3
“If your success is not on your own terms, if it looks good to the world but does not feel good in your heart, it is not success at all” kaya marapat lamang na ating ipagmalaki kung ano tayo ngayon at ang ating mga karanasan bilang mga mag-aaral sapagkat hindi biro ang ating mga napagdaanan. Tunay ngang kasiya-siya sa puso’t kalooban kapag tayo ay nagkamit ng tagumpay bunga ng ating dugo’t pawis na pagsusumikap. Mahaba-haba na rin ang ating nalakbay sa gitna ng karagatang tigib ng malalakas na alon, ilang kabanata na rin ng sarili nating aklat ang ating naisulat at higit sa lahat ay abot-kamay na natin ang tagumpay sa pagpasok natin sa makabagong mundo na bubuo sa ating kinabukasan na nagsimula sa mga simpleng pangarap noong tayo’y mga musmos pa lamang. Sa kabila ng minsang pagkadapa, natutunan ko kung paano ibangon muli ang aking sarili na siyang humimok sa akin upang patunayang kaya ko at lahat ay aking magagawa sa pamamagitan ng Diyos Amang nakatanaw palagi sa aking mga kilos. Bilang isang mag-aaral na katulad ninyo, masasabi kong ang taglay kong katatagan at pananampalataya sa Kanya ay nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon. Maraming mga pagsubok at samu’t saring problema man ang ating hinarap sa buhay, dapat pa rin tayong magpasalamat dahil tayo ay matatawag na “survivor”. Marami akong natutunan sa paaralang humubog ng aking pagkatao. Ang Sta maria Elementary School ang nagturo sa ating lahat kung paano maging matiyaga at madiskarte sa buhay. Ito rin ang nagpahusay sa aking kakayahan bilang isang lider at tagasunod. Dapat na ipagmalaki natin ang klase 2015 sapagkat maraming karangalan ang ating naiambag sa inang paaralan sa iba’t ibang patimpalak at larangan. Pero ayon nga sa kawikaan ng iba, bawat kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan.

If Your Success is Not on Your Own Terms

Embed Size (px)

DESCRIPTION

as sad sad

Citation preview

If your success is not on your own terms, if it looks good to the world but does not feel good in your heart, it is not success at allkaya marapat lamang na ating ipagmalaki kung ano tayo ngayon at ang ating mga karanasan bilang mga mag-aaral sapagkat hindi biro ang ating mga napagdaanan. Tunay ngang kasiya-siya sa pusot kalooban kapag tayo ay nagkamit ng tagumpay bunga ng ating dugot pawis na pagsusumikap. Mahaba-haba na rin ang ating nalakbay sa gitna ng karagatang tigib ng malalakas na alon, ilang kabanata na rin ng sarili nating aklat ang ating naisulat at higit sa lahat ay abot-kamay na natin ang tagumpay sa pagpasok natin sa makabagong mundo na bubuo sa ating kinabukasan na nagsimula sa mga simpleng pangarap noong tayoy mga musmos pa lamang.Sa kabila ng minsang pagkadapa, natutunan ko kung paano ibangon muli ang aking sarili na siyang humimok sa akin upang patunayang kaya ko at lahat ay aking magagawa sa pamamagitan ng Diyos Amang nakatanaw palagi sa aking mga kilos. Bilang isang mag-aaral na katulad ninyo, masasabi kong ang taglay kong katatagan at pananampalataya sa Kanya ay nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.Maraming mga pagsubok at samut saring problema man ang ating hinarap sa buhay, dapat pa rin tayong magpasalamat dahil tayo ay matatawag na survivor. Marami akong natutunan sa paaralang humubog ng aking pagkatao. Ang Sta maria Elementary School ang nagturo sa ating lahat kung paano maging matiyaga at madiskarte sa buhay. Ito rin ang nagpahusay sa aking kakayahan bilang isang lider at tagasunod. Dapat na ipagmalaki natin ang klase 2015 sapagkat maraming karangalan ang ating naiambag sa inang paaralan sa ibat ibang patimpalak at larangan. Pero ayon nga sa kawikaan ng iba, bawat kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan.Nag papasalamat ako sa aking mga magulang na walang sawang sumusuporta sa akin na laging gumigising tuwing umaga para lang mag asikaso, hindi dahil sakanila wala ako dito sa magandang paaralan. Sa aking ama na walang tigil sa pag tatrabaho para lang makapag tapos kmi mag kakapatid ng pag aaral. Una natin natutunan ang mga salitang A-E-I-O-U o mga salitang katinig na unang tinuro sa atin ng mga magulang noong hindi pa tayo nag aaral sa paaralan. Kaya sa lahat ng mga magulang na nasa harapan ko ngayon saludo po ako sainyo!.Sa aming punongguro na si __________________ at sa aking gurong tagapayo na si ____________________, at sa lahat ng mga guro, Maam, Sir, maraming-maraming salamat po sapagkat kayo po ay nagsilbing aming mga pangalawang magulang. Batid ko po na maraming beses na kaming nagpasaway at naging sakit ng inyong mga ulo pero kailanman ay hindi ninyo kami iniwan. Salamat po sa handog ninyong kaalaman sa aming lahat na siyang nagpatibay at manatiling matatag sa lahat ng oras. Makakaasa po kayo na aming gagamitin ang inyong mga turo at aral tungo sa katuparan ng aming mga mithiin sa buhay at umasa po kayo na kami ay maipagmamalaki ninyong propesyonal balang araw.Sa aking mga nakasama sa aking paglalakbay sa loob ng apat na taon, mga kaibigan lalung-lalo na ang Bestfriends, maraming-maraming salamat mga tunay kong kaibigan! Kung anuman ako ngayon ay dahil din yon sa tulong ninyong lahat! At sa mga kapwa ko nagsipagtapos, tapos na ang panahon ng ng elementarya. Pero alam kong hinding-hindi natin makalilimutan ang institusyong napakaraming hagdan na naghatid sa atin sa bundok ng pagpupunyagi na nagpatawat nagpaluha sa ating lahat at kung saan naranasan natin ang masasayang alaala kasama ang ating mga kaklaset kaibigan.Tandaan na ang pagtatapos ay hindi nangangahulugang huminto na ang buhay bagkus ito ang simula ng pagbabago. Itoy simula ng bagong buhay. Ang buhay pagiging highschool. Parang kahapon lang nagsimula ang buhay elementarya natin. Parang kahapon lang tayo nag-iisip na tapos na ang masayang buhay. Parang kahapon lang tayo sabik na sabik na tumuntong sa paaralan. Pero talagang ganun ang buhay, palaging may katapusan. Ngunit lagi nating isapuso ang ating pinagmulan, ang lahat ng mga taong naging bahagi ng ating tagumpay at higit sa lahat, ang biyayang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal.Kaya sa mga kapwa ko nagsipagtapos, mga magulang at mga guro, maraming salamat po at pagpalain nawa ang Klase 2015!