11
KRONOLOHIYA Ang Panahon ng mga HUN o HSIUNG-NU HUN – mula sa "Khun", na nangangahulugang "tao". Ang Imperyong Hun, 209 B.K. – 166 M.K. Isang sandatahang bansang mga "nomad na pastoral" na "nagtatanim din ng butil". Shan yuek ang tawag sa pinuno. I. Ang Unang Imperyo, 209 B.K. – 8 M.K. sa paghahari ni Mao Dun (209 – 174 B.K.), nakamtan ng mga Hun ang sukdulan ng kapangyarihan. Noong 100 B.K., nahati sa dalawa ang mga Hun, ang mga taga-hilaga (Outer Mongolia) at ang mga taga-timog (Inner Mongolia) II. Pangalawang Imperyo, 19 B.K. – 46 M.K. Ang mga Hun sa Timog ay pumasok sa orbit ng sibilisasyong Intsik; ang mga Hun sa Hilaga ay tumuntong sa Europa. III. Matapos ang mga Hun: Pagbubuo ng grupong etniko. a. Samoyed b. Yukagir c. Tungguz – Manchu. d. Kirghiz at Uzbek e. Mga Turko- Monggol. 1

KAS 2 - Superdupermega final draft

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KAS 2 - Superdupermega final draft

KRONOLOHIYA

Ang Panahon ng mga HUN o HSIUNG-NU

HUN – mula sa "Khun", na nangangahulugang "tao".

Ang Imperyong Hun, 209 B.K. – 166 M.K.

Isang sandatahang bansang mga "nomad na

pastoral" na "nagtatanim din ng butil".

Shan yuek ang tawag sa pinuno.

I. Ang Unang Imperyo, 209 B.K. – 8 M.K.

sa paghahari ni Mao Dun (209 – 174 B.K.),

nakamtan ng mga Hun ang sukdulan ng

kapangyarihan.

Noong 100 B.K., nahati sa dalawa ang mga Hun,

ang mga taga-hilaga (Outer Mongolia) at ang

mga taga-timog (Inner Mongolia)

II. Pangalawang Imperyo, 19 B.K. – 46 M.K.

Ang mga Hun sa Timog ay pumasok sa orbit ng

sibilisasyong Intsik; ang mga Hun sa Hilaga ay

tumuntong sa Europa.

III. Matapos ang mga Hun: Pagbubuo ng grupong

etniko.

a. Samoyed

b. Yukagir

c. Tungguz – Manchu.

d. Kirghiz at Uzbek

e. Mga Turko- Monggol.

Attila, ang dakilang Hun

1

Page 2: KAS 2 - Superdupermega final draft

Ang Mga Mongol at ang kanilang Imperyo.

I. Buhay at pananalakay ni Genghis Khan.

Ang pamumuhay nila ay may malaking

pagbabago. Mula sa mga Clan na ang sagisag ay

kuren o sirkulo ng mga tolda ng mga

magkakamag-anak na pumapaligid sa tolda ng

pinakamatandang miyembro ng angkan, ay

naging mas maliit na grupong pampamilya na

ang simbolo ay ALL o pamilyang hiwa-hiwalay

na gumagala.

Sa lipunang ito ipinanganak si Temujin

noong1155/56. Noong kuriltai ng taong 1206 ay

iginawad kay Temujin ang titulong Khaqan at

siya’y tinawag na Genghis Khan.

Kapital: Karakorum

Kababalik palang ni Genghis Khan mula sa mga

kampanyang militar s Persia nang siya’y

mamatay noong 1227.

§ Kuriltai – pagtitipon ng mga prinsipe at pinuno.

II. Ekspansyon at Pagpapatatag ng Imperyo, 1229-

1259

- Panahon kung saan humalili sa posisyon

na dakilang Khan sila:

1. Ogedei

2. Guyuk

3. Mongke

- Lumawak ang imperyo sa halos buong

Eurasya: Tsina, Persia, Anatolia,

Silangang Europa.

III. Pagkakawatak- watak

- Nagsimula noong 1265 nang naging

Dakilang Khan si Kublai, ang sumunod

kay Mongke.

- Khanbalik ang siyang naging kapital

imbes na Karakorum.

- Ang mga ekspidisyon sa Hapon (1274 at

1281) at Java (1293) ay hindi tagumpay

- Nagkaroon ng maraming Khanato.

2

Page 3: KAS 2 - Superdupermega final draft

RELIHIYON

TENGRIISMO / SHAMANISMO: ito ay mga hanay ng tradisyunal na paniniwala at mga gawi ukol sa pakikipagugnayan sa mundo ng mga kaluluwa o ispirito.

--Etimolohiya:-Ang terminong “shaman” ay hiram mula sa salitang

Turkic, “saman”, na ibig sabihin ay “practitioner”. May kaugnayan din ito sa salitang Tungus o mga taga-Evenk na “-sa” na ang ibig sabihin ay “to know”.

--ang Shamanismo ay isang termino na ibinigay ng mga kakanluranin. Ang mas tamang katawagan para sa paniniwalang ito ay Tengriismo. --ang ibig sabihin ng Tengriismo ay pagsamba sa mga kaluluwa, samantalang ang Shamanismo ay tila ibig pakahulugan ang pagsamba sa mga Shaman.

TATLONG DOKTRINA NG TENGRIISMO

--ang unang doktrina ng tengriismo ay, ayon sa kanila, buhay ang mundo. Ang mga halaman, hayop, tubig, atbp. ay may mga kaluluwa na dapat igalang. Iginagalang nila ito dahil kung hindi, mamalasin ang kanilang lupain.

--personal na responsibilidad ang ikalawang doktrina. Naniniwala sila sa konsepto ng buyan na halos katulad ng karma. Ayon sa kanila, ang isang responsableng tao ay tanda ng pagiging matuwid nito.

--ang ikatlong doktrina ay balanse sa buhay. ang balanse ay mahalaga upang manatili ang kaayusang pansarili, pang-nayon, at pang-kapaligiran. Kapag walang balanse, magiging masama ang epekto nito sa mundo.

ANG SHAMAN: siya ang maestro ng mundo ng mga kaluluwa. Tungkulin niyang panatilihin ang kaayusan at balanse sa buhay. Gumagawa rin siya ng mga pagbabasbas, iba’t-ibang ritwal, salamangka, at tagapagpagaling ng kaluluwa.

--ang tawag sa isang shamanistikong pagtatanghal ay kamlanye.

--ang mga nagiging shaman ay pinipili ng mga kaluluwa pagkapanganak pa lamang sa kanya. Meron ding ibang kaluluwang pumapasok sa shaman, ang tawag sa kanila ay udha.

TATLONG URI NG SHAMAN

1. itim na shaman--sila ang pinakamakapangyarihan sa tatlong uri ng shaman.--mga pandigmang shaman laban sa kasamaan

2. puting shaman--sila ay mga shaman na may espesyal na ugnayan sa mga ispirito ng kalikasan.

3

Page 4: KAS 2 - Superdupermega final draft

--tungkulin nilang pakalmahin ang mga kaluluwang galit.

3. dilaw na shaman--sila ang mga shaman na naimpluwensiyahan ng lamaismo. Nagsisilbi sila bilang tagapaglingkod ng mga lamas.

MGA PANGUNAHING KONSEPTO, TERMINOLOHIYA, ATBP. SA TENGRIISMO

--ang tengriismo ay may tatlong pangunahing mundo: upper world, middle world, at lower world.TATLONG MUNDO NG MGA SHAMAN

1. ang upper world ay tinatawag na

tymanitki (lit. toward morning).

Dito dinadala ang kaluluwa ng mga taong namuhay ng mabuti sa lupa. Ang pasukan patungo rito ay ay ang North Star.

2. sa middle world, o dunne, naman nabubuhay ang mga tao, hayop at ang mga shaman.

3. ang lower world ay tinatawag na dolbonitki (lit. abyss) o

bukit (lit. place of death). Dito dinadala ang mga kaluluwang

masasama. Ang pasukan patungo rito ay sa pinaka-kailalimang bahagi ng malalaking katubigan.

--ang tymanitki, middle world, at dolbonitki ay pinagdudugtong ng isang

pangunahing ilog, ang Engdekit.

--etimolohiya: Engdekit (lit. place of prohibition, from engi, “one cannot”)

--tanging mga shaman lamang ang maaaring pumasok sa Engdekit.

--ang tawag sa bahay ng shaman ay

shevenchedek.

--turu, isang puno ng shaman, ay nakalagay sa gitna ng shevenchedek. Ito ang nagiging tagapagbantay ng bahay ng shaman, at tulay patungo sa upper world.

4

Page 5: KAS 2 - Superdupermega final draft

BUDHISMONG TIBET / LAMAISMO: ay isang uri rin ng Budhismo, na tinatanggap ang mga konsepto ng Buddhist Tantras. Pinahahalagahan rin nila ang ugnayang ‘Guro-disipulo’; naniniwala rin sila kina Buddha, mga bodhisattva, demonyo, atbp.

--ay isang uri ng budhismo na sumibol noong ikapitong dantaon sa Tibet at lumaganap pa sa buong rehiyon ng Himalayas, kabilang ang mga bansang Bhutan, Nepal, at Sikkim.

--ang konsepto ng Dalai Lama ay nagsimula noong ikatlong yugto ng Lamaismo sa pamamagitan ni Tsong-kha-pa, ang nagtatag ng Yellow Hats.

ANG LIMANG DAKILANG TRADISYON/PAARALANG ISPIRITWAL NG LAMAISMO

1. Nyingma (ang mga sinauna)2. Kagyu ( ang pinagmulan ng salita ni Buddha)3. Sakya (malaabong lupa)4. Gelug (daan ng kabanalan)5. Bön [isang shamanistikong uri ng tradisyon sa mga

taga-Himalayas]

ANG DALAI LAMA: siya ang pinuno ng mga naniniwala sa Lamaismo. Katumbas siya ng Santo Papa ng mga Katoliko.

--Etimolohiya:

-ang ibig sabihin ng Dalai ay ‘karagatan’. Ang Lama naman ay‘guro’.

--ang Dalai Lama ay tinitingnan ring bilang si Bodhisattva Avalokiteshvara, ang panginoon ng awa.

--pinaniniwalaang ang bawat nagiging Dalai Lama ay “reincarnation” ng kanyang sinundan.

--kapag yumao ang isang Dalai Lama, pinipili ang papalit sa mga bagong panganak na batang lalaki. At ang batang may kakayahang piliin ang gamit ng yumaong Dalai Lama ay siyang uupo bilang kapalit.

ANG LABING-APAT NA DALAI LAMAGedun Drupa (1391-1474)

Gedun Gyatso (1475-1542)

Sonam Gyatso (1543-1588)

Yonten Gyatso (1589-1617)

Ngawang Lobsang Gyatso (1617-1682)

Tsangyang Gyatso (1682-1706)

Kelsang Gyatso (1708-1757)

Jamphel Gyatso (1758-1804)

Lungtok Gyatso (1805-1815)

Tsultrim Gyatso (1816-1837)

Khedrup Gyatso (1838-1856)

Trinley Gyatso (1856-1875)

Thupten Gyatso (1876-1933)

5

Page 6: KAS 2 - Superdupermega final draft

Tenzin Gyatso (1935- kasalukuyan)

--si Tenzin Gyatso ang kasalukyang Dalai Lama.

--sa wikang Tibet, ang ibig sabihin ng Gyatso ay ‘karagatan’.

--Panchen Lama o Teshu Lama ang tawag sa pangalawang pinuno sunod sa Dalai Lama. Ang ibig sabihin ng Panchen sa wikang Mandarin ay ‘dakilang iskolar/dalubhasa’.

INSTITUSYONG PULITIKAL

KHANATO Mula sa salitang Turko na ginagamit upang ilarawan ang

isang institusyong pampulitikal na pinamumunuan ng isang Khan.

Ang institusyong pulitikal na ito ay karaniwan sa Eurasian steppe na maaring ihalintulad sa pamunuan sa tribo, kaharian o imperyo.

Khan Ang tawag sa namumuno sa isang khanato Ito ay may maraming mga katumbas na kahulugan tulad ng

komandante, lider, o pinuno.

Genghis Khan Itinuturing na isa sa

pinakamagaling na pinuno sa buong asya

Kilala sa pangalang Temujin Pinag-isa ang mga tribo sa

hilagang-silangang asya, at nagtatagng Imperyong Mongol at dahil ito, itinanghal siya bilang unang Khagan (Khan ng mga Khan) na ibig sabihin ay hari ng mga hari.

6

Page 7: KAS 2 - Superdupermega final draft

Si Genghis Khan ay namatay noong 1227 sa Karakorum, ang sentro ng imperyong Mongol, pagkagaling sa pagsalakay sa Tangut.

Ang apat na KhanatoBilang pagsunod sa tradisyong Mongol ay hinati ni Genghis

Khan ang imperyo sa apat niyang anak na lalaki (Jochi,Chagatai,Ogedei,Tolui) sa unang asawa. Sa tulong ng kanyang mga apo, ang mga teritoryong ito ay lumawak hanggang sa maitatag ang apat na Khanato:

1. Dakilang Khanato – sa Silangang Asya na pinamumunuan ni Ogedei (pangatlong anak), na siya ring sumunod na Khagan

2. Khanato ng Chagatai – sa Gitnang Asya at hilagang Iran na pinamumunuan ni Chagatai (pangalawang anak)

3. Il Khanato – sa Persia, pinamumunuan ni Hulagu anak ni Tolui (bunsong anak)

4. Khanato ng Kipchak o Ginintuang Horde - sa Russia sa pamumuno ni Batu; dahil namatay si Jochi bago si Genghis Khan, nahati sa dalawang anak ni Jochi ang teritoryo, ang Blue Horde at White Horde, nina Batu at Orda. Ito ay kalaunang pinagisa bilang Ginintuang Horde.

Mga Naging Dakilang Khan o Khagan

Genghis Khan (1206-1227)Ögedei Khan (1229-1241)Güyük Khan (1246-1248)Möngke Khan (1251-1259)Kublai Khan (1260-1271)

Kublai Khan- Pangalawang anak ni Tolui at

apo ni Genghis Khan- Ang huling khan ng

Imperyong Mongol, at nagtatag ng Dynastiyang Yuan sa Tsina

LIPUNAN AT EKONOMIYA

7

Page 8: KAS 2 - Superdupermega final draft

Pasturalismo (Pasturalism)

ekonomiya at pamumuhay na nakatuon sa pag-aalaga ng mga hayop.

arid grasslands, semi-deserts, steppes atbp. Mongolia: rocky desert (parte ng Gobi) at steppes

(grassy plain) Ang lupa sa ganitong mga lugar ay hindi kayang

taniman ngunit ang mga halaman dito ay maaaring magamit para sa animal husbandry.

Mongolia, Kyrgyzstan, Turkmenistan, Kazakhstan, Afghanistan, Iran, at Pakistan.

Pastoralists

mga tao na nabubuhay na sumusunod sa Pastoralismo mga dating farmers na naimpluwensyahan ng mga

taga-Kanlurang Asya hayop na inaalagaan: tupa, kambing, baka, kabayo,

yak, cattle, camel, atbp.

Produkto ng mga hayop: dairy foods, dugo, karne, lana (wool), hides (animal skin), dung (nagagamit sa pag-gawa ng fuel).

Dalawang klase ng Pastoralism

Transhumance - seasonal na paglipat ng mga pastoralists kasama ang kanilang livestock sa malalapit lamang na lugar

- kadalasan ay sa matataas na lugar tuwing summer at lower valleys kapag winter

Nomadic Pastoralism - seasonal na paglipat ng mga pastoralists kasama ang kanilang livestock sa malalapit lamang na lugar

8

Page 9: KAS 2 - Superdupermega final draft

Ger o Yurt

tirahan ng mga pastoralists madaling ilipat at hiwa-hiwalayin ang mga parte ito ay pabilog at wood lattice ang ginagamit na

binabalutan ng greased circular felt. ginagamit ng mga Nomads at Pastoralists sa mga

Steppe sa Hilagang Asya

9