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: LATHALAIN

Lathalain (Feature Article)

Pagsulat ng

Page 2: LATHALAIN

Ano ba ang lathalain? Ano ang ipinagkaiba nito sa balita?

“A news story provides information about an event, idea or situation. The feature does a bit more – it may also interpret news, add depth and color to a story, instruct or entertain (Nagbibigay-impormasyon hinggil sa mga pangyayari, ideya o kaisipan o situwasyon ang balita. Pero mayroon pang ibang “magagawa” ang isang lathalain – maaari nitong bigyang katuturan (interpret), magdagdag ng lalim at kulay sa isang istorya, magturo, o mang-aliw).” – Econnect, 2002

Page 3: LATHALAIN

Anu-ano ba ang uri ng lathalain?

• Human – Interest (susing salita: pakikihamok (struggle) ng ordinaryong tao sa pang-araw-araw na pamumuhay. Hal. Paano nga ba nabubuhay ang isang magbobote?)

• Personality Feature (susing salita: ordinaryong taong na mayroong kagila-gilalas o kahanga-hangang katangian o nagawa. Hal. Isang ordinaryong guro na nakatuklas ng bagong pamamaraan ng pagtuturo.)

Page 4: LATHALAIN

• How-To Feature (susing salita: paano nga ba gawin ang isang bagay.

• Hal. Paano magluto ng carbonara).

• Past Events Feature (Historical feature) (susing salita: kasaysayan).

• News Feature (susing salita: “bahaging tao” o human side ng isang balitang malaki. Hal. Demolisyon o dengue outbreak.)

Page 5: LATHALAIN

Anu-ano ang bahagi ng isang lathalain?

• Introduksiyon o panimula• Katawan• Kongklusyon o katapusan

Page 6: LATHALAIN

Introduksiyon: Pampagana para sa inyong mambabasa

Ang introduksiyon ang pinakamahalagang bahagi ng lathalain. Ito ang nagsisilbing pamukaw sa atensiyon ng inyong mambabasa para tuluy-tuloy na basahin ang akda. Para maging mabisa ang inyong introduksiyon, lagyan ito ng emosyon, drama, mga siniping pahayag na interesante, malinaw (vivid) na deskripsiyon ng pangyayari, etc.

Page 7: LATHALAIN

Ilang tips para sa magandang introduksiyon

• Tiyaking ‘kapani-paniwala’ ang tauhang inyong ilalagay sa istorya. Ibig sabihin, dapat na buhay at gumagalaw ang tauhan sa inyong lathalain. Huwag MAG-IMBENTO para hindi masakripisyo ang inyong integridad bilang mamamahayag/manunulat.

• Gumawa ng magandang setting para sa inyong istorya. Likhain ang napakainam na atmosphere o kaligiran sa inyong sulatin. Ilarawan nang mabuti ang umpisa ng mga pangyayari o ang pinag-ugatan ng inyong salaysay.

• Maging malikhain sa pagsusulat ng inyong introduksiyon sa pamamagitan ng paggamit ng pananalitang angkup na angkop sa inyong isinusulat.

Page 8: LATHALAIN

Katawan ng lathalain: ang pagbibigay-linaw sa subject o isyu

Sa pinakakatawan ng lathalain tinatalakay ang buong saysay ng kuwentong inyong isinusulat. Dapat manatili itong “tapat” sa introduksiyon.

Ibig sabihin, dapat masagot nito ang mga tanong o matalakay nang husto ang paksang inyong isinusulat.

Upang maging mabisa ang pagsulat ninyo ng pinakakatawan ng inyong lathalain, dapat tandaan ang ss. na mga bagay:

Page 9: LATHALAIN

Tips para sa magandang katawan ng inyong lathalain:

• Gumamit ng makukulay subalit hindi naman napakatatayog na mga salita (highfaluting words)

• Manatiling nakapokus sa paksa.• Siguruhin ang coherence o ang wastong

pagkakabit-kabit ng mga ideya• Tiyaking hindi naman siksik na siksik ang

mga impormasyon para hindi magsawa ang mga mambabasa. Sa pagtalakay, mahalagang ilagay lamang ang pinakanakauugnay (relevant) o pinakamahalagang impormasyon.

Page 10: LATHALAIN

Kongklusyon: Pag-iwan ng bakas ng isinulat sa puso’t isip ng

mambabasa

Dito nilalagom ang buong istorya at dapat itong magbigay ng napakalakas na impresyon para hindi malimutan ng mambabasa ang isinulat mo.

Page 11: LATHALAIN

Tips para sa mas mabisang pagsusulat ng lathalain

• Magpokus sa human interest; mahalaga ang papel ng emosyon sa inyong isinusulat

• Maging malinaw kung bakit ninyo isinusulat ang lathalain

• Mahalaga ang accuracy o kawastuan ng mga datos o impormasyong ilalagay sa sulatin.

• Laging isaalang-alang ang inyong mambabasa habang isinusulat ninyo ang akda. Ano ba ang dapat nilang malaman at maramdaman? Nauunawaan ba nila ang wikang ginamit ko?

Page 12: LATHALAIN

• Iwasan ang clichés o yaong gasgas na mga linya.

• Makipagpanayam (interview) nang personal. Iwasan ang email o kaya naman ay phone interviews. Sa harapang pag-uusap kasi, mas madedetalye mo ang damdamin at kulay ng iyong paksa.

Page 13: LATHALAIN

• Gumamit ng mga quotation at anecdotes. Iwasang mag-opinyon sa inyong istorya. Taliwas sa sinasabi ng ibang “opinionated” ang lathalain, hindi ganoon sa lahat ng pagkakataon. Dapat na magsalita mismo ang datos o ang taong pinapaksa ng inyong sulatin.

• Gumamit ng multi-sources sa inyong akda para sa kredibilidad ng inyong isusulat. Subalit, takdaan ang sarili: ilagay lamang ang DAPAT ilagay.

• Laging tiyaking tama ang inyong bantas (punctuations), baybay (spelling) at konstruksiyon ng inyong mga pangungusap.

Page 14: LATHALAIN

TAPOS