3
FOR BETTER, FOR WORSE Scribe: Zyke Lapus Location: Project 4, Quezon City Date: March 29, 2014 Classification: Psyche Projection, Counselling Nagkita-kita kami sa Coffee bean. Nakita ko agad si Kuya Archie at nagkwentuhan kami sandali. Nung nakita ko si Kuya Liam, kasama nya na ang respondent namin na si Kuya H. Pagkatapos ay dumating na si Jot. Hinintay namin sandali si Kuya Glenn ngunit di na sya nakarating. Sumakay kami sa kotse ni Kuya Liam papunta sa Bahay ni Kuya H sa bandang Belarmino St., Proj. 4, Quezon City, di gaano kalayuan sa Cubao. Nang nakarating na kami sa lugar ng respondent, isang compound pala iyon--ang malaking bahagi ay sa kanyang tiyahin, sa bukana ay kanyang ibang kamag- anak, bandang likod sa kanila, may paupahan. Pagpasok pa lamang namin sa compound, punung-puno na ng mga pananim, may mga tila nursery ng halaman at may mga puno doon. Sabi ko nga isang "urban garden" ang lugar. Sa bahay ng respondent, isang palapag lamang ngunit maraming dibisyon. Ipinaliwanag ni Kuya Liam ang mga hakbangin upang kami ay makapag-scan sa paligid at sa boong bahay. Nagsimula kami magscan doon sa likod ng bahay sa bandang labas ng tirahan ng kanilang mga boarder, sumunod sa kanilang bodega, sa kanilang labas, sa loob ng bahay, at sa ginagawang tindahan. Ang mga sumusunod ay ang mga naranasan sa pag-scan ng bawat miyembro sa imbestigasyon: Zyke : Maaliwalas ang paligid dahil sa mga halaman ngunit pagpasok sa loob mejo mabigat na. Mahirap huminga. Pakiramdam ay maraming matang nakatingin, may nga sapot na nakita sa paligid ng bahay. May anino ng malaking lalaking nakita sa may kusina. May mga nakitang kumikislap sa bahay. Ang emosyon na naramdaman ay away. Isyu : cleansing sa paligid. Jot : May nakitang malaking lalaki sa kwarto na sumusunod, Narinig ang... "please pagmamay ari". May naaninag na parang veneracion. Nakaramdam din ang emosyon na parang pag-aaway. Maraming maskara na nakita. May masakit sa solar plexus at parang may tumutusok sa kamay. Archie : Masakit sa solar plexus, may gulo, away, sama ng loob. May humihingi ng tulong sa may bodega. Mainit ang lugar, parang may earth at fire na elemental. May nakita ring kinang na kung saan

For better for worse

Embed Size (px)

DESCRIPTION

supernatural story

Citation preview

Page 1: For better for worse

FOR BETTER, FOR WORSEScribe: Zyke LapusLocation: Project 4, Quezon CityDate: March 29, 2014Classification: Psyche Projection, Counselling

Nagkita-kita kami sa Coffee bean. Nakita ko agad si Kuya Archie at nagkwentuhan kami sandali. Nung nakita ko si Kuya Liam, kasama nya na ang respondent namin na si Kuya H. Pagkatapos ay dumating na si Jot. Hinintay namin sandali si Kuya Glenn ngunit di na sya nakarating.

Sumakay kami sa kotse ni Kuya Liam papunta sa Bahay ni Kuya H sa bandang Belarmino St., Proj. 4, Quezon City, di gaano kalayuan sa Cubao. Nang nakarating na kami sa lugar ng respondent, isang compound pala iyon--ang malaking bahagi ay sa kanyang tiyahin, sa bukana ay kanyang ibang kamag-anak, bandang likod sa kanila, may paupahan. Pagpasok pa lamang namin sa compound, punung-puno na ng mga pananim, may mga tila nursery ng halaman at may mga puno doon. Sabi ko nga isang "urban garden" ang lugar. Sa bahay ng respondent, isang palapag lamang ngunit maraming dibisyon. Ipinaliwanag ni Kuya Liam ang mga hakbangin upang kami ay makapag-scan sa paligid at sa boong bahay.

Nagsimula kami magscan doon sa likod ng bahay sa bandang labas ng tirahan ng kanilang mga boarder, sumunod sa kanilang bodega, sa kanilang labas, sa loob ng bahay, at sa ginagawang tindahan.

Ang mga sumusunod ay ang mga naranasan sa pag-scan ng bawat miyembro sa imbestigasyon:

Zyke : Maaliwalas ang paligid dahil sa mga halaman ngunit pagpasok sa loob mejo mabigat na. Mahirap huminga. Pakiramdam ay maraming matang nakatingin, may nga sapot na nakita sa paligid ng bahay. May anino ng malaking lalaking nakita sa may kusina. May mga nakitang kumikislap sa bahay. Ang emosyon na naramdaman ay away. Isyu : cleansing sa paligid.

Jot : May nakitang malaking lalaki sa kwarto na sumusunod, Narinig ang... "please pagmamay ari". May naaninag na parang veneracion. Nakaramdam din ang emosyon na parang pag-aaway. Maraming maskara na nakita. May masakit sa solar plexus at parang may tumutusok sa kamay.

Archie : Masakit sa solar plexus, may gulo, away, sama ng loob. May humihingi ng tulong sa may bodega. Mainit ang lugar, parang may earth at fire na elemental. May nakita ring kinang na kung saan nagsasabing ito'y sumisimbolo ng pera o kayamanan. Mukhang may pag-aaway tungkol sa pera.

Liam : Grounded at cluttered masyado ang lugar. Masaya ang paligid sa labas ngunit mabigat sa loob ng bahay. May nagkakasakit. Mukhang mga di magkakasundo ang bawat magkakamag-anak sa compound. May practitioner dahil may mga nakita na libro sa bodega at mga amethyst at quartz sa bahay.

Mula sa aming mga nakita, naisip namin na ang problema ay may kinalaman sa pera, pag-aaway, at hinala na may practitioner na umaapekto sa buong lugar. Pagkatapos ng aming pag-uusap, kinausap na namin ang repondent kung ano talaga ang isyu.

Mayroon siyang laging nakikita sa panaginip na nilalang na may pulang mata,nakatingin sa kanya at mukhang galit. Naririnig niya ang salitang "centrina". Napapansin niya na parang di sila umaasenso dahil kung magkaroon naman sila ng sobrang pera ay biglang may dumadating na bayarin. Kung

Page 2: For better for worse

may proyekto sila ay bilang hindi natutuloy. Ang kaniyang asawang si Angelica ay may malakas na depression. Magmula daw ito nung matanggal sya sa trabaho sa Fontana sa Clark. Dahil sa depression, nagkakasakit ang asawa, humihana ito. Nakuwento din niya na ang asawa niya ay may nakikitang mga hindi mapaliwanag. Minsan daw magsasabi itong may mga maraming bata daw sa kanilang labas ngunit nung tignan nya ito ay wala naman. Marami pa siyang nakikita na kakaiba.Pagkatapos naming ipakuwento sa respondent ay bumalik kami sa labas upang pag-usapan ang aming mga hakbangin. Hinala nina Kuya Archie at Kuya Liam na ang kanyang asawa ang ugat ng problema. Ang kaniyang asawa ay may malakas na psykikong kapangyarihan at ang kanyang matinding depression ay nakaka-apekto na sa kanilang kapaligiran at sa mga nilalang na naroon.

Inihanda ni jot ang kanyang tarot cards upang ikumpirma ang aming hinala: TheEmpress, The Hermit, 5 Pentacles, 8 Cups, The Sun, 7 Pentacles, 4 Pentacles, Ace of Sword, 10 Swords, 4 Wands, King of Wands. Dito nakumpira talaga namin na tama ang aming hinala. Na ang kanyang asawa at kanyang matinding depression ang may malaking epekto. Kung kaya aming napag desisyonan na ang tanging hakbangin namin upang maresolbahan ang problemang ito ay i-counsel ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga baraha. Napagdesisyonan din na si Jot ang kakausap at magbabasa ng baraha ni Angelica.

Muli kaming pumasok at ipinaliwanag ang aming hakbangin na basahan ng tarot si Angelica at i-counsel siya. Kinausap ni Kuya H ang kaniyang asawa at pinilit niyang basahan ito. Mga limang minuto ang lumipas ay pumayag na ito at lumabas sa kwarto nya. Nang unang kita ko si angelica ay may nunal sa gitna ng kanyang noo na kung saan naramdaman ko na malakas talaga ang psychic power nya. Distorted ang aura nya. At talagang ramdam na ramdam namin ang kanyang depression. Nagsimula na si Jot na ilabas ang tarot at ipinabalasa sa kanya ang baraha. Pinapili nya si Angelica ng mga baraha at inilagay sa celtic cross sa spread. Binuklat ni jot isa-isa ang mga baraha. Laking gulat namin na parehong pareho ang nabunot nya sa mga binunot namin kanina. Pinayuhan ni jot si Angelica na kailangan niya ng pagpapakawalan niya na mga bagay na nagbibigay bigat sa kanya, ang kanyang mga nakaraan na. Kailangan niya mag move on upang maging maligaya na sila. Pero kapansin pansin na walang gana si Angelica na tila hindi niya pinakikinggan ang mga sinasabi ni Jot. Saradong sarado siya. Tinanong ni Jot na baka may mga tanong pa siya. Ngunit umiling na ito at sinabing OK na. Nagpasalamat siya at pumasok na sa kuwarto.

Bumalik kami sa kanilang sala at doon kami nag usap sa mga pangyayari. May dalawang recommendation si kuya Liam kay kuya H. Una, kailangang ipatingin muna si Angelica sa mga psychiatrist, dahil di pa pala niya pinapatinggin iyon. Ayon kay Kuya H, natatakot siya dahil may kamag-anak sila na bahagyang nabaliw at natuluyan lang siyang namatay dahil sa pagpapatingin sa mga iyon. Ang tanging ginawa lang niya ay ipatingin ito sa mga alternative healing tulad ng reiki at pranic healing ngunit ganoon pa rin ito. Ipinaliwanag ni Kuya Liam at Kuya Archie na ganoon talaga kung hindi niya tutulungan ang kanyang sarili, baliwala ang mga healing. Psychiatry talaga ang kailangan dahil doon tutulungan talaga siya. Kung ayaw niya pa rin, ikalawa, kailangang magsakripisyo ni Kuya H sa pamamagitan ng pagbibigay ng positibong reinforcement sa kanyang asawa. Kailangang gawin niya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya, lumabas sila ng bahay, iimprove ang sosyalisasyon niya sa ibang tao sa pamamagitan ng pagsali nila sa religious groups tulad ng Couples for Christ.

Pagkatapos noon ay nagpaalam na kami kay Kuya H at nilisan ang lugar na iyon.

Hindi lahat ng kaso sa imbestigasyon ay paranormal ang dahilan. Kailangang isaalang-alang din muna ang siyensya at medikal. Ang bawat isa sa atin ay may koneksyon sa mga nilalang na nakikita at di-nakikita. Bawat isa sa atin ay nakaka-apekto sa kanila, at minsan sila din ay nakaka-apekto sa atin. Mahalaga ang magandang relasyon ng bawat isa sa atin upang magkaroon ng kaayusan.