Upload
others
View
5
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
PAG-AARI N
G PAMAHALAAN
HINDI IPINAGBIBILI
Kuwento ni:
JULIE ANN B. DAGA Guhit ni: DONNELL C. GOMEZ Layout ni:
JANE KENNETH P. YDIA
DEPARTMENT OF EDUCATION REGION III
KALAMANG MAGDASAL
2
Republic of the PhilippinesDepartment of Education
Region IIISchools Division of Aurora
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT SYSTEMLRMDS
Copyright 2017
Engr. EDGARD C, DOMINGO , Ph.D.,CESO VISchools Division Superintendent
EMILYN DT. MACARAEGAssistant Schools Division Superintendent
ERLEO T. VILLAROS , Ph.DChief CID
ESTRELLA D. NERIEducation Program Supervisor – LRMDS Manager
NORMITA M. OCAMPOEducation Program Supervisor – EsP
ROMILA JUDITH M. CORONGLibrarian
COPYRIGHT NOTICE
Section 9 of Presidential Decree No. 48 provides “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary to avoid exploitation of suchwork for profit
This material has been developed through the Curriculum and Learning Management Division (CLMD) of the Department of Education, Region III, and Schools Division of Aurora. It can be produced for educational purposes and the source must be clearly acknowledged. The material may be modified for the purposes of translation into another language or dialect, but the original work must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided the original work is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from the materialsor commercial and profit purposes
3
Sa mga Magulang at Guro, Ang kwentong ito ay binuo ng may akda para sa mga mag-aaral sa Ikalawa hanggang Ikatlo at Ikalimang Baitang upang maipakita ang kahalagahan ng pagdarasal nang may pagpapasalamat sa mga biyayang natanggap mula sa Diyos.
(Ikaapat na Kwarter, Week 4)
4
JULIE ANN B. DAGAMAY AKDA:
DONNELL C. GOMEZTAGA-GUHIT:
JANE KENNETH P. YDIATAGA-LAYOUT:
MGA TAGA-PATNUGOT
5
L a t h a l a i n n g
Learning Resource Management and Development Center (LRMDC)Schools Division of Aurora
KA
LAMANG M
AGDASA
L
6
Si Gracia ay isang madasalin, masipag at mahilig magpasalamat sa lahat ng biyaya sa kanyang buhay. " Panginoon, salamat po sa magandang umaga na inyong ipinagkaloob." sambit niya pagkagising sa umaga. At masayang gumayak para sa pagpasok sa paaralan.
77
8
Sa hapag kainan ay sama-sama ang buong pamilya na nanalangin at nagpasalamat sa simpleng umagahan na iniluto ng kanyang ina. "Salamat po sa biyayang inyong ipinagkaloob".
99
10
Maging sa pagpasok sa paaralan,nagpapasalamat siya, "Panginoon, salamat po at makakapasok na ako ngayon". Masigla niyang nilakad ang daan patungong paaralan.
11 11
12
Nag-aaral nang mabuti si Gracia dahil pangarap niyang maging isang magaling na guro at upang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.
13 13
14
Upang makatulong sa gastusin,pagkatapos ng kanyang klase, agad siyang umuuwi upang makapaglakong pako at tulya na nakukuha niya sa tabing bahay nila. At buong sigla niya itong ilalako sa buong baryo.
15 15
16
Ngunit siya ay nangangamba na baka hindi na siya makapag-aaral sa sekundarya hanggang kolehiyo dahil hindi sapat ang kita ng kanyang magulang. Nagpapastol lamang ng itik ang kanyang ama samantalang nakikigapas lamang ang kanyang ina.
17 17
18
Ganun pa man, hindi siya nawalan ng pag-asa.
Isang araw may magandang balita ang kanyang ama, "Anak, nakapasa ka bilang iskolar sa kolehiyo sa Mount Carmel College!" masayang sigaw ni Mang Bumoy na halos magkandarapa sa pagbabalita sa anak.
1919
20
Magkasabay na napaluha ang mag-ama at nagyakapan sa sobrang kagalakan, "Panginoon salamat po sa magandang balita tuwang-tuwa niyang nasambit.
20
2121
22
Nakapag-aral siya sa sekundarya hanggang kolehiyo ngunit hindi naging madali dahil namasukan siyang tagahugas ng plato sa isang karinderya at pumapasok naman sa gabi.
22
2323
24
At dahil sa kanyang pagsisikap at angking talino nakatapos siya ng pag-aaral nang may karangalan at naging isang matagumpay na guro.
2525
26
MGA KATANUNGAN:
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano-ano ang kanyang mga katangian?
3. Ano ang pangarap niya sa buhay?
4. Bakit mahirap para sa kanya ang maabot ang kanyang mga pangarap?
5. Paano niya naabot ang kanyang mga pangarap?
PAGSASANAY 1
26
27
Gumuhit ng bituin
sa tamang kolum at kulayan ayon sa sumusunod na pamantayan.
Pula- palagi kong ginagawa
Dilaw- paminsan-minsan kong ginagawa
Asul- hindi ko ginagawa
_____1. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa tuwing gigising sa umaga._____2. Iniingatan ko ang mga gamit na regalo ng aking magulang._____3. Nagagalit ako kapag wala akong baon._____4. Sinasabi ko ang salitang maraming salamat po Diyos ko sa aking mga magulang, kapatid, guro at kaklase sa kabutihang ipinapakita nila sa akin._____5. Ibinabahagi ko ang aking baon sa aking kaklase na walang baon.
PAGSASANAY 2
27
28
KURIKULUM WEB PARA SA KUWENTO
29
KURIKULUM WEB PARA SA KUWENTO
ESP 5 Nakapagpapakita ng iba't-ibang
paraan ng pasasalamat sa Diyos.
ESP5PD-IVe-i-15
ESP 3 Nakapagpapakita ng pananalig sa
Diyos.
ESP3PD-IVa-7
ESP 2 Nakapagdarasal nang may pasasalamat
sa mga biyayang tinanggap, tinatanggap at
tatanggapin mula sa Diyos.
EsP2PD-IVa-d-5
Si Gracia ay batang madasalin, masipag at mahilig magpasalamat sa lahat ng biyaya sa kanyang buhay. Kahit na sila ay mahirap at simple lamang ang pamumuhay ay nagsikap siyang makasstapos ng pag-aaral upang makamit ang kanyang mga pangarap at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
30