Upload
others
View
161
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Republic of the Philippines Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan- Modyul 7:
POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON
Zest for Progress Zeal of Partnership
10
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Sherie Aguilor Editor: Florence S. Gallemit Tagasuri: Lindo O. Adasa Jr. Florence S. Gallemit Dr. Jephone Yorong Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Tagalapat: Peter Alavanza Tagapamahala: Dr. Ella Grace M. Tagupa
Dr. Jephone P. Yorong
Florence S. Gallemit
Alamin Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa
buhay ng tao ay ang globalisasyon. Isa sa mga pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao ay ang globalisasyon. Mula paggising, pagpasok sa paaralan, panonood ng telebisyon at maging sa hapag-kainan ay mababanaag ang manipestasyong ito.
Ang Globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng tao, bagay impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural. Bagamat napakalaki at napakalawak ng daigdig, nagiging mabilis ang pag-uugnay ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang dako nito dahil sa globalisasyon. Dahil sa globalisasyon, lumalawak ang mga pandaigdigang ugnayan. Bunsod ng globalisasyon, madaling nakapupunta sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang mga tao, ideya, kaalaman at mga produkto.
Ang modyul na ito ay hinati sa dalawa: Unang bahagi ay ang maihayag ang saloobin tungkol sa positibo at negatibong epekto ng globalisasyon at ang Ikalawang bahagi ay ang maihayag ang saloobin sa epekto ng globalisasyon sa mga isyu sa paggawa at migrasyon.
Pagkatapos mabasa at maisagawa ang mga gawain sa unang modyul na ito, ikaw ay inaasahang :
• Naipahahayag ang saloobin tungkol sa mga epekto globalisasyon
A. Natatalakay ang mga saloobin tungkol sa positibo at negatibong epekto ng globalissyon.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang paksang natalakay na.
PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pagbabagong lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Globalisasyon C. Ekonomiya B. Migrasyon D. Paggawa 2 . Ano ang kahulugan ng globalisasyon? A. Proseso ng pagdaloy o paggalw ng mga tao, bagay,impormasyon at produkto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. B. Malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong mundo C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa Sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo. D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo. 3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito? A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal 4. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisayon? A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga “perennial “ na institusyon na matagal ng naitatag B.Patuloy na pababago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikalat pulitikal na aspekto D. Naapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya. 5.Paano nakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon? A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumugon ang mga bansa sa mga banta ng kapinsalaan C. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
MODYUL 7
POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON
Tuklasin
PANUTO: Isulat sa sagutang papel ang pagpapaliwanag sa sumusunod:
1. Ang COVID 19 ay pandemyang kumikitil sa milyon-milyong buhay ng mga tao sa daigdig, ano ang naging epekto nito sa globalisasyon?
2. Nakatutulong ba ang globalisasyon sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas?
3. Ano ang papel na ginagampanan ng samahan ng United Nations sa pagsulong ng globalisasyon?
4. Sa iyong palagay, ano ang pinakamabigat na probemang dulot ng globalisasyon?
5. Paano malulutas ang problemang dulot ng globalisasyon?
Suriin
PANUTO: Suriin ang nilalaman ng teksto na matutunghayan sa ibaba:
Iba-iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa globalisasyon at nanatili itong isang kontrobersiyal na isyu. Tunghayan ninyo ang mga positibong epekto nito:
POSITIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON
1. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig
2. Paglago ng pandaigdigang transaksiyon sa pananalapi
3. Paglaki ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng pruduksiyon na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao
4. Pagkakaroon ng pangdaigdigang pamilihan ( world market)
5. Paglaganap ng teknolohiya at kaalaman sa tulong ng mabilis na transportasyon at komunikasyon sa iba’t ibang panig ng daigdig
6. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa
7. Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pandaigdigan at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, ASEAN, APEC at WHO
8. Pag-unlad ng pamamaraan sa paggawa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng teknolohiya
9. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamut sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya
10. Pag-usbong ng mga korporasyong multinasyonal at pandaigdigang institusyon na nangangalaga sa kalakalan at pananalaping pandaigdig
11. Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong ng iba’t ibang bansa sa mga nasalanta ng kalamidad
12. Pagpadali ng pamamahagi sa iba’t ibang lugar ng mga makabagong gamot
13. Pagtaas ng antas ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming oportunidad para sa mga trabaho sa ibang bansa
14. Pagdami ng mga estudyanteng nakapag-aral sa ibang bansa
15. Sinisikap na mapabuti ng mga lokal na kompaniya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompaniya o mga multinasyonal.
NEGATIBONG EPEKTO NG GLOBALISASYON
1. Pagbaba ng kapital ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo dahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa mga ito. Sa ilalim ng malayang kalakalan, hindi mabigyan ng suporta ng pamahalaan ang lokal na industriya tulad ng diskuwento sa buwis at mga taripa sa mga produktong banyaga .Dahil walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa, o duty free ang mg ito, ito ay naipagbili sa murang halaga kaysa mga lokal na produkto.
Hal. Ang industriyang pagtatanim ng mga gulay sa ating bansa ay maaapektuhan ng mas murang gulay na iniangkat mula sa Taiwan dahil wala itong buwis.
2. Pagtaas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho at mataas na antas ng kompetisyon sa trabaho sa merkado
3. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo
4. Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa
5. Paghihigpit ng mga patakaran sa paggawa
6. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompaniya at industriya na hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon
7. Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain sa bansa dahil naakit ang mga tao sa mataas na pasahod sa mga bansang umaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansa sa Europe, Canada at sa Kanlurang Asya
8. Pagbuo ng maliliit na armadong grupong may basbas at suporta ng ilang malalakas na armadong grupo sa ibang bansa
9. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito
10. Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi maayos na paggamit ng gama likas na yaman na pinagkukunan ng mga sangkap sa paggawa at sa polusyong dulot ng paggawa at industriyalisasyon
11. Pagkawala ng katutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa pagpasok ng mga makabago at iba’t ibang kultura ng ibang bansa at pagyakap ng mga katutubo sa makabagong kultura upang mabuhay
12. Pagtaas ng dependency rate ng mga bansang may mabagal na kaunlaran (underdeveloped countries) at papaunlad na bansa (developing countries) sa mga maunlad na bansa (developed countries) dahil sila ang
nagsisilbing merkado ng duty free na mga produkto at mababang pasahod sa empleyo (cheap labor)
13. Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa iba’t ibang panig ng mundo-
Hal. Noong 2003 – ang nakamamatay na sakit sa paghinga na tinatawag na severe acute respiratory syndrome(SARS) mula sa Hongkong at China at kumalat sa 37 na bansa sa iba’t ibang panig ng mundo sa loob lamang ng ilang linggo. Sa ngayon ang ilan sa mga sakit na nagdala ng malaking takot at hampas sa ekonomiya at lipunan ng mundo ay ang Ebola sa mga bansa sa Africa noong 2014 at ang MERS –COV sa Korea noong 2015
14. Pagkakaroon ng mga suliraning may kaugnayan sa ugnayang panlabas (International Relations) bunsod ng patuloy na paghahanap ng likas na yaman na makatutulong sa ekonomiya ng mga tao sa isang bansa.
Pagyamanin
Gawain Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng HAPPY EMOJI ang puwang kapag ang impormasyon ay napabilang sa positibong epekto ng globalisasyon at SAD EMOJI naman kung ito ay napabilang sa negatibong epekto ng globalisasyon. ______1. Patuloy na pagkakaisa ng mga bansa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pandaigdigan at panrehiyong organisasyon tulad ng UN, ASEAN, APEC at WHO. ______2. Pagtatag ng demokrasya sa mga dating komunistang bansa . ______3. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit na negosyo. ______4. Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bansa dahil sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho at mataas na antas sa kompetisyon sa trabaho sa merkado. ______5. Pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t ibang bansa sa daigdig.
______6. Paghigpit ng mga patakaran sa paggawa. ______7. Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya. ______8. Pagbuo ng mga ng mga maliliit na armadong grupong my basbas at suporta ng ilang malalakas na armadong grupo sa iabng bansa. ______9. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng impormasyon sa sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito. _____10. Pagdami ng mga estudyanteng nakapag-aral sa ibang bansa.
Isaisip
GAWAIN (MGA EPEKTO….SALOOBIN MO! )
PANUTO: Balikan ang mga impormasyon na inyong binasa. Ibigay ang inyong saloobin o nadarama sa mga epekto ng globalisasyon na matutunghayan sa ibaba:
MGA EPEKTO NG GLOBALISASYON
MGA SALOOBIN
(-) *Pagtaas ng antas ng kahirapan sa ating bans dahil sa mataas na antas ng kawalan ng trabaho at mataas na antas ng kompetisyon sa trabaho sa merkado
(+) * Paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na natutuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya
(+) * Sinisikap na mapabuti ng mga lokal na kompaniya ang presyo at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga banyagang kompaniya o mga multinasyonal
(+) * Pagbilis ng pagbibigay-tugon ng iba’t ibang bansa sa mga nasalanta ng kalamidad
Tayahin
PANUTO: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang bago ang bilang at isulat sa inyong sagutang papel. ______1. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit bumaba ang kapital ng mga lokal na industriya na hindi kompetitibo maliban sa isa. Ano ito? A. Dahil walang sapat na pondo ang mga lokal na industirya B. Dahil sa pagtatanggal ng mga patakaran na nagbibigay proteksiyon sa mga lokal na industriya C. Dahil hindi mabigyan ng suporta ng pamahalaan ang mga lokal na industriya tulad ng diskwento sa buwis at mga taripa sa ma produktong banyaga. D. Dahil walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa o duty free ang mga ito at naipagbibili sa murang halaga kaysa lokal na mga produkto ______2. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa pag-usbong ng mundo? A. Nakatutulong dahil ang mga mayayamang bansa ay lalong nagpatingkad ng kanilang mga gawaing pang-ekonomiya . B. Nakatutulong dahil ang mahihirap na mga bansa ay nakapagtataguyod sa iba’t ibang larangan upang umunlad. C. Nakatutulong dahil kapwa ang mahihirap at mayayamang bansa ay nagtutulungan sa pagkamit pandaigdigang kaunlaran. D. Nakatutulong dahil lumawak ang pandaigdigang gawaing pangkultura, pang-ekonomiko at pampulitika at makikita ang mga senyales ng
globalisasyon sa iba’t ibang larangan kabilang na ang komunikasyon ,popular na kultura,paglalakbay at ekonomiya. ______3. Ang Word Trade Organization (WTO) ay isang pandaigdigang organisasyon na may kaugnayan sa Globalisasyon, ano ang layunin nito? A. Layunin nitong maging matatag at pinaka sentrong organisasyon sa buong mundo. B. Layunin nitong maging tanyag at mas kilala kaysa ibang organisasyon na namamahala sa mga patakaran ng mga kasapi. C. Layunin nitong bumuo ng mga patakaran sa kalakalan, magpapasigla at magsasaayos ng malayang kalakalan kasaping bansa . D. Layunin nitong makalikom ng mga pundo upang mapasigla ang pakikipagkalakan sa mga bansang may maraming produkto at maibenta sa pandaigdigang merkado. _____4. Paano nakapagpabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon? A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumugon ang mga bansa sa mga banta ng kapinsalaan D. Dahil sa globalisasyon, nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa. _____5. Bakit maituturing na Panlipunang Isyu ang globalisasyon? A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga perennial na institusyon na matagal ng naitatag B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalakin industriya.
Karagdagang Gawain
PANUTO: Gumawa ng Photo-Essay tungkol sa positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa kasalukuyan. Gabay ang rubriks sa ibaba.
RUBRIKS
Nilalaman at kaangkupan sa paksa - 50 puntos
Taglay nito ang positibo at negatibong epekto
ng globalisasyon - 30 puntos
Orihinalidad - 20 puntos
KABUUAN: 100 puntos
Susi sa Pagwawasto
BALIKAN PAGTATAYA 1. A 1. A 2. A 2. D 3. D 3. C 4. A 4. D 5. C 5. A SUBUKIN
1. ( ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral)
2. Simula ng pag-usbong ng kabihasnan, kinakitaan ang mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang kanilang disposisyong “ maglakbay” patungo sa mga lugar na makapagbibigay sa kanila ng maayos na pamumuhay.
TUKLASIN
1. Ang naging epekto nito ay ang paglago ng iba’t ibang sangay ng agham na nakatutuklas ng gamot sa pagsugpo ng iba’t ibang sakit at mga epidemya.
2. Oo, dahil sa globalisasyon napabilang tayo sa United Nation s at iba pang malalaking organisasyon at nakatatanggap tayo ng iba’t ibang uri ng tulong at benepisyo.
3. Ito ay organisasyon ng mga bansang nagtutulungan para at dahil sa globalisasyon.
PAGYAMANIN 1. Happy Emoji 6. Sad Emoji 2. Happy Emoji 7. Happy Emoji 3. Sad Emoji 8. Sad Emoji 4. Sad Emoji 9. Sad Emoji 5. Happy Emoji 10.Happy Emoji
Sanggunian: Learner’s Module- Mga Kotemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan ( Set 1) DRAFT Pahina: 173-185 Teacher’s Guide- Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan (Set1) DRAFT Pahina: 184-191 KAYAMANAN- Mga Kontemporaryong Isyu - Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan May- akda: Evangeline M. Dallo Eleonor D. Antonio Consuelo M. Imperial Maria Carmelita B. Samson Celia D. Soriano Pahina 103-105
1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Here the breezes gently Blow, Here the birds sing Merrily, The liberty forever Stays, Here the Badjaos roam the seas Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity
Gallant men And Ladies fair Linger with love and care Golden beams of sunrise and sunset Are visions you’ll never forget Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound, Every valleys and Dale Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos, Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos, All of them are proud and true Region IX our Eden Land
Region IX Our.. Eden... Land...
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed that I was walking along the beach with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets of footprints – one belong to me and the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why? Why did you leave me when I am sad and helpless?”
And the LORD replied “My son, My son, I have never left you. There was only one (1) set of footprints in the sand, because it was then that I CARRIED YOU!
I think that I shall never see A poem lovely as a tree. A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing breast; A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray; A tree that may in Summer wear A nest of robins in her hair; Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain. Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.