Upload
others
View
52
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Araling Panlipunan
Modyul para sa Mag-aaral
Unang Markahan
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa
Paghubog ng Kabihasnang Asyano.
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyo Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Susan A. Son
Tagasuri: Elma M. Larumbe (Moderator)
Gracesila I. Maṅanita (QA)
Tagaguhit: Ma. Dea Marl C. Tigle
Tagapamahala
Schools Division Superintendent :Marilyn S. Andales
Asst. Schools Division Superintendents :Leah B. Apao
:Ester A. Futalan
:Cartesa M. Perico
CID Chief: :Mary Ann P. Flores
EPSVR in LRMDS :Isaiash T. Wagas
EPSVR - AP :Rosemary N. Oliverio
Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________
Department of Education – Region VII- Division of Cebu Province
Office Address: IPHO BLDG., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: [email protected],ph
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng Kabihasnang
Asyano.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
magaaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Kahalagahan ng Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
magaalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
ARALIN 2
Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa
Paghubog ng Kabihasnang Asyano
Alamin
Gabayan sa Pagkatuto: AP7HAS- la-1
Napapahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa
paghubog ng Kabihasnang Asyano
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig. Mahalagang pagtuunan
ng pansin ang tungkol sa pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang
epekto nito sa kilos at gawain ng mga tao sa Asya. Ang iba-ibang anyong
lupa,anyong tubig,klima, at likas na yaman ng isang lugar ay nakaimpluwensiya sa
pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano.
Sa araling ito, bibigyan ng pokus ang kahalagahan ng ugnayan ng tao at
kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano. Inaasahang ikaw ay magkakaroon
ng higit na pang-unawa sa mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran at
makakatulong sa pagpapaunlad sa iyong komunidad.
Mga Layunin
Sa araling ito, inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang sumusunod:
nasusuri ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano;
nakagagawa ng poster tungkol sa kagandahan ng kapaligiran at katangiang pisikal ng isang komunidad;
naipapahayag ang pananaw o saloobin tungkol sa ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano;
napapahalagahan ang ugnayan ng tao sa kapaligiran upang maipagpatuloy ang nahubog na kabihasnang Asyano.
Subukin
Sa bahaging ito, subukin mong sagutan ang panimulang pagtataya upang mataya ang lawak ng kaalaman mo tungkol sa aralin. Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang wastong sagot mula sa hanay na pagpipilian. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Maaari mo nang simulan ang pagsagot. Handa
ka na ba?
1
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
1.Ano ang klima ng Pilipinas?
a.continental b. monsoon climate c. temperate d. tropical
2. Maraming mga disyerto ang matatagpuan sa Asya. Anong disyerto ang
pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo?
a. Gobi b. Kara Kum c. Takla Makan d. Thar
3.Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ito ang nararanasan ng Russia at Siberia, ano ang tawag sa vegetation na matatagpuan dito? a. savanna b. steppe c.taiga d. tundra
4.Anong bundok na nakahanay sa Himalayas na siyang pinakamataas na bundok sa buong mundo ?
a. K2 b. Mt. Apo c. Mt. Everest d. Mt. Kanchenjunga
5.Ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands ay nahahati sa tatlong uri.
Maliban sa steppe at prairie, ano ang pangatlong uri?
a. boreal forest b. savanna c. taiga d. tundra 6. Anong rehiyon sa Asya ang biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam
na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.
a. Silangang Asya c. Timog Asya
b. Hilagang Asya d. Timog-Silangang Asya
7. Ang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na
sona na kung tawagin ay Ring of Fire. Anong bansa ang hindi kasama dito?
a. India b. Indonesia c. Japan d. Pilipinas 8.Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pakakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganito ang uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang bahagi ng Russia at Manchuria?
a. prairie b.savanna c. steppe d. tundra
9. Ano ang itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo at
tinaguriang “Roof of the World”?
a. Anatolian Plateau b. Deccan Plateau c.Iranian Plateau d. Tibetan Plateau
10. Ang bawat salik ng kapaligirang pisikal ay nakaiimpluwensiya sa pagbuo at
pagunlad ng kabihasnan ng mga Asyano. Alin ang hindi kasama nito?
a. vegetation b. klima c. anyong lupa at tubig d. kontinente
11. Kung ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng
isang lugar, ano naman ang kapakinabangan ng kapatagan?
a. mainam sa pagsasaka
b. nagsisilbing tirahan ng ibang hayop gaya ng baka at kalabaw
c. pagtatayo ng kabahayan
d. lahat na nabanggit 2
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
12.Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya na nilinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan. Alin ang naging pakinabang nito?
a. nagsisislbing daanan ng mga transportasyong pangtubig b. pinagkukunan ng tubig bilang inumin c. pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan d. lahat na nabanggit
13. Ang steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow -rooted short grasses. Ano ang hanapbuhay sa mga taong naninirahan sa mga lupaing may ganitong uri ng vegetation?
a. pangingisda b. pagmimina c. paghahayupan d. paggugubat
14. Sa paglinang ng sinaunang kabihasnan napakalaki ang ginampanan ng mga
lambak ilog. Anong uri ng kabihasnang nalinang ng mga taong naninirahan dito?
a. agrikultura b. industriya c. negosyo d. serbisyo
15. Maraming oportunidad ang nakukuha sa mga anyong lupa ngunit mayroon din
itong panganib na dulot. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting dulot?
a. nagsisilbing lugar panirahan ng tao
b. nagsisilbing pastulan ng hayop
c. nagkakaroon ng pagyanig dahil sa pagputok ng bulkan
d. pinagkukunan ng pagkain
Gawain Blg. 1 LOOP- A - WORD.
A. Hanapin sa kahon ang salita na tinutukoy sa bawat aytem. Kopyahin ito sa
sagutang papel, bilugan ang salita at isulat ang sagot bago ang bilang.
Y I A S Y A N T I O M N
C B O A N L I M A D T G
K T I M O G E P T E S A
S L K O N T I N E N T E
Y H E O G R A P I Y A T
_____________1. Ang pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig.
_____________2. Ang rehiyon sa Asya na makikita ang mga nagtataasang
kabundukan sa buong mundo.
_____________3. Pinakamalaki na kontinente sa buong mundo.
3
Balikan
Magbalik - aral sa iyong natutuhan tungkol sa konsepto ng
Asya.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
_____________4. Bilang o dami ng rehiyon sa Asya.
_____________5. Ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa papel.
1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ________.
a. Kanlurang Asya c. Timog Asya
b. Silangang Asya d. Timog Silangang Asya
2. Hinahati ng Ekwador ang globo sa dalawang hemisphere, ang hilagang
hemisphere at ________.
a. kanlurang hemisphere c. timog na hemisphere
b. silangang hemisphere d. wala sa nabanggit
3. Ang lugar na kilala bilang Muslim world at kilalang arid Asia ay ang ______.
a. Hilagang Asya c. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog Asya
4. Ang linear na distansya ng silangan at kanluran ng Prime Meridian ay kilala
sa tawag na _______.
a. equator c. latitude
b. International Date Line d. longitude
5. Ang Asya kung ihahambing ang laki sa ibang mga kontinente ay halos
sangkapat ( ¼) lamang nito ang kontinenteng ______.
a. Aprika c. Europe
b. Asya d.Timog Amerika
Tuklasin
Gawain 2: LUGAR KO, ALAMIN MO ! Panuto : Maraming mga katangi-tanging lugar at tanawin ang Asya. Suriin
ang mga larawang ipinapakita at tukuyin ang pangalan na nasa larawan at ang bansang kinaroroonan nito. Buuin ang pangalan upang makuha ang sagot. ISULAT ITO SA SAGUTANG PAPEL.
4
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
HANDA KA NA BA? SIMULAN MO NA!
https://www.pinterest.ph/pin/484137028664916981/
HU_ _G _O R_V_R SA _HI_A
https://sites.google.com/site/readingargumentandadvocacy/ should-people-be-climbing-mount-
everest
_O_NT EV_R_ _T SA N_ _AL
https://www.maritime-executive.com/editorials/ the-growing-need-to-reverse-declining-caspian-sea-levels
CA_PI_N SE_ SA KAZ_KH_T_N
5
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://steemit.com/nature/@iamjeydii/10-facts-about- the-banaue-rice-terraces-20171115t9211411z
BA_A _E _IC _ TE_R_ _ES SA P_ _ IP _N _ S
https://earthsky.org/earth/what-is-the-worlds-deepest-lake
L_K _ BA_ K _ L SA SI _ _ R _ A
Kumusta ? Natukoy mo ba ang pangalan ng lugar at bansa?
Kung gayon, handa ka nang sagutin ang pamprosesong tanong. Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong nakikita sa mga larawan?
2. Ano ang ugnayan ng tao at kapaligiran tulad ng nakikita sa larawan ?
3. Paano nakaaapekto ang kapaligiran sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
6
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Suriin
Sa bahaging ito ay tatalakayin ang mga salik ng katangiang
pisikal ng Asya na lilinang sa iyong pag-unawa tungkol sa
kahalagahan ng ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
Kabihasnang Asyano.
Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay nagbibigay
ng kakaniyahan ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya
ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos
na nakakaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Ilalahad ngayon sa ‘yo
ang ilang kaalaman tungkol sa dalawa sa mga mahahalagang salik ng kapaligirang
pisikal ng Asya, ang mga anyong lupa at mga anyong tubig nito. Basahin at
unawaing mabuti ang teksto upang masagot ang katanungang sumusunod dito.
Matatagpuan sa Asya ang iba-ibang uri ng anyong lupa. Bawat uri nito ay
ginagamit, nililinang, at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga
Asyano.
Mga Uri ng Anyong Lupa
Bulubundukin o hanay ng mga bundok
Pinakatanyag ay ang Himalayas na may habang umaabot sa 2,415 kilometro.
Ang Hindu Kush (Afghanistan), Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at
Kyrgyzstan), Tien Shan (Hilagang Asya), Ghats (Timog Asya), Caucasus (Azerbaijan,
Georgia, Russia at Armenia), at ang Ural (Kanlurang Asya) ay ilan din sa mga
bulubundukin ng Asya.
Bundok
Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok
sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro)
na nasa Pakistan/ China. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586 metro) na
nasa Himalayas din. Bulkan
Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag sa Pacific Ring of Fire,
tinatayang nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan ang nasa Asya tulad ng
Semeru, Krakatoa (Indonesia), Fuji (Japan), Pinatubo, Taal at Mayon (Pilipinas). Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok
Ang Tibetan Plateau na itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong
mundo (16,000 talampakan) at tinaguriang “Roof of the World” ay nasa Asya. Ang
talampas ng Deccan na nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic Plain ng India ay
kilala rin.
7
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Disyerto
Ang Gobi Desert (Mongolia at Hilagang China, 1,295,000 kilometro kwadrado)
na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga
disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita rin dito ang mga disyerto ng Takla Makan
(China), Kara Kum (Turkmenistan), at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.
Kapuluan o Arkipelago
Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng Indonesia, Pilipinas at Japan.
Ang Indonesia ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo ng
humigit kumulang na 13,000 mga pulo.
Pulo
Umaabot sa 1,994,300 kilometro kwadrado ang kabuuang sukat ng mga pulo
sa Asya at kabilang dito ang Cyprus sa kanluran; Andaman, Sri Lanka, at Maldives sa
katimugan; Borneo, Java, Sumatra, at mga pulo ng Pilipinas sa timog-silangan;
Hainan, Taiwan, Sakhalin, Kuril, at mga pulo ng Japan sa silangan; at Wrangel, New
Siberian, Zemlya, at Severnaya sa hilaga.
Tangway o Peninsula.
Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa karagatan ang Asya.
Tinatayang nasa 7,770,000 kilometro kwadrado ang sukat nito. Ilan sa mga ito ay ang
Turkey sa kanluran; Arabia, India, Indochina, at Malay sa katimugan; Korea,
Kamchatka, at Chukotsk sa silangan; at Taymyr, Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi ng
Siberia).
Kapatagan
Halos sangkapat (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan. Ang
IndoGangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi nito.
Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng
mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang
kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o
depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa. Ang
ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay
nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metal, di-metal, at gas. Sa mga
bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga
hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife.
Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga lambak para sa
mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan. Ang
paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-ambag sa paghubog ng
kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.
Bukod sa pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa, maituturing kaya ang Asya
na mayaman sa iba’t ibang anyong tubig?
8
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://www.slideshare.net/jana2224/heograpiya2008
Mga Uri ng Anyong Tubig
Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga
karagatan at mga dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na malaking
bahagi ng hangganan ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga anyong
tubig?
Ang mga karagatan at mga dagat na ito ay gumaganap ng mahalagang papel
sa pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa,
rutang pangkalakalan at sa paggagalugad, at pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang
dagat at yamang mineral.
Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang
nagsilbing lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa
buong daigdig. Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at patuloy na nagbibigay
kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob, Irtysh, Yenisey, Angara, Yana, Indigirka, at
Kolima na pawang nasa bahagi ng Russia at umaagos sa Arctic Ocean; ang Anadyr
at Amur sa Russia, Huang Ho, Yangtze, at Hsi sa China, Song Hoi An at Mekong sa
Vietnam, at Chao Phraya sa Thailand ay ang mga ilog na umaagos sa Pacific Ocean.
9
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Dumadaloy naman sa Indian Ocean ang mga ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges
(ang sagradong ilog ng mga Hindu sa Varanasi, India) sa Bangladesh at Hilagang
India, Indus sa Pakistan, at Shat al-Arab sa Timog Iraq, gayundin ang Salween na
bumabagtas sa maraming bansa sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya, at ang
Brahmaputra na umaagos naman sa maraming bansa sa Timog Asya. Ang Amu Darya
(pinakamahabang ilog sa Gitnang Asya, 2,620 kilometro), Syr Darya na umaagos sa
Kyrgyzstan, Uzbekistan, at Kazakhstan; ang Tarim sa Xinjiang sa China; I-li na
umaagos sa Xinjiang patungong Kazakhstan; Chu sa Kyrgyzstan; Tedzhan sa
Turkmenistan; at Gilmend sa Afghanistan ay ang ilan sa mga ilog na matatagpuan sa
Hilaga o Gitnang Asya.
Apat na katangi-tanging lawa ang matatagpuan sa Asya: ang Caspian Sea
(Hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia, at Gergia, 371,000
kilometro kwadrado) na pinakamalaking lawa sa mundo; ang Lake Baikal (Timog
Silangang Siberia, 31,500 kilometro kwadrado) na siyang pinakamalalim na lawa; ang
Dead Sea (hanggangan sa pagitan ng mga bansang Israel at Jordan, 1,049 kilometro
kwadrado) na pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig; at ang
Aral Sea (hangganan ng mga bansang Uzbekistan at Kazakhstan, 64,750 kilometro
kwadrado), ang pinakamalaking lawa sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa
Asya, ang mga lawang ito ay nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng
mga naninirahan doon.
Gaya ng ginawang paglinang ng mga taong nagpasimula ng mga sinaunang
kabihasnan, ang mga lawa at ilog ay ang siyang pinagkukunan ng tubig bilang inumin
at ginagamit sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng
irigasyon sa mga palayan at pananiman, daanan ng mga transportasyong pangtubig,
at pinagkukunan ng mga pagkain at mga palamuti.
Ang Mga Vegetation Cover ng Asya
Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang Asya,
katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan o
grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.
Ang steppe ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted
short grasses. Maliliit lamang ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang
ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe sa Mongolia gayundin sa
Manchuria at Ordos Desert sa Silangang Asya.
Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at Manchuria at maging sa
Mongolia matatagpuan ang prairie, ang lupaing may damuhang mataas na malalim
ang ugat o deeply-rooted tall grasses.
10
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Samantala, ang savanna naman na matatagpuan sa Timog Silangang Asya
partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain ng pinagsamang mga damuhan at
kagubatan. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay
kadalasang nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at
tupa na pinagkukunan nila ng lana, karne at gatas. Ang mga lambak-ilog at
mabababang burol ay ginagawa nilang pananiman.
Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa
Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod
ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.
Sa bahagi ng Russia at sa Siberia matatagpuan ang tundra o treeless mountain
tract. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa lupaing ito dahil
sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic Ocean ang saklaw ng
behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa torrid zone ang
biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam na klima nito na halos may pantay
na panahon ng tag-ulan at tag-araw.
Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito.
Ito’y bunsod rin ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan tulad ng paggalaw
ng lupa at pagputok ng mga bulkan, at ang pag-ihip ng monsoon o hanging
nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo.
https://vdocuments.mx/ang-mga-vegetation-cover-ng-asya-5681636171a34.html
11
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Ano kaya ang mga pagbabagong naidudulot ng mga ito sa kapaligirang likas
ng isang bansa? Paano ito naghahatid ng mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga
tao? Ang Asya ay isang kontinente na palagiang nakararanas ng mga pangyayaring
ito.
Mga Uri ng Klima
Rehiyon
Katangian ng Klima
Hilagang
Asya
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman, malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang
panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
Kanlurang
Asya
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis o di
kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at halos
hindi nakakaranas ng ulan ang malaking bahagi ng rehiyon.
Kung umulan man, ito’y kadalasang bumabagsak lamang sa
mga pook na malapit sa dagat.
Timog Asya
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon. Mahalumigmig kung
Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung buwan ng
Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo,
tag-init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo
ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.
Silangang
Asya
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng
rehiyong ito, ang mga bansa rito ay nakakaranas ng iba-ibang
panahon: mainit na panahon para sa mga bansang nasa
mababang latitude, malamig at nababalutan naman ng yelo ang
ilang bahagi ng rehiyon.
Timog-
Silangang
Asya
Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang tropical.
Nakararanas ang mga ito ng tag-init, taglamig, tag-araw at
tagulan.
12
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Basahin at unawaan ang isinasaad sa mga teksto.
http://meliton-blas.blogspot.com/2012/08/i-learned-that-monsoon-is-defined-as.html
Direksyon ng Hanging Amihan o Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia
patungong Karagatan
(kaliwa),at ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon na nagmumula sa karagatan
patungong kontinente
Ang Katangian ng Klima
Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa
loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga
elemento tulad ng temperatura, ulan at hangin. Maraming salik ang nakakaapekto sa
klima ng isang lugar. Ilan dito ay ang lokasyon, topograpiya, uri o dami ng mga
halaman, at distansya sa mga anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan
dito ang lahat ng uri ng klima at panahon. Samantala, ang mga monsoon o mga
hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa
lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo't higit yaong mga nasa silangan
at timog-silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito, ito ay maaaring mag- dulot
ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.
13
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
https://www.pinterest.ph/pin/573575702534122802/
Ang Pacific Ring of Fire
Ang Pilipinas, kasama ang ilang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko, ay
nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay Ring of Fire, o CircumPacific
Seismic Belt. Ang lugar na ito ay nagtataglay na maraming hanay ng mga bulkan,
kasama na ang mga bulkang Mayon, Pinatubo, Taal at Krakatoa. Ang pagsabog ng
mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na
nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma ng anyong lupa at
anyong tubig. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol sa mundo ay
nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang kasaysayan, ang
karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay hinubog at binigyang
porma ng, bukod sa paggalaw ng tectonic plates na nagpabitak at nagpaangat sa ilang
bahagi ng lupa, ay dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang mahalagang papel ang ginampanan ng mga anyong lupa at mga
anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano?
2. Ano-anong hamon ang dulot ng anyong lupa at anyong tubig sa mga bansa sa
Asya?
3. Sa anong paraan na ang vegetation cover ng isang bansa ay nakaapekto sa
aspektong kultural (pamumuhay, pananamit, kilos at iba pa) ng mamamayang
naninirahan dito? Magbigay ng halimbawa.
4.Bakit ang malaking kontinente ng Asya ay may iba-ibang uri ng ng klima?
5.Paano naapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano?
14
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Pagyamanin
Gawain: 3 - I-TSEK MO KO!
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag kung ito ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng
Kabihasnang Asyano. Lagyan ng tsek (√ ) kung ito ay Tama at ekis (x) naman
kung Mali. ISULAT ANG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL.
_____1. Ang kabuhayan ng tao ay naaayon sa kaniyang kapaligiran.
_____2. Ang panirahang Asyano tulad ng paggawa ng bahay ay depende sa klima
mayroon ang isang lugar.
_____3. Hindi kailangan maki-angkop ng tao sa kanyang kapaligiran upang mabuhay.
_____4. Natutugunan ng kapaligiran ang pangangailangan ng tao tulad ng pagkain.
_____5. Pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat ang malalaking dagat sa Asya.
_____6. Ang mga ilog at lawa ang siyang pinagkukunan ng tubig ng mga taong
nagpasimula ng mga sinaunang kabihasnan.
_____7. Pinabayaan ng tao ang kapaligiran.
_____8. Ang mga anyong lupa ay hindi pinakikinabangan.
_____9. Nagsisilbing pananiman ng tao ang mga kapatagan.
_____10. Ang pagkakaroon ng monsoon ay naging walang silbi sa mga taong
naninirahan sa rehiyon.
Gawain 4. LARAWAN-SURI
PANUTO. Suriin ang bawat larawang ipinakita at kung paano ang paggamit ng tao sa
iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na nakapag-ambag sa paghubog ng kaniyang
uri ng pamumuhay at ng kabihasnan. Magbigay ng isang pahayag o pangungusap na
nagpapakita sa ugnayan ng tao at kapaligiran. Pansinin ang halimbawang ibinigay.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang mga burol ay ginagawang pastulan ng
mga taong nakatira dito.
BUROL
15
.
https://magagandangdistinasyon.weeblycom/blog/tsokolaten g - buro l
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
KARAGATAN
https://geekaboutasia.wordpress.com/2014/08/10/ mga-anyong-lupa-sa-asya/
BUNDOK
https://igichloyah.wordpress.com/mga-anyong-tubig/
ILOG
16
1.
https://igichloyah.wordpress.com/mg
2.
3.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
4.
KAPATAGAN
BULUBUNDUKIN
17
https://www.slideshare.net/jaredram5asy a - a t - rehiyo n - o nit - anyon g - lup a -
5.
https://www.slideshare.net/jaredram5asy a - t a - n rehiyo - nit o - anyon g - lup a -
Isaisip
Dahil sa sapat na ang iyong pang - unawa tungkol sa pisikal
na katangian ng Asya at ang pagtugon ng tao rito upang makabuo
siya ng isang uri ng pamumuhay na bahagi ng kaniyang kabihasnan.
Ngayon handa mo nang buuin ang iyong paglalahat tungkol sa aralin.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
GAWAIN BLG. 5:
PAGLALAHAT
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat pahayag upang mabuo ang kaisipan.
Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Matatagpuan sa Asya ang iba’t ibang _______________ at anyong tubig.
2. Ang ________ sa Timog Silangangang Asya ay apektado ng mga monsoon, ang
hanging habagat at hanging amihan.
3. Nagkakaiba ang buhay at pamumuhay ng mga tao sa bawat rehiyon ng Asya dahil
sa magkakaibang _________________.
4.Ang uri ng kapaligirang__________ ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito.
5. Ang patuloy na _____________ ng tao at kapaligiran ay siyang nagbubunsod sa
kabihasnang patuloy na pinauunlad ng tao sa kasalukuyan.
6. Ang ____________ o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima
na may matinding epekto sa lipunan at salik ng pamumuhay ng tao.
7. Ang _____ ay may malaking papel upang pangalagaan ang kapaligiran.
8. Ang pagsabog ng bulkan ay nagdudulot ng paglindol o paggalaw ng lupa na
nagbubunsod naman ng mga ___________ sa pisikal na porma ng anyong lupa at
anyong tubig.
9.Ang _____________ o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar ay epekto ng klima
nito.
10. Sa mga lambak- ilog nagsimula ang sinaunang ____________.
Isagawa
Dito ay ililipat at isasagawa mo na ang iyong natutuhan sa aralin.
Ang Asya ay sagana sa mga magagandang kapaligirang pisikal
na tunay namang maipagmamalaki bilang isang Asyano. Ngayon
handa ka na bang ipakita ito ?
Gawain 6: Ganda Mo, Ipapakita Ko !
Panuto: Paglikha ng Poster. Gamit ang isang long bondpaper, gumawa ng isang
poster na magpapakita ng kagandahan ng kapaligiran ng inyong lugar o komunidad.
Ang paglikha ay dapat na maging mapanghikayat sa mga makakakita nito. Gumamit ng anumang uri na pangkulay sa paggawa o paglikha.
18
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Rubrik sa pagmamarka :
Pamantayan Lubos na
Mahusay
(10 puntos )
Mahusay
( 7 puntos )
Kailangan pang
Magsanay
( 5 puntos )
Kaangkupan ng Tema
Maliwanag at angkop ang tema
May kakulangan sa mensahe sa paglalarawan ng tema
Hindi maliwanag at hindi angkop ang mensahe sa paglalarawan ng tema
Paghihikayat
Nakakahikayat ang mga ipinapahayag na paraan
Hindi gaanong nakahihikayat ang mga ipinahahayag na paraan
Hindi nakahihikayat ang mga ipinahahayag na paraan
Orihinalidad
Orihinal ang ginawang paglikha ng poster
Hindi gaano naipakita
ang pagka-orihinal nito
Walang orihinal sa paglikha ng poster
Pagkamalikhain
Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang tema
Hindi gaanong gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang
tema
Hindi gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang maipahayag ang tema
Impact
Malinis, maayos at malinaw ang kabuuang gawa
May kakulangan sa aspeto ng kalinisan at kaayusan
ang kabuuang gawa
Hindi malinis at
maayos ang kabuuang gawa
19
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Gawain 7- PAHALAGAHAN MO AKO! PANUTO: Unawain at sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Bilang isang mag-aaral at Asyano, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng iyong pamayanang kinabibilangan? (Magbigay ng 5 paraan ng pagpapahalaga)
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________
1. Saan umusbong ang mga kauna-unahang kabihasnan sa daigdig na matatagpuan
sa iba’t ibang rehiyon ng Asya?
a. bundok b. ilog c. karagatan d. kuweba
2. Maraming salik ang nakaaapekto sa klima ng isang lugar. Alin sa mga sumusunod
ang hindi kabilang dito?
a. lokasyon b. topograpiya c. ulan d. uri o dami ng halaman
3. Ano ang hindi kabilang sa katangi-tanging anyong tubig na matatagpuan sa Asya?
a. Aral Sea b. Caspian Sea c. Lake Baikal d. Mediterranean Sea
4. Anong uri ng vegetation cover mayroon ang Hilagang Asya?
a. prairie b. savanna c taiga. d. tundra
5. Ang monsoon ay isang bahagi ng klima na may matinding epekto sa pamumuhay
ng tao. Ito ay kadalasang nagaganap sa anong rehiyon sa Asya?
a. Hilagang Asya c. Timog Asya
b. Kanlurang Asya d. Timog-Silangang Asya
6. Alin ang hindi bulubundukin sa Asya?
a. Andes b. Hindu Kush c. Pamir d. Ural
7. Dahil sa matabang lupang prairie sa Mongolia, ano ang pinakapangunahing
hanapbuhay rito?
a. pag-aalaga ng hayop
b. paggawa ng mga feed para sa mga hayop
c. pagtatanim ng mga pagkaing butil
d. pagtotroso
20
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik na may wastong sagot. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
8. Ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay nagpapakita sa pagpapahalaga
natin dito. Alin sa mga sumusunod na gawain ng tao ang hindi naaayon?
a. pagsusunog ng mga basura c. pagtatanim ng mga punongkahoy
b. pagreresiklo sa bagay o gamit d. paglilinis sa paligid
9. Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito. Ito’y bunsod din ng pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan. Alin sa mga sumusunod ang hindi pangyayaring likas?
a. paggalaw ng lupa
b. pagputok ng mga bulkan
c. pag-ihip ng monsoon o hanging nagtataglay ng ulan na maaaring humantong
sa bagyo
d. pagputol ng punong-kahoy
10. Ang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko kasama ang Pilipinas ay kabilang sa tinatawag na Ring of Fire. Ang lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan. Ang pagsabog ng bulkan ay kadalasang nangyayari dito. Ano ang idinudulot nito na nagbubunsod sa pagbabago ng pisikal na porma ng anyong lupa at anyong tubig?
a. paglindol b.pagbaha c. soil erosion d. tagtuyot
11. Ang pagkakaiba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba-ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan
b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
c. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao
12. Ang klima at vegetation cover ay nakaimpluwensiya sa pamumuhay ng mga
Asyano. Alin ang hindi kanais nais na impluwensiya nito?
a. ang mga bahay ay gawa sa bato sa mga tuyong lupain
b. ang madalas na pagdaan ng bagyo dahil sa monsoon
c. nagsusuot ng makapal o pangginaw na damit sa malalamig na lugar
d. palay ang pangunahing pananim dahil angkop ang pagtubo nito sa klima ng
rehiyon.
13.Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal
ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong
lupa o anyong tubig
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan,
bundok, kapatagan, talampas, disyerto at kabundukan
c. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano.
d.Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga
tumutubong halamanan.
21
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
14.Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng mga
anyong lupa sa tao ay nakapagdudulot ng malaking impluwensiya sa kanilang kultura at
pamumuhay. Alin dito ang hindi nagiging biyaya?
a. nagsisilbing likas na tanggulan o depensa ng isang lugar at proteksiyon o
harang ang mga bulubundukin sa malalakas na bagyo
b. natataglay ng samu’t saring yamang mineral ang ilang disyerto at kabundukan
c. nakakakuha ng mga bungang-kahoy, mga herbal na gamot at mga hilaw na
materyales sa mga bundok at gubat
d. nagkakaroon ng pagyanig sa lupa dahil sa pagputok ng bulkan
15. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India, at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
a. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang
kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
b. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas
ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.
c. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay
naganap sa mga ilog na ito.
d. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga
ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga pagbaha.
Karagdagang Gawain
Gawain 8: PAG -ISIPAN MO!
Panuto: Ang ugnayan ng tao sa kapaligiran ay makikita sa kanyang
paglinang at paggamit nito. May pagkakataon na binabago ng tao ang
kapaligiran para lubos na mapakinabangan. Ang pagbabago ba sa
kapaligiran ay may mabuting naidudulot o hindi mabuting na idudulot
sa tao ? Pag-isipan mo ? Isulat ang mabuti at hindi mabuting dulot nito.
Gawin ito sa sagutang papel.
Mabuting Dulot Hindi- Mabuting Dulot.
22
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
23
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.d 6. d 11. d
2.a 7. a 12. d
3.d 8. a 13. c
4.c 9. d 14. a
5.b 10. d 15. c
HEOGRAPIYA 1. Ang pag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig.
TIMOG 2. Ang rehiyon sa Asya na makikita ang mga nagtataasang kabundukan sa buong mundo.
ASYA 3. Pinakamalaki na kontinente sa buong mundo.
LIMA 4. Bilang o dami ng rehiyon sa Asya.
KONTINENTE 5. Ang pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig.
BALIKAN - Gawain 1-Loop- A-Word
B. TUKLASIN- Gawain 2-LUGAR KO, ALAMIN MO!
1.d 1. HUANG HO RIVER SA CHINA
2.c 2. MOUNT EVEREST SA NEPAL
3.b 3. CASPIAN SEA SA KAZAKHSTAN
4.d 4. BANAUE RICE TERRACES SA PILIPINAS
5.c 5. LAKE BAIKAL SA SIBERIA
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
24
PAGYAMANIN
GAWAIN 3: I - TSEK MO KO!
1. / 6. /
2. / 7. x
3. x 8. x
4. / 9. /
5. / 10. x
GAWAIN 4. LARAWAN SURI
1. KARAGATAN- Ang mga karagatan ay nagsisilbing likas na depensa, rutang
pangkalakalan at sa paggalugad, at pinagkukunan ng iba’t ibang yamang dagat at
yamang mineral.
2.BUNDOK - Ang mga bundok ay makakakuha ng mga bungang-kahoy, mga
herbal na gamot at mga hilaw na materyales bukod sa panirahan ng mga hayop
lalo na ang wildlife.
3.ILOG- Ang ilog ay pinagkukunan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-
arawaraw na gawain. Pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga palayan at
pananim, daanan ng mga transportasyong pangtubig a pinagkukunan ng mga
pagkain at mga palamuti.
4.KAPATAGAN - Ang kapatagan ay binubungkal, sinasaka at nililinang para
sa pananim.
5.BULUBUNDUKIN - Ang bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan o
depensa ng isang lugar at proteksiyon o harang sa malalakas na bagyo o sigwa.
ISAISIP .Gawain 5. PAGLALAHAT 1. anyong lupa 6. monsoon
2. klima 7. tao
3. kapaligiran 8. pagbabago
4. pisikal 9. vegetation
5. interaksiyon o ugnayan 10. kabihasnan
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
25
ISAGAWA .
Gawain 6- Paglikha ng Poster
Gawain 7- PAHALAGAHAN MO AKO !
.Bilang isang mag-aaral at Asyano, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga
sa kapaligiran ng iyong pamayanang kinabibilangan?
Inaasahang sagot: Maipapakita ko ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng aking
pamayanang kinabibilangan sa pamamagitan ng wastong pangangalaga nito..
Maging responsable sa paggamit ng mga yamang likas.. Gawin ang 3 R’s (
Reduce, Reuse, Recycle) , panatilihing malinis ang kapaligiran , magtanim ng
mga punongkahoy. at huwag magtapon ng basura kahit saan.
TAYAHIN
1.b 6. a 11. a
2.c 7.a 12. b
3.d. 8. a 13. c
4.c 9. d 14. d
5.d 10. a 15. a
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 8- PAG-ISIPAN MO!
MABUTING DULOT HINDI MABUTING DULOT
Ang pagbabago sa kapaligiran ay may mabuting dulot sa tao dahil natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan at iba pang pangangailangan. Hindi lahat na kailangan at kagustuhan ng tao ay nakukuha sa likas na kapaligiran, kailangan pang baguhin o iproseso ito upang maiangkop sa hinahangad na kapakinabangan .
Ang pagbabago sa kapaligiran ay hindi mabuting
naidulot nito sa tao at kapaligiran dahil sa
posibleng kapahamakan o panganib ang
mangyayari.Tulad ng landslide o pagguho ng lupa,
flashfloods, global warming,polusyon sa tubig o
hangin, at iba pa. Sanhi nito ang iba’t ibang gawain
ng tao tulad ng pagputol sa mga punongkahoy
para gawing kubyertos o papel, land conversion
upang makapagpatayo ng mga malls , gusali at
subdivision, maling pagtatapon ng basura na
nagdudulot ng pagbaha at iba pa.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
26
TUKLASIN : Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang iyong nakikita sa mga larawan? Inaasahang sagot: Nakikita ang iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa Asya.
2.Ano ang ugnayan ng tao at kapaligiran tulad ng nakikita sa larawan? Inaasahang sagot: Ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nakikita kung paano nililinang at pagyamanin ng tao ang kapaligiran. Ang kanyang paglinang ay naaayon sa kanyang pangangailangan na mabuhay. Ang kapaligiran naman ay nangangailangan ng pagkalinga at pag-aalaga ng tao.
3.Paano nakaaapekto ang kapaligiran sa paghubog ng Kabihasnang Asyano? Inaasahang sagot: Nakaapekto ito dahil nasa kapaligiran nakikita at nakukuha ang karamihan sa mga pangangailangan ng tao.at umaayon ang kanilang pamumuhay o ikinabubuhay sa kanilang kapaligiran na siyang dahilan sa paghubog sa kabihashang Asyano.
SURIIN: Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mahalagang papel ang ginampanan ng mga anyong lupa at mga anyong tubig sa
pamumuhay ng mga Asyano?
Inaasahang sagot: Naghahatid ng maraming kapakinabangan ang mga anyong lupa at anyong tubig. Ang mga anyong lupa bukod sa panirahan ng tao, pinagkukunan ng pagkain, yamang mineral, hilaw na materyales, at iba pa. Ang mga anyong tubig naman ay pinagkukunan ng tubig bilang inumin at pagkain, sistema ng irigasyon, daanan ng mga transportasyong pangtubig at iba pa. 2.Ano-anong hamon ang dulot ng anyong lupa at anyong tubig sa mga bansa sa Asya?
Inaasahang sagot: Ang mga hamong dulot ng anyong lupa at anyong tubig ay pagguho ng lupa o landslide, pagbaha o flashfloods, tagtuyot, storm surge, tsunami, pagsabog ng bulkan, lindol, buhawi, at iba pa. 3.Sa anong paraan na ang vegetation cover ng isang bansa ay nakakaapekto sa aspektong kultural (pamumuhay, pananamit, kilos at iba pa) ng mamamayang naninirahan dito?
Magbigay ng halimbawa.
Inaasahang sagot: Nakaaapekto ito tulad na lamang sa pamumuhay kapag ang lugar ay isang disyerto kadalasan walang mga pagkain dahil sa bihira ang pananim na tumutubo dito. Sa pananamit naman, ang mga taong naninirahan na may behetasyon na tundra madalas ay nakasuot ng mga pangginaw dahil malamig dito. 4.Bakit ang malaking kontinente ng Asya ay may iba-ibang uri ng klima? Inaasahang sagot: Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik. Maraming salik ang nakaaapekto nito sa isang lugar tulad ng lokasyon, topograpiya, uri o dami ng halaman at distansya ng anyong tubig. Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima. 5.Paano naapektuhan ng monsoon sa Asya ang mga Asyano? Inaasahang sagot: Ang monsoon ay may malaking epekto sa kabuhayan ng mga bansang Asyano sapagkat ito ang hanging nagdadala ng ulan. Ang ulan ay nakakatulong upang tumubo ang mga pananim sa Silangang Asya at TimogSilangang Asya ngunit magdudulot din ito ng pagkasira ng mga pananim, ari-arian maging buhay ng tao kapag may kalabisan.
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
A. Mga Aklat
Andrada, Lolita et al. Araling Asyano: Araling Panlipunan-Modyul para sa Mag-aaral, Unang
Edisyon. (Pasig City: Eduresources Publishing, Inc.), 2014.
Blando, Rosemarie et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling-Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, (Pasig City: Eduresources Publishing, Inc.),
2014.
Mateo, Grace Estela et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan Batayang Aklat sa Araling
Panlipunan Ikalawang Taon, (Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.), 2008.
Mateo, Grace Estela et al. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan Manwal ng Guro sa Araling
Panlipunan Ikalawang Taon, (Quezon City: Vibal Publishing House, Inc), 2008.
Samson, Maria Carmelita et al. Kayamanan Workteks sa Araling Panlipunan-Ang Pilipinas
sa Asya 8, (Quezon City: Rex Book Store.Inc.), 2013.
B. Lesson Exemplar
Bejasa, Frederic. Lesson Exemplar (GAD-Based IC Cebu), Katangiang Pisikal ng Asya. pahina 11-13 Reference: Blando, Rosemarie et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, (Pasig City: Eduresources
Publishing, Inc.), 2014. .
C. Mga Website
Ang Pilipinas, “Mga Anyong Tubig,” accessed July 10, 2020.
https://igichloyah.wordpress.com/mga-anyong-tubig/
Blogger, “Insights and Reflections.” August 4, 2012.http://melitonblas.blogspot.com/2012/08/i
learned-that-monsoon-is-defined-as.html.
Byrd, Deborah. “Lake Baikal: Earth’s deepest, oldest lake,” Earth Human World, June 4,
2009, https://earthsky.org/earth/what-is-the-worlds-deepest-lake.
Heaven BL, “Heograpiya2008,” Slideshare, March 18, 2013,
https://www.slideshare.net/jana2224/heograpiya2008.
Iamjeydi. “10 Facts About the Banaue Rice Terraces,” Steemit, 3 years ago,
https://steemit.com/nature/@iamjeydii/10-facts-about-the-banaue-rice-terraces
20171115t9211411z.
27
Sanggunian
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Juezan, Jared Ram, ”Mapa ng Asya at Rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig,” Slideshare,
June 16,2015, https://www.slideshare.net/jaredram55/mapa-ng-asya-at-rehiyon-nito anyong-lupa-
at-anyong-tubig.
Leiladearmas. ”Mga Anyong Lupa sa Asya,” Geekaboutasia, Aug.10, 2014,
https://geekaboutasia.wordpress.com/2014/08/10/mga-anyong-lupa-sa-asya/.
Mexico Documents, “Ang mga Vegetation Cover ng Asia,” December 27, 2015,
https://vdocuments.mx/ang-mga-vegetation-cover-ng-asya-5681636171a34.html.
Pinterest, “Ring of Fire Map-Major World Volcanoes, Active World Volcanos,” Accessed July
10, 2020, https://www.pinterest.ph/pin/573575702534122802/.
Pinterest, “Sun Tzu,” Accessed July 10, 2020,
https://www.pinterest.ph/pin/484137028664916981/.
Puno, John Marc, “Tsokolateng Burol,” Weebly, January 17, 2015,
https://magagandangdistinasyon.weebly.com/blog/tsokolateng-burol.
Valentine, Harry, “The Growing Need to Reverse Declining Caspian Sea Levels,” The Maritime
Executive, November 17, 2018, https://www.maritime-executive.com/editorials/the growing-
need-to-reverse-declining-caspian-sea-levels.
Woody, Danielle, “People Be Climbing Mount Everest,” Reading Argument and Advocacy,”
February 14, 2017, https://sites.google.com/site/readingargumentandadvocacy/should people-be-
climbing-mount-everest.
28
1st GENERATION MODULE
S - VERSION 2.0
__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region VII- Division of Cebu Province
Office Address: IPHO BLDG., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address: [email protected],ph
29