8
Kaagapay Vol. 2 No. 7 January-February 2012 Theme: Love and Friendship Do you want to contribute? Please submit your views, essays, poems, news, and event information to the Editor of Kaagapay Newsletter (Ms. Emily Abe; [email protected]). Any views and opinions expressed in this newsletter are solely those of the author and do not necessarily represent those of Kaagapay Newsletter Editorial Team. Kaagapay 8 Kaagapay Oita Filipino Association (KOFA) aims to contribute to the welfare of the Filipinos residing in Oita, Japan. Its mission is to provide Christ-centered, genuine, and exemplary leadership to its members. It envisions a Filipino community that promotes partnership, camaraderie, and religiosity. The organization’s mandate is to provide services and programs geared toward the development of its members not only as human beings but as Christians, as Filipinos, and as immigrants of Japan. As Christians, it is the duty of its members to help Filipino-Japanese families strengthen their Catholic faith. As Filipinos, members of Kaagapay shall take the lead in promoting the Filipino culture to their families in particular and to the Japanese community in general. As immigrants, members of Kaagapay shall assist each other in adapting to the Japanese culture, customs, and laws. www.kaagapayoita.weebly.com May this tie bind us with love, friendship, and solidarity. DID YOU KNOW THATThe year 2012 has been designated as the YEAR OF OUR FAITH” by Pope Benedict? Fr. Takahashi is urging us to profess our faith not only in words, but more in deeds. February 22 nd is already Ash Wednesday, and the Holy Week starts on April 2, Monday? Easter Sunday this year, thus, falls on the 8 th of April. There are 1440 minutes in one day, and that one round of rosary prayer won‟t take longer than 15 minutes? Laughter is the Best Policy….Este. Best Medicine! In the hospital Husband: (Balikbayan) Honey, bakit mukhang Amerikano itong anak natin, wala naman sa lahi natin ito ah. Wife: Di ba Hon,mahilig ka sa imported. Iyong mga kotse natin, German made. Iyong appliances natin halos mga Japan made. E, iyong jewelries naman natin, mostly mga European made. Kaya itong baby natin, may pagka American made. Nagtanong ang Teacher kay Juan Teacher: Juan anong hayop nag nagsisimula sa letter K? Juan: Maam!! Kuto po!! Teacher: Hindi nagtatapos ito sa letter w? Juan: Maam!! Kutow po!! Teacher: Hindi nasa lupa ito? Juan: Maam!!kutow lupa!! Teacher: Hindi may sungay ito? Juan: Maam!!alam kona po dimonyong kutow????? Source: Pinoyjokes.net

Kaagapaykaagapayoita.weebly.com/uploads/5/6/2/3/5623126/k... · Kung may tatanghalin na karaoke queen of the night nuon, tiyak kay Zeny Saito mapuputong ang korona dahil sa walang

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • 1

    Kaagapay Vol. 2 No. 7 January-February 2012

    Theme: Love and Friendship

    Do you want to contribute?

    Please submit your views, essays, poems, news, and event information

    to the Editor of Kaagapay Newsletter

    (Ms. Emily Abe; [email protected]).

    Any views and opinions expressed in this newsletter are solely those of the author and do

    not necessarily represent those of Kaagapay Newsletter Editorial Team.

    Kaagapay

    8

    Kaagapay Oita Filipino Association (KOFA) aims to

    contribute to the welfare of the Filipinos residing in

    Oita, Japan. Its mission is to provide

    Christ-centered, genuine, and exemplary leadership

    to its members. It envisions a Filipino community

    that promotes partnership, camaraderie, and

    religiosity.

    The organization’s mandate is to provide services and

    programs geared toward the development of its

    members not only as human beings but as Christians, as

    Filipinos, and as immigrants of Japan.

    As Christians, it is the duty of its members to help

    Filipino-Japanese families strengthen their Catholic

    faith.

    As Filipinos, members of Kaagapay shall take the lead in

    promoting the Filipino culture to their families in

    particular and to the Japanese community in general.

    As immigrants, members of Kaagapay shall assist each

    other in adapting to the Japanese culture, customs, and

    laws.

    www.kaagapayoita.weebly.com

    May this tie bind us with love, friendship, and solidarity.

    DID YOU KNOW THAT…

    The year 2012 has been designated as the YEAR OF

    OUR FAITH” by Pope Benedict? Fr. Takahashi is

    urging us to profess our faith not only in words, but

    more in deeds.

    February 22nd

    is already Ash Wednesday, and the Holy

    Week starts on April 2, Monday?

    Easter Sunday this year, thus, falls on the 8th of April.

    There are 1440 minutes in one day, and that one round

    of rosary prayer won‟t take longer than 15 minutes?

    A really kind person doesn’t only feel sorry for you

    Laughter is the Best Policy….Este. Best Medicine!

    In the hospital

    Husband: (Balikbayan) Honey, bakit mukhang

    Amerikano itong anak natin, wala naman sa lahi natin ito

    ah.

    Wife: Di ba Hon,mahilig ka sa imported. Iyong mga kotse

    natin, German made. Iyong appliances natin halos mga

    Japan made. E, iyong jewelries naman natin, mostly

    mga European made. Kaya itong baby natin, may

    pagka American made.

    Nagtanong ang Teacher kay Juan

    Teacher: Juan anong hayop nag nagsisimula sa letter K?

    Juan: Maam!! Kuto po!!

    Teacher: Hindi nagtatapos ito sa letter w?

    Juan: Maam!! Kutow po!!

    Teacher: Hindi nasa lupa ito?

    Juan: Maam!!kutow lupa!!

    Teacher: Hindi may sungay ito?

    Juan: Maam!!alam kona po dimonyong kutow?????

    Source: Pinoyjokes.net

    http://www.kaagapayoita.weebly.com/

  • Kaagapay The Official Newsletter of the Kaagapay Oita Filipino Association Vol.2 No. 7 January-February 2012

    Photo courtesy of www.c28.com

  • Kaagapay

    2

    Spiritually-Fulfilling Journey

    KOFA officers and members, led by the incumbent

    president, Ms. Grace Kudo, participated in the

    annual Gathering of Migrant Christians held at

    Kumamoto this year.

    With the theme: “To Live in Harmony With

    Faith and Social Responsibility”, the group

    listened attentively to the two Japanese NGO’s who

    were officially authorized to talk about the changes

    in the Immigration Control Acts to take effect July

    this year.

    The information campaign regarding the new rulings

    which affect all the foreign residents in Japan is now

    in full swing. The government has, therefore, asked

    the cooperation of the Catholic Church, where

    most Filipinos regularly gather, to help do the major

    job. (For more on this, please turn to page 7.)

    The event was also marked by the impressive

    interpretative dances of the songs The Prayer and

    The Power of your Love by three young ladies of

    Kumamoto.

    And last but not the least, was the Holy Mass

    celebrated by no less than Bishop Miyahara. His

    Excellency emphasized the need to be spiritually

    united in our cultural diversity. He said

    uniformity should not be our aim in our service to

    the Lord as it’s impossible to get rid of our own

    customs and identity even after many years in

    Japan.

    “We should stop saying the Catholic Church

    OF Japan, but rather, say the Catholic

    Church IN Japan”, he reiterated. . As a kind of

    parable, the Bishop went on to say that for a dish to

    be delicious and nourishing, many different kinds of

    ingredients should be blended together.

    From The Editor’s Desk

    IS IT ALL ABOUT LEADERSHIP?

    Nuong nakaraang Linggo, February 12, ay

    nagkaroon ng pagtitipon ang kaagapay members and

    friends sa isang karaoke joint sa Hanazono. As usual,

    enjoy to the max, ika nga.. Kung may tatanghalin na

    karaoke queen of the night nuon, tiyak kay Zeny Saito

    mapuputong ang korona dahil sa walang awat niyang

    pagbanat ng mga top hit songs ng 70’s at 80’s. Inaliw

    din niya kami ng kanyang walang kamatayang dance

    steps na pinasikat ni Lito Calzado at Aldeguer dancers,

    yun nga lang di na natin alam kung nasaan na sila

    ngayon.

    What was not usual o medyo naiba sa

    pagtitipon ay ang ginawang speech ng Kaagapay

    incumbent president na si Grace Kudo. Na impress ang

    bisitang hapon natin nuon na si Mr. Eiji Abe sa

    maramdamin niyang pagsasalita, yun nga lang at di

    niya naintindihan maliban sa pasundut-sundot na

    interpretation ng kanyang katabi nuon.

    Medyo nakakagulat nga dahil feel na feel ng

    ating kaagapay leader ang pag-appeal sa lahat ng mga

    nanduon na magkaroon pa ng ibayong pagmamalasakit

    para sa pagtatagumpay ng ating organisasyon na

    naglalayong mapaayos ang takbo ng ating

    pagsasamahan at pamumuhay dito sa ibayong bansa.

    “Makisama naman kayo at huwag balewalain ang mga

    panawagan sa pagtitipon na tulad nito. Sadyang

    kailangan ito, at di naman pala-palagi, o para ano pa’t

    nagbuo tayo ng asosasyon kung ang sariling kapakanan

    lang natin ang ating iisipin? Isang taon lang naman ang

    term ko.” (Inagaw ko ang mike at nilinaw na yearly ang

    botohan ng KOFA president pero puwede pa siyang

    ma-re-elect.) “Hindi na siguro kaya’t nais kong ibuhos

    na ang kakayahan ko ngayon habang nakaupo pa ako.

    Pero tulungan nyo naman ako.” At inisa-isa niya ang

    line up of activities ng KOFA during her term. (See page

    6 for the continuation.)

  • Kaagapay

    7

    Isang pormal na meeting ang pinatawag ni KOFA Pres. Grace Kudo nuong Linggo, Feb. 12, upang ibahagi ang

    mga natutunan sa seminar na kanyang dinaluhan sa Kumamoto ukol sa mga bagong Immigration Policies na

    sumasakop sa lahat sa ating mga Pinoy at Pinay sa Japan.

    Nasasaad sa bagong batas, halimbawa, na ang ating Alien Card na siyang nagpapatunay na tayo’y mga legal na

    residente ng bansa, ay mapapalitan ng Residence Card na walang iniwan sa mga mamamayang Hapon. Ang

    kaibahan lang ay obligasyon nating dalahin ang bagong RC pala-palagi. Sa oras na ini-request ng ano mang

    awtoridad na ipakita natin ito at di natin magawa, may akmang mabigat na kaparusahan tulad ng pagmu-multa

    na aabot sa 25 lapad, o maging ang pag-aalis sa atin ng karapatang manatili dito sa bansa. May IC chip din daw

    ang ipalalabas na RC na nagsasaad ng personal data ng holder nito. Ano mang maling info feed dito tulad ng

    ibang tinutuluyang lugar ngayon sa address na naka-register duon, halimbawa, ay di pahihintulutan. Ang

    paglipat ng tirahan ay dapat i-report agad sa immigration sa loob ng 14 na araw. Sa madaling salita, ano mang

    pagbabago sa ating status dito, tulad ng divorce, pagpanaw ng asawa, paglipat ng workplace, etc. ay dapat

    i-report sa loob ng dalawang Linggo ng walang palya kung ayaw nating magka problema.

    Hinihikayat din tayong pumunta ng personal sa City Hall o Immigration Office kung mayroon man tayong

    agam-agam o katanungan tungkol sa ating alien status dito. Huwag daw maniwala sa sabi-sabi at matakot

    agad-agad lalo na ang mga may permanenteng residence permit. Ipinayo rin duon sa seminar na madaliin nang

    i-ayos ang ano mang dapat i-ayos sa kasalukuyan bago maabutan ng mga paghihigpit na mag-uumpisa sa buwan

    ng Hulyo ngayong taon.

    Marahil ang pinakamahalaga sa bagong patakarang iiral, ayon kay Ms. Grace Kudo, ay ang pag recognize ng

    gobyernong hapon sa Simbahang Katoliko bilang isang mabisang institusyon sa pagpapalaganap ng mga opisyal

    na patakaran ng bansa kaya’t, sabi nga niya, kailangang maging aktibo tayo sa pagsisimba at maging miyembro

    ng Kaagapay na isang church-based organization.

    Thumbs up, Lady President!! Afterall, a person with Faith should also know and do her/his

    social responsibilities, right?

    ***Para sa detalyadong impormasyon, may mga available pamphlets sa Oita Church sa English at Hapon, at

    may tagalog version na ipinamimigay ang KOFA upon request.

    ***Makakatanggap tayo ng personal notice tungkol dito mula buwan ng Mayo. Kailangang pumunta agad sa

    petsa at lugar na nakalagay sa sulat para ma-issue-han ng RC.

  • Kaagapay

    6

    Ang Tunay na Mabait

    Sa Germany daw, ang salitang “sympathy” ay may

    dalawang anyo; yung una ay tulad sa tagalog na

    pakikidalamhati sa kalungkutan ng kapwa; at ang isa

    naman ay ang pakikisaya sa tagumpay ng iba. “To

    sympathize is to be in harmony with someone

    else’s feelings.”

    Sa totoo lang, mas madali para sa atin ang

    maka-relate sa pagdurusa ng kapwa kaysa sa kanilang

    tagumpay. Nangingibabaw daw sa atin ang feeling of

    superiority, o higit tayong mapalad, kapag may

    nakikita tayong biktima ng trahedya, at siyang

    nag-uudyok sa atin upang maawa at tumulong sa

    kanila. “It takes no great moral or spiritual

    qualities to feel sorry for a person who has fallen

    from a tremendous height, or has suffered an

    irreplaceable lost” Natural lang daw na mag-react

    tayo’t maawa kapag may nakita tayong taong nahulog

    mula sa mataas na lugar. Kahit nga daw ang mga taong

    masasabing may masamang ugali ay handang tumulong

    sa mga nagiging biktima ng malalaking disaster tulad

    ng bagyo at tsunami na napapanood nila sa telebisyon.

    “When, however, a friend of theirs is riding the

    crest of good fortune, these unpleasant people are

    totally unable to “sympathize” or relate. Instead,

    they sneer, (umiismid), they pick flaws,

    (naghahanap ng maipipintas), and make dire

    predictions, (gumagawa ng pangit na pangitain)”.

    Nandiyan na ang mainis sila at mainggit sa halip na

    makiisa sa kasiyahang nadarama ng sinusuwerteng

    kapwa.

    Sa makatuwid, ang makatagpo ng tunay na

    mabait na tao ay sadyang pagpapala. Di lamang

    siya marunong makiisa sa ating mga dalamhati kundi

    nakakadama rin ng tunay na kasiyahan sa ating mga

    tagumpay. Hindi lamang siya parang naghahagis ng

    mga tirang pagkain sa gutom na aso, kundi marunong

    ding tumingala at magpakumbaba sa mga taong medyo

    nakaaangat sa kanya. (Hango sa isang essay na

    ginamit sa High School English Test)

    From the Editor’s Desk...From page 2.

    Habang nakikinig ako sa seryosong speech ng ating lider, ako

    ay nagmuni-muni: bakit kahit na hardworking at decisive naman

    ang leader, may konsiyensiya at sapat na kaalaman, katulad ng mga

    naging leader na natin matapos ang panahon ni Marcos, ay parang

    di pa rin maangat –angat ang kabuuang kalagayan natin sa

    Pilipinas? Natatandaan nyo pa ba ang nagbabagang pagtanggap

    natin kay Cory Aquino na parang pumalya rin dahil sa nagmahal

    ang presyo ng galunggong? Tapos ang respeto at expectations natin

    kay Ramos dahil sa Westpoint graduate at first hand experiences

    daw niya na nagwakas sa disappointments? At di ba’t naisip natin

    na baka di matalino at may pinag-aralang tao ang sasalba sa atin

    kaya’t kumapit tayo sa mala-Robinhood na patalim ni Estrada? Pero

    ganu’n din, sinarili ang mga kurakot at nagpalala ng sitwasyon ng

    bansa. It was time for another lady president na di na raw

    kailangang mangurakot dahil sobrang yaman na, pero masaklap din

    ang naging ending ng leadership ni Arroyo na di lingid sa atin. Pero

    dahil malilimutin daw ang mga Pinoy at sadyang positibo ang

    pananaw, ayan at sobra na naman ang excitement sa pagpasok ni

    Noynoy Aquino na di pa mandin nakakapuwesto ng maayos sa

    kanyang trono ay sobra nang pambabastos at paninira ang inaabot.

    Hindi pa tapos ang kanyang kabanata, may maasahan kaya tayo sa

    leadership ng bagong-halal nating presidente?

    Marahil ay wala pa ring mababago, at yun ay di lamang dahil sa

    kanyang pamamahala, kundi marahil, dahil sa kakulangan ng ating

    MEMBERSHIP spirit.

    In short, hindi kaya ang ikatatagumpay ng isang grupo, maliit

    man o malaki, ay nakasalalay ng higit sa MEMBERSHIP at hindi sa

    LEADERSHIP? Kahit anong sipag at ka-sincere ng lider, kung di

    naman supportive ang members, wala pa ring mangyayari.

    TEAMWORK, yan marahil ang kulang sa ating tinatayong mga

    institution na may mga magagandang layunin at magagaling na

    pinuno.

    Alam natin ang ating mga karapatan bilang miyembro,

    ginagawa rin kaya natin ang ating mga responsibilidad bilang

    miyembro para matulungan ang ating lider sa ikapagtatagumpay ng

    lahat?...Nagtatanong lang po…

  • Kaagapay

    3

    Bonding of Hearts

  • Kaagapay

    4

    A STEEL ROSE WITH A MARSHMALLOW HEART

    An Interview with Ms. Rosa Urano Yan si ROSA ! Maaaring mas kilala bilang MOMMY ng mga

    RITSUMEIKAN foreign exchange students, may pagka-mahaderang

    ina ang image, may pagka-prangka na nakaka-turn off ang dating, at

    may pagka-bakla ang ugali na mahirap seryosohin kung

    minsan----BUT WAIT !!! Lahat ng deskripsiyon sa taas ay panlabas na

    anyo lamang ni Mommy Rose. Siya na yata ang isa sa MOST-LOVED

    and RESPECTED ladies ng Filipino Community sa Beppu City. At

    least, that’s how she feels. Here’s a closer look at her insides:

    Q: May nagsasabi na mas gusto mo pa raw pakisamahan ang mga Pinoy at other foreign students ng APU kesa ang mga kapwa

    permanent residents mo sa Beppu. Totoo ba yun?

    R: Oo. Kasi una hindi sila mahilig sa tsismis, tipo bang di ka maiintriga sa pakikisama sa kanila (although minsan nga narinig ko yung

    comment na masyado raw maraming lalaking pumapasok sa bahay ko. Ay, inggit lang sila!). Pangalawa, enjoy akong i-offer ang

    bahay ko bilang home-away-from-home nila.

    Q: But they just come and go, don‟t they?

    R: Oo nga. Pero kahit wala na sila feel ko pa rin ang love and respect nila. May contact pa rin. Pati nga parents nila nagiging friends ko.

    Q. So, how hard is it to say goodbye sa kanila everytime na ga-graduate sila? (With sudden tears in her eyes, and in a shaky voice)

    R: Naku, ate ha, pinag-e-emote mo ako…Napakahirap, kasi siyempre, parang mga sariling anak na namin silang mag-asawa di ba?

    Q: Pero GO ka pa rin??? (Isang tango ng ulo na may kasabay na singhot)

    Q: So, ang asawa mo ba mula pa umpisa ay may fatherly concern din sa mga ampon mo? Kailan at paano nga palang nag-umpisa ang

    pag-aalaga mo sa mga estudyante?

    R: Si Fr. Dave kasi nuong bagong tayo pa lang ang APU ng year 2000, madalas niyang isama ang mga estudyante sa bahay. Kadalasan

    gutom sila, kaya ayun, luto ko sila. Tapos at home na at home din sila dahil puwede silang mahiga duon, magpahinga, ganun. Yung

    asawa ko minsan nagrereklamo. Gusto rin naman daw niya ng katahimikan paminsan-minsan. Nag-aaway nga kami dahil dun

    nung umpisa…

    Q: Ngayon hindi na? Kung baga “if you can‟t beat them, join them?” na lang siya?

    R: Ngayon ate mas close pa siya sa kanila kesa akin, „no! Minsan nga may mga sikreto siyang mas alam, especially tungkol sa boys

    pagdating sa lovelife nila. Isa pa, naging Christian na rin siya kaya siguro parang natural na rin ang pagtulong niya.

    Q: Ikaw ba sa Pinas pa lang pala-simba na?

    R: Oo, ate. Member ako ng choir sa church namin duon. Pero ang talagang dahilan bakit feel ko na pagsilbihan ang mga estudyante ay

    dahil miss na miss ko ang dalawang anak ko nuon na nag-aaral sa atin duon (The steel rose melting like marshmallow again…).

    Naisip ko siguro kong magiging mabait ako sa kanila, may gagawa rin ng ganuong kabutihan sa mga anak ko.

    Q: Nasaan na sila ngayon?

    R: Si Popoy di ba nag Summa Cum Laude sa La Salle? Tapos ngayon certified accountant na. Yung babae ko graduate na rin at pareho

    silang maayos duon sa atin.

    Q: Wow, big deal! Mabalik tayo…So, ano ang masasabi mong pinaka-fulfilling na parte ng kawanggawa mo?

    R: Ayun, pag naririnig ko na successful sila. Tulad ni Budoy, (Melvin), na researcher na sa La Salle, tapos si Allan na na-in sa Dept. of

    Foreign Affairs, di ba? (See page 5 for the continuation.)

  • Kaagapay

    5

    Photo courtesy of www.pptbackgrounds.net

    A STEEL ROSE WITH A MARSHMALLOW HEART from page 4.

    Q: Ano naman ang medyo ayaw mo na parte?

    R: Minsan nagkakatampuhan din kami. Kasi may pagka-selosa

    rin talaga ako. Tapos minsan nga ayaw rin nilang

    masasabihan, ayun…

    Q: So, parang perfect family rin talaga na may tampuhan blues,

    ano? Rosa, ano ang naging bahagi mo sa pag-graduate nila

    ng maluwalhati sa isang prestigious university sa buong

    Asia-Pacific? Can you claim any contribution to their

    success?

    R: You mean tulad nila Wilbur, Mamert, Irene (Ei)…alam mo ate

    may special name ako sa kanilang lahat…at ngayon si Budoy

    at marami pang iba? Siguro yung nabawasan yung lungkot

    nila dahil parang mayroon din silang pamilya dito kahit

    malayo sila. Kesihodang gumastos ako at mapagod, basta’t

    alam ko lang na naasikaso ko sila. Kasi nanduon ang love at

    respeto, lalo na’t pag nagawi sila ulit sa Japan. Di maaaring

    di nila ako pupuntahan… ganun! Masaya na ako nu’n…

    Q: And last, but not the least, ano sa iba’t ibang group na

    nandiyan ngayon, KOFA, SOBA, at iba pa ang gusto mong

    ma-identify ang grupo mo? O may sarili ka na bang tawag sa

    grupo mo?

    R: Sabi nga nila nakikita daw ang mukha ko sa fb sa lahat ng

    iba’t ibang group pictures. Intriga! Pero pag tinanong ako

    kung anong grupo ko talaga, sasabihin kong Beppu Catholic

    Church English Mass Group dahil yan ang sentro ng mga

    aktibidades ko at ng aking mga anak-anakan..

    A Thank You Note.

    My sincere thanks to all my

    KAAGAPAY sisters (ate) for all your

    Care, Friendship, and Blessings.

    Till we meet again!

    Melvin

    The hunger for love is much more

    difficult to remove than the hunger for

    bread. ~Mother Teresa

    Gravitation is not responsible for

    people falling in love. ~Albert Einstein

    There is no surprise more magical than

    the surprise of being loved. It is God's

    finger on man's shoulder. ~Charles

    Morgan

    You have to walk carefully in the

    beginning of love; the running across

    fields into your lover's arms can only

    come later when you're sure they won't

    laugh if you trip. ~Jonathan Carroll,

    "Outside the Dog Museum"

    The art of love is largely the art of

    persistence~ Albert Ellis

    Love is the only sane and satisfactory

    answer to the problem of human

    existence. ~Eric Fromm

    Love has no desire but to fulfill

    itself. To melt and be like a running

    brook that sings its melody to the

    night. To wake at dawn with a winged

    heart and give thanks for another day

    of loving. ~Kahlil Gibran

    Source: http://www.quotegarden.com/love.html

    http://www.quotegarden.com/love.html