18
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 7 Filipino Unang Markahan – Modyul 6 Pagsalaysay nang Maayos at Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari GYN A. VALLESTERO A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

  • Upload
    others

  • View
    19

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

7 Filipino

Unang Markahan – Modyul 6

Pagsalaysay nang Maayos at

Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari

GYN A. VALLESTERO

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gyn A. Vallestero

Editor: Leilane Narvaez

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

1

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO: (Kuwentong-bayan, Mito, Alamat, Maikling Kuwento)

Mga Pamantayan sa Pagkatuto:

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC (Kabanata 1)

Naisasalaysay nang maayos at wasto ang buod, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento, mito, alamat, at kuwentong-bayan (F7PS-Id-e-4)

Inaasahang din na ikaw ay:

a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang kuwento

b. Nakabubuo nang maayos sa pagkakasunod-sunod na pangyayari sa akda gamit ang grapik organayser.

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Uri ng panitikan na nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan.

a. Maikling Kuwento c. Alamat b. Pabula d. Kuwentong -Bayan

Subukin

Page 4: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

2

2. Anong tradisyon o seremonya ng mga Katoliko ang kadalasang ginagawa sa bagong silang na sanggol?

a. pinapaliguan c. pinutulan ng buhok b. pinabinyagan d. pinapasyal

3. Siya ang nagsasagawa ng seremonya bang para sa bagong silang na sanggol.

a. pari c. ama b. Imam d. ina

4. Ang huling yugto sa pagislam ng isang sanggol ay naganap sa kanyang _______.

a. ikaaapat taon c. ikaanim na taon b. ikalimang taon d. ikapito hanggang ikasampung taon

5. Ano ang kahulugan ng seremonyang “bang” sa mga Muslim?

a. pagputol ng buhok ng sanggol. b. pagtutuli c. pagbulong ng panalangin sa kanang tainga ng sanggol d. paghahandog ng awit sa bagong silang na sanggol.

6. Ano ang ipinapahiwatig kapag ang ginupit na buhok ng sanggol ay hindi lumubog sa mangkok na may tubig?

a. siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa bata . b. magiging mayaman.

c. walang magandang kinabukasan d. makararanas ng maraming pagsubok sa buhay.

7. Pagkalipas ng pitong araw mula sa pagkasilang ng sanggol, anong seremonya ang isinasagawa ng mga Muslim?

a. bang c. pagislam b. penngunting d. pagputol ng buhok

8. Paano ipinakita ng mag-asawang Ibrah at Aminah ang kanilang pagpapasalamat sa biyayang natanggap?

a. pag-aalay ng ginto b. sinunod nila ang nakaugaliang tradisyon o seremonya ng pagislam. c. paghahanda ng isang piging. d. pagbibigay ng malaking halaga sa kanilang pinuno.

9. Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay?

a. maikasal sa babaeng kanyang pinakamamahal b. makilala ang kanyang tunay na mga magulang c. makauwi sa kanilang lugar d. pagkakaroon ng anak

10. Ilang yugto binubuo ang pagislam? a. isa c. tatlo b. dalawa d. apat

11. Ang bata ay nabasahan ng bang sa kanyang ___________. a. pagkasilang c. ikapitong kaarawan b. unang kaarawan d. pagbibinata

Page 5: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

3

12. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? a. Bibliya c. Bagong Tipan b. Qu’ran d. Lumang Tipan

13. Siya ang tinaguriang Diyos ng mga Muslim. a. Mohammad c. Allah

b. Panginoon d. Budha

14. Tawag sa relihiyon ng mga Muslim? a. Katoliko c. Budismo b. Born Again d. Islam

15. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga taradisyon, paniniwala, o kultura ng iyong lugar na kinalakhan?

a. pagsunod o pagsasabuhay sa mga nakaugaliaang tradisyon at paniniwala. b. pagsasawalang bahala sa mga nakaugalian ng matatanda c. pagmamano sa mga matanda. d. pagbibigay galang lalong –lalo na sa nakakatanda sa atin.

B. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa inilaang patlang. _____ 16. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya napasugod siya. _____ 17. Tuwang- tuwa si Ibrah sapagkat naisilang na ang kanyang anak. _____ 18. Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubog sa mangkok na may tubig dahil dito napasigaw ang lahat ng mga tao. _____ 19. Maganda ang kinalabasan ng seremonya, kung kaya’t ipinagbunyi ito ng lahat. _____ 20. Abala sa pag -aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin ang mga kababaihan dahil sa magkakaroon ng seremonyang penggunteng.

Modyul

6

Pagsalaysay nang Maayos at

Wastong Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari

PAGISLAM (Maikling Kuwento ng

Mindanao)

Page 6: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

4

Panimula at mga Pokus na Tanong Mindanao. Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan kung maririnig ang salitang Mindanao. Ngunit gaano nga ba ang iyong alam sa Mindanao? Maraming panitikan ang inilimbag at inilathala na nagging bahagi na ng kamalayang Pilipino. Ngunit tulad ng nakasulat sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi ganap ang pagsasalaysay sa kahalagahan ng lahat ng bahagi ng bansa, maraming bagay pa ukol sa Mindanao ang hindi batid marami: kasaysayan, kultura at panitikan. Sa modyul na ito, malalaman mo ang mga panitikang Pilipino mula sa Mindanao,

inaasahang higit mong maunawaan at mapahalagahan ang iyong pagka-Pilipino. Sa mga aralin at gawain sa modyul na ito, dapat nailipat ang mga impormasyon at nakabuo ng wastong pagkasunod-sunod na pangyayari sa bawat akda na natalakay.

Balikan

Gamit ang impression web, ilahad ang inyong impresyon sa Mindanao sa

pamamagitan nang pagpuno sa apat na kahong maglalaman ng iyong pagtingin o

pagkilala ukol sa Mindanao. Isulat ang inyong sagot sa inihandang grapikong

pantulong.

Page 7: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

5

Tuklasin

Suriin mo sa gawaing ito ang iyong pansariling kaalaman

tungkol sa kaugalian ng mga mamayan sa Mindanao. Punan ng

impormasyon ang bahaging K, W at H lamang.

Ngayong nasukat mo ang iyong kaalaman at pananaw, saloobin, at opinyon

tungkol sa Mindanao higit mong makilala at maikintal sa iyong kamalayan ang mga

akdang ito.

Page 8: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

6

Sa modyul na ito masusukat ang iyong kaalaman sa teksto o akda na nabasa. Dito rin higit mong unawain ang mga kultura at karanasan ng mga taga –Mindanao sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang mga pabula, Kuwentong-bayan, Epiko, Maikling Kuwento at Dula. Mahaharap ka sa iba’t ibang gawaing gagabay, magpapayaman at susubok sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga tungkol sa mga akdang nagmula sa Mindanao.

Naka sentro ang talakayang ito sa isang Maikling Kuwento na pinamagatang Pagislam. Handa ka na bang tuklasin ang isa sa mga akdang pampanitikan ng

Mindanao? Umpisahan na nating alamin at basahin ang akda.

AKDANG PAMPANITIKAN NG MINDANAO

“PAGISLAM”

Sa akdang babasahin ay iyong matutunghayan kung nasunod ba ng mag-

asawang Muslim ang seremonyang ito ng Pagislam.

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng binate ang ulo ni Ibrah nang

maramdaman niyang rumaragasag yabag ni Tarhatan ang kanyang kapatid. Kipkip

nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng nag-iihit ngunit maliit

na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na …. Dumating na ang kanyang

hinihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalakikaya? Babae kaya? Kung lalaki

ay… hindi na niya napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na

sabik siyang makita ang bata at si Aminah.

Lalaki! At malusog na malusog! Mataginting na wika ng panday habang

binibihisan ang bagong silang na sanggol.

Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa pa kay Allah. Dininig niya ang ating

panalangin,” wika niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.

Page 9: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

7

Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin ng

panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang Makita niyang parang

nagpupumiglas ang sanggol sap ag-iyak.

“Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-mana sa kanyang

ama,” bulong sa sarili ni Ibrah.

Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si Ibrah nang marinig niyang may sinabi

ang kanyang ina.

“Mas mainam siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na

ang bang.”

Hindi pinakinggan ni Ibrah ang iba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob

niyang tinungo ang tirahan ni Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang

panganganak ng asawa at magalang na inimbita ito para sa seremonyang dapat

isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim.

Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na

ibinubulong ng Imam sakanyang sanngol ang bang.

“Allahu Akbar, Allahbu Akbar

Allahu Akbar, Allahbu Akbar

Ash-Hadu, Allah la Ilaaha

Ash-Hadu, Allah la Ilaaha

Wa ash -hadu, Anna Mohammadur Resullallah

Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Resullallah

… ang magandang aral niya”

Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa’y panatilihin mo ang

magagandang aral niya, dugtong pa ng Imam.

“Kailan naman ang paggugunting? Nakangting tanong ng Imam.

“Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon, sagot ni Ibrah.

Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa kanyang

tirahan.

Ang sumunod na mga araw ay lubhang nnaging abala para sa mag-asawa.

Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa

mahandugan ng buo nilang kaya.

Ilang araw bago sumapit ang panggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang

ipanagalan sa anak.

“Ano kaya ang mabuting ipangalan sa ating anak? Sabik na tanong ni Ibrah

kay Aminah.

“Kay gandang pangalan, Abdullah. Bagay talaga sa ating anak.” Pagmamalaki

ni Ibrah”.

At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao, halos

naroon na ang lahat ng mga kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay n ani Ibrah

ang limang kambing na sadyang inihanda bilang alay at pasasalamat sa

pagkakaroon nila ng supling. Samantala, ang mga kababaihan naman ay abala sa

Page 10: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

8

sap ag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa

mga panauhin.

Ilang sandal pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng

Balyanji, isang katutubong awit, sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam

kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng kapirasong buhok sa

bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng

tubig. Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.

“Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubong sa tubig!’ sigaw ng karamihang

nakapaligid.

Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan

sa kanilang mga puso. Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng

anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.

Ipinagbunyi ng mga tao ang kinalalabasan sa seremonya. Bawat isa sa mga

panauhin ay nagbigay ng pera at regalo para sa bata. Siyang-siya ang mag-asawa sa

kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat sa mga dumalo sa

paggunting ni Abdullah.

“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng

pagislam ni Abdullah.” Wika ng isang panauhin.

“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah? Biro ng isa pa.

“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,”

nakangiting sagoy Aminah.

“Sana, kasabay Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.

“Tiyak iyon’, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong

pinagmasdan ang inaantok na si Abdullah.

Mula sa aklat na Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas

Nina Patrocino Villafuerte, et al.

Mga gabay na Katanungan:

Isulat sa inilaang patlang ang inyong sagot.

1. Ano ang isang pangyayari na hinihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang

buhay? Ilarawan ang inyong reaksiyon.

Sagot:

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

2. Paano niya ipinakitang nagpapasalamat siya kay Allah sa biyayang natanggap?

Sagot:

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Page 11: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

9

3. Isalaysay ang mga pangyayaring naganap nang dumating ang panahon ng

penggunting. Ano ang naidududlot hindi lamang sa buhay ng mag-asawa kundi

maging sa kanilang pamayanan o mga kakilala?

Sagot:

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

4. Paano ipinakita sa akda anag pagpapahalaga ng mag-asawang Ibrah at Aminah

sa kanilang tradisyon at paniniwala?

Sagot:

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

5. Sa iyong palagay dapat bang manatili o isabuhay hanggang sa kasalukuyan ang

mga ganitong uri ng panianiwala?

Sagot:

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Suriin

Mga mahahalagang kaalaman

Ang Pagislam ng mga Muslim kahalintulad ng seremonya ng pagbibinyag sa

mga Kristiyano. Ang seremonyang ito ay ay karaniwang ginagawa ng mga Muslim sa

Mindanao.

Ang seremonya ng Pagislam ay ay nahahati sa tatlo. Ang unang seremonya ay

ginagawa ilang oras pagkapanganak ng isag sanggol.Dito babasahan ng isang dasal

ng isang Imam (mataas na punong panrelihiyon ng mga Muslim) o pandita (guro

o dalubhasa sa Koran) sa kanang tainga ng sanggol upang maikintal sa isip ng

sanggol ang pangalan ni Allah, ang kanilang Diyos.

Ang ikalawang seremonya ay tinatawag na penggunting. Ginagawa ito sa

ikapitong araw pagkapanganak ng sanggol. Dito binibigyan ng pangalan ang sanggol

at sa seremonya ay ginugunting ang buhok ng sanggol ng Imam o pandita at inilagay

sa mangkok na may tubig. Ayon sa kasabihan kapag ang buhok ay hindi lumubog

sa tubig ay matatamasa ng sagana at maunlad na buhay ang sanggol at kabaligtaran

naman kung ito’y lulubog.

Ang ikatlong seremonya ay tinatawag na Pagislam o ang seremonya ng

pagtutuli. Ginagawa ito kapag ang sanggol ay magdiriwang ng kanyang ikapito

hanggang ikasampung taon kasabay ng isang mahalagang araw sa mga Muslim.

Page 12: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

10

Gawain: Panuto: Ilahad sa timeline ang daloy nang wasto at pagkasunod-sunod

na pangyayari sa akda.

Rubrik (Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos)

Pamantayan 5 4 3 2

Lohikal na pagkasunod-sunod ng mga ideya.

Malinaw ang diwa.

Wastong gamit ng mga salita at bantas.

Pamantayan: 5- napakahusay: 4- mahusay; 3- medyo mahusay: 2- nangangailangan pa ng pagpapaunlad.

Pagyamanin

Page 13: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

11

Isaisip

Dapat tandaan sa Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari

Kapag ang pangyayari sa kuwento ang pinagsusunod-sunod, madalas ay hindi na ginagamitan ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod o time sequence subalit mahalagang nabasa at naunawaang mabuti ang kuwento sapagkat mga pangyayari lang ang ilalahad na kailangan ayusin ayon sa kung paano naganap sa binasa.

Isagawa

Gawain-Panuto: Punan ang story burger sa ibaba ng inyong mga

nasaksihang pangyayari o pagdiriwang sa kasalukuyan na maihahalintulad

sa ating natalakay na akda. (Tingnan ang rubrik sa bahaging Pagyamanin na

maging batayan sa pagmamarka).

Story Hamburger

Pamagat

Nilalaman

Kasukdulan

Wakas

Page 14: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

12

Tayahin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Uri ng panitikan na nagsasalaysay sa madali, maikli at masining na paraan.

a. Maikling Kuwento c. Alamat b. Pabula d. Kuwentong -Bayan

2. Anong tradisyon o seremonya ng mga Katoliko ang kadalasang ginagawa sa bagong silang na sanggol?

a. pinapaliguan c. pinutulan ng buhok b. pinabinyagan d. pinapasyal

3. Siya ang nagsasagawa ng seremonya bang para sa bagong silang na sanggol.

a. pari c. ama b. Imam d. ina

4. Ang huling yugto sa pagislam ng isang sanggol ay naganap sa kanyang _______.

a. ikaaapat taon c. ikaanim na taon b. ikalimang taon d. ikapito hanggang ikasampung taon

5. Ano ang kahulugan ng seremonyang “bang” sa mga Muslim?

a. pagputol ng buhok ng sanggol. b. pagtutuli c. pagbulong ng panalangin sa kanang tainga ng sanggol d. paghahandog ng awit sa bagong silang na sanggol.

6. Ano ang ipinapahiwatig kapag ang ginupit na buhok ng sanggol ay hindi lumubog sa mangkok na may tubig?

a. siguradong magandang kinabukasan ang naghihintay sa bata .

b. magiging mayaman. c. walang magandang kinabukasan d. makararanas ng maraming pagsubok sa buhay.

7. Pagkalipas ng pitong araw mula sa pagkasilang ng sanggol, anong seremonya ang isinasagawa ng mga Muslim?

a. bang c. pagislam b. penngunting d. pagputol ng buhok

8. Paano ipinakita ng mag-asawang Ibrah at Aminah ang kanilang pagpapasalamat sa biyayang natanggap?

a. pag-aalay ng ginto b. sinunod nila ang nakaugaliang tradisyon o seremonya ng pagislam. c. paghahanda ng isang piging. d. pagbibigay ng malaking halaga sa kanilang pinuno.

Page 15: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

13

9. Ano ang isang pangyayaring pinakahihintay ni Ibrah na naganap sa kanyang buhay?

a. maikasal sa babaeng kanyang pinakamamahal b. makilala ang kanyang tunay na mga magulang c. makauwi sa kanilang lugar d. pagkakaroon ng anak

10. Ilang yugto binubuo ang pagislam? a. isa c. tatlo b. dalawa d. apat

11. Ang bata ay nabasahan ng bang sa kanyang ___________.

a. pagkasilang c. ikapitong kaarawan b. unang kaarawan d. pagbibinata

12. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim? a. Bibliya c. Bagong Tipan b. Qu’ran d. Lumang Tipan

13. Siya ang tinaguriang Diyos ng mga Muslim. a. Mohammad c. Allah

b. Panginoon d. Budha

14. Tawag sa relihiyon ng mga Muslim? a. Katoliko c. Budismo b. Born Again d. Islam

15. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga taradisyon, paniniwala, o kultura ng iyong lugar na kinalakhan?

a. pagsunod o pagsasabuhay sa mga nakaugaliaang tradisyon at paniniwala. b. pagsasawalang bahala sa mga nakaugalian ng matatanda c. pagmamano sa mga matanda. d. pagbibigay galang lalong –lalo na sa nakakatanda sa atin.

B. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangyayari sa ibaba. Ayusin ang mga

sumusunod na pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa kuwento. Isulat ang bilang 1-5 sa inilaang patlang. _____ 16. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili kaya napasugod siya. _____ 17. Tuwang- tuwa si Ibrah sapagkat naisilang na ang kanyang anak. _____ 18. Wala ni isang hibla ng buhok ang lumubog sa mangkok na may tubig dahil dito napasigaw ang lahat ng mga tao. _____ 19. Maganda ang kinalabasan ng seremonya, kung kaya’t ipinagbunyi ito ng lahat. _____ 20. Abala sa pag -aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin ang mga kababaihan dahil sa magkakaroon ng seremonyang penggunteng.

Page 16: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

14

Karagdagang Gawain

Gawain A - Basahin at unawaing mabuti ang maikling kuwentong “Reynang

Matapat”. Ilahad nang maayos at wasto ang buod/pagkakasunod-sunod ng

mga pangyayari sa kuwento gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.

REYNANG MATAPAT

Si Reynang Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating

kapuluan. Nakilala siya dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan, at sa mahigpit

at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan at dinarayo na ng

mga mangangalakal na Arabe, Tsino, at Hindu ang kaharian ng Kutang -Bato na

pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang- Bato ay siya ngayong Cotabato, isa sa

pinamalaking lalawigan ng Mindanao.

Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana

ang taga Kutang- Bato. Mahigpit na ipinatupad ang mga batas at ang sinumang

lumabag sa ipinag-uutos ni Reyna ay pinarurusahan.

Kabilang sa patakaran na mahigpit ipinatutupad ng Reyna ay ang paggalang

at katapatan ng kanyang mga nasasakupan.

Patuloy na dumarating at umalis ang mga negosyanteng Tsino sa kaharian

ng Kutang -Bato.

Minsan, isang negosyanteng Tsino na nakikipaglaban sa kaharian ni Reyna

Sima ang nakaiwan ng supot nag into sa isang mesa sa palasyo. Hindi pinagalaw ni

Reyna Sima ang supot na ginto sa mesa.Ipinagbilin ng mahigpit ni Reyna Sima sa

kaniyang nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot nag into. Ganito

kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan upang sa gayon ay

muling madatnan ng may-ari sa lugar na kaniyang pinag-iwanan ang supot nag into.

Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan

nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

Mula sa https://bit.ly/3cz0VAC

Page 17: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

15

https://educators.brainpop.com/printable/sequence-graphic-organizer/

Gawain B - Isalaysay sa miyembro ng pamilya o kasama sa bahay ang buod

ng kuwento na may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Page 18: Filipino · 2020. 11. 10. · Filipino – Ikapitong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Pagsalaysay nang Maayos at Wastong

16

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

AKLAT: Pinagyamang Pluma 7, Alma M. Dayag, et.al

INTERNET:

https://www.slideshare.net

https://www.scibd.com

https://educators.brainpop.com/printable/sequence-graphic-organizer/

https://bit.ly/3cz0VAC

Subukin

1. A

2. B 3. B

4. D 5. C 6. A

7. B 8. B

9. D 10. C 11. A

12. B 13. C 14. D

15. A 16) 2

17) 1 18) 4 19) 5

20) 3

Tayahin

1. A 2. B 3. B

4. D 5. C

6. A 7. B 8. B

9. D 10. C

11. A 12. B 13. C

14. D 15. A

16) 2

17) 1 18) 4

19) 5 20) 3