230
K OMUNIKASYON SA A KADEMIKONG F ILIPINO Marilyn Cabanlit-Arbes Diza Mirafuentes-Rolida Aileen Suazo-Talidano

Filipino 2014

Embed Size (px)

DESCRIPTION

filipino 2014

Citation preview

Page 1: Filipino 2014

KomuniKasyon sa aKademiKong

Filipino

Marilyn Cabanlit-ArbesDiza Mirafuentes-RolidaAileen Suazo-Talidano

Page 2: Filipino 2014

Blue Patriarch Publishing HouseBlock 19, Lot 23 Decahomes SubdivisionCabantian, Buhangin, Davao City

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Karapatang-ari 2014 ng Blue Patriarch Publishing House at nina Marilyn Cabanlit-Arbes Diza Mirafuentes-Rolida Aileen Suazo-Talidano

Unang Limbag, 2014

Nilimbag ng CSL Printing Press# 30 Orange Street, Spring VillageMaa, Davao City

Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin sa anomang paraan, mapa-elektroniko o mekanikal kalakip na ang pag-photocopy, pag-rekord o kahit sa iba pang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon o pagbawi ng sistema nang walang pahintulot mula sa Blue Patriarch Publishing House at mga may-akda. Ang lumabag ay pananagutin sa batas at/o mahaharap sa legal na aksyon kaugnay sa karapatang-ari.

ISBN - 978-000-0000-00

Pabalat na Disenyo ni Charmaine C. MoralesDisenyo ng aklat ni Zharline Anne V. Rashid Kerwin Buck Q. Koting

Inilathala sa Republika ng Pilipinas

Page 3: Filipino 2014

iii

DEDIKASYON

Page 4: Filipino 2014
Page 5: Filipino 2014

v

SURING BASA

Page 6: Filipino 2014
Page 7: Filipino 2014

vii

PANIMULA

Page 8: Filipino 2014

viii

PAGKILALA

Page 9: Filipino 2014

ix

TALAAN NG NILALAMAN

Page 10: Filipino 2014

x

Page 11: Filipino 2014

xi

Page 12: Filipino 2014

xii

Page 13: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 1

KABANATA 1

METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA WIKA AT WIKANG FILIPINO

KAHULUGAN, KATANGIAN, KAHALAGAHAN AT TUNGKULIN NG WIKA

Ngayong narating mo na ang lebel na ito ng iyong pag-aaral, marahil ay kabisado mo na ang paggamit ng wika. Ano ba ang wika para sa iyo? Sa palagiang paggamit mo ng wika, nabatid mo na rin ba ang kahalagahan nito? Ang mga katangian na inaangkin nito ay napagtanto mo na rin ba? Sa kabanatang ito bibigyan natin ng tuon at pagpapahalaga ang wika na ating ginagamit sa ating pang-araw-araw na buhay at sa ating pakikisalamuha sa iba sa lipunan na ating kinabibilangan.

Ang wika ay nabigyan ng katuturan ng maraming mga dalubwika. Tunghayan natin ang ilan sa kanilang mga pahayag.

Ayon kina Sampson, et al. sa aklat ni Badayos (2008) ang wika ay parang isang obra maestro ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven, o di kaya’y ang kahanga-hanggang pagtatanghal ng mga gymnast sa Olympics.

Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ang wika ay makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon. Ang wika ay binubuo ng mga salita na nagsisilbing instrumento sa pagbabago ng pananaw ng kapwa sa reyalidad lalo na kung maayos itong magagamit ( Badayos,2008).

Ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon (Santos, et al. 2010).

Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Sa aklat nina Santos, et al. (2010) nabigyan ni Dr. Emma Magracia ng kahulugan ang wika na isa sa pinakamahalagang imbento ng tao. Dagdag pa niya na ito ang instrumentong ginagamit ng tao upang maiparating sa kanyang kapwa ang

Page 14: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino2

kanyang niloloob, naiisip, damdamin, at mga adhikain. Wika din daw ang tulay ng tao sa pakikipagtalastasan sa kapwa upang makapamuhay nang maayos sa lipunang kanyang kinabibilangan.

Ang wika ay bahay ng tao (Fromkin at Rodman, 1983).

Sa haypotesis nina Sapir-Whorf, sinabi nila na ang lahat ng wika ay may kasapatan na paglinguran ang bawat lipunang gumagamit ng wika.

Ayon Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa kultura.

Ang wika ay sangkap sa komunikasyon. Nagagawa natin ang makipagtalastasan sa pamamagitan ng wika.

Ang wika rin ay parang sandata na nagagamit natin sa ating pakikipaglaban o pakikihamok sa larangan ng buhay. Maaari itong kalasag natin upang maipagtanggol ang ating mga saloobin at mga ideya o opinyon.

Ang wika ang nagbibigay kulay upang lalong gumanda ang ating pamumuhay rito sa daigdig.

KATANGIAN NG WIKA

Buhat sa mga naibigay na kahulugan ng wika mapapansin ang mga sumusunod na katangian nito.

1. Ang wika ay may masistemang balangkas. Bawat wika ay may sinusunod na sistema/ balangkas/ estruktura ng pagkakabuo ng mga tunog, salita, pangungusap at diskurso. (Matatalakay ito sa bahagi ng kalikasan at estrutura ng wika.)

2. Ang wika ay sinasalitang tunog. Binibigkas ang mga salitang ginagamit na panumbas sa mga bagay-bagay. Ang mga salitang ito ay binubuo ng mga ponema o pinakamaliit na Yunit ng makabuluhang tunog na sadyang binibigkas sa pamamagitan ng mga salik na ginagamit natin sa pagsasalita.

Page 15: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 3

3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos. May kanya-kanyang pagkakaayos ang bawat wika na sadyang pinili ng mga grupong gumagamit nito. Inaangkop ang pagpili at pag-ayos ayon sa kanilang mga kultura, lugar, kahulugan at pagbigkas nito.

4. Ang wika ay arbitraryo. Walang dalawang wikang magkatulad na magkatulad. Bawat wika ay kakikitaan ng pagkakaiba-iba. Ito ay makikita sa aspeto ng heyograpikal at sosyal na dimensyon.

5. Ang wika ay ginagamit. Sa halos lahat ng gawain ng tao, ang wika ay nagagamit. Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng opinyon, kaisipan at mga damdamin.

6. Ang wika at kultura ay magkaugnay. Ang wika at kultura ay magkasama. Hindi maaaring magkahiwalay ang dalawang ito. Walang wika kung walang kultura gayundin, walang kultura kung walang wika. Sa pamamagitan ng wika naipakikilala ng isang grupo ang kanilang kultura, at malalaman natin ang kultura ng isang grupo sa pamamagitan ng kanilang wika. Kaya mahigpit na magkaugnay ang wika at kultura.

KAHALAGAHAN NG WIKA

Ang wika ay napakahalaga sa buhay ng tao. Dito umiikot ang lahat ng gawain ng tao. Sa kanyang pakikipagkapwa, pakikitungo, pakikisalamuha, pag-aaral, pagtatrabaho, pakikipagkalakaran, pakikipagsapalaran, paglilibang at iba pang gawain sa buhay, ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan. Nagagampanan ng wika ang gawaing pakikipagrelasyon ng tao, ang pakikipagkalakaran, ang pagkakaroon ng maayos at magandang buhay o kahit na ang mamuhay man lang, at iba pang mga kahilingan sa buhay ng isang nilalang. Masasabi nating ang wika ay mahalaga dahil 1.) Nagagamit ito sa ating pansarili at panlipunang mga gawain; 2.) Nagsisilbi itong tulay upang magkaroon ng ugnayan ang mga tao sa bansa at sa iba pang bansa; at 3.) Nagbibigay ito ng buhay, sigla at kulay sa ating daigdig.

Page 16: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino4

TUNGKULIN NG WIKA

Ayon kay Halliday na binaggit sa aklat nina Mabilin, et al. (2012) ang wika ay may pitong tungkuling ginagampanan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Interaksyonal. Ang wika ay ginagamit sa pakikipag-usap. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagsasalita o pagsusulat. Halimbawa: pakikipag-usap ng personal o harapan, maaari ring sa telepono o cell phone, chat sa internet at text sa mga mobile phone.

2. Instrumental. Gumaganap sa tungkuling instrumental ang wika bilang gamit o instrumento. Maraming gamit ang wika. Maaaring magamit natin ito sa pag-utos, pakisuyo, panawagan, memorandum, paghahanap ng trabaho, paghahanap ng tugon o sagot at iba pa na ang wika ay nagsisilbing gamit upang maisakatuparan ang ating mga pangangailangan.

3. Regulatori. Malaking bahagi sa buhay ng tao ang tungkuling ito ng wika. Nagagawa niyang ikontrol ang mga kilos, gawi, gawa at maging ang paggamit niya ng wika sa kanyang pagsasalita at pagsusulat. Halimbawa ng tungkuling regulatori ay ang mga babala, patakaran, at iba pa na dapat sundin. Sa pamamagitan ng mga ito nagagawang kontrolin ang ating mga kilos at gawain.

4. Personal. Sa tungkuling ito, nagagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng kanyang pansariling mga ideya o opinyon. Halimbawa sa pagsusulat ng liham sa editor, pagsusulat ng sanaysay, diary, jonal upang mailahad ang kanyang mga nararamdaman at mga sariling intensyon.

5. Imahinatibo. Likas sa tao ang pagkakaroon ng malikhaing pag-iisip. Sa tungkulin ng wika na imahinatibo nabibigyan tayo ng daan upang maipahayag natin ang ating pagkamalikhain. Halimbawa ng mga likhang-isip ay ang maikling kwento, nobela, tula, awit at iba pa.

6. Heuristiko. Nagagamit natin ang tungkulin ng wika na heuristiko sa ating mga gawain sa paaralan gaya ng pananaliksik na kung saan naghahanap tayo ng mga impormasyon, data, tugon at solusyon sa mga suliranin sa ating pag-aaral; sa pag-uulat sa klase; sa lektyur at iba pang gawain na naghahanap tayo ng mga

Page 17: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 5

natatanging impormasyon o data. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng pagtatanong, pakikipanayam, pananaliksik o sarbey.

7. Impormatibo. Naisasagawa ang tungkuling ito ng mga gumagamit ng wika kung ang layunin nila ay magbigay ng impormasyon, magturo o magpabatid. Halimbawa nito ay ang pagbabalita, pagbibigay ng anunsyo, babala, pagtuturo at iba pa na may katulad sa layuning nabanggit.

Page 18: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino6

Page 19: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 7

Pagsasanay

I. Ibigay ang tamang sagot. Isulat ito sa patlang.

____________________ 1. Nagsabi na ang wika ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

____________________ 2. Ayon sa kanila ang wika ay isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.

____________________ 3. Nagpahayag ng pitong tungkulin ng wika.

____________________ 4. Ito ay makapangyarihan at pangunahing kodigo sa komunikasyon.

____________________ 5. Tinukoy nila na ang wika ay katulad ng isang obra maestro ni Picasso, isang komposisyon ni Beethoven, o di kaya’y ang kahanga-hanggang pagtatanghal ng mga gymnast sa Olympics.

_____________________ 6. Sinabi niya na ang wika ay nakaugat sa ating karanasan.

_____________________ 7. Ang katangian ng wika na may sinusunod itong estruktura.

_____________________ 8. Katangian ng wika na walang kultura kung walang wika at wala ring wika kapag walang kultura.

_____________________ 9. Sa mga ginagawa ng tao ang wika ay kasangkot. Anong katangian ito ng wika?

____________________ 10. Ang nagbigay ng haypotesis na ang lahat ng wika ay may kasapatan na paglinguran ang bawat lipunang gumagamit ng wika.

Pangalan: Petsa:

Page 20: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino8

I. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.

1. Ayon kay Gleason ang wika ay _____ upang maging mabisa ang paggamit nito.

a. pinipili b. isinasaayos c. pinipilli o isinasaayos d. pinipili at isinasaayos

2. Bawat nilalang ay may kanya-kanya at iba-ibang katangian, kakayahan at kaalaman sa paggamit ng wika, dahil ang wika ay ______.

a.masistema c. nagbabago b. balangkas d. arbitraryo

3. Upang manatiling buhay ang isang wika kailangan ito ay patuloy na___

a. sinasaliksik b.ginagamit c.itinuturo d.isinasatitik

4. Ang pagkakaiba-iba ng katangian ng mga wika ay bunga ng pagkakaiba-iba ng ___ ng mga bansa at pangkat

a. panitikan b. kultura c. edukasyon d. paniniwala

5. Ang pagkawala at pagdaragdag ng mga salita sa isang wika ay patunay na ang wika ay____

a. nakabatay sa kultura b. sinasalitang tunogc. masistemang balangkas d. nagbabago o dinamiko

6. Binati ni Mario ang kanyang guro ng “Magandang Umaga Po.” Ang tungkulin ng wika rito ay_____

a. impormatib b. interaksyunal c. personal d.regulatori

Page 21: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 9

7. Nabigyan ng tugon ang mga suliranin sa papel ng pananaliksik, dahil sa tungkulin ng wika na _____________.

a. personal b. regulatori c. impormatibo d. heuristiko

8. Ang tungkulin ng wika na nagpapatatag at nagpapanatili ng relasyong sosyal

a. Instrumental b. interaksyonal c. personal d. regulatori

9. Nabasa mo sa pahayagan ang malawakang welgang gaganapin dahil sa pagtaas ng presyo ng langis. Anong tungkulin ito ng wika?

a. Personal b. Imahinatibo c. Impormatibo d. Instrumental

10. Ang nakokontrol o namamani-obra ng wika ang kilos at gawi ng tao.

a. Impormatibo b. Personal c. regulatori d. interaksyonal

II. Batay sa larawan, tukuyin ang tungkulin ng wika. Isulat ang sagot sa patlang sa ibaba ng larawan.

Tungkulin ng wika

1. _____________________ 2. _________________________

Page 22: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino10

3. _____________________

4. _____________________

5. _____________________

6. _________________________

7. _________________________

8. _________________________

Page 23: Filipino 2014

FILIPINO K1: Ilang Mahalagang Konsepto Tungkol sa Wika 11

ILANG MAHALAGANG KONSEPTO TUNGKOL SA WIKA

Maliban sa mga nabanggit sa unahan hinggil sa wika, narito pa ang ilan sa mga mahalagang konsepto na may kaugnayan sa wika ang dapat mong mabatid.

2.1 DAYALEK. Ayon sa aklat nina Santos, et al. (2010) ang dayalek ay wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Pekuliyar ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Tinatawag din itong rehiyonal na dayalek.

Halimbawa: Cebuano, Tagalog, Ilocano, Bicolano at iba pa.

2.2 SOSYOLEK. Ito ang tawag sa wika na ginagamit ng mga grupo ng tao sa isang lipunan. Ang mga grupong ito ay maaaring magkakapareho ng institusyong kinabibilangan, edad, trabaho/gawain, propesyon, edukasyon, kasarian, istatus sa buhay at iba pa.

Halimbawa: grupo ng mga doctor sa medisina, abogado, kababaihan,

kalalakihan, matatanda o senior citizens at iba pa.

2.3. IDYOLEK. Ang pagiging iba sa pagsasalita ng isang indibidwal ay tinatawag na idyolek. Mapapansin ito sa paraan ng pagbigkas, tono, boses, intonasyon at istilo sa pagsasalita ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba nila sa isa’t isa sa pagsasalita ng wika ay tinatawag na Idyolek.

Halimbawa: Si Kris Aquino kahit pa gayahin ni Angelika Panganiban ay

mayroon paring natatanging pagiging kanya o pekyuliyar sa kanyang pagsasalita. Mapapansin din na ang kanyang pagsasalita ay iba kaysa kay Ms. Corina Sanchez at kay Toni Gonzaga kahit pareho silang mga babae.

Ang mga guro mo sa Filipino noong ikaw ay nasa sekundarya pa ay magkakaiba nang paraan ng pagsasalita/pagbigkas ng mga salita sa wikang Filipino. Hindi sila talagang ganap na nagkakapareho kahit na pareho ang wikang kanilang ginagamit sa pagtuturo o wika ng itinuturo.

Page 24: Filipino 2014

FILIPINOK1: Ilang Mahalagang Konsepto Tungkol sa Wika12

2.4 BARAYTI. Tumutukoy ito sa iba’t ibang uri ng wika na ginagamit ng iba’t ibang bansa mula sa iba’t ibang pamilya ng wika. Maaari rin namang tinutukoy nito ang iba’t ibang uri ng wika sa loob ng bansa na nabibilang sa iisang pamilya at ginagamit ng iba’t ibang etnolinggwistikong grupo. Tinutukoy rin nito ang iba’t ibang uri ng parehong wika na ginagamit ng iba’t ibang grupo na may baryasyong panloob sanhi ng lugar na kinaroroonan ng partikular na grupo ng tagapagsalita o grupong kinabibilangan nila.

Halimbawa: Ang Wikang Filipino ay may barayti na Filipino-Cebu kapag ang

gumagamit ay taga-Cebu; Filipino-Davao kapag ang gumagamit ay taga –Davao; Filipino-Ilonggo kung ang gumagamit ay Ilonggo at iba pang barayti.

2.5 BARYASYON. Ayon kina Richards, Platt at Platt, sa aklat nina Santos, et al. (2010) ito ay ang pagkakaiba-iba sa pagbigkas, grammar o pagpili ng salita sa loob ng wika. Ang baryasyon sa wika ay maaaring may kaugnayan sa rehiyon, sa uring sosyal at/o sa uri ng edukasyon, o sa digri ng pormalidad ng isang sitwasyon na pinaggagamitan ng wika.

Halimbawa: Ang isang salita sa tribung Mansaka ay maaaring magkaroon ng

baryasyon sa pagkakabigkas ng parehong tribu bunga marahil ng kanilang lugar na pinananahanan, o di kaya’y ng kanilang kalagayan o katayuan sa lipunan o sa buhay. Maaaring ang isa ay may diin sa pagbigkas na malumay at ang isa naman ay mabilis.

2.6 REGISTER. Ito ay lipon ng mga salita o pahayag na nauunawaan ng mga grupong gumagamit nito. Ang mga salitang ito ay maaaring magkatulad ngunit magkaiba ng kahulugan batay sa larangan o disiplina kung saan ito ginamit.

Halimbawa: Sa larangan ng medisina ang salitang operasyon ay

nangangahulugan ng pagtistis; samantala sa militari ang salitang operasyon ay nangangahulugan ng misyon na gagawin o pakikipaglaban. Sa kalakalan naman ito ay nangangahulugan ng pagpapatakbo ng isang negosyon o ng pagawaan.

Page 25: Filipino 2014

FILIPINO K1: Ilang Mahalagang Konsepto Tungkol sa Wika 13

Pagsasanay

I. Gawan ng maikling pagtalakay ang mga sumusunod; Isulat ang inyong sagot sa loob ng kahon.

1. Register

2. Sosyolek

3. Idyolek

4. Barayti

5. Dayalek

6. Baryasyon

Pangalan: Petsa:

Page 26: Filipino 2014

FILIPINOK1: Ilang Mahalagang Konsepto Tungkol sa Wika14

Page 27: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 15

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

31. DEPINISYON NG FILIPINO

Ayon sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon Sa Wikang Filipino, ito ang deskripsyon ng Filipino.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di- katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

3.2 PAHAPYAW NA KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO Ang ating wikang pambansa ay nagdaan sa mahabang proseso bago narating

ang kanyang kinalalagyan ngayon. Sa Konstitusyon o Saligang-Batas ng 1935 binigyan ng katugunan ang pangangailangan ng bansa na magkaroon ng isang wikang pambansa. Nakasaad ito sa Artikulo XIV Seksyon 3. Si Dating Pangulong Manuel L. Quezon ang naguna sa gawain na magkaroon ng isang wikang pambansa ang bansa. Itinakda niya ang Surian ng Wikang Pambansa kalakip na ang kapangyarihan at tungkulin nito. Nakasaad sa tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa na magsagawa ng pag-aaral sa mga diyalekto ng Pilipinas upang malinang at mapagtibay ang isang wikang pambansa na magmumula sa mga wika ng ating bansa. Naging gabay ng Surian ng Wikang Pambansa sa pagpili ng magiging wikang pambansa ang 1.) pagkakaroon ng maunlad na kayarian, at balarira ng wika, 2.) may mayaman na panitikang nakasulat o nakalimbag, 3.) ginagamit o sinasalita ng higit na nakararaming Pilipino, at 4.) wika ng sentrong pamayanan. Lumabas na Tagalong ang wikang nakapasa sa batayan sa paghahanap, pagpili at pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa.

Noong Disyembre 30, 1937 ipinahayag ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagrerekomenda na Tagalog ang gawing saligan ng Wikang Pambansa. Nilagdaan ng Pangulo ang Kautusan kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ng Pambansang Bayani Dr. Jose Rizal. Opisyal na ipinahayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa radyo na binigkas niya sa Tagalog ang pagkakabisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Ganito ang nakasaad sa kautusan:

Page 28: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa16

Sapagkat batay sa mga pag-aaral na ito ay napatunayan ng mga Kagawad ng Surian na sa mga wika sa PIlipinas ang Tagalog ang siyang tumutugon sa halos lahat ng mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg.184; sapagkat ang kongklusyong ito ay kumakatawan hindi lamang sa paniniwala ng mga Kagawad ng Surian kundi pati na rin sa mga opinyon ng mga iskolar at makabayang Pilipino na magkakaiba ang pinanggalingan, edukasyon at mga hilig na buong pagkakaisang umaayon sa pagpili ng Tagalog bilang saligang wikang pambansa dahil sa nakita ito na ginagamit at tinatanggap ng pinakamaraming mga Pilipino, bukod sa tahasang pahayag ng lokal na dahil dito’y ipinapasya… na piliin… ng Surian ng Wikang Pambansa… ang Wikang Tagalog bilang batayan para sa paglinang at pagpapatibay ng wikang pambansa sa Pilipinas.

Mula noong ang Wikang Tagalog na ang naging Wikang Pambansa ng Pilipinas. Itinuro rin ito sa mga mababa at mataas na paaralang pribado at pampubliko.

Taong 1959 nang iniatas ni Kalihim Jose E. Romero na tawaging Pilipino ang Wikang Pambansa. Lumaganap ang Wikang Pilipino na batay sa Tagalog noon. Ito ay ginamit na wika ng iba’t ibang rehiyon sa bansa upang magkaunawaan. Magkakaiba man ng dayalekto ang mga mamamayan ay nagkaroon ng pagkakaunawaan dahil ang wikang Pilipino ang ginamit na wika sa pakikipagtalastasan. Tumagal din ang Wikang Pilipino na batay sa Tagalog bilang Wikang Pambansa.

Naging Filipino ang Wikang Pambansa noong pagtibayin ito sa 1987 Konstitusyon, na nagsasabing ang Filipino ang itawag sa Wikang Pambansa.

Ang Wikang Filipino ay hindi batay sa iisang wika lamang. Ito ay nakabatay sa maraming dayalekto na ginagamit sa Pilipinas. May mga salita rin na kinuha at hiniram sa mga wikang Ingles at Kastila.

Para sa ating mas malinaw na pagkilala sa Wikang Pambansa at sa kasaysayan ng pag-unlad nito, makatutulong sa atin ang pag-alam ng mga batas tungkol dito.

3.3 BATAYANG PRINSIPYO

Mga Probisyong Pangwika sa Konstitusyon

1896 Saligang-Batas ng Biyak na Bato Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Page 29: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 17

1935 Saligang-Batas (Artikulo XIV, Seksyon 3) Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad

at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal.

1973 Saligang-Batas (Artikulo XV, Seksyon 3) Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang

tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

1987 Saligang-Batas (Artikulo XIV, Seksyon 6-9) Sek. 6. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.

Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang Kastila at Arabic.

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Page 30: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa18

Sek 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba pang wika.

Mga Batas sa Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga Paaralan

1940 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) Binigyang-pahintulot ng Pangulo ng Pilipinas ang pagpapalimbag

ng A Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Noong Hunyo 19, 1940 ay sinimulan din na ituro sa mga paaralang publiko at pribado ang wikang pambansa.

1940 Kautusang Pangkagawaran at Sirkular Blg. 26 (Abril 12, 1940) Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay magsisimula muna sa

mataas at paaralang normal.

1974 Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hunyo 19.1974) Nakatadhana rito ang mga panuntunan sa pagpapatupad

ng patakarang edukasyong bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula sa taong-aralan 1974-1975 sa mababa at mataas na paaralan. Ito ay alinsunod sa mga tadhana ng Saligang-Batas ng 1973.

1978 Kautusang Pangministri Blg. 22 (Hulyo 21, 1978) Nasa batas na ito ang pag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng

kurikulum sa antas pandalubhasaan. Magsisimula ito sa taong-aralan 1979-1980. Ang lahat ng institusyong pangmataas na edukasyon ay magkakaroon ng anim (6) na yunit ng Pilipino sa kanilang mga programang aralin sa lahat ng kurso, maliban sa mga kursong edukasyon na may labindalawang (12) yunit.

Nabanggit din sa kautusang ito na Pilipino ang gagamiting wikang panturo

sa ilan sa mga pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong-aralan 1983-1984.

Sa kautusang ito ay nabanggit din na sa pamamahala ng Ministri ng Edukasyon at Kultura ay magkakaroon ng programa ng pagsasanay ng mga guro sa pagtuturo ng Pilipino upang magkaroon sila ng mabisang kasanayan sa pagtuturo sa antas pandalubhasaan.

Page 31: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 19

1987 Kautusang Pangkagawaran Blg. 52 Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng Departamento ng

Edukasyon ang kautusan na nag-uutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa paaralan kaalinsabay ng Ingles na nagtatakda sa patakarang edukasyong bilinggwal.

Tungkulin ng patakarang edukasyon bilinggwal na paghusayin

ang pagtuturo sa pamamagitan ng dalawang wika (Filipino at Ingles) upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon gaya ng hinihingi ng Saligang-Batas 1987; na palaganapin ang Filipino bilang wika ng literasi; paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang linggwistikong sagisag ng pambansang pagkakaisa sa pagkakakilanlan; at patuloy na intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Sa isang banda, panatilihing wikang internasyunal para sa Pilipino at Ingles at bilang di-ekslusibong wika ng agham at teknolohiya

1996 Memorandum ng CHED Blg. 59 Nagtadhana ng siyam (9) na yunit sa pangangailangan sa

asignaturang Filipino sa pangkalahatang edukasyon at naghahayag ng pagbabago ng diskripsyon at nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan) Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) Filipino 3 (Retorika).

Mga Batas sa Pagdiriwang ng Linggo ng Wika at Buwan ng Wika

1954 Proklama Blg. 12 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12

na nag-uutos na mula Marso 27-Abril 2 ay magdiriwang na Linggo ng Wika.

1955 Proklama Blg. 186 Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg 186

na nagsusog sa Proklama Blg. 12 , serye ng 1954 na naglilipat ng panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon mula ika- 13 hanggang ika-19 ng Agosto.

Page 32: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa20

1971 Memorandum Sirkular Blg. 488 (Hulyo 29, 1971) Humihiling sa lahat ng Tanggapan ng pamahalaanna magdaos ng

palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19.

1986 Proklama Blg. 19 (Agosto 12, 1986)

Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang proklamasyon Blg. 19 na kumikilala sa Wikang Pambansa na gumawa ng napakahalagang papel sa himagsikang pinasiklab ng Kapangyarihang Bayan na nagbunsod sa bagong pamahalaan.

Dahil dito, ipinahayag niya na taon-taon, ang panahon ng Agosto 13 hanggang 19, araw ng pagsilang ni Pangulon Manuel L. Quezon, na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay ang Linggo ng Wikang Pambansang Pilipino na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga mamamayan sa buong bansa sa pangunguna ng mga nasa pamahalaan at mga paaralan at gayundin ng mga lider ng iba’t ibang larangan ng buhay.

1997 Proklama Blg. 1041 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang

Proklama Blg. 1041 na nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.

Iba Pang Batas at Probisyong Pangwika

1936 Batas Komonwelt Blg. 184 ( Nobyembre 13, 1936) Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa at ang pagtakda ng mga

Kapangyarihan at Tungkulin nito.

1937 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Pagpapahayag na ang Tagalog ang magiging wikang batayan ng

Wikang Pambansa.

1940 Batas Komonwelt Blg. 570 ( Hunyo 7, 1940) Nagtadhana na ang Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga

wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hunyo 4, 1940.

Page 33: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 21

1959 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Agosto 13,1959) Nagsasaad na ang Pilipino ang gagamitin sa pagtukoy ng Wikang

Pambansa. Pinalabas ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang kautusang ito.

1967 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Oktubre 24,1967) Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang ito

na nagtatadhana na ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino.

1968 Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) Nagbigay-diin sa pagpapagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap

Blg. 96. Idinagdag sa memorandum na ito ang pag-atas na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay kailangang isulat sa Pilipino. Kalakip nito ang panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay isasagawa sa Pilipino. Ang memorandum sirkular ay nilagdaan ni Kalihim Rafael M. Salas.

1968 Memorandum Sirkular Blg. 199 (Agosto 5, 1968) Ang memorandum ay panawagan sa mga pinuno at empleyado

ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika. Nilagdaan ito ni Kalihim Rafael M. Salas.

1968 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 (Agosto 6, 1968) Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang kautusan na nag-aatas sa

lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan sa Linggo ng Wikang Pambansa at kahit na pagkatapos nito.

1969 Memorandum Blg. 277 (Agosto 7, 1969) Ang memorandum na ito ay ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap

Ernesto M. Maceda. Ito ay bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika hanggang sa lahat ng pook na masasaklaw ng kilusang pangkapuluan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.

Page 34: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa22

1970 Memorandum Sirkular Blg. 384 ( Agosto 17, 1970) Ang memorandum ay nag-uutos sa lahat ng departamento,

kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang na ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan na magtalaga ng tauhang may kakayahan na siyang mamamahala ng lahat ng komunikasyon sa Pilipino. Ipinalabas ni Kakihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang naturang memorandum.

1971 Memorandum Sirkular Blg. 443 ( Marso 4, 1971) Hinihiling sa memorandum na ito na ang lahat ng tanggapan ng

pamahalaan ay magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco Baltazar sa Abril 2, 1971. Ang memorandum ay ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor.

1971 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 (Marso 4, 1971) Ito ay nagpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at paglilinaw

ng kanyang kapangyarihan at tungkulin. Si Pangulong Ferdinand E. Marcos ang lumagda ng kautusang ito.

Narito ang mga kapangyarihan, tungkulin at gawain ng Surian ng

Wikang Pambansa.

1. Maghahayag ng mga kinakailangang panuntunan at mga alituntunin na alinsunod sa mga pamantayang umiiral at tumutugon sa mga pinakabagong kaunlaran sa agham ng linggwistika tungo sa pagpapalawak at pagpapalakas ng Wikang Pambansa;

2. Ialinsabay sa panahon ang gramatika ng Wikang Pambansa;

3. Magpanukala ng diksyunaryo, tesauro, ensayklopidya, o anomang kasangkapang linggwistik ayon sa mga pinakabagong leksikograpiya, pilosopiya at pagkatha ng ensayklopidya;

4. Magpanukala at magpahayag ng mga patakarang pangwika na naaangkop sa progresibong pagpapaunlad ng edukasyunal, kultural, sosyal, at ekonomikal ng bansa;

Page 35: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 23

5. Pag-aralan at pagpasyahan ang mga pangunahing isyung may kinalaman sa wikang Pambansa;

6. Magpanukala ng mga patakarang naglalayon ng maramihang produksyon ng mga aklat, pamphlet at katulad ding babasahin sa Wikang Pambansa sa uri ng obrang orihinal; at

7. Isagawa ang iba pang kaugnay na gawain.

1972 Kautusang Panlahat (Disyembre 1, 1972) Ito ay nag-uutos na limbagin sa Pilipino at Ingles ang Saligang-

Batas sa Official na Gazette at sa mga pahayagan na may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa ratipikasyon ng Saligang-Batas noong Enero 5, 1973.

1972 Atas ng Pangulo Blg. 73 ( Disyembre, 1972) Atas ito ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Surian ng Wikang

Pambansa na isalin ang Saligang-Batas sa mga wikang sinasalita ng may limampung libong (50,000) mamamayan, alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas (Artikulo XV, Seksyon 3).

1988 Kautusang Tagapagpaganap Blg 335 ( Agosto 25) Nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino ang kautusan na

nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya at kaparaanan ng pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.

1989 Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 (Setyembre 9, 1989) Ang kautusang ito ay nag-aatas sa lahat ng opisyal ng DECS na

isakatuparan ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335. Si Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kutura at Palakasan ang nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 84.

1990 Kautusang pangkagawaran Blg. 21 ( Marso 19, 1990) Ito ay nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas

ng panunumpa sa Katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan ng Pilipinas. Pinalabas ang kautusang pangkagawarang ito ni Kalihim Isidro Cariño ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan.

Page 36: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa24

2001 Ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2001 Kautusang Pangkagawaran Blg. 45 Nilagdaan ni Pangalawang Kalihin Isagani R. Cruz ng Kagawaran

ng Edukasyon, Kultura at Isports ang pagpapabisa ng 2001 Revisyon ng Alpabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

2006 Ipinagbigay-alam ng komisyon sa Wikang Filipino ang pasuspinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Habang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral at konsultasyon hinggil sa bagong tuntunin sa pagbabaybay, ang tuntunin sa Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino 1987 ang siyang gagamitin sa pagbabaybay. Nangyari ang pagbibigay-alam sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Filipino.

2009 Resolusyon Blg. 11-29 ng KWF Bagong Gabay sa Ortograpiyang Filipino.

3.3 GAMIT NG WIKANG FILIPINO

Ang wika ay may iba’t ibang gamit. Ang pinakapangunahing gamit ng wika ay sa komunikasyon. Sa berbal o di-berbal na komunikasyon na ating ginagawa, ang wika ay ginagamit natin.

Idagdag pa natin dito ang iba pang gamit ng wika batay sa mga pahayag ng ilang mga awtor.

Sa pamamagitan ng wika, naisasalin ang mga impormasyon mula sa isang tao tungo sa isa pang tao o grupo ng mga tao na karaniwang sinusuklian ng reaksyon ng pinatutunguhan (Antonio at Rubin, 2003).

Ayon naman kay Badayos (2008), ang bawat bansa ay may sariling wika na tangi sa iba pang wika, ang mga wikang ito ay may magkakatulad na gamit o layunin. Ang mga sumusunod ay ibinigay niyang gamit ng wika:

1. Ang wika ay ginagamit upang mag-leybel, magtakda at maglimit.2. Ang wika ay nag-eebalweyt.

Page 37: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 25

3. Ang wika ay ginagamit sa pagtalakay ng mga bagay na labas sa ating kasalukuyang karanasan.

4. Ang wika ay ginagamit upang itakda ang saklaw ng mga kahulugan.5. Ang wika ay ginagamit sa pag-utos.6. Ayon sa pananaw ng semantika may, tatlong gamit ang wika 1.) Ang

wika ay nagbibigay ng impormasyon; 2.) Ang wika ay nagse-set-up; 3.) Ang wika ay nag-uutos.

Page 38: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa26

Page 39: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 27

Pagsasanay

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang wikang Pambansa ay sinimulang ituro sa mga paaralan noong

a.1935 b.1937 c.1940 d.1973

2. Ipinahayag ng konstitusyon nang 1987 na ang Wikang pambansa ay tatawaging

a. Wikang pambansa b. Tagalog c. Pilipino d. Filipino

3. Matatagpuan sa Art. at seksyon sa bagong konstitusyon ang probisyong pangwika

a. art.XIV sek.1-5 b. art.XIV sek 6-8 c. art.XIV sek.6-9 d. art.XV sek 6-9 4. Kaninong kaarawan ang nakapaloob sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika noong 1954?

a. Balagtas b. Rizal c. Quezon d. Magsaysay

5. Ang bagong gabay sa ortograpiyang Filipino ay ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino noong

a.1987 b.1990 c.1997 d.2009

6. Sa kasalukuyan, ito ang mga wikang opisyal ng Pilipinas

a.Ingles at Pilipino b. Filipinio at Tagalog c. Ingles at Filipino d. Ingles, Kastila, Tagalog

7. Ang bumalangkas ng ABAKADA noong 1940.

a. Jose Rizal b. Manuel Quezon c. Lope Santos d. Juan Manuel

Pangalan: Petsa:

Page 40: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa28

8. Ang Kautusang Pangkagawaran na nagpapatibay sa 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

a.Blg. 89 b. Blg. 2001 c. Blg. 45 d. Blg. 55

9. Ang Proklama ni Pangulong Fidel Ramos sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

a. Blg. 1014 b. 1410 c. 1104 d. 1041

10. Ang CMO na nagsasaad na siyam na yunit ang Filipino sa kurikulum sa tersarya.

a. 54 b. 39 c. 59 d. 56

II. Ibigay sa pamamagitan ng paggamit ng ilustrasyon ang mga probisyon/ batas pangwika.

A. Ang Wikang Filipino batay sa saligang batas.

B. Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika at Buwan ng Wika

Wikang Pambansa

Page 41: Filipino 2014

FILIPINO K2: Filipino Bilang Wikang Pambansa 29

C. Ang Wikang Pambansa sa Edukasyon

D. Gawan ng pagkakatulad at pagkakaiba ang Wikang Pambansa na Tagalog, Pilipino at Filipino. Isulat ito sa venn diagram

Page 42: Filipino 2014

FILIPINOK2: Filipino Bilang Wikang Pambansa30

Page 43: Filipino 2014

FILIPINO K2: Kalikasan at Estruktura ng Wikang Filipino 31

KALIKASAN AT ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Ang wikang Filipino ay katulad din ng ibang wika na mayroon natatanging kalikasan at estruktura na sinusunod sa pagbubuo at sa paggamit nito. Mahalagang mapag-aralan natin ang mga ponolohiya, morpolohiya at sintaksis ng wikang Filipino upang mabatid natin ang ilang mga bagay sa pagbuo at paggamit nito. Simulan natin sa pinakamaliit na komponent ng wika, ang tunog o ponema. Mabibigyan natin ito nang malinaw na pagtalakay sa pamamagitan ng pag-alam ng mga sangkap na ginagamit natin sa paglikha ng mga tunog ng ating wika.

May tatlong salik na kailangan upang tayo ay makapagsalita. Ito ay ang ating enerhiya o ang pinangagalingan ng lakas, ang artikulador o pumapalag na bagay, at resonador o patunugan. Nagkakaroon ng interaksyon ang tatlong ito upang makalikha tayo ng mga tunog sa ating pagsasalita. May mga bahagi rin ng ating katawan na sadyang ginagamit natin upang tayo ay makalikha ng tunog sa pagsasalita. Ito ay ang mga sumusunod: Hiningang galing sa baga, Laringhe, Epiglotis, Paringhe, Uvula o Titilaukan, Guwang ng Bibig, Velum o Malambot na Ngalangala, Guwang ng Bibig, Palate o Matigas na Ngalangala, Alveolar o Punong Gilagid, Mga Labi, Ngipin, at Dila (Harap, Sentral at Likod). Para sa malinaw na ilustrasyon tunghayan ang saggital diagram sa ibaba.

Palate o Matigasna Ngalangala

Alveolae oPunong Gilagid

Mga Labi

Ngipin

Dila:

Mga Babagtingang Tinig

1 = Harap2 = Sentral3 = Likod

Guwang ng IlongVelum o Malambotna NgalangalaVelum o Malambotna Ngalangala

Guwang ng Bibig

Uvula oTitilaukan

Paringhe

Epiglottis

Hiningang Galingsa Baga

Laringhe

Page 44: Filipino 2014

FILIPINOK2: Kalikasan at Estruktura ng Wikang Filipino32

4.1 PONEMA

4.1.1 Ponema. Ang ponema ay ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog.

Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng mga ponema. Mapapansin na sa wikang Filipino napangkat sa dalawa ang ponema. Ito ay ang mga ponemang segmental at ponemang suprasegmental.

4.1.2 Ponemang Segmental

1. May 21 ponema ang Filipino. Labing anim (16) ang katinig at lima (5) ang patinig.

Mga katinig / b,k,d,g,h,m,n, ŋ,l,p,r,s,t,w,y, ’/

Paraan ng Artikulasyon

Punto ng Artikulasyon

Panlabi Pang-ngipin

Pang-gilagid

Pangangatal Glottal

Palatal Velar

Pasara walang tunog

May tunog

P

b

t

d

k

g’

Pailong walang tunog

m n ŋ

Pasutsot walang tunog

s

Pagilagid may tunog

l

Pakatal may tunog

r

Malapatinig may tunog

y w

Mga patinig /a,e,i,o,u/

Mga Ponemang Patinig

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a

Page 45: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 33

2. Mga Diptonggo. May pito (7) diptonggo ang Filipino. Ito ay ang magkasunod na patinig at malapatinig na /w/ at /y/ sa isang pantig ng salita.

Halimbawa: sabaw reyna maliw kahoy kasuy bahay

3. Klaster. Tinatawag din itong kambal-katinig. Ang klaster ay magkasunod at magkasamang katinig sa isang pantig. Maaaring makita ang klaster sa unahan o hulihang pantig ng satita.

Halimbawa: plato prutas transportasyon relaks apartment

4. Pares Minimal. Ito ay pares ng salitang magkatulad na magkatulad ng kaligiran at bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na posisyon, na siyang nagpapaiba ng kahulugan ng dalawang salita.

Halimbawa: /pala/ at /bala/ /kulay/ at /gulay/ /tela/ at /tila/ /tula/ at /dula/ /mesa/ at /misa/

5. Ponemang Malayang Nagpapalitan. Ang dalawang salita na may magkaibang ponema na matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit magkaiba ng kahulugan.

Halimbawa: /dumi/ at /rumi/ /lalaki/ at /lalake/ /madunong/ at /marunong/ /dadating/ at /darating/

4.1.3 Ponemang Suprasegmental

May apat na ponemang suprasegmental. Ito ay ang tono (pitch), haba (length), diin (stress), at antala (juncture).

1. Tono. Ang pagtaas at pagbaba na nagagawa natin sa pagbigkas ng pantig ng salita ay ang tono. Sa pamamagitan nito nagiging masining at mabisa ang ating pakikipag-usap sa ating kapwa.

Halimbawa: bukas. bukas?

Page 46: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino34

2. Haba. Tumutukoy ito sa haba ng bigkas na inilalaan sa patinig ng pantig ng salita.

Halimbawa: magsasaka mag.sa.sa.ka

3. Diin. Ang lakas ng bigkas sa pantig ng salita.

Halimbawa: baga bagâ

4. Antala. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita lalo pa kung gusto nating maging malinaw ang mensahe na ating nais iparating.

Halimbawa: Hindi ako. “It’s not me.” Hindi, ako. “ No, it’s me.” Hindi puti. “It’s not white.” Hindi, puti. “No, it’s white.”

4.2 MORPEMA

4.2.1 Morpema. Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na mayroong kahulugan. Ito ay maaaring isang salitang-ugat o isang panlapi.

Halimbawa, ang salitang tubig ay isang salitang-ugat. Ang ma- ay isang panlapi. Kapag pinagsama natin ang tubig at panlaping ma-, mabubuo natin ang salitang matubig na may dalawang morpema. Sa salitang makahoy, ito ay may dalawang morpema dahil ang panlaping ma- ay may kahulugan na marami at ang salitang kahoy ay mayroon ding kahulugan. Kaya sa salitang makahoy ito ay may kahulugang maraming kahoy.

4.2.2 Anyo ng Morpema: May tatlong anyo ang morpema. Ito ay ang morpemang ponema, morpemang panlapi at morpemang salitang-ugat. Bigyan natin ng halimbawa ang mga ito.

1. Morpemang ponemaHalimbawa: ponemang /a/ at /o/ maestro at maestro abogada at abogado

2. Morpemang panlapiHalimbawa: sumayaw nagbigay sinamahan

Page 47: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 35

3. Morpemang salitang-ugatHalimbawa: awit alaala sagana payapa

4.2.3 Kayarian ng mga SalitaMayroon tayong apat (4) na kayarian ng salita. Ito ay ang mga sumusunod:

1.) Payak, 2.) Maylapi, 3.) Inuulit at 4.) Tambalan. Matutunghayan sa ibaba ang mga paliwanag at halimbawa nito.

1. Payak o Salitang-ugat. Kapag ito ay salitang-ugat lamang. Hindi ito nagkakaroon ng paggamit ng mga panlapi, pag-uulit o mga pagtatambal ng salita.

Halimbawa: alaala bulaklak ganda yaman sigaw dama sawi

2. Maylapi. Ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi. Maaaring isa o higit pang panlapi ang gamitin sa pagbuo ng salitang ito.

Halimbawa: sinabayan kinuha hinatid nagtampuhan ginuton

May pitong paraan na maaaring gamitin sa paglalapi ng mga salita. Ito ay ang mga sumusunod: (a.) pag-uunlapi, (b.) paggigitlapi, (c.) paghuhulapi, (d.) pag-uunlapi at paghuhulapi (kabilaan), (e.) pag-uunlapi at paggigitlapi, (f.) paggigitlapi at paghuhulapi, at (g.) pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi (Laguhan). Narito ang mga halimbawa:

a. Pag-uunlapi - itapon umibig nagdasal pantulog

b. Paggigitlapi - binasura kumuha kinabig tinuhog

c. Paghuhulapi – sabihan damayan dalahin pulutin

d. Pag-uunlapi at paghuhulapi (Kabilaan) – nagsigawan nilutuan pagsaluhan nagtawahan nagsulatan e. Pag-uunlapi at paggigitlapi – isinama ibinahagi nagsumikap

itinaga ibinigay iginawad

Page 48: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino36

f. Paggigitlapi at paghuhulapi - binigyan dinasalan Kinulayan sinabihan tinulungan dinamayan

g. Pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi (Laguhan) ipagsumigawan pagsumikapan

3. Inuulit. Ito ay mga salitang may pag-uulit na a.) ganap o buo, b.) parsyal o 3.) kombinasyon.

Halimbawa:a. Ganap: araw-araw sabi-sabi yugto-yugto dala-dalab. Parsyal: aaraw aalis sasabay uulanc. Kombinasyon: aaraw-araw iiyak-iyak tatamad-tamad

4. Tambalan. Ang dalawang salita ay pinagsama. May dalawang pangkat ng tambalang salita. Ang tambalang ganap at tambalang di-ganap. Ang tambalang ganap ay dalawang salitang pinagsama na hindi nawawala ang kahulugan. Samantala, ang tambalang di-ganap ay dalawang salitang pinagsama na nagkakaroon ng ibang kahulugan kaysa isinasaad ng dalawang salita. Ang tambalang di-ganap din ay hindi nilalagyan ng gitling.

Halimbawa: a. Tambalang ganap: bahay-kubo dalagang-bukid urong-sulong ingat-yaman asong-ulol hapag-kainan

b. Tambalang di-ganap: hampaslupa hanapbuhay

4.2.4 Pagbabagong Morpoponemiko. Ito ay anomang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema. Maaaring ito ay dahil sa impluwensya ng kaligiran nito. Ang mga sumusunod ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko: (a.) Asimilasyon (b.) Pagpapalit ng Ponema (c.) Metatesis (d.) Pagkakaltas ng ponema (e.) Paglilipat-diin at (f.) Reduplikasyon.

a. Asimilasyon. Ang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ sanhi ng impluwensya ng ponemang kasunod nito. Nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ ang /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog.

Page 49: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 37

Kapag ang panlapi ay nagtatapos sa /ŋ/ at ikinakabit sa salitang nagsisimula sa /p/ o /b/, ito ay nagiging /m/. Nagiging /n/ ito kapag ikinakabit sa salitang nagsisimula sa /d/ /l/ /r/ /s/ /t/. Nanatili itong /ŋ/ kapag ang kinakabitan ay mga salitang nagsisimula sa patinig at mga salitang nagsisimula sa mga katinig na hindi nabanggit sa unahan. Pansinin ang mga halimbawa.

[pang-] + bata = pambata[pang-] + paaralan = pampaaralan

[pang-] + dalaga = pandalaga

[pang-] + laro = panlaro [pang-] + guhit = pangguhit

[pang-] + awit = pang-awit

b. Pagpapalit ng ponema. Nagkakaroon ng pagbabago o pagpapalitan ng ponema sa mga salita.

Halimbawa: dami - rami tawidin - tawirin

c. Metatesis. Ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ na ginigitlapian ng [-in] , ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at /n/ ng gitlapi ay nagpapalit ng posisyon.

Halimbawa: -in + lipad = nilipad -in + yurakan = niyurakan

d. Pagkakaltas ng ponema. Ang pagbabagong ito ay nangyayari kapag ang huling ponema ng patinig ng salitang-ugat ay nawawala dahil sa paghuhulapi dito.

Halimbawa: dala + -han = dalhan dama + -hin = damhin

Page 50: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino38

e. Paglilipat-diin. Nangyayari ang pagbabagong ito sa mga salitang nilalapian. Maaaring malipat ang diin ng isa o dalawang pantig patungo sa unang pantig o huling pantig ng salita. Halimbawa: larô + -an = láruan (lugar) halaman + -an = halamanán

f. Reduplikasyon. Nagaganap ang ganitong pagbabago kapag inuulit ang patinig, pantig o salita.

Halimbawa: sabi = sabi-sabi ibigay = ibibigay awit = await

Page 51: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 39

Pagsasanay

I. Ibigay ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____________ 1. Ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog. ____________ 2. Ang pag-aaral sa mga ponema. ____________ 3. Ang pag-aaral sa mga salita.____________ 4. Ang magkasunod at magkasamang patinig at malapatinig sa isang pantig.____________ 5. Ang magkasunod na katinig sa isang pantig.____________ 6. Ang mga salitang magkapareho ng bigkas at kaligiran ng ponema ngunit magkaiba ng kahulugan.____________ 7. Ang mga tono, haba, diin at antala ay nasa kategorya ng ponema na ____.____________ 8. Ang salik ng katawan na nagmomodipika ng tunog sa pagsasalita.____________ 9. Ang mga pumapalag na bagay kapag nagsasalita ang tao.____________ 10. Ang tono, haba, diin at antala ay nabibilang sa mga ponemang ________.

II. Tukuyin kung may diptonggo o wala. Isulat ang D kung mayroon at W kung wala.

1. sayawan 9. aliw 2. sambayanan 10. taglay3. simbuyo 11. kami’y 4. kawilihan 12. bawi 5. reyna 13. biyayaan 6. bayaw 14. tanglawin7. beywang 15. kasiyahan 8. batay

Pangalan: Petsa:

Page 52: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino40

III. Tukuyin kung may klaster. Isulat ang K kung mayroon at W kung wala

1. plantsa 9. kaklase 2. altar 10. akyat 3. prenda 11. mambuyo4. saklolo 12. alkansya 5. nagkariton 13. ekstra 6. paksa 14. apartment 7. tsansa 15. eksport 8. gadget

IV. Tukuyin kung Pares Minimal o Ponemang Malayang Nagpapalitan. Isulat ang PM kung pares minimal at PMN kung ponemang malayang nagpapalitan.

_______1. diles at riles ________6. ulan at unan_______2. tula at dula ________7. dumi at rumi_______3. marami at madami ________8. sampo at sampu _______4. lalaki at lalake ________9. tela at tila_______5. dadating at darating ________10. dito at rito

V. Tukuyin ang pagkakabuo ng morpema. Hanapin buhat sa pagpipilian ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.

a. ponema b. salitang –ugat c. maylapi d. pagtatambal e. pag-uulit

_____1. magkaibigan _____8. abogada _____2. ibinigay _____9. suwapang_____3. bulaklak _____10. mamamalengke_____4. kasa-kasama _____11. halik- hudas _____5. saksi _____12. Ipinagtanggol _____6. kapitan _____13. haluhalo_____7. halo-halo _____14. lalapag_____15. alaala

Page 53: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 41

VI. Ibigay ang pagbabagong morpoponemiko ng mga sumusunod na salita. Isulat ang titik lamang.

a. asimilasyon b. pagpapalit ng ponema c. paglilipat ng diin d. metatesis e. reduplikasyon f. pagkakaltas ng ponema

_______ 1. madumi – marumi _______ 2. kitilin – kitlin _______ 3. madami – marami _______ 4. takipan – takpan _______ 5. lapadan – laparan _______ 6. pangbayad – pambayad _______ 7. damo – damuhan _______ 8. mabango – mabangung-mabango _______ 9. yanigin - niyanig _______ 10. namalengke -namamalengke_______ 11. sama - samahan_______ 12. linang - nilinang_______ 13. basa – basahin _______ 14. awit – aawit _______ 15. pangtahi – pantahi

Page 54: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino42

Page 55: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 43

4.3 SINTAKSIS

Pag-aaralan natin sa bahaging ito ang pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga morpema o salita upang makabuo tayo ng pangungusap. Tatalakayin natin ang ilang bagay na may kinalaman sa pangungusap.

4.3.1 Kahulugan ng PangungusapAng pangungusap ay mga pahayag na may patapos na himig sa dulo. Ito ay

maaaring isang salita o lipon ng mga salita na may buong diwa o kaisipan. May mga pangungusap na walang paksa at may mga pangungusap na binubuo ng paksa at panaguri. Tunghayan natin ang mga halimbawa sa ibaba:

A. Mga Pangungusap na Walang Paksa

Ito ang mga pangungusap na hindi lantad ang paksa, subalit may buong diwa na isinasaad.

a. Eksistensyal. Mga pangungusap ito na kalimitang nagsisimula sa may o mayroon at wala. Ipinahahayag nito ang pagkamayroon o kawalan.

Halimbawa: May tao sa labas. Mayroong naglalaro. Walang pasok ngayon.

b. Pormularyong Panlipunan. Ito ay mga bating panlipunan na nauunawaan ng kinakausap. Ang mga bating ito ay may kahulugang alam ng naghahatid at tumatanggap ng mensahe.

Halimbawa: Magandang umaga. Maligayang kaarawan. Maraming salamat.

c. Penomenal. Mga pangungusap na nagpapahayag ng kalagayan ng panahon na may kahulugang nauunawaan na.

Halimbawa: Umuulan! Bumabagyo! Umaaraw na.

Page 56: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino44

d. Temporal. Ang mga pangungusap na tumutukoy sa oras o takdang araw.

Halimbawa: Alas dos na. Mamayang gabi. Sa Sabado. Sa makalawa.

e. Panagot sa tanong. Nauunawaan na ang ibig tukuyin kahit hindi na ulitin ang mensahe o kaisipan sa tanog.

Halimbawa: Nag-aral ka na ba? Sagot: Oo. o Hindi pa. Sasama ka ? Sagot: Hindi! o Oo. o Ewan.

f. Panawag. Ang sambitlang ito ay nagpapahayag na mayroon siyang tinatawag na pangalan o tao.

Halimbawa: Nanay! Ate! Ariel!

g. Padamdam. Nagsasaad ng damdamin o masidhing damdamin tulad ng pagkagulat, sakit at iba pa.

Halimbawa: Naku! Aba! Aray!

h. Pautos. Mga pahayag na nagsasaad ng pag-utos upang gawin ang isang kilos.

Halimbawa: Alis dyan. Takbo na! Sulong!

i. Paghanga. Nagpapahayag ng paghanga.

Halimbawa: Kay gandang tanawin. Kay sarap!

j. Pagtawag. May kahulugang tinatawag o nais makasama o mapalapit ang kausap.

Halimbawa: Halika. Lapit dito.

B. Pangungusap na May Paksa at Panaguri Ito ay mga pangungusap na may dalawang bahagi. Ang paksa at

ang panaguri.

Page 57: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 45

Halimbawa: Ang mag-aaral ay matiyagang pumapasok sa paaralan.

Paksa Panaguri

Malaki ang kanyang napanalunan.

Panaguri Paksa

4.3.2 Kayarian ng Pangungusap

Ang pangungusap ay may apat na kayarian. Mapapansin ito ayon sa pagkakabuo ng pangungusap. Ito ay ang payak, tambalan, hugnayan at langkapan.

1. Payak na pangungusap. Ito ay nagpapahayag ng isang buong diwa lamang. Maaari itong magkaroon ng payak o tambalang na paksa at payak o tambalang panaguri.

Halimbawa:• Masayaangmagkaroonngmgakaibigan.• Mapagkakatiwalaan at mapagkusa ang kanyang napiling

mapapangasawa.• Sina Diza, Marilyn at Aileen ay dumalo sa seminar noong

nakaraang buwan.• Naniniwala at umaasa ang mga magulang at mga guro na

makakayanang gawin ng mga estudyante ito. 2. Tambalang Pangungusap. Nagpapahayag ito ng dalawa o higit

pang diwa o kaisipan. Ginagamitan ito ng mga pangatnig na at, habang, samantala, at iba pa.

Halimbawa:• NagsisikapsiAnanamakapagtapossakanyangpag-aaralhabang

ang kanyang mga magulang ay patuloy na sumusupotra sa kanya.• Angmagalitayhindikoibigsubalitkailangangikawaymatuto.

3. Hugnayang Pangungusap. Ito ay binubuo ng sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa.

Page 58: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino46

Halimbawa:• Sasayawakokungaawitka.• Upangmagtagumpay,ikawaymanaligsaDiyosatsaiyongsarili.

4. Langkapang Pangungusap. Ang pangungusap na ito ay binubuo ng tambalan at hugnayang pangungusap.

Halimbawa:• Nagtuturo ang mga guro at nag-aaral ang mga estudyante

habang ang kanilang mga magulang ay naghahanapbuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa paaralan.

Ayos ng Pangungusap

May dalawang ayos ang pangungusap. Tinatawag itong karaniwan at di-karaniwang ayos. Ang karaniwang ayos ng pangungusap ay may paksa na makikita sa hulihan at ang panaguri ay nasa unahan. Ang di-karaniwang ayos naman ay may paksa na matatagpuan sa unahan at nasa hulihan ang panaguri.

Halimbawa:• Karaniwan:NagbigayngtulongsamganasalantangbagyongPablo

ang mga mag-aaral ng SMCTI at UMTC.

• Di-karaniwan:SiPrincessaynagpakitangkakayahansapagsulatngmga artikulo sa wikang Filipino.

4.3.3 Tungkulin ng Pangungusap

Ang tungkulin ng pangungusap ay maaaring paturol, pautos, patanong at padamdam.

• Pangungusapnapaturol. Ito ay mga pangungusap na nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari o likhang isip lamang. Ginagamitan ito ng tuldok sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa: • SambahinatdakilainnatinangMakapangyarihangManlilikha.• Ibigaymoangrespetosaiyongsariliatiyongkapwa.• SiHon.AllanL.RellonangalkakdengTagumCity.

Page 59: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 47

• PangungusapnaPautos. Ang pangungusap na ito ay nagpapahayag ng pag-utos o pakiusap. Ginagamitan ito ng bantas na tuldok (.) o kaya’y panandang pananong (?) sa hulihan ng pahayag.

Halimbawa:• Kuninmoangibinigayniyangmgabulaklak.• Pakitaponsabasurahanangmganagkalatnapapel.• Maaaribangihatidmoitosakanyangopisina?

• PangungusapnaPatanong. Ito ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Panandang pananong (?) ang ginagamit na bantas sa katapusan ng pangungusap.

Halimbawa: • Naniniwalakabasahimala?• Daratingpakayaanghinihintayninyo?• Pauunlakanmobaangpaanyayanilasaiyonamagingpanauhing

pandangal?

• PangungusapnaPadamdam. Ito ay pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin tulad ng pagkagulat, takot, sakit at iba pa.

Halimbawa:• Aba!Nandiyankanapala.• Naku!Nahulogangbata.• Aray!Nauntogako.

Ngayong nagkaroon na tayo ng kabatiran hinggil sa wika at sa Wikang Filipino mabibigyan natin ng maikling pagbubuod ang estruktura ng wikang Filipino.

Bawat wika ay may kanya-kanyang estruktura. Isa ito sa katangian ng wika. Ang wikang Filipino ay may paraan din ng pagkakabuo. Ito ay may pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog na kung tawagin ay ponema. May nakatakdang paraan sa paglikha ng tunog na ginagamit ng tao sa kanyang pagsasalita sa pamamagitan ng mga salik na kailangan upang mailabas ang wastong tunog at mabigkas nang maayos ang isang ponema.

Ang wikang Filipino ay mayaman din sa mga salita. May kasapatan itong tumbasan ng salita ang mga bagay-bagay sa ating kapaligiran, maging ang ating mga damdamin at iniisip. Nandiyang magamit natin ang mga salitang likas sa

Page 60: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino48

atin katulad ng mga katutubong salita, may pagkakataon lumilikha tayo ng mga katawagan, at ang ating panghihiram sa ibang wika. Sa pagsasama-sama natin ng mga tunog o ponema ay nakabubuo tayo ng salita o morpema na nagtataglay ng kahulugan. Maaaring makabuo tayo ng mga salitang payak, maylapi, inuulit at tambalan.

Kapag pinagsama-sama naman natin ang mga morpema ay makabubuo tayo ng mga kataga, parirala o sugnay at pangungusap. Tunghayan ang dayagram sa ibaba.

Ponemaa ei o u

b k d g h l m n ŋ p r s t w y ’

Morpemama- tubig tayo-tayo ipagkaloob halik hudas

Parirala/sugnay•datingmagkaibigan

•sadambanangdalanginan•kapagnagtatagpo

Pangungusap•Akoaymabutingmamamayan.•Saankanagtaposngsekundaya?

•Pakisabisakanyanamaghihintayako.•Aba!Nariritokapala.

Pigura 1. Estruktura ng Wikang Filipino

Page 61: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 49

Pagsasanay

I. Tukuyin ang dalawang bahagi ng pangungusap. Bilugan ang paksa at salunguhitan ang panaguri.

1. Madaling maintindihan ang leksyon namin sa Filipino.

2. Ang masisipag ay umaasenso.

3. Si G. Arbes ang binigyan ng tungkuling mamuno ng samahan.

4. Nagdiriwang ang mag-anak tuwing pasko.

5. Ang Ama ng Wikang Pambansa ay si Manuel L. Quezon.

6. Marami ang naapektuhan ng dagliang pagbaha dahil sa malakas na ulan.

7. Ang kalikasan ay dapat nating ingatan.

8. Makikita sa mga bata noon ang pagiging magalang.

9. Ang lahat ay abala sa kanilang gawain para sa intramurals.

10. Sa kanilang lalawigan makikita ang napakagandang tanawin.

II. Tukuyin ang kayarian ng pangungusap. Isulat ang titik lamang. A. Payak B. Tambalan C. Hugnayan D.Langkapan

1. Maganda siya ngunit ayaw niyang makipagkaibigan.2. Naglalaro ang bata at matanda.3. Sigaw nang sigaw ang babae dahil nahablot ng magnanakaw ang kanyang bag.4. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay lalo itong tumitibay.5. Nagsitigil sa pag-iingay ang mga estudyante nang biglang nagalit ang kanilang guro.6. Sina Amie at Janie ang tinaguriang kambal-tuko sa kanilang paaralan.7. Masisipag at matatalino ang mga mag-aaral at mga guro sa

paaralang ito.8. Sino ang magsasabing hindi tayo aasenso kung tayo ay magsisikap?9. Naibaba na ang hatol sa kanya kagabi.10. Makikipaglaban ako kung ikaliligaya mo.

Pangalan: Petsa:

Page 62: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino50

III. Uriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

A. Penomenal B. Temporal C. Pormulasyong Panlipunan D. Eksistensyal E. Pautos F. Pagtawag G. Padamdam H. Pagsagot sa Tanong I. Pananggi J. Paghanga

1. May nagtatago sa likod ng bahay. _________________

2. Ang ganda. __________________________

3. Bumabagyo! __________________________

4. Takbo na! __________________________

5. Alas singko na. __________________________

6. Kuya! __________________________

7. Halika rito! __________________________

8. Magandang umaga. __________________________

9. Sa makalawa na lang. __________________________

10. Wala rito. __________________________

11. Ayoko nga. __________________________

12. Humahangin na naman. __________________________

13. Maligayang kaarawan. __________________________

14. Inay! __________________________

15. Walang anoman. __________________________

16. Aray! __________________________

17. Akyat na. __________________________

18. Tayo na. __________________________

19. Naku! __________________________

20. Mayroon yatang palabas. ________________________

Page 63: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 51

ANG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO

ANG BAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO (2009) (Hango sa Aklat na Gabay sa Ortograpiyang Filipino ng Komisyon sa Wikang Filipino - Sangay ng Linggwistika, 2009)

Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilahad sa ortograpiyang ito ang estandardisadong mga grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.

MGA GRAPEMA

Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng:

Letra

Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) letra at binibigkas sa tunog- Ingles maliban sa ñ.

Aa“ey”

Bb“bi”

Cc“si”

Dd“di”

Ee“i”

Ff“ef”

Gg“ji”

Hh“eych”

Ii“ay”

Jj“jey”

Kk“Key”

Ll“el”

Mm“em”

Nn“en”

Ññ“enye”

NGng“enji”

Oo“o”

Pp“pi”

Qq“kyu”

Rr“ar”

Ss“es”

Tt“ti”

Uu“yu”

Vv“vi”

Ww“dobol yu”

Xx“eks”

Yy“way”

Zz“zi”

B. Hindi Letra

Maaaring buuin ng:

1. paiwa (`), at pakupya ( ^ ) na sumisimbolo sa impit na tunog (’). 2. tuldik na pahilis ( ΄ ) na sumisimbolo sa diin at/o haba. 3. bantas, gaya ng tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), kuwit (,), tulduk-kuwit (;), tutuldok (:), kudlit ( ’). at gitling (-)

Page 64: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino52

II. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBAYBAY

Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isang pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atb.

PASULAT PAGBIGKAS

Salita awit /ey-dobolyu-ay-ti/ boto /bi-o-ti-o/ plano /pi-el-ey-en-o/ Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-o/ vinta /vi-ay-en-ti-ey/ jihad /jey-ay-eych-ey-di/

Pantig it /ay-ti/ kon /key-o-en/ trans /ti-ar-ey-en-es/ pa /pi-ey/ tsart /ti-es-ey-ar-ti/

Akronim

MERALCO (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey-el-si-o/PASATAF (Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino) /pi-ey-es-ey-ti-ey-ef/ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) /ay-ar-em-em/ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) /ey-es-i-ey-en/

Daglat

Bb. (Binibini) /kapital bi-bi/ G. (Ginoo) /Kapital ji/Gng. (Ginang) /Kapital ji-en-ji/Kgg. (Kagalang-galang) /Kapital key-ji-ji/Dr. (Doktor) /Kapital di-ar/

Page 65: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 53

Inisyal ng Tao

MLQ (Manuel L. Quezon) /em-el-kyu/CPR (Carlos P. Romulo) /si-pi-ar/JVP (Jose Villa Panganiban) /jey-vi-pi/LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/AGA (Alejandro G. Abadill’a) /ey-ji-ey/

Inisyal ng Samhan/institusyon

KWF (Komisyon ng Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/PSLF (Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino) /pi-es-el-ef/KBP (Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas) /key-bi-pi/UMTC (University of Mindanao Tagum College) yu/em/ti/siSMCTI (Saint Mary’s College of Tagum, Inc.) es/em/si/ti/ay

Simbolong pang-agham/pangmatematika

Fe (iron) /ef-i/ H₂O (water) /eych-tu-o/NaCl (sodium) /en-ey-si-el/ lb. (pound) /el-bi/

B. Pasulat na Pagbaybay

b.1 Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.

“vakul” (Ivatan) Panakip sa ulo na yarisa palmera na ginagamit bilang pananggalang sa ulan at init ng araw.“payyo/payew” (Ifugaw) pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw.“banana” (Hudhud) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces)“tnal’k” o “t’nal’k” (T’boli) habing yari sa abaka ng mga T’boli.“butanding” (Bicol) sa halip na “whale shark”.“cabalen” (Pampango) kababayan“h’dja” babaeng Muslim na nagsagawa ng banal na paglalakbay sa Mecca.

b.2 Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika panatilihin ang orihinal nitong anyo.

status quo, pizza pie, bouquet, sheik, samurai, french fries

Page 66: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino54

b.3 Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español, baybayin ito ayon sa ABAKADA.

familia - pamilya baño - banyo cheque - tsekemaquina - makina liquid - likido vintaña - bintana

b.4 Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “e” hindi pinapalitan ng letrang “i”. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

berde - berdeng-berde kape - kapeng-kapekarne - karneng-karne libre - libreng-libresuwerte - suwerteng-suwerte

b.5 Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “o” hindi ito pinapalitan ng letrang “u”. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

ano - ano-ano sino - sino-sinopito - pito-pito buto - buto-butopiso - piso-piso bato - bato-batomilyon - milyon-milyon sunod - sunod-sunodtaon - taon-taon kahon - kahon-kahonhalo - halo-halo ( magkakasama ang iba’t ibang bagay)

*May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang nabuong salita tulad ng:

haluhalo (pagkain) salusalo (piging/handaan)batubato ( isang uri ng ibon)

b.6 Kapag hinihunlapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa “e”, ito ay nagiging “I” at ang “o” ay “u”.

korte - kortihan atake - atakihinsalbahe - salbahihin balot - balutinhinto - hintuan bato - batuhin

Page 67: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 55

*Gayunman, may mga salitamg nananatili ang “e” kahit hinuhunlapian.

sine - sinehan bote - botehan onse-onsehan base -basehan

b.7 Makabuluhan ang tunog na “e” at “o” kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga katutubo o hiram na salita.

mesa - misa uso - oso tala - tila

b.8 Gayunman, hindi puwedeng palitan ng “i” ang “e” at “o” ng “u”. dapat pa ring gamitin ang baybay na matagl na o lagi nang ginagamit.

babae, hindi babai buhos, hindi buhus sampu, hindi sampo

III. ANG PANTIG AT PALAPANTIGAN

Ang Pantig

Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. May Isa (1) lamang patinig ang bawat pantig

Halimbawa: oras - o.ras ulo - u.lo ilaw - i.law asin - a.sin

Kayarian ng Pantig

Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng

simbolo: K para sa katinig, P para sa patinig.

Kayarian Halimbawa Kayarian HalimbawaP i.log KKP pritoKP bu.nga PKK eks.per.toPK us.bong KKPK plan.tsaKPK bul.sa KKPKK trans.por.tas.yon KKPKKK shorts

Page 68: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino56

3. Pagpapantig. Ang Pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay ibinatay sa grapema o nakasulat na simbolo.

3.1 Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang pantig sa posisyong inisyal, midyal at pinal ng salita, ito ay hiwalay na mg pantig.

Halimbawa:aakyat = a.ak.yat aalis = a.a.lis uuwi = u.u.wialaala = a.la.a.la totoo = to.to.o

3.2. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa:aklat ak.lat bunso bun.so isda is.dausbong us.bong impok im.pok basket bas.ket

3.3 Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa patinig na sinusundn at ang huli ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa:eskperto eks.per.to transpormer trans.por.mertransportasyon trans.por.tas.yon

3.4 Kapag ang una sa tatlong magkasunod na katinig ay m o na at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, at tr ang unang katinig (m o n) ay sa sinundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa:alambre - a.lam.bre, balandra - ba.lan.dra, kontro - kon.trol

3.5 Kapag may apat na magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa:ekstra eks.tra ekslusibo eks.klu.si.boekstradisyon eks.tra.dis.yon eksplosibo eks.plo.si.bo

Page 69: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 57

4. Ang Pag-uulit ng Pantig. Ang mga tuntunin sa pag-uulit ng pantig ay ang mga sumusunod: 4.1 Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang pantig lamang ang inuulit.

Halimbawa:alis a.a.lis iwan i.i.wan ulan u.u.lan

Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita.

Halimbawa:maiwan ma.i.i.wan uminom u.mi.i.nom

4.2 Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP, ang katinig at kasunod na pantinig lamang ang inuulit.

Halimbawa:baha ba.ba.ha mag.ba.ba.hasulat su.su.lat mag.su.su.lat

4.3 Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may kambal-katinig o klaster inuulit lamang ang unang katinig at patinig.

Halimbawa:plan.tsa pa.plan.tsa.hin mag.pa.plan.tsa

IV. ANG PANGHIHIRAM

Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay ang sumusunod:

1. Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o banyaga.

Halimbawa:rule = tuntunin narrative = salaysayskill = kasanayan banquet = salusalo

2. Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at panatilihin ang orihinal na baybay.

Page 70: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino58

Halimbawa:“bana” (Hiligaynon at Sugbuanong Binisaya) tawag sa asawang lalaki“butanding” (Bicol) whale shark“Imam” (Tausug) tawag sa paring Muslim“cañao” (Igorot) panseremonyang sayaw “ banhaw” (Visaya) muling pagkabuhay“chidwai” (Ivatan) biloy (dimples)“gahum” ( Cebuano, Hiligaynon, Waray) kapangyarihan

3. Mga Salitang Hiram sa Español

3.1 Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA

Halimbawa:vocabulario = bokabularyo telefono = telepono maquina = makina celebracion = selebrasyon

3.2 Sa mga salitang Español na may “e”, panatilihin ang “e”.

Halimbawa:estudyante = hindi istudyante estilo = hindi istiloespiritu = hindi ispiritu estruktura = hindi istrukturadesgrasya = hindi disgrasya espesyal = hindi ispesyal

3.3 Sa mga salitang Español na may “o”, panatilihin ang “o”.

Halimbawa:polikita = hindi pulotika opisina = hindi upisinatardisyonal = hindi tardisyunal koryente = hindi kuryentetornilyo = hindi turnilyo

3.4 May mga salitang hiram sa Español na nababago ang kasunod na katinig, ang “o” ay nagiging “u” sa ilang mga salitang sinusundan ng “n” o pailong na katinig. At ang “n” ay nagiging “m”.

Español Filipino Español Filipinoconvencion kumbensiyon convento kumbento conferencia kumperensiya conforme kumporme

Page 71: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 59

4. Sa mga salitang hiram sa Español at Ingles: Kung hindi tiyak ang pagtutumbas, hiramin ang orihinal na Español at Ingles.

Español Filipino Inglesimagen imahen imagedialogo diyalogo dialogue prioridad priyoridad priority

*Hindi ipinapayong panumbas ang mga sumusunod:imeyds - imahe (para sa image)dayalog - dayalogo (para sa dialogue)prayoriti - prayoridad (para sa priority)

5. Panghihiram sa wikang Ingles: Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghihiraman, panatilihin ang orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa-Filipino ng baybay.

habeas corpus bouquet depot toupee spaghetti

6. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, teknikal, pang-agham at mga simbolong pang-agham at matematika.

Manuel L. Quezon x-ray videotape Fe (iron) H2O (water)

V. KARAGDAGANG TUNTUNIN

A. Ginigitlingan ang pangngalang pantangi at salitang hiram kapag inuunlapian.

maka-Diyos maka-Pilipino pa-Tagum City

*Sa aspektong kontemplatibo (panghinaharap), inuulit ang unang katinig at patinig (KP) ng salita.

magpa-PAL magho-Honda magco-Colgate magno-Nokia

B. Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng KP sa unlapi.

magji-jeep magti-text magdo-drawing magre-review

Page 72: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino60

C. Pangmaramihang anyo ng mga salita sa pagsulat.

c.1.Ginagamit ang “mga” sa pagsulat ng maramihang anyo ng salita.

mga painting mga opisyal mga computer

c.2 Hindi ginagamitan ng “mga” ang salitang hiram na nasa anyong maramihan.

paintings (hindi mga paintings) opisyales (hindi mga opisyales)computers (hindi mga computers)

c.3 Hindi ginagamitan ng “pamilang “ at “mga” ang mga salitang nasa anyong maramihan.

kalalakihan - (hindi “mga kalalakihan”) (hindi “limang kalalakihan”)

kababaihan - (hindi “mga kababaihan”) (hindi “anim na kababaihan”)

kaguruan - (hindi “mga kaguruan”) (hindi “pitong guro”)

kabataan (youth) - (hindi “mga kabataan”) (hindi “sampung kabataan”)

c.4 Pagbuo ng Pang-uri

Ginagamit ang panlaping makauri sa salitang-ugat na hindi orihinal na pang-uri.

pang-akademya/akademiko hindi “pang-akademiko”pangkultura/kultural hindi “pangkultural”panlingguwistika/lingguwistik hindi “panlingguwistik”

D. Mga salitang may Digrapo

d.1 Sa mga salitang Ingles na nagtatapos sa “ct”, ang “ct” ay nagiging “k” kapag binabaybay sa Filipino.

Page 73: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 61

abstract - abstrak impact - impak addict - adik

d.2 Sa mga salitang hiram na may “ch” tatlong paraan ang maaaring gamitin. d.2.1 panatilihin ang orihinal na anyo

chunk chess charger chips

d.2.2 palitan ng t sang ch at baybayin sa Filipino

chinelas - tsinelas chapter - tsapter chart - tsart

d.2.3 palitan ng k ang ch at baybaying sa Filipino

machine - makina scholar - iskolar chemical - kemikal

*Maging consistent sa paggamit ng alinman sa tatlong paraan

d. 3 mga salitang may sh

d.3.1 panatilihin ang orihinal na anyo

shower shop showcase shuttle sheikh

d.3.2 palitan ng ay ang sh at baybayin sa Filipino

workshop - worksyap shooting - syutingcensorship - sensorsyip scholarship - iskolarsyip

E. Mga salitang hiram na nagsisimula sa letrang “s” ay maaaring baybayin sa dalawang paraan.

e.1 panatilihin ang orihinal na anyo

scarf slogan spark script spa

e.2 lagyan ng “i” sa unahan kapag binabaybay sa Filipino

schedule - iskedyul sport - isport scout - iskawt

Page 74: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino62

F. Mga salitang may dalawang magkasunod na parehon katinig. Kinakaltas ang isa sa dalawang magkasunod na parehong katinig.

bulletin - buletin grammar - gramar pattern - patern transmitter - transmitter

G. Mga Salitang May Kambal-Patinig

Sa mga salitang hiram sa Español na may kambal-patinig

1. nananatili ang a + (e,I,o,u) at e + (a,i,u) a + ( e, o,i,u) = maestro, aorta, bailarina, baul, laurel e + (a,o,i,u) = teatro, teorya, oleo, beinte, neutral, neurosis

2. kinakaltas ang unang patinig at pinapalitan ito ng y, o w. i + (a,e,o) = barberya (barberia) , akasya (acacia) = Disyembre (Deciembre), serye (serie) = bisyo (vicio) ambisyon (ambicion)

3. sinisingitan ng y o w sa mga sumusunod na posisyon:

a) kung ang kambal-patinig ay nasa unang patnig ng salita,

ia = diyabetes (diabetes), biyahe (viaje), piyano (piano)ie = biyenes (bienes), piyesta (fiesta), siyete (siete), piyesa (piesa)io = Diyos (Dios), piyorea (piorrea)ua= awto (auto), guwapo (gwapo)ue = kuwenta (cuenta), kuwerdas (cuerdas)

b) kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang mga katinig.

ia = diperensiya (diferencia), impluwensya (influencia), menudensiya (menudencia)ie = impiyerno (infierno), gobyerno (gobierno), gloryeta (glorieta), abyerta (abierta)io = abaloryo (abalorio), edipisyo (edificio)ua = awto (auto), guwapo (gwapo)

Page 75: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 63

ue = sarsuwela (zarzuela), karuwahe (caruaje)ui = buwitre (buitre), aguwador (aguador)uo = oblikwo (oblique)

c) kung ang kambal-patinig ay sumusunod sa H.

lohiya (logia) perhuwisyo (perjuicio) rehiyon (region) kolehiyo (colegio)

Page 76: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino64

Page 77: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 65

Pagsasanay

I. Baybayin ayon sa 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino ang mga sumusunod:

____________________________1. maquina

___________________________ 2. conforme

____________________________3. pulitika

____________________________4. mga kababaihan

____________________________5. mga opisyales

____________________________6. spaghetti

____________________________7. sinihan

____________________________8. xerox

____________________________9. workshop

____________________________10. kuryente

____________________________11. bulletin

____________________________12. chinelas

____________________________13. connect

____________________________14. cabalen

____________________________15. mga cellphones

II. Gawan ng pag-uulit ang mga sumusunod:

1. sino______________ 6. salo ______________

2. ano______________ 7. halo______________

3. bago______________ 8. taon______________

4. milyon____________ 9. berde ____________

5. kape______________ 10. tsokolate_________

Pangalan: Petsa:

Page 78: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino66

III. Baybayin nang wasto ayon sa 2009 gabay sa ortograpiya ang mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap.

1. scholarship ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. bulletin ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. playground ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. hot dog ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

5. abstract ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 79: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 67

IV. Baybayin ang mga salitang hiram.

1. liquido ______________________

2. basement ______________________

3. conferencia _____________________

4. pizza pie _______________________

5. knowledge _____________________

6. apartment _____________________

7. ways __________________________

8. tsunami _______________________

9. tablet (gadget) __________________

10. hospital _______________________

11. office _________________________

12. hadji _________________________

13. ability ________________________

14. loyal _________________________

15. grammar ______________________

16. chocolate _____________________

17. computer _____________________

18. cheque _______________________

19. candle ________________________

20. rainbow _______________________

Page 80: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino68

Page 81: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 69

KABANATA 2

KOMUNIKASYON AT DISKURSO

LAYUNIN:

Tatalakayin sa bahaging ito ang mga mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa komunikasyon upang higit na mapaunlad at mapalakas ang kasanayang pangkomunikasyon-akademiko ng mga mag-aaral.

Matapos itong mabasa at mapag-aralan inaasahan na magagamit ng mga mag-aaral ang mabisang pakikipagtalastasan sa lahat ng larangan at sa lahat ng pagkakataon.

2. Komunikasyon at Diskurso

2.1. Mga batayang kaalaman sa diskurso at pagdidiskurso

Bago matutuhan ang inang-wika na gamit sa kinagisnang lipunan, karaniwan ay natututo tayo mula sa pakikinig, sumusunod ng pagkatoto sa pagsasalita, sa pagbasa, at panghuli sa pagsulat. Ito ay tinatawag na kasanayang pangwika.

Ang apat na kasanayang pangwika ay magkakaugnay sa isa’t isa sa dalawang pamamaraan.

1. Ang direksyon ng komunikasyon (“in-out” na pamamaraan)2. Ang metodo sa komunikasyon (pasalita o pasulat na pamamaraan).

• Ang“input”aytinatawagnaresepsyonopagtanggap;samantala• Ang“output”aytinatawagnaproduksyon.

LARAWAN(in-out)

Page 82: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino70

Ang kasanayang pangwika ay tinatawag na makrong kasanayang pangwika. Ito ay naiiba sa maykrong kasanayang pangwika. Ang makrong kasanayan ay nauukol sa kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Samantala, ang maykrong kasanayan ay nauukol sa kasanayan sa gramatika, bokabularyo, pagsasatunog o pagbibigkas, at pagbabaybay.

Makrong kasanayan Maykrong kasanayan

•Pakikinig•Pagsasalita•Pagbasa•Pagsulat

•Gramatika•Bokabularyo•Pagsasatunogopagbibigkas•Pagbabaybay

2.1.1. Kahulugan ng diskurso: istruktural at fangksyunal

Ano ang diskurso?

Ayon kay Arrogante (2007), ang diskurso ay ang pagsisiwalat ng tao ng kanyang mga kaalaman, paniniwala, nasasaloob at mithiin sa kanyang kinakaharap sa pamamagitan ng paggamit ng wika at iba pang representasyon nito.

Mababasa naman sa Merriam Dictionary Online, ang diskurso ay ang paggamit ng mga salita upang makipagpalitan ng ideya o kaisipan sa pamamaraang pasalita o pasulat.

Ang diskurso ay isang anyo ng pagsasalita o pagsulat na nagpapahayag ng isang organisado at kumpletong ideya o kaisipan (Wise Geek 2014).

Samakatuwid, ang diskurso ay ang pagpapahayag ng mga nalalaman at mga saloobin sa kontekstong interpersonal at pampubliko sa paraang pasalita at pasulat gamit ang wika.

Ang konteksto ng diskurso ay maaaring interpersonal, panggrupo, pang-organisasyon, pangmasa, interkultural at pangkasarian (http://tl.answers.com/Q/)

• KontekstongInterpersonal-Itoayangusapanngmagkaibigan• KontekstongPanggrupo-angpulongngpamunuanngisang samahang pangmag-aaral

Page 83: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 71

• KontekstongPang-organisasyon-pagbibigayngmemorandum ng pangulo ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote)• KontekstongPangmasa-pagtatalumpatingisangpulitikosaharap ng mga botante• KontekstongInterkultural-pagpupulongngmgapinunong mga bansang ASEAN• KontekstongPangkasarian-usapanngmag-asawa.

2.1.2. uri ng diskurso: verbal at di-verbal

Page 84: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino72

2.1.3. tipo at antas ng diskurso

Karaniwan ang apat na uri ng diskurso ay argumento, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad

Ang argumento ay isang uri ng diskurso kung saan sumusubok ang mga manunulat o tagapagsalita para kumbinsihin at o papaniwalain ang madla na ang kanyang opinyon ay tama sa pamamagitan ng paggamit ng lohika. Ang argumento ay may kasamang mga sanaysay, mga aralin, pangangaral at mga talumpating pampulitika.

Ang manunulat o tagapagsalita ay nagsisimula sa isang malinaw at tahasang pahayag ng mga paniniwala o opinyon na napapaloob sa isang tesis; sa bandang huli dapat siyang magkakaroon ng katibayan upang suportahan ang tesis. Kung tatanggapin ng mambabasa o tagapakinig ang mga katibayan, ibig sabihin ay sumasang-ayon sila sa tesis na pinapahayag ng manunulat o tagapagsalita.

Sa isang sanaysay ang tagapakinig o mga mambabasa ay kinukwentuhan ng manunulat o tagapagsalita. Ang disenyo ng kuwento ay upang pakapaghahatid sa madla ng kakaibang pakiramdam tungkol sa isang tiyak na paksa. Ang sanaysay ay maaraing ipahayag sa pamamagitan ng isang dula, nobela, kwentong bayan, mitolohiya o pansarili na salaysay.

Sa paglalarawan, ang mga bagay bagay ay inilalarawan batay sa pandama.

Ang disenyo sa diskursong naglalarawan, ay nilikaha upang matulungan ang madla na magsagunita ng larawan ng mga tao o tauhan, o kaya’y mga pook; pwede ring mailalagay ang madla sa isang partikular na kalagayan. Maaaring lumikha ang tagapakinig o mga mambabasa ng isang kondisyon o maglikha ng tiyak na uri ng kapaligiran.

Ang manunulat o tagapagsalita ay gumagamit ng mga pangngalan at mga

pang-uri upang bigyan ang mambabasa ng ideya tungkol sa mga bagay bagay. Ang paglalarawan ay maaring matatagpuan sa nobela o sanaysay.

Ang huwaran ng paglalahad ay binubuo upang ipaalam sa madla ang tungkol sa isang paksa. May ilang iba’t ibang uri ang pagsasaysay, kabilang na dito ang pakahulugan, pag-aaral, pagkakatulad-at-pagkaka-iba, ang problema-at-solusyon at maging ang sanhi-at-bunga. May sariling lakas at kahinaan na kaugnay ang bawat uri ng pagsasaysay at iba’t ibang layunin.

Page 85: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 73

2.1.4 .Mga teorya ng diskurso

Aktong Linggwistik

(Speech Act Theory) ni John Langshaw Austin

Ang teoryang ito ay nagpapaliwanag kung paano gamitin ng tagapagsalita ang wika upang makamit ang sadyang intensyon; at kung paano maghinuha ang tagapakinig sa sadya o intensyon ng tagapagsalita.

Ayon kay Neill (2012) sa pagpapahayag may tatlong (3) hiwalay na proseso na nagaganap; tinatawag ito ng mga mamamahayag na lokusyon, ilokusyon, at perlokusyon

• …anoangatingsinasabi?(lokusyon)• …anoangkahuluganngatingsinasabi?(ilokusyon)• …anoangnagingresultasaatingpahayag?(perlokusyon)

Mula kay JL Austin (1962), John Searle (1969) hanggang kay Andrew Cohen (1996) ay pinag-aralan ang aktong linggwistik; bumuo at kinilala ang limang kategorya ng “speech act theory” batay sa tungkulin na nakatalaga sa bawat isa (Joanna Jaworowska, 2004).

kategorya Mga tungkulin

representante pagbadya , paghabol, pag-ulat-

direktiba Suhestyon, kahilingan, utos/atas

pagpapahayag Paghingi ng tawad, karaingan/reklamo, pagpasalamat

pagpapasya Mangako, pagbabanta, paghandog

deklaratibo Mag-atas/kapasyahan, pagpapahayag/deklarasyon

Etnograpiya ng Komunikasyon

Thomas R. Lindlof at Bryan C. Taylor (2002) ay nagpaliwanag na sa Etnograpya ng komunikasyon ang komunikasyon ay isang tuloy-tuloy na pagdaloy ng impormasyon, sa halip na putol-putol o pangkat-pangkat na palitan ng mga mensahe.

Page 86: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino74

Para kay Deborah Cameron (2001), ang Etnograpiya ng komunikasyon ay ang aplikasyon ng metodo ng etnograpya para sa huwaran ng komunikasyon ng isang pangkat/kultura.

Si Dell Hymes ayon kay Littlejohn at Foss (2005) ay nagmungkahi na ang mga tao sa iba’t ibang kultura ay nakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang paraan; ngunit ang lahat ng mga paraan ng komunikasyon ay nangangailangn ng iisang ibinabahaging simbolong pangwika, mga tagapagsalita na may alam at kaalaman kung papaano gamitin ang mga simbolo, tsanel, tagpuan, anyo ng mensahe, paksa, at sa mga maging resulta o kalalabasan ng pangyayari habang pinapadala ang mensahe.

Binuo ng isang sosyologist -si Dell Hymes- ang S.P.E.A.K.I.N.G. ;isang modelo

upang itaguyod at paunlarin ang pagsusuri ng mga diskurso bilang isang serye ng mga kaganapan sa pagsasalita (series of speech events) at aktong linggwistik (speech act) sa loob ng isang kultural na konteksto. Ang walong (8) kategorya ay naging produktibo at makapangyarihan sa pagsusuri. Maaring gamitin ang modelong ito upang pag-aralan ang iba’t ibang mga uri ng diskurso at mga talumpati. Kadalasan, ginagamit ng mga tagapaghatid at o tagatanggap ng mensahe ang modelo (S.P.E.A.K.I.N.G.) sa pagkukwento.

S - Setting (Saan Nag-uusap) P - Participants (Sino ang Kausap) E - Ends ( Ano ang Layunin sa Pangungusap) A - Act Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) K - Keys (formal o informal ba ang usapan) I - Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) N - Norms (Ano ang paksa ng usapan?) G - Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatuwid? Naglalarawan? Nagpapaliwanag?)

Ang modelong SPEAKING na may walong (8) kategorya ay binubuo ng labing-anim (16) na sangkap o bahagi na maaaring gamitin sa iba’t ibang uri ng diskurso:

• anyongmensahe• nilalamanngmensahe• tagpuan• senaryo• tagapagsalita/tagahatidngmensahe

Page 87: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 75

• pinanggalinganngmensahe• tagapakinig/mambabasa• tagatanggapngmensahe• pakay–kahihinatnan-• layunin–gol-• palatandaan(key)• tsanel• anyongdiskurso/talumpati• pamantayanngpakikipag-ugnayan• pamantayannginterpretasyon• kategorya(genre)

Halimbawa ng talumpati(suriin gamit ang modelong SPEAKING ni Dell Hymes)

Page 88: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino76

Pragmic theory

Variationist theory

Page 89: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 77

Pagsasanay

Pangalan: Petsa:

Page 90: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino78

Page 91: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 79

Page 92: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino80

Page 93: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 81

Page 94: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino82

Page 95: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 83

Page 96: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino84

Page 97: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 85

MAHALAGANG KONSEPTO SA KOMUNIKASYON

Ang kahusayan sa pakikipagtalastasan ay magiging sandata upang marating ang tagumpay at pakikipag-unawaan. Ang isang magandang kaisipan ay nagiging lakas upang dalhin kung saan ang mga mamamayan ng isang bansa. Sa ano mang larangan ng pamumuhay, sa pamayanang kinabibilangan, sa tahanan, sa paaralan, sa simbahan o kahit saan man ay mahalaga ang paggamit ng angkop na proseso ng komunikasyon. Maging ang nagging pinuno ng bawat bansa ay gumamit ng mayamang ideya, ng isang magandang instrument upang ipaalam, maibahagi at maipaunawa sa mga tao. Ito ay ang komunikasyon.

Kahulugan ng Komunikasyon

Maraming kahulugan ang komunikasyon dahil kasintanda na ito sa mga lumang sibilisasyon sa mundo na pinagmulan at pinag-iinugan wikang pabigkas o pasulat. Ngunit kahit marami an gang kahulugan nito, nararapat lamang na talakayin ang ilang kahulugan upang mapailalim at masuri ang kaakibat na mga usapin at kahalagahan nito sa buhay ng mga tao.

Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communi atus na ang ibig sabihin ay “ibinahagi”. Kung iuugnay ang kahulugan nito sa terminong komunikasyon, mangangahulugan ito na ibinabahaging isang tao ang kanyang ideya o mga impormasyong alam niya asa iba.

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng mga impormasyon na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng tiyak na sistema ng mga simbolo. (mula sa aklat nina Mag-atas et al.)

Hinango sa salitang Latin na “communis” ang salitang komunikasyon. Nangangahulugan itong panlahat o para sa lahat (Tumangan Sr. et al., 1997) na binanggit nina De Castro, et al.( 2007).

Talastasan o pakikipagtalastasan ang itinumbas naman natin sa wikang

Filipino sa “communication” sa Ingles. Ang komunikasyon ay isang paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mga informasyon sa pamamagitan ng mga simbolo na maaaring berbal o di-berbal.

Inilarawan naman nina Lachica et al. (2005) na ang pinakalundo ng layunin ng

komunikasyon ay kaalaman at katalinuhan. Sa pamamagitan ng komunikasyon,

Page 98: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino86

nagagawa ng tao ang lumikha, mapanatili, mapaunlad at magamit ang kaalaman at katalinuhan. Napapanatili ng tao ang ugnayan niya sa kapwa at lipunan; at naibabahagi ang kanyang kaalaman sa pamamagitan ng komunikasyon.

Maraming mga propesyunal ang patuloy na nag-aaral at nananaliksik sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya na nakilala sa tawag ng panahon ng informasyon upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa komunikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng internet, cellphone, fax, e-mail, teleconferencing at iba pang kagamitang iniluwal ng teknolohiya kung saan ang mga tao ay nakapagpapalitan ng ideya, nakagagawa ng transaksyon at nagkakaunawaan sa isa’t isa.

Ayon kina Gray at Wise (De Castro et al. 2007), may akda ng Bases of Speech, kung walang angkop na sistema ng komunikasyon ang mga tao, wala sa mga institusyong-pantao gaya ng relihiyon, industriya, pamahalaan at edukasyon ang maitatatag. Sa pang-araw-araw nating pakikisalamuha, palagi tayong nakikinig at nagsasalita, nagbabasa o kaya’y nagsusulat. Kung gayon, kailanagan nating makisangkot sa kapwa at lipunan, kaya mas magandang isipin na tayo ay instrumento ng mabuting ugnayan o komunikasyon. Dapat tayong maging epektibong komyunikeytor, kailangang linangin ng bawat isa ang kanyang kasanayang reseptiv at ekspresiv. Tingnan ang kasunod na ilustrasyon:

Ang wika ay siyang puso ng komunikasyon dahil wika ang behikulo sa komunikasyon. Kaya bilang nilalang na kayang gumamit ng wika ay mayroong malaking responsibilidad sa ikatatatagumpay ng isang usapan o unawaan.

Samakatuwid, ang komunikasyon ay maaaring maging instrumento ng mabuti o masamang layunin. Kapag isinusulong ng komunikasyon ang pagtuklas sa katotohanan, pinagyayaman at ikinagagalak ang mga gawaing nagpapabuti sa kalagayan ng buhay ng tao, ang layunin ng komunikasyon ay mabuti. Sa ibang banda, kapag ang pagkilos ay sumisira sa katotohanan, nililito at nililihis ang

Mga Kasanayang ReseptivHal. Lalim ng Pag-unawa

Mga kasanayang Ekspresiv

Hal. Paggamit ngInstrumento

Pakikinig

Pagbasa Pagsulat

Proseso ngPag-iisip, Pagmamasid,Pagdama sa karanasan

Pagsasalita

Page 99: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 87

mga mamamayan sa mabuting kalagayan ng buhay, winawasak ang magandang samahan ng pamilya at pamahalaan, ang layon ng komunikasyon ay masama.

Hindi sapat kung gayon na alam lang natin gamitin nang epektibo ang komunikasyon upang makapanghikayat at maiparating ang ideyang nais ipaalam sa kapwa. Kailangan din nating maging matapat, makatotohanan, matapang at payak sa paggamit ng wika upang ang komunikasyon ay magdulot ng mabubuting bunga sa aspetong ispiritwal, sosyal, intelektuwal at emosyunal na pamumuhay ng bawat isa.

Uri: Berbal at Di-berbal na Komunikasyon

Sa bahaging ito, pahapyaw lamang na matatalakay ang komunikasyong berbal; dahil higit itong mabibigyang-pansin sa pagtalakay at pag-aaral ng mga makrong kasanayang pangwika sa mga susunod na kabanata ng aklat na ito.

Alinmang uri ng komunikasyon ang gagamitin o kasasangkutan ng isang tao, maaaring isagawa sa dalawang uri ng komunikasyon: berbal at di-berbal.

Berbal na Komunikasyon

Ang komunikasyong berbal sa kabuuan ay isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga salitang simbolo na kumakatawan sa mga ideya at bagay-bagay. Ang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood ay sangkot sa prosesong ito.

Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kasisipan, damdamin o saloobin, paraang pasalita o pasulat man. Wika ang pinakamabisang gamit sa komunikasyon dahil bawat bagay o damdamin ay may katumbas o katapat na salita upang maipahayag nang maayos at maintindihan ang anumang gustong sabihin.

Honesto bilang daluyan ng

kagandahang-asal

Page 100: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino88

Di-Berbal na Komunikasyon

Ayon kay Rodrigo (2007), ito ang komunikasyon na hindi naipahahayag sa pamamagitan ng wika o salita ngunit naipahahayag ang damdamin o nais sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa, gaya ng mga sumusunod:

1. Kinesics o galaw ng katawan – kasama rito ang mga pisikal na aksyon tulad ng pagbabago ng anyo ng mukha, pagkumpas at paggalaw ng iba pang bahagi ng katawan.

Halimbawa: pagtango, pagtaas ng kilay, pag-iling, pagsimangot, pagkaway ng kamay, pagtalikod, atbp.

2. Oculesics – Ito ay aksyon ng mata ng pagtitig, panlilisik at pagkindat na nagdadala ng kahulugan sa sinumang kausap/katapat.

3. Haptics – Ginagamit ang paghaplos, paghawak, pagkurot o pagsalat sa paghahatid ng mensahe depende sa intensyon o damdamin ng gumagawa.

FILE ERROR

FILE ERROR FILE ERROR

Page 101: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 89

4. Proxemics – Ginagamit bilang batayan ng komunikasyon ang espasyo. May kahulugan ang distansya (lapit o layo) ng tao o mga bagay sa isa’t isa.

5. Chronemics – May mensahe ring hatid ang paggamit ng oras at petsa, ang tagal ng pagsasagawa ng isang Gawain at pagtupad sa itinakdang oras ng pagtatagpo/pagkikita.

6. Vocalics – Ginagamit ang tinig/boses sa paghahatid ng mensahe. Ang tono, taas-baba, punto at lakas ng tinig ay nagbibigay ng mga senyales – na maaaring matanggap o mainis ang kausap. Maaaring sabihing galit o wala sa kondisyon ang nagsasalita kapag pasinghal, palahaw, mataas na tinig.

7. Iconics – Ito ay kinabibilangan ng mga bagay, simbolo, at larawan na may kahulugan sa sinumang tumitingin at umuunawa.

FILE ERROR

FILE ERROR

FILE ERROR FILE ERROR

FILE ERROR

FILE ERROR

FILE ERROR

Page 102: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino90

8. Pisikal o personal na anyo – May ipinababatid na mensahe ang pagpili at paraan ng pananamit at ayos ng tao.

9. Paralanguage – Ang taas o baba, lakas o hina, bagal o bilis ng tinig ay nakatutulong sa pagpapakahulugan ng pahayag.

Tipo at Antas ng Komunikasyon

Ang komunikasyon ay nagsisimula kung saan nagsisimula ang buhay. Ito ay ang buhay mismo.Nagsisimula sa sipa ng nasa sinapupunan ng kanyang ina. Nararamdaman ito ng ina kaya’y kakausapin niya ito. Masayang ibabalita sa buong pamilya. Ang ganitong proseso ng komunikasyon sa bahay, paaralan, opisina, komunidad ay bahagi lamang ng mga antas ng komunikasyon.

Ang komunikasyon ay malawak. Sinasaklaw nito ang iba’t ibang uri o tipo ng prosesong pangkomunikasyon. Mayroon itong tatlong uri:

1. Komunikasyong Intrapersonal o pansarili. Ang tao ay may personal na paraan ng pakikipag-ugnayan sa sarili.. Sangkot dito ang pag-iisip, pag-alala at pagdama, mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan. Kapag tayo’y nagninilay-nilay sa ating sariling kamalian, tayo ay nakikipagtalastasang intrapersonal. Ang uri ng komunikasyong ito ang siyang pinakabatayan ng iba pang uri ng komunikasyon.

Page 103: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 91

2. Komunikasyong Interpersonal o dayadiko. Pakikipagtalastasang nagaganap sa pagitan ng dalawang tao. May isang tagapaghatid at isang tagatanggap ng mensahe. Malaking bahagdan ng komunikasyong nagaganap sa ating lipunan ang nasa uring ito. Ang uri ng komunikasyong ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

2. Pampublikong Komunikasyon. .......

Antas ng Komunikasyon

Samantala, narito naman ang iba’t ibang antas ng komunikasyon. Mauuri ang komunikasyong pantao ayon sa kaantasan nito. (De Vera et al., 2010)

1. Komunikasyon sa Pangkat/Pang-organisasyon. Nagkakaroon ng pakikipagtalastasan sa pagitan ng tatlo o higit pang bilang ng mga taong may interaksyon sa isa’t isa. Halimbawa nito ang pagpupulong at mga gawaing pangkatan tulad ng brain storming at round table discussion. Mga organisasyon ng mga mag-aaral tungkol sa anumang proyekto na kanilang isasagawa. Ito ang komunikasyon na nangyari sa loob ng mga organisasyon o samahan gaya ng pulong sa PASADO, pagpupulong o anumang kalatas na ipalalabas para sa mga kasapi.

FILE ERROR

Page 104: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino92

2. Komunikasyong Pangmasa/Pangmadla. Tumutukoy ito sa komunikasyong marami ang kasangkot. Sa uring ito, gumagamit ng mass media sa paghahatid ng mensahe sa mas malawak awdyens sa lalongh medaling pamamaraan at panahon. Ang mga midyang pangmasa tulad ng telebisyon, radyo, kompyuter, pahayagan, magasin, limbagan, recording, pelikula, adbertaysing, public relations at iba pang teknolohiya/midyum ay nasa ilalim ng uring ito. Halimbawa ang mga balita, komentaryo sa radyo, telebisyon o pulong o miting sa baranggay, pangangampanya ng mga politiko sa panahon ng eleksyon.

3. Komunikasyong Pangkultura/Interkultural. Ito ang komunikasyon para sa pagtatanghal o pagpapakita ng kultura ng isang bansa, gaya ng mga pelikula, dula, eksibit o kaya isang parade na naglalarawan ng kaugalian at paniniwala. Ruesch at Bateson (Rodrigo, 2007)

4. Komunikasyong Pangkaunlaran. Ito ang komunikasyon tungkol sa industriya, ikonomiya o anumang pangkabuhayan, pangkaunlaran sa lahat ng larangan sa buhay gaya ng Economic Asia Conference.

Page 105: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 93

Mga Elemento ng Komunikasyon

Ang pakikipagtalastasan ay binubuo ng mga sumusunod na elemento na maaaring makaapekto sa pagtatagumpay o hindi ng pagpapahayag: (De Vera, et al., 2010)

1. Ang mga taong kasangkot/mga komyunikeytor na gaganap bilang tagapaghatid/encoder at tagatanggap/decoder ng mensahe ay napakahalagang elemento ng komunikasyon.

2. Binubuo rin ito ng konteksto o mga kondisyong pinag-uugnay ng mga kasangkot na maaaring pisikal, sosyal, sikolohikal, Kultural at historikal.

3. Elemento ring maituturing ang mensahe (berbal o de-berbal) inihahatid (ini-encode) at tinatanggap (dine-decode).

4. Ang tsanel o daluyan na maaaring biswal o pandinig ay posibleng makaapekto sa komunikasyon.

5. Ang hadlang na maaaring panlabas (mga hadlang na nakikita, nadarama at naririnig), panloob (sikolohikal at bayolohikal na hadlang tulad ng pagkabingi, pagkakasakit o pag-aalala) at semantika (suliranin sa interpretasyon at pagpapakahulugan).

6. Mahalaga rin ang tugon o feedback na tanda ng pagkaunawa.

Ito’y nangangahulugan na habang nagsasalita ang isa, ang iba ay inaasahang magpakita ng mga tugong mental o pisikal sa mensahe na tinatawag na fidbak. (Alcaraz, et al. 2005)

Page 106: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino94

Page 107: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 95

Pagsasanay

I. Turan ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag: Isulat ang iyong sagot sa patlang na inilaan bago ang bawat bilang.

1. Salitang Latin na nangangahulugang panlahat o para sa lahat.

2. Isang proseso ng pagpapalitan ng mga impormasyon sa pamamagitan ng tiyak na sistema ng mga simbolo.

3. Ito ang puso ng komunikasyon.

4. Inilalarawan nila na ang pinakalundo ng layunin ng komunikasyon ay kaalaman at katalinuhan.

5.

6. Ayon nila, kung walang angkop na sistema ng komunikasyon ang mga tao, walang mga institusyong-pantao ang maitatatag.

7. Isang anyo ng paghahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga simbolo ng mga ideya at bagay-bagay.

8. Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayg ng kaisipan,

damdamin o saloobin sa paraang pasalita o pasulat man.

9. Ito ay komunikasyon na hindi naipahahayag sa pamamagitan ng wika o salita ngunit sa pamamagitan ng senyas at iba pa.

10. Tumutukoy sa taa o baba, lakas o hina, bagal o bilis ng tinig na nakatutulong sa pagpapakahulugan ng pahayag.

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 108: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino96

II. Isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang ang titik ng kaugnay na konsepto sa Kolum B ng mga katawagan sa Kolum A.

A B

_____1. Chronemics a. ugnayan ng isa sa maraming tao_____2. Proxemics b. nagaganap sa pagitan ng dalawang tao_____3. Kinesics c. pakikipag-ugnayan sa sarili_____4. Haptics d. aksyon ng mata_____5. Iconics e. tinig/boses _____6. Vocalic f. mga bagay, simbolo at larawan_____7. Oculesics g. paghaplos, paghawak at pagkurot_____8. Intrapersonal h. pisikal na aksyon_____9. Interpersonal i. distansya/espasyo____10. Pampubliko j. oras at petsa

Page 109: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 97

Proseso ng Komunikasyon

Sina Richard Swanson at Charles Marquandt ay nagbigay ng limang sangkap ng komunikasyon na ginagamit sa proseso ng komunikasyon. (Alcaraz, et al., 2005)

1. Pinanggalingan ng Mensahe – Ang participant ba ang nagsulat o nagsalita.

2. Ideya o Mensahe - Binuong kaisipan.3. Kodigo – Wika, kumpas, ekspresyon ng mukha.4. Tsanel – Paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng telepono,

cellphone, liham, karaniwang usapan at iba pa.5. Tumatanggap ng Mensahe – Ang participant ba ang nagbasa

at nakikinig.

Proseso ng Komunikasyon Ayon Kay SWANSON

Paradaym o Mga Modelo ng Komunikasyon

Sa paglalahad ng modelo ng komunikasyon, tatalakayin ang mga kasanayang kaugnay nito tulad ng mga sumusunod:

1. Paggamit ng mga Simbolo. Tumutukoy sa paggamit ng mga salita at mga simbolong di-berbal sa pagbubuo ng mga mensahe. Maaaring ang simbolong ginagamit sa isang lugar ay kaiba sa kahulugang ibinibigay sa ibang lugar.

Mensahe o Ideya

Tsanel Kodigo Mensahe/Ideya

Nagpadala ng mensahe

Sumulat I Nagsalita

Tumatanggap ng mensahe

Nagbasa I Nakinig

Kodigo

Fidbak

Tsanel

Page 110: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino98

2. Ang Pagpoproseso ng Mensahe. Tumutukoy sa kakayahan ng komyunikeytor na bigyang-kahulugan ang mga simbolong kanyang tinanggap at isipin kung paano nakaaapekto sa iba ang ginamit niyang mga simbolo.

3. Ang Pag-aangkop. Nangangahulugan naman sa kakayahan ng kompyuter na ibagay ang kanyang mga gawain sa sitwasyon sa kanyang relasyon sa kausap at sa mga taong kalahok sa komunikasyon.

4. Ang Pagkokontrol. Tumutukoy sa pagkontrol ng magiging takbo ng usapan. Laging isaalang-alang ang positibong bunga ng pakikipagkomunikasyon. Naiimpluwensyahan ng pagkontrol ang interaksyon ng mga nag-uusap, haba at paksa ng usapan at ang magiging aktwal na ibubunga nito.

5. Ang Pagpapahayag. Sumasaklaw naman sa pagpapahayag ng sariling damdamin, pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba, at paghikayat sa iba na ipahayag ang kanilang damdamin.

Isa sa pinakamadaling paraan ng paglalarawan sa proseso at mga sangkap ng isang bagay ay sa pamamagitan ng mga modelo o representasyong biswal sapagkat nagagawa nitong simple ang isang komplikadong bagay tulad ng komunikasyon.

Ang interaktibong modelo nina Adler at Rodman ay tumutukoy sa resiprokal na ugnayan ng mga kasangkot. Ang tagapaghatid ay nagiging tagatanggap, bise bersa kapag nagbigay at nagpalitan ng feedback. (De Vera, 2010)

Sa susunod na modelo na inilahad nina Shannon at Weaver, ang proseso ay buhat sa pinagmulang midyum na gaganap na tagapaghatid patungo sa patunguhan na may gampaning tagatanggap. Sa bahagi ng daluyan nagmumula ang hadlang na ingay.

tagapaghatid

tagatanggap mensahe tagapaghatid

mensahe tagatanggap

Page 111: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 99

Mga Gampaning Pangwika Bilang Koda ng Komunikasyon

Wika ang ginagamit sa komunikasyon upang magkaunawaan ang bawat isa at kapag may unawaan, nagiging daan sa pag-unlad ng isang indibidwal o ng buong bansa. Maraming mga linggwista ang nagpahayag ng gampaning pangwika sa iba’t ibang sitwasyon. Matatandaang wika rin ang naging mahalagang instrumento ng Dakilang Lumikha nang likhain NIya ang sanlibutan at ang sangkatauhan. Wika pa rin ang gamit ng mga sugo ng Diyos sa paghahatid ng kanyang Banal na Salita sa kasalukuyan.

May taglay na kapangyarihan ang wika. Nasa tamang paggamit at pagpili ng

salita ang landas upang ang ninanais na pagkilos o pagbabago ay maisakatuparan. Bilang koda ng komunikasyon, taglay ng wika ang kapangyarihan na lingunin ang kasaysayan, itaguyod ang kasalukuyan, tanawin at planuhin ang kinabukasan.

Narito ang kahalagahan ng wika bilang koda ng komunikasyon. Sa bahaging ito, tinukoy at ipinaliwanag ang apat na pangunahing halaga ng wika sa tao.

1. Instrumento ng Komunikasyon. Ang wika, pasalita man o pasulat, ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.Sa micro lebel, ang dalawang tao ay magkaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika. Napapanatili ang magandang relasyon ng magkasintahan halimbawa dahil may wikang nagiging instrument nila ng komunikasyon. Samantala, may mga nagkakagalit bunga ng miskomunikasyon o di-epektibong paggamit ng wika. Gayon din sa macro- lebel. Ang mga bansa, nakahahanap pa rin sila ng komong wikang kanilang kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan. Kung walang wika o kung hindi epektibo ang paggamit ng mga bansa sa wika, ano ang mangyayari sa ating daigdig?

pinagmulan tagapaghatid daluyan tagatanggap

Hadlang naingay

Page 112: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino100

2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman. Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang salinlahi at nakikinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napakikinabangan sa ating panahon dahil may wikang nag-ingat hanggang sa kasalukuyan. Dahil may wika, hindi kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas ng mga iyon.

3. Nagbubuklod ng Bansa. Ano mang wika, ay maaaring maging wika ng pang-aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya. Nang makihamok ang mga Indones sa kanilang mga mananakop na Olandes, naging battle cry nila ang Satu Bangsa! Satu Banasa! Satu Tuna-ir! (Isang Bansa! Isang Wika! Isang Inang Bayan!) Ginamit nila ang kanilang wika upang sila’y magbuklod sa kanilang pakikipaglaban at magkaroon ng kalayaan.

4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip. Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya’y nanonood tayo ng pelikula, parang nagiging totoo ang mga tagpo niyon sa ating harapan. Sapagkat pinagagana niyon ang ating imahinasyon. Ang wikang nakasulat na ating nababasa o wikang sinasalita ng mga tauhan sa pelikula na ating naririnig ang nagdidikta upang gumana at lumikha ng imahinasyon, kung kaya nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip. Dahil sa imahinasyong ito, kayraming nabubuo, nalilikha o naiimbentong pinakikinabangan ng maraming tao.

Page 113: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 101

Pagsasanay

I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA sa patlang sa unahan ng bawat bilang kung ang diwa nito ay tama. Kung mali, isulat ang tamang salita o katawagang dapat humalili sa salitang may salungguhit upang ang diwa ay magi ng tama.

1. Ang komunikasyong pang-organisasyon ay tumutukoy sa komunikasyong marami ang sangkot.

2. Ang paggamit ng mass media tulad ng telebisyon, radyo, pahayagan at pelikula ay nasa uring pampubliko.

3. Ang nagpapadala ng mensahe ang siyang nagde-decode ng mensahe.

4. Ang komunikasyon ay isang proseso.

5. Kahulugan ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon.

6. Ang tugon o feedback ay mahalaga na tanda ng pagkaunawa. Maaaring tuwiran, di-tuwiran o naantala.

7. Ang tagatanggap ng mensahe ang siyang nag-e-encode ng mensahe.

8. Ang ingay sa paligid at mga distraksyong biswal ay mga halimbawa hadlang pansemantika.

9. Ang mga sangkap ng komunikasyon na ginagamit sa proseso ng komunikasyon ay iminungkahi nina Adler at Rodman

10. Ang komunikasyong pangkultura/interkultural ay tungkol sa industriya, ekonomiya o anumang pangkabuhayan, pangkaunlaran sa lahat ng larangan sa buhay.

11. Ang komunikasyong pangmasa/pangmadla ay pakikipagtalastasan sa pagitan ng tatlo o higit pang bilang ng mga taong may interaksyon sa isa’t isa.

12. Posibleng makaaapekto sa komunikasyon ang tsanel o daluyan na maaaring biswal o pandinig.

13. Ang interaktibong proseso nina Shanon at Weaver ay tumutukoy resiprokal na ugnayan ng mga kasangkot.

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 114: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino102

14. Ang paggamit ng mga simbolo ay tumutukoy sa paggamit ng mga salita at mga di-berbal cues sa pagbubuo ng mga mensahe.

15. Ang suliranin sa interpretasyon at pagpapakahulugan ay tumutukoy sa sikolohikal at bayolohikal sa hadlang sa komunikasyon.

II. A. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita/parirala ayon sa pagkakaunawa:

1. Gampaning pangwika ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Proseso ng komunikasyon ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

B. Paghambingin ang komunikasyon berbal at di-berbal, na gagamitin ng iba’t ibang sitwasyon. Ihanay ito sa kasunod na tsart.

Berbal Di-Berbal

Page 115: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 103

C. Sagutin nang patalata ang tanong na, “ Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa buhay ng bawat isa?” Dalawang talata lamang na hindi kukulangin sa 10 pangungusap.

D. Ilarawan ang mga sumusunod na ekspresyon ng mukha. Isulat ang iyong sagot ayon sa pagkakahanay ng mga larawan pahalang sunod-sunod.

Page 116: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino104

Page 117: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 105

KABANATA 3

Mga Makrong kasanayang Pangwika

Page 118: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino106

3.1. Ugnayan ng mga kasanayang pangwika

Page 119: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 107

3.2. Pakikinig

3.2.1. kahulugan, kalikasan at proseso

Page 120: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino108

3.2.2. Salik na nakakaimpluwensya sa pakikinig

Page 121: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 109

3.2.3. katangian ng kritikal na pakikinig

Page 122: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino110

Page 123: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 111

Pagsasanay

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 124: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino112

Page 125: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 113

Page 126: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino114

Page 127: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 115

MAKRONG KASANAYAN SA PAGSASALITA

Kahulugan at Silbi ng Pagsasalita

Ang pakikinig ang unang nalinang sa isang tao at ang una namang natutuhan ng tao ay ang pagsasalita. Gumugugol ang tao ng mas malaking panahon at oras sa pagsasalita kaysa sa pagbasa at pagsulat.

Ang pagsasalita ay isang makro ng komunikasyon na may 30% bahagdan na

ginagamit ng isang indibidwal sa araw-araw na takbo ng kanyang buhay. Samakatuwid, ang pagsasalita ang daan upang buong layang maipahayag ng

tao ang kanyang karapatan, niloloob at damdamin.

Kahulugan

• Angpagsasalitaaykakayahanatkasanayanngisangtaonamaipahayagang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

• Itoaykakayahanatkasanayanngisangtaonamaihayagangkanyangideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.

• Pag-uusapngdalawaohigitpangbilangngmgatao:angnagsasalitaat ang kinakausap

Kahalagahan/Silbi

Nagsisimula ang kakayahan pagsasalita sa pagluwal ng sanggol sa sinapupunan ng ina. Ang tunog ng pag-iyak ang unang wika ng sanggol. Umuunlad ang kakayahang ito sa pakikinig at paggaya sa mga salita ng kausap ng musmos na bata. Hanggang sa masanay ang sanggol na makapag-usal na ng kanyang mga unang salita tulad ng “papa, mama, nanay, tatay, mommy, daddy” . Sa paglaki ng batang ito, ginagaya na niya ang mga naririnig na na mga tunog sa paligid at sa mga taong nagsasalita hanggang mas lalong mahasa pagdating sa eskwela. Itinuturo sa paaralan ang iba’t ibang kasanayang pangwika tulad ng pagsasalita.

Page 128: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino116

Tunghayan ang mga sumusunod na kahalagahan ng pagsasalita:

1. Nagiging mabilis at makatotohanan ang pagsulong ng kabihasnan sapagkat sa pamamagitan ng kakayahan ng taong makipag-unawaan sa kanyang kapwa ay nagagamit sa pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon ng pagkakataon na makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay ng mga karanasan ang isang tao.

3. Magbahagi at magpamana ng karunungan sa mga sumusunod na salinlahi.

4. Ang karunungang natatamo sa pamamagitan ng pakikipag-usap ay higit na mabilis at marami.

5. Sa pagtatagumpay ng tao sa kanyang mga hangarin sa buhay ay nakasalalay sa kanyang kakayahang magsalita sa paraang mabisa, may pang-akit at kapani-paniwala.

6. Madaling makakuha ng kaibigan at kapalagayang-loob ang isang mahusay magsalita.

7. Higit may oportunidad at nakalalamang ang isang taong mahusay magsalita.

8. Higit na nakadarama ng katuparan at kaganapan ng kanyang pagkatao o pakikipagkapwa sapagkat naihahayag niya nang lubos ang kanyang damdamin, naisasalaysay ang kanyang mga karanansan at maisasalin ang kanyang kaalaman sa pinakamadali at pinakatiyak na paraan.

9. Magagamit din ang kasanayan sa pagsasalita sa iba’t ibang pagkakataon, kasama na ang mga gawaing pang-akademiko. Kailangang sumagot sa loob ng klasrum, mag-ulat sa iba’t iabng asignatura, magtalumpati kung kinakailangan, mag-interbyu ng mga tao, magkwento, magpaliwanag, mangatwiran at iba pa.

10. Naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at estratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.

Mga Bahagi ng Bibig – Ang mga Aparatong Taglay ng Tao sa Pagsasalita

Matigas na ngalangala Vocal Kords Malambot na ngalangala Paringhe Uvula Laringhe Dila Trakea Labi Ngipin Baga Dayapram

Page 129: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 117

May isang maliit na tubo na kinapapalooban ng trakeya pababa sa baga hanggang sa laringhe na naglalaman ng kaha ng boses na bumubukas para sa mas malaking tubo, ang paringhe na nagdadala ng tunog pataas patungo sa bibig. Gawain din ng paringhe ang pagdadala ng pagkain at tubig mula sa bibig pababa sa bituka ng tao. Isang simpleng pagkontrol ng hangin na nanggagaling sa baga ang lumalabas sa daanan ng boses (vocal tract) at nagpapakilos sa vocal kord na tinutulungan ng mga masel upang mailabas ang tunog ng mga salita sa bibig o kaya’y sa ilong.

Mga Salik sa Epektibong Pagsasalita

Upang makapagsalita ang isang tao, kailangan ang tatlong salik nito.

1. Ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya. Ito ang gumagawa ng pwersa o presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa baga.

2. Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog, kung saan naroon ang mga vocal-kord, (isang pare ng manipis na masel na pinagagalaw ng daan ng hangin). Ito ay nasa laringks o Adam’s apple.

3. Ang resonador o patunugan ang sumasala at nagmomodipika ng mga tunog patungong bibig. Ang mga filter naman ay ang mga organg nasa itaas ng laringks, () ang faringks – bahagi ng lalamunan sa pagitan ng laringks at ang oral-kaviti, (b) ang oral-kaviti at (c) ang neysal-kaviti na daanan ng hangin sa loob ng ilong. Ang itinuturing na mga resonador ay ang bibig at ang guwang ng ilong.

malambot na ngalangala/ Soft palate

matigas na ngalangala/Hard palate

Uvula / titilaukan

Mga Ngipin / Teeth

Lip / Labi

Tonsil

Dila / Tongue

Gilagid / Gums

Page 130: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino118

Ang interaksyong nagaganap sa tatlong salik na ito ay lumilikha ng alon ng mga tunog na ating naririnig. Alam natin na ang hangin ang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na siya naman nating naririnig.

Ang mga tunog o salita ay nalilikha sa pamamagitan ng mga sangkap ng tao na ang pinakasadyang gamit ay para sa pagkain, pag-inom at paghinga. Wala ni isa sa mga sangkap na ito ang sadyang para sa pagsasalita. Sa katotohanan, ang pagsasalita ay pangalawang resulta lamang ng paghinga.

Katangian ng Isang Mahusay na Ispiker o Tagapagsalita

1. May personalidad (dating) maayos na pananamit, matikas na tindig, at kagalang-galang. Ito ang nagbibigay ng unang impresyon sa tagapakinig.

2. May ugnayan sa tagapakinig, tumingin sa mga tagapakinig, magsalita na magalang at mahinahon.

3. Kontrolado ang boses, may tamang himig at wastong kumpas.4. Pagsasalita ay parang nakikipag-usap sa tagapakinig, konbersasyonal

na pagsasalita o kaya angkop sa paksa.5. May ganap at malawak na kaalaman sa paksa upang maipadama ang

wastong damdamin.6. Malinaw na binibigkas ang mga salita.7. May kasanayan sa wika na ginagamit gaya ng retorika at gramatika,

intonasyon at bigkas.8. May matatag na damdamin at malawak na kaisipan lalo na sa

paksang tinatalakay.9. Tinatanggap ang ideya ng mga iba bagamat saliwa sa

kanyang paniniwala.10. May panahon na nagpapatawa kung kinakailangan (sense of humor).11. Isinaalang-alang niya ang pagkakaiba-iba ng kanyang tagapakinig.12. Hindi siya mayabang at may respeto siya sa tagapakinig.13. Walang kilos na nakatatawag-pansin (mannerism).14. Maingat siya sa pagsasalita gaya ng pagbatikos, pagparatang at pag-

insulto sa iba.

Mga Kasanayan sa Pagsasalita

Iba’t ibang kasanayan ang nililinang upang magkaroon ng epektibong bunga ang pagsasalita. Sa bahaging ito, tatalakayin lamang natin ang limang kasanayan

Page 131: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 119

sa pagsasalita na maaaring isaalang-alang sa pormal o di-pormal na sitwasyon tulad ng pakikipag-usap, pakikipanayam, pangkatang talakayan, pagtatalumpati, at pakikipagdebate.

Pakikipag-usap

Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga salita. Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao upang maging matalas ang pakiramdam. Maaari ring maunawaan niya ang pananaw sa buhay ng ibang tao. Natututo tayo ng mga mahahalagang bagay tungkol sa ating kapwa at sila rin ay natututo tungkol sa atin. Ang kaalaman sa wastong pakikipag-usap ay makatutulong upang magkaroon ng kakayahang umunawa at humula sa kahulugan ng kilos ng kausap.

Sa pakikipag-usap kinakailangang isaalang-alang ang:

1. kailangang kakitaan ng paggalang sa isa’t isa 2. may matapat na layunin sa pakikipag-usap 3. sa pakikipag-usap, kinakailangan ng palitan ng ideya, huwag solohin

ng isa sa alinman sa nag-uusap ang pagsasalita 4. ang pokus ng usapan ay may kinalaman sa interes at karanasan ng

nag-uusap 5. ang pag-uusap ay likas, bukal at kusang-loob

Pakikipanayam (Interbyu)

Ito ay ang pakikipagtalastasan ng dalawang panig na na nagkasundong magtagpo upang mahingian ng impormasyon ang taong hinihiling na makapanayam at makunan ng mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga katanungan ng taong humihingi ng panayam.

Ito ang pinakamabilis na paraan ng pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa isang pag-aaral o isinagawang pagsusuri.

Mga dapat tandaan sa pakikipag-ayos/pagsasagawa ng pakikipanayam:

• Pakikipagtipansakakapanayamin,pagtatakdangaraw,oras,atlugarna maluwag sa kakapanayamin

• Pagbanggitsakakapanayamintungkolsapangkalahatangpaksa

Page 132: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino120

• Pagtatalangmgakatanungannamaaaringitanongsakakapanayamin• Magingmaayossapananamitatdumatingsatakdangoras• Magingmagalang,makinigngmatamanatmagpakitangkawilihan• Iwasan ang pagtatanong na makaka-ofend sa kinakausap at mga

katanungang sinasagot ng oo o hindi lamang • Magpasalamatsakinakapanayampagkataposnginterbyu

Pangkatang Talakayan

Kahit saan at kahit anong larangan, ginagamit natin ang pangkatang talakayan. Dito masusing tinatalakay ang paksa. Paraan ito na maipahayag ang kani-kanyang kuro-kuro o opinyon upang ang isang suliranin ay malulutas.

Ang pangkatang talakayan ay maaaring gawin sa maliit na pangkat.

Mga dapat tandaan kung kalahok sa pangkatang talakayan:

1. Pakinggan ang bawat sasabihin ng mga kasama sa pagtatalakayan 2. Makibahagi, huwag matakot maglahad ng katotohanan,

huwag manatiling tahimik 3. Huwag lilihis sa paksang pinag-uusapan na maaaring makapagpabagal sa talakayan 4. Magkaroon ng bukas na isipan 5. Iwasan ang maling pangangatwiran at pag-iisip, huwag sasalungat sa katuwiran ng higit na nakararami 6. Iwasan ang pagiging mapagmataas o makipag-alit

sa mga kasama

Mga Kabutihan ng Pangkatang Talakayan

Mahalaga ang pangkatang talakayan. Dito nagtutulong-tulong ang mga kalahok upang matamo ang tiyak na layunin. Higit na mabisa ito dahil ang pagpapasya ay buhat sa iba- ibang tao at hindi lamang sa iisa. Makabuluhang pasya ng lahat ang higit na makatutulong sa paglutas ng suliranin.

Iba’t ibang Uri ng Pangkatang Talakayan

1. “Round Table Discussion” - Impormal na talakayang binubuo lamang ng lima (5) o sampung (10) tao na nagpapalitan ng mga pananaw o kuro-kuro tungkol sa isang nadaramang problema.

Page 133: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 121

2. Lecture-Forum – Katulad ng simposyum iisa lamang ang tagapagsalita.

3. Panel Discussion – Impormal na talakayan ng tatlo hanggang anim na kasapi na naglalayong mapag-usapan at malutas ang isang problema o isyu sa harap ng mga manonood o tagapakinig.

4. Simposyum – Isa itong kalipunan ng mga di kahabaang talumpati na binibigkas ng iba’t ibang tagapagsalita sa lugar ng mga tagapakinig. Sa halip na makahanap ng mga solusyon tungkol sa isang problema, layunin nitong maglahad ng iba-ibang pananaw tungkol sa itinakdang paksa. Kontrolado ng isang tagapamuno ang simposyum. Inilalahad niya ang paksa, ipinakilala niya ang mga tagapagsalita at siya rin ang namamahala sa malayang talakayan pagkatapos magsalita ang lahat.

5. Open Forum /Malayang Talakayan – Tinatawag ng moderator ang ilang tagapakinig na nasa audience na ibig magsalita tungkol sa isyung pinag-uusapan. Kapag tapos ng magsalita ang lahat, maaaring ibuod ng moderator ang mga pananaw na ibinigay o kung kinakailangan, mamumuno siya sa pagbobotohan tungkol sa isyung kailangang mapagkasunduan.

6. Meet the Press – Walang tiyak na paksa o problema sa uring ito. May grupo ng mga tagapagtanong (maraming mga reporter) ang nagtatanong sa isang eksperto o kilalang tao tungkol sa isang paksa sa layuning makakuha ng mga impormasyon kaugnay ng iba’t ibang problemang panlipunan o politikal.

Pakikipagdebate o Pagtatalo

Pagtatalo tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. Bagamat impormal ang kasanayang ito, nalilinang naman ang pagiging matalas na pag-iisip ng isang indibidwal upang makapangatwiran na mabuti.

Tungkol sa pagtuligsa:

a. Ipahayag ang kamalian ng kalaban b. Ilahad ang walang katotohanang sinabi ng kalaban c. Talakayin ang mga kahinaang katibayan ng kalaban d. Ipahatid na wala sa paksa ang mga patunay at katuwiran ng kalaban

Page 134: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino122

Tungkol sa pagtatanong

a. Magtanong tungkol sa talumpating kabibigay ng sinundang tagapagsalita

b. Di dapat magtanong ang dalawang tagapagsalita sa iisang tagapagsalita c. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya

ang nagtatanong.

Ang Pagtatalumpati

Ito ay maituturing na isnag uri ng sining. Dito makikita ang katatasan at husay ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay. Kakaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw-araw at sa iba pang anyo ng panitikan. Ang talumpati ay pinaghahandaan bago bigkasin sa madla. May iba’t ibang uri ng talumpati kaya nagkakaiba rin ang paraan ng paghahanda.

Uri ng talumpati

1. Impromptu

Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.

Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati:

• Maglaanngorassapaghahanda Huminga nang malalim. Dahan-dahang tumayo at lumakad

patungong tanghalan. Gamitin ang oras na ito sa pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas. Mag-isip din ng magandang panimula.

• Magkaroonngtiwalasasarili Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga tagapakinig. Tumindig

nang maayos. Huwag ilalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa. Magsalita nang may tiwala sa sarili.

• Magsalitanangmedyomabagal Ang pagsasalita sa mabagal na paraan ay nakatutulong sa iyo na

mag-isip kung ano ang susunod mong sasabihin. Nakatutulong din ito para mabawasan ang iyong nerbiyos.

• Magpokussapaksahabangnagsasalita

Page 135: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 123

Magpokus sa paksa habang nagsasalita. Iwasang mag-isip ng negatibo dahil sa kawalan ng kahandaan. Magsalita nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibagay o iangkop ang sarili sa nakikitang reaksyon ng mga tagapakinig. Panatilihing nakapokus ang paningin sa mga tagapakinig. Iwasang magpaligoy-ligoy sa pagsasalita.

2. Extemporaneous

Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa pagbigkas.

Mga itinakdang konsiderasyon para sa extemporaneous:

• Limitado sa oras sa pagitan ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan

• Pagtatakdangorassapagtatalumpati

3. Pinaghandaang talumpati/ Isinaulong talumpati

Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati.

4. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya

Ito ang kasanayang pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.

Kahinaan sa pagtatalumpati

1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao.2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig 3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat salitang binibitiwan.4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng mananalumpati

Page 136: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino124

Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla:

• Magkaroonngpositibongpananaw,isipingkayamongmagsalitasaharap ng madla. Isipin ding hindi nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng pagsasalita.

• Magtiwalasaiyongsarili,isipingmaymahalagangideyanaibabahagisa madla.

• Tanggapinmoangiyongsarili,angiyongtagumpayatkabiguan,angiyong kalakasan at kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto ay maari ring magtagumpay.

• Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay natagapagsalita.

• Harapinmoangtakot,huwagmongtakasan.Hindikamagkakaroonng karanasan kung hindi mo susubukan.

• Magpraktiskanangmagpraktis.Magsimulasapagharapsamaliliitna pangkat hanggang sa malalaking madla.

• Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at hindimapanghusga.

• Magdasal,huminginglakasatdunongsaPoongMaykapal.

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga sangkot nito. Kung gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.

Upang maging mabisa ang pagsasalita dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita ang mga sumusunod na pangangailangan:

• Kaalamansapaksa/paksangtatalakayin Malaki ang maitutulong ng nagsasalita sa tagapakinig kung may

ganap siyang kahandaan sa paksang kanyang tatalakayin. Madali siyang maunawaan ng tagapakinig.

• Kasanayan Ang tao ay hindi isinilang na magaling magsalita bagamat ang

kasanayang ito ay itinuturing na unang natutuhan ng tao kaalinsabay ng pakikinig. Dapat linangin at taglayin ng isang mabisang tagapagsalita ang sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling

Page 137: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 125

panahon (presence of mind). Kailangan ng bilis na pag-iisip upang masabi agad ng isang tao ang kailangan niyang masabi.Nakatutulong din nang malaki ang kasanayan sa pagggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas, galaw at iba pang anyong di-berbal sa paglilinaw ng mensaheng nais niyang maiparating sa kanyang mga tagapakinig.

• TiwalasaSarili Higit sa naunang dalawa dahil ito ay patungkol sa kumpiyansa sa sarili.

Bagamat may kaalaman ka at may kasanayan subalit nauunahan ka ng takot. Hindi rin magiging efektibo ang gagawing pagsasalita. Iba pa rin ‘yung nagsasalita na may tiwala sa sarili.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

• Tinig Isinaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita,

pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling makaakit sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya’y garalgal na tinig na parang sirang plaka.

• Bigkas Napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.

Kailangang maging matatas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita. Ang maling pagbigkas sa mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pagpapakahulugan sa salitang iyon lalo pa’t ang wika natin ay napakaraming homonino (mga salitang pareho ang baybay, ngunit magkaiba ng paraan ng pagbigkas at may magkaibang kahulugan). Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay ng diin (stress) sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata sapagkat nakatutulong din ito upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

• Tindig Nararapat na pag-ibayuhin ang tindig dahil ito ay unang nakikita at

napupuna. Sa mga paligsahang palabigkasan, mahalagang bagay ang

Page 138: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino126

tikas o tayo ng mambibigkas. Kung baga “Tayo pa lamang panalo na”. Ang tindig ay repleksyon nang kung gaano kahanda at komportable ang mambibigkas. Ang magandang tikas o tindig ay nakapanghihikayat ng higit na atensyon.

• Kumpas Ang kumpas ng kamay ay mahalaga rin sa pagsasalita. Kung wala nito,

ang nagsasalita ay nagmumukhang tuod o robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay kailangang maging angkop sa diwa ng salita o mga salitang sinasambit. Bawat kumpas ay may kahulugan na tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas. Hindi rin magandang tingnan ang labis, maging ang kulang na kumpas ng kamay.

Uri ng Kumpas

1. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad – nagpapahayag ng pagkapoot, galit o pakikipaglaban.

2. Kumpas na pahawi o pasaklaw – nagpapahayag ng pasaklaw ng isang diwa, tao o pook.

3. Kumpas na pakutya (nilalakipan ng pag-ismid)- nagpapahayag ng pag-uyam.

4. Kumpas na halos pantay balikat – nagpapahiwatig ng kalawakan, kapaligiran, o mga likas na kayamanan.

5. Palad na bukas at marahang ibinababa – uri ng kaisipan at damdamin, kabiguan o kawalan ng lakas, mababang uri ng damdamin.

6. Palad na itinataas habang nakalahad – nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin at kaisipan.

7. Nakataob ang palad at biglang ibinababa – nagpapahayag ito ng galit o marahas na damdamin.

8. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting itikom. Nagpapahiwatig ito ng matimping damdamin.

9. Paturong kumpas – ang kumpas na ito ay nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghamak.

10. Palad ay bukas, paharap sa nagsasalita – pagtawag ng pansin alinmang bahagi ng katawan ay nagsasalita.

11. Marahang pagbaba ng dalawang kamay – ito’y ginagamit sa pahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.

Page 139: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 127

12. Nakaharap sa madla nakabukas ang palad – ipinapahiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot.

• Kilos Ang kilos ay mahalaga rin sa pagsasalita dahil hindi sapat ang salita

lamang upang maunawaan ang sinasabi kundi lalo higit ng kilos at ekspresyon ng mukha. Kung minsan kahit walang binibigkas ay nakapaghahatid pa rin ng mensahe bunga ng kilos o galaw ng katawan. Sabi nga, “Actions speaks louder than words”. Ang kakulangan o sobrang paggalaw o pagkilos ay maaaring makasira sa ginagawang pagsasalita. Ang mga nakikinig ay nakatingin kaya anumang kapuna-punang kilos ay maaaring bigyan ng kahulugan.

Page 140: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino128

Page 141: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 129

Pagsasanay

I. A. Sagutin ang mga tanong.

1. Matatawag bang isang sining ang pagsasalita? Bakit? Pangatwiran ang sagot.

2. Sa iyong palagay bakit nagugustuhan ng awdyens ang isang tagapagsalita?

3. Alin ang higit na mahirap linangin na kasanayan, ang pakikinig o pagsasalita? Ipaliwanag ang sagot.

4. Sa kabuuan, ano ang nakikita mong pangunahing suliranin ng isang tagapagsalita? Bakit?

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 142: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino130

B. Pagtapat-tapatin ang hanay A sa B. Isulat sa patlang ang letra ng wastong sagot.

A B

a. artikulador

b. pakikipanayam

c. Meet the Press

d. 30%

e. Lecture-Forum

f. pakikipag-usap

g. pagsasalita

h.pakikinig

i. Impromptu

j.kumpas

k.hangin

l. tiwala sa sarili

m. simposyum

n.Paturong

o.palad ay bukas

p. 45%

1. Kasanayan sa komunikasyon na unang natutunan ng tao

2. Ilang bahagdan ang nakalaan sa

3. Salik sa pagsasalita na tinatawag na pumapalag na bagay

4. Kasanayan sa pagsasalita na nagpapalitan kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita

5. Isang pangkatang talakayan na walang tiyak na paksa o problema

6. Pangkatang talakayan na iisa lamang ang tagapagsalita

7. Pakikipag-usap o pakikipagpulong ng isang taong kumakalap ng mga impormasyon

8. Midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog kumpas

9. Biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda

10. Kung wala ito, ang nagsasalita ay nagmumukhang tuod o robot

11. Kasanayan sa komunikasyon na unang nalinang sa isang tao

12. Pangkatang talakayan na kontrolado ng isang tagapamuno

13. Higit pa sa kaalaman sa paksa at kasanayan sa pagsasalita

14. Nagpapakilala ng pagkagalit at paghamak

15. Pagtawag ng pansin

Page 143: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 131

II.

1. Sauluhin ang sumusunod na talumpati at bigkasin sa harap ng klase. Isaalang-alang ang paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita.

Kabataan: Mga Hamon at Pananagutan ni: Rolando A. Bernales

…kabataan,/ Saan natin ihahatid/ itong ating Inang Bayan?/Sa altar ba ng pag-asa,/ sa bibig ng kabiguan./ Sa paanan ba ng langit/ o sa bunganga ng libingan?/

Sa mga tanong na ito,/ maaaninag natin/ ang malaking pagsasaalang-alang/ ng kinabukasan ng ating bayan/ sa kabataan./ Nasa mga tanong ding iyon/ ang dalawang mukha/ ng ating magiging bukas:/ langit at pag-asa/ o kabigua’t libingan./ Samakatwid,/ anuman ang ating kahahantungan,/ maging kaunlaran/ o lalong pagkabulusok sa kawalan/ ay walang ibang mapaglalaanan ng papuri o ng sisi/ kundi tayo,/ kabataan./ Sapagkat wika nga,/ tayo kabataan ang pag-asa ng daigdig./ Sa magulang at ninuno’y/ tayong lahat ang papalit./

Ito/ang hamon ng kasalukuyang panahon/ sa kakayahan,/ talino/ at

pagpapahalaga/ ng kabataan./ Ngayon,/ higit kailanman,/ napapanahon ang hamong ito/ lalo’t ngayong ang ating sosyedad/ ay waring lalo pang inaalipin/ ng mga suliraning sosyo-ekonomiko./ Kung gayon,/ mga kapwa ko kabataan,/ sama-sama nating tanggapin ang hamong ito/ ang hamon ng pagbabago at pagkakaiisa/ tungo sa kaganapan/ ng ating mga mithiin at layunin./ Tanggapin natin ito/ sa ngalan ng iba pang kabataang patuloy na nagtataya ng sarili/ sa pagganap ng kani-kanilang gampaning papel/ sa Diyos,/ sa lipunan,/ sa bayan;/ gayundin sa ngalan ng marami pang kabataang patuloy na nalilito/ at sa mga nagsasawalang-kibo/ sa mga pangyayari sa ating paligid./ Nawa’y magsilbing pangganyak at inspirasyon ang hamong ito/ upang ating simulan/ at ipagpatuloy nang buong sigasig/ ang matalino at aktibong pakikilahok/ tungo sa maunlad na pagbabago./

Sapagkat/ kalakip ng pagtanggap at pagharap sa hamong ito/ ay ang

pagsasabalikat din/ ng mga pananagutang nakaatang sa atin./ Ngayon,/ tayong kabataan ay may higit nang malawak na pananagutan/ mula sa paaralan patungo sa lipunan,/ mula sa kaunlarang pansarili/ patungo sa pambansang kaunlaran./

Page 144: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino132

Matibay ang aking pagtitiwala sa aking kapwa kabataan./ Batid kong taglay ng kabataan ang likas na dunong,/ katangian/ at kakayahang kailangan/ upang maging mabubuti’t produktibong mamamayan ng bansa./ Sapagkat taglay pa rin naming kabataan/ ang mga katangian ng molave; / matibay,/ patuloy sa pagtaas at pagyabong,/ hindi nasisindak sa sigwa,/ may makapit na ugat/ at nagtitiwala sa sariling lakas.

Kapwa ko kabataan,/ hahayaan ba nating sisihin tayo ng susunod na salinlahi/

sa kanilang madilim na bukas/ dahil sa pagsasawalang-bahala natin/ sa ating panahon?

Simulan na natin ngayon ang paghubog/ sa ating Malaya,/ mapayapa/ at

masaganang bukas,/ Simulan natin ang mga pagbabago/ sa ating sarili./ Simulan natin/…ngayon/

2.Ikritik ang pagbigkas ng talumpati ng iyong mga kamag-aral. Tukuyin ang mga kalakasan at kahinaan sa pagtatalumpati ng bawat isa/ o pares ng mambibigkas.

II. Magpangkat sa limang (5) grupo. Gawing pa-timpalak ang mga sumusunod na kasanayan sa pagsasalita: Pagalingan ang bawat pangkat sa pagpapakita ng napiling kasanayan.

Ang mga kasanayan na ipapakita:1. Pakikipanayam2. Pakikipag-usap3. Pakikipagdebate4. Pagbabalita (Newscasting)5. Pangkatang Talakayan (Alinman sa mga uri)

IV. Muling pangkatin ang klase sa lima. Magkaroon ng pagpaplano sa isang pangkatang talakayan. Ilahad sa klase ang nabuong plano pagkatapos.

Pangkat I – Round Table DiscussionPangkat II – Lecture-ForumPangkat III- Panel DiscussionPangkat IV- Open Forum/Malayang TalakayanPangkat V- Meet the Press

Page 145: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 133

V. Sumulat ng talumpati batay sa mga sumusunod na paksa:

1. Aborsyon2. Programang K+123. Climate Change 4. Pagpapakasal ng Parehong Kasarian

Maaaring maghanap ng isang talumpati na naaayon sa iyong interes at bigkasin sa klase. Handang Talumpati para sa pasalitang pagsusulit.

Page 146: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino134

Page 147: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 135

Pagbasa

Ang pagbasa ay makrong kasanayan ng komunikasyon; kasama ang iba pang makrong kasanayan tulad ng: pakikining, pasalita, pagsulat, at panonood.

Ang pagbasa ay binigyan ng iba ibang pakahulugan ng mga dalubwika at o mga teyorista; sa pangkalahatan, ang mga kahulugang ito ay tumutukoy sa “ang pagbasa ay kumplikado.” Naging kumplikado ito sa kadahilanang ang kasanayang ito ay nauugnay sa iba pang pagsasanay –ang makilala ang mga simbolong pangwika (kodigo), ang pagsama-sama ng mga titik upang makabuo ng mga salita, paggamit ng mga salita sa pangungusap, pagbuo ng mga pangungusap upang makapaglalahad ng makabuluhang ideya.

Ang kasanayang ito ay hindi natatapos sa pagkilala ng mga titik at sa kung paano ang gramatika ng mga pangungusap, at maging sa ideyang nabuo nito; kungdi kung paano intindihin o unawain ang makabuluhang ideya na nakabatay sa kasanayan sa pang-unawa o komprehensyon ng mga mambabasa.

Ang kasanayan na pagbasa ay tumutukoy hindi lamang sa iisang wika; kungdi sa iba pang wika na ginagamit ng mga tao ayon sa kanilang kultura.

Ayon nina Harris et al (2006) ang pagbasa ay may magkaugnay na mga sistema. –ang sistemang grapoponiks; sistemang sintaktiks; at sistemang semantiks. Maaring pareho at iisa ang magkaugnay na sistema na gamit ng iba’t ibang wika, subali’t siguradong iba iba ang tuntunin at proseso sa bawat sistema.

Sa araling ito, ang pagbasa ay binigyang kahulugan, inilahad ang kanyang kalikasan at proseso. Ang presentasyon sa antas ng komprehensyon ay nakabatay sa kung ano ang layunin sa pagbasa.

3.4.1. Kahulugan, Kalikasan at Proseso

Ang pagbasa ay may tatlong magkaugnay na sistema; ang grapoponiks, sintaktiks, at simantiks. Ang grapoponiks ay nauukol sa biswal at tunog ng simbolong pangwika; ang sintaktiks ay ang sistema kung paano gamitin ang mga salita sa pangungusap, ang tamang pagkasunod-sunod ng mga salita at gramatika; at ang sistemang simantiks na patungkol sa paksa ng teksto (Harris et al, 2006).

Ayon nina Arbes, Rolida at Talidano (2013) sa kanilang aklat Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pagbasa ay isang proseso: una, ang pakikinig at pag-

Page 148: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino136

alaala ng mga tunog; pangalawa, ang makilala ang mga simbolo na nagbigay hugis ng mga tunog; pangatlo, ang pagsasanay na mabigkas ang tamang tunog; at ang pag-uugnay ng mga nabasang salita sa mga karanasan na nakaimbak sa isipan upang mabigyang kabuluhan ang nabasa; kung saan naging aktibo ang pag-iisip at gumagana ang komprehensyon.

Samakatuwid, ang pagbasa ay ang pakikinig, pagkilala at pagsasanay ng tamang pagbikas ng mga simbolong pangwika; pag-uugnay ng kasalukuyang kaalaman at karanasan upang makabuo ng pakahulugan.

Page 149: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 137

Pagsasanay

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

A. Isulat ang TAMA kung ang ideya ay tama; MALI kung ang ideya ay mali

1. Ang pagbasa ay isa sa mga makrong kasanayan ng komunikasyon.2. Sa pagbasa ang proseso ay simple, hindi komplikado.3. Ayon ni Arbes, Rolida at Talidano, ang pagbasa ay may magka-

ugnay na sistemang pang-wika.4. Sina Harris at mga kasama ay nagpapahiwatig na ang pagbasa

ay interaktibo5. Ang grapoponiks ay nauukol sa paksa na babasahin6. Ang sintaktiks ay tungkol sa balarila7. Ang simantiks ay ang mga tunog na bumubuo ng salita.8. Kung ang kahulugan ni Harris et al ang pagbabasihan, hindi

matawag na pagbasa kung hindi magkaugnay ang tatlong sistema.

9. Nauuna ang pakikinig bago ang pagbabasa10. Nauuna ang pagsasalita bago ang pagbabasa

B. Magbigay ng paliwanag na hindi kukulang ng limampung salita mula sa kahulugang ibinigay nina Arbes, Rolida at Talidano (2013) tungkol sa pagbasa. Iwasan ang magbura.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 150: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino138

Page 151: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 139

Uri ng pagbasa batay sa layunin

Kung babalikan natin ang ating kabataan bilang mambabasa, masasabi nating magkakaiba ang mga naging layunin sa pagbasa; ating mawari na ang ating mga layunin ay pinalawak habang tayo’y lumalaki at naging nasa gulang na mambabasa.

Ang mga uri ng pagbasa batay sa layunin ay nagiging kasanayan habang tayo’y nagpapakahasa sa ating pagbasa. Kung ang layunin ng mambabasa ay upang mapahusay ang pagkilala ng mga simbolong pangwika, ito ay may kaugnayan sa kasanayang kodigo (code breaker); kung ang layunin sa pagbasa ay upang makuha ang kahulugan sa tekstong binasa, ito ay may kaugnayan sa kasanayang pagbigay pakahulugan -kung saan kinukuha ang denotatibo at konotatibo na kahulugan ng teksto.

Kung ang motibo naman ay upang mangalap ng impormasyon, hinahasa ng mambabasa ang kasanayang pagbasang may layon; at kung ang layunin ay upang i-analisa ang teksto, ito’y may ugnayan sa kasanayang kritikal na pag-aanalisa sa tekstong binasa.

Pagbasa upang mapahusay ang pagkilala ng simbolong pangwika (kodigo).

Bilang mga batang mambabasa, paano natin binabasa o binibigkas ang mga titik na a sa salitang Ingles na /say/, /says/, /arm/, /vacation/ at /mandate/; b sa salitang Ingles na /comb/, /bomb/, at /subtle/; s sa salitang Ingles na /bulls/, /cups/ at /mats/?

Paano natin binibigkas ang simbolong /sh/, /ch/, /th/ at /ed/? Ang layunin sa pagbasa sa gawaing ito ay nagsasabing bilang mga batang mambabasa nagbabasa tayo upang mapahusay natin ang ating kasayanan sa pagkilala ng mga simbolong pangwika at paano natin binigyang interpretasyon ang mga ito.

Pagbasa upang makuha ang kahulugan sa tekstong binasa (pakahulugan)

Nagbabasa rin tayo upang makuha ang kahulugan o pakahulugan ng tekstong binasa. Ang kahulugan ng tekstong binabasa ay puwedeng may denotatibo o konotatibo na kahulugan.

Basahin ang sumusunog na pangungusap at ibigay ay naging kahulugan.• Malapadangkanyangpapel.• Siyaaynagpalapadngpapel

Page 152: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino140

• Angtatayniyaaynagbibilangngposte• BinibilangniMangKardoangposte

Sa mga nababasa nating mga ulat, sanaysay, maikling kwento, o balita, masasabing ang mga manunulat ay pwedeng may ipinapahiwatig. Sa kabilang daku, ang mga ulat ng pulisya ay wala mang ipinahiwatig kundi isusulat lang nila kung ano ang ayon sa sinabi ng mga saksi o ang naging impormasyon mula sa ginagawang imbestigasyon; ngunit ito’y patungo sa magiging impresyon o disposisyon sa nangyaring insidente at sa kung papaano ito bigyang kahulugan ng pulisya.

Pagbasa para makakuha ng mga impormasyon upang magamit ayon sa pangangailangan (layunin)

Sa puntong ito, ang mga mambabasa ay may kaalaman kung ano ang mga layunin ng kanilang tekstong binasa. Gayundin, ang mga mambabasa ay may kamalayan kung ano ang dapat nilang babasahin ayon sa kanilang pangangailangan.

Sina Luke at Freebody (1999) ay may mungkahi na kung ang naging tagpuan ay sa paaralan, ang mga mambabasa ay nakikipaghalubilo sa kanilang mga kaklase, nakikipagtalakayan, sa tekstong kanilang binasa upang makapagbigay aksyon o interaksyon para sa isang partikular na asignatura (Harris et al, 2006).

Kung ang mga mag-aaral ay atasan ng kanilang guro na mag-ulat ng isang partikular na paksa, sa pangkalahatan, alam nila ang mga aklat na pwedeng basahin para sa kanilang takdang-aralin o maging-ulat; alam nila kung ano ang mga klu na pwedeng gamitin sa kanilang elektoniks na pananaliksik gamit ang pahina ng Google sa internet.”

Pagbasa upang i-analisa ang tekstong binasa (kritikal na pag-aanalisa)

Sa bahaging ito, ang teksto ang mismong may gusto kung ano ang gagawin, iisipin, o paniniwalaan ng mambabasa.

Ang teksto ay siyang may imbetasyon sa mga mambabasa para ibahagi at paniniwalaan ang mga pananaw at mga karanasan na nangyayari sa buong mundo. May mga teksto na matapos basahin ang mga karanasan na ibinahagi ng mga manunulat, ang mga mambabasa nama’y makadama ng damdaming puwedeng maging dahilan upang sila’y mahikayat sa gustong ipahiwatig at mangyari ng mga manunulat (Harris et al, 2006).

Page 153: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 141

Sa aspetong ito, ang mahuhusay na mambabasa ay marunong kumilatis at pumuna sa kung ano ang pinaniniwalaan ng teksto; sa aktong ito, ang mga mambabasa ay marunong magbigay ng desisyon kung dapat ba nilang paniniwalaan, dapat ba nilang tanggapin ang posisyon ng teksto.

Page 154: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino142

Page 155: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 143

Pagsasanay

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

A. Isulat ang KODIGO kung ang layunin ay mapahusay ang pagkilala ng mga simbolong pangwika; KAHULUGAN kung ang layunin ay ang pagkuha ng kahulugan ng teksto; IMPORMASYON kung ang layunin ay upang makakuha ng impormasyon sa binasang teksto; at PAG-ANALISA kung ang layunin ay kritikal na pag-aanalisa ng tekstong binasa.

1. Makuha ang literal ng kahulugan sa tekstong binasa2. Pinupuna ang mga titik at kung paano sila nagkaugnay3. Bumubuo ng konotatibong pakahulugan4. Gamit ang teksto para sa sosyal at personal na sitwasyon5. Pinag-uuganay-ugnay ang dating kaalaman at karanasan6. Nakikipag-ugnayan sa kapwa mag-aaral sa kanilang pagbabasa7. Pagbasa ng mga larawan at iba pang larawan8. Namimili ng tekstong babasahin9. Pagsasatunog ng mga titik at pag-uugnay-ugnay ng mga tunog10. Isinasaayos ang mga istratehiyang gagamitin sa pagbasa11. Pakikinig ng mga salita na ginagamit sa pangungusap12. Nagtatanong tungkol sa teksto13. Gumagawa ng panghuhula sa teksto14. Tumutuklas sa posisyon ng teksto15. Pagpapadami ng bokabularyo

B. Magbigay ng apat na sitwasyon kung saan ginagamit ang mga layunin sa pagbasa sa iyong pag-aaral

1.

2.

3.

4.

Page 156: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino144

Page 157: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 145

Antas ng pag-unawa

Kung ang layunin ng pagbasa ay upang mapahusay ang kasanayan sa pagkilala ng simbolong pangwika, ano naman ang maging kaugnayan nito sa pang-unawa?

Sa lipunang may paniniwala na ang edukasyon ay siyang susi para sa kalayaan mula sa kahirapan makikita at mababasa ang iba’t ibang uri ng mga tekstong babasahin.

Halimbawa sa mga tekstong ito ay ang pagkukuwento na may layuning aliwin ang mga mambabasa; ang tekstong pang-instrukyon na para sa resipe, manuwal sa paggamit ng sasakyan at kompyuter na may layuning ipaalam kung paano isagawa ang isang proseso. Ang ulat upang magbigay impormasyon ay para sa pagbigay ng tamang impormasyon tungkol sa isang paksa.

Kasali na rin dito ang tekstong nagpapaliwanag na ang layunin ay maipaliwanag kung paano ginagawa ang mga bagay bagay; ang tekstong pasalaysay na naglalarawan at nagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa nakaraan; at ang argumento na nanghihikayat upang paniwalaan at tugunan ang isang opinyon.

Antas ng komprehensyon ayon sa layuning mapahusay ang pagkilala ng mga simbolong pangwika.

Bawat uri (genre) ng babasahin ay nakakaimpluwensya sa komprehensyon ng mambabasa. Sa layuning mapahusay ang pagkilala ng mga simbolong pangwika (kodigo), may dalawang pamaraan mungkahi sina Harries et al (2006).

May dalawang paraan kung paano ito talakayin:

• Una,angmgasalitangginagamitparasaisangpartikularnguri(genre)-ang uri ng mga salita at gramatika

• Pangalawa,angestratehiyangginamitsaisangpartikularnauri(genre)upang matalakay ang teksto

-mga salitang ginamit na nagbibigay ideya kung anong uri (genre) ang tekstong binasa.

Upang mailarawan ang dalawang pamamaraan, kumpletuhin ang sumusunod:

Page 158: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino146

Ang uri ng salita at gramatika

• SiJeftyAmoraayisangpambansangmanlalarong“volleyball.”SiJeftyatkanyang mga kasama ay _______________ araw-araw.

• Si Jefty Amora ay isang pambansang manlalaro ng “volleyball.” Sanagdaang taon, Si Jefty at kanyang mga kasama ay limang beses ________ at nagtanggap ng panalo.

• Si JeftyAmoraayisangpambansangmanlalarong“volleyball.”Siyaay_______________ sa susunod na Palarong Pambasa na idaraos sa Palawan.

Sa ikalawang paraan, ang komprehensyon ng mambabasa ay nakabatay sa mga salitang ginamit at istratehiya kung paano tinalakay ang teksto ayon sa uri (genre) nito.

Uri (Genre) ng Teksto Gamit ng Salita/Istratehiya

Pagkukwento •Gumagamitngdayalogo “Bakit siya nagmamadali?”•Kadalasanangaspetongpandiwaay sa panagdaan•Gumagamitngmgasalitang naglalarawan -pang-uri/pang-abay•Gumagamitngmgasalitangpang-ugnay ukol sa oras o panahon

Tekstong Pang-instruksyon •Gumagamitngmgasalitang naglalarawan sa hugis, laki, kulay, at kung gaano kadalas o gaano karami•Naglalarawankungpaano,saan,at kung kailan

Ulat Pang-impormasyon •Kadalasanangaspetongpandiwa ay pangkasalukuyan•Gumagamitngmgasalitapara maipakita ang pagtutulad, pagkakaiba, at pangkalahatan na aspeto ng mga bagay•Mababasaangmgasalitangteknikalna partikular sa isang paksa

Page 159: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 147

Pasalaysay •Kadalasanangaspetongpandiwa ay pangnagdaan•Gumagamitngpang-ugnaynasalita para pailarawan kung ano ang una at sunod na pangyayari•Kadalasangumagamitngpanghalipna: ako, kami para sa personal na pasalaysay; at panghalip na siya at sila sa “factual” na pasalaysay.

Pagpapaliwanag •Kadalasanaygumagamitngmga pang-ugnay na salita upang mailarawan ang naging una, kasunod, mga kasunod pa, at kung paano ito tinapos o paano nangyari•Angmgapandiwaaypawatasohindi tumutukoy sa panahon.•Kadalasangumagamitngistratehiyang “sanhi at bunga” sa pagpapaliwanag

Argumento •Kadalasangumagamitngpang-ugnay na mga salita upang ibigay ang mga rason o kadahilanan ng mga bagay bagay, tulad ng: kaya, dahil, sa ngayon, o subalit.•Nominalisasyon(angmgapandiwaay ginamit bilang pangngalan) Naglaro; paglalaro Halimbawa sa salitang Ingles: destroy;destruction

Antas ng komprehensyon ayon sa layuning pagkuha ng kahulugan sa binasang teksto. Sa pagbasang may layon sa pagkuha ng kahulugan sa tekstong binasa, ang mambabasa ay may katanungang:

• anoangsinasabingteksto;

• anoangposiblengmagingkahulugannito?

Sa antas na ito, ang mambabasa ay inaasahang:

• Makuhaangliteralnakahuluganngtekstongbinasa

Page 160: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino148

• Makabuonghinuhamulasatekstongbinasa• Makapagbigaypakahulugan• Makabuongkonotatibongkahulugan• Makapagbigayebalwasyon• Maiugnayangkasalukuyangkaalamansadatingkaalamanokaranasan• Makuhaangideyangmgalarawanatibapangimahe

Ang mambabasa sa antas na ito ay may kakayahang makakuha ng dalawang uri ng kaalaman –kaalaman sa nilalaman ng teksto at kaalaman sa istruktura ng teksto.

Halimbawa, Ayon kay Widdowson (1983) na mababasa sa aklat nina Harris et al (2006), nabasa mo ang linyang “noong unang panahon,” ang dati mong kaalaman ay gagana. Ikaw ay magtatanong sa iyong sarili –Ano ang uri (genre) ng tekstong ito?- at magsimulang huhugot ng sagot mula sa dati mong kaalaman. Kung ikaw ay may karanasan tungkol dito, maaring ang kwentong-bayan, mito, o alamat na iskema ay maging aktibo sa iyong isipan.

Ngunit, kung hindi pamilyar sa iyo ang ang kwentong-bayan, mito o alamat, hindi gagana ang iyong isipan sa linyang “noong unang panahon.” Ito’y nagsasaad na walang impormasyon o wala kang karanasan tungkol sa nilalaman o istruktura sa tekstong binasa.

Samakatuwid, kung nababasa mo ang salitang “withdrawal,” pwedeng wala kang maibigay na kahulugan nito at pwede ring hindi lang iisang kahulugan ang maari mong isipin at ibigay kung ang salitang ito ay may iba’t ibang pakahulugan sa dati mong kaalaman.

Nabasa mo na ba ang kwentong Cinderella? Ano ang pakahulugan mo sa kwentong ito?

Subukan mong basahin ang salaysay sa kwentong Cinderella sa sunod na pahina at ikumpara ang pakahulugan ng may-akda sa pakahulugan ng dati mong kaalaman.

Page 161: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 149

Salinwika at Salaysay sa kwentong Cinderellani Aileen S. Talidano

Ang kwentong Cinderella ay nangyayari noong unang panahon. Ayon sa kwento, si Cinderella ay nawalan o namatayan ng ama at siya ay naiwan sa pangangalaga ng kanya pangalawang ina. Mayroon siyang dalawang kinakapatid –mga anak na babae sa kanyang pangalawang ina. Sa kwento, ang magkapatid ay binansagang pangit na magkapatid na babae sa maganda nilang kasuotan.

Sa kanilang bahay ay hindi maganda ang trato ng mag-ina sa kay Cinderella; hindi anak o kapatid ang turing nila sa kanya. Siya ay naging utusan at palaging may gawain sa kusina. Si Cinderella ay pagod na pagod, puyat na puyat sa kasusunod ng mga utos ng mag-ina. Sa pagkain, palaging tira ng mag-ina ang ang kanyang makakain; iyon kung may matitira pa para sa kanya.

Isang araw, may imbitasyon para sa mga tao ng kanilang lugar. Ito ay tungkol sa planong gusto ng mag-aasawa ang prinsipe; kaya inimbitahan ang lahat na kadalagahan na nasasakop sa kaharian ng kanyang ama para sa isang salo salo. Sa salo salong ito ay pipili ang prinsipe ng dalaga na kanyang mapangasawa.

Naging balisa ang mag-ina sa maging kasuotan nila at sa maging ayos nila sa imbitasyon ng prinsipe. Sila’y namimili ng mamahaling tela para ipagawang magagandang damit. Masaya silang nagkukwentuhan ng kanilang mga pantasya kung sakaling isa sa kanila ang pipiliin ng prinsipe bilang asawa.

Hindi kasali si Cinderella sa kanilang mga plano sa darating na salo salo. Sila’y mapagmataas at sinabing wala siyang karapatan na dumalo dahil siya’y isang utusan lang. Ang maging papel lang niya ay maglinis ng bahay, maglaba, ang magtrabaho sa kusina at maghintay sa kanilang masayang pagdating.

Isang araw, binisita si Cinderella ng “Fairy Godmother” at hinikayat na magdalo sa imbitasyon ng prinsipe. Ayaw ni Cinderella na dumalo sa kadahilanang wala siyang maisusuot –wala siyang damit, wala siyang sapatos at iba pang kailangan sa pagdalo ng salo salo. Maliban pa doon, siya’y pinagbawalan ng kanyang pangalawang ina at kinakapatid.

Page 162: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino150

Sa kanyang pag-iisa, naisipan ni Cinderella na buksan ang kahon ng kanyang ina. Nakahanap siya ng damit at sapatos na kasya sa kanya. Nakumbinsi siyang dumalo sa salo salo kaya ginawan siya ng “Fairy Godmother” ng karwaheng masasakyan mula sa kalabasa, ang kabayo ay naging kutsero, at ang mga daga ay naging kabayo. Iisa ang tagubilin ng “Fairy Godmother,” bago magkalahating gabi kailangang siya’y makauwi na dahil sa oras na iyon babalik sa dati ang kanyang anyo at sasakyan.

Sa gabi ng salo salo si Cinderela ay naging pinakamaganda sa lahat. Hindi siya nakilala ng kanyang pangalawang ina at mga kinakapatid. Lumapit ang prinsipe sa kanya at niyayang sumayaw. Lahat ng bisita ay namangha sa kanyang kagandahan; pati ang prinsipe ay nabihag sa kanya.

Masayang nagsasayaw ang prinsipe at si Cinderella. Hindi na namalayan ni Cinderella ang paglipas ng oras. Hanggang sa namalayan niyang malapit na ang hatinggabi. Nagpaalam siya sa prinsipe at dali daling tumakbo palabas sa palasyo. Sa kanyang pagtatakbo ay naiwan niya ang kanyang isang sapatos sa may hagdanan ng palasyo.

Pinulot ng gwardiya ang naiwang sapatos ni Cinderella at ibinigay sa prinsipe. Nagsiuwian na ang mga bisita. Pagdating sa bahay, ang mag-ina ay nagkukwento sa naging karanasan nila sa palasyo at pinai-inggit nila si Cinderella.

Kinabukasan, dahil sa utos ng prinsipe, nag-umpisa ng maghanap ang mga kawal kay Cinderella. Lahat na bahay ay pinasok nila at pinasuot ang sapatos sa lahat ng mga kababaihan –nagbakasakaling magkasya ang sapatos at matagpuan si Cinderella.

Dumating sa bahay nina Cinderella ang mga kawal. Iyon na lang ang bahay na hindi nila napasok. Pinasuot ang sapatos sa mag-ina pero hindi ito nagkasya. Nagtatanong ang kawal kung may iba pa bang nakatira sa kanila; nagsinungaling ang ina at sinabing wala na. Hindi naniwala ang kawal at pinasok ang kusina; doon nakita si Cinderella at pinasuot ang sapatos sa kanya. Laking gulat ng lahat nang makita na nagkasya kay Cinderella ang sapatos. Siya ang hinahanap ng prinsipe. Dinala siya sa palasyo at sila’y nagpakasal at naging maligaya habang buhay.

Page 163: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 151

Ayon kay Maggy Whitehouse (2008) ang kwentong Cinderella ay isang alegorya. Ang alegorya ay isang naratib na piksyunal kung saan ang mga tauhan at pangyayari ay itinuturing na kumakatawan sa ibang mga bagay at nagpapahayag sa paraang simbolikal ng mas malalim ng kahulugang ispiritwal, moral o pulitikal.

Mga teksto Pakahulugan ng teksto ayon kay Maggy Whitehouse (2008)

Si Cinderella ay nawalan o namatayan ng ama at siya ay naiwan sa pangangalaga ng kanyang pangalawang ina.

Ang pagiging ulila ay nagsasaad sa isang taong nawalan ng koneksyon sa Diyos. Nang dahil doon, ang pagigigng makasarili o pagmamataas ang mangingibabaw sa sarili.

Ang magkapatid ay binansagang pangit na magkapatid na babae sa maganda nilang kasuotan.

Ang paggiging pagmamataas ay ang mabuhay na puno ng pagpapanggap.

Siya (Cinderella) ay naging utusan at palaging may gawain sa kusina. Si Cinderella ay pagod na pagod, puyat na puyat sa kasusunod ng mga utos ng mag-ina.

Ang pagkukunwari ay nakakapagod. Noon, ang trabaho sa kusina ay nagsisimbolo ng mababang uri ng trabaho -ang pagiging katulong o alipin. Alipin sa pagiging makasarili

Isang araw, binisita si Cinderella ng inang engkanto at hinikayat na magdalo sa imbi-tasyon ng prinsipe.

Ang imbitasyon ay nagsasaad na ang Diyos ay palaging bukas para sa mga taong gustong bumalik sa Kanyang biyaya.

Ayaw ni Cinderella na dumalo sa kadahilanang wala siyang maisusuot –wala siyang damit, wala siyang sapatos at iba pang kailangan sa pagdalo ng salo salo.

Sa lahat na pagkakataon, ang ating katamaran, mga kadahilanan ang nangingibabaw sa ating buhay. Ang pansariling interes, at pag-iisip ng mga kakulangan sa buhay ang pumipigil o naging hadlang makamit ang mga biyaya ng Panginoon.

Maliban pa doon, siya’y pinagbawalan ng kanyang pangalawang ina at kinakapatid.

Hindi napapahalagahan ng tao ang handog ng Diyos –ang malayang kalooban- naging sunud sunuran sa iba dahil ayaw magkaroon ng pananagutan.

Sa kanyang pag-iisa, naisipan ni Cinderella na buksan ang kahon ng kanyang ina.

Ang tekstong ito ay nagsasabing kinakailang ng tao na magdesisyon para sa sarili.

Page 164: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino152

Nakahanap siya ng damit at sapatos na kasya sa kanya.

Ipaalam sa Diyos ang mga kahilingan sa buhay. Kailangan nating kumatok, maghingi upang tayo’y mabibigyan

Nakumbinsi siyang dumalo sa salo salo kaya ginawan siya ng inang enkanto ng karwaheng masasakyan mula sa kalabasa; ang kabayo ay naging kutsero, at ang mga daga ay naging kabayo.

Ito’y nagpapakita na sa ginawang desisyon ng tao -mga pagbabago o kalayaan na ginusto- ang paligid ay aayon o makisama sa iyo.

Iisa ang tagubilin ng inang engkanto bago magkalaha- ting gabi; kailangang siya’y makauwi na dahil sa oras na iyon baba-lik siya at ang kanyang sasakyan sa dating anyo.

Kailangan ang kinaugaliang panalangin upang huwag malayo muli sa Diyos.

Sa gabi ng salo salo si Cinderela ay naging pinakamaganda sa lahat. Hindi siya nakilala ng kanyang pangalawang ina at mga kinakapatid. Lumapit ang prinsipe sa kanya at niyayang sumayaw. Lahat ng bisita ay namangha sa kanyang kagandahan; pati ang prinsipe ay nabihag sa kanya.

Ang tunay ng kagandahan ay lilitaw. Maganda ang buhay kapag may kalayaang maipakita ang totoong ikaw.

Pinulot ng gwardiya ang naiwang sapatos ni Cinderella at ibinigay sa prinsipe. Kinabukasan, dahil sa utos ng prinsipe, nag-umpisa ng maghanap ang mga kawal kay Cinderella. Lahat na bahay ay pinasok nila at pinasuot ang sapatos sa lahat ng mga kababaihan –nagbakasakaling magkasya ang sapatos at matagpuan si Cinderella.

Sa ating desisyon na piliin ang kagustuhan ng Diyos, Tayo nagkapagpadala ng mensahe patungo sa kanya. Ito ang Kanyang pinanghihinawakan na tayo ay Kanya Dahil sa mensaheng naipadala natin nang tayo’y manalangin, hahanapin Niya tayo, saan man tayo sa mundo.

Hindi naniwala ang kawal at pinasok ang kusina; doon nakita si Cinderella at pinasuot ang sapatos sa kanya. Laking gulat ng lahat nang makita na nagkasya kay Cinderella ang sapatos. Siya ang hinahanap ng prinsipe. Dinala siya sa palasyo at sila’y nagpakasal at naging maligaya habang buhay.

Hindi hihinto ang Diyos sa kahahanap sa atin; ito’y hanggang sa makita Niya tayo.Maging maligaya ang buhay kung tayo ay palaging may koneksyon sa Panginoon.Ang mabuhay ng malaya, at ang pagiging totoo ay ang nagpapasaya sa tao. Ang magandang balita ay kung pipiliin natin Siya; kahit saan man tayo sa mundo, Siya mismo ang hahanap sa atin.

Salinwika ni Aileen S. Talidano

Page 165: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 153

Antas ng komprehensyon para sa pagbasang may layon

Ang antas ng komprehensyon sa pagbasang may layon ay nauugnay sa dalawang antas na natalakay sa itaas (kodigo -code breaker; at pakahulugan). Ang tanong na “ano ang layon sa tekstong binasa” ay sinasagot ng mambabasa sa antas na ito.

Basahin at subuking sagutin ang mga tanong:

• Kungmababasamoangpamagatna“AngMaliitnaKuneho,”anoanglayon sa pang-uring “maliit” sa pamagat ng kwento?

• Paanomointindihinangkatawagang“e-mail?”• Paanomogamitinangakronimnawww?Anoangkabuluhannitosa

iyo bilang mambabasa?

Sa antas na ito, ang teksto ay ginagamit ng mambabasa para sa sosyal at pansariling sitwasyon upang makamit ang nilalayon; makipag-interaksyon sa ibang mambabasa upang talakayin ang teksto; pakikilahok sa iba’t ibang gawain na patungkol sa pagbasa; pagpipili ng mga babasahin o teksto upang makuha ang impormasyon na ninanais; at pagpili ng epektibong istratehiya para sa tiyak na layunin sa pagbasa.

Ang Kabayong si Selmo at ang Mahiwagang SingsingJhassie T Vivas

May isang kabayo na nagngangalang Selmo. Isa siyang kolektor. Wala siyang pinipili; lahat ng bagay ay kanyang iniipon. Kung kaya, ang bahay niya ay natatambakan na ng sangkatutak na mga koleksyon.

Nalungkot ang kanyang kapitbahay na si Kuwago. Mula sa bintana ng tindahan

ay natatanaw nito ang napakagulong bahay ni Selmo. Isang araw, nakaisip ng ideya si kuwago. Binigyan niya ng isang espesyal na

singsing si Selmo. “Kapag sinuot mo ito, may mahiwagang magaganap.” Sabi ni Kuwago. Subalit, sa pag-uwi ni Selmo, naiwala niya ang singsing at hindi niya ito makita kasi nga napakakalat doon.

Kaya, upang mas madali ang paghahanap, inayos niya ang kanyang mga

koleksyon ayon sa uri nito at inilagay sa mga sisidlan. Matapos niyang maiayos ang

Page 166: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino154

kanyang mga koleksyon, natagpuan din niya ang nawalang singsing. Nasasabik siyang isuot ang singsing, ngunit wala namang nangyayari nang maisuot na niya ito.

Galit na pinuntahan niya si Kuwago. “Hindi naman pala mahiwaga ang singsing

na ito!” “ Sigurado ka ba? Masdan mong mabuti ang iyong tahanan.” Sagot ni Kuwago. Namangha si Selmo sa kanyang nakita. Napakalinis nan g kanyang bahay. “Tunay ngang mahiwaga ang singsing na ito.” Puna ni Selmo.

Mula noon, inaayos na niya ang kanyang mga koleksyon upang ‘di na mawala

ang mahiwagang singsing.

Page 167: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 155

Pagsasanay

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

1. Ano ang nilalayon ng teksto? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Sa palagay mo, ano ang layunin ng mambabasa sa tekstong ito?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Magagamit mo ba ang tekstong ito para sa sosyal at personal na sitwasyon?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

4. Ano sa palagay mo ang uri (genre) ng tekstong binasa? Paano mo ito patutunayan?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

5. Sa palagay mo, kaya mo bang sumulat ng kwento tulad ng nabasa mo? Papaano?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 168: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino156

Ang kuwentong Ang Kabayong si Selmo at ang Mahiwagang Singsing ay likha ng isang dating mag-aaral na ngayon ay isang guro na. Nalikha ang kwentong ito dahil sa layon ng may likha na sumulat ng isang kwento. Kaya, siya’y nagbabasa na may layon na gumawa ng kuwento. Binabasa at binigyang interpretasyon ang tekstong ginawang hulwaran, tinitingnan kung ano ang estruktura ng hulwaran, ano ang ipinabatid ng estruktura, mga tala tungkol sa pagpipiliang leksiko, at replekyon kung ano ang magagawa ng mga salitang ito sa mambabasa.

Samakatuwid, kung ang layon mo ay upang makagawa ng kwento,

isa at unang alituntunin sa pagbasa at pang-unawa na may layon ay ang pagsasanay sa naunang mga antas ng komprehensyon

Page 169: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 157

Antas ng komprehensyon para sa layuning kritikal na pag-aanalisa ng teksto.

Sa kritikal na pag-aanalisa ang mambabasa ay kumikilala ng mga pakahulugan ng mga idolohiya sa teksto; nag-iisip at nagtatanong kung ano ang gustong ipahiwatig, maging reaksyon at maaring gawin matapos mabasa ang teksto; ano ang pwedeng isipin o paniwalaan; at ano ang posibleng mga pagpipilian nito (Harris et al, 2006).

Sa antas ng komprehensyong ito, ang mambabasa ay may kasanayang:• Bumuongrepleksyonsaipinahiwatignaidolohiya• Magtanongtungkolsateksto• Magkamalaykunganoangnagingposisyonngteksto• Magdesisyon–tatanggapinohindiangpaniniwalaoidolohiya-• Makitaatmailarawanangmgapamaraanpaanotinalakayangteksto

Upang mabigyang sapat na katuturan ang komprehensyon sa antas na ito basahin ang kwentong “Ang Kuwintas” (The Necklace by Guy de Maupassant).

Ang KuwintasSalinwika at salasay ni Aileen S. Talidano

Ang “Pont Neuf” ay tanyag na tulay na makikita sa Seine River” ng Paris. Ang tulay na ito ay nagkokonekta sa dalawang pangunahing lugar ng syudad na tinatawag na “the Left Bank and the Right Bank.”

Ang dalawang pangunahing lugar ng syudad ay binubuo rin ng dalawang uri ng pamumuhay. Sa kabilang dako ng tulay ay namumuhay ang grupo ng mga tao sa Paris na magagara sa kanilang pananamit. Sa senaryong ito hinugot ang tagpuan ng kwentong “Ang Kuwintas.”

Sa kuwentong “Ang Kuwintas,” inilarawan ang isang maganda at mapanghalinang babae; ngunit sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat o klerk. Ang maganda at mapanghalinang si Mathilde ay pumayag na lang na mapangasawa ng isang abang tagasulat sa Kagawaran ng Edukasyon -sa kadahilanang walang paraan upang siya ay makilala, panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang tanyag at mayaman na lalaki.

Page 170: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino158

Pangkaraniwan lang ang suot ni Mathilde dahil hindi niya kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya dahil hindi siya ipinanganak mula sa mayayaman at kilalang angkan.

Para sa kanila ang kagandahan, magandang biyaya, at makatawag pansing pagkatao ay nagdedepende sa pinanggalingang lahi. Ang mga ito’y likas lang. Yakap nila ang prinsipyong naging gabay na kinakailangang matutuhan at maging likas sa isang babae ang kaaya-ayang pagkikilos, pinong asal at pag-uugali, at kakaibang kislap ng diwa upang mapantayan ng mga karaniwang babae ang mga babae sa mataas na angkan.

Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde. Ipinaghihinagpis

niya ang karukhaan ng kanyang lumang tahanan, ang mga nakaaawang anyo ng mga dingding, ang mga kurtinang sa paningin niya’y napakapapangit. Higit pa dito, nasasaktan siyang makita sa kanyang isipan ang sarili –isang probinsyana- na noo’y gumagawa ng simpleng gawaing bahay.

Siya’y naniniwala, pera ang kinakailangan upang matamasa

ang lubos na kaligayahan sa buhay. Siya’y nangangarap ng mga magagarang at mamahaling kagamitan sa bahay, masasarap na pagkain, at mga katulong. Sa pangarap niya’y siya nakikipagkwentuhan sa mga malapit na kaibigan; na ang lahat na atensyon ay nakabuhos sa kanya; at na siya’y kinaiingitan dahil siya’y may maraming tanyag na lalaking manliligaw.

May dati siyang kaibigan; mayaman na kaklase niya sa kumbento

noong nag-aaral pa sila. Hindi na niya ito kinakausap at binibisita sa kadahilang lalo lamang tumitindi ang kapighatiang kanyang nadarama kung siya’y makauwi na.

Isang gabi, masayang dumating ang asawa ni Mathilde. Inabutan

siya ng sobre, isang imbetasyon para sa kanila -G. at Gng. Loisel- mula sa Ministro ng Edukasyon at asawa nitong si Georges Ramponneau para sa isang kasayahang idaraos sa palasyo, sa Lunes ng gabi, Enero 18.

Page 171: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 159

Sa halip na matuwa, may galit niyang itinapon ang imbetasyon sa mesa at nagtanong kung ano ang mabuting dulot ng sobreng iyon sa kanya at siya’y umiyak. Ang asawa niya ay nalilito; ang buong akala niya ikaliligaya ito ni Mathilde. Sinabi ng lalaki na lahat sa opisina ay gustong-gusto ito, pero siya lang ang sinuswerte. Akala niya maglulundag sa saya ang asawa dahil siya’y lalabas para sa isang importanteng okasyon at makikita ang halos lahat na tanyag na mga panauhin.

Siya’y tinanong ng kanyang asawa kung bakit sobrang sakit ang

kanyang pag-iyak. Sumigaw si Mathilde, “ano sa akala mo, dadalo ako?” Hindi nakapagsalita ang asawa; laking gulat niya sa galit na galit na tingin ni Mathilde sa kanya at sa inaasal nito.

“Ano ang nangyari?” “Bakit ka umiyak?” “May problema ba?”

Tanong ng kanyang asawa. Huminahon si Mathilde at sa malumanay na boses sinabi niya sa asawa, “ wala … wala … ang sa akin lang, wala akong maisusuot na damit sa okasyon na ‘yan, kaya hindi ako makadalo.” “Ibigay mo nalang ang imbetasyong iyan sa asawa ng kasamahan mo na may kakayahang bumili ng mas magagandang damit kay sa akin.”

Pagkatapos mahimasmasan ng kanyang gulat at walang masabi

sa sagot ni Mathilde, nagtanong siya kung magkano kaya ang damit para sa okasyon. Nakapag-isip si Mathilde, nakamamanghang isipin na hindi agad siya tinanggihan ng kanyang kuripot na asawa. “Siguro mga apat na daang prango / Francs.” (ang 400 na prangko ay 80 dolyar sa panahon nila sa Paris). Hindi makakibo ang asawa wala siyang naipon na pero para doon.

Subalit, binigyan pa rin niya ang kanyang asawa ng apat na

daang prangko sabay sabing dapat ang damit na iyon ay maganda at kanais nais para sa kanya. Ngunit isang hapon, si Mathilde ay naging magalitin at di mapakali. May problema na naman siya. Matapos ang tatlong araw sa kapipili ng damit, sa wakas nakabili na rin siya. Ang damit ay handa na pero wala siyang alahas na susuutin. Ayon kay Mathilde nakamamatay sa hiya ang tingnan kang napakahirap sa harapan ng mga mayayaman. Kaya, mas nakabubuti raw na huwag na siyang dadalo pa.

Page 172: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino160

Hindi nakumbinsi ng asawa si Mathilde na bumili ng tatlong magagandang rosas sa halagang 10 prangko kaysa bibili pa ng alahas. Kaya sinabihan nalang siyang manghiram ng alahas mula sa kanyang kaibigan na si Bb. Forestier. Lumundag sa tuwa si Mathilde sa suhestyon ng asawa.

Bumisita si Mathilde sa kanyang kaibigan at sinabi ang pakay nito.

Kinuha ni Bb. Forestier ang isang kahon at binuksan. Sinabi ng kaibigan ng puwede siyang mamili. Pero walang nagustuhan si Mathilde. Palagi siyang nagtatanong sa kaibigan kung may iba pa ba siyang mga hiyas. Nagbukas pa ng ilang sisidlan ng hiyas ang kaibigan upang makapili ng kanyang gusto si Mathilde.

Napansin ni Mathilde ang isang kahong nababalot ng itim na

satin; nasa loob nito ang isang kuwintas na diyamante na lubhang kahanga-hanga. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nanginginig ang mga kamay na dinampot ang kuwintas. Isinuot niya ang kuwintas sa ibabaw ng kanyang damit na may kataasan ang pinakaleeg. Mahabang sandaling nalunod siya sa kaligayahan sa pagmamalas sa sariling alindog sa salamin. Sa isip niya baka hindi ipahiram ng kaibigan ang kuwintas. Siya’y nagtanong. “Ipahiram mo ba ito sa akin?” “Oo naman, bakit hindi.” Niyakap ni Mathilde ang kaibigan, pinupog ng halik at maligayang nagpaalam dito.

Sumapit ang inaasahang araw ng sayahan. Nagtamo ng malaking

tagumpay si Mathilde. Nahigitan niya sa ganda, rangya, at kahali-halina ang lahat ng mga babaeng dumalo. Napako sa kanya ang paningin ng mga kalalakihan at gumawa sila ng paraan upang makilala si Mathilde. Ninais siyang maisayaw sa lahat ng kagawad ng kabinete pati na ang mga ministro.

Mag-ikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay

umuwi. Hatinggabi pa lamang ang asawa niya’y tulog na kasama ang tatlong lalaki na ang mga asawa ay nagpakalunod din sa kaligayahan.

Ibinalabal ng asawa sa balikat ni Mathilde ang isang lumang

pangginaw na gamit ng karaniwang tao; hindi ito nababagay sa mamahaling damit na suot niya. Nagmamadali siyang umalis upang huwag mapansin sa mga babaeng suot ang mga mamahaling balabal.

Page 173: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 161

Pinigil siya ng kanyang asawa, sinabihan siyang maghintay at kukuha siya ng masasakyan pero ayaw patigil ni Mathilde; nagmamadali siyang nanaog sa hagdan. Hindi sila nakakita ng sasakyan sa lansangan at sila’y nagsimulang maghanap. Tinahak nila ang daang patungo sa ilog na Seine. Kapwa sila kumikinig sa ginaw at pinanawan na ng pag-asang makakita pa ng kanilang masasakyan. Sa wakas ay nakatagpo sila sa daungan ng isa mga masasakyan na makikita lamang sa gabi; mga namamasada na parang ikinahihiya ang karalitaan sa liwanag ng araw.

Pagkahatid sa kanila sa kanilang tinitirhan ay malungkot na umakyat sa hagdanan si Mathilde; tapos na ang maliligayang sandali para sa kanya. Pero para sa kanyang asawa, wala siyang iniisip kundi ang makarating sa trabaho bago ang ikasampu ng umaga.

Hinubad ng babae sa harap ng salamin ang kanyang balabal

upang minsan pang makita ang kanyang kagandahan. Napasigaw siya ng malakas. Wala sa leeg niya ang kuwintas! Nag-usisa ang asawang noon ay nangangalahati na sa pagbibihis. “Anong nangyari sa iyo? Bakit? Parang baliw na binalingan ni Mathilde ang asawa. “Wala ang kuwintas ni Bb. Forestier.” Ang nabiglang lalaki’y napalundag halos sa pagtayo. “Ano!” “Paanong nangyari?” “Imposible.”

Hinanap ng mag-asawa ang kuwintas kung saan-saan. Pero

hindi nila natagpuan ang kuwintas. Naisip na nilang baka kinuha ng drayber na kanilang nasakyan. Balisang nagtitinginan ang mag-asawa. Nagbihis muli ang asawa ni Mathilde at may planong balikan ang lahat na pinagdaanan nila. Si Mathilde ay naiwan na di nakabihis. Tila nawalan siya ng lakas kahit sa pagtungo sa kama upang matulog. Labis na ang kanyang panlulumo. Nawalan siya ng sigla at nawalan siya ng kakayahang mag-isip ng anuman.

Hindi nakita ng asawa ang kuwintas. Nagtungo na siya sa himpilan

ng pulis, sa tanggapan ng mga pahayagan at nagpalagay ng lathalang magbigay ng pabuya sa makapagsasauli sa kanila ng kuwintas. Tinungo rin niya ang lahat ng tanggapan ng mga sasakyang namamasada sa gabi at sa lahat ng mga inaakala niyang makapagbibigay ng pag-asang makapagbabalik ng kuwintas.

Page 174: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino162

Bumalik kinagabihan ang asawa ni Mathilde. Siya’y pagod na pagod, namumutla, at nanlalalim ang mga mata. Pinayuhan niya si Mathilde na sulatan si Bb. Forestier at sabihing nabali ang sarahan ng kuwintas at kasalukuyang ipinagawa upang magkapanahon silang makapag-isip. Ginawa naman ni Mathilde ang payo ng asawa.

Lumipas na ang isang linggo, lubusan na silang pinawian ng pag-

asa; kailangan na nilang mag-isip kung papaano palitan ang kuwintas. Sa maikling panahon na iyon ay tumanda ng limang tao si G. Loisel.

Kinabukasan sila ay nagtungo sa tanggapan ng alahero (nabasa

nila sa sisidlan ng kuwintas), ngunit hindi pala sa kanya nabili ang kuwintas kundi ang kahon lang na sisidlan nito. Pinuntahan nila G. at Gng Loisel ang halos lahat ng tanggapan ng hiyas upang makatagpo ng katulad ng kuwintas na nahiram nila. Halos nanlupaypay sila sa pagkabigo at paghihirap ng kalooban.

Nakatagpo sila sa isang tindahan sa Palais Royal ng isang tuhog

ng diyamanteng sa palagay nila ay katulad ng kanilang pinaghahanap na kuwintas. Nagkahalaga ito ng apatnapung libong prangko (ang 400 Prangko ay 80 dolyar sa panahon nila). Ang kuwintas ay ibibigay sa kanila ng tatlumpu’t anim na libo lang. Pinakiusapan ng mag-asawa ang may-ari ng tindahan na huwag munang ipagbili ang kwintas sa loob ng tatlong araw. Pinakiusapan din nila ang may-ari ng kung makita nilang muli ang kuwintas bago matapos ang Pebrero, ipagbili nila ito sa may –ari sa halagang 34.000 Prangko (Francs) lang.

May namanang labingwalong prangko si G. Loisel sa namatay

na ama. Hihiram siya sa iba pang kapupunan nito. Gayon nga ang ginawa ng lalaki. Kung kani-kanino siya nanghiram, lumagda ng mga kasulatan, pumasok kahit sa mga gipit na kasunduan. Kumuha ng mga patubuan at pumatol sa lahat ng uri ng manghuhuthot. Inilagay niya ang buhay niya sa alanganin na katayuan. Alam na alam niyang di niya natitiyak kung matutupad o hindi ang kanyang mga nilagdaan.

Matapos maipon ang lahat ng halagang kailangan ay tinungo ni

G. Loisel ang tindahan ng kuwintas at ibinagsak sa mesang bilangan ng may-ari ng tindahan ng mga hiyas ang tatlumpu’t anim na libong prangko.

Page 175: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 163

Malamig ang pagtanggap si B. Forestier kay Mathilde ng isauli niya ang kwintas. Medyo matagal kasi at sinabing sana isinauli niya agad baka may gamitan siya nito. Hindi na binuksan ng kaibigan niya ang kahon. Takot din si Mathilde na buksan iyon at mahalatang pinalitan ang kuwintas at isipin ng kaibigan na siya ay magnanakaw.

Lubos na tinanggap ni Mathilde ang mabuhay sa gitna ng

karalitaan. Lumipat sila ng maliit na bahay na matitirahan. Naranasan niyang gumawa ng mabibigat na gawain. Pumasok siya bilang tagapangasiwa sa kusina. Siya’y nagluluto, naglalaba, nagpapanaug sa lansangan ng kakaning baboy, nagpapanhik ng tubig nila sa itaas. Nagtutungo sa tindahan ng prutas, de lata at magkakarne. Nakikipagtawaran siya. Suot niya ang pananamit ng pangkaraniwang babae. Nilalait at ipinakikipaglaban ang kararampot niyang pamalengke. May pagkakautang silang binayaran ng buwanan, may pinagkakautangan silang pinakikiusapan, humingi ng kaunti pang panahon sa pagbabayad.

Tumagal ng sampung taon ang ganito nilang pamumuhay na

mag-asawa. Sa wakas nabayaran na rin ang buong pagkakautang, kasama na ang mga tubo at nagkapatong-patong na tubo ng mga tubo.

Mukhang matanda na ngayon si Mathilde. Isa na siyang tunay na

babae ng mga maralitang tahanan. Naging matipuno ang kanyang pangangatawan, matigas ang mga laman, magaspang at namumula ang mga kamay, nakasabog ang kanyang buhok at tabingi ang saya, at matinis na ang kanyang boses. Pero minsan, kung wala sa bahay ang kanyang asawa, siya’y nakaupo sa may bentana at ginugunita ang kahapon kung saan sa gabing iyon ay napakaganda at napakaligaya niya. Sa isip niya, nang dahil sa gabing iyon at pagkawala ng kuwintas ay naranasan niya ang hirap sa buhay.

Ano ang maaring nangyari kung hindi nawala ang kuwintas? Sino

ang nakakaalam? Talaga bang mahiwaga at di matantya ang buhay? Gaano kalayo o kalapit ang kalungkutan sa kaligayahan?

Isang araw ng Linggo, samantalang naglalakad si Mathilde sa

Champs Elysees; nagliwaliw matapos ang isang linggong singkad na

Page 176: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino164

mga gawain sa bahay ay namataan niya si B. Loisel na may akay-akay na bata. Maganda pa rin katulad ng dati ang kanyang kaibigan, mukhang bata at taglay pa rin ang panghalina.

Sinalubong niya ito na may ngiti. “Kumusta ka na Jeanne?” Labis

ang pagtaka ni Jeanne Forestier hindi siya nakilala nito. Nagpakilala si Mathilde at halos napaiyak ang kaibigan na makita ang kahabag habag na anyo ni Mathilde. Siya’y nagkuwento sa kaibigan kung bakit niya sinapit ang ganitong kapalaran. Sinabi niyang ito ay dahil sa kanya –ni B. Forestier. Nagtaka ang kaibigan bakit siya ang naging dahilan. Ipinaliwanag ni Mathilde ng buong tapang at may pagmamalaki; na hindi man niya nasauli ang kanyang hiniram pero sampung taon siyang nagbabayad nito mapalitan lang niya ang kuwintas na hiniram niya na nagkakahalaga ng tatlong libong prangko.

Laking gulat ni Jeanne Forestier sa sinabi ni Mathilde. “Bumili ka ng

dyamanteng kuwintas upang palitan ang hiniram mong kuwintas kong nawala? Hinawakan ng kaibigan ang kamay ni Mathilde at sinabing “kaawa awa kong kaibigan, ang kuwintas kong hiniram mo ay hindi tunay na dyamante, isa lang iyong imitasyon at nagkakalahaga lang ng limang daang prangko.

-wakas-

Upang makita at mailarawan ang mga pamaraan paano tinalakay ang teksto, kinakailangan na malalaman ng mambabasa ang mga kaugnayan ng mga elemento para sa maikling katha.

Page 177: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 165

Pagsasanay

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Ang mga katanungan sa ibaba ay gabay upang malaman kung paano tinalakay ang kuwento.

A. Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang tagpuan ng kwento? (lugar at panahon)_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Sino sino ang mga tauhan? Ilarawan sila._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

4. Ano ang naging problema sa kwento? (Ang naging problema ng pangunahing tauhan)._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

5. Paano ang daloy ng mga pangyayari? Ibigay ang lagom/buod ng mga pangyayari sa kwento.

•Introduksyon(paglalahadngtagpuanatkungsino-sinoangmgatauhan)_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 178: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino166

•Pagtaasngpangyayari(mgapangyayaribagoangsukdulan)_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

•Kasukdulan._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. •Kakalasan(Mgapangyayaribagoangwakas.)_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. •Angwakas_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. 6. Ano ang tema ng kwento?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

7. Ano ang pamagat ng kuwento? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

8. Sino ang nagsalinwika at nagsalaysay nito sa Filipino?________________________________________________________________

9. Ano ang orihinal na mapagat ng kwento at sino ang sumulat nito?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 179: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 167

Ang mga katanungan sa unang mga pahina ay mga gabay upang malalaman ang mga elemento ng maikling kwento. Ito ay ang mga: tagpuan, tauhan, problema, pagkasunod-sunod ng pangyayari at tema.

Sa pagsasalaysay ng pagkasunod-sunod ng pangyayari, ito ay dapat magsimula sa paglalahad ng mga tauhan at tagpuan; pagtaas ng pangyayari, kasukdulan ng kwento, mga pangyayari bago ang wakas, at ang katapusan o wakas ng kwento.

Importante ring malaman ang pamagat ng kwento, at kung sino ang sumulat nito. Ito ba’y orihinal na akda o na salinwika ba; upang magabayan kung paano unawain ang teksto.

Ang mga gawain at katanungan sa mga naunang pahina ay panimula pa lang bago marating ang pang-unawang may kritikal na pag-analisa.

Bawat tao ay may iba-ibang pakahulugan at maging mga katanungan

tungkol sa teksto. Bilang isa ring mambabasa may katanungan ang nagsalinwika at nagsalaysay sa kuwentong “Ang Kwintas;” basahing mabuti at tugunan kung pareho ba ang inyong mga katanungan at kasagutan mula sa nabasang kuwento.

Mga posibleng tanong ng mga mambabasa

Personal na sagot ng nagsalinwika at nagsalaysay ng kwento

•SinosiMathilde? •HindinakilalaniMathildeangkuwintaskungitobaay tunay o imitasyon; ito’y nagsasaad na talagang mahirap lang siya; wala siyang kaalam-alam paano kilatisin ang tunay sa hindi. Si Mathilde ay talagang mula sa angkan ng maralita; siya ay walang kislap ng diwa bilang isang gabay upang matumbasan ng pangkaraniwang babae ang mga babae sa mataas na antas ng buhay.

•PapahiraminmobasiMathildeng kwen-tas, tulad ng ginawa ni Bb Forestier sa kwento?

•Oo,papahiraminkosiya.Alamkonamangimitasyon lang ang iyon. Para sa akin, walang magpapa-hiram ng orihinal na kwentas na diyamante para lang sa isang kasiyahan.

Page 180: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino168

• Para sa iyo talaga bang may-aman si Jeanne Forestier?

• Hindi. Hindi rin niya nakilala ang diyamantengkwentas na isinauli ni Mathilde. Isa pa, Sa tagpuan ng kwento, ipinahihiwatig ng may malaking agwat ang mga mayayaman at mahihirap. Sa kwento, sila ay magkaibigan, ito’y nagsasaad na pareho lang ang antas sa buhay. Sa tagal ng panahon imposibleng hindi niya nabuksan ang kahon o ginamit man lang ito; dahil mababasa sa kwento na medyo galit siya kasi natagalan si Matilde sa pagsauli nito at paano kung gagamitin niya ito at di pa nasauli.

•Anoangrepleksyonmosaipinahiwatig na idolohiya?

•Mataposmongmabasaangkwento,matatakotkang mangarap. Posibleng ang maging repleksyon ng karamihan ay makuntento na lang sa buhay upang huwag matulad kay Matilde. Ang ipinahihiwatig na idolohiya nito ay huwag na tayong mangarap upang huwag masadlak sa kapahamakan.

•Tatanggapinmobaohindiangipinahi-hiwatig na idolo-hiya? Bakit?

• Hindi. Ako’y naniniwala na dapat ang tao aymangarap para sa kanyang buhay. Binigyan tayo ng Diyos ng biyayang mag-isip, magplano, at magdesisyon sa ating buhay. Kung tayo ay dapat ng makuntento, bakit tayo nag-aaral? Nag-aaral tayo dahil tayo ay may mga mithiin sa buhay, may mga pangarap upang maging ma-tagumpay at maging masaya.

•Sapalagaymo,anoangnagingposisyon sa teksto?

•Upangmalamankoangnagingposisyonsatek-sto, kailangan ko munang malaman ang posisyon ng may akda tungkol sa mga bagay bagay o pulitika sa kanilang panahon. Kung ito ba’y nagsu-sulong ng isang paniniwala na sa isang bansa kailangang mayroong mahirap upang maging utusan o alipin ng mga mayayaman; kung may manipulasyon bang nangya-yari. Babasahin ko ang ibang aspeto ng pamumuhay sa isang tagpuan ng kwento upang puwede ko nang sabihin na ang may akda ay may pakay na manakot at huwag ng mangarap ang mga tao para mananatili silang mahirap; o kaya’y mapa-tunayan kong siya ba ay makadukha o hindi.

Page 181: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 169

• Ano ang pama-maraan naginamit upang matalakay ang kwento?

• Ang kwento ay umiikot lang kung papaanomamumuhay at magdedesisyon ang mga mahi-hirap; hindi ito masyadong naglalarawan tungkol sa mga mayayaman. Mababasa sa kuwento na ang isang mahihirap tulad ni Mathilde ay naging maligaya kung ano ang nasa kanya. Palagi niyang iniisip ang kakulangan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Mababasa sa kwento na kahit wala silang ipon para sa isang bagay, gagastusin nila ang kanilang pera upang matupad lang ang kanilang panandaliang ninanais. Naglalahad din ito ng pagtago ng problema at pagsisinungaling. Kung sana sinabi agad ni Mathilde ang problema sa kaibigan hindi siya hahantong sa kapahamakan. Naglalarawan din ito ng katayuan ng babae at lalaki sa komunidad; na kahit mali susundin ng babae ang utos ng lalaki -kung saan sinulatan ni Mathilde ang kaibigan ayon sa utos ng kanyang asawa. Nagtalakay din ito na hindi lahat ng kaibigan ay naging bukas sa iyo. Ginamit ang karakter ni Jeanne bilang mayaman na naglalarawan bilang mapagbigay ngunit tinataksil -sa pamamagitan ng pagsisingaling- ng mahirap na si Mathilde. Bilang mambabasa, puwede akong mag-isip na pinapaalam sa mga mambabasa na ang mga mahihirap ay nakikipag-kumpetensya, hindi masaya dahil walang pera; walang edukasyon; sinungaling; sunod sunuran at walang utang na loob. Bilang mambabasa ako’y magdedesisyon kung papani-niwalaan ko ba ito; ang sagot ko’y hindi. Para sa akin, kung ano man ang katayuan natin sa buhay, iyon ay ayon sa ating kakayahang maniwala, mangarap, at magdesisyon; na kinakailangan ng tao ang malaman kung papaano mabuhay sa tama.

Page 182: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino170

Page 183: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 171

Pagsasanay

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Sagutin ang mga sumusunod

1. Kung ikaw si Mathilde, tularan mo ba siya? Bakit? Bakit hindi?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Kung may babaguhin ka sa pangyayari sa buhay o ginagawa ni Mathilde sa kuwento, ano iyon at bakit?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Ano ang mensahe ni Guy de Mauppasant sa kanyang kwento?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

4. Sasang-ayon ka ba sa mensahe niya? Bakit at bakit hindi?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 184: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino172

Page 185: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 173

Metakognitiv at kognitiv na estratehiya tungo sa kritikal na pagbasa

Ang mga mambabasa na may layuning kritikal na pag-aanalisa ay may mga estratehiya tungo sa kritikal na pagbasa. Ang mga mambabasang ito –text analyst- ay may mga pagsasanay na nagmula sa orihinal na konsepto ukol sa “critical literacy.”

Ayon kay Lankshear (1994) ang “critical literacy” ay tumutukoy sa kritikal na pag-aanilisa ng teksto na may paniniwalang walang teksto na nyutral at inosente kung ang pag-uusapan ay ang pakahulugan tungkol sa idolohiya o sosyo-kultural (Harris et al, 2006).

Ayon sa kanila, ang “critical literacy” ay parang “magic bullet” na makakakita kung paano pinaglalaruan ng teksto ang mga mambabasa at kung paano tumatalakay ng mga idolohiya upang papaniwalain ang mga mambabasa.

Bawat mambabasa ay may kanya kanyang estratehiya kung papaano niya tugunan ang posisyon ng tekstong binasa sa kanyang pag-aanalisa. Sa puntong ito, ang “critical literacy ay parang detektor na pwedeng gamitin kung kinakailangan.Si Lanksher ay may mga opinyon tungkol sa “critical literacy” na kinikilala at ginagamit sa pangkalahatan.

• “Critical literacy” bilang pansariling tugon sa tekstong binasa. Ayon kay Luke at Walton (1993) sa istratehiyang ito, ang mga

mambabasa ay hinihikayat na makapaglakbay, makabuo, at makapagpahayag ng sariling opinyon tungkol sa tekstong binasa na may konsiderasyon sa sariling pagkilala ng sarili at naging karanasan (Harris et al, 2006).

Ang mga katanungan ng mga mambabasa sa antas na ito ay puwedeng:o Ano ang naging pakiramdam mo pagkatapos mong basahin ang

teksto?o Ano ang naisa-isip mo matapos mong basahin ang teksto?o Ano ang puwede mong ipahayag tungkol sa iyong nabasa?

• “Critical literacy” na nabubuo o naka-istruktura dahil sa idolohiya ng kolonisasyon. Sa pamamaraang ito, ayon kay Freebody at Walton (1993) ang teksto ay naging isang tagalahad ng katutuhan tungkol sa pangyayari sa isang lipunan, sa naging relasyon, at pagkilala nito (Harris et al, 2006).

Page 186: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino174

Ang mga mambabasa ay pinapatnubayan sa kanilang paglalakbay kung papaano unawain ang mga ideya at mga interes sa tekstong binasa.

Ang mga katanungan ng mga mambabasa na gumagamit sa istratehiyang ito ay ang mga sumusunod:o Kaninong ideya o boses ang napakinggan?o Kaninong ideya o boses ang hindi napakinggan?o Kaninong opinyon ang isinasalaysay?o Gaano ka importante ang opinyong napakinggan?o Paano kaya magbabago ang daloy ng teksto kung ito ay

mapakinggan sa ibang pagkakataon at sa iba na may opinyon din.

o Kaninong interes ang binigyang pagkilala?o Sino ang hindi binigyang halaga?

•“Criticalliteracy” na nabubuo o naka-istruktura dahil sa idolohiyang pambabae. Ang istratehiya o ang pamamaraan ito ay nakatuon kung papano nabuo at napatunayan ang katotohanan tungkol sa pagkilala at relasyon ng angking kasarian sa lipunan. Ang mga mambabasa ay hinihikayat na magtanong kung paano hinuhulma ng teksto ang angking kasarian; at iugnay ang nabuong repleksyon sa kanilang naging posisyon sa lipunan.

Ayon kay Davies, Gilbert, at Rowe (1989), ang mambabasa ay ginagabayang makita kung papaano nabuo ang teksto at kung anong hulwaran ang binigyang importansya upang mailarawan ang pagiging babae at pagiging lalaki -ayon sa salaysay, maging sa aksyon, tungkulin, dayalogo, pananamit at iba pang kagamitan na may panlalaki at pambabaeng katauhan (Harris et al, 2006).

• “Critical literacy” bilang instrumento para sa kalayaan mula sa opresyon. Ayon kay Freire (1972) na mababasa sa aklat nina Harris et al (2006), sa stratehiyang ito, ang guro ang siyang mangunguna para sa isang dayalogo kasama ang mga mag-aaral o mga mambabasa. Ang maging layunin ng dayalogo ay upang maipahayag ng mga mag-aaral ang kanilang ideya kung ano ang naging katotohanan sa kanila.

Ang mga mag-aaral ay hinihikayat na magtanong sa naging larawan ng opresyon na kanilang naranasan sa pamamagitan ng hindi pagdinig ng kanilang mga ideya, interes at posisyon sa lipunan.

Page 187: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 175

• “Critical literacy” pag-aanalisa ng diskurso. Sa pamamaraang ito, angguro ay dapat maging modelo at pagpapahayag kung papaano bumubuo ang teksto tungkol sa kung ano ang makatotohanan para sa lipunan; paghahanda ang mga mag-aaral para sa pagpili ng opinyon; at pagpapatunay na makatotohanan ang nabuong teksto.

Repleksyon

1. Sa lahat na mga paksa na tinalakay tungkol sa pagbasa, ano ang pinakagusto mo? Bakit?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Alin sa mga paksa tungkol sa pagbasa ang pinaka-ayaw mo? Bakit? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Kung may gusto kang ulitin o talakaying muli, ano iyon?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

4. Ano ang iyong impresyon tungkol sa makrong kasanayan na ito? _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.5. Ano ang mga ideya ng iyong mga kaklase na pinakagusto mo?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 188: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino176

Page 189: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 177

Makrong Kasanayan sa Pagsulat

PANIMULA

Ang pagbasa at pagsulat ay magkaugnay na proseso at kapwa nagtutulungan sa paglilinang ng kahusayan. Katulad ng pagbasa, proseso ang binibigyang-diin sa pagtuturo ng pagsulat. Dagdag pa rito, ang tunguhin ng pagtuturo ng pagbasa ay sa antas na pag-unlad ng pag-unawa ng mga mag-aaral, ang tunguhin ng pagtuturo ng pagsulat ay sa pag-unlad ng pagbasa ng mga mag-aaral.

Ang pagkatuto ng pagsulat ay mabisang makakamit sa proseso ng pagbasa ng manunulat. Ang pagbasa ng isang manunulat ay pagbasa upang matuto. Paano binubuo ng may-akda ang kanyang tekstong binabasa: (1) Pinupuna ng mambabasa ang kalinawan ng wika, (2) ang nakahihikayat na mga halimbawa, nakamamangha at di-inaasahang wakas at (3) ang nakaiintrigang banghay. Malilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na mag-isip parang manunulat kung ang proseso ng pagsulat ay imomodelo.

Isang kasanayang dapat matamo ng mga mag-aaral sa silid-aralan ang

kasanayan sa pagsulat. Ito ang maituturing na isa sa pinakamabisang paraan ng pagpapahayag ng iniisip at nadarama ng bawat mag-aaral. Sa simula ay tahimik lamng siyang nakikinig sa sinasabi ng kanyang kausap. Malaya siyang nakapagsasalita ukol sa paksang kanyang napapakinggan. Maaari siyang humanap ng mga aklat at iba pang babasahin na naglalaman ng paksang kaugnay sa kanyang napapakinggan upang lalong lumawak ang kanyang kaalaman. Ano man ang kanyang napapakinggan, mga ibinahagi sa pagsasalita, mga nababasa, at napapanood ay magagamit niya sa huling hakbang ng kasanayang pangwika na maaari niyang magagawa, ang pagsulat. Sa pamamagitan nito, nailalabas niya ang mga damdaming nais kumawala sa kanyang dibdib. Naipahahayag niya ito nang walang pag-aalinlangan o pag-aatubili.

Kahulugan, Kalikasan at Proseso

Kahulugan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan.

Page 190: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino178

Ang pagsulat ay pagsasatitik ng mga kaalaman, mga laman ng isip at damdamin upang ipamahagi sa mga taong marunong bumasa.

Ayon kay Lalunio, 1990 (Alcaraz, et al. 2005), na ang pagkatuto ng pagsulat ay may batayang panlipunan at isang prosesong interaktibo. Nangangahulugan ito na ang kognisyon o pag-unawa ay naaapektuhan ng maraming salik gaya ng iskema ng mag-aaral at ng konteksto.

Ayon kay Peck at Buckhingham ang pagsulat ay ekstensyon ng wika. Maaaring

isulat ng mag-aaral ang anumang natutunan niya sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.

Ayon naman sa iba pang dalubhasa, ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anupamang kasangkapang maaaring magamit sa pagsasalin ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan.

Kalikasan ng Pagsulat

Kilalanin pa ang pagsulat batay sa mga nakalahad sa sumusunod na talaan: (Binanggit nina De Vera, et al. (2010)

Pagbuo Ang diskursong ito ay pansariling binubuo. Inilalagay ng manunulat ang kanyang sarili sa panlasa ng mambabasa. Hindi niya malalaman agad ang reaksyon sa kanyang likha kaya kailangang maingat na gawin. Ang tuon ng manunulat ay sa pagbuo ng mga tal ata at sa pagpapakahulugan.

Ang Nilalaman Ang mga nilalamang pahayag ay hindi maaaring paulit-ulit o redundant. Kailangang malinaw ang pagpapakahulugan at pag-uugnay ng mga kaisipan.

Paghahatid at Pag-iiwan Ang mga pahayag na sinusulat ay nananatili sa sulatang papel. Naiipon din ang mga iyon sa isip ng mga tagapakinig (kapag binabasa)

Ang Kawastuhang Pambalarila

Isinasaalang-alang ang wastong pagbuo ng pangungusap, pormal man o hindi. Makikita at maitatama rin ang kamalian sa baybay at gamit ng wastong mga salita at bantas.

Page 191: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 179

Proseso ng Pagsulat

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit ng manuskrito. Maaari ring tularan ang iba at alamin ang kanilang pamamaraan sa pagsusulat lalo na’t kinakailangan natin ito sa pakikipag-ugnayan sa buong mundo.

Isang proseso ang pagsulat dahil binubuo ng isang konsepto sa isipan bago isulat sa tamang panahon. (Rodrigo, 2007)

Mahalagang malaman ng sumusulat ang mga proseso na sinusunod sa pagsulat: (Villafuerte, et al., 2005)

Bago sumulat

1. Pag-iisip o pagtiyak sa paksa2. Malayang pagtatala ng mga ideya tungkol sa paksa3. Paglilimita ng paksa at pagsulat nito sa isang pangungusap 4. Pagpil i at pagwawaksi ng mga ideya5. Pag-aayos ng mga ideya batay sa isang balangkas

Habang sumusulat

6. Pagsulat ng unang draf7. Muling pag-iisip at muling pagsulat kung kinakailangan

Pagrerebisa at pagsusulat

8. Pagsulat ng isa o mahigit pang bagong draf9. Pagwawasto ng mga kamalian

URI AT ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN

Iba’t iba ang klasipikasyon ng uri ng pagsulat ayon sa persepsyon ng iba’t ibang awtoridad. Si Wilma H. Miller (1995) ay nagbigay ng isa sa maraming paraan ng klasipikasyon ng uri ng pagsulat/sulatin:

1. Malikhaing pagpapahayag (Creative expression) – Ang layunin nito ay maipahayag ang sarili at mabigyang-ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng manunulat. Ito ang personal na persepsyon na produkto ng mga karanasan o imahinasyon ng mga mag-aaral.

Page 192: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino180

Maaaring nasa anyong patula o tuluyan ng isang likas na realistiko, fansi, fiksyonal, o faktwal.

2. Pagsasalaysay (Narration) – Karamihan sa mga naratibong pagsulat ay kronolohikal na pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ang mga mag-aaral ay nagkukwento o nagsasalaysay ng mga personal na karanasan o pag-uulat ng mga naoobserbahan sa paligid sa pamamagitan ng paggamit ng ibang estratehiya sa pag-organisa.

3. Eksposisyon (Exposition) – Ang layunin sa eksposisyon na pagsulat ay magpaliwanag ng isang punto de vista, gawaing panliteratura, isang ideya, isang pilosopiya at iba pa sa pamamagitan ng pagbibigay ng interpretasyon. Dapat piliin ng mag-aaral ang pinakamahusay na paraan sa paglalahad ng mga informasyon.

4. Paghikayat (Persuasion) – Ito ay may layuning mag-impluwensya, maganyak, at mahikayat ang isang tao o pangkat na maniwala o kumilos na may pagtangkilik sa isang tiyak na paniniwala.

5. Deskripsyon (Description) – Ang layunin ng pagsulat na paglalarawan ay upang tulungan na magkaroon ng larawan sa isipan ng mambabasa. Maaaring ang mga mag-aaral ay maglarawan ng isang tao, pook, o bagay gamit ang mga detalye na makatatawag-pansin sa mga pandama

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa ng malinaw, sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ang isip ng tao.

Sinasaklaw ng tekstong ekspositori ang pinakamalaking bahagi ng binabasa at sinusulat ng tao.

Obhektibo ang pinatutunguhan ng mga paglalahad.

Hulwaran ng mga Organisasyon ng Teksto

Narito ang ilan sa mga mahahalagang uri ng estruktura ng teksto (Ambruster at Anderson, 1981; Meyer at Rice, 1984) na tinalakay sa aklat nina De Castro, et

Page 193: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 181

al (2007):

1. Enumerasyon-deskripsyon. Ang uri ng estrukturang ito ay pagtatala ng mga detalye tungkol sa paksa na walang binabanggit kahit anumang sanhi-bunga o panahon na may kaugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa kategoryang ito ang estruktura na naglalarawan, pagbibigay-halimbawa, pagbibigay ng kahulugan ng mga konsepto. Hindi ito gumagamit ng tiyak na palatandaang salita maliban sa halimbawa, at gaya ng pangyayari.

May dalawang paraan ng pagbibigay ng definisyon:

1. Formal o Denotasyon. Ito ang palasak na gamitin sa pagbibigay ng kahulugan na itinuturing na isang makaagham na paraan. Karaniwan itong makikita sa diksyunaryo at mga aklat ukol sa terminolohiya. May tatlong bahagi ito:

Una: Ang salitang binibigyan ng kahuluganPangalawa: Ang kaurian ng salitang itoPangatlo: Ang kaibahan nito sa kauri

Halimbawa: salita : soliranin Kaurian: isa sa mga awiting bayan sa iba’t ibang pagkakataon Kaibahan: awit sa paghahanapbuhay na pangingisda

2. Informal/Katuturang Sanaysay o Konotasyon. Ito ang pagbibigay-kahulugan na ginagamitan ng pansariling pananaw na maaaring ibatay ayon sa karanasan ng tao o pangkat ng tao. Karaniwang ginagamit ito sa mga salitang mahirap bigyan ng kahulugan sapagkat nangangailangan ang mga ito ng malalim na pagpapaliwanag at ginagamitan ng paghahambing, pagtukoy sa sanhi at kinalabasan, at iba pang kaparaanan.

Pansinin ang ibinigay na kahulugan sa salitang pag-ibig sa mga pahayag sa ibaba:

Ang pag-ibig ay matiyaga at mabait. Ang pag-ibig ay hindi naiinggit. Ang pag-ibig ay hindi nagmamapuri o nagmamataas.

Page 194: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino182

Ito ay hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama.

Hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan .

2. Pagkakasunod-sunod ng Panahon. Ang uri ng estrukturang ito ay katulad ng enumerasyon; bagamat, ang pagkakasunod-sunod ng oras o panahon ay binabanggit. Ang mga palatandaang salita ay: kasunod, maya-maya, ngayon, bago/muna, bukas, una, tapos, pangalawa, at pagkatapos, sa wakas, mamaya, mas maaga

3. Paliwanag-proseso. Ang paliwanag ay nagpapahayag kung paano ang isang bagay gumagana o kumikilos gaya ng: paano gumagana ang isang makina, paano magiging batas ang isang panukalang batas o bill. Ang pagkakasunod-sunod ay binabanggit ngunit ito ay mga hakbang ng isang proseso kaysa sa panahon at pagkakasunod-sunod ng diin. Ang isang paliwanag na estruktura ng teksto ay kabilang ang palatandaang-salita gaya ng pagkakasunod-sunod na panahon.

4. Pagkakatulad-pagkakaiba. Itong uri ng estruktura ay nagsasaad ng pagkakatulad at pagkakaiba. Kabilang sa mga palatandaang-salita ang mga sumusunod: bagamat, katulad, sa isang punto, sa kabilang dako, iba sa, iba, ngunit, ganoon pa man

5. Suliranin-solusyon. Isang pahayag ng suliranin ng sinusundan na posibleng mga solusyon. Ang mga palatandaang-salita ay suliranin at solusyon.

6. Sanhi-bunga. Ilalahad ang isang bunga kasabay ang isang sanhi o mga sanhi.Ang mga palatandaang-salita ay: sapagkat, kung gayon, sa ganitong pangangatwiran, bilang resulta, yamang, ang ibinunga ng pangyayari, sanhi, bunga

7. Pagsusuri. Ginagamit ang ganitong hulwaran sa mga akdang kritisismo gaya ng revyung pampelikula, revyu ng isang aklat, o revyu ng mga akdang pampanitikan. Unang inilahad dito ang mga impormasyon o detalye buhat sa sinuri at saka pa lamang ito bibigyan ng sariling reaksyon.

Page 195: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 183

Pagtatalata

Talata ang bumubuo sa isang naisulat na akda/komposisyon. Ito ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga pangungusap na may isang buo at magkakaugnay na kaisipan. Sa simula, ito ay isinusulat nang may palugit o indensyon mula sa kaliwa at nasusulat sa malaki ang unang titik ng unang salita.

Makikita ang mga uri ng talata sa isang ganap na teksto. Ang mga ito ay panimulang talata, talatang ganap, talatang paglilipat-diwa at talatang pabuod.

Ang mga Uri ng Talata at Halimbawang Teksto

Uri ng Talata Halimbawang Akda

Mag-aaral, Mag-aaralni Steven Marcial

Panimulang Talata

Makikita sa uring ito ang pasabi at pahiwatig sa laman, paksa at paraan ng pagtalakay ng may-akda. Sa halimbawa mahihinuha ng mambabasa na may ilalahad ang sumulat na mga pagkilala at pagbubukas ng paksa.

Mahal ang bayad sa pag-aaral mo.Iyan lang ang tanging pamana sa iyo. Magsikap

ka. Tapusin ang nasimulan mo. Mag-aral kang mabuti. Ang mga nabanggit ay karaniwang naririnig sa mga magulang at nakatatanda. Iyon ay mga paalala kung hindi man ay pakiusap nila. Kung mamalasin pa, nagmimistulang pagmamakaawa sa naglolokong anak nina ama at ina.

Page 196: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino184

Talatang Ganap

Sumusulong na kaisipan at mga konsepto sa akda sapagkat nagkaroon na ng pag-iisa-isa sa mga mahahalagang puntos at detalye bilang suporta sa diwang pinauunlad.

Ang masikap at mabuting mag-aaral ay hindi nabibingi sa mga paalalang iyon. Naiiba sila sa ilang tanging prinsipyo ay pumasok lang sa klase na walang alam at uuwi ring blangko ang isip. Mayroong ngang iba na lumiliban. kapag may pasok upang magbabad lang sa mga tambayan. May ilan pa na kahit walang pasok ay naghihimalang di makaliliban sa mga gimikan. Ano kayang kaalaman ang mapupulot ng mga mag-aaral na ito?

Gugugol lamang ng maikling panahon upang ituwid ang pananaw ng mga naliligaw na mag-aaral. Paano? Balikan at muling buksan ang dating mga itinambak na libro. Hindi kailangang magsaulo ng mga konsepto. Maging bukas lang sa pagtanggap ng mga impormasyong sa isipan ay bago. Oo nga’t mahirap pero kapag nasanay na, ang antas ng pagsisikap ay unti-unting aangat.

Talatang Paglilipat-diwa

Sa uring ito, may pagtatangkang lagumin ng manunulat ang naunang mga talata at maglahad naman ng bagong kaisipang kaugnay ng pokus na paksa.

Mababasa sa halimbawa na naglahad ang sumulat ng mga mungkahi sa kung paano ang tunay na pag-aaral.

Ang pagbuo ng pangarap at pagpupunyaging maabot ang mga ito ay makatutulong din sa isang mag-aaral. Kung ang tao ay may pakay at nais na makamit sa hinaharap o sa kanyang buhay, itinutulak siya ng paniniwalang kailangan muna niyang magtiis, dumaan sa mga pagsubok at kumilos upang maisakatuparan ang mga iyon. Kung madali lang matupad ang mga pangarap, nagdilang-anghel na sana ang maliliit na batang minsan ay pabirong tinatanong ng kanilang mga magulang kung ano ang gusto nilang maging trabaho sa paglaki. Ngayon ay marami na sanang guro, doktor, piloto, arkitekto, at iba pa. Pero kailangan talagang mag-aral, mag-aral at mag-aral muna nang mabuti. Wala nang ibang mas madali pang paraang pagpipilian.

Responsibilidad ng mga anak na suklian ang paghihirap ng mga magulang na walang sawang itinataguyod ang kanilang pag-aaral. Sina inay at itay ay matutuwa kung makikitang tinatanggap ng anak ang diplomang patunay ng kanilang pagsisikap.

Page 197: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 185

Talatang Pabuod

Ang pangwakas na bahaging ito ay nagbibigay sa mga mambabasa ng pangkabuuang lagom ng teksto. Binigyang-linaw sa bahaging ito ang pangkalahatang kaisipan ng teksto. Mapanghikayat ang bahaging pagwawakas.

Ang anim na taon sa elementarya , apat sa sekundarya at apat o higit pa sa pagsapit sa kolehiyo ay huwag sayangin. Kahit buong buhay ay ituon sa pag-aaral sapagkat habang nabubuhay ang tao ay patuloy ang pagbuhos at pagtuklas ng mga bagong kaalaman.

Lahat ay makapag-aaral nang mabuti kung magkakaroon ng konsentrasyon. Mangarap at ilagay sa puso ang lahat ng ginagawa. Malaki rin ang maitutulong ng mga taong nagmamalasakit sa paligid.

Simulan ngayon, mag-aral na…

Page 198: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino186

Page 199: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 187

Pagsasanay

I. Isulat sa patlang ang salita o parirala na kailangan upang mabuo ang diwa ng pahayag.

1. Ang pagbasa at ________ ay magkaugnay na proseso at kapwa nagtutulungan sa paglilinang ng kahusayan.

2. Ang tunguhin ng pagtuturo ng pagbasa ay sa antas na pag-unlad ng ___________ ng mga mag-aaral.

3. Ang tunguhin ng pagtuturo ng pagsulat ay sa pag-unlad ng ___________ ng mga mag-aaral.

4. Ang pagsulat ay ___________ ng mga kaalaman, mga laman ng isip at damdamin upang ipamahagi sa mga taon marunong bumasa.

5. Ayon kay Lalunio (1990), na ang pagkatuto ng pagsulat ay may batayang panlipunan at isang prosesong _____________. Nangangahulugan ito na ang pag-unawa ay naaapektuhan ng maraming salik gaya ng iskema ng mag-aaral at ng 6.______________.

7. Ayon naman ng iba pang dalubhasa, ang pagsulat ay ___________ sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit sa paglilipat ng mga nabuong 8.___________, simbolo at 9._________ng isang tao o mga tao sa layuning 10. ___________ ang nasa kanyang isipan.

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 200: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino188

II. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Bigyang-kahulugan ang pagsulat ayon sa sariling karanasan.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Likas nga ba o sadyang natututuhan ang pagsusulat? Ipaliwanag ang sagot.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Alin ang higit na mahirap gawin sa proseso ng pagsusulat? Alin ang higit mong pag-ukulan ng pansin? Bakit?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

4. Alin sa mga uri ng pagsulat ang kaya mong sulatin? Bakit?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 201: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 189

III. Sagutin ang mga sumusunod na paksa sa pamamagitan ng pagsulat ng mga kaugnay na detalye sa paraang patalata. Gawing maikli at direkta sa punto ang mga talataan.

Ano ang pananaw mo sa ______?

1. Pagsusulong ng wikang Filipino sa akademya

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Dapat ba o di dapat Agosto ang pagsisimula ng klase sa Pilipinas

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

3. Baryasyon ng wika na Enggalog at Taglish

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

IV. A. Subuking makasulat ng iba’t ibang uri ng pagsulat o sulatin gaya ng mga sumusunod:

1. Malikhaing pagpapahayag2. Pagsasalaysay3. Ekposisyon4. Paghikayat5. Deskripsyon

Page 202: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino190

B. Isaalang-alang ang mga uri ng talata sa pagbuo ng iba’t ibang uri ng pagsulat o sulatin. Ang teksto ay hindi kukulangin sa apat na talataan na may tiglilimang pangungusap sa bawat talata.

Page 203: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 191

Mga Pangatnig/Konektivs

Ito ay ang mga kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala, at sugnay sa kapwa sugnay upang ang diwa ng pangungusap mga at mga talataan.

Mga Uri

1. Pagbibigay-kondisyon o pasubali – Nagsasaad ng kondisyon o pasubaliHalimbawa: kung, sakali, kapag, basta, sandal

2. Pagsalungat/Pagkokontrast – Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontrast o pagtutol.Halimbawa: datapwat, subalit, sa halip, ngunit, pero

3. Pagpapatotoo – Nagsasaad ito ng pagpapatunay.Halimbawa: sa totoo/sa totoo lang, sa katunayan

4. Pandagdag/adisyon – nagsasaad ito ng diwa ng pagpupuno o pagdaragdag ng informasyon.Halimbawa: at, saka, karagdagan nito, dagdag pa

5. Pagbibigay-sanhi/dahilan – Pinag-uugnay ng pangatnig ang mga lipon ng salita upang magbigay katwiran at magsabi ng kadahilanan.Halimbawa: palibhasa, dahil sa/ dahilan sa, sapagkat, mangyari, kasi

6. Paglalahad ng bunga/resulta – Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan.Halimbawa: kaya, kaya naman, bunga nito, tuloy

7. Pagbibigay-eksepsyon – Nagsasaad ng pagbubukod, paghihiwalay o pagsasabi ng maliban sa…Halimbawa: bukod kay/sa, kungdi lang, huwag lang/lamang, pwera

ang/sa/kay

8. Pagbibigay-konklusyon – Nagsasaad ng panghuling pananaw o opinyon.Halimbawa: sa wakas, samakatwid, kung kaya, kung gayon, kaya,anupa’t, sa darating na araw, sa katapusan

Page 204: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino192

Page 205: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 193

Pagsasanay

I.Tukuyin kung anong hulwaran ng teksto ang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag:

1. Pinakapangkaraniwang hulwaran sa pag-oorganisa ng teksto.2. Nagpapakita ng dahilan at epekto.3. May dalawang bagay, kaisipan, pangyayari o tao ang pinagtutulad o

pinag-iiba.4. Ang uri ng estrukturang ito ay katulad ng enumerasyon; bagamat, ang

pagkakasunod-sunod ng oras o panahon ay binabanggit.5. Kabilang sa kategoryang ito ang estruktura na naglalarawan,

pagbibigay-halimbawa, pagbibigay ng kahulugan ng mga konsepto.

II. Lagyan ng angkop na pangatnig ang mga sumusunod na pangungusap upang magkaroon ng buong diwa. Piliin ang posibleng sagot sa ibaba.

1. Apat na araw na siyang nagkasakit _____ hindi siya nakakuha ng pagsusulit.

2-3. Kumuha si Sir Sam ng Bar Exam, ______ ay umuwi na _____ makapagpahinga.

4. Dapat alisin ang utak talangka, _______ na magtulungan ay naghihilahan pababa.

5. Hindi pa nadidiskubre ang paraan _______ paano mabuhay ang lahat nang sagana, panatag at may dignidad kahit sa inabot na pag-unlad ng teknolohiya.

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

saka at parapagkatapos kung ngunitkaya dahil subalitsa halip magkagayon man

Page 206: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino194

III. Tukuyin kung anong hulwaran ang mga sumusunod na teksto:

1. Nakapanghihinayang at nakakikilabot ang pelikulang “On the Job” mula sa aspetong teknikal hanggang sa pagkakaganap ng mga artista sa kanilang karakter.

2. Ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon babae man o lalaki kung ihahambing sa naunang henerasyon.

3. Binomba ng Amerika at Inglatera ang Afghanistan dahil sa pagkupkop ng Taliban sa teroristang si Bin Laden.

4. Kung magkakaisa lamang ang lahat sa paghihiwalay ng mga basura, mababawasan ang suliranin natin hinggil sa dami ng basura sa bawat pamayanan.

5. Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil. Kung may kaalaman, ito ay lilipas.

Page 207: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 195

ANG MGA BANTAS

Ang Pagbabantas ay paggamit ng mga pananda sa pagpapahayag na pasulat. Mahalaga sa pagsulat ang kaalaman sa paggamit ng wastong bantas. Dahil sa maling bantas na ginamit o dahil sa nakaligtaang paglalagay ng kailangang bantas, naiiba ang diwa ng pangungusap.

Halimbawa:

Doktor Perla, ang aking mga kaibigan. (Ipinakilala kay Doktor Perla ang kanyang mga kaibigan).

Doktor, Perla , ang aking mga kaibigan. (Ipinakilala sa isang doktor at kay Perla ang kanyang mga kaibigan.

Maaaring ang di-paggamit ng tamang bantas ay dahil sa kawalang-ingat ng sumusulat. O baka dahil sa kawalan niya ng lubos na kaalaman sa mga uri ng bantas at sa mga gamit ng mga ito.

Narito ang mga bantas at ang mga gamit ng mga ito sa pangungusap.

Gamit ng mga Bantas

1. Tuldok o Period (.)2. Pananong o Question Mark (?)3. Padamdam o Interjection (!)4. Kuwit o Comma (,)5. Kudlit Apostrophe (‘)6. Gitling o hyphen (-)7. Tutuldok o Colon (:)8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)9. Panipi o Quotation Mark (“ ”)10. Panaklong o Parenthesis ( )11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda. Matatagpuan ito sa katapusan ng pangungusap.

Halimbawa: Igalang natin ang karapatan ng bawat tao. Tayo ay may pananagutan sa ating kapwa. Magmahalan tayo.

Page 208: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino196

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong sa pangungusap na patanong.

Halimbawa: Ano ang paborito mong pampalipas-oras? Masaya ka ba? Ano-ano ang madalas mong ginagawa kapag walang pasok? Alam ba ng mga magulang mo?

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa: Mabuhay ang mga maka-Filipino!Uy! Ang tataas ng mga marka mo.Aray!

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang salita.

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkakauri.

Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Carl Mariz, saan ka nag-aaral ngayon?

B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.

Halimbawa: Mahal kong Leonor, Sa iyo kaibigang JM,Tapat na sumasaiyo, Nagmamahal,

5. PAGGAMIT NG KUDLIT (‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang magandang balita.Ako’y mamamayang Pilipino at may tungkulin mahalin at pangalagaanang aking bayan.

6. PAGGAMIT NG GITLING (-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:

Page 209: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 197

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa: tamang-tama, kaba-kabanata, apat-apat, dala-dalawa,sari-sarili, kabi-kabila, masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nag sisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.

Halimbawa: mag-alis, nag-isa, nag-ulat, pang-ako, mang-uto, pag-alis may-ari, tag-init, pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto

kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid

7. TUTULDOK ( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.

Halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tuladng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.

Halimbawa: Dr. Padro: , Bb. Mirafuentes: Dr. Arbes; Bb. Suazo

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras.

Halimbawa: 10:00 a.m

Page 210: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino198

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal.

Halimbawa: Ginoo; Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.

Halimbawa: Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niya ang magnilay-nilay at magdasal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.

Halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindina napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba,dapdap at iba pa.

9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita.

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.

Halimbawa: “Ama patawarin Mo sila sapagkat hindi nila alam angkanilang ginagawa,” sabi ni Hesus.

A. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda.

Halimbawa: Nagbukas na muli ang “Manila Times”.Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.Napaluha ang marami nang mapanood ang pelikulang “Anak Dalita”.

Page 211: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 199

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansangTurkey ay humigit kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.

Halimbawa: Jose P. Rizal (1861-1896)

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.

Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ngpangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kungsa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa: Pinagtibay ng Pangulong Aquino …

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.

Halimbawa: Kung ikaw’y mamimili sa “Night Market sa Trade Center" ay aagap upang…

Page 212: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino200

Page 213: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 201

Pagsasanay

I.Turan kung anong bantas ang tinutukoy sa pahayag.

1. Pananda sa bating panimula ng liham pangangalakal. ____________

2. Ginagamit na pananda ng pinaikling salita. ____________________

3. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin,

aklat at iba’t ibang mga akda. _______________________

4. Ginagamit sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng

salitang-ugat.

5. Ginagamit ito na panghalili sa isang titik na kinakaltas.

II. Ilagay ang nararapat na bantas sa loob ng talata.

Bago ka lang ba sa paaralang ito Oo ako si Belen ang marahang tugon niya sa kausap Ako naman si Dize ang masayang pakilala niya sa sarili Magkaklase pala tayo sa lahat ng asignatura Ang saya saya magkasabay na sambit nila Maya maya ay pareho silang pumasok sa klase at nag aral. Hanggang sa sila ay naging matalik na magkaibigan.

III. Mga Dinamikong Gawain:

Sumulat ng isang dayalogo at lagyan ng angkop na bantas. Isulat sa mallinis na papel nang hindi kukulangin sa labinlimang pangungusap. Kumuha ng kapares. Ilahad ang binuong dayalogo sa harap ng klase at talakayin ang mga bantas na ginamit.

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 214: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino202

Page 215: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 203

UGNAYANG PAGBASA AT PAGSULAT

Marami ang naidudulot ng gawaing pagbasa sa pagtuturo ng pagsulat. Hindi lamang simpleng paksang-aralin para sa pagtatalakay at para sa paksang pangkomposisyon, kundi ang wastong organisasyon ng mga kaisipan ng isang komposisyon gamit ang wasto at angkop na salita at mga pahayag. Kapag ang mga mag-aaral ay nagbabasa, sila ay nakikitungo sa bagong wika at kultura. Kapag sila ay nag-aaral ng pangalawang wika, kung saan kakaunting pagkakataon na makapagsalita at makarinig na sinasalita itong wika, pagbasa ang tanging gawain na nagbibigay sa mga mag-aaral ng mayamang pagkukunan ng kaalamang pangwika. Kung anong dami ng pagbasa ang ginagawa ng mag-aaral, ganoon din kapamilyar sa mga talasalitaan, idyoma, hulwarang pangungusap, daloy ng organisasyon at kultural na pagkilala sa katutubong nagsasalita sa wika ang nakakamit ng mga mag-aaral. Ang lubos na pag-aaral tungkol sa wika at kultura at ang mga mag-aaral na nagbabasa ay nakikipag-interaksyon sa isang teksto na sinulat ng iba, samakatuwid, matutuhan nila nang lubos at malawak ang tungkol sa pagsulat.

Malinaw, na anumang pagbasang gagawin ng mga mag-aaral ay may kaugnayan sa pagsulat, dahil ang kanilang binasa ay isang anyong sulatin, na inilahad sa isang maayos na organisasyon ng mga kaisipan. Mula sa pagbasa, nagkakaroon ang mga mag-aaral ng kaalaman na dapat isaalang-alang sa pagsulat.

PAGKAKAIBA NG PAGSASALITA SA PAGSULAT

Ang kahusayan at kakayahan sa pagsasalita ng isang mag-aaral ay hindi sapat na dahilan upang maging mahusay rin sa pagsulat. Ang pagsulat ay hindi simpleng talumpating isinulat sa papel. Ang pagkatuto ng pagsulat ay hindi isang isang “natural” na pinalawak na pagsasalita ng isang wika. Natutuhan nila ang pagsasalita sa unang wika sa tahanan na walang sistematikongpagtuturo, samantalang karamihan sa kanila ay kailanagng dumaan sa pagkatuto ng pagsulat sa unang wika man o pangalawang wika sa paaralan. Maraming mga nasa wastong gulang na nahihirapan pa rin sa pagsulat sa unang wika.

Narito ang ilang mga pagkakaiba sa pagitan ng pagsulat at pagsasalita:

1. Ang pagsasalita ay unibersal, nakakamit ng bawat isa ang katutubong wika sa mga unang taon ng buhay. Hindi lahat natutuhan ang pagbasa at pagsulat.

Page 216: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino204

2. Ang wikang sinasalita ay may diyalektong pagkakaiba. Ang wikang pasulat ay humihingi ng pamantayang kaanyuan ng balarila, sintaks, at bokabularyo.

3. Ang nagsasalita ay gumagamit ng boses (pitch, stress, rhythm) at katawan (gestures, facial expression) upang matulungang ipahayag ang kanyang mga kaisipan. Ang mga sumusulat ay umaasa sa mga salita sa pahina upang maipahayag ang kanilang kahulugan.

4. Ang nagsasalita ay gumagamit ng hinto at intonasyon. Ang sumusulat ay gumagamit ng pagbigkas.

5. Ang nagsasalita ay bumibigkas. Ang sumusulat ay bumabaybay.

6. Sa pagsasalita madalas ay daglian at hindi pinaplano. Ang pagsulat ay nangangailangan ng panahon. Ito ay pinaplano. Maaaring balik-balikan at baguhin ang nasulat.

7. Ang tagapagsalita ay nakikipag-usap sa mga tagapakinig, na naririyang, tumatango, sumisimangot at nagtatanong. Para sa manunulat, ang tugon ay maaaring huli na o wala. Ang manunulat ay may isa lamang pagkakataon na magpahayag ng impormasyon at maging kawili-wili at tagumpay na makuha ang atensyon ng mambabasa.

8. Sa pagsasalita ay madalas impormal at paulit-ulit. Ang pagsusulat ay higit na pormal at malaman. Lohikal na umuunlad na may kaunting paglihis at paliwanag.

9. Sa pagsasalita ay gumagamit ng payak na mga pangungusap na pinag-uugnay ng mga pangatnig at iba pang mga pang-ugnay. Ang pagsusulat ay gumagamit ng mga hugnayang pangungusap na may mga salitang nag-uugnay gaya ng: ganoon pa man, sa kabila nito, sa kabilang dako, bukod dito at iba pa.

Page 217: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 205

Pagsasanay

I. “Balitaan Na”

Tatatwag ang guro ng ilang mag-aaral na magbabalita. Habang nagbabalita, magtatala ang mga nasa upuan. Babasahin ang ilang ginawang pagtatala kaugnay ng napakinggnag balita at magkakaroon ng pagpupuna ang klase kaugnay ng ginawang pagtatala. Gagawin ang “crititiquing” sa paraan ng peer evaluation.

II. “Sintesis na”

Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag upang maibigay ang sintesis ng tinalakay na paksa tungkol sa pagkakaugnay ng pagbasa at pagsulat.

Dati kong alam ang tungkol sa

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Natutunan ko na ang mga________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________

Dapat kong tandaan na________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 218: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino206

Page 219: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 207

Pakikinig

Ang pakikinig ay ang unang natutuhan ng tao mula sa kanyang pagsilang. Ang Piaget’s Stages of Cognitive Development ni Jean Piaget ay nagsasabi na may likas na pangyayaring pag-unlad sa pandama ng isang sanggol at kasali na rito ang pag-unlad ng kanyang pakikinig at paggalaw ng kalamnan (muscle movement).

Upang tayo ay makarinig ng mga huni o mga tunog sa ating paligid,

kinakailangan natin ang pandinig. Ito ay ang mga kagamitan o aparato na likhang naka-ugnay sa tao. Ang ating mga tainga kasama ang mga aparato na napaloob nito ay parte ng ating katawan na kinikilalang gamit pandinig ng tao.

3.2.1. kahulugan, kalikasan at proseso Kaakbay sa kasanayang pangwika –pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat-

ang teoryang iskima ni Jean Piaget. Ayon sa teorya, ang iskima ay tumutukoy sa kognitibong istruktura kung saan ang tao mismong nag-oorganisa sa kanyang narinig at nakita sa paligid. Gamit ang talino, kaya niyang mag-imbak ng iba’t ibang impormasyon na natatanggap gamit ang kanyang pandama.

Narinig mo na ba ang salitang Ingles na rapproachement? Paano ito binigkas

ng iyong mga kaklase? Paano mo rin ito binigkas? Ano ang ibig sabihin ng salitang ito?

Pakikinig

Ang pakikinig ay ang pagdinig ng mga tunog mula sa iyong paligid. Ang mga tunog na iyong napakinggan ay agad pinoproseso ng iyong utak o isipan. Kung ang tunog na ito ay una mo pa lang napakinggan, ito ay maging isang impormasyong nakaimbak sa iyong isipan at handang gamitin (pag-alaala) kapag ito’y napakinggang muli.

Dalawang Proseso ng Pakikinig

May dalawang proseso sa pakikinig: una, ang makinig at mag-imbak ng impormasyon sa isipan. Ang sitwasyon ay naglalarawan na wala ka pang alam tungkol sa mga naririnig mo; una mo palang itong napakakinggan; at nasa tao na kung papaano niya ito bigyang kahulugan at kung papaano niya ito i-organisa sa kanyang isipan.

Page 220: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino208

Ang pangalawang proseso ay ang pakikinig at pag-alaalala ng dating kaalaman na nakaimbak sa isipan tungkol tunog o ideyang napakinggan. Sa prosesong ito, pinag-ugnay-ugnay ng tao ang impormasyon sa dating napakinggan at ang impormasyon sa kasalukuyang napakinggan.

Ang talas ng pakikinig ay nagdedepende kung paano ito binigyang halaga

at paano ito pinauunlad ng tagapakinig. Masasabing, ang pakikinig ng isang imbestigador, huwes, guro, o mag-aaral sa elementarya, sekondarya at kolehiyo ay magkakaiba. Ikaw, gaano katalas ang iyong pakikinig?

Uri ng Pakikinig

May dalawang uri ang pakikinig; ito ay an aktibong pakikinig at posibong pakikinig.

Aktibong Pakikinig

Ang mag-aaral na may aktibong pakikinig ay may kamalayan kung bakit siya nakikinig. Sa madaling salita, nakikinig siya dahil gusto niyang makinig, ito ay boluntaryo at walang nagdidikta sa kanya na makinig.

May iba’t ibang dahilan bakit ang mag-aaral ay aktibo sa kanilang pakikinig;

ito ay naayon sa kani-kanilang mga layunin.

• maylayongpagpapahalaga; Sa layuning ito, ang tagapakinig ay may lugod at tuwa sa kanyang

pakikinig. Ito ay maaring pakikinig sa paborito niyang awit, dayalogo, programa, aralin, o kaya’y paksain.

Nakikinig ang tao o mag-aaral kung sa palagay niya ang kanyang pakikinggan ay importante para sa kanya. Nakikinig tayo sa lahat na sasabihin ng ating mga magulang sa paniniwalang ang kanilang mga sinabi at pangaral ay mahalaga; nakikinig tayo sa ating mga guro kung para sa atin ito’y mahalaga para sa darating na pasulit.

Sa kabilang daku, nakikinig tayo upang bigyang pagpapahalaga ang ating sarili. Kung sa palagay mo ay kulang ka sa kasanayan sa pakikinig, maaring sanayin at disiplinahin ang sarili na makinig. Nakikinig ka dahil nagsasanay kang makinig na may pokus na hindi nagliwaliw ang isipan. Nagsasanay at nagdidisiplina sa sarili dahil ang pakikinig mismo ang siyang pinahalagahan.

Page 221: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 209

• maylayongsumuri;

Ang tao o mga mag-aaral ay may iba’t ibang personalidad. Nalilikha ang personalidad na ito bilang kabuuan kung papaano ang isang tao pumili at mag-desisyon.

Sa pagpili ng mga awiting pakikinggan, ito ay nagdedepende sa maging gusto ng tao. May mga taong gustong makarinig ng mga awiting may mensahe tungkol sa pagiging matagumpay, o pagiging sawi; mensahe tungkol sa Diyos; mensahe tungkol sa pagiging makabayan o kaya’y may biro o may halong kabastusan.

Para sa iba, bago nila kopyahin ang mga bagong awitin pinakinggan muna nila ito kung ito’y naayon ba sa kanilang gustong marinig. Sinusuri kung ang mga mensahe ng awitin ay naglalarawan ba ng isang matagumpay na buhay o ayon sa gusto nila. Hindi nila pinipila ang awitin ayon sa ritmo o kaya’y sa naging huni nito. Pinipili nila ito ayon sa kung ano ang mensaheng isinasaad nito; kung ito ay tama o hindi para sa kanila.

• atmaylayongmagpahayag

May mga sitwasyong nakikinig tayo at naghahanap ng

pagkakataon na makapagpahayag. Sa tuwing may markahang pagbigkas sa ating klase, may mga mag-aaral na talagang nakikinig at naghihintay ng pagkakataon ipanukala ang kanyang kaalaman o sariling paniniwala. Sa kanyang pakikinig, siya rin ay nag-iisip kung paano niya salungatin o sang-ayonan ang sinasabi ng tagapagsailta.

• atmaylayongpanterapeutika

Ang uri ng pakikinig na may layong panterapeutika ay nakagagaan ng loob. Naiiba ito sa pagpapakita ng simpatiya. Ito ay ang pakikinig na hindi nanghuhusga o magbibigay man ng payo. Ang tagapakinig ay tumutulong sa tagapagsalita upang kanyang maipaliwanag ang kanyang damdamin o emosyon (http://www.skillsyouneed.com/ips/listening-types.html.).

Pasibong Pakikinig

Tumutukoy sa pakikinig na may maluwag na loob na tumanggap ng ano mang sasabihin ng kausap na di na kinakailangan pang tumugon. Madarama ng tagapagsalita na siya’y pinakikinggan; na talagang interestado ang kausap niya na

Page 222: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino210

makinig sa kanya at handa siyang intindihin nito; at nagpapakita na maingat siya sa kanilang pinag-uusapan. (Passive Listening, 2014).

• maylayongpanterapeutika

Ang uri ng pakikinig na may layong panterapeutika ay nakagagaan ng loob. Naiiba ito sa pagpapakita ng simpatiya. Ito ay ang pakikinig na hindi nanghuhusga o magbibigay man ng payo. Ang tagapakinig ay tumutulong sa tagapagsalita upang kanyang maipaliwanag ang kanyang damdamin o emosyon (Listening Skills, 2014).

3.2.2. Salik na Nakakaimpluwensya sa Pakikinig

Ang mga sumusunod ay isinasaalang-alang na mga salik na nakaimpluwensya sa pakikinig.

• IstilongKognitibo

Ang istilong kognitibo (cognitive style) ay naglalarawan kung paano ang isang indibidual mangalap o magkamit at magproseso ng kaalaman. Bawat tagapakinig ay may iba ibang istilo; sa aspetong ito, naimpluwensyahan ang pakikinig ng tao (Cognitive Style, 2013).

Field Dependent – Ang mga tagapakinig ay may maikling atensyon sa kanilang pakikinig. Madali silang maisturbo. Hindi sila masyadong nakipagpataasan. Sila ay may oryentasyong interpersonal. Kinakailangan nila ang kapaligiran –kasama; pampasigla o estimulo upang maging aktibo sa kanilang pakikinig. Ito ang magganyak sa kanila na magmasid sa iba para sa karagdagang gagamitan upang makakuha ng ideya at saloobin sa iba (Wooldridge & Bartolf, 2006).

Field Independent – Ayon nina Witkin et al (1971) sila ang mga tagapakinig na mausisa, nag aanalisa at mga independente. Sila ay natatangi sa kanilang pamamaraang lumutas ng mga gawain o problema. Sila ay may pokus at disiplinado na tagapakinig. Ang kanilang pampasigla o estimulo ay hindi nanggagaling sa labas o sa kapaligiran kundi mula sa kanila mismo. Kinakailangan nila ang maayos na silid aralan akma sa kanilang pagiging kompetitiv na tagapakinig (Wooldridge & Bartolf, 2006).

Page 223: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 211

Ayon kay J.P. Guilford may dalawang pamaraan kung paano tumugon ang tao kung siya’y bibigyan ng isang sitwasyon; ito’y ayon sa kanyang nakita o kanyang narinig.

Divergent – Ang “divergent” na tagapakinig ay naaaliw sa istratehiyang “brainstorming.” Sa kanilang pakikinig hindi sila inunawa ang problema, konsepto o ideya sa sa iisang aspeto lang. Gumagamit sila na iba’t ibang pamamaraan at lumilikha ng bagong kosepto mula sa iba’t ibang ideyang napakinggan.

Convergent – ito ay kabaliktaran sa kung ano ang divergent. Ang tagapakinig na ito ay nag-iisip ng iisang kasagutan lang. Ang pakikinig ay nakatutok sa pagkilala ng mga pamilyar na impormasyon, diskarte, at pinakatamang sagot sa

tanong. Binibigyang diin ang bilis, kawastuhan, at lohika

• MgaPisikalnaSalik

Ang mga pisikal na nakaaimpluwensa sa pakikinig ay maaring may kilaman sa sarili o kaya’y may kaugnayang sa mga panlabas na bagay; tulad ng:

• Sarili – pagkapagod, karamdamang pisikal, o nagugutom, atkapansanan sa pandinig.

• Panlabas na bagay – ang ingay sa paligid ay nagsisilbing hadlangsa mabisang pakikinig; sobrang init na panahon; boses at paraan ng pananalita ng ispeker.

3.2.3. Katangian ng Kritikal na Pakikinig

Ang kritikal na pakikinig ay kaparaanan ng pagsusuri kung paano tayo nakikinig upang mapakinabangan ang eksaktong pag-unawa; kung ano talaga ang pakahulugan ng pahayag ng tagapagsalita. Ito ay nagsasangkot ng pag-aanalisa, kritikal na pag-iisip pati na rin ang paghuhukom (Critical Listening, 2013).

Page 224: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino212

Gawain

Maghanap ng kapareha at gawin ang KWL tsart.

Ilista ang paksa sa hanay ng K kung ang paksa ay talagang nauunawang mabuti; Ilista sa hanay ng W ang mga paksa na gusto mo pang talakaying muli.

Kung ang kapareha mo ay may alam sa paksang na nasa W, atasan siyang magpaliwanag para sa iyo; kung wala, maghanap ng kaklase na may interes o alam na ipaliwag ito.

Sikaping ang lahat na paksa na nasa hanay W ay nailipat sa L.

K W L

Page 225: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 213

MAKRONG KASANAYAN SA PANONOOD

Bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain ang panonood (viewing). May malaking naidudulot sa ating buhay ang mga ginagawa nating panonood. Maraming mga bagay ang nagagawa ng ating panonood sa iba’t ibang pormat nito tulad biswal (larawan, grap, cartoons, paintings at iba pa), drama (dula, teatro at iba pa) at media (videos, televisions, on-line magazines at iba pa). Nabibigyan tayo ng impormasyon, dunong, kaalaman, kasiyahan at maging ang paglinang ng iba pang kasanayang pangwika gaya ng pakikinig at pagbabasa.

Kahulugan ng Panonood

• Angpanonoodayisangpagkakataonnamakitaangisangbagaylalona ang mga likhang sining.

• Itoayisangaktongpagtingin,pagmamasidatpagsusuri.• Ang panonood ay nakatutulong sa paglinang ng pakikinig at

pagbabasa.

Kahalagahang ng Panonood

Ang panonood ay may mga kahalagahang naidudulot sa atin. Iba-iba ang mga ito dahil depende kung ano ang layunin natin sa ating mga ginagawang panonood. Narito ang ilang kahalaganan ng panonood:

1. Nakakapag-relax tayo sa ating mga gawain.2. Nagkakaroon tayo ng impormasyon sa mga kaganapan sa loob at

labas ng ating bansa.3. Napapasaya nito ang ating buhay.4. Nalilinang ang ating mapauring pag-iisip. 5. Nahahasa ang ating kakahayang magpahalaga sa ating mga

napapanood.6. Nadaragdagan ang ating mga dating kaalaman at nabibigyan tayo ng

mga bagong ideya.7. Nagkakaroon tayo ng modelo o hulwaran upang lalo pang mapaganda

ang ating buhay.8. Nakikita natin ang ating mga sarili sa mga napapanood natin at

naitatama natin ang mga pagkakamali na ating nagawa o mga dapat na gawin.

9. Nagagamit natin sa totoong buhay ang napanood natin sa mga pelikula, telebisyon, at patalastas.

Page 226: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino214

Ang Manonood

Ngayong lantad tayo sa mga teknolohiya na may kaugnayan sa ating panonood, hindi maiwasan ng isang tagapanood na makita ang mga bagay lumalabas sa iba’t ibang uri ng media, larawan at iba pa. Dahil dito, ang edukasyon ay may papel na ginagampanan upang ang mga mag-aaral ay magabayan sa kanilang mga gawain sa panonood. Bilang isang responsableng tagapanood kailangan na magkaroon tayo ng ilang mga katangian at kakayahan sa panonood. Narito ang ilang mga katangian:

1. May malawak na kaalaman sa paksang pinapanood.2. May bukas na isipan sa mga tinatalakay na paksa, isyu, at ideya na

kanyang pinapanood.3. May sapat na kakayahang gumawa ng mapanuring panonood.4. May matalas na pandinig habang nanonood.5. May kakahayang mabasa ang mga nakatagong mensahe sa mga

linya ng istorya, kilos ng mga tauhan, kulay na ginamit at iba pa na nauugnay sa presentasyon na pinapanood.

6. May positibong pag-uugali sa gawaing panonood. 7. May kakahayang magbigay ng puna, paghanga at pagpapahalaga

sa napanood.

Ilang mga Gawain na Makatutulong sa Paglinang ng Kasanayan sa Panonood

Ang kasanayan sa panonood ay nalilinang. Ito ay maaaring ituro, pag-aralan at ilapat sa aktuwal na gawain hanggang sa makasanayan. Kapag ito ay nagawa mo, hindi ka lamang isang karaniwang manonood na tagatanggap ng lahat ng iyong mga nakita, kundi isang matalino at aktibong manonood na nagtataglay ng kasanayan sa mabisang panonood. Narito ang ilang mga gawain na makatutulong sa iyo upang malinang ang iyong kasanayan sa panonood:

1. Pag-aaral ng mga larawang aklat (Picture Book Studies). Pag-aralan ang mga aklat na may mga ilustrasyon. Pansinin ang pagkakagawa nito, ang pagkuha ng mga larawan, pagkakaayos (arrangement, sequencing), paggamit ng mga kulay (blending, combination, harmony of colors). Tukuyin ang mensaheng isinasaad ng mga larawan o mga simbolong ginamit.

Page 227: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 215

2. Panonood ng mga pagtatanghal (Drama, Live Theater, Role Play, Puppet Play). Sa pamamagitan ng panonood nabibigyan tayo ng mga kasanayan na mapalawak ang ating talasalitaan at karanasan na malinang ang kakasanayan sa mapanuring pag-iisip at panonood. Sa panonood ng mga pagtatanghal natututo ang mag-aaral na mag-analisa at magpahalaga sa banghay, mga tauhan, salitaan, kilos, kasuotan, ilaw, kulay, props at iba pang elemento na may kaugnay sa sining ng pagtatanghal.

3. Pagpunta sa mga museum. Ang gawaing ito ay makatutulong sa atin na malinang ang ating kasanayan sa pagpapahalaga at paghanga sa ating mga napapanoon. Nagagawa nating bumuo ng isang pasulat na ulat, reaksyon, insights at iba ba mula sa mga exhibit sa museum na ating napanood. Maaari din na gamitin sa pasalitang talakayan ang mga nakuha at natutuhan mula sa paglalakbay sa museum.

4. Panonood ng Gallary Exhibits, Multimedia Presentations. Ang ganitong uri ng panonood ay isa ring edukasyonal na gawain. May mga bagay tayo na makukuha at malalaman mula rito. Pagkatapos ng panonood maaari tayong magbigay ng repleksyon, reaksyon, opinyon at iba pa sa pasulat o pasalitang paraan.

5. Panonood ng mga Palatuntunan. Sa pamamagitan nito nalilinang ang ating kasanayan na manoon nang naaayon sa tamang iasal o gawin sa panonood ng mga pampubliko, pribado, edukasyonal, pampropesyonal at mga pulitikal palatuntunan. Kaakibat sa gawaing ito ang ating kasanayan sa mabisang pakikinig. Habang nanonood ay maingat nating pinakikingaan ang mensahe ng palatuntunan.

6. Panonood ng Pelikula, Programang Pantelebisyon, Internet, CD-ROMs, Videos. Ang panonood sa pamamagitan ng mga napapanahong media na ito ay nakatutulong sa atin na malaman, masalamin at masuri ang napakalawak na nagkakaiba-ibang kultura ng mga tao, lahi at bansa. Sa pamamagitan ng gawaing ito nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maging isang responsible at matalinong manonood. Maaari nila itong pag-usapan, talakayin sa klase, bigyan ng puna, gawan ng konklusyon at rekomendasyon. Ang ganitong uri ng panonood ay magandang daan upang malinang

Page 228: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino216

ang kasanayan mga mag-aaral na makagawa ng pagklasipika, pag-analisa, pagsusuri, pagpapahalaga.

Ilang mga Bagay na Kailangang Isaalang-alang sa Gawaing Panonood

Maliban sa mga katangian dapat taglayin ng isang manonood may mga bagay na kailangan ding isaalang-alang sa gawaing ito. Makatutulong ang pakakaroon ng ilang kaalaman sa mga dapat na gawin para sa isang mabisang panonood.

1. Mahalagang matuloy kung ano ang layunin mo sa panonood.2. Ang kahandaan sa gawaing ito ay kailangang-kailangan.3. Isaisip at isapuso ang mga gawin, iasal o ikilos bago, habang at

pagkatapos ng panonood. ( Iwasang mag-ingay, mabigay ng agarang komentaryo o puna, pagpapairal ng emosyon, pagpapakita ng mga negatibong reaksyon at iba pa na maaaring hindi makatulong sa iyong gagawing panonood).

4. Makatutulong ang pagkakaroon ng naihandang mga gabay na tanong (guide questions) o gawain bago isagawa ang panonood.

5. Maging atentibo sa pinapanood.6. Gawin ang panonood nang may paghanga at pagpapahalaga.

Page 229: Filipino 2014

FILIPINO K1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino 217

Pagsasanay

1. Gawin ito sa klase: Manood ng ilang eksena mula sa isang pelikula. Gamitin ang estratehiya na view, pause, predict and think aloud.

2. Gamit ang mga gabay na tanong, gumawa ng panonood ng isang pelikula na maaaring itatakda ng inyong guro.

Bago manood:

1. Ano ang alam mo tungkol sa pelikulang ito?2. Ano ang nais mong malaman o matutuhan sa panonood na ito?

Habang nanonood:

1. Kailang naganap ang kwento?2. Saan ito nangyari?3. Sino ang pangunahing tauhan? Sino-sino ang iba pang mga tauhan sa kwento?

Ano ang kani-kanilang papel?

4. Ano ang suliranin?5. Paano nalutas ang suliranin?

Pagkatapos manood:

1. Ano ang nagustuhan mong parte sa palabas? Bakit?2.Ano ang natutuhan mo?3. I-rerekomenda o imumungkahi mo ba itong panoorin din ng iba? Bakit?4. Gamit ang palatandaang sa pagmamarka na 1-10, na kung saan ang 10 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa. Ano ang ibibigay mong marka sa napanood mo? Ipaliwanag kung bakit ito ang ibinigay mong marka?

Pangalan: Iskor:

Kurso at Taon: Petsa:

Page 230: Filipino 2014

FILIPINOK1: Metalinggwistik Na Pagtalakay Sa Wika At Wikang Filipino218