167
I’m Inlove with a Weirdo By: ALLiWANTisYOURlove Please do not claim this as yours Pliagarism is a crime Do not distribute without the permission of the author STORY DESCRIPTION: This is a sequel of the short story RED ROSE. But it doesn’t mean na hindi mo na maiintindihan ang istoryang ito kapag binasa mo. Oh, let’s start na… “Someday in God’s time, whatever you ask for will come true. It may not be the exact package you wanted but it will be what HE thinks is best for you” - Anonymous Si Ezekiel de Luna na yata ang pinakawirdong taong nakilala ko. He is a famous painter. Kahit third year college pa lang he has a lot of money cause all of his paintings were sold that cost million of pesos. Sasang-ayon ka siguro sa akin na weirdo sya kapag sinabi ko sa inyong gusto nya’ng magpakamatay dahil trip nya lang. Ang sabi nya sa akin mas ok na daw yun kasi unlike other people, mapaghahandaan daw nya yung araw at detalye kung paano sya mamatay. But this weirdo makes my heart beats so fast, as I tried to convince him not to continue his suicide. Ni sa panaginip hindi

I am inlove with a wierdo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: I am inlove with a wierdo

I’m Inlove with a Weirdo

By: ALLiWANTisYOURlove

Please do not claim this as yours

Pliagarism is a crime

Do not distribute without the permission of the author

STORY DESCRIPTION:

This is a sequel of the short story RED ROSE. But it doesn’t mean na hindi mo na maiintindihan ang istoryang ito kapag binasa mo.

Oh, let’s start na…

“Someday in God’s time, whatever you ask for will come true. It may not be the exact package you wanted but it will be what HE thinks is best for you”

- Anonymous

Si Ezekiel de Luna na yata ang pinakawirdong taong nakilala ko. He is a famous painter. Kahit third year college pa lang he has a lot of money cause all of his paintings were sold that cost million of pesos.

Sasang-ayon ka siguro sa akin na weirdo sya kapag sinabi ko sa inyong gusto nya’ng magpakamatay dahil trip nya lang.

Ang sabi nya sa akin mas ok na daw yun kasi unlike other people, mapaghahandaan daw nya yung araw at detalye kung paano sya mamatay.

But this weirdo makes my heart beats so fast, as I tried to convince him not to continue his suicide. Ni sa panaginip hindi ko akalain na maiinlove ako sa ganitong klaseng tao. You want to know what happended to us then…

Prologue

Sometimes love came in time that we don’t expect.

Page 2: I am inlove with a wierdo

Just like what happened to me. It was my fourth year in high school when I met a guy who give me a red rose and became my friend.

He is so kind and gwapo that’s why I fall for him. Pero gumuho ang mundo ko nung magpatulong sya sa akin para manligaw sa classmate ko. That made me realizes that were just meant to be friends and not a lover.

I tried to move on. But it hurts a lot. Lalo na kung pati college magkasama pa rin kayo pati ng girlfriend nya. Mahirap makalimot kung araw-araw mo pa rin syang nakakasama. Mahirap makamove on kung nakikihalobilo at nakikitawa ka sa kanya. Higit sa lahat mahirap kalimutan yung taong nagturo sa’yo kung paano magmahal.

But what I said before ayoko ipilit ang sarili ko sa kanya. Lalo lang kaming

masasaktan pareho. Kung ipipilit ko ang sarili ko sa kanya parang nagsusuot

ako ng singsing na sikip naman sa akin. Kapag lalo kong isinusuot lalong

masmasakit. At walang liligaya alinman sa amin.

I will patiently wait for a guy who will love the way I love him.

PART 1: The weirdo and me

“Good morning everyone, my name is Mr. Senero, your biology teacher”

Halata naman na first day of school ngayon. Hehehehe. Nga pala sa hindi nakakakilala sa akin I am Ginger de Guzman, third year na ako ngayon sa college.

Page 3: I am inlove with a wierdo

Classmate ko pa rin hanggang ngayon ang first love kong si Levi. Actually one sided lang ang pagmamahal na to. Ayaw ko mang aminin hindi nya kayang suklian ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kanya may mahal na kasi syang iba and their relationship are going stronger and stronger. Kakaklase nga rin namin girlfriend nya.

Wala naman akong magagawa. I am not like the other girls na gagawin ang lahat para mapunta sa kanila yung mahal nila. I rather let them choose where ever they are going to be happy.

Tama na nga ang pag-eemote. Maybe I will be patient na lang sa paghihintay sa tamang lalaki para sa akin. I deserve to be happy rin naman di ba?

Nawala ako sa pagsesenti ko kasi naman Biglang parang may dumating na bubuyog dito sa classroom namin. Uminhay eh. Chismisan yung mga classmate ko. Kung ano-ano yung mga pinagbubulungan nila.

Napatingin ako sa may pinto. Kaya naman pala may dumating na bagong student. He has a messy hair. Pero ok lang naman, kahit ganun itchura nya hindi sya mukhang tambay sa kanto o napadaan lang. He is wearing a blue polo shirt which is bagay sa kanya. Medyo matangkad din sya mga 5’9 yung height nya. Maputi rin sya at may matangos na ilong.

“Mr. de Luna, I don’t want you to be late again ok? Come in and Seat at the back” sabi nung teacher namin

Page 4: I am inlove with a wierdo

Wow kilala na agad sya ng teacher namin? Transferee sya ah.

Naupo na nga sa likuran yung si Ezekiel

Kinulbit naman ako nitong si Levi.

“Bakit?”

“Di ba sya yung sikat na painter?”

“Huh aba malay ko” sabi ko. Hindi ko naman talaga alam. Kaya ba parang mga bubuyog tong mga classmate ko?

“San ka ba nagpupunta? Nabalita na sya sa T.V. kasi kasing age pa lang natin milyonaryo na. Kasi yung painting nya nagkakahalaga ng milyong piso. Trending din sya sa twitter for being a genius tapos pinag-uusapan pa sa facebook tapos di mo alam?”

“Sensya naman no. Hindi mo naman ako katulad. Kalalaki mong tao napakatsismoso mo.”

“Tsk. Hindi ako tsismoso no. Updated lang ako. Di gaya mo huli na sa balita.”

“Ewan ko sayo.” Ganito talaga kami mag-usap nito. Anyway talaga? Milyonaryo to? maisearch nga mamaya.

Page 5: I am inlove with a wierdo

Ezekiel’s POV

Ang boring naman ng araw to. Isang oras na akong nakauwi galing sa school at halos isang oras ko na ring hawak tong paint brush ko pero blanko pa rin ang canvas na pagpepaintingan ko.

Wala akong maisip na maipaint eh. Wala na akong gana ngayon. This fast few days yung eagerness kong magpaint parang nawawala na. Ewan ko parang nagiging boring na ang pangyayari sa buhay ko.

Parang paulit-ulit lang kasi. Magpepaint ako. Pupurihin ng mga tao. Bibilhin nila and then ganun nanaman magpepaint, pupurihin, bibilhin.

Nakakasawa na, parang rewind lang ng isang movie ang buhay ko.

Aha alam ko na ang gagawin ko. Para naman mabago ang pangyayari sa buhay ko. I will plan how to kill myself. I get a pad of yellow paper and write the detail how I will die.

Sa mga nagtataas ng kilay dyan. Wala akong pakialam. I am lucky that I have the opportunity to plan for my death. Dahil mapagpaplanuhan ko kung paano ako mamatay. Unlike other people na basta basta na lang pinatay.

Sa mga nagtatanong dyan kung hindi ba ako natatakot sa Diyos? Malalaman ko kung may diyos talaga kapag namatay na ako. Gusto nyo magparamdam ako sa inyo para malaman nyo? Atleast may time kayong magsisi kapag nagkataon.

Page 6: I am inlove with a wierdo

I wrote in my yellow paper.

1. Baril, pagbibigti, pagtalon sa building o paglalason?

I think di pwede sa baril kasi wala namang basta basta magbibili sa akin ng baril.

Kung pagbibigti naman ang baduy lagi na lang ganun ang ginagawa nong mga problemado.

Kung pagtalon naman sa building, malaking eksena yun, ayaw kong makaabala sa ibang tao.

Kung paglalason naman. May poison naman na pwedeng iturok na lang sayo di ba? O pwede rin naman na ihalo na lang sa food. Tama paglalason na lang. I will put poison na lang to my food. In that way parang ordinaryong araw lang na kakain ako.

So I put circle on the word “paglalason” on the paper.

2. Coffin or urn?

Kung kabaong ang gagamitin ko I need to buy Americana pa. Maghahanap pa ng Make up artist. Abala pa yun. samantalang kung i-cremate ako kahit ano suot ko at itchura ko ok lang. Masmura din siguro kapag cremation ang gagawin. So urn na lang.

Page 7: I am inlove with a wierdo

3. August 6, 7 or 8?

Today is June 7, to be exactly 2 months from now. I will choose August 7. Para may sapat pa akong oras para ayusin yung mga utang ko. Like electric and water bill, renta dito sa bahay at iba pang bayarin.

Ayokong mamatay ng may utang baka sabihin pa nila nagpakamatay ako dahil marami akong utang.

4. May death note ba o wala na?

Siguro wala ng death note, wala naman mag-aabalang magbasa nun eh. I don’t have any family naman.

Well buhay pa naman ang mga magulang ko. Pero wala na sila pakealam sa akin. Ako rin naman ang may gusto non. Bakit? Gusto ko lang.

I don’t want anybody to meddle with me. Isa pa parang ikinahihiya nila ako. You know they look me as psychotic in short baliw. Maybe I am. No I am just doing what I think is right.

5. May isa ba akong pagsasabihan o wala?

Page 8: I am inlove with a wierdo

Siguro kapag malapit na akong magpakamatay saka ko na lang sasabin. Kailangan na may mag-asikaso ng bangkay ko. Ayaw kong mamaho no. Dapat yung mapagkakatiwalaan.

I think everything is planned now. All I need to do is isakatuparan itong lahat.

[author’s note: wag nyo po gagayahin tong si Ezekiel. Masarap pong mabuhay. Nga pala mga kaibigan paread naman po ng story ng kaibigan kong si clumsyheart00 entitled “Kelan kaya magiging AKO LANG?” salamat po. Based on true story po ito.]

Part 2

Ginger’s POV

Narito ako ngayon sa kwarto ko. Gabi na rin pero di pa ako inaantok.

Naalala ko yung classmate ko na si Ezekiel. When I look at him that time parang kakaiba sya sa iba. Basta iba yung aura nya. Ewan di ko maexplain eh.

Totoo kaya yung sinasabi ni Levi na milyonaryo na yun? Parang ang bata pa nya eh. I got curious about him.

Binuksan ko yung laptop ko para isearch sya sa facebook.

Page 9: I am inlove with a wierdo

Ngek wala syang account? Meron ba ngayon na kaedad ko na walang facebook? Eh yung mommy nga ng kaibigan ko may facebook account eh.

Isenearch ko nalang sya sa google dahil kung totoong sikat sya may info na lalabas tungkol sa kanya.

Ok type sa search bar..... Ezekiel de Luna the painter.

“Wow totoo nga”sabi ko sa sarili ko.

Totoo nga talaga na si Ezekiel is a millionaire. Ang galing naman nya. Genius nga talaga. I search his work. Ang gaganda. Worth talaga na bayaran ng milyon. Yung painting nya kasi tell stories.

Haixt makatulog na nga lang. Naiinggit lang ako sa kanya eh. At our age milyonaryo na sya. Eh ako, heto asa pa rin sa magualang ko.

KINABUKASAN

Ginger’s POV

Cyempre may pasok ngayon kaya maaga akong bumangon. Ayaw kong malate. Terror pa naman ang teacher ko.

Page 10: I am inlove with a wierdo

I eat na may breakfast, nagtooth brush, naligo and then nag-ayos na ng sarili. Nagpaalam na ako kay mama at umalis na ng bahay.

Pagkarating ko sa school hindi pa time kaya may oras pa para makipagchikahan sa mga classmate ko.

“Good Morning” bati ko dun sa isa kong classmate

“Morning rin”

“Ano ba kasing tinitingnan nyo dyan?” nakatututok kasi yung mata nila sa isang dereksyon eh.

“Ayun oh” sabay nguso dun sa dereksyon ng bintana.

Nagulat ako. Si Ezekiel yun ah. So wafu. Hehehe. May headset kasing nakasuot sa kanya yung parang pang DJ. Tapos nakatingin sya sa may labas ng bintana. Pangmodel hehehe.

Page 11: I am inlove with a wierdo

Bakit ganun bumilis yung tibok ng puso ko. Masmabilis pa tuwing nakikita ko si Levi. This is weird.

Napabaling yung atensyon ko sa isang classmate ko nung magsalita ito. “Pero alam mo weirdo daw yan.”

“Paano mo naman nasabi?” tanong ni classmate 2

“Basta. Iba daw kasi aura nyan. Tapos wala sya kinakausap na kahit sino. Kahit nga tuwing recitation kung minsan di nya pinapansin yung teacher eh. Para daw may sariling mundo.”

“Talaga?” sabi ko. Sabagay pansin ko naman na hindi sya umiimik na kahit kanino dito. Minsan nga kapag may kumakausap sa kanya, para syang hangin wala man lang syang reaction. Parang walang naririnig.

“atchaka alam nyo ba girls sabi nila.,,”

“Good morning class”

Page 12: I am inlove with a wierdo

Dumating na yung teacher namin. Sayang tsika na yun eh. Teka bakit ako interesado? Ano bang pakealam ko sa kanya?

Chu...chu…cheberlu…eklaboo… bla… bla… bla.. chemberloo de eklaboo. cyempre lecture na naman. Nasa school eh.

Ang boring talaga pumasok. Pero need kasi ng baon eh… este para pala sa future. Hehehe

“Ok class, is there any question about sa lesson” say ni professor.

Cyempre automatic na sagot namin “none sir”

Tapos na pala klase -_- wala ako naintindihan o natutunan. Sayang tuition nu ba yan?

“Since no one of you have no questions. I will give you your project”

Page 13: I am inlove with a wierdo

Narinig ko na nag-angalan yung mga classmate ko. Ano ber? Wala naman kayo magagawa kahit umangal pa kayo.

Nagsalita na ulit si prof. “You will have your partner. Since our lesson is about principle of design I want you to make a miniature of a house that posses this principles.”

“Now I will give you your partner”

“Sanga pala class. Ayoko na hindi kayo magtutulungan sa paggawa dahil I will ask question and you will never answer that kung hindi kayo magtutulungan. And this project will be also 50 percent of your final exams”

Sana makapartner ko si Levi. Kahit dito lang makasama ko sya. hay…

“Ok Mr. Levi you are partner with…”

Ako na lang po please. Please po.

Page 14: I am inlove with a wierdo

“ok your partner is Miss Lozada”

“YEsssss” sabi ni Levi

“Ayyyyyyyyieeeeeee” kantyaw ng mga kaklase ko. Paano ba naman kapartner nya girlfriend nya. Hayyyy buhay.

Nakakawala naman ng gana oh. Nakikingiti na lang ako sa buong klase, Nagsalita na ulit yung teacher namin “Mr. Ezekiel your partner is…”

Woah sino kaya?

“Ok your partner is Miss de Guzman”

“Ang malas naman ni Miss de Guzman. Paano sya makikisalamuha sa taong hindi naman umiimik. Baka gumawa lang sya mag-isa” sabi ko sa sarili ko

Teka?Miss de Guzman ba sabi ni Sir? WAAAAAAAAAAHHHHHHHH ako yun ah. Ang malas naman oh. Ok na sana na di ko kapartner si Levi eh.

Page 15: I am inlove with a wierdo

Sa dami naman ng pwede kong makapartner bakit yung di pa nagsasalita. Paano kame gagawa ng project?

“ I think you all have your partner, may question pa ba kayo?”

“Wala na po sir”

“Mayroon bang may reklamo sa inyo?”

“Wala po sir”

“Sir ako meron.” Yun yung gusto ko sabihin. Kaso baka sabihin ni Sir na ang arte ko. hayyy bayae na nga.

Try ko na lang sya kausapin mamaya.

After class nilapitan ko si Ezekiel. Nakaubob sya ngayon sa arm chair nya. Di sya nakikinig sa mga klase namin. Mukang boring na boring sya.

Page 16: I am inlove with a wierdo

“Ui” sabi ko para makuha yung atensyon nya. Pero wala ata syang naririnig. Hindi pwede to.

One more time

“Ui” mga ten times kong sinabi yan kaso walang effect.

“Kainis. Kung di lang maapektuhan grade ko. di ko to gagawin eh. kapag mababa ang nakuha kong grade at nawala ako sa honorific hindi ko alam ang gagawin ko sayo” sabi ko sa kanya habang nakaubob pa rin. “Haixt makaalis na nga.”

Paalis na sana ako nung may humawak sa kamay ko. Kinilabutan ako. Ramdam ko yung mainit nyang palad. Paglingon ko nakita ko si Ezekiel na nakaubob pa rin habang hawak yung kamay ko.

Tumunghay sya. Nakipag eye to eye contact sya sa akin. Mga 3 minutes kaming ganun. Yung mata nya eh walang ekspresyon. Iba yung titig nya. Alam nyu yung kahit walang ekspresyon yung mata nya alam mong galit yung tao? Nakukuha nyo ba? Nakakatakot syang tinganan.

Page 17: I am inlove with a wierdo

Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Never. Hindi sa isang katulad nya. Sa ibang bagay kaya kong magpatalo. Pero hindi sa ganitong pagkakataon.

“Ano ba bitawan mo nga ako” sabi ko.

“Ano bang problema mo?” sabi nya

“Hindi mo alam kung ano ang Problema ko? Ikaw ang problema ko”

“At bakit naging ako? bakit ako ang sisihin mo kapag nawala ka sa honorific?”

“Kasi ayaw mong makipag cooperate sa akin. Sa paggawa ng project natin. Magkapartner kaya tayo.”

“Ok fine sige na sa bahay na lang natin tayo gumawa” sabi ni Ezekiel

“Okey. Since today is Friday let’s do it na lang bukas. Is that okey with you?” say ko

Page 18: I am inlove with a wierdo

“Okey. Eto yung address ko.” binigay nya sa akin yung address nya tapos umalis na.

-______- kainis papaghanapin nya pa talaga ako ng bahay nya. Pwede naman na magkita na lang sa mall tapos sabay na pumunta sa bahay nila. Pagmay nangyaring masama sa akin lagot sya sa akin.

Ginger’s POV

Nakarating naman ako ng matiwasay sa bahay I mean sa apartment ni Ezekiel. Akala ko ba milyonaryo sya bakit ganun? Akala ko may malaking gate tapos may malaking bahay atchaka may magandang garden.

Tapos may mga katulong na sasalubong sa akin. Imagination ko lang pala yun. hays makakatok na nga lang.

Kakatok na sana ako. Kaso bumukas na yung pinto. At nakita ko si Ezekiel.

Eto yung itchura ko 0_0. Ulalalam. Lunch na ba agad? Alam ko kakain ko pa lang ng umagahan. Eggs pa nga at tsaka hotdog yung ulam ko.

Page 19: I am inlove with a wierdo

[author:hoy luya nagiging manyak ka naman.-_-]

Hindi naman author. Hihihi nakita ko kasing nakatowel lang yung parting pababa ni Ezekiel >.< yumminess kala ko sa tv lang ako makakakita ng ganan. Pati pala sa tunay na buhay. 6 na pandesal sa ganitong oras okey na okey. Hahaha. Sorry kung nadumihan mga utak nyo. Manyak bida dito eh. bwahahahaha

[author: akala ko ba inis ka sa kanya. pandesal at ulalam ka pang sinabi dyan.]

Not anymore. Ang luyang tulad ko pwede na bang ilahok sa ulam?

[Author: (tampal sa sariling noo) -_- tinamaan ng magaling.]

Huh ano yung mga pinagsasabi ko? galit ka sa kanya Ginger. Galit ka.

Pero kelangan pa bang magalit sa kanya? he is…

Page 20: I am inlove with a wierdo

Tutulong na naman di ba?

Nong akala nyo dahil sa hot sya kaya ko sya patatawarin?

[Author: masyado kang defensive wala naman kaming sinasabi. Tsk. Halataka masyado men]

Whatever author -_- inggit ka lang. chupe na kung tinutuloy mo na kaya tong story na to. dami mong segway.

“Hoy, bakit tumutulo ang laway mo? May rabies ka ba?”

Hinawakan ko yung bibig ko. nyak. Meron nga. Kainis ka author lagi mo na lang akong ipinapahiya.

[author: bleh ;p]

“Ano ako aso. Para magkarabies?”

“Malay ko pa. baka naman aso ka lang na tinuruan magsalita” say nya.

Page 21: I am inlove with a wierdo

“Ang kapal mo naman. Sa lahat naman ng aso ako yung pinamakaganda at pinakamatalino”

“Oh baka naman pinagnanasahan mo na ako.” sabi nya tapos itinaas yung kamay nya sa may hamba ng pinto. May pagkamayabang din pala tong batang to eh.

Pero anu ba wag mo kong iseduce. Ipektib eh. Binabawi ko na yung baka may magyaring masama sa akin pagpunta dito kasi baka kay Ezekiel may masamang mangyari. Hohoho.

“Kapal mo. Magbihis ka na nga.” Siyempre alangan namang sabihin ko kung ano yung nasa utak ko. ano ako baliw?

Umalis sya sa may pinto tapos lumabas ng apartment nya.

“Oi san ka pupunta?” sabi ko.

Page 22: I am inlove with a wierdo

“Kukuha ng briefs sa sampayan. Bakit? gusto mo tingnan?”

“ ’Tado ka. Bilisan mu na at ng makagwa na tayo.”

Ang galing ah di man lang ako pinapasok sa loob. Napakahospitable talaga nya. Grabe walang katulad ang pag-aasikaso nya sa bisita nya, never mind, mukhang self service ang uso dito sa bahay nya.

Pumasok na ako sa loob ng bahay nya.

^_^

0_0

-_-

“hAtchooooooo”

Grabe sobrang linis ng bahay nya. As in sobrang organize, sa sobrang organize nga mahihiya yung paa mo na tumapak sa sahig nya eh.

Page 23: I am inlove with a wierdo

Matatawag ba to na bahay? Sobrang gabok ng sahig. Nagkalat yung mga damit na nagamit na sa sofa. Tapos yung sink nya puno ng pinggan na mukhang isang linggo ng hindi nahuhugasan. Yung mga catsup at ung ibang condiments nagkalat sa dining table.

Tapos yung mga balat ng sitchirya at cup noodles nagkalat rin sa lababo.

May isa pang pinto. Bubuksan ko na sana kaso “h’wag mong bubuksan yan” dumating na Ezekiel.

Ano kayang meron dun at ayaw nya yung pabuksan. Nevermind. Malalaman ko rin yan hahahaha.

“Magbihis ka nga muna” sabi ko hubad pa rin hanggang ngayon eh.

Pumasok s’ya sa may CR nya ata yun. Tapos ilang minutes lumabas sya na naksando lang at walking short. Ulalam talaga hahaha.

Huh? What did I say. Stop being pervert Ginger. Erase erase lahat ng sinabi ko. Pagalitan mo sya hindi sya naglilinis ng bahay nya.

Page 24: I am inlove with a wierdo

“Ano ka ba naman Mr. Ezekiel. Naglilinis ka ba ng bahay mo?”

“Itinatanong pa ba yan? Nakikita mo nang magulo yung bahay nagtatanong ka pa.” with a no expression voice.

Nakakainis talaga sya ang layo layo nya kay Levi my love.

“Whatever. Maglinis muna tayo. Hindi tayo makakagawa ng project kapag ganito ang bahay mo.”

“Eh di simulan mo na.”

“Anooooo? Anong akala mo sa akin maid mo?”

“Sino ba ang gustong maglinis?”

Page 25: I am inlove with a wierdo

“Hay bahala ka nga sa buhay mo.” Sinimulan ko na ring linisin yung bahay nya. Kawawa naman kasi yung house. Kung makakapagsalita nga lang siguro to nakapagwelga na.

Sa lahat pa naman ng ayaw ko eh yung maduming bahay. Sinimulan ko ng simutin yung mga nagkalat na balat ng sitchirya at cup noodles.

Sinimot ko na rin yung mga nagkalat na damit at inilagay sa tamang lalagyan.

After that, naghugas ako ng mga pinggan na halos nilulumot na.

Dahil mabait ako. Ipinaglaba ko pa sya ng damit nya. I’m so kind talaga.

“Ano ba yan pati underwear my pintura. Nagpepepaint ba sya ng nakabriefs lang?” hohoho. Ano kaya itchura nya kapag ganun?

Ano ba Ginger stop it na.

After ko maglaba. Winalisan ko naman yung buong bahay. Ang sipag talaga ng Ezekiel na yun. Nandun lang sya sa kwarto na ayaw nyang pabuksan. Bisita ba talaga ako sa bahay na ito? Mas mukha akong maid eh.

Page 26: I am inlove with a wierdo

Mukhang wala kaming matatapos nito sa project namin. Magtatanghali na kasi.

Habang nagwawalis ako may napansin akong isang yellow paper. Kinuha ko ito at binasa.

-_-

0_0

Hindi ako tanga para hindi ko malaman na suicide plan to. ano bang nasa isip nya at magpapakamatay sya? Ganun na ba sya kadepress? I will not make this happen. Konsensya ko pa ito kapag nagkataon.

“Hoy, Ezekiel lumabas ka nga dyan.”

“Bakit ba? Your disturbing me.” Lumabas sya tapos

Page 27: I am inlove with a wierdo

“Ano to ha? May balak kang magpakamatay?”

“Yeah. And what is the problem with that?”

“Anong problema? Hindi ka ba natatakot na mapunta sa Impyerno ha?” sabi ko.

“Wala pang nakakapagprove na may langit at impyerno. Wag kang nang makipagtalo pa ok? You can never change my mind.”

“Sasabihin ko ito…” hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagsalita na sya. “Try to tell it to anybody at gagawin ko to ngayon din”

Natakot ako. Baka gawin nya yun. I will find ways para hindi sya magpakamatay.

“Yeah, I won’t tell it to anybody”

Page 28: I am inlove with a wierdo

“Nakita mo na rin lang yan. Ikaw na lang yung taong tutulong sa akin para hindi ako mamaho.”

Grabe parang niyaya nya lang akong maglunch kung magsalita sya ah. Napaka casual lang nung pagkakasabi nya.

Tutulungan ko ba sya? Siguro kailangan kong makiride muna sa kanya. Para makalapit ako sa kanya.

“Ok sige na ako na”

“Good” tapos bumalik na ulit sya sa loob ng kwarto na yun.

Hay nice talking sa kanya.

Tinuloy ko na yung pagwawalis. Binuksan ko yung refrigerator nya para makapagluto na ng lunch. Wow ang daming….

Page 29: I am inlove with a wierdo

agiw.

-__-

Walang kalaman-laman yung refigirator nya. Milyonaryo ba talaga sya?

Paano kami kakain nito.

Bumili na lang ako sa pinakamalapit na grocery store. Buti na lang nakita ko to kanina.

Nagsimula na akong magluto ng chapsuy. Puro gulay lang nabili ko eh. nagluto na rin ako ng sinaing. Buti naman kahit kaldero meron dito.

“Hoy Ezekiel. Lumabas ka na dyan. Kakain na.” pagkasabi ko non nagsimula na akong maghain ulit.

Lumabas na sya ng kwarto na yun. Tapos nagsimula na kaming kumain.

Page 30: I am inlove with a wierdo

Sobrang tahimik naman, nakakailang.

Ako na nga lang unang magsasalita.

“Uy bakit interior designing kinuha mong course?”

“Yun yung pinakakaunti ang pila for interview eh.”

What? yun ang rason nya? Akala ko naman magsisimula na syang magtanong.

Tahimik na ulit yung paligid. Magtatanong na ulit ako.

“Eh bakit sa University na yun ka pumasok?”

“Eh yun yung pinakamalapit dito eh”

Page 31: I am inlove with a wierdo

Akala ko pa naman ang isasagot nya ay dahil maganda ang education dun. Bla bla. Napakawalang kwenta kausap naman nitong si Ezekiel eh.

“Will you just stop talking and just eat your lunch”

Patay nagalit na. Sige na nga tatahimik na.

Ezekiel’s POV

Ako ba talaga ito?

Nagpapasok ako ng hindi ko kakilala sa bahay ko. Tatay at nanay ko nga hindi pa nakakapasok sa bahay ko. kahit classmate ko sya hindi ko pa rin alam ang pangalan nya.

Dati rati kapag may nagtatanong sa akin I just ignore them. Kahit pa magalit sila sa akin wala akong pakealam.

Nung kinausap nya ako sa may school. Wala naman talaga akong balak na pigilan syang umalis. Wala akong pakialam sa grade na yan. Ewan ko ba parang may nagtutulak sa akin na pigilan sya.

Page 32: I am inlove with a wierdo

Siguro dahil para hindi na ako mahirapan sa paghahanap ng taong tutulong sa akin para sa plano. Siguro yun na nga yun. pumayag agad sya eh.

Bakit ba tanong ng tanong tong babaeng to?

Naiinis na ako. Kung hindi lang ako mahihirapan para makahanap ng taong tutulong sa akin patatalsikin ko to sa bahay ko.

[Author: grabe ka matapos kang ipaglinis ng bahay mo basta mo na lang sya patatalsikin? Hindi ka man lang ba magpapasalamat?”

Manahimik ka author kung ayaw mong madamay sa inis ko.

[Author: (bigla na lang tumakbo)]

By the way malinis na nga yung bahay. Magpapasalamat? Bakit sinabi ko bang linisin nya ba tong bahay na to.

[Author: (bumubulong) napakakitid ng utak]

Page 33: I am inlove with a wierdo

May sinasabi ka ba dyan. Rinig kita kahit nasa malayo ka.

[Author: wala sabi ko itutuloy ko na yung story]

Whatever author. Kahit sino pa ang magpakita sa akin ng kabaitan. I will still continue to plan to kill myself.

To be continue…

{Sana po abangan nyo ang mga sususnod na chapters nito. promise next update ko hanggang ending na ang mababasa nyo.”}

Part 3: Wierdo nga talaga

Ginger’s POV

Nandito pa rin ako sa bahay ni Ezekiel ang galing talaga ako na nga nagluto. Ako pa rin ang naghugas ng pinagkainan namin.

Ano pa nga ba magagawa ko hayst. I’m so kind kasi kaya ganun. Hahahaha. Yabang ba? sorry I don’t want a magulong bahay lang talaga.

Si Ezekiel ayun nakaupo sa may sofa nyang malinis na at nanunuod sa tv nyang tinanggalan ko ng gabok. Haixt ang yaman yaman pero di makapaghire ng katulong.

Page 34: I am inlove with a wierdo

Naupo ako sa sofa na kinauupuan din nya. Pero nasa pinakadulong side ako.

Dahil di ko mapigilan ang bibig ko dada naman ako ng dada

“Oi Ezekiel akala ko ba mayaman ka? Bakit dito ka lang nakatira?”

“Hindi ko alam kung nasan yung pera ko?” sabi nya na hindi tumitingin sa akin.

What? hindi nya alam kung nasan yung pera nya? Pano naman nangyari yun?

“Pano naman nangyari yun? Wala ka bang bank account?

“Hindi ko alam kung saan ko napatong yung tseke na binigay sa akin eh. Yung iba napapalitan ko kaso di ko alam kung saan ko nailagay. Isa pa hindi ko naman kailangan ng maraming pera. Mabubuhay ako kahit di ganon kalaki ang pera ko. hinahanap ko lang yun kapag kailangan ko na. Nandyan lang naman yun sa sulok sulok ng bahay.”

Page 35: I am inlove with a wierdo

Talaga? Nasatabi tabi lang? bakit wala akong nakita nung naglinis ako. Sayang naman.

Joke lang hindi ako ganun kamukhang pera.

“Eh bakit gusto mong magpakamatay?”

“Trip ko lang.”

“Trip mo lang? Lakas ng trip mo hindi ko masakyan.”

“I don’t want to be like other people na basta na lang pinatay. Di tulad nila I can plan how will I die.”

Ibang klase din tong si Ezekiel ah. Tinataningan ang sariling buhay.

“Wala ka na bang gustong gawin?”

Page 36: I am inlove with a wierdo

“Gusto kong gawin? Bayaran ang utang ko bago ako mamatay”

“Hindi yon ang ibig kong sabihin. Wala ka na bang ibang pangarap?”

“Simula pagkabata all I want is to be a good painter. Ngayong nakuha ko na sya I think wala na akong ibang gusto pang tuparin.”

Ganun pala. Pero di pa rin naman dahilan yun diba para patayin nya yung sarili nya. Wierdo nga talaga sya. Paano ko kaya sya mapipigilan. Hindi ko na lang muna sya sinusuway tungkol sa “pagpapakamatay”. Baka makulitan lang to sa akin.

“Nga pala ano gagawin natin dun sa project natin?”

“Di ko lam”

“Ang gara mo naman kausap eh” say ko na naiinis na naman.

Page 37: I am inlove with a wierdo

“Eh di ko naman alam yung project natin”

“What? Nakikinig ka ba sa professor natin?”

Hehehe. Nagsalita ang nakikinig sa klase. Atleast ako alam ko yung project

“Obvious ba? Bakit ka pa nagtatanong alam mo naman yung sagot sa tanong mo”

Haisssst. Di ko na alam ang gagawin ko kay Ezekiel. Ano bang klaseng tao to. ang grade ko paano na.

Maipaliwanag na nga lang kung ano yung project namin.

Page 38: I am inlove with a wierdo

“Yung project natin gagawa tayo ng model ng house loob at labas na nagpapakita ng Principles of Design. Gets?”

“Ano yung principle of Design?”

Edi ayun ipinaliwanag ko. bla bla bla. Haixt mahabang paliwanagan to.

After ng hindi ko alam na minutes natapos ko syang ipaliwanag. “Gets mo ba?”

“Yah, kahit ang pangit mong magpaliwanag.”

“Aba talagang pinulaan mo pa ako.”

“Totoo naman eh” say nya.

Page 39: I am inlove with a wierdo

“Ewan ko sayo. Tutal magaling ka namang magdrawing kaw na lang ang gumawa ng blue print nung gagawin nating model”

“okey. Ako na” sabi nya na napipilitan lang.

“Wag mong kakalimutan. Lagot ka sa akin kapag hindi mo yan ginawa.”

“Yah what ever”

“Samahan mo ko sa Monday pamimili nung gagamitin nating materyales. Tutal gagawin mo pa lang naman yung blue print.”

Hapon na pala hindi ko napansin. Ang ganda ng araw na to naging maid ako ng hindi inaasahan, nakasama ako sa isang suicide plan at nakilala ko ang isang weird na katulad ni Ezekiel de Luna.

“Hoi uwi na ko” say ko kay Ezekiel

Page 40: I am inlove with a wierdo

“Sige. Teka sino ka ba?”

Huh? Nagka-amnesia ba si Ezekiel?

“Nagkamnesia ka ba?”

“No”

“Eh bakit di mo na ako kilala?”

“Eh hindi ko naman talaga alam ang panglan mo eh”

Page 41: I am inlove with a wierdo

Ngek weirdo nga talaga tong si Ezekiel buti na lang kinausap nya ako. hahaha

“Ako si Ginger de Guzman. Hwag mo yang kalilimutan”

Umalis na ko ng tuluyan. Napakahospitable talaga nya. Hindi man lang ako inihatid sa may pintuan niya.

Eto lang talaga ang napatunayan ko ngayong araw na ito. Weirdo talaga siya. Pero kahit ganun sya mukhang okey na kami at makakasundo ko sya.

Ezekiel’s POV

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Una nagpapasok ako ng hindi ko kakilala sa bahay ko. Pangalawa kinausap ko sya ng matagal. Kadalasan kasi hindi tumatagal ng minuto kapag nakikipag-usap ako.

Hindi ako ganung klaseng tao. Ako yung tipo ng tao na walang pakialam sa iba. Lalung lalo na kung hindi ko kakilala. Sabihin nyo na makasarili ako. Pero ganun ako.

Page 42: I am inlove with a wierdo

Pero kahit wala akong pakealam sa iba hindi naman dumadating sa puntong kahit makapurwisyo ako sa iba.

Wala rin naman silang pakialam sa akin. Kaya bakit ako magkakaron ng pakiaalam sa kanila. Yung mga magulang ko. Wala talaga silang pakialam sa akin all important to them is their name.

Kaya nagdesisyon din aong umalis sa poder nila. Yun din naman ata ang gusto nila eh.

Ano ba ang meron sa babaeng yun? Pero mabuti na rin na dumating sya. Hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng taong mag-aasikaso sa bangkay ko.

LUNES AFTER CLASS

Ginger’s POV

Hindi nyo naman gusto na makarinig ng mga lectures ng teachers di ba. hahaha. Kaya hindi na ako magkukuwento ng tungkol sa nangyari sa loob ng klase namin.

Page 43: I am inlove with a wierdo

Gigisingin ko pa pa pati tong si Ezekiel. Ewan ko ba kung bakit napasok pa to. hindi naman nakikinig sa klase. Sayang lang binabayad nya rito.

“Hoi Ezekiel gising na”

Dinutdot dutdot ko ung pisngi nya. Ang cute pala nya talaga. Hahaha. Parang ang bait bait nya habang natutulog hahaha. Kitang kita ko rin yung eyelashes nya. Malalantik to, daig pa yung sa akin. Hahahaha.

Hindi pa rin sya nagigising. Kaya dinutdot ko na naman yung pisngi nya.

“Hoi gising na”

“Huwag mo ngang sundutin yang mukha ko.”

“Ang hirap mo kasing gisingin. Mamimili pa kaya tayo nung gagamitin sa project natin.”

Page 44: I am inlove with a wierdo

“OK. Sige na.” tumayo na sya. sobrang tangkad talaga nya. Super tingala ako eh. hahaha

Lumabas na kame ng classroom. Yung mga classmate ko parang di makapaniwala. Ako kasi ang kauna-unahang babaeng kinausap ni Ezekiel. Hahahaha. Bahala sila. Mamimili pa kame.

Malapit lang naman yung bibilhan namin sa school kaya naglakad lang kami.

Ang boring nya kasama di man lang nagsasalita. Ilang minuto na kami naglalakad ni ho ni ha wala syang sinasabi.

Magsasalita na sana ako kaso umimik na sya.

“Sa tingin mo anong magandang brand ng lason?”

Ang ganda ng topic ha.

Page 45: I am inlove with a wierdo

“Aba malay ko”

“Ok maghahanap na lang ako sa tindahan” say nya ulit.

“Alam mo? Ang dami daming taong gustong mabuhay kahit nahihirapan sila dito sa mundong ibabaw. Pero ikaw na meron ng lahat gusto mo na agad maging abo”

“You don’t know anything about me.”

“Bakit? Ano bang dapat kong malaman?”

“ Hindi lahat ng bagay nasa akin.”

Iimik pa sana ako kaso iniba nya na yung topic. “Nandito na tayo oh”

Page 46: I am inlove with a wierdo

Oo nga andito na kami sa tindahan ng school supplies. Pumasok na kame sa loob. Sya na yung pinapili ko ng mga gagamitin namin.

Sya naman kasi yung nakakaalam nung design ng project namin kaya sya na yung pinapili ko. After ilang minutes natapos na kaming mamili at magbayad sa cashier.

Lumabas na kami. Naglakad lang ulit kame. Habang naglalakad kame. Bigla na lang sya tumigil kaya nabungo ko yung likod nya. Ang tigas ha.

“Bakit ka ba tumigil ha?” say ko

Tiningnan ko yung tinitingnan nya. Kaya naman pala. Nakakita sya ng punerarya.

Pumasok sya sa loob. “Miss magkano ang urn nyo”

“Ah sir… bla…bla…bla” parang real state agent lang yung babae.

Page 47: I am inlove with a wierdo

Parang nag-aalok lang ng bahay at lupa at hindi funeral service kung makipag-usap yung babae. Galing ng persuasive skills nya.

“Ah sige balik na lang ako” eto namang si Ezekiel parang bibili lang ng damit kung makasagot hay.

“Sige po sir” say nung girl na nagpapacute pa. Ano kayang iisipin nya kung sabihin kong yung nagtatanong ang gagamit ng urn na yun?”

“Ano tapos na kayo?”

“Yup” say nya sabay labas ng punerarya.

Di man lang ako sinabihan. Tsk. Sinundan ko na lang sya.

“Ui punta ako sa inyo bukas ha. Para masimulan na natin yung project natin.”

“Sige”

Page 48: I am inlove with a wierdo

“Ang tipid mo namang magsalita”

“Ano pa bang kelangan kong sabihin”

“Wala naman. Hindi lang ako sanay na hindi masyadong nagsasalita yung kasama ko.”

“Pwes, masanay ka na.”

“Ok”

Nagagaya na ko sa kanya. Ang tipid ko na ring magsalita. Umuwi na kame pareho. Wala na naman kaming gagawin eh.

KINABUKASAN

Cyempre klase na naman kame. Pero sa lahat ng klase ito yung pinakaayaw ko.

Page 49: I am inlove with a wierdo

Swimming class na naman namin ngayon sa P.E. anong kinalaman nun sa course namin di ko rin alam hayst.

Hindi ako marunong maglangoy. Kaya ayaw ko nito, muntik na kasi akong malunod nun. Kaya nagkaphobia ako sa paglangoy sa tubig.

Nagpalit na ako ng swimsuit ko. need daw eh. Medyo naiilang ako. First time ko eh.

One piece pa lang naman sya. Pero kahit na. Feeling ko hubad pa rin ako.

Pumunta na ako sa may pool.

“Wow sexy natin ah” say ni Levi. medyo naconcious ako. Cyempre si Levi to ang first love ko at hanggang ngayon kahit alam kong wala akong pag-asa sa kanya gusto ko pa rin na maganda ako sa paningin nya.

“Yah I know. Hahaha”

Page 50: I am inlove with a wierdo

“Pero cyempre massexy pa rin sa paningin ko ang labs ko. hahaha”

“hahaha.” Tawa lang ako kahit nasaktan ako. Pinamukha lang talaga nya sa akin na hindi nya akong kayang mahalin.

Mahal nga talaga nya ang girlfriend nya. Sino ba naman ang lalaking gugustuhin na maging interior designer ng bahay para makasama lang ang mahal nya. Eh kalimitang course lang yun ng babae.

Umalis na sya dahil pupuntahan nya daw yung labidabs nya.

Kalungkot naman.

“Masakit no?”

Nakakagulat naman itong si Ezekiel basta nalang sumusulpot. Tumingin ako sa kanya Woah ulam na naman. Alam ko magrerecess pa lang hindi pa lunch. Hahaha so macho talaga nya. Naka shorts lang kasi sya tapos topless. Hahaha. Opppss magtino Ginger

Page 51: I am inlove with a wierdo

Anyway“Bakit naman magiging masakit?” say ko

“Don’t deny it”

“Paano mo naman nalaman?”

“Basta. Kita na naman na malungkot ka kahit nakangiti ka. Insensitive lang talaga yung lalaking yun”

Ezekiel POV

Shit. Bakit ganun ang pakiramdam ko nung makita ko si Ginger na nakaswim suit. She’s so sexy and hot. Shit. Sorry if I cuss. What did I say?

Kelan pa ako naattract sa babae?

Page 52: I am inlove with a wierdo

Nakita kong lumapit sa kanya yung isa pa naming classmate. I saw her eyes with spark. Bakit parang naiingit ako dun sa lalaki na yun. Bakit parang naiingit ako na sya yung nakapag sparks ng mata nya.

Napansin ko na yung huling tawa nya eh parang napipilitan lang.

Medyo narinig ko yung usapan nila dahil may nagtutulak sa aking pumunta don.

“Pero cyempre massexy pa rin sa paningin ko ang labs ko. hahaha”

Tumawa sya. Sa una hindi mo mahahalatang napipilitan syang tumawa. Pero kapag pinagmasdan mo syang maiigi mapapansin mong peke yung ngiti nya.

Umalis na yung guy.

“Masakit no?” alam ko namang may gusto tong ginger na to dun sa lalaking insensitive na yun.

Page 53: I am inlove with a wierdo

“Bakit naman magiging masakit?” say ko nagdeny pa.

“Don’t deny it”

“Paano mo naman nalaman?”

“Basta. Kita na naman na malungkot ka kahit nakangiti ka. Insensitive lang talaga yung lalaking yun”

“Ok class”

Dumating na yung professor namin.

“Hahayaan ko muna kayo na enjoyin itong pool. I have a meeting kasi. Yung hindi pa marunong nung itinuro kong stroke last week. Pag-aralan nyo na sya ngayon kasi magkakaparctical test kayo sa susunod na meeting natin. Ok na ba class”

Page 54: I am inlove with a wierdo

“Yes Sir”

“Hay buti na lang” say ni Ginger nung pagkaalis ng teacher namin.

Napatingin ako sa kanya.

Napansin ata nya na napatingin ako kaya tumingin di sya sa akin.

“Takot kasi akong lumangoy. May Phobia ako. tumakas nga ako last meeting eh.”

“Tinatanong ko ba?” napatingin lang naman ako eh.

“TSS. Cge na sorry na kung hindi mo tinatanong. Basta ako Masaya dahil wala ngayong swimming class”

Page 55: I am inlove with a wierdo

“Eh di ikaw na ang Masaya” sabi ko sabay upo sa tabi ni Ginger. Ewan ko pero sya yung unang tao na kinausap ko ng ganito. Sya lang talaga siguro kasi ang nakakatagal sa akin.

Pero kahit na ganun hindi pa rin nito mapipigilan ang pagpapakamatay ko. Hindi sapat na may taong kayang tumagal sa ugali ko. Baka iwanan din ako nyan tulad ng magulang ko.

“Talaga. Ako na ang Masaya.”

“Ang boring naman dito” say ko

“Yah that’s true. Bawal naman lumabas ng pool area hangga’t di pa time.” say nya habang tumayo sa gutter ng pool. Habang ako nakaupo parin habang nakababad yung paa ko sa tubig.

Parang naginat-inat pa nga sya eh na para talagang inaantok. Hindi namin napansin na may nagkukulitan na sa likod namin at di sinasadyang natabig si Ginger. That causes her to fall into the water.

Page 56: I am inlove with a wierdo

Nagpanic ako. Nakikita kong nagpipipiglas sya.

Tumalon ako sa tubig. Buti na lang marunong akong lumangoy. Isinave ko sya. napakawalang kwenta ng mga tao rito. Wala man lang silang ginawa. Puro sila nakatulala.

Naiahon ko na sya sa tubig.

Umiiyak at naginginig si Ginger and I hate it.

Mga nagtangla lang yung mga classmate namin. Nakikiusyoso lang.

“Ginger, sorry di namin sinasadya”

Tuloy lang sa pag-iyak si Ginger.

Page 57: I am inlove with a wierdo

Lalapit sana at hahawak yung gumawa nun kay ginger.

Pero tinabig ko yung kamay nya. Naiinis ako dahil sa gingawa nya.

“Layuan nyo nga sya. Kundi dahil sa inyo di mangyayari to.”

Itinayo ko na si Ginger. “Let’s get out of here, Ginger”

Dadalhin ko na sya sa clinic. Nanginginig pa rin sya at umiiyak hanggang ngayon.

Ginger’s POV

Sobrang natakot ako nung nahulog ako sa tubig. Feeling ko mamatay na ako. Hindi ako makahinga.

Naramdaman kong may humigit sa akin. Nabawasan ang kaba ko.

Page 58: I am inlove with a wierdo

Kung sino man to maraming salamat.

Naiahon nya ako sa sa pool. Umiiyak ako at nanginig sa takot. Akala ko mamatay na ako. Akala ko mauunahan ko pa si Ezekiel.

“Ginger, sorry di namin sinasadya”

Tuloy lang ako sa pag-iyak.

Lalapit sana at hahawak yung nakatabig sa akin.

Pero may tumabig sa kamay nya.

“Layuan nyo nga sya. Kundi dahil sa inyo di mangyayari to.” si Ezekiel pala ang tumulong sa akin. I felt his hug. And with that I feel that I am secured and what happened will not happen again.

Itinayo ako ni Ezekiel. Di pa rin ako makapagsalita. “Let’s get out of here, Ginger.”

Page 59: I am inlove with a wierdo

Umalis na kami. Pero bago yun binalabalan nya ako ng towel. At dinala yung gamit ko. Inalalayan nya ako hanggang makarating kami sa clinic.

“Nurse” tawag nya.

Inassist naman kami nung nurse. Medyo nawawala na yung takot ko. Kahit di umiimik si Ezekiel parang intindi na ng katawan ko na ikinocomfort nya ako.

Pinagpalit nya muna ako ng nurse sa CR.

Nagulat ako nung lumabas ako ng CR. Nag-aabang sa akin sa pinto si Ezekiel.

“Ok ka na ba?” say nya.

“Oo, ok na ako. Salamat ah. Kundi dahil sayo baka patay na ako.”

Page 60: I am inlove with a wierdo

Hinigit nya ako at niyakap. Nagulat ako. Pero ang sarap nya sa pakiramdam. I felt his warmth. Naramdaman ko kung gaano sya nag-aalala.

“You don’t how scared I am”

“I’m sorry. Sorry hindi ko sinsadyang takutin ka”

“Kasalanan to lahat nung tumulak sayo.”

“Hindi naman nila sinasadya yun” say ko habang nakayakap pa rin sya sa akin. Totoo naman di ba? bakit pa ako magagalit sa kanila? Wala din namang magyayari. Nakaligtas naman ako kaya okey lang.

“Kasalanan pa rin nila yun.”

“Huwag ka ng magalit. Wala namang mangyayari kung magagalit ka. Nakaligtas naman ako”

Page 61: I am inlove with a wierdo

Buti pa si Ezekiel iniligtas ako. Si Levi ano kayang reaksyon nya kanina? Nag-aalala rin kaya sya.

Ano ka ba naman Ginger. Ganun mo ba sya kamahal para kahit si Ezekiel na kasama mo na nag-alala at nagligtas sayo ay maisantabi mo para lang isipin kung ano ang naging reaksyon nya?

You are trying to move on Ginger. Always stick it to your mind stop thinking of him.

“Ehem” napahiwalay kami sa pagkakayakap. Si nurse pala ay dumating. Hahaha.

“Bawal yan dito. Hindi ako katulad ng ibang school nurse na na kikiligin kapag nakakakita ng ganyan.”

Bitter ka te?

Gusto mo ng asukal?

Page 62: I am inlove with a wierdo

“Sorry po” yun na lang sinabe ko. Alangan namang talakan ko si miss nurse. Matandang dalaga kasi kaya baka ganyan sya kabitter. Makakita lang ng nag-aakapan super react na.

“Sige po alis na po kami” say ko.

Wala namang dahilan para magstay pa clinic okay na naman ang pakiramdam ko.

Pumasok na lang kame sa susunod na klase.

Nakinig lang kame sa mga lectures.

At ilang hours ang nakalipas awasan na ulit.

Pupunta pa nga pala ako kina Ezekiel ngayon for our project.

Nilapitan ko na sya. Infairness gising sya. Di na ako mahihirapan para dutdutin uli yung mukha nya.

Page 63: I am inlove with a wierdo

“Infairness di ka tulog ngayon ah” say ko sa kanya.

“Iniisip ko kasi kung titigil na ako sa pag-aaral. Wala naman akong napapala dito eh”

Ano daw? Titigil? Wait di pwede, Bakit ganun parang nalungkot ako. Ayoko syang tumigil.

“Di ka pwedeng tumigil?”

“At bakit naman” say nya

“Dahil wala akong magiging kapartner sa project natin”

“Pwede naman na gawin mo na yung mag-isa.”

Page 64: I am inlove with a wierdo

“Basta di pwede. Please. Di ko kayang gawin yun ng mag-isa” say ko. Basta ayoko sya umalis. Hindi ko alam pero feeling ko may magkukulang sa akin kapag nawala sya.

“Okey. Pero after ng project natin di na ako papasok. No more buts”

Umalis na kami at pumunta sa bahay nya.

Infairness di na ganun kadumi yung apartment nya.

Gumawa na kami ng project dun.

Di pala ganun kadali gumawa ng miniature house. Hanga na tilaga ako sa mga architect at engineers.

Sobrang napagod ako. Kaya di ko namalayan nakatulog na pala ako ng nakaupo as sofa ni Ezekiel.

Ezekiel’s POV

Page 65: I am inlove with a wierdo

Hays nakakapagod ang araw na to.

Kalalabas ko pa lang ng CR at nakita ko si Ginger na nakatulog na sofa ko.

Napagod din siguro ng sobra.

7pm na rin pala. Hindi namin napansin ang oras as sobrang busy namin.

Teka bakit dito bay an natulog. Tsk. Mananakit nag batok nya.

Binuhat ko s’ya para ipasok as kwarto ko at ihiga sa kama.

Ang bigat pala ng babaeng to eh.

Hirap na hirap akong maipasok sya sa kwarto ko.

Nung maibaba ko sya sa kama. Hindi ko napigilan pero natitigan ko sya.

Page 66: I am inlove with a wierdo

Hindi pala ganun kaganda tong babae na to. Pero mayroon syang anggulo na maganda syang tingnan.

Maganda pala sya kapag medyo nakaside view.

Tsk. Ano na naman bang tumatakbo sa isip mo Ezekiel. Sya ang kauna-unahang babaeng sinabihan ko ng maganda.

Lumabas muna ako ng kwarto ko. Narinig ko kasing may nagriring na cellphone.

Kay Ginger pala yun. Sinagot ko.

“Hello” say nung nasa kabilang linya

“Hello” say ko

Page 67: I am inlove with a wierdo

“Teka sino ka? Bakit nasa iyo ang phone ng anak ko?”

“Ah kasi po. Gumawa po kami ng project. Napagod po kaya po nakatulog” say ko.

“Oh my god magkakaapo na ba ko anong klaseng project yan? Bakit napagod ang anak ko?”

“Hindi po kami gumagawa ng kung ano lang”

“Biro lang hijo. Pakitingnan na lang ang anak ko ha. May tiwala naman ako sa inyo eh”

“Sige po. Promise po wala pong mangyayaring masama sa kanya” say ko.

“Salamat. Gabi na rin kaya lalong masdelikado pa kapag umuwi pa sya. Pasensya na sa abala ha.”

“Okay lang po.”

Page 68: I am inlove with a wierdo

Nawala na sa kabilang linya yung mommy ni Ginger. Haixt para namang boyfriend ako ng anak nya para sabihing magkakaapo na sya.

I am not like the other guy na nagtetake advantage.

Hindi na ako kumain. Nagmiryenda naman kami kanina ni Ginger. Matutulog na lang ako

Teka, paano ako matutulog? Nasa kama ko nga pala yung babaeng yun.

Tama. Tatabihan ko na lang sya. Ano sya siniswete? Kama ko naman to eh.

Humiga na ako.

Sheet of paper. Di ako makatulog ang init.

Page 69: I am inlove with a wierdo

Kahit bukas na yung aircon ang init pa rin.

Sanay kasi ako na natutulog na walang shirt.

Umupo ako Huhubarin ko na sana yung shirt ko. Kaso napatingin ako sa katabi kong tulog na tulog pa rin.

Tsk ano na lang iisipin nito kapag nagising sya na hubad ako.

Baka mapagkamalan pa akong rapist dito.

Bumalik na ako sa pagkakahiga.

After 10 minutes di pa rin ako makatulog.

Nagulat ako ng biglang yumapos sa akin si Ginger. Tapos isiniksik nya yung mukha sya sa balikat ko.

Page 70: I am inlove with a wierdo

Ewan ko pero hindi ako naiinis. Gusto ko yung feeling na nakayakap sya sa akin. Kahit ang init ng pakiramdam ko.

[author:mainit na pakiramdam? Ano yan ha?]

Hunghang ka. Tumigil ka nga binabanas ako yun ang ibig kong sabihin. Umalis alis ka nga dito.

[author: bakit mo ko pinapaalis? ]

Kasi lagi ka nang umeepal

[author: cge na nga nakakahiya naman kasi sayo. Bwahahahahaha]

Hay salamat umalis na rin.

I feel relaxed. Ilang minutes pa. Nakatulog na ako.

[author: sows gusto lang pala ng yakap ni Ginger para makatulog.]

Page 71: I am inlove with a wierdo

Akala ko ba aalis ka na?

[author: akala ko ba tulog ka na?]

Aalis ka ba o hindi?

[author:Oo na eto na nga po oh.]

Almira’s POV

Ahm ang lamig. Wow may aircon na pala kami sa bahay. Kala ko forever ceiling fan na lang kami.

Wait nasan na ba yung dantayan ko.

Yun. nakita ko rin.

Teka bakit ang init ng unan ko at saka bakit ganun di na sya ganun kalambot. Never mind antok pa ako ihh.

Page 72: I am inlove with a wierdo

AT 12:00 AM.

Almira’s POV

Hays lamig talaga ngayon sa kwarto ko. Mapahinaan nga yung aircon.

Wait hindi ko natatandaang bumili kami ng aircon. Tsaka yung unan ko bakit parang mas mahaba kaysa sa usual kong unan

-_-

>_>

Tumingin ako sa right ko.

0_0

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH” napaupo ako. Hindi ito ang kwarto ko. Tapos wahhhh nakakahiya ginawa ko pang dantayan si Ezekiel.

Page 73: I am inlove with a wierdo

Tinakluban naman ni Ezekiel yung bibig ko. Mukhang nagulat din eh napaupo rin.

“Huwag ka ngang maingay. Mamaya kung ano isipin ng mga kapitbahay ko.”

Binitiwan nya na yung bibig ko. Tapos bumalik na ulit sya sa pagkakahiga. Yung braso nya is nakapatong sa mata nya. gets nyo?

“Teka bakit andito ako”

“Di ba obvious nakatulog ka?” say nya habang nasa ganung posisyon pa rin.

“Eh bakit magkatabi tayo?”

Tinanggal nya yung brasong nakapatong sa mata nya at tumingin sa akin.

“Ano ka sinuswerte? Kama ko pero ikaw ang matutulog? Tsaka wala akong balak pagsamantalahan ka.”

Page 74: I am inlove with a wierdo

Oo nga naman kama nya to.

Teka nako lagot ako kay mommy.

“Naku po lagot ako kay mommy nito.”

“Don’t worry alam nya na. tumawag sya sa phone”

“Talaga?”

“Oo nga”

Haixt salamat akala ko makakasermon ako kay mommy eh.

“Sorry ha. Ginawa kitang dantayan. Dapat tinulak mo ako.”

Page 75: I am inlove with a wierdo

“Ok lang yun”

Nakapikit na ulit si Ezekiel

Humiga na rin ako pero hindi na ako makatulog.

Pabalibaliktad na ako sa higaan. Di ako komportable na may katabi akong lalaki sa higaan eh.

Ezekiel’s POV

Di na ako makatulog. Ang ingay kasi ng Ginger na yun.

Teka nga lang gusto kong malaman kung ano ba talaga ang feelings ni Ginger dun sa isa naming classmate.

Nacucurious lang ako. Bakit ba nya minamahal pa yun eh palagi lang naman syang nasasaktan kapag nakikita nyang magkasama yung classmate namin at ang girlfriend nun.

Page 76: I am inlove with a wierdo

“Mahal mo talaga yung lalaking yun?”

“Sino si Levi? Oo”

“Bakit mo sya mahal? Eh may mahal na yung iba. Masasaktan ka lang.”

“Ewan ko ba Ezekiel, Siguro dahil mabait sya at lagi akong Masaya kapag kasama ko sya.”

“Bakit mo itinatago? Baka may magbago kapag sinabi mo sa kanya ang feelings mo.” say ni Ezekiel.

“Yun nga ang ikinakatakot ko Ezekiel baka dahil dun magbago ang friendship namin.”

“Kung wala ka naman palang balak na sabihin sa kanya dapat pakawalan mo na yang nararamdaman mo. Pakawalan mo na sya kahit hindi naman sya naging iyo. Dahil habang tumatagal lalong lumalalim ang sugat at habang lumalalim yun lalong mahirap maghilom.”

Page 77: I am inlove with a wierdo

“Wow love guru ka na ngayon Ezekiel?”

“Tsss. I am just saying the truth”

Ginger’s POV

Tama naman talaga si Ezekiel. Pero ewan ko ba kung bakit minsan ang hilig nating magtago ng nararamdaman.

Lalo na kung alam nating di pwede. May feelings kasi na mahirap isang tabi na lang at kahit alam nating walang pag-asa hindi natin mapigilan na mahalin yung taong yun.

Ang tagal ko ng alam na wala akong pag-asang mahalin ni Levi. Pero hindi ko pa rin sya maalis sa isip ko.

Pero kung minsan nalilito na rin ako.

Page 78: I am inlove with a wierdo

Kapag kasama ko si Ezekiel kahit di sya gaanong nagsasalita kung minsan, komportable ako. Nung nalaman kong titigil sya ewan ko pero natakot ako, ayoko syang mawala sa buhay ko. Kaya ayoko rin na ituloy nya yung suicide nya.

Kung minsan naman habang kasama ko si Ezekiel sumasagi pa rin sa isip ko si Levi. laging gusto ko maganda ako sa paningin nya. Laging gusto ko nakikita syang Masaya. Kapag nakikita ko syang Masaya, Masaya rin ako.

Haixt nalilito na ako. Ano ba ang dapat kong gawin?

Basta ang alam ko lang tumitibok na rin ng mabilis ang puso ko kapag nakikita ko si Ezekiel tulad ngayon na katabi ko sya, kaya nalilito na ako kung inlove ba ako sa kanya.

PART 4: Community Service

Ginger’s POV

Mga 2am na nung nakatulog ulit ako tapos mga 4am nagising na ako kaya paniguradong malaki na naman ang eyebags ko nito.

Page 79: I am inlove with a wierdo

>_> ------- -_-

Tiningnan ko si Ezekiel tulog pa rin sya hanggang ngayon. Ang cute nya talaga kapag tulog hahahaha.

Hindi kasi sya serious looking hahahaha.

Nagulat ako nong biglang humarap sya sa akin pero pikit pa rin gets nyo naman siguro ang ibig kong sabihin. Nakatagilid kasi ako paharap ngayon sa kanya.

>/////<

Sobrang lapit ng face nya sa face ko.

Halos parang one inch na lang magdidikit na yung labi namin.

Kitang kita ko how kissable it is.

Page 80: I am inlove with a wierdo

Dug dug dug dug dug

Yung puso ko sobrang bilis na naman ng tibok.

Nakakailang naman.

Tumayo na ako sa kama. Baka kasi kung ano pa ang magawa ko kay Ezekiel eh. hahahaha joke lang.

Nagluto na lang ako ng breakfast namin.

Buti naman may laman na ang refrigerator nya.

Kumuha ako ng tapa tsaka itlog at saka prinito. Tapos nagsaaing na rin ako sa gas stove nya.

After 30 minutes natapos akong magluto at maghain. Magpa five na rin kaya medyo nagliliwanag na ang paligid.

Page 81: I am inlove with a wierdo

Ginising ko na si Ezekiel para makapagbreakfast na kami.

Pumasok na ako dun sa kwarto nya. So eto yung kwartong ayaw nyang pabuksan sa akin. Bedroom nya pala to.

Ngayon ko lang napansin may side pala yung room nya kung nasan nakalagay yung mga gamit nya sa pagpepaint.

May isang canvas sya dun na may paint na pero hindi pa tapos.

Parang face ng babae yung pinepaint nya.

May shape na kasi ng ulo yung nasimulan nya.

Nagulat ako ng biglang may nagsalita.

“Huwag mo ngang titigan yan.”

Page 82: I am inlove with a wierdo

Tss. Gising na pala tong lalaking to. Nag-iinat pa sya habang sinasabi yun.

“Tss. K fine. Magmumog ka na at maghilamos para makakain na tayo.”

Tumayo na nga sya at nagpunta sa CR.

After 5 minutes nasa mesa na kami para kumain.

After namin kumain nagligpit na ako ng mga plato.

And then umalis na ako para makapagpalit pa ng damit. Nakakahiya naman kung ito na naman ang susuutin ko pag pasok ko.

SA SCHOOL…

Buti na lang umabot pa ako sa first class ko.

Page 83: I am inlove with a wierdo

Andun na rin Ezekiel nung makarating ako. Nakasalpak na naman sa tenga nya yung earphone nya.

After ilang minutes dumating na rin yung prof namin.

“Good morning class”

“Good morning sir.”

“Before I start my lesson mayroon muna akong announcement. Lahat ng third year student ngayon is required to join the community service that our school is having. Ang community service nyo is gagawin natin sa Quezon.”

Yung ibang mga classmate ko medyo na-exite. Yung iba medyo nakasimangot ayaw sigurong magcommunity service.

Ako? okay lang sa akin magcommunity service.

Page 84: I am inlove with a wierdo

“By the way class by partner ang mangyayari. And I am allowing you to choose your partner. Kasi mas gusto ko na magkasundo na kayo. Kesa mag-aadjust pa kayo pag andun na kayo.”

Yun ayus.

“Go choose your partner.”

Kanya-kanya nang hanap yung mga classmate namin.

Ako?

Pinili ko si Ezekiel. Paniguradong wala namang walang mag-aaya dun eh.

“Oi Ezekiel tayo na lang ang partner?” say ko.

“K”

Page 85: I am inlove with a wierdo

So ayun magkapartner na nga kame.

Paalis na sana ako. Kaso nagsalita ulit si Ezekiel.

“Bakit di si Levi ang inaya mo?”

Bakit nga ba? ewan ko pero si Ezekiel ang unang sumagi sa isip ko eh.

Nitong mga nakaraang araw masgusto ko na syang kasama.

Tapos tuwing gabi ewan ko nakakatulog na ako ng hindi ko muna iniisip si Levi.

Hindi ko na sya madalas isipin.

“Eh ikaw ang gusto ko eh. bakit ba?”

Page 86: I am inlove with a wierdo

Nakita kong ngumiti ng bahagya si Ezekiel.

Woah first time yun ah.

Ngumiti rin ako. Bakit ganun yung puso ko biglang sumaya nung nakita ko syang ngumiti.

Pati ako nawiweirdohan na sa nararamdaman ko sa kanya.

Mahal ko na ata sya eh. Pero sya mahal nya kaya ako?

FAST FORWARD…

Natapos na naming ipresent yung miniature na bahay. Thanks god mataas naman yung nakuha naming grade.

Page 87: I am inlove with a wierdo

At dahil kapartner ko na naman sya sa community service hindi na sya tumigil sa pag-aaral hahaha.

Sigurado na rin ako sa feelings ko mahal ko na nga talaga si Ezekiel.

Napansin ko na lang to nung nagpropose si Levi sa girlfriend nya.

Yah that’s true. Ikakasal na sila after graduation namin.

Nung panahon na yun wala na akong maramdamang sakit. I am justpurely happy for them.

At ang nasa isip ko lang ng panahong yun ay si Ezekiel. Ewan ko pero bigla ko na lang naipanalangin sa diyos na sana gawin din yun sa akin ni Ezekiel.

Hindi ko alam kung kelan at kung paano ko sya minahal.

Page 88: I am inlove with a wierdo

Hindi naman sya yung lalaking talagang pinapangarap ko.

Malayong malayo sa ideal man ko na mabait at caring.

Sa unang tingin akala mo Wala syang pakealam sa iba. Kadalasan tahimik lang sya.

Pero sa totoo lang kapag pinagtyagaan mo ang ugali nya.

Malalaman mo na nandyan sa oras na kailangan mo sya at Handa syang makinig sa mga hinaing mo.

Ezekiel’s POV

Its been a week after our presentation and now Nandito na kame sa Bus na sasakyan namin papuntang Quezon.

Cyempre katabi ko si Ginger.

Page 89: I am inlove with a wierdo

Sino ba ang nagtyatyaga sa akin?

Hindi na ako tumigil sa pagpasok. Nung nagrequest sya na huwag na akong tumigil di ko lam pero hindi ako nakatanggi.

Kailangan kong sundin muna ang gusto nya dahil walang tutulong sa akin para maisakatuparan ko ang plano ko.

Isang buwan na lang ang hihintayin ko. Mahihirapan na akong makahanap ng papalit sa kanya kapag tumanggi na sya.

[Author: Yun lang ba talaga? Kaya di ka makatanggi sa request ni Ginger?]

Sige na author, aaminin ko na Ginger lang ang pinkaimportanteng tao ngayon sa buhay ko.

Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ang suicide na yun kapag nagrequest sya na huwag ng ituloy yun.

Page 90: I am inlove with a wierdo

I am living with my principles, at isa sa prinsipyo ko ay ituloy kung ano man ang napagdesisyunan ko na.

At ayokong baliin ang prinsipyong yun.

Tama na nga ang usapang yan. Nakakabore naman dito sa bus. Walang magawa. Ito namang si Ginger tulog. Kadiri nga eh tulo ang laway.

After one boring hour nagising din tong si Ginger. Nag-inat inat pa sya.

“Nasan na ba tayo” tanong nya.

“Malay ko. Ako ba ang driver?”

“Tss. Sungit nito. Para nagtatanong lang eh”

Page 91: I am inlove with a wierdo

Tumahik sya ng mga five minutes. Alam ko maya-maya dadakdak na naman to.

“Ezekiel?”

Sabe na eh “Ahmm”

“Bakit di mo kasama ang parents mo?”

“Ayoko eh.”

“Bakit nga?”

“Dahil ayaw din naman nila sa akin”

Page 92: I am inlove with a wierdo

“Bakit ka naman nila aayawan?”

“Hindi ko alam. Siguro dahil weird ako. Pakiramdam ko lumalayo sila sa akin. Kaya nagdesisyon na ako na lumayo na rin sa kanila para hindi na sila mahirapang umiwas sa akin.”

Magsasalita pa sana sya kaso…

“Andito na tayo” say nung professor namin.

Pumila na kami.

“Titira kayo sa bahay na iaasign namin sa inyo for one week. Tutulungan nyo sila sa mga Gawain nila at Please wag kayong makikipag-away sa may-ari ng bahay” say nung professor namin.

Isa-isa na kaming inihatid ng mga baranggay tanod yata yon ng lugar.

Page 93: I am inlove with a wierdo

Napaasign kami ni Ginger sa bahay malapit sa dagat.

Actually kubo lang yung bahay.

“Aling Rosa, nandito na yung mga estudayante” sigaw nong tanod.

Lumabas sa kubo ang isang matabang babae. Medyo matanda na rin mukhang nasa forty five plus na.

“Oh anjan na pala kayo. Pasok kayo. Salamat nga pala Ka Isme sa paghatid sa kanila”

“Walang anuman. Sige at aalis na ako.”

Pumasok kami sa loob ng kubo

“Pasensya na kayo kung maliit lang yung kubo namin.”

Page 94: I am inlove with a wierdo

“Ah ayus lang po yun” say ni Ginger dun sa babae.

“Ako nga pala si Aling Rosa”

“Ah, ako naman po si Ginger at eto naman po si Ezekiel”

“Naku sanga pala pwede bang sa isang kwarto na lang kayo matulog? Wala na kasi akong available na kwarto eh. Ito kasing sala tinutulugan ng mga anak ko. Yun namang isang kwarto para sa aming dalawa yung mag-asawa.”

Ginger’s POV

Shocks matutulog kami ni Ezekiel sa isang kwarto?

[author: gustong-gusto mo naman?]

Di naman…

Gusto lang kapag gustong gusto ngayon pa lang hinatak ko na sya sa kwarto hahahaha joke lang…

Page 95: I am inlove with a wierdo

Tsk serious? Baka kung ano magawa ko dyan. Hahaha joke lang ulit.

Medyo naiilang na kasi ako ngayon sa kanya eh.

Pero anong magagawa ko. Alangan namang magreklamo pa ako.

“Sige po okay lang po” say ko kay Aling Rosa

Wala rin naman kaming choice. Kesa naman sa labas matulog ang isa sa amin mas-gugustuhin ko pa to.

Ipinasok na namin yung gamit namin sa kwartong sinasabi ni Aling Rosa.

Ok naman yung kwarto. Hindi sya ganun kaluwag at di rin naman ganun kasikip para sa amin ni Ezekiel.

Page 96: I am inlove with a wierdo

“Magpalit na muna kayo ng damit at tatawagin ko kayo kapag okay na yung miryenda.”

Inihatid ko sa may pinto si Aling Rosa nung Lumbas sya sa kwarto.

Pagharap ko.

Waaaaaaahhhhhhhhhhhh. Lord please give enough control

>///<

Paano ba naman nakitang naghubad ng t-shirt si Ezekiel. Kitang kita ko yung 6 na pandesal nya.

Alam ko miryenda palang para sa hapon hindi almusal. Hahaha. Pero yung anim na pandesal na galing sa kanya sa ganitong oras okey na okey pa rin. Hahaha. Joke lang.

Page 97: I am inlove with a wierdo

“Oi bakit jan ka naghubad?”

“Di ba sabi magpalit na daw? Ano bang ginagawa ko?”

“Pwede naman sa CR di ba?” say ko

“Tsk waste of time yun. Kung ayaw mo sa tanawin ikaw na lang pumunta sa CR”

Tsk. Masamang tanawin ba sabi nya? Di ah ganda nga eh, nakakabusog pa nga eh. nak ng tinapa. Ano ba sinabi ko

Lumabas na lang ako “Tse, dyan ka na nga. Maghahanap ako ng CR”

Humanap nga ako ng CR at dun nagpalit.

After ilang minutes pinagmiryenda kami ni Aling Rosa.

Page 98: I am inlove with a wierdo

After namin kumain hinayaan muna kami ni Aling Rosa na maggala muna sa paligid.

Malapit nang gumabi kaya kitang kita namin ni Ezekeil yung sunset.

“Tingnan mo Ezekiel ang ganda ng araw oh”

Umupo kami malapit sa may bato malapit sa may shore.

Medyo malakas din yung hangin kaya nalilipad yung buhok ko.

“Ang ganda ng lugar na to no?”

“Oo nga. Pwede bang dito mo ihagis ang abo ko?”

“Tsk. Nakakainis ka naman eh. Sinira mo yung moment. Paakap nga habang di ka pa abo.” Say ko

Page 99: I am inlove with a wierdo

Di ko napigilan na akapin sya. Nakakainis naman kasi eh ang ganda na ng moment. Sunset kasama yung taong mahal mo. Tapos sasabihin nya na don itapon yung abo nya.

Ezekiel’s POV

Inakap ako ni Ginger. Yung puso ko biglang sumaya.

Gusto ko yung feeling na malapit sya sa akin ngayon.

Masaya ako dahil mukhang wala na syang feelings para kay Levi bay un?

Nakikita ko kasi na hindi na sya nagpapanggap kapag ngumingiti sya dun sa lalaking yun.

Di ko alam pero I feel relief.

This feeling is weird parang ako di ko pa to naramdaman noon.

Page 100: I am inlove with a wierdo

By the way dumidilim na kaya napagdesisyunan namin ni Ginger na bumalik na sa bahay ni Aling Rosa.

Pagbalik namin.

-_-

Nagkakagulo na sa lamesa ni Aling Rosa.

Parang kanina lang ang tahamik dito ah.

Madame palang anak si Aling Rosa. Nine yung mga anak nya nung binilang ko.

“Naku Pasensya na ah kung ganito ang nadatnan nyo. Dito na lang kau kumain sa sala.” Say nung asawa ni Aling Rosa na ngayon lang namin nameet.

Page 101: I am inlove with a wierdo

“Naku ok lang po yun” say ni Ginger

Ako di umiimik.

Pero naiingit ako sa kanila. Kasi kahit ganito lang ang buhay nila. Tanggap at mahal nila ang isa’t isa unlike my family.

I remember when I was a child ang laki ng dining area namin pero mag-isa lang akong kumakain.

Tapos sila they are personally assisted with their parents.

Samantalang ako yaya ko lang na di ko pa kasundo. Nung nagtaggal nga wala na rin akong yaya.

After namin kumain. Pumasok na kame ni Ginger sa kwarto namin.

Kahit papano naman may kama yung kwarto namin.

Page 102: I am inlove with a wierdo

Nakahiga na kami pareho ni Ginger.

Nakakainis naman tong katabi ko ang likot. Galaw tuloy ng galaw yung kama.

Akapin ko nga para di na makagalaw.

Inakap ko sya mula sa likod. “Huwag ka ngang makilot pwede? di ako makatulog.” Say ko

Di ko na alam kung ano ang naging reaction nya. Di na sya gumalaw at ako naman nakatulog na habang akap akap sya.

Ginger’s POV

Di ako makatulog…

Page 103: I am inlove with a wierdo

Naiilang kasi ako sa katabi ko.

Kaya pabalibaliktad ako sa pagkakahiga ko.

Yung alam mong ang lapit lang ng taong mahal mo sayo tapos kayo lang ang magkasama sa madilim na kwarto na to.

Yung puso ko ang bilis ng tibok ng tibok. Dug dug dug dug.

Naramdaman kong gumapang sa bewang ko yung kamay ni Ezekiel. Bale nakatalikod ako sa kanya ngayon.

Sheet. Anong gagawin nya. Inilapit nya yung katawan ko sa katawan nya. >////////<

Ramdam na ramdam ko hard muscles nya. >/////<

Page 104: I am inlove with a wierdo

Eto na ba yung napapanood ko sa tv na ginagawa ng mga bidang magsyota kapag walang nakakakita sa kanila? Joke. Hahaha. Pero wait ano ba talagang nangyayari?

Nagsalita si Ezekeil “Huwag ka ngang makilot pwede? di ako makatulog.”

Hays nakahinga ako ng maluwag dun ah.

Kala ko kung ano na mangyayari.

Pero wait nakayakap pa rin sya sa akin. Ang sarap sa feeling. Papalag pa ba ako?

Ramdam na ramdam ko yung pahinga sa batok ko.

Para kaming bagong mag-asawa >/////< sana totoo to.

Nakatulog na ako na nakayakap sya sa akin.

Page 105: I am inlove with a wierdo

Part 5: His Mother

Ginger’s POV

Nagising akong nakaakap pa rin sa akin si Ezekiel tapos tulog na tulog pa rin.

Ang saya para talaga kaming mag-asawa.

Pero ano ba talaga kami? Nalilito ako eh. Minsan ang bait nya tapos minsan naman may time na ayaw nya akong kausapin. Haixt di ko lam hanggang friends na naman ba ako?

Natatakot naman akong magtanong. Natatakot ako sa isasagot nya.

Bukod pa dun may balak pa syang magsuicide kaya ko ba syang pigilan? Paano na ako kapag natuloy yun.

Natatakot akong sabihin na huwag nyang ituloy yun.

Page 106: I am inlove with a wierdo

Nung isa kasing sinubukan ko syang pigilan ang sabi nya kapag di daw ako tumigil gagawin nya yun sa harapan ko sa oras ding yun.

Haixt sa lahat naman kasi ng taong pwede kong mahalin ulit bakit sa baliw pang katulad nya.

Tinanggal ko yung pagkakaakap nya. Kahit feel ko pa. hahhaha joke lang. Kailangan ko syang gisingin.

Kailangan na naming tumulong kay Aling Rosa. Ano na lang ang irereport namin sa professor namin? Na nag akapan kame? Hahaha joke lang. Pero pwede rin. Hahaha

Ginger stop it na nga.

Humarap na ako kay Ezekiel. Tulog mantika talaga.

“Oi Ezekiel, gising na”

Page 107: I am inlove with a wierdo

“Hmmmmm. Antok pa ko”

Ang cute parang bata si Ezekiel na pinapabangon ng nanay dahil papasok sa school pero ayaw nya. Bale ang itchura ko ngayon eh nakatuon yung left na kamay ko sa ulo ko. kaya medyo nakatilt yung ulo ko. Gets nyo?

Kaya kitang kita ko yung facial expression nya. hahaha

“Gising na” pinisil ko yung pisngi nya gamit yung right hand ko.

“Araaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyy” say nya.

Holy cow.

0_0

>////////<

Page 108: I am inlove with a wierdo

Alam nyo kung ano nangyari?

Pagbangon ni Ezekiel dahil sa pagpisil ko, our lips met.

Sheet ang lampot ng lips nya.

“Ay naku po sorry po. Akala ko kasi may problema.”

Nagulat kami ni Ezekiel. Kaya napahiwalay kami sa isa’t isa.

Ano ba yan nakita pa kami ng anak ni Aling Rosa. Ano na lang sasabihin nun.

Ang dami ko ng most Embarassing moment. Nakakahiya sa anak ni Aling Rosa nakakahiya pa kay Ezekeil.

Tiningnan ko ulit si Ezekiel. Nakita kong namumula rin sya.

Page 109: I am inlove with a wierdo

“Tara na sa labas” say nya na parang naiilang din.

Ezekiel’s POV

Sheet ano yung nangyari?

Did we just kiss? Ang tanga naman kasi nya kinurot nya yung pisngi ko.

Takte I just taste her sweet lips.

Fuck. I want to kiss her more. Pero di pwede

Shit what did I say?

Ano bang nangyayari sa akin?

Niyaya ko na lang syang lumabas ng kwarto baka kung ano magawa ko sa kanya.

Page 110: I am inlove with a wierdo

Hutangina. Ano na naman bang pinagsasabi ko? Dahil sa kanya nakakapagmura ako ng di oras.

Pagkakain namin ng umagahan namalengke kami dahil nga kelangan naming tulungan si Aling Rosa.

Habang nakasakay kami sa trycicle.

“Ahmm, Ezekeil ano kasi, yung tungkol kanina.” Say ni Ginger

“Okay na yun, that was an accident”

Sheet but I want it to be real.

“Sorry ah” say nya

Dumating na kami sa may palengke. At di kaaya-aya ang nakita ko. Sa lahat naman ng pwedeng makita bakit sya pa.

Page 111: I am inlove with a wierdo

Ginger’s POV

Namimili na kami ni Ezekeil ng bigla syang tumigil sa paglalakad.

“Tara na.” hinigit ako ni Ezekiel. Parang nagmamadali syang umalis.

“Oi teka di pa tayo tapos mamili.”

“Ezekiel” may tumawag kay Ezekiel. Boses ng matandang babae.

Tumigil sa paglalakad si Ezekeil tapos tumingin sya dun sa pinanggalingan nung boses.

Tinitingnan nya yata yung babaeng namimili rin.

“Ezekiel ikaw ba yan anak?” medyo naiiyak na sabi nung babae.

Page 112: I am inlove with a wierdo

Wait sabi nya anak? Ibig sabihin nanay nya to?

Bakit parang nagkecare naman sya kay Ezekeil. I smell something fishy.

May dapat akong malaman.

Hinatak na ako ni Ezekiel. Mukahang ayaw nya kausapin yung nanay nya.

Lumingon ulit ako para tingnan yung nanay nya.

Nakita kong lumungkot yung mukha nya.

Nakalabas na kami ng palengke.

“Ui bakit ayaw mong kausapin yung nanay mo?” say ko.

“Nasabi ko na sayo di ba?”

Page 113: I am inlove with a wierdo

“Pero…”

“ANO NA NAMAN?”

Natakot ako. Ikaw ba naman ang sigwan ng ganun?

“I’m sorry. Please pwede wag ka nang magtanong?” say nya in a medyo kalmadong voice.

Ok di na ako magtatanong. Pero I will find a way para malaman ko yung totoo.

Meron talagang mali eh.

Itinuloy na namin yung pamimili namin ng madaliaan. Tapos umuwi na kami.

Page 114: I am inlove with a wierdo

Tinulungan ko na si Aling Rosa sa gawaing bahay. Tapos si Ezekiel sumama sa asawa ni Aling Rosa. Tutulong yata sa resort na pinagtatrabahuhan nung asawa ni Aling Rosa.

Natapos naman kami ng madali ni Aling Rosa kaya pwede na akong tumaybay.

Nagpaalam ako kay Aling Rosa na pupunta muna akong palengke ulit.

Kailangan ko ng malaman yung totoo. Bakit ganun si Ezekiel sa magulang nya?

Pumunta ako ulit dun sa tindahan kung saan nakita ni Ezekiel yung nanay nya.

“Ale kilala nyo po ba yung babaeng naka yellow na bumili dito kanina sa tindahan nyo?”

“Ineng nag-iisip ka ba? madami ng bumili dito na nakadilaw na damit” say ni aling magtitinda.

Page 115: I am inlove with a wierdo

Sorry naman no. eh di ako na ang hindi nag-iisip

“Ah yun pong sumigaw kanina.”

“Ah yun ba oo naman. Cyempre kilala ko yun. Taga rito yung mga yun. Lumipat sila dito mga ilang buwan na rin”

“Pwede po bang malaman kung saan sila nakatira?”

“Doon sila nakatira sa may village sila yung may pinakamalaking bahay dun kaya madali mo yung mahahanap.”

“Salamat po ate.”

Sumakay na ako ng tricycle papunta don sa village. After ilang minutes nakarating din ako.

Wow ang laki nga.

Page 116: I am inlove with a wierdo

Halata talagang mayaman.

Nagdoorbell ako.

Nagbukas yung malaki nilang gate.

“Sino po kayo?”

“Ahm kaibigan po ng anak ng may-ari nitong bahay.”

“Sandali lang po. Sasabihin ko lang po sa amo ko.”

Naghintay ako ng ilang minuto.

Page 117: I am inlove with a wierdo

Ang tagal namang bumalik nung maid.

Ilang sandali pa bumalik na yung maid.

“Cge po pumasok na daw po kayo”

Pagpasok ko. wow ang ganda ng garden.

Ilang sandali pa nakarating na kame sa terrace nung bahay. Andun na yung mom ni Ezekiel.

Nakangiti sya sa akin.

Whew kala ko mahihirapan akong makipag-usap sa kanya.

“Good afternoon po” say ko

Page 118: I am inlove with a wierdo

“Good afternoon din hija. Maupo ka muna.”

Umupo na nga kame.

“Ahm do you want to drink? Orange juice or iced tea”

“Naku wag na po ma’am”

“Call me Tita Hiva. Kaibigan mo ang anak ko di ba?”

“Ah ok po Tita Hiva. Ahm tita wag nyo po sanang mamasamain pero gusto ko po sanang magtanong sa inyo tungkol kay Ezekiel. Ano po bang nangyari sa inyong pamilya bakit po ba iniiwasan kayo ng anak nyo? Nag-aalala lang po kasi ako sa kanya.”

Di nagsasalita yung mom ni Ezekiel.

Page 119: I am inlove with a wierdo

Nakupo masyado ba akong naging pakialmera?

“Sorry po tita kung…”

Natawa ng bahagya yung mom ni Ezekiel. “Why are you saying sorry hija. Natutuwa nga ako kasi nakahanap ng kaibigan ang anak ko ng tulad mo.”

Huminto sya sa pagsasalita.

“You know what hija. Ikaw ang kauna-unahang kaibigan ng anak ko alam mo ba yun?”

“Hehehe. Mukha nga po. Kasi naman ang sungit sungit nya tapos kapag kinakausap pa akala mo tuod di man lang mag-react.”

“Buti tumagal ka sa ugaling yun ng anak ko.”

Page 120: I am inlove with a wierdo

“Ewan ko rin po tita. Mabait naman po talaga si Ezekiel. Hindi lang halata.”

“Alam mo kasi nung bata sya, wala talaga yang kinakausap na kahit na sino. Hindi sya sumasama para makipaglaro sa ibang bata. Madalas lagi lang syang nasa isang sulok hawak ang papel at color nya.”

Inborn talent na pala ni Ezekiel ang pagpepaint.

“Kahit nga sa amin ng dad nya hindi sya nagsasalita. Hindi rin naman namin sya nakakausap kasi we are all busy with our works. Kapag dadating kame tulog na sya at kapag gigising naman sya sa umaga wala na kami.”

Medyo naluluha na yung mom ni Ezekiel “Kaya medyo lumayo ang loob nya sa amin. Akala nya siguro we are not caring for him. Kasi naman nasa iisang bahay nga kami pero parang hindi naman talaga kami magkakasama.”

Page 121: I am inlove with a wierdo

Nagpatuloy sa pagkukwento yung mom ni Ezekiel “Then he reach high school, wala pa rin kami sa tabi nya. We really don’t know what’s happening to him. Minsan nga naisip ko magulang na ba talaga kami sa kanya.”

“Ang tanging nasa isip lang namin nuon ay kung paano namin mapapaganda yung buhay nya, kaya we work a lot. Kaso hindi rin pala maganda yun. Hindi na namin nakikilala ang anak namin.”

Umiyak na ng tuluyan si tita. “Akala namin ok lang ang lahat. Kasi wala naman kaming natatanggap na reklamo from his school. Pero yun pala ang laki ng problema”

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay tita. Kaya hinaplos ko na lang yung likod nya.

“Hindi namin alam na ang dami nya na palang problema. Hindi namin alam na higit nya kaming kailangan kaysa sa pera.”

Kaya pala ganun na lang si Ezekiel. Parang hindi ganun kaimportante sa kanya yung pera.

Page 122: I am inlove with a wierdo

“Noon nga sabi nila may family day daw sa school nila pero hindi namin alam. Mag-isa lang daw sya sa isang sulok. Natingin lang sa family na present dun.”

“Naiinis ako sa sarili ko. Kasi ang nasa isip lang namin noon is kung paano mapapalago yung negosyo namin. Hindi naman pala talaga kami nagtatrabaho para sa anak namin. Tuwing gabi pala wala syang mapagkwentuhan ng mga gusto nyang sabihin.Wala na rin kasing maid na tumagal sa kanya.”

“Tita sabi nya po sa akin ang tingin nyo daw po kanya is baliw sya?”

“Naku hindi namin inisip yun kahit na kailan. Ipinapsychiatrist namin sya dati kasi nga wala syang masyadong nakikisocialize. Yun nga lang ang tangi kong alam na problema ng anak ko. Napakawalang kwenta ko kasing ina. After that umuwi na lang kami na wala na si Ezekiel. When we look to his room wala na yung mga gamit nya.”

“Hinanap namin sya pero hindi namin sya makita.”

“Nabalitaan na lang namain na sikat na painter na pala sya. Natakot kaming puntahan sya baka kasi isumbat nya sa amin yung pagkakamali namin. Gustong gusto ko ng mayakap ang anak ko. Pero sa tingin ko wala akong karapatan kasi hindi naman talaga ako naging mabuing ina sa kanya.”

Page 123: I am inlove with a wierdo

“Tita tumahan na po kayo. wag po kayong mag-alala ako na po ang gagawa ng paraan para magkasundo na kayo.”

“Salamat hija. Pero hindi na kailangan.”

“Tita. Aamin na po ako sa inyo. Mahal ko po ang anak nyo at hindi ko hahayaan na hindi nya malaman yung totoo.”

“Salamat talaga hija. I am so happy that my son have you and I like you for him.”

Medyo nagblush ako dun yahoo. Ok na ko sa mommy ni Ezekiel. Bwahahahaha

“Ahm tita nasan na po yung Dad ni Ezekiel?”

Page 124: I am inlove with a wierdo

“Ah yung dad ba nya nandyan sya nagpapahinga sa loob.”

“Nga pala tita sabi nung napagtanungan ko kalalapat nyo lang daw dito.”

“Oo gusto kasi namin ng dad ni Ezekiel na nagbago na talaga kami bago kami magpakita sa kanya ulit.”

“Oi may bisita ka pala.” Say ng isang boses ng lalaki

“Yah hon, kaibigan sya ng anak nating si Ezekiel.”

“Talaga Hon, first time to.”

“Yah and you know what. Tutulungan nya tayo sa anak natin.”

“Really salamat hija.”

Page 125: I am inlove with a wierdo

“I think tito, tita we need to plan for this.”

Ayun nga nagplano na kami. At napagkasunduan namin na dadalhin ko si Ezekeil sa restaurant na pag mamay-ari ng pamilya nila dito.

At kung kelan sa last day ng community service namin.

Nagpaalam na ako kina tita at tito.

Napasarap ako pakikipagkwentuhan sa kanila kaya di ko napansin na gabi na pala.

Nga pala kelangan ko muna bumili ng kahit ano sa palengke para hindi ako mahalata.

Ezekiel’s POV

Page 126: I am inlove with a wierdo

Nasan na ba yung si Ginger gabi na ah. Di pa rin nakakabalik hanggang ngayon?

Sabi kasi ni Aling Rosa pumunta daw ng palengke.

Ano naman kayang bibilhin nun?

Nag-alala na ako sa kanya.

Ilang minutes pa dumating na din sya.

“San ka ba nagpupunta ha?”

Nagulat ata sya. medyo napalakas kasi yung boses ko eh.

“Sa palengke.”

Page 127: I am inlove with a wierdo

“Ano bang binili mo at pagkatagal tagal mo. Kanina pa ako dito ah”

Ginger’s POV

Anak ng tinapa bakit kasi eto pa yung napili kong bilhin.

Paano ko ba sasabihin na modess yung binili ko (nakss endorsement) at saka feminine wash nakakahiya.

“Ahm ano bumili ako ng palaman”

“Anong palaman yan at pagkatagal mong nakabalik.”

Ano ba naman tong si Ezekiel pinipilipit pa akong sabihin kung anong palaman ang binili ko.

Bahala nga sya.

Page 128: I am inlove with a wierdo

“Eto.” Pinakita ko yung modess at saka feminine wash. Napahiya rin siguro kaya di na umimik.

“Tss.” Say nya.

“Wait? nag-alala ka ba sa akin?” eto yung mukha ko nung nagsasalita ako ^_^

“Umasa ka lang Ginger”

“Sus pakipot ka pa.”

“Oo na sige na nag-alala na ako. Masaya ka na?”

Yinapos ko sya mula sa likod. “Salamat”

Page 129: I am inlove with a wierdo

Ezekiel’s POV

Yinakap ako mula sa likod ni Ginger nagulat ako pero gusto ko yung feeling “Salamat” say nya.

“Bakit ka naman nagpapasalamat?”

“Kasi nag-alala ka sa akin, that shows that you care for me.”

Humarap na lang ako sa kanya tapos ginulo ko yung buhok nya.

“Ano ba hindi ako aso” say nya.

Tinalikudan ko na lang. Baka makita nya pa yung ngiti ko asarin nya pa ako.

Yah nakangiti ako sya lang naman ang nakakapagngiti sa akin.

“Oi may surprise ako sa’yo sa last day ng community service natin” si Ginger

Page 130: I am inlove with a wierdo

“Eh ano naman” say ko.

“Tungaw ka ba? di ba surprise nga?”

“Tss. Bahala ka na nga.”

Part 6: They meet again

Ginger’s POV

Ang bilis ng araw bukas na matatapos yung community service namin.

Kinakabahan na ko sa pagkikita ulit ng family ni Ezekiel

Gusto kong magkasundo sundo sila. Para naman maging Masaya si Ezekiel. All this time akala nya hindi sya mahal ng magulang nya.

Page 131: I am inlove with a wierdo

I need to prepare for this.

Kailangang magkasundo-sundo sila.

Ginawa na namin yung dapat naming gawin ngayon. Tinulungan namin yung mag-asawa sa trabaho nila.

Nakakapagod yung araw na to.

Nung gabi na mukha ngang pagod na pagod si Ezekeil.

Bagsak agad sa kama eh.

“Napagod ka ba?”

Page 132: I am inlove with a wierdo

“Yea. Ang hirap pala ng trabaho dun sa resort.”

“Gusto mo masahihin kita?”

“Ok.”

Hinubad ni Ezekiel yung shirt nya. Omo tulo ang dugo sa ilong ko.

Ang macho nya super. Ano ba naman kasing sinabi ko.

Napasubo tuloy ako.

Nakuuuuuu baka kung ano ang magawa ko dito kay Ezekiel. Hahahaha. Joke

Sinimulan ko syang masahihin.

Page 133: I am inlove with a wierdo

>.<

Ramdam ko yung hard muscles nya. Ang lapad ng likod nya superrrrr. Heaven ang feeling. Hahaha.

Tinuloy ko lang yung ginagawa ko.

Ezekiel’s POV

Sheet. Bakit ako pumayag na magpamassage sa kanya.

Nung lumapat yung kamay nya sa likod ko.

Nag-init yung pakiramdam ko.

Fuck. Ano ba naman to.

Habang umiikot yung kamay nya sa buong likod ko. Lalo umiinit yung pakiramdam ko.

Page 134: I am inlove with a wierdo

Ang lambot ng kamay nya.

Parang sa baby. Ang sarap halik halikan.

Sheet ano ba tong pinagsasabi ko.

Sa halip yata na marelax ako. Lalo akong natetense.

Pinatigil ko na sya. Dahil hindi ko na lam kung ano ang sususnod na mangyayari.

Langya naman talaga ako. Nagiging pervert na ang tingin sa akin ng mga readers eh.

“Okay ka na ba?” sabi ni Ginger?

“Oo okay na ko” sabi ko na lang.

“Nga pala yung surprise ko sayo ah. Bukas na yun”

Page 135: I am inlove with a wierdo

“Ok” sabi ko na lann. Ano naman kaya yung surprise na yun.

Kinabukasan …

Ginger’s POV

Maaga kaming gumising.

Pinayagan kami ni Aling Rosa na wag ng tumulong kasi last day na naman daw namin ngayon.

Naligo na kami ni Ezekeil.

I’m so nervous.

Eto na yung moment. Sana magkasundo na sila.

Natapos na kaming mag-ayos ng sarili.

Page 136: I am inlove with a wierdo

“Oi Ezekiel, ready ka na sa surprise ko?”

“Yah” say nya in a sarcastic way.

Bahala ka nga pero. Tuloy pa rin ang plano.

Papunta na kami sa restaurant nina tita.

Habang daan walang nagsasalita sa amin.

Ilang minutes lang andito na kame. Nasa pinto na kame ng restaurant

“Ezekiel may gustong makakita sayo.”

“Sino?”

Page 137: I am inlove with a wierdo

“Tara pasok tayo.”

Pagbukas namin ng pinto nakita agad namin si tita. Lalapit sana si tita kay Ezekeil. Naiiyak na nga sya.

Ang kaso di pa kame nakakaupo umalis na si Ezekeil

“Ezekiel” tawag ko sa kanya. bakit kasi ang bilis nyang maglakad/

“Tita susundan ko lang po sya. don’t worry tita. Gagawan ko to ng paraan.” Say ko kay tita.

Hinabol ko na nga si Ezekiel.

“Ezekeil sandali lang”

Page 138: I am inlove with a wierdo

Bakit naman kasi ang bilis nyang maglakad.

Tumakbo na ako.

Ayun naabutan ko rin.

“Please naman Ezekeil. Kausapin mo ang magulang mo.”

“Ayoko.”

“Please. Mahal ka ng parents mo.”

Page 139: I am inlove with a wierdo

“Pwede ba hindi porke’t ikaw lang ang kinakausap ko may karapatan ka ng manghimasok sa buhay ko.”

Ang sakit wala lang pala ako sa kanya.

Umalis na sya. Pero hindi pwedeng hindi ko tuparin ang sinabi ko kay tita.

Hinabol ko pa rin sya.

Hindi na ako nakapag-isip ng maayos basta ang alam ko lang kailangan ko syan abutan at ibalik sa magulang nya.

“peeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeppppppppppppppppppppp”

Anong nagyari ang sakit ng katawan ko.

Bakit parang dumidilim yung paligid.

Page 140: I am inlove with a wierdo

Ang daming sumisigaw.

“Tulungan nyo yung babae. nasagasaan.”

Unti unti na ring nawawala yung mga nagsisisgawan at ang huli ko lang narinig ay…

“Ginger, Ginger I’m sorry” mula sa kanya.

Ezekiel’s POV

After 6 months

Ginger’s POV

It’s been 6 months nung maaksidente ako.

Akala ko mamatay na ako pero salamat sa diyos buhay pa ako.

Si Ezekiel? Hindi na sya nagpakita sa akin simula nun.

Page 141: I am inlove with a wierdo

Sana hindi. Kasi naman hanggang ngayon mahal ko pa rin sya.

Ewan ko matapos ang lahat. Hindi ako nagalit man lang sa kanya. nagtampo ako oo. Kasi naman ang ganda ng huling usapan namin.

Nung dinalaw ako ni Tita at tito, yung mom ni Ezekeil.

Sabi nila nakausap daw nila si Ezekeil.

Ang sabi lang daw ni Ezekeil ihahanda daw muna ang sarili nya. Hindi daw ganun kadali para sa kanya ang lahat.

Hindi rin daw nagpapakita sa kanila si Ezekiel.

Nakakainis talaga sya. Wala na rin sya dun sa apartment nya.

Page 142: I am inlove with a wierdo

Kahit text wala din. Haixt. Baka patay na nga yun. Lord please. Huwag naman po sana.

Mahal na mahal ko po sya.. alam ko sya lang talga wala ng iba. Huwag nyo po sanang hayaan si Ezekeil na magkasala sa inyo.

*Ding dong* tunog ng doorbell namin.

Cnu naman kaya yun?

Pumunta na ko sa front door namin.

“Delivery po ma’am para kay Ginger”

Pinirmahan ko na yung dapat pirmahan

Ano naman kaya to.

Page 143: I am inlove with a wierdo

Hugis rectangle sya.

Binuksan ko na to.

Natuwa ako. Kasi isa syang painting ng mukha ako.

Bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko yung pangalan ni Ezekeil sa ilalim ng painting.

Ibig sabihin buhay sya. tHank you lord.

May nakita akong parang invitation sa likod ng painting.

Nakasulat dun na invited ako sa isang exibit.

Kelan? Bukas.

Page 144: I am inlove with a wierdo

I’m so exicited. Baka dito ko na makita si Ezekiel.

Kinabukasan

Kinakabahan na ako. Nandito na kasi ako.

Ngek ang OP ng suot ko. Kasi sila nakadress ako nakapants. Hahahaha.

Hinanap ko yung matagal ko ng gustong makita at ng matuktukan ko na. nakakainis sya pinag-alala nya kasi ako.

Tiningnan tingna ko yung painting. Naiiyak ako kasi lahat ng painting na nadito tungkol sa amin ni Ezekiel.

Yung sunset sa Quezon.

Yung kwartong tinulugan namin

Page 145: I am inlove with a wierdo

Lahat lahat andun parang nagbalik lahat.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

Ang katawan na to alam ko sa kanya lang to.

Kay Ezekiel..

At hindi nga ako nagkamali.

Sobrang namiss ko sya.

Yinakap ko rin sya ng mahigpit.

Page 146: I am inlove with a wierdo

“I’m sorry” sabi nya.

“Bakit ka ba kasi umalis? Nakakainis ka”

“Nung magsusucide na ako, hindi ko nagawa kasi gusto kitang makasama hanggang sa pagtanda ko. at gusto pagbalik ko ako na yung lalaki tama para sa’yo. I love you.”

“Kahit kelan ikaw ang tamang lalaki para sa akin. I love you too.”

End of Story

This story is inspired by a precious heart romace story. Di ko na matandaan kung ano title at characters but the story sticks to my mind. Hahaha

Please vote and comment

Page 147: I am inlove with a wierdo

Thanks po sa mga nagbasa at magbabasa pa.