Conference Can Till a Ng

Embed Size (px)

Citation preview

3rd International Conference on FILIPINO AS GLOBAL LANGUAGE CONFERENCE

PAGSUSURI SA PAMAMAHAYAG PAMPAARALAN: BATAYAN SA PAGBUO NG PAMANTAYAN SA PAGPAPAUNLAD NG MGA PAHAYAGAN NI

LEO L. CANTILLANG, M.A.EDLANGUAGE RESEARCHER II KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Teorya/ Konsepto ng Pag-aaral Ayon kay Armando Malay (2000) isang tanyag

na propesor at mamamahayag sa bansa. Ang isang pahayagan ay kasing-uri lamang ng mga tauhan o patnugutang naglalabas nito. Kaya dapat lamang na ang mga tauhan sa patnugutan ay may kakayahan sa mabisang pagsulat, pagpaplano at matalinong patustos at pangangasiwa.

Ang tunay na kahulugan ng pahayagan ayon kay Manuel (2002), ay hindi lamang nasusulat sa kakayahang teknikal nito kundi kung ano

ang nilalaman, pananaw, damdamin saloobin at pag-uugali, paglilinaw at pagpapakahulugan sa mga isyung ipinaabot na nauunawaan at tanggap ng mga tao.

Paradaym ng PagsusuriScholastic Journalism nina Inglis at Hack

Mga Nagwaging Pahayagan Sa Dibisyon ng Lungsod ng Maynila

Paraan ng Paghahanda

Katangian at Nilalaman

Implikasyon 1. Prinsipal 2. Mga Miyembro 3. Mag-aaral 4. Komunidad

Mga Mungkahing Hakbang/ Paraan sa higit pang Pagpapaunlad ng mga Pamahayagang Pampaaralan

ABSTRAKPagsusuri sa Pamamahayag Pampaaralan: Batayan sa Pagbuo ng Pamantayan sa Pagpapaunlad ng mga Pahayagan Ang gawain sa pahayagan ay isang gawain ng pag-unlad. Ang paghahanda nito mula sa paglikom ng mga tala hanggang sa mabasa na ito sa mga pahina ng pahayagan ay isang halos walang katapusang gawain. Kayat mahalagang-mahalaga na matapos maisaayos ang lahat ng pahina, matirada ito at bago makarating ang pahayagan sa mambabasa ay dapat suriin ito upang lalong mapagbuti ang mga susunod pang isyu at madulutan ang mga mambabasa ng kasiyahan at kapakinabangan. Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na masusing suriin ang mga nagwaging pahayagang pampaaralan sa Dibisyon ng Lungsod ng Maynila sa antas sekondarya batay sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na pahayagan.

Naging batayan ng mananaliksik sa pagpili ng mga naturang paaralan sa antas sekondarya ay ang kanilang mga lathala sa taong 20082010 na nagwagi sa Secondary Press Conference. Gumamit ang mananaliksik ng mga pamantayan sa pagsusuri mula sa teoryang scholastic journalism ni Inglis at Hack. Ang pamantayan sa pagsusuri na inihanda ng mananaliksik ang ginamit na panukatan sa nilalaman ng pahayagang pampaaralan kaugnay sa mga prinsipal at guro ng paaralan, mga miyembro ng patnugutan, mga mag-aaral at komunidad.

Nakakuha

rin ang mananaliksik ng mga mahahalagang impormasyon mula sa pakikipanayam sa mga gurong nakapagturo ng pamamahayag pampaaralan at sa mga tagapayo nito. Gayundin sa mga nakalimbag at di nakalimbag na manuskripto tulad ng aklat, magasin, pamplet at iba pang babasahing matatagpuan sa ibat ibang aklatan sa Lungsod ng Maynila. Ang mga pahayagang pampaaralan mula sa mga pampublikong pampaaralan sa antas sekondarya ng Dibisyon ng Lungsod ng Maynila sa loob ng tatlong taon ay tinipon ng mananaliksik. Pagkatapos likumin, basahin at suriin ay inalam ang mga mungkahing hakbang/ paraan sa pagpapaunlad pa ng mga pahayagang pampaaralan

Implikasyon ng mga balita, editoryal at tanging lathalain sa mga prinsipal at guro ng paaralan, mga miyembro ng patnugutan, mga mag-aaral, at komunidad

Mga Prinsipal at Guro. Balita Naipabatid sa kanila ang mga nagaganap sa loob at labas ng paaralan na kanilang nagiging ebalwasyon sa

pamumuno. Editoryal Naipaalam ang mungkahing solusyon sa suliraning pampaaralan at pampamayanan na nagpapakita ng demokratikong pagpapahayag. Tanging Lathalain Naipabatid ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa ibat ibang larangang pangakademiko.

Mga Miyembro ng Patnugutan. Balita Nalinang ang kakayahan sa epektibo at produktibong pagsulat sa pamamahayag bilang pakikilahok sa mga kaganapan ng

paaralan at sa komunidad. Editoryal Nakapagsanay sa kawili-wiling paglalahad na may layuning humikayat sa isang partikular na usapin na siyang lumilinang sa kakayahan sa pagsulat. Tanging Lathalain Nahahandang magsaliksik upang mabatid ang ibat ibang bagay hinggil sa isang karaniwang paksa o pangyayari na ikinatatangi ng mga ito.

Mga Mag-aaral. Balita Naipabatid ang mga

kaganapan sa paaralan na nakatulong sa kanila sa pagbabasa na humihikayat sa mga gawaing pampaaralan. Editoryal Naipabatid ang mga napapanahong isyung pampamayanan at pampaaralan na lumilinang sa kanilang tungkuling makisangkot sa tawag ng kanilang responsibilidad. Tanging Lathalain Nalinang ang kahusayan sa pagbasa hinggil sa ibat ibang paksa na may kinalaman sa buhay ng mag-aaral.

Komunidad. Balita Naipabatid ang gawain

ng komunidad na may kapakinabangan sa programa ng paaralan para sa mga mag-aaral. Editoryal Nalinang ang pakikiisa at pakikisangkot sa gawaing pampamayanan ng paaralan at naipabatid ang mga mungkahi ng mga mag-aaral sa kanilang mga magulang sa lalong ikabubuti ng paaralan na kaakibat ang komunidad para sa kapakinabangan sa mga mag-aaral.

Mungkahing Hakbang/ Paraan sa Higit Pang Pagpapaunlad ng mga Pamahayagang Pampaaralan Kinakailangang magkaroon ng sapat na kagamitang

pansanay, kaaya-ayang silid, suporta ng pamahalaang lokal, pondo sa mga programa at patimpalak, istandard na proseso ng pagpili ng tagapayo, programa sa pagpili ng patnugutan, pagkakaroon ng worksyap at panayam ng mga tagapayo at guro, pagsunod sa kaisahang gabay sa paglalathala, makabagong kasanayan sa pagtuturo ng pamamahayag, buwanang pagsusuri sa katangian at nilalaman nito, palagiang pagkakaroon ng palitang pamamahayag at pagbibigay ng malawak na saklaw ng pagbabalita sa paaralan at sa komunidad na kinabibilangan.