19
Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot Guhit ni: Arnaldo H. Dalisay Kuwento ni: Glorie Jhene S. Dalisay

Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog

at Lot-Lot

Guhit ni:Arnaldo H. Dalisay

Kuwento ni:Glorie Jhene S. Dalisay

Page 2: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Nog-Nog

MangKarding Lot-Lot

Pot-Pot

Page 3: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Published by the

Department of Education

Region III

COPYRIGHT @2018by____________________

Copyright Notice:

Section 9 at Presidential Decree No. 49 provides:" No Copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for

profit."

Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog

at Lot-Lot

Page 4: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

May tatlong matalik na

magkakaibigan na masayang naninirahan sa

isang tahimik at malinis na baryo.

Si Pot-Pot na may malusog na

pangangatawan, si Lot-Lot na may kulot na

buhok at si Nog-Nog na may kayumangging

kulay.

6 76

Page 5: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Ang tatlo ay laging naglalaro sa malawak,

malinis, at luntian na bakuran ni Mang Karding.

Sila ay palundag-lundag, patakbo-takbo

at pasayaw-sayaw. Makikita sa bawat isa ang

labis na kasiyahan at ngiti sa kanilang mga

labi na tila walang kapaguran sa kanilang mga

ginagawa.

98

Page 6: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Sa kanilang paglalaro, sila ay

nakapulot nang isang kakaibang bagay. Dali-

dali nila itong tiningnan at namangha ang tatlo

sa kanilang nakita.

"Wow! Isang mapa ng kayamanan", sabi

ni Nog-Nog.

"Siguradong maraming pera at ginto ang

nakatago rito." , wika ni Pot-Pot.

"Halina at hanapin natin", dagdag pa ni

Lot-Lot.

1110

Page 7: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

"Ang unang makahahanap ng kayamanan

ay siyang magmamay-ari nito," ang sabi ni

Nog-Nog.

Sumang-ayon sina Pot-Pot at Lot-Lot

sa mungkahi ni Nog-Nog. Dahil maraming

direksyon itinuturo ang mapa nagpunta sila

sa iba't ibang lugar upang hanapin ang

kayamanan.

1312

Page 8: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Ang bawat isa ay gustong makita ang

kayamanan. Kaya't si Nog-Nog ay kaagad

nagpunta sa kakahuyan, sa isang ilog naman

nagpunta si Lot-Lot at itong si Pot-Pot ay sa

kuweba nagpunta. Lihim ang ngiti ng bawat

isa habang naghiwa-hiwalay sa pagnanais

na makuha ang kayamanan.

1514

Page 9: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Muling nagkita-kita sina Pot-Pot, Lot-Lot

at Nog-Nog subalit hindi nila natagpuan ang

tagong kayamanan. Makikita sa kanilang mga

pagod na mukha ang labis na panghihinayang

at kalungkutan dahil wala sa kanilang tatlo

ang nakahanap ng kayamanan na nakalagay

sa mapa.

1716

Page 10: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

"Hindi ko makita ang kayamanan nang

mag-isa," sabi ni Pot-Pot.

"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya

ngunit hindi ko rin ito makita", tugon ni Pot-Pot.

"Sa palagay ko, kung sama-sama tayong

maghahanap nito ay madali natin itong

makikita," wika ni Lot-Lot

"Oo, tama ka Lot-Lot," sang-ayon ni Nog-

Nog.

1918

Page 11: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Ang tatlong magkakaibigan ay

nagdesisyong hanapin nang sama-sama ang

tagong kayamanan. Muli nilang tiningnan ang

mapa at nakita nila ang isang malaking puno

na katulad ng nasa bakuran ni Mang Karding.

Agad-agad silang nagtungo roon upang

matagpuan ang kayamanan.

2120

Page 12: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Sa wakas, nakita na rin nila ang malaking

puno na nasa mapa. Mayroon itong

markang pula na nagtuturo kung nasaan

ang kayamanan. Nagtulong-tulong ang

magkakaibigan na hukayin ito at nakita nila

ang maliit na baul ng kayamanan.

2322

Page 13: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Sabay-sabay binuksan nina Pot-Pot, Lot-

Lot at Nog-Nog ang baul ng kayamanan at

nagulat sila sa kanilang nakita. Mga maliliit

na manyika na kamukhang-kamukha nilang

tatlo ang laman nito.

"Wow! Ang mga manyikang ito ay

kamukha natin," ang masayang wika ng

tatlo.

2524

Page 14: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

"Ha, ha, ha! Natagpuan ninyo ang

kayamanan?" bulalas ni Mang Karding.

"Opo natagpuan na po namin ito,"sagot ng

tatlo.

"Ginawa ko ang mga manyikang iyan para

sa inyo dahil mababait kayong mga bata," ang

sabi ni Mang Karding.

"Opo Mang Karding, nagustuhan po namin

ang mga ito. Pangako po iingatan po namin ito

tulad ng aming pagkakaibigan," ang wika ng

tatlo.

2726

Page 15: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Sa huli, nalaman nilang tatlo na ang

tunay na kayamanan ay hindi lamang sa mga

materyal na bagay tulad ng pera o ginto kung

hindi sa pagkakaroon ng tunay na kaibigan.

Muli, masayang naglaro sina Pot-Pot, Nog-

Nog at Lot-Lot sa bakuran ni Mang Karding

gamit ang kani-kanilang mga manyika.

2928

Page 16: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Tulungan ang tatlong magkakaibigan na makarating sa tagong kayamanan.

Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Ano ang pamagat ng kuwentong binasa? a. Sina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot b. Ang Kayamanan c. Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog- Nog at Lot-Lot2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? a. Pot-Pot, Mak-Mak, Lot-Lot b. Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot c. Pot-Pot, Nog-Nog at Pen-Pen3. Saan nangyari ang kuwento? a. Sa bahay b. Sa bakuran c. Sa bukid4. Ano ang natagpuan ng magkakaibigan habang sila ay naglalaro? a. ginto b. mapa c. pera5. Ano ang laman ng baul ng kayamanan? a. ginto b. manyika c. pera

30 31

Page 17: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5.

Nakakita ng mapa ng kayamanan ang magkakaibigan habang sila ay naglalaro.

Masayang naglalaro ang magkakaibigang sina Pot-Pot, Lot-Lot at Nog-Nog.

Nakita nila ang isang marka sa malaking puno na nasa bakuran ni Mang Karding.

Nagpunta sila sa iba't ibang lugar upang ito ay hanapin.

Natagpuan nila ang kayamanan.

3332

Page 18: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

May-akda: GLORIE JHENE S. DALISAYNagtapos sa College of Mary Immaculate, Pandi, Bulacan, ng Kursong Bachelor of Elementary Education. Naging guro sa Children's Mindware School Inc. sa Balagtas, Bulacan noong 2010 hanggang 2013. Sa kasalukuyan ay guro ng ikalawang baitang sa Masuso Elementary School sa Masuso, Pandi, Bulacan.

Gumuhit: ARNALDO H. DALISAYNagtapos sa Bulacan State University, Meneses Campus ng kursong Bachelor of Elementary Education. Naging guro sa Children's Mindware School Inc, sa Balagtas Bulacan noong 2010 hanggang 2016. Sa Kasalukuyan ay guro ng ikaanim na baitang sa Masuso Elementary School sa Masuso, Pandi, Bulacan.

3534

Page 19: Ang Tagong Kayamanan nina Pot-Pot, Nog-Nog at Lot-Lot€¦ · Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-5. Nakakita ng mapa ng kayamanan

S

Sina Pot-Pot, Nog-Nog, at Lot-Lot ay matalik na magkakaibigan. Isang araw, nakapulot sila ng mapa ng kayamanan. Naghiwahiwalay ang tatlo upang ito ay hanapin. Sa iyong palagay, anong kayamanan ang kanilang matatagpuan?

Halina at basahin ang kuwentong ito at tulungan ang magkakaibigan na mahanap ang tunay na kayamanan.

Sinopsis