His BEDMATE. [Special Chapter] - [3166710].pdf

  • Upload
    nami-l

  • View
    135

  • Download
    23

Embed Size (px)

Citation preview

  • ---------------BOOK DETAILS---------------- [BOOK NAME] His BEDMATE. [Special Chapter] [TOTALPARTS] 1------------------------------------------- [ BOOK DESCRIPTION ] --------------------------------------------His Bedmate -- Special Chapter. Obviously, kailangan muna mabasa ang HIS BEDMATE (COMPLETED) May EXTERNAL LINK SA LOOB. Yun ang His BEDMATE Book para sa mga hindi nakakabasa pa nun. :)-------------------------------------------

    *******************************************[1] His BEDMATE. [Special Chapter]*******************************************His Bedmate SPECIAL CHAPTER

    Paki spread na lang sa ibang kakilala nyo na reader ng HB na may Special Chapter! :)

    ___________________________________________

    Love is composed of a single soul inhabiting two bodies.

    Marian's POV

    "Happy First Birthday, baby Helene!" bati ng kararating lang na sina Kuya Jenrick at Pearl.

    "Hello, baby!" sabi naman ni Pami na pilit tinitingala si Helene na buhat ko. "Hello, Tita Rian!" naagaw naman kagad ang atensyon ni Pami ng nangyayari loob ng bakuran namin kung saan idinadaos ang unang kaarawan ng baby girl namin.

    Kumalas sa hawak ni Kuya si Pami at nagtatakbo papunta sa mga bata na nakaupo at nanunuod sa clowns na nagpe-perform.

    "Oh kumusta naman kayo?" sabi ko na si Pearl ang tinutukoy.

    "Eh ayan. Nasa kalagitnaan na naman ng paglilihi." napakibit balikat si Kuya Jenrick . "At ako na naman yata ang napapaglihian." napailing pa si Kuya.

    Nakurot sya ng asawa nya. "Mayabang ka! Totoo naman talaga na ang pangit mo ngayon! Kung bakit ba naman kasi ikaw pa yung nagustunan ko noon! Kung alam ko lang na papangit ka lang din pala, eh di sana hindi na lang ikaw ang pinatulan ko!" maktol ni Pearl na may kasama pang panghahaba ng nguso.

    Natatawa naman na napailing ako. "Ngayon ka pa nag sisi. Binalaan na kita noon ah."

  • panggagatong ko naman sa inis nya.

    "Oo nga eh. Hmp!" inirapan nito ang asawa bago nagpatiuna na papasok.

    Ngiting ngiti naman na sinundan na lang ng tingin ni Kuya ang asawa. "Iba na talaga ang lakas ng dugo ko kapag kamukha ko pa rin ang ipinagbubutis ng kaibigan mo."

    Oo nga. Pansin ko din na kahawig nya talaga si Pami. Halos lahat na lang sa kanya nakuha, pwera lang ang labi ni Pami. Namana naman nya ang labi nya kay Pearl.

    "Ipasok mo na sa loob si Helene at mainit na dito oh." sabi ni Kuya kaya naman sabay na kaming pumasok sa loob.

    "Wifey, kumain ka na muna, Ikinuha na kita oh. Akin na muna si Helene." kinuha ni Kurt mula sa bisig ko si Helene bago ako inalalayan naman paupo sa isang lamesa.

    Tuwang tuwa naman na nilaro-laro ni Kurt si Helene na humahagikgik na. Parang kailan lang nung nalaman ko na ipinagbubuntis ko si Helene. Ibang iba noong si Brayden ang nasa sinapupunan ko.

    Kasi nung kay Helene naman, nandyan sa tabi ko si Kurt. Simula noong naglilihi palang ako. Doon naranasan ni Kurt na lumabas ng bahay namin ng dis oras ng gabi para lang maghanap ng lazones o kaya ng strawberry.

    **

    "Hubby, sige na. Gusto ko ng lanzones ngayon!" nakahiga na noon at natutulog si Kurt. Napatingin ako sa orasan at nakitang 12:20Am na. Masyado yata akong nalibang sa binabasa kong english novel.

    "Hmmm?" ungol ni Kurt na nanatiling nakapikit at nakatalikod sa akin.

    Sinundot-sundot ko ang tagiliran nya. "Hubby.." sabi ko.

  • Nang hindi pa rin sya mumulat ay lumipat ako ng pwesto. Sa harapan na nya ako nahiga."Hubby! Huuuuy!" nanghahaba na ang nguso ko at unti unti na akong nakakaramdam ng pagkairita.

    "Wifey naman. Bukas na lang pwede? Kahit ilang kilo pa ang gusto mo. But please, let me rest. Masyado akong napagod sa meeting kanina."

    Tumaas ang kilay ko. Hindi ko sya titigilan hanggang hindi ko nakukuha ang gusto ko!

    Pinilit kong buksan ng mga daliri ko ang talukap ng mata nya.

    Pero ayaw nya talaga!

    "Bakit ka mapapagod dun ha? Nakaupo ka lang naman doon at nakikinig sa kung ano anong report ng subordinates mo. O kaya naman sa kung ano anong presentations nila." nahaluan ng pagdududa ang boses ko. "Not unless, ibang meeting ang pinuntahan mo. Baka pinagod ka ng malandi mong sekretarya!"

    "Wifey please.. Not now. I am seriously tired." sabi nya na nanatiling nakapikit.

    Napanguso ako. At unti unting may namumuong luha sa mga mata ko. "S-siguro.. Hindi mo na ako mahal." sabi ko sa boses na bahagyang nanginginig.

    "Dahil ba sa bahay na lang ako? Dahil ba few months from now, lolobo na naman ako?" sabi ko na habag na habag sa sarili ko. Pakiramdam ko nalolosyang na ako dito.

    Kaya naman hindi ko na napigilan na hindi mapahagulgol.

    "Wifey!"

    Naitakip ko sa mukha ko ang palad ko. Habag na habag talaga ako sa sarili ko ngayon.

  • Bumangon si Kurt at niyakap ako. "Wifey.. Shhhh. Tahan na. Sorry, pagod lang talaga ako ngayon. At alam mo naman na hindi ko magagawang tumingin sa iba diba." Napabuntong hininga sya. "Sige na. Ihahanap na kita ng lanzones na 'yan."

    Dahil sa narinig ay tumigil kagad ako sa pag iyak. "Talaga, Hubby?" nangislap ang mata ko dahil sa sinabi nya. "Eh diba.. Pagod ka? Matulog kana lang." lumaylay muli ang balikat ko.

    Bumangon si Kurt at nagsuot ng pantalon. Tanging boxers shorts lang kasi ang suot nya. Nag hagilap na din sya ng shirt.

    "Mahiga ka na lang dyan ha. Uuwi ako kapag nakahanap na kaagad ako ng lanzones." lumapit sya sa akin at hinalikan ako ng mariin sa labi. "Ang misis ko talaga!"

    Napangiti naman ako sa sinabi nya. Mahal pa rin naman pala ako ng asawa ko! Tingnan nyo naman, kahit dis oras ng gabi maghahanap sya ng lanzones! *Q*

    "Ingat ka, Hubby ha." bilin ko sa kanya. "I love you!" pahabol ko pa bago sya makalabas ng kwarto namin.

    "I love you, too!" sabi nya na narinig ko naman kahit nasa labas na sya ng kwarto.

    Haaay! Baby, bad ka. Pinapahirapan mo ang Daddy mo. Kung bakit ba naman kasi ngayon ka pa gumusto ng lanzones! >_< Kawawa naman tuloy si Hubby. =3=

    Nahiga na lang ako at napangiti. Naiimagine ko kasi yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kunwari lang naman na nagdududa ako sa kanya. Alam ko naman na mahal na mahal nya ako.

    At lalong alam ko na hindi nya ako ipagpapalit sa mukhang bangus na sekretarya nya noh!

    Makalipas nga ang mahigit dalawang oras, bumalik na sya na mukhang pagod na pagod.

  • "Oh, Hubby!" napabalikwas ako ng bangon ng pumasok sya dito sa kwarto namin.

    Inabot naman nya kaagad ang plastic bag na naglalaman ng lanzones. Ang dami! Lampas limang kilo yata ito ah!

    Pagkakuha ko ay pabagsak na nahiga si Kurt sa kama. "Good night, Wifey." sabi nya na bakas ang pagod.

    Hindi ko na sya pinansin at tanging lanzones lang ang iniintindi ko. Dali dali kong binuksan ang bag at kumuha ng lanzones.

    "Hubbyyyyyyyy!!" malakas na sabi ko.

    Napabalikwas na naman ng bangon si Kurt at bakas ang gulat sa mukha ng nilingon ako. "Bakit?"

    "Hubby!!! Ayoko nito!" itinapon ko sa kandungan nya ang plastic.

    Napakamot naman sa ulo si Kurt na sinulyapan ang plastic. "Bakit nga?"

    Humalukipkip ako bago sumandal sa headboard ng kama. "Ang laki naman ng lanzones na yan! Ayoko nyan! Gusto mo yung maliliit! Laki laki ng buto nyan eh!" sabi ko bago sya inirapan.

    Narinig ko na napahinga ng marahas si Kurt. "Wifey naman. Bukas na lang ikaw maghanap ng maliliit. Pangako, papasalubungan kita nun. Ayan na lang muna ang pagtyagaan mo."

    Nainis naman ako sa narinig ko. "Ayoko! I want it now! When I said now, ngayon yun! Not later, not tomorrow, not the day after tomorrow!"

  • "Wifey please. Let me sleep. Maawa ka naman sa akin. Pagod na pagod pa ako. Wag ka ngayon maging brat."

    "No! Ikaw kaya ang makaramdam ng lintik na paglilihi ha? Palit tayo! Ikaw ang mag crave ng something in a godly hour! Tingin mo ba natutuwa ako sa ganito ha?"

    Sandaling hindi nakaimik si Kurt. "Pero, Wifey---"

    Inagaw ko na kaagad ang sasabihin nya. "No buts! Matapos mo magpakasarap na gawin natin si Baby, ngayon naghihirap na ako sa nararamdaman kong cravings, hindi mo ako dadamayan?! Akala mo ba simpleng pag iinarte lang sa pagkain ito ha? Palit tayo!" napasigok ako dahil pinipigilan ko na wag mapahagulgol na naman.

    "Okay okay. Sorry. Sige na ihahanap na kita ngayon." bagsak ang balikat na tumayo ulit si Kurt.

    Biglang naging ganito na ang itsura ko--> (^__^)

    Wagas lang sa mood swings diba? ;D

    Kaya naman ng muli syang umalis, matyaga ulit akong naghintay. Medyo nagtagal nga sya. Wala sigurong mahanap na maliliit na lanzones.

    Napasulyap ako sa orasan at nakitang malapit na mag ala singko ng umaga. Hala! Kawawa naman si Hubby! Inumaga na!

    Kaya nung narinig kong dumating na ang kotse nya ay dali dali akong bumangon.

    Papalabas na ako ng kwarto namin ng makasalubong ko na si Kurt.

    "Hubby?Bakit ang dami mong dala?" nagtataka kong tanong ng mapansin na halos hindi na sya magkanda dala sa mga plastic bags.

  • "Binilhan na kita ng maliliit na lanzones. Nang mangga, dahil isa din daw yan sa maaring paglihian. At ayan, pati strawberries, tsaka yung nabanggit mo nung isang araw na pakwan. Diba sabi mo gusto mo din nun?" lumakad papasok sa kwarto si Kurt at inilapag sa sahig ang mga dala. Naiwan naman akong napatunganga sa may pinto.

    "Okay na ba 'yan?Hindi ka na ba mag da-drama na hindi kita pinapansin o kaya naman pinagpalit na kita?" sabi nya na nilingon ako.

    "Bakit ka ba ganyan? Nagsasawa ka na ba na intindihin ako?" malungkot na tanong ko sa kanya. Napatungo din ako.

    "Wifey.. Hindi ganyan ang ibig kong sabihin."

    "Nakakawala na ba ako ng pasensya? Naiinis ka na sakin?" napakurap ako ng ilang ulit dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha,

    Lumapit sa akin si Kurt. Itinaas ang mukha ko at tiningnan ang mukha ko. "Wifey.. Hindi sa ganon. Pero ikaw lang din naman ang inaalala ko. Paano kung mag crave ka habang wala ako? Habang nasa opisina ako? E di mahihirapan ka diba? Kaya ayan.. Binilhan na kita ng marami. Pakabusog kayo ni baby." hinaplos nya ang mukha ko.

    "Pero kasi----"

    "Wag na wag mong iisipin na hindi na kita pinapansin o nagsasawa na ako. Kasi alam mong napaka imposibleng mangyari nun. Ang sinasabi ko lang naman, hayaan mo akong makapag pahinga. Para din naman sa inyo itong ginagawa kong pagtatrabaho diba? Sorry kung napapagtaasan kita ng boses." malumanay na sabi nya sa akin.

    Pilit ko namang ngumiti bago sya niyakap ng mahigpit. "Sorry, Hubby. Sorry kung naiinis ako sayo."

    Gumanti naman ng yakap si Kurt ng mas mahigpit. "Okay lang. Basta para sa inyo."

  • Kaya naman in the end, hindi na din ako kumain ng mga binili nya dahil sinamahan ko ng matulog si Kurt. Niyakap ko sya hanggang sa pareho kaming makatulog.

    **

    Oh isa pa lang yan sa mga hirap ni Kurt habang pinagbubuntis ko si Helene. MWEHEHE!

    "Ano pang gusto mo, Wifey?" bumalik sa kasalukuyan ang isip ko ng tanungin ako ni Kurt,

    "Ikuha mo na lang ako ng dessert, Hubby."

    "Oh sige." tumayo sya habang buhat pa rin si Helene at tinungo ang kuhanan ng minatamis.

    At eto pa ang isa sa mga epic scenes na nangyari sa amin...

    **

    Nasa isang supermarket kami, hindi namin kasama si Brayden dahil hiniram sya ni Kuya Jenrick dahil daw may pupuntahan silang children's party doon sa village nila.

    Nasa ika walong buwan na ang tyan ko noon,

    Nang hindi ko alam pero sinapian ako ng kapilyahan.

    Tulak-tulak ni Kurt ang cart at seryong naglalakad habang ako naman ay naka sunod at tinitingnan ang list namin.

    Dahil weekdays at nag under time lang si Kurt kasi nilambing ko sya na samahan ako na mag grocery. Actually, it's more like pamimilit with matching tampo pa ha. :D Kokonti lang ang tao dito sa supermarket.

  • Dito nga sa canned goods section ay kami lang ang nandito.

    "Hubby.." binakasan ko pa ng konting arte ang boses ko. Arte na parang nasasaktan.

    Napalingon naman kagad si Kurt sa akin. "Oh bakit, Wifey??"

    Kunwari naman na namimilipit ako sa sakit ng tyan. "H-hubby, manganganak na yata ako!"

    Nakita ko na nanlaki ang mata nya. Nataranta naman kagad na iniwan nya ang cart at nilapitan ako. "Masakit na? Dadalhin na kita sa ospital!" hindi nya malaman kung bibuhatin ba nya ako o aalalayan na makalakad. "Kaya mo pa ba?"

    "Hubby!!" medyo nilakasan ko ang boses ko pero sapat lang para marinig naming dalawa. Ayoko naman na makabulabog kami ng ibang shopper.

    "Oh, God!" pinawisan naman kaagad si Kurt at nagpasya na syang buhatin ako.

    Patakbo na sana sya ng pigilin ko. "Hubby, wait!"

    Tumingin sya sa akin,"Oh ano? Masakit na ng sobra?" bakas ang pagaalala sa mukha nya.

    Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya ng matunog sa pisngi. "Joke lang po." nakangiti kong sabi bago nag peace sign sa kanya.

    Napatulala ng ilang saglit si Kurt. Parang hindi yata kaagad nag sink in sa isip nya ang sinabi ko. "W-what?"

    "Sabi ko po, joke lang."

  • Napansin ko din na nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang namimili. "Put me down, Hubby. I was just kidding. Hindi pa ako manganganak."

    Lutang pa rin yata ang isip nya ng ibaba ako. "T-that was just a joke?"

    Tumango ako. "Yeah. That was just a freaking joke. Sorry. I don't know what came over me para maisip na mag joke ng ganoon."

    Nakatitig lang sa akin si Kurt at ilang sandali ay napatawa na lang sya. Pinahid nya ang gilid ng noo nya na may bakas pa ng pawis. "Ikaw ha! Napaka pilya! Wag naman sanang makuha ni baby yan!"

    "Ah ganon? Kapag yung kapilyuhan ni Brayden, tuwang tuwa ka dahil manang mana sayo. Pero kapag dito sa bunso mo, ayaw mo." pabiro kong piningot ang tainga nya.

    Nagtatawanan kaming bumalik sa masayang pamimili.

    **

    Oh diba? Ang kulit lang. Hindi na namin kasi ginagawang big deal ni Kurt ang mga maliliit na bagay. Isa pa, hindi na kami mga bata pa para palakihin ang mga simpleng pikunan lang.

    Sa bawat pagdaan naman kasi ng araw, mas nakikilala namin ang isa't isa. Mas natatanggap namin ang mga flaws ng bawat isa.

    Katulad na lang ng kapag tahimik sya at malalim ang iniisip, hindi ko muna sya kinukulit dahil alam ko na may seryoso syang pinag iisipan.

    O kaya naman kapag bad trip sya, tatahimik lang din ako. Hindi na para gatungan ko pa ang inis nya. Hindi ko din muna sya kukulitin para tanungin kung bakit o saan sya nagagalit. Dahil alam ko naman na kapag okay na ang mood nya, magkukusa na syang sabihin sa akin ang dahilan.

  • Ngayon din alam ko na ayaw nya sa mga mapapaklang ulam o pagkain kaya naman iniiwasan kong ipagluto sya ng kahit anong lasang mapakla.

    Ayaw din nya ng putahe ng ulam na ginagamitan ng liver spread.

    Ayaw nya sa bahay na masyadong magulo o makalat.

    Sa halos limang taon naming pagsasama bilang mag asawa, marami pa rin akong natutuklasang bago sa kanya. Everyday always felt like new. Bawat araw nasososrpresa pa rin ako na may malaman na bago tungkol sa kanya. Mga simple o maliliit na bagay man, pero sobra kong pinapahalagahan at binibigyang pansin.

    Dahil saan ba nagsisimula ang malalaking bagay? Diba sa maliliit lang din?

    Kaya hindi ko binabalewala ang mga ganon.

    At masasabi ko na siguro sa aking sarili, I never thought that I can be like this. Living a simple life with my own family.

    "Oh ayan na, Wifey. Dinagdagan ko yan ha." bumalik sa pagkakaupo si Kurt ay iniumang ang bibig nya.

    Humiwa ako ng konting cake bago isinubo sa kanya.

    "Oh, kumusta naman ang little angel natin ha?" naagaw ang atensyon namin ni Claire na kakarating lang.

    Nakangiti akong lumingon bago tumayo. "Bakit late ha?"

    "Kasi naman, si Bret napaka bagal. May tinapos pang meeting!" makapag reklamo naman?

  • "Anong ako? Sinabi ko naman kasi na mga 2:00Pm pa kita masusundo diba." singit naman si Sir Bret. Oh I mean, ni Pareng Bret. Kasi ninong sya ni Helene.

    Remeber Bret Durand? Ang aking boss sa modelling agency na pinagtrabahuan ko for almost 6 years. At isa sa mga kaibigan ni Kurt way back in his old days.

    Akalain mo yun? Si Claire at si Bret na ngayon! They will celebrate their first anniversary na nga next month! Hindi kasi naging okay yung relationship ni Claire with Jet that's why they ended up as friends na lang. Oo in their case, posible na maging good friends ang mag ex. Rare case diba?

    Ang kailangan lang kasi naman ay maging matured na tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa.

    At eto namang si Bret, kung dati cassanova ang peg, aba ngayon napatino na sya ni Claire. Hay buhay! Ang cassanova at ang pihikan ended in each other's arms ang drama! Galing lang diba? Kaya sa love talaga, expect the unexpected. Never tell that it's final, kasi marami pa ang pwedeng mangyari.

    Lagi lang dapat piliin kung ano ang gusto. At kung saan ka sasaya.

    Because you only get to live once. But once is enough if you live it well.

    "Oh mamaya na pagtalunan yan. Kumain na muna kayo." agaw ko sa pagtatalo nila.

    "Ikuha mo na lang ako." sabi ni Claire kay Bret.

    At ang uto-utong lalaki, sunod naman. Hehe. oo hindi uto-uto, sweet lang talaga. ^__^

    "Nasaan naman si Mich?" tanong ko kay Claire ng maiwan kami dito sa lamesa dahil si Kurt ay ikukuha daw muna ng gatas si Helene.

  • "Sabi nya on the way na daw sya."

    "Tita, Rian! Tita Claire!" sabi ni Mark. napatingin kami sa pinto at nakatayo doon si Mark na buhat si Mark Andrei. At alam nyo ba na dalawang linggo lang ang pagitan ni Helene at Andrei. Kaya two weeks from now, sa bahay naman nina Mark kami magkikita-kita para sa first birthday ng anak nya.

    "Hello, baby Andrei!" sabay pa namin na nasabi ni Claire.

    Tumayo ako para sina Mark naman ang asikasuhin. "Upo kayo." iniabot naman sa akin ni Pia ang isang regalo para kay Helene. "Salamat." sabi ko.

    "Nasaan ang birthday girl?" tanong ni Pia.

    Kinuha naman ni Claire si Andrei at magiliw na nilaro-laro. "Ayaw pa kasi mag anak din. Para hindi yung nanghihiram ng anak ng may anak." pang aasar ko kay Claire. "Na kay Daddy nya." sagot ko naman sa tanong ni Pia.

    "Darating din yun. Malayo pa naman ang expiration mg matris ko." sabi ni Claire.

    "Puntahan ko na muna sina Jerick doon sa may gilid ng pool." pamamaalam ni Mark kaya namam kami nalang ang natira dito.

    "Sina Mich ba nandyan na?" tanong ni Pia.

    Magsasalita pa sana ako ng maagaw ng boses na mula sa pinto.

    "Bahala ka sa buhay mo! Sinabi ng hindi nga pwede! Kung ganyan ka ng ganyan, maghanap ka ng ibang girlfriend!"

  • Napakamot ako sa noo ko ng makita na nagtatalo na naman sina Mich at Vin. Haay!Walang pagbabago. Hindi ba sila nagsasawa na puro away na lang sila?

    Sabagay, parang lambingan na lang nila ang pag aaway.

    "Babe.." sabi naman ni Vin. Buti na lang at nasa labas ang mga bisita walang ibang makakarinig ng pagtatalo nila. Eh kami naman sanay na.

    "Wag mo ako ma-babe babe ha! Baka akala mo natutuwa pa ako sayo! Layas ka na nga! Gawin mo gusto mo!"

    "Oh ano na naman ba yan? Kararating nyo lang bangayan na naman."

    Padabog na naupo si Mich sa isang bakanteng silya. "Ang lalaking yan kasi! Napadaan kami sa may pool kasi akala naman nandoon kayo. Gusto ba namang mag inom nyan! Alam ng hindi pwede eh!" inis na sagot ni Mich.

    "Hanggang ngayon ba naman pinagtatalunan nyo pa rin ang alak?" nababanas na tanong ko naman.

    "Sya kasi. Ako lang naman yung concern." nalukot ang mukha ni Mich at ilang saglit pa, "Alam naman nya kasing bawal sa kanya ang alcoholic drinks dahil sa sakit nya." sumigok ng bahagya si Mich kaya naman napalapit na kaagad sa kanya si Vin.

    "Sorry." inakbayan naman ni Vin si Mich at hinalikan sa ulo. "Tahan na."

    Hinampas ni Mich si Vin sa braso at nandidilat na nagsalita, "Bwisit ka kasi! Napakatigas ng ulo mo! Ang kulit mo! Ang hirap mong pagsabihan!Kung ganyan ka ng ganyan, hindi na ako papakasal sayo!"

    Natigilan kaming lahat. Si Claire na kanina ay hindi iniintindi ang sinasabi ni Mich at itinuon na lang ang pansin kay Andrei ay napaangat ang ulo.

  • Si Pia naman na kumakain ay napatigil sa pag subo.

    Ako naman ay kunot noong tumitig sa natigilan ding si Mich.

    "Tama ba yung rinig ko ha? Ikakasal na kayo?" singit naman ni Pearl na kakabalik lang dito.

    Lumikot ang mata ni Mich. "H-ha. Ah.. Oh san ka galing?" tanong nya kay Pearl.

    "Doon sa labas. Si Pami kasi at Brayden, nag aaway na naman. Yung clown ba naman kasi si Brayden lang ang kinuhang aalalay sa kanya. Alam nyo namang inggitera si Pami. Manang mana sa pinagmanahan."

    "Ano na naman yan? Ako na naman nakita mo?" kasunod lang na pumasok din si Kuya Jenrick na kasama na din si Kurt, Mark, Vin at Bret.

    Nilapitan naman kaagad ako ni Kurt na buhat pa rin si Helene. Kinuha ko ito at ako naman ang bumuhat.

    "Alangang yung driver natin? Hindi naman sya ang tatay ni Pami." nakairap na sabi ni Pearl. Nagtawanan naman kami, kasi naman naglilihi sya ngayon kaya masungit. ;D

    "But anyway, hindi yan ang dapat na pag usapan. Ang tinatanong ko ay yung narinig ko na ikakasal na kayo?" napatuon na naman ang tingin namin kina Mich at Vin na ngayon ay kinukurot ni Mich sa tagiliran si Vin.

    "Ayan! Kasalanan mo! Nadulas tuloy ako!" inis na bulong ni Mich na hindi yata napansin na sa kanila na kami nakatingin ngayon.

    "Ehem!" dumukwang pa ng bahagya si Mark sa pagitan nina Mich at Vin. Nabitin naman sa ere ang aktong pag kurot ulit ni Mich sa kawawang boyfriend nya. "Maari ba na sagutin mo ang tanong sa hukumang ito? Ayon kasi sa testigo, may sinabi ka daw na nakarimarim na bagay, Binibining Michelle."

  • "Aray!" angal ni Mark na napalayo na. "Sakit nun ha!" sinampal kasi ni Mich ng bahagya si Mark sa pisngi. Kahit kailan hilig manakit ng babaeng ito. =_=

    "Sige, asarain mo ako, Mark. Hindi ka invited sa kasal ko!" napasinghap kaming lahat sa narinig.

    "Hoy OA nyo ha! Makahinga naman?" angal na naman ni Mich, si Vin ay natawa na lang.

    "Kasi babe, nagulat sila dahil na napapayag mo ako na pakasalan ka." tatawa tawang sabi ni Vin na ikinatawa na din namin maliban kay Mich na napasimangot. "Buti nga hindi kita tinaggihan eh."

    "What? Si Mich ang nag propose?" gulat na tanong ni Kuya.

    Napatungo naman si Mich."Yeah." sabi ni Vin na nangingislap ang mata sa pinipigilang pagtawa. "Ang romantic ng ginawa nyan."

    "H-hoy, walanghiya ka." mahinang sabi ni Mich na pulang pula ang mukha ng angatin ang tingin sa boyfriend nya. Oh lemme scratch it, fiance pala. Mwehehe!

    "Wow! That's somewhat...." binitin ni Mark ang sasabihin nya kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. "Desperate." ngising asong sabi nya.

    "Potek ka! Hindi ako desperada!" binato ni Mich si Mark ng nahagilap nyang tinidor na agad namang naiwasan.

    "T-tinupad ko lang naman ang sinabi ko na kapag handa na ako, ay ako na mismo ang magyayaya kay Vin." namumula na namang sabi nya. "Kaya ayan, ako naman ang nag propose." nahihiyang sabi nya. Naibaon nya sa leeg ni Vin ang mukha nya ng magtawanan kami ng malakas.

    Oo nga pala, sinabi nya yun kasi nag propose na sa kanya si Vin noon. But for some reason, she turned him down. At ang sabi nya, hindi pa sya handa. She wants to enjoy life daw muna as well

  • as Vin's. At ang sabi pa nya noon, oras na marealized nya na handa na sya, yayayain na daw nya kaagad si Vin.

    And I'm happy na narealized nya na yun. Ayoko lang naman kasi na matulad sila dun sa isang couple na nakausap ko sa Italy, halos walong taon na ang relasyon nila, at tatlong taon ng nagli-live in pero walang anak kasi they are still young. Halos kaedad lang namin. And during their relationship, naggo-grow din sila as partners. Pero dumating yung oras na they are growing nga as a person naman, but in a different way.

    Kaya naman naintindihan ko din si Mich noon. Hindi lang simpleng enjoyment ang gusto nya na gawin before getting married. But growing as an individual as well.

    "Kailan ba yan ha?" tanong ni Kurt. Nakayakap sya sa bewang ko habang si Helene naman ay tulog na sa bisig ko, nasa may bandang likuran ko sya kaya sumandal ako sa kanya.

    "Next year pa naman. Ewan ko lang ba dyan kay Mich kung April or December." sagot ni Vin.

    "Bakit ba! Pinag iisipan ko pa ng ayos eh."

    "Eh ikaw ba, Vin, napag isipan mo na ng ayos na sya na nga ang gusto mong makasama? Malalahian ka ng baliw." tatawa tawang sabi ni Kuya.

    "Bakit ba lagi na lang ako ang kinakawawa sa grupong ito?!" tiningnan nya kami isa-isa na akala mo ay inaapi sya. Natatawa naman kaming nakatingin lang sa kanya. "Sa reception, tuyo at dinuguan na lang ang ipapahanda ko. Makaganti naman sa inyo." nakanguso na maktol pa nya.

    "Hahaha! Edi kayo na lang ni Vin ang aattend ng kasal nyo! Hahahaha!" sabi naman ni Bret.

    "Mommy! Let's take a picture with baby Helene outside!" tumatakbo naman na dumating si Brayden.

    "Brayden, look at your self. Puro pawis ka na!" umupo si Kurt ng bahagya para magpantay sila ni Brayden. "Magpunas ka oh." inabot nya ang towel sa anak nya.

    Everytime na ganito si Kurt, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Napaka maasikasong asawa at

  • ama. Busy man sya sa opisina kapag weekdays, pero asahan mo na babawi sya sa aming mag iina kapag weekend.

    Itutuloy ko nga pala yung isa sa mga kwento ko sa inyo na mga epic scenes namin ni Kurt.. =)

    **

    Nagising ako isang gabi na sumasakit na yung tyan ko. Manganganak na yata ako.

    Hinagilap ko si Kurt na himbing na natutulog. Napasulyap ako sa orasan at nakita na mag aala una pa lang ng madaling araw, ibig sabihin iilang oras pa lang kaming nakakatulog ni Kurt.

    "Hubby.." tinapik tapik ko si Kurt. Napahawak ako sa tyan ko ng ayan na naman ang pagsigid ng sakit.

    "Hubby..!" this time mas nilakasan ko ang boses ko.

    "Hmmm..." sabi ni Kurt na nakapikit pa rin. Humarap sya sa akin na tila natutulog pa rin.

    Mas tumindi na din ang pag sakit ng tyan ko. Yung pakiramdam na hindi ko maipaliwanag pero basta ang sakit-sakit.

    "Aaaaaaaah!" malakas na sabi ko. Hindi ko na yata kaya.

    Dahil yata sa lakas ng sigaw ko, napabalikwas ng bangon si Kurt. Mukhang disoriented pa sya sa nangyayari.

    "Hubbyyyyyyyyy!!" sigaw ko.

    "Wifey? Manganganak ka na?" halatang lito pa rin na tanong nya. Bumaba ang tingin nya sa may

  • tyan ko.

    "Ay potek! Hindi pa ba obvious?!" inis na tanong ko sa kanya.

    Mabilis na bumangon si Kurt at Nagsuot ng pantalon at shirt. Sumulyap ulit sya sa akin na kasalukuyan ng hindi maipinta ang mukha.

    "Wait lang, Wifey. Ihahanda ko ang sasakyan." sabi nya. Dahil kami nga lang ang nandito at wala naman kaming driver. Kapag naman kasi wala si Kurt at may gusto akong puntahan ay tsaka pa lang sya nagpapadala ng driver. Nagkataon din naman ngayon na rest day ng kasambahay namin. At si Brayden ay kina Kuya nag spend ng weekend.

    Malalaki ang hakbang na lumabas sya ng kwarto namin pero agad din na bumalik at mukhang hilong talilong, "Keys." sabi nya na lumapit sa isang drawer at hinanap ang susi. Natataranta na hinanap nya pero mukhang hindi nya makita. Lumipat sya ng paghahanap sa lamesita na nasa sulok. "Oh dammit! Nasan ba yun?"

    "Aaaaah!! Hubby! Bilisan mo!" ayan na naman kasi ang pag sakit.

    Lalo syang nataranta at ng makuha at mabilis na lumabas. Pilit ko naman na makatayo habang hawak ang tyan, pumasok ako sa walk in closet namin para kunin ang gamit na nakahanda na like baby clothes, unan at kung ano-ano pa na nasa isang bag.

    Pag dampot ko ay ayan na naman ang pag sakit kaya nabitawan ko agad.

    "Wifey??! Wifey!" narinig ko na sigaw ni Kurt mula sa kwarto.

    Pahagos na pumasok dito si Kurt at nagulat na makitang napaupo na ako sa sahig. "Hala Wifey! Sorry natagalan." binuhat na nya ako at isinakay sa kotse.

    Paharurot na pinatakbo nya ang sasakyan. At dahil medyo malapit naman ang ospital ay ilang minuto lang nandoon na kami. Inasikaso naman kaagad ako ng mga nurses at doctor.

    At oo nga pala, kasama ko sya hanggang sa operating room. Hawak ko ang kamay nya habang nagla-labor ako sa baby namin. Kasi sabi nya, hindi man sya nabigyan noon ng pagkakataon na masaksihan ang pagsilang ko sa panganay namin, ngayon naman na kasama namin sya ay gagawin nya

  • ang lahat para masaksihan at samahan ako sa bawat hirap.

    At nung ilabas na nga si Helene, bakas sa mukha nya ang saya at pagkamangha. Sya pa nga ang pumalo sa may pwet para umiyak ito.

    "Narinig mo, Wifey? Ang lakas nya umiyak!" sabi ni Kurt ng balikan ako matapos paiyakin si Helene. Pagod man ako, sobra pa rin ang saya ko.

    Malumanay akong tumango. Naramdaman ko na hinalikan ako ni Kurt sa labi. "Magpahinga ka na muna, asawa ko. I love you." bulong nya bago ako hilahin ng antok dahil sa matinding pagod.

    At nang magising nga ako ay nasa isang private room na ako. Pagmulat ko at sina Brayden na kagad ang nakita ko at si Kurt na buhay si baby girl.

    "Is she really my sister, Dad? The reason why mom's tummy is so big?" narinig ko na sabi ni Brayden. Nakaupo si Kurt sa isang silya habang nakatayo sa harapan nya si Brayden at pareho nilang tinitingnan si baby.

    Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Another sight to behold.

    At mabisang pangpaalis ng nararamdaman kong panghihina ngayon.

    "Yeah, you'll take care of her and mom when Dad is away ha?" sabi naman ni Kurt.

    Tumayo ng tuwid si Brayden at sumaludo sa ama. "Yes, Sir!" ngumiti sya sa ama kaya naman lumabas ang bunging ngipin. "I'll protect mom and my sister."

    Natatawa naman na ginulo ni Kurt ang buhok ni Brayden. Napasulyap sa akin si Brayden. "Mom!" kaya napalingon na din sa akin si Kurt. Tumayo ito at sabay silang lumapit sa kinahihigaan ko. Inilapag ni Kurt sa tabi ko si baby.

    "Wifey, ako na ang nag pangalan kay baby." yun nga pala ang usapan namin. Sya nang magpangalan dahil ako naman ang nagpangalan kay Brayden noon.

  • "Anong ipinangalan mo?"

    "Liana Helene." sabi nya. "Liana kasi may 'ian' din. For Kurt Ian and Marian." Napangiti naman ako. Yun kasi ang parehong gusto namin sa mga magiging anak namin, may IAN din kasi yun naman yung parehong meron kami ni Kurt.

    **

    At yun nga ang isa pa sa mga nangyari noon. Swerte ko lang talaga na maranasan ang lahat ng ito sa piling nya. Without him, for sure, incomplete ako.

    Because he is not just my husband.

    He is a friend, my companion, my shopping buddy (yeah, sumasama sya mag shopping sakin hehe), and my mortal enemy. Hehe

    Mortal enemy, kasi sya lang ang nakakagawang mang inis sa akin ng sobra, mag irita sakin, mambwisit sa akin. Pero sya din naman ang mag aalis ng bawat inis at pagka bwisit ko sa kanya sa pamamagitan ng paglalambing. ^_^

    Until now, napapailing pa rin ako at napapangiti kapag naalala ko ang mga nangyari sa nakalipas. Ang bilis lang ng panahon.

    Ngayon mga bata pa anak namin, pero hindi natin mamalayan, lalaki na din sila. Matututo na mangligaw si Brayden at magpapaligaw na din si Helene.

    Hanggang sa maging matanda na din kami ni Kurt.

    But for sure, tatanda kami na masaya at kontento. Ako na ang maghihilot sa paa nya kapag nirarayuma sya, o kaya naman sya na ang aalalay sa akin kapag nagiging ulyanin na ako.

    Darating ang panahon na sabay na lang namin pagmamasdan ang mga anak namin kasama ang mga pamilya nila. At sa panahon na yun, marami kaming maaring ikwento sa mga apo namin tungkol sa naging pagsubok at katatagan namin ng lolo nila.

  • At ipamamana namin sa kanila ang lakas ng loob na harapin at lampasan ang bawat pagsubok na darating sa kanila.

    **

    Sabi nila, hindi naman lahat ng istorya sa buhay ay may happy ending. Kasi kadalasan, sa fairy tales lang naman nangyayari ito. Kwentong bata lang daw ito. Does it mean pinaasa lang tayo nina Cinderella, Snow White at kung ano-ano pang Disney characters about sa happy endings? Kasi sa reality naman daw, may isa pang nag eexist yun ay ang sad ending.

    For me, posible ang sad ending. Kasi tanggapin man natin o hindi, may mga bagay talaga na kahit gusto natin ay hindi maaring mapunta sa atin. Katulad ko na lang kung tuluyan kong ginive-up si Kurt, magiging sad ending din kaya kami?

    Siguro.

    Pero kung magiging posible ang sad ending, mas lalong posible ang happy ending. Kasi tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Hindi ibang tao. Hindi ibang bagay. You just need to have faith that everything will turn out good. Kung may bagay man na hindi ayon sa gusto mo, maghintay ka lang. Kasi maaring hindi yun ang nararapat para sayo. Because there is something much better than that. Aakalain mo na yung bagay na inaasam mo ang the best na para sayo. Pero magugulat ka na lang na mas may dapat sayo higit pa sa unang ginusto mo. =)

    There is always a right person,

    At the right time,

    for that so-called happy ending.

    It's just a matter of appreciation. Kasi minsan happy ending na naman ang nangyari, pero dahil marami pa tayong hinahangad, hindi tuloy napapansin napapansin na maganda pala ang kinatapusan.

    Like sa nangyayari samin ni Kurt. Hindi pa man tapos ang journey namin together, kasi may mga darating pang problema samin, but I consider it na as a happy ending.

    Faith makes all things possible, love make all things easy.

  • ________________________________________

    Happy 3rd month, His Bedmate! Thank you kung babasahin nyo pa rin dito. Oh diba, may gift pa rin ako for monthsary! :3 Pero last na yan ha! WALANG BOOK 2! At wala ng kasunod pa ang HB. And for the nth time, sasabihin ko na NO SOFTCOPIES! Hehe Dun na lang kayo sa UMPP, tas may bago akong one shot yung Fallen Dream.

    Special chapter ito kasi 3M+++ reads na ang KURTIAN! :D At oo nga pala, this January 2013 gagawin ko yung story ng VINICH! Yep, sina Vin at Mich! ;D kaya abagan nyo din sila ha! ;)

    May ginawa nga din pala akong HB COMPILATION for my mobile readers. Please do check out my profile na lang. ;)

    Wala na nga pala yung cell number na pinost ko. Follow me na lang on twitter. @14Misswitty.

    Salamat ulit! ;)

    --Jen