Upload
mara-angela-abueva
View
49
Download
0
Embed Size (px)
DESCRIPTION
MPs 161 Estilo
Citation preview
5/19/2018 Kahoy at Seda
1/4
1
Abueva, Mara Angela R. MPs 161
2011-78754 Setyembre 2, 2014
Kahoy at Seda, Hugis at Linya
Sa tuwing pumupunta ako ng Quiapo, napapadaan kami ng aking ina sa kalye
Globo de Oro. Bukod sa agaw-pansin ang kumikinang na gintong bubong sa ilalim ng
araw, nakakapagtaka kung bakit puro mga hugis ng buwan at tatsulok ang disenyo ng
gusaling itinayo ng mga Pilipinong sumasampalataya kay Allah. Bakit kaya may mga
linya na parang mga alon, sumusunod sa hampas ng drum at gong na dumadagundong
sa palibot ng Mosque. Kahit sa mga malong at sarong na ibinebenta sa hindi kalayuan,
mga matitingkad na kulay ng pula, lila at asul ang makikita sa mga pa-ulit-ulit na hugis
heometrikal na nakaimprenta sa mga ito.
Muli kong natagpuan ang mga kakatwang mga hugis nang pumunta ako sa Vargas
Museum para sa isang eksibit. Makikita sa ikatlong palapag ng museo ang mga kahoy
na may ukit ng mga bulaklak o kayay mga tuluyang linya. Tinatawag pala ang mga
ganitong disenyo na ukkil o okil na nangangahulugang sining ng pag-uukit sa kahoy.
Sinasabing nagmula pa ito sa mga Muslim ng Gitnang Silangan na minana at higit pang
pinagyaman ng mga Pilipino sa Mindanao.
Bukod sa mga kasangkapan sa bahay na higit pang pinaganda ng ukkil, sa eksibit ako
unang nakakita ng sari-saring disenyo ng sunduk (grave marker). Taliwas sa
malungkot na kulay ng itim at puti na mga lapida na mayroon ang mga Katoliko,
nagtataglay ng matingkad na mga kulay at may abstraktong porma ang pananda ng
kamatayan ng mga Muslim. Pinupuno ito ng mga guhit at tuldok na tuloy-tuloy na
5/19/2018 Kahoy at Seda
2/4
2
parang bang tubig na malayang nakakadaloy, nagpapahiwatig ng buhay na winawaksi
ang konsepto ng simula at wakas.
Binanggit sa isa sa mga tala ng curator ng eksibit na mahigpit na ipinagbabawal noon
ang paggamit ng hugis ng tao, o maging mga gawain ng tao, bilang paksa ng mga
likhang sining ng mga Muslim. Bagamat walang tiyak na nakasulat sa Koran na ang
gawing ito ay masama, mariin itong tinututulan ng mga konserbatibo dahil
nagpapahayag ito ng pagsamba sa mga diyos liban kay Allah at paglapastangan sa
katawan ng tao bilang sisidlan ng buhay.
Ang sinumang lumabag sa pagbabawal ng mga sining na nagtataglay ng mga hugis-tao
na pigura ay tiyak na susunugin at ang mga manlilikha ay papahirapan. Sa ganitong
kinagawian umusbong ang paglinang sa ibang paraan ng mga Muslim para
maipahayag ang kanilang sining, at ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya at
hugis na malayo sa ipinagbabawal.
Kung si Ligaya Amilbangsa ang tatanungin, tatlo ang uri ng ukkil para sa kanya. Ito ay
ang sumping (bulaklakin), birdo(punongkahoy), at hashash(ahas). Pero may
nagtangkang humiwalay sa mahigpit na sensura at pagkakahon sa mga itinakdang
guhit at hugis. May naglakas-loob na gumamit ng porma ng tao na makikita sa isang
sunduk na mula sa koleksyon ni Floy Quintos. Bagamit hindi mapapansin sa unang
tingin, malalamang para bang nakatindig na batang babae ang pangkabuuang hugis ng
sunduk, at nakatali ang kanyang buhok na para bang nakapusod. Bukod sa
katapangan, nagbibigay ng pagtingin ang lumikha ng babaeng sunduk na malaki ang
potensiyal ng sining na maging mapagpalaya, at tuluyang lumaya dahil sa sining.
5/19/2018 Kahoy at Seda
3/4
3
Sa kabilang bahagi ng Vargas Museum matatagpuan ang isa pang likhang likas
sa mga Muslim. Ang sutla o paghahabi gamit ang sutla siughay (sedang pinaikot). Sa
bawat etnikong pangkat ng Mindanao, may ibat ibang paraan ng paghahabi gamit ang
seda. Sa mga Maranao, mayroong malong landapat malong andonna parehong may
naiibang uri ng pagbuburda. Sa mga taga-Maguindanao, naging kilala ang mga
disenyong plaid na naiiba sa bawat pamilya. Ang mga Yakan naman ay pinagsasama
ang seda at bulak upang magkaroon ng head scarf. Samantala, ang mga Tausug ay
may naiibang paraan ng habi na tinatawag na pisyabit kung saan makakakita ng
kakaibang mga heometrikal na disenyo na masinsing binurda sa seda.
Pula at lila ang nananaig na mga kulay sa bawat malong na naka-eksibit.
Nagbibigay ito ng pakiramdam ng pagiging maharlika na madalas ay sa mga pahina ng
mga aklat pangkasaysayan lamang nakikita. Bukod sa nagagandahang mga malong,
may sedang payong na binurdahan ng mga makikislap na mga bato ang mistulang
nakalutang dahil sa nylon. Pinapaalala nito sa akin ang mga binukot na pinapayungan
ng mga alipin sa tuwing sila ay lumalabas.
Bukod sa mga kulay, hindi nawala sa pagkakayari ng mga sedang tela ang hugis
parisukat, parihaba at magkakarugtong na mga linya. Napakagandang pagmasdan ang
pinagsama-samang mga disenyo na nakahabi sa iisang tela. Kung sana ay
kasingtingkad din ng bawat abaya na nakaexhibit ang kinabukasan ng industriya ng
tradisyunal na paghahabi ng bansa. Kung nagkakaroon sana ng pagpapayabong at
pagpapahalaga ang pamahalaan sa tradisyunal na pamamaraan ng paghahabi, marahil
ang mga de-kalibreng mga malong at sarong ang itinitinda sa Quiapo ngayon.
5/19/2018 Kahoy at Seda
4/4
4
Mahalaga ang espasyong ginampanan ng Vargas Mueseum dahil nilalapit nito
sa mas nakararaming bilang ng mga Pilipino ang Islamikong kalinangan. Maigi ring
itinaon ang eksibit sa mga huling araw ng Eidl.Fitr upang isabay sa banal na piging ng
mga kapatid na Muslim. Sa pamamagitan ng mga sining biswal, mas malayang
ipinapakita ang mga kinasanayan at paniniwala, lalo sa lenteng rehiyunal at relihiyonal.
Kung isasawalang-bahala ang ambag ng kinagisnang sining, tiyak ang lalong
paghihingalo ng pambansang pagkakakilanlan. Mananatiling display na lang sa
pinalamigang mga showroom ng mga museo ang mga kahoy na inukit at telang binurda
ng dunong at danak ng dugo.