Upload
others
View
3
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
Philippine School Doha Intermediate Department
S.Y. 2021-2022
TINTA 4:
(Isang Gabay sa Wikang Filipino) Jessie A. Timay, MAFil
Kayumanggi L. Monsanto, MEd
Enrique H. Salazar, EdD
Mga May Akda
Isinaayos kasama ni;
Portia R. Bechayda, MAEd
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
1
ANONG MALALAMAN KO?
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang natutukoy ang mga
pangngalan at mga aspeto nito upang magamit mo sa komunikasyong pasulat o
pasalita bilang isang tour-guide. Sa partikular, ikaw ay inaasahang:
1. nakikilala ang mga pangangalan at dalawang uri at konsepto nito;
2. nakabubuo ka ng larawang kakaikitaan ng mga pangngalan;
3. nabibigyang-halaga ang gamit ng pangngalan upang makabuo ka ng islogan na
nanghihikayat ; at
4. nagagamit mo bilang isang tour-guide ang mga pangngalan sa pagbuo ng mapa ng
iyong makasaysayang travelogue .
Ang lahat ng mga ito ay nakatutulong nang malaki sa iyo upang maging mahusay
kang mananalita sa iyong pipiling propesyon sa kinabukasan.
IKALAWANG MARKAHAN
MODYUL 1: PANGNGALAN Unang Paksa: Pangngalan( Uri ayon sa katangian, Uri
ayon sa Konsepto,Kasarian ng Pangngalan)
(240 minuto)
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
2
ANONG NALALAMAN KO?
Subukan Mo!
A: Panuto: Suriin at piliin ang titik/letra ng mga pangngalan sa mga sumusunod na
salita. Isulat ang letra ng iyong sagot sa iyong Filipino notbuk.
1. a. ate c. sumigaw
b. matulin d. sila
2. a. mataas c. ibon
b. mahimbing d. si
3. a. alin c. mahaba
b. cabinet d. tumula
4. a. lumipas c. bangka
b. kukunin d. marami
5. a. nagtayo c. kapatid
b. ito d. puntahan
B. Panuto: Tukuyin kung pantangi o pambalana ang mga salita. Kopyahin
at isulat ang PT=pantangi at PB=pambalana sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Toyota _____4. Tonyo
_____ 2. mantika _____5. pagkain
_____ 3. paaralan
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
3
ANO ITO?
Pagganyak:
Ang mga tao lalo kapag bakasyon ay mahilig pumunta sa
magagandang lugar sa iba’t ibang panig ng mundo. Bago tayo magsimula
ay iyo munang panoorin ang bidyong ito
(https://www.youtube.com/watch?v=0rNr_qnoPQ4). Habang
pinapanood mo ay iyong gamitin ang iyong lapis at papel. Iyong ilista ang
mga nakikita sa iyong napapanood.
Pagtalakay:
Iyong basahin kung anu-ano ang nasulat sa iyong papel. Sa tingin mo
ba ay magugustuhan mo ang mga lugar na iyan kung ikaw ay mamasyal?
Sino ang iyong isasama kung sakaling mamasyal ka sa mga lugar na
iyan? Bakit sa tingin mo ay maganda ring mamasyal sa mga iba’t ibang
lugar sa mundo? Tama ka sa iyong kasagutan, minsan ay kailangan din nating
magrelaks sa kabila ng mga kaganapan sa ating buhay habang nililibot at
pinapahalagahan ang mga tanawin na ito.
Sa kabilang banda, ating balikan ang iyong mga inilistang mga salita.
Anong tawag sa karamihan ng iyong sinulat? Suriin mong maigi. Tama ka!
Ito ay mga pantawag sa karamihan sa iyong mga nakikita. Ano ang tawag sa
mga ito bilang bahagi ng pananalita?
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
4
Tama! Ang mga ito ay tinatawag na pangngalan (bigyang-pansin ang
paraan ng baybay ng salitang pangngalan para hindi magkamali). Ngayon ay
iyong alamin kung ano ang kahulugan ng pangngalan.
I: ANO ANG PANGNGALAN?
A. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pangngalan?
Ang salitang pangngalan ay nabuo galing sa pang (ibig sabihin ay
pantawag) at ngalan (galing sa salitang pangalan). Kaya ito ay
nagngunguhulugang pantawag sa pangalan. Sa ibang salita ang pangngalan
ay pantawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari. Bigyang
pansin ang mga sumusunod na halimbawa sa tsart:
Tao Hayop Bagay Lugar Pangyayari
presidente
Peter
ate
aso
Moning
kalabaw
bag
kotse
papel
Doha
Parke
Pilipinas
kaarawan
binyag
kasalan
B. Anu-ano ang dalawang (2) pangkalahatang uri ng
pangngalan ayon sa katangian?
Ang pangngalan ay may dalawang pangkalahatang uri ayon sa
pansemantikang katangian. Ito ay ang mga sumusunod:
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
5
1. Pangngalang Pantangi (pt) - tumutukoy sa tiyak na ngalan
ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Karaniwang ang
mga ito ay salitang nagsisimula sa malaking titik.
Hal: Johnny
Buwan ng Wika
Browny
2. Pangngalang Pambalana (pb) - tumutukoy sa hindi tiyak na
ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.
Karaniwang ang mga ito ay salitang nagsisimula sa maliit na
titik maliban na lamang kung ginamit sa unahan ng
pangungusap.
Hal: estudyante
pagdiriwang
aso
C. Anu-ano ang tatlong (3) pangkalahatang uri ng
pangngalan ayon sa konsepto?
Ang pangngalan ay mayroon ding tatlong uri ayon sa konseptong
katangian. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kongkreto o Tahas – mga pangngalang materyal na
maaaring mabilang, mahawakan, makita, marinig, maamoy o
malasahan o madama ng ating mga pandama.
Hal:
aklat
lapis
medalya
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
6
2. Di-kongkreto o Basal – tumutukoy sa mga pangngalang di-
materyal. Ito ay maaaring isang ideya, kaisipan o damdamin.
Hal:
kagitingan
katalinuhan
kasayahan
3. Palansak – tumutukoy sa pangkat/grupo ng isang uri ng
pangngalan.
Hal:
asosasyon
barkadahan
kumpol
D. Anu-ano ang mga kasarian ng pangngalan?
Ang mga pangngalan, katulad sa tao ay may tinatawag na kasarian
o gender. Apat ang kasarian ng pangngalan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Panlalaki – tumutukoy ito sa mga pangngalang panlalaki.
Hal:
ginoo
hari
ama
TINTA 4
TIMAY, MONSANTO, SALAZAR
7
2. Pambabae – tumutukoy ito sa mga pangngalang pambabae.
Hal:
binibini
reyna
ina
3. Di-tiyak – tumutukoy ito sa mga pangngalang hindi matiyak
kung lalaki o babae.
Hal:
bata
kaibigan
kalaro
4. Walang-kasarian – tumutukoy ito sa mga pangngalang
walang kasarian.
Hal:
aklat
mesa
orasan