4
James Randi-An Encyclopedia of Claims, Frauds and Hoaxes of the Occult and Supernatural Bihasa sa paggamit ng bilis ng kamay sa panlilinlang (sleight of the hand) at kilala sa buong mundo bilang si “The Amazing Randi” , pinawalang katotohanan ni James Randi ang “psychic surgery” at inilarawan ang metodong ginamit ng mga “psychic surgeons” bilang isa lamang panlilinlang sa pamamagitan ng bilis ng kamay (sleight of the hand). Inilarawan sa akda ni Randi, “An Encyclopedia of Claims, Frauds and Hoaxes of the Occult and the Supernatural”, na ang “psychic surgery” ay isang pagtatanghal na may dalawang paraan ng pagsasagawa: una, ay ang paggamit ng bilis ng kamay (sleight of the hand) upang magmistulang lumalabas ang mga bagay mula sa katawan ng pasyente. Ikalawa, ang maliit at mababaw na paghihiwa sa katawan habagang ginugulo ang pasyente. Ang paggamit ng bilis ng kamay ay isang laganap na ideya upang ipaliwanag ang pamamaraang isinasagawa ng mga “psychic surgeons” sa kanilang panggagamot. Ngunit magiging kumplikado ang pagpapaliwanag ditto dahil may mga mangagamot na kayang isagawa ang eksena ng “pagpapalabas ng laman loob” kahit pa hindi mahaba ang manggas na isinusuot at sadyang malinis ang mga kamay tulad ng sa karanasan ni Watson: Like a true skeptic, Watson examined the towel for anything that might be concealed within it: ‘I find it innocent, if none too clean’. The healer dressed in cotton trousers and a short- sleeved shirt, entered and showed Watson he was concealing nothing in the folds of his clothes. (Mysteries of Mind, Space and Time, David Harvey 1992 p.2369 vol 20) Ukol naman sa paghihiwa nang “mababaw at maliit”, maaring itanong ang mga posibilidad ng kawalan ng kirot at ang kawalan ng sugat pagkatapos ng operasyon na ayon sa mga pasyente na hindi nila nadama.

James Randi

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Psychic Surgery James Randi

Citation preview

Page 1: James Randi

James Randi-An Encyclopedia of Claims, Frauds and Hoaxes of the Occult and Supernatural

Bihasa sa paggamit ng bilis ng kamay sa panlilinlang (sleight of the hand) at kilala sa buong mundo bilang si “The Amazing Randi” , pinawalang katotohanan ni James Randi ang “psychic surgery” at inilarawan ang metodong ginamit ng mga “psychic surgeons” bilang isa lamang panlilinlang sa pamamagitan ng bilis ng kamay (sleight of the hand).

Inilarawan sa akda ni Randi, “An Encyclopedia of Claims, Frauds and Hoaxes of the Occult and the Supernatural”, na ang “psychic surgery” ay isang pagtatanghal na may dalawang paraan ng pagsasagawa: una, ay ang paggamit ng bilis ng kamay (sleight of the hand) upang magmistulang lumalabas ang mga bagay mula sa katawan ng pasyente. Ikalawa, ang maliit at mababaw na paghihiwa sa katawan habagang ginugulo ang pasyente.

Ang paggamit ng bilis ng kamay ay isang laganap na ideya upang ipaliwanag ang pamamaraang isinasagawa ng mga “psychic surgeons” sa kanilang panggagamot. Ngunit magiging kumplikado ang pagpapaliwanag ditto dahil may mga mangagamot na kayang isagawa ang eksena ng “pagpapalabas ng laman loob” kahit pa hindi mahaba ang manggas na isinusuot at sadyang malinis ang mga kamay tulad ng sa karanasan ni Watson:

Like a true skeptic, Watson examined the towel for anything that might be concealed within it: ‘I find it innocent, if none too clean’. The healer dressed in cotton trousers and a short-sleeved shirt, entered and showed Watson he was concealing nothing in the folds of his clothes. (Mysteries of Mind, Space and Time, David Harvey 1992 p.2369 vol 20)

Ukol naman sa paghihiwa nang “mababaw at maliit”, maaring itanong ang mga posibilidad ng kawalan ng kirot at ang kawalan ng sugat pagkatapos ng operasyon na ayon sa mga pasyente na hindi nila nadama.

Page 2: James Randi

David Harvey-Mysteries of Mind, Space and Time vol.20

Ayon kay David Harvey ang pagtangkilik sa “psychic surgery” ay naging mainit at maganda sa umpisa. Nagmistulang tunay na operasyon tulad ng sa ospital ang ginagawa ng mga manggagamot ngunit sa pamamagitan lamang ng kanilang kamay o kung minsan ay ginagamitan ng gunting. Ngunit sa pagdaan ng panahon ay unti-unting nawala ang paniniwala sa gawaing ito at nanatili bilang “isang bahagi lamang ng isang kultura ng pamahiin”.

Sa Pilipinas, karamihan ng mga uring manggagamot na ito ay kabilang sa Union Espiritista Christiana de Filipinas. Ito ay ang kalipulan ng mga espiritistang simbahan sa Pilipinas. Pinagugtatan nito ang mahabang tradisyon ng paniniwala sa mundo ng mga espiritu at saykik. Naging sentro ng Gawain ng Union Christiana de Filipinas ang hilagang bahagi Luzon.

Page 3: James Randi

Harold Sherman-Wonder Healers of the Philippines

Isa sa mga unang aklat na nailimbag ukol sa “psychic surgery” ay ang “Wonder Healers of the Philippines” ni Harold Sherman (1967). Nagbigay daan ang aklat na ito upang maipakilala ang “psychic surgery” sa mga kanluraning bansa.

Binigyang diin ni Harold Sherman na ang kanyang aklat ay naglalaman lamang ng mga ulat batay sa kanyang pakikisalamuha at pakikipanayam ukol sa “psychic surgery” sa Pilipinas. Halos ang malaking bahagi ng kanyang akda ay nauukol sa panggagamot at karanasan ni Antonio Agpaoa.

Si Sherman ay tagapangulo at Ehekutibong Direktor ng Extra Sensory Perception (ESP) Research Associates Foundation. Little Rock, Arkansas na naglalayong makipagtulungan sa mga doctor at mga siyentista upang pagaralan ang mga iba’t-ibang kababalaghan o misteryo ng isip tulad ng “psychic surgery” at kung paano nakakaapekto ang mga enerhiyang electromagnetic at extraterrestrial sa tao at sa kanyang pag-iisip. Pumunta si Sherman kasama ang iba pang mga propesyonal na sina Decker, Belk at Swope para sa umano’y siyentipikong pananaliksik ng “psychic surgery”

Sa kanyang pakikipagusap sa isang doktor,ipinahayag nito ang posibilidad ng paghihiwa ng katawan sa pamamagitan ng enerhiyang electromagnetic mula sa enerhiyang terrestrial na tinatawag na Agpoa phenomenon. Ang mga nerhiyang ito ang naghihiwalay sa mga cells sanhi ng uni-polarization at sadyang bumabalik sa dati nitong porma dahilan ng magkasalungat na magnetic polarities na siya namang sinang-ayunan ni Sherman.

Hindi tahasang ipinahayag ni Sherman ang totoo ang “psychic surgery”pero karamihan ng kabanata ng kanyang libro ay tumalakay sa hindi maipaliwanag at kakaibang paraan ng panggagamot na ito na di umano’y tunay na mabisa. Hindi lingid sa kaalaman nila na hindi lahat na tinutukoy na “psychic surgeons” ay may kakayahan ng panggagamot tulad ng kanilang nasaksihan:

“Sherman and I (Henry Belk) are only interested in truths. There are fakers…But there are also healers who are performing genuine phenomena…”

Sinikap ni Sherman na ipakita ang dalawang nagbabanggaang panig: ang mga katotohanan at kasinungalingan batay sa kanyang mga panayam at batay sa karanasan ng kanyang mga nakilala na nagdaan at dumaan sa paraang ito ng panggagamot.