185058721-Filipino

  • Upload
    chel101

  • View
    334

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FIL

Citation preview

MGA TEKSTOPARA SA IKATLONG MARKAHAN FILIPINO VIIIpinasana ni: Nyomi Anne D. Corpuz

Ipinasa kay: Ginoong Agpaoa

TUTUBI TUTUBI WAG KANG MAGPAHULI SA MAMANG SALBAHE

Kasasara lang ng eskwlahan at kabababa lang ng batas militar. Si Jojo, nagaaral sa Philippine School for Science and Technology, ay napadaan at binalak na bumisita sa nagbagong paaralan. Militar na ang pumalit sa mga gwardiya kay makikipila at magpapa-inspect para makapasok. Kinukumpiska maski ang suklay na patulis ang dulo. Dapat din ay proper uniform. May nakasabit pa nganga Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan kasama pa ang ibong walang pakpak at paa. Nakipila pa rin si Jojo at noong siya na ang kinapkapan, hinanap ang kanyang ID, sinita kung bakit hindi siya nakauniporme at ininspeksyon ang kanyang libro. Napagkamalan pa nga siyang aktibista dahil sa kanyang porma. Dinala siya sa dati nilang library at inusisa ng miltary interrogator(Gardonet) na parang di marunong magtagalog. Kada iling ay maybatok. Pinipilit siyang komunista. Pinagsabi pa nga siya ng mga kilala niyang komunista at nagimbento naman siya. Ginupitan siya ng bohok pagkatapos. Biglang dumating si Kulas, kabarkada niya at parang may sinesenyas ito. Pinaglinis si Jojo ng mga sasakyan suot ang malaking plakard at doon niya narinig ang mga sigaw ni Kulas.

Napilitan siyang maglakad dahil nga nagastos niya ang tirang pera sa barberya. Naglabasan ang mga billboard ng multinational. Napinturahan ang suso ni Moran at baril ni Bronson. Nilapitan siya ng Amerikanong preacher na naniningil pa para sa leaflet. Lumayo rin ang Kano at tuloy ang lakad. Naisipan niya ring ibenta ang relo na bigay ng kanyang ama. Buti umabot siya sa Tambunting at naibenta ito ng higit ochenta. Bumili ng sigarilyo, pagkatapos ay kumain sa restawrant at nang marinig ang kampana ay nagmadali ng umuwi. Dumaan muna siya sa simbahan at pinagbentahan at kinuwentuhan pa ng mga pa- lengkera. Nakipila rin siya sa sinasabing milagrosang imahen(na muntik manakaw). Noong bata pa siya ay pinakokolekta sila ng porno materials ng pari at noong high school ay pinakukumpisal ukol sa kahalayan. Idinidepensa naman niya ang urges na dapat hindi pinipigil.

Nang pumasok na siya sa simbahan pilit na dinidikta ng pari ang Good News. Pero pumasok sa isip niya ang plano na pagsamahin lahat ng ayaw niya sa floating school na iiwan sa dagat na maraming pating. Natakot rin siyang mapunta sa impyerno kung too ang imahe. Ganon pa rin ang labas, palengke at mga nagdedebate.

Pagkaalis ng simbahan naalala niya ang mga unang araw sa eskwela at pagbabago ng paniniwala sa talino. Kapareho nito ng ilan niyang kabarkada sina Kulas, Minyong, Joey, Herbi, Lib at si Mr. Kabayan. Mga aktibista ang kanyang mga kasama kaya medyo nahahawa na rin siya. Ikinukwento niya rin ang mga pangyayari sa paaralan lalo na ang tungkol sa mga chismis ni Miss Spermatozoa(na bastos). Isang araw pa nga ay nagpatigasan sila ni Jojo dahil sa proper uniform. Sa huli ay sumuko rin ang guro. Akala niya ay kickout na siya pero biglang nagsara ang paaralan dahil sa batas militar.

Napadaan naman siya sa tindahan ng hayop at halaman at napansing nakakulong ang mga hayop at ginawang bonsay ang mga halaman. Sa kanyang palagay, maski ang hayop at halaman ay tutol sa pagkakakulong. Lumabas siya

ng tindahan at si Tess naman ang pumasok sa isip. Naalala niya nang una silang magkita sa lamay. Umasang tatawagan pero naghintay lang sa wala. Pumasok siya sa Ma-mon-luk at pagkatapos ay tinabihan ng isang matandang parang nagpapabata. Hinimas-himas ang kanyang hita at yinaya pa sa I.C. Nagpaalam naman siyang jumingel sa Lola at paglabas niya nang banya ay lumayo at iniwan ang bill sa matanda. Inabutan siya ng curfew kaya napilitang makitambay sa mga naglalamay.

Kapag nasa probinsya akala ay lagi siyang tama. Pero may kwento rin naman ng kamartiran tulad ng kay Idyo(na dapat ay valedictorian nila). Malas niya lang at napagmali na lahi sila ng mangkukulam at nang lumaon ay lumuwas rin ng maynila. Mayroon ring ibang sikat sa kanila tulad ni Doming na naging Sundalo; si Zeny, dating puta na naging kabit ng pulitiko; si Mayor Adlaza na payaman ng payaman at ang huli nama'y si Tininte na dating magsasaka na naging asendero.

Tapos na ang curfew at humigop muna siya ng goto bao naisipang dumeretso sa boarding house. Hindi sila nagpansinan ng landlady(kahit alam niyang galit iyon). Dumeretso siya sa kwarto at nadatnang tulog sina Minyong at sisiw(anak ni landlady) pero wala pa rin si Kulas. Umidlip siya at paggising ay kinausap na lang si Minyong. Hindi pa talaga umuuwi si Kulas at dagdag pa si Kwakkwak(pusa) na pinalayas dahil nahuling nagnanakaw ng pagkain sa ref(kasama si Minyong). Nadamay pa nga sila ni Kulas pero nalaman niya rin na wala pa si Mr. Kabayan. Umalis si Minyong para makibalita sa tribo nila. Gusto niya ring lumabas pero wala namang maisip na pupuntahan. Nakita niya ang sulat ng kanyang itay(na walang lamang pera). Pero kakaiba ang nasa sulat, parang hindi maayos ang kalagayan nila at ang huling salita pa eh magingat ka. Gusto niya ring sumulat pero hindi niya alam kung magsasabi siya ng totoo. Nong minsan kasing nagsabi ng totoo ay nakagalitan pa(pumunta kasing central luzon). Gusto na nga rin siyang ilipat sa kanilang probinsya pero napilit

pa rin na huwag. Gusto niyang magdoktor noong una pero ngayo'y ayaw na niya. Gusto na nyang umuwi pero hindi niya maisulat. Naisip niya namang sulatan si Tess pero napunta lang sa basurahan ang nagawang sulat. Tumawag si Joey sa telepono para yayain sa meeting si Jojo. Pero naiilang siyang pumunta dahil nandon sina Ven at Tess. Kasi nang magbreak sina Ven at Tess ay siya ang ginawang pantakip butas ng babae. Kaya nang magkaayusan na ay naging panggulo na lang siya. Dumating siya sa folk house(na may trying hard na Bob Dylan at walang folk). Hindi na niya makita ang matandang waiter na tumanggap sa kanila noong una. Nang dumating na si Joey(nakapaburgis na kasuotan dahil daw ayaw magpahalatang aktibista), pinagusapan nila ang nangyayari sa grupo. Si Kulas ay hinuli. Pinlano nila na sunugin kaagad lahat ng maaaring ebidensya sa boarding house at sa umaga nila yon gagawin kaya tumuloy muna sila kina Herbi. Pagbisita kina Herbi, una kaagad na pinoblema ang pagkain. Si Herbi ay anak ng pasto at sanay sa hirap. Ang pisong baon sa buong semestre ay pinapadami sa chess. Sabi niya ay may solusyon pa naman siya sa kanilang gutom. Sa tabing lagoon ay maraming kangkong. Tulad ng dati si Jojo ang lookout at sinwerte pa rin sila sa kangkong. Nang magluluto na si Herbi, napagkatuwaan nilang magchess(pero pareho silang nagdadayaan). Naisip niya na naman si Tess pero dinaan na lang nila sa kain at biruan ang problema. Nakatulog na ang dalawa pero siya ay nagiisip pa.

Bago pa man din siya makatulog napansin na niyang may sakit si Herbi. Ginising niya si Joey at naghanap naman si Jojo ng gamot sa mga gamit ni Herbi. Nakakita siya ng gamot at calamine lotion ang basa niya. Ipinahid niya sa pantal ng kaibigan. Nang gumanda-ganda na ang pakiramdam ay napansin ni Joey na anti-allergy syrup pala ito at kulang na para ipainom. Dumeretso sila sa infirmary at doon nakatulog ang tatlo. Nagising lang sila Joey at Jojo nang dumating ang doktor. Ngayon na pinabalik ni Joey si Jojo sa boarding house para linisin ang dapat linisin. Pagdating sa boarding house, nakita niya na

maraming tao at nalaman niyang pinasok ito ng mga militar. Minabuti niyang lumayo muna.

Sa paglalakad, nakita niya ang maraming pagbabago sa Maynila at naalala ang mga pagbabago sa probinsya. Nang mapagod na ay bumalik din sa boarding house at doon niya nakasalubong si Inday. Tinangay nga sila sisiw at landlady. Hinahanap raw si Mr. Kabayan at mga estudyante nito. Pagpasok naman niya ng kwarto ay nalimas na ang lahat ng kanyang gamit maliban sa maruruming damit, jaket na bigay ni tess at silindro ni Kulas.

Pagbalik niya sa bahay ni Herbi, may iniwang note si Joey na pinapapunta siya kina Lib. Ayaw niya doon dahil sa mga magulang nito. Tinawagan niya muna ang bahay nila Lib at nalamang gabi pa ito uuwi. Kulang na ang pamasahe niya(at gutom na gutom pa) kaya naisipan na lang niyang dumiskarte sa Bus. Sinwerte naman siya at nakasakay. Pagdating sa Cubao ay nakaupo na siya pero minabuti niya na lang ibigay sa matandang ale ang upuan. Dahil nga sa gutom at pagod ay nahilo siya at hinimatay.

Pagkagising niya, nakita niya ang isang matandang babae na nagsusubo ng mainit na sabaw sa kanya. Siay ang babaeng binigyan niya ng upuan at Mamay ang tawag sa kanya. Dadalhin sana niya si Jojo sa ospital kaso ay mahirap lang rin sila at manghihilot naman siya. Gusto na umuwi ni Jojo pero masakit pa ang kanyang binti at baka abutin ng curfew( at nalaman niyang 3 araw na siya doon). May dumating namang buntis na nagkwento sa mga pagbabago sa kanilang lugar. Tutol dito si Mamay. Maya maya lang ay dumating si Boy na basang basa. Nagkausap sila ng kaunti(nabanggit ni boy ang aktibistang kuya) at nang dumating si Jem ay natulog na sila. Kinabukasan pagkatapos magalmusal ay nagpaalam na siya. Inabutan siya ng limang piso at hinatid na ni Boy palabas.

Minabuti niyang magpunta muna sa kababayang si Idyo para makibalita sa bayan nila. Pagdating kina Idyo, sinama siya ng kaibigan sa raket nito, maging fixer. Nang makaipon na ay pumunta sa isang Kritikal na Papel 7 eskenita at makipaginuman. Habang nagdadaldalan ang mga lasenggo ay tahimik siya hanggang mapansin ang isang makapal na sinturong nakadispley. Pagkatapos magsalita ay siya naman ang napunta sa hot seat sa usapan. Tuloy ang inuman at walang nagpapahalatang lasing. Merong lumabas at humihiga at dahil pala wala nang mainom. Buti ay may nagpakuha pa ng isang kahon. Noong malasing na si Jojo tsaka lang sinabi ni Idyo ang nangyari. Nasunog ang kanilang tindahan at nabugbog si Tata Selo. Nagkayayaan naman silang manood ng bomba. Marumi ang sinehan at matapos ang palabas sa sine ay pumasok ang isang announcer na nagyayaya sa isang live show sa maliit na silid sa gilid ng sinehan. Medyo may kamahalan ang tiket pero bumili pa rin ang makakasama. Mabaho at makalat ang silid na iyon, parang isang malaking basurahan. Nagumpisa na ang palabas sa pagitan ng isang babaeng medyo may edad at lalaking maton. Iba't ibang posisyon ang pinakita at palipat-lipat naman ng upuan ang mga kasama. Nang matapos na sila ay nagyaya ang announcer na manood uli.

Paglabas ay may nakasalubong na grupo ng mga lasing. Lumapit ang isa at tinadyakan ang isa nilang kasama. Paglayo ay sinalubong naman sila ng pulis, agad na nagsumbong, at binalikan ang grupo. Nang magharap-harap ay inagaw ng lasing ang baril sa pulis at kasabay nito ang dahandahan nilang pagtakas. Humiwalay na si Jojo sa grupo ni Idyo nang makitang may umaalialigid na metrocom.

Pagdating ni Jojo kina Lib, nadatnan niya si Joey at agad na kinwento ang mga nangyari. Nabalitaan niya rin na patay na sa engkwentro sila Kulas at Mr. Kabayan. Dahil dito napagpasyahan na buuin muli ang grupong tutubi.

TAGLISH: HANGGANG SAAN? May nagtanong kung ang paggamit ng Taglish sa kolum na ito ay recognition on my part na tinaggap kong maaaring gawing basis ng wikang Filipino and Taglish. Ngayon pa man ay nililinaw ko nang hindi lengguwahe and Taglish. Ito ay isa lamang convenient vehicle para maabot sa kasalukuyan an isang articulate sector ng ating lipunan na unti-unting nagsisikap gumamit ng Pilipino.

Importnanteng makita nang sinumang gumagamit ng Taglish na limited and gamit nito. Dahil sa binubuo ito ng mga salitang galling sa dalawang wikang not of the same family, makitid ang range of expressiveness nito. Ang sensibiliteng ni-reflect nito ay pag-aari ng isang maliit na segment ng ating lupinan, at ang karanasang karaniwang nilalaman nito ay may pagka-superficial.

Isang makatang malimit banggitin kapag pinag-uusapan ang paggamit sa taglish ay si Rolando S. Tinio. Sa kanyang koleksyon ng tulang tinawag na Sitsit sa Kuliglig, may ilang mga tula na pinaghalong English na sulatin. Effective lamang ang Taglish, gaya ng pinatutunayan na rin ng mga tula ni Tinio, kapag Americanized intellectual and speaker, at ang tone ng tula ay medyo tongue-in-check or sarcastic. At kahit na sa ranks ng Americanized Filipino intellectual, and profounder aspects of cultural alienation ay hindi kayang lamanin nang buong-buo ng Taglish.

Better described marahil and Taglish as a manner of expression. Ibig sabihin, sa mga informal occasions, mas natural sa isang English-speaking Filipino na sa Taglish magsalita. Sa light conversation, halimbawa. Pero para sa mga okasyong nangangailangan ng sustained thought, Taglish simply wont do. Walang predictive patterns and paghahalo ng vocabulary at syntax ng dalawang lengguwaheng magkaiba ng pamilya. Dahil dito, maraming stylistic and logical gaps na nag-iinterfere sa pag-uunawaan ng manunulat at mambabasa.

Kailangan sa Taglish ang spontaneaous interactionng nagsasalita at ng nakikinig. Sa pamamagitan ng physical gestures, facial expressions, o tonal inflection, nagagawa ang filling-in na siyang remedyo sa mga stylistic at logical gaps. Maaari naming sa pagtatanong linawin ng nakikinig ang anumang ambiguity sa sinasabi ng kausap.

Sumakatuwid, ang pagsusulat sa Taglish, cannot be a permanent arrangement. Kung talagang nais ng manunulat na magcommunicate sa nakararaming mambabasa, haharapin niya ang pagpapahusay sa kanyang command ng Pilipino. Para sa manunulat, isang transitional language lamang ang Taglish. Kung tunay na nirerecognize niya na napakaliit at lalo pang lumiit ang audience for English writing, hindi siya makapananatiling Taglish lamang ang kanyang ginagamit. Maliit pa rin ang audience na nakauunawa sa Taglish pagkat nagdedemand ito ng adequate control of English. Magbalik sa English. O tuluyang lumapit sa Pilipino. Ito ang alternatives para sa Taglish users ngayon na hangad pa ring magpatuloy sa pagsusulat.

PORK EMAPANADA Madalas ka ba sa Katipunan?

Siguroy nakita mo na ang Frankies Steaks and Burgers, sa tabi ng bagong Cravings, malapit sa Lily of the Valley Beauty & Grooming Salon. Kung nakita mo na iyon, nakita mo na rin siguro si Bototoy.

Lunes hanggang Sabado, inaakyat ni Bototoy ang liku-likong landas mula Barangka hanggang service gate sa likod ng Ateneo Grade School, kasama ng tatay niyang maintenance engineer sa paaralan at ng mga kalaro niyang sina Nono, Itoc, at Radny. Karamihan sa mga batang umaakyat dooy humihimpil sa malawak na covered court ng College, sa tabi ng Our School, malapit sa Obesrvatory, kung saan sila nagaabang ng magba badminton at tennis na tatawag ng pulot boy. Si Bototoy naman ay hindi humihimpil doon. Lalakarin niya ang malayu-layo pang Gate 2, at doon ay tatawid siya sa Katipunan, upang maupo sa sentadong island sa harap ng Frankies Steaks and Burgers. Natatandaan mo na ba siya?

Anim na taong gulang si Bototoy. Ahit ang kaniyang ulo maliban sa tumpok na buhok sa ibabaw ng kaniyang noo. Mabilog at masigla ang kaniyang mga mata. Mabilog din ang kaniyang pisngi, lagi siyang nakangiti, at mayroon siyang mga ngipingkuneho. Suot-suot niyay kamisetat shorts at sandals na Happy Feet na laging kupas at maluwang, pagkat pinaglakhan ng kaniyang mga kapatid. Maliit si Bototoy, kayat di siya humihimpil sa covered court. Doon ay lagi siyang nauunahan sa pagpulot ng bola nina Nono at Itoc at Radny at ipa pang batang barangkang higit na maliksi at higit na malaki sa kaniya. Kaya ngat isang araw ay napadpad siya sa harap ng Frankies Steaks and Burgers, at doon ay nagkusa siyang mag-watch-your-car. Kaniya-kaniya ang lugar na iyon, pagkat ang ibang batay nasa harap ng Shakeys at ng Jollibee at ng McDonalds at ng Kentuckys, sa iba pang mga bahagi ng Katipunan, kung saan marami at sunud-sunod ang pumaparadang sasakyan. Bagamat mangilan-ngilan nga lamang ang tumitigil sa harap ng Frankies ay kuntento na si Bototoy kahit kung minsan ay hindi siya inaabutan ng kahit singko, at kung minsan ay hindi siya pinapansin, at kung minsan ay binubulyawan pa siya ng may-ari ng sasakyan.

Kung mahina ang raket ay magdamag siyang nauupo sa sementadong island sa harap ng Steaks and Burgers, na parihaba niyang trono, maalikabok tuwing tag-init at tuwing tagulan ay maputik. Ngayon naaalala mo na ba siya?

Labing-isa ang kapatid ni Bototoy ang apat na panganay ay nagsipagasawat mayroon nang pamilya. Ang sumunod pang apat ay nagtapos ng hay iskul at kasalukuyang iginagapang ang pag-aaral ng tatay nilang maintenance engineer at ng nanay nilang hilot. Ang sumunod na dalaway nasa elemetari pa. Si Bototoy at ang bunsong si Nining ay pinagpasiyahang huwag munang pag-aralin, pagkat libre man ang matrikulay sakit ng ulo ang pambili ng gamit at kasangkapan sa mga prodyek. Paboritong kapatid ni Bototoy si Nining.

Tuwing papanaog sa Barangkang kasakasama ng tatay at mga kalaro, bago umuwiy nagdaraan siya sa tindahan ni Aling Rory: sa gaano mang kaliit na kinita sa pagwa-watch-your-car ay ibinibili niya ang bunso ng kahit na anong munting pasalubong: isang supot na Oishi o Ding Dong o Tomi, o dalawang balot na Choc-Nut o Kripy Bar o Cloud 9, o tatlong pirasong White Rabbit o Snow Bear o Judge. Saka lamang siya papasok at susuot sa pasikut-sikot na looban, tungo sa kanilang tinitirhan. Sa may poso pa lamang ay tanaw na niya ang malinggit na si Nining, nakaupo sa may pintuan, naghihintay, nakadamit at sadals na Happy Feet na kupas at maluwag din, ang mga matay mabilog at masigla rin, ang mga pisngiy mabilog din. Nakangiti. At tulad niyay mayroong mga ngiping-kuneho.

Pagkatapos maghapunan ng patis at kangkong, o kung minsay bagoong, sina Bototoy at Nining ay tumutulong sa nanay sa pagtitiklop ng sinampay, pagkatapos ay nakikipanood ng telebisyon sa kapitbahayna sina Aling Mela. Bago mag-alas-otsoy pinapapanhik na sila, kayat naglalarot naghuhuntahan na lamang sa magkabila ng maliit nilang kahon ng mga laruang plastik.

Bukas, Kuya, ano uuwi mo? laging tanong ni Nining.

Di ko sasabihin, sorpresa, lagi namang sagot ni Bototoy.

Marami klase kendi?

Maraming-marami. Pag marami ko makuha pera, mas marami ko mabibili.

Kuya, san ka kukuha pera?

Sa Katipunan. Don ako nagtatrabaho.

Don sa trabaho ni Tatay?

Hindi, mas malayo pa. Tatawid ka pa. Misan, kung gusto mo, sasama kita.

Gusto ko, Kuya.

At tulad ng dati, magbibida si Bototoy tungkol sa kaniyang pagwa-watch-your-car sa harap ng Frankies. Tungkol sa mga taong nagagawi roon. Tungkol sa kanilang mga kasuotan. Tungkol sa kanilang mga sasakyan. Tungkol sa minsay nag-abot sa kaniya ng limang piso.

Si Nining ay mangangarap ng kendi at damit at laruan. At si Bototoy naman ay mangangarap nng pagbabantay ng pagkarami-raming sasakyan, sa harap ng Frankies Steaks and Burgers, sa Katipunan. Madalas ka ba roon?

Siguroy narinig mong tunay na masarap ang pagkain doon. Taga-Mabalacat ang may-ari at ubod ng linamnam ang kaniyang tenderloin at t-bone at spare ribs at Hawaiian at Salisbury at a la pobre at beef teriyaki at tocino at skinless at tapa at arroz a la Cubana, na laging hanap-hanap ng nagsisidayo roon. Maliit at makitid ang puwesto, ngunit malinis at naka-aircon. Nakagigiliw sa paningin ang mga ilaw na pendiyente sa ibabaw ng mga mesa, at laging may masayang tugtugin. Sa tabi ng kaha, may lata-latang turrones de casuy at basket-basket na petit fortunes at gara-garapong yemas at balotbalot na espasol at bote-botelyang garlic peanuts.

Pero iisa ang pambato ng Frankies Steaks and Burger di lamang sa mga regular na parokyano kundi sa lahat ng nagsisidaan, pagkat sa tabi ng pintuang salamin ay may aluminyum na bintanang pan-take-home, at sa ilalim ng bintanay may makulay na paskil na tinitikan ng pentel pen na pula at asul sa isang parisukat na pirasong dilaw na kartolina:

FRANKIES ESPECIAL

PORK EMPANADA

P 10.50

Nakakain ka na ba ng pork empanadang iyon?

Uma-umaga, tangha-tanghalit hapon-hapon, di iilan ang nagsadya sa Katipunan at tumigil sa harap ng Frankies at kumatok sa bintana at nag-order ng pork empanadang iyon: isa-isa, dose-dosena, grosa-grosa pambaon, pangmeryenda, panregalo, panghain sa bisita. Di rin iilan ang nag-order at doon mismo kumain, kung hindi sa tapat ng bintanay sa harap o gilid ng munting restawran, at kung hindi sa harap o gilid noon ay sa nakatigil nilang sasakyan. Lagi silang pinanonood ni Bototoy, nakatuntong sa sementadong island, tahimik at nag-iisa.

Minsay isang binata at isang dalaga ang nagparada ng Galant, at nag-order ng pork empanada at Coke, at doon nagpalamig sa loob ng sasakyan.

Bos, watsyorkar, magalang na mungkahi ni Bototoy, na winalang-bahala lamang ng dalawa, palibsahang may masayang biro silang pinagtatawanan. Muling naupo si Bototoy sa sementadong island. Pagkat bukas ang bintana ng Galant, dinig ni Bototy ang kanilang usapan habang silay kumakain, maging sa kaniyang kinauupan:

I always buy this, its so sarap, sabi ng dalaga.

Galing the crust, sabi ng binata.

Yeah, its so manipis and its so malutong, di ba?

When you bite it, its like manamis-namis.

This ones really, really, really may Titas favorite. Shell go out and make lakad just to buy. It has giniling with no taba, and bacon bits, and chips, and raisins, and water chestnuts, and chopped onions and carrots, and grated cheese. So diffrent from the commercial ones you buy in other places, how harang, its all potatoes and its so maalat and it tastes like flour.

Matapos magmirindal ay hinagis nila sa labas ang mga basyong plastik, na matapos inumay kinuyumos munat pinilasan, at ang mga pirasong wax paper na pinagbalutan ng empanda, at ang manipis na sorbelyeta.

Sabi ni Bototoy sa kaniyang sarili, Pag yumaman ako, kakain ako non.

Pinagmasdan niya ang dilaw na paskil, at ang aluminyum na bintana, at ang weytres na naroot nag-aayos ng bunton-buntong pork empanadang nangagkabalot ng wax paper sa mga plastik na bandeha.

Sinuksuk ni Bototoy ang isa niyang kamay sa kaliwang bulsa ng maluwang niyang shorts: dooy may dalawang beinte-singkong bagol. Sinuksik ang kabila sa kanang bulsa: isang diyes, tatlong singkol, dalawang mamera. Matagal-tagal pa, at marami pang sasakyang babantayan, bago si makabili ng kahit isang pork empanada.

Kung sanay malaki-laki lamang siya, nang makapag-pulot-boy sa covered court, o kayay makapangagaw ng iwa-watch-your-car sa harap ng Shakeys at ng Jollibee at ng McDonalds at ng Kentuckys!

Tatlong piso at kuwarenta sentimos lamang ang kinita niya sa buong maghapon. Nang sunduin niya ang tatay niysa sa Maintenance Department ay tahimik siyat malayo ang tingin. Kagyat na naisip ng tatay niyat mga kalaro kung siyay nadapuan ng sakit, ngunit dahilan niyay napagod lamang siya sa kawa-watch-your-car sa harap ng Frankies. Sa tindahan ni Aling Rory ay matagal niyang pinagmunimunihan ang ipapasalubong sa bunsong kapatid. Nakuntento siyang bumili ng isa balot na ruweda.

May dalawang pisot labimpitong sentimo siyang natitira imbes ibili ng lastiko o holen o teks o ihulog sa alkansiya ng nanay ay maitatabi niya. Bilang simula ng kaniyang pagiipon. Noong gabing iyon, bago ganap na makatulog ay nanagimpan siya ng masarap na buhay na walang takot at walang pagod at walang sakit at walang kakulangan sa pera at walang problema, at sa pinilakang tabing ng kaniyang diway kasama niya si Nining, at silay nagbibiruan, at silay nakasakay sa isang (maliit, mangyariy panagimpang-bata) Galant, at silay nagparada sa harap ng Frankies, at silay nag-order ng pork empanada at Coke, at doon sila nagpalamig sa loob ng sasakyan.

Pagdilat niyay maliwanag na sa labas, at yinuyugyog siya sa balikat ng tatay niya.

Toy sasama ka ba? dinig niyang bulong ng tatay niya.

Opo, tugon niya, bagamat talos niya na sa umagang iyon ay manghuhuli sina Nono at Itoc at Radny ng alupihang-dagat sa San Roque, at noong makalawa lamang ay naghanap siya ng malinis na basyo ng Ligong paglalagyan, at nagpaalam siya sa nanay.

Dalawang piso lamang ang kinita niya noong araw na iyon, kayat sa tindahan ni Aling Rory y higit pa siyang nagmunimuni bago nagpasiyang bumili ng apat na pirasong Tootsie Roll, na siyang pinasalubong niya kay Nining. Ang basyo ng Ligong ginawa niyang sisidlan ng sinsilyoy kaniyang nadagdagan nang kaunti lamang, gayunpamay nadagdagan. Inalog niya iyon at pinagmasdan. At inisip na sa loob ng sanlinggoy maaaring mangalahati na ang laman niyon. At inisip din na sa loob ng isang buwan ay makabibili na siya ng pork empanada. At muli niyang inalog at pinagmasdan.

Nag-iipon ako, Nining, pagtatapat niya sa bunsong kapatid, bago niya ibinaon ang basyo sa ilalim ng maliit nilang kahon ng mga plastik na laruan. Pag marami na ko pera, bibili tayo empanada. Masarap iyon.

Parang litson, Kuya? usisa ni Nining.

Mas masarap. Mayayaman ang kumakain non.

Sa bertdey ko, Kuya? usisang muli.

Oo. Pag marami na ko pera. Kakain tayo don.

At sandaling nagliwanag sa isip ni Nining ang larawan ng sari-saring maririkit na kainan, na madalas nilang matanaw ng nanay mula sa mga dyipni at bus na kanilang nasasakyan.

Tulad ng maraming kainan sa Katipunan, hindi ba?

Tulad ng mga kainan doon na hinihimpilan ng mga batang watch-your-car. Sa harap ng Shakeys, at ng Jollibee, at ng McDonalds at ng Kentuckys at ng Frankies Steaks and Burgers.

At Isa si Bototy sa mga batang iyon, kayat siguroy nakita mo na siya. Pagkat kinabukasay naroroon na naman si Bototoy, naghihintay at nagbabantay. Uma-umaga, tangha-tanghali, hapon-hapon. Nakilala niya ang mukha ng pagtitiyaga at ng pagtitiis, at ng pagsisikap, at ng pag-aasam, at ng pagbabakasakali. Ng ginhawa ng pagpanhik sa bahay na may bulsang puno ng sinsilyong kumakalansing. Ng lungkot ng pagkaalat, ng paghiga sa banig na malakas ang pagnanasang makabawi kinabukasan. At kinabukasan pa. At kinabukasan na naman. At kinabukasang muli. Datapuwat sa pagdaan ng mga araw, ang sisidlang basyo ng Ligoy nangalahati rin, at dumami ang nilalaman. Nang bilangin ni Bototoy ang sinsilyoy umabot na sa beinte-uno, at maibibili na niya ng pork empanada para sa kanilang dalawa ng bunsong kapatid.

Bukas tayo bibili, malapad na ngiti ni Bototoy. Naghagikgikan sila at nanggigil sa tuwa, at nagsilitaw ang kanilang mga ngiping-kuneho.

Madaling-araw pa lamang ay gising na gising na ang magkapatid. Nagbihis si Nining ng kaisa-isa niyang barong panlakad kulay-koton kendi at may kuwelyong maypalibot na kulay-sapin-sapin at malaking lasong kulay-koton kendi rin na binibihisan lamang tuwing may binyag o kasal o pistang-bayann o simbang gabi o dalaw-aginaldo.

Nagpulbos siyat nagsuot ng hikaw niyang plastik at hugis-bituin. Si Bototoy naman, pagkat walang sariling maayos na panlakad ay nagsuot pa rin ng maluwang niyang shorts, at ng kamisetang may dibuhong kupas na oso at mga titik na so happy summer day be many friends, na hiram sa nakatatandang kapatid.

Papasyal ang dalawa, ha, biro ng nanay nang silay paalis na.

Be-bertdey parti kami Kuya, masayang bitiw ni Ninging, at humawak siya nang mahigpit sa kamay ni Bototoy.

Inakyat nila ang liku-likong landas mula Barangka hanggang service gate sa likod ng paaralan, kasama ng tatay nila at nina Nono, Itoc, at Radny. Nagdaan sila sa covered court, at nilakad ang malayu-layo pang Gate 2, at doon ay tumawid sila sa Katipunan, patungong Frankies Steaks and Burgers.

Samatalay malihis muna tayo. Kung madalas ka nga sa Katipunan, at kung nakita mo na nga ang Frankies Steaks and Burgers, at kung nakakain ka na nga ng Frankies Especial Pork Empanada, nakita mo na rin siguro ang weytres na madalas matoka sa aluminyum na bintana roon.

Noong umagang iyon ay muling gumising nang may toyo sa utak ang weytres. Noong kasing nakaraang linggo at nagsara sila ng kainan, nang magbilangan ng peray natuklasang kulang ng beinte-uno ang kabuuang bayad sa empanada. Sinabunan ng may-ari ang weytres sa pagiging burara, at pinaghinalaan pang nangupit ng dalawang empanada. Bagamat di siya inawasan ng sahod, labis na dinamdam ng weytres ang pangyayaring iyon. Totoo ngang siyay burara bukod sa suplada at masungit at laging nakaismid ngunit sa pangungupit ng empanaday wala siyang kasalanan.

Noong umagang iyon, nang ipasok ng nagdedeliber ang mga kahon ng sariwang empanada, isa-isa yaong binuklat ng weytres, at ang nilalaman ay maingat niyang binilang. Inayos niyang bunton-bunton sa mga plastic na bandeha. Dinalat pinatong sa pasemano ng aluminyum na bintana. At hinugot ang drower sa ilalim ng bintana, upang ilabas ang librito ng mga resibong puti at rosas at pirasong carbon paper at bolpen na matagal nang nawawala ang takip (at bunga ng kaniyang pagiging burara).

Noong umagang iyon bago dumating sina Bototoy at Nining ang nalalabing mga resibong puti sa libritoy naubos. Muling hinugot ng weytres ang drower sa ilalim ng bintana sa sulok kasi niyon ay may nakasalansang mga buong librito. Nang humila siya ng librito, dalawang empanada ang nasagi ng kaniyang kamay. Nangakabalot pa ng wax paper, ngunit papanis na noong nakaraang linggoy nahulog sa drower at natulak sa loob (na bunga rin ng kaniyang pagiging burara).

Nakaramdam ng inis ang weytres. Naalala niya ang masasakit na salitang bitiw ng may-ari ng kainan, at ang paghihinala nitong nangupit siya ng empanada. Nakaramdam din siya ng itim na gala galak ng paghihiganti, at galak ng pagwawagi.

Napaisip ang weytres. Hawak-hawak niya ang mga empanada sa kaniyang mga kamay: parang dalawang shoulder pads ng blusang dapat niyang tubusin sa mananahi mamayang gabi. Parang dalawang malalaking kwei, mga pulang kahoy na pinahagis sa kaniya sa templong Tsino, minsang samahan siya ng kaibigan upang magpahula ng magandang hanapbuhay.

Nang sandaling iyon ay may kumatok sa aluminyum na bintana, at pagsungaw ng weytres ay may dalawang maliit na batang naroroon, nakatingala sa kaniya, mabibilog at masisigla ang mga mata, mabibilog din ang mga pisngi, nakangiti, at may mga ngipingkuneho.

Pabili po ng dalawa empanada, bati ng batang lalaki.

At bilang kaganapan ng itim niyang galak ay kinuha ng weytres ang beinte-unong abot-abot ng bata, at iyon ay lihim niyang binulsa, iniabot naman niya ang dalawang lumang empanada.

Upo tayo, Nining, ngiti ni Bototoy, dala-dala ang kanilang kakanin. Upang di marumhan ang damit ng kapatid ay pinagpagan niya ng alikabok ang isang bahagi ng sementadong island. Naupo silang magkasiping, nagngingitian, naghahagikgikan at nanggigigil sa tuwa.

Dito ko nagtatrabaho, pagmamalaki ni Bototoy, at pinagmasdan ni Nining nang buong pagmamangha ang kanilang kapaligiran. Maingat nilang binuklat ang wax paper, at masayang tiningna ang mga empanada, at masaya yaong sinubo, at kinain nang marahan upang namnamin ang lasat di nila agad maubos.

Kakanin mo balat, Nining, kasi malutong, bilin ni Bototoy,

Masarap, Kuya.

Masarap.

Sa Katipunan, patuloy na nagdaan ang mga sasakyan, mabilis at mabagal..ANG BUOD NG IBONG ADARNASa isang mapayapang kaharian ng Berbanya, may isang hari na ang pangalan ay si Don Fernando, ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Sila ay may tatlong anak na lalaki. Ang pinakamatanda ay si Don Pedro, ang ikalawa ay si Don Diego at ang bunso ay si Don Juan.

Isang gabi, samantalang natutulog si Don Fernando, nagkaroon sya ng isang masamang panaginip at sya ay nagkasakit. Ang kanyang panaginip ay tungkol kay Don Juan na sya daw ay inihagis sa isang balong malalim ng dalawang lalaki. Kinabukasan, ipinatawag ang lahat ng manggagamot sa Berbanya upang gamutin ang hari, ngunit walang makapagpagaling sa kanya. Hangga't isang ermitanyo ang dumating at nagsabi na ang tanging makapagpapagaling sa kanya ay ang pitong awit ng Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay matatagpuan sa puno ng Piedras Platas sa Bundok ng Tabor.

Isinugo ng hari ang kanyang dalawang anak na lalaki upang hanapin ang Ibong Adarna, ang una ay si Don Pedro at sumunod ay si Don Diego, ngunit sila ay nabigo sa paghahanap sa Ibong Adarna. Dahil sa Labis na pagod, sila ay nakatulog sa ilalim ng isang puno na kumikislap ang mga dahon na parang diamante. Kapag dumapo ang Ibong Adarna sa kalaliman ng gabi ito ay umaawit at pagkatapos ay umiipot. Nang mapatakan ng ipot ng ibong Adarna ang dalawang prinsipe, sila'y naging bato.

Lumipas ang tatlong taon ngunit hindi na nakabalik ang dalawang prinsipe, dahil dito natakot si Don Fernando na isugo ang kanyang bunsong anak na si Don Juan dahil baka magkatotoo ang kanyang panaginip. Ngunit nagpumilit si Don Juan na hanapin ang Ibong Adarna.

Samantalang si Don Juan ay naglalakbay upang hanapin ang ibon, nakita nya ang isang ketongin na humingi sa kanya ng pagkain. Dahil si Don Juan ay may magandang kalooban, ibinigay nya ang kanyang kahuli-hulihang baon na tinapay sa matandang lalaki na ketongin. Dahil dito, tinulungan sya ng ketongin kung papaano matatagpuan ang Ibong Adarna. Sinabi nito na mayroon isang maliit na bahay malapit sa bundok kung saan nakatira ang isang ermitanyo na magbibigay sa kanya ng kaalaman kung papano mahuhuli ang Ibong Adarna. At ibinilin din ng matanda na huwag syang hihimlay sa isang puno na kaiga-igaya ang anyo.

At nagtungo si Don Juan sa bahay ng ermitanyo, pinatuloy naman si Don Juan sa bahay ng ermitanyo at inanyayahang kumain. Nagulat si Don Juan nang makita nya na ang pagkain na inaalok sa kanya ay ang kanyang tinapay na ibinigay sa isang ketongin. Kaya't inisip ni Don Juan na ang ermitanyo at ang ketongin ay iisa. Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha, at gintong sintas. At kanyang sinabi na tuwing kakanta ang Ibong Adarna, kailangan sugatan nya ang kanyang katawan at patakan ng katas ng dayap ang sugat upang hindi sya makatulog. Kailangan din nyang umiwas kung ang ibon ay umipot pagkatapos umawit ng pitong awit. At kapag nahuli na nya ang Ibong Adarna, dapat talian nya ito ng gintong sintas na ibinigay sa kanya ng ermintanyo.

Naging matagumpay si Don Juan na makita at mahuli ang Ibong Adarna ayon sa bilin ng matanda. Dinala nya ang Ibong Adarna sa bahay ng ermitanyo na doon ay inilagay sa isang hawla ang ibon. Kanya ring nailigtas ang kanyang dalawang kapatid nang buhusan nya ito ng tubig ayon s autos ng ermitanyo. Ngunit sa kabila ng mga ito, naiingit si Don Pedro kay Don Juan at sinabi nya kay Don Diego ang kanyang masamang balak kay Don Juan. Sumang-ayon si Don Diego sa masamang balak ng kanyang kapatid. Kanilang sinaktan si Don Juan hanggang sya ay mawalan ng malay. Kinuha nina Pedro at Diego ang Ibong Adarna at dinala ito sa hari. Gayunpaman, pagdating nila sa hari hindi humuni at umawit ang ibon.

Samantala, nagdasal si Don Juan dahil sa hindi sya halos makagapang sa bugbog na tinanggap mula sa dalawang kapatid. Isang matanda ang tumulong sa kanya at sya'y hinilot hanggang gumaling. Dagli-dagli syang umuwi at sa kanyang pag-dating sa kaharian nagpalit agad ng balahibo ang ibon at bigla itong umawit. Ang kanyang pitong mga awit ay patungkol sa ginawa ng dalawang prinsipe kay Don Juan, na doon din gumaling ang hari.

Nais ni Don Fernando na parusahan ang kanyang dalawang anak dahil sa kanilang ginawa kay Don Juan, nguni't paglao'y nagbago din ang kanyang isip dahil sa paki-usap na rin ni Don Juan.

Ngunit isang gabi na nagbabantay si Juan sa ibong Adarna, siya ay nakatulog at hindi namalayan na pinakawalan nina Pedro at Diego ang Ibon at lumipad ang ibon papalayo sa kaharian ng Berbanya. Ipinasya ni Juan na umalis at magpunta sa bundok ng Armenia dahil sa takot na sya ang pagbintangan na nagpalaya sa ibon. Ngunit sya ay ipinahanap ng hari sa kaniyang dalawang kapatid. Natagpuan ni Don Pedro at Don Diego si Don Juan sa Armenia. Sa kanilang paglalakbay pabalik, isang araw nakakita sila ng isang balon, sila'y bumaba doon ngunit tanging si Juan lang ang nakaabot sa pondo ng balon at sa ibaba nito nakita nya ang isang napakagandang ginintuang palasyo. Doon nakita din niya ang mga magagandang prinsesa na si Juana at Leonora, nguni't sila ay binabantayan ng serpente na may pitong ulo at higante. Napatay ni Juan ang higante at ang serpente. Dahil doon, sumama sila Prinsesa Juana at Leonora kay Juan palabas ng balon, nguni't naiwan ni Leonora ang kanyang singsing sa isang mesa. Dagling binalikan ni Juan ang singsing, nguni't sampung dipa pa lamang si Juan patungo sa ilalim ng balon ay dagling pinutol ni Pedro ang lubid. Nahulog si Juan sa ibaba ng balon at sya'y labis na nasaktan. Subalit inutusan ni Leonora ang kanyang alagang lobo upang tulungan si Juan at sila ay umalis na patungo ng Berbanya.

Nang makarating sa Berbanya, Si Diego ay ikinasal kay Juana, ngunit si Prinsesa Leonora ay humingi ng pitong taon bago magpakasal kay Pedro. Si Don Juan naman ay nakaligtas na rin mula sa balon sa tulong ng lobong alaga ni Leonora, nakuha na rin nya ang singsing nito. Samantalang sya'y pabalik na sa Berbanya, nakatulog sya sa ilalim ng isang puno na sya'ng pagdating ng Ibong Adarna. Nguni't sya ay nagising at nirinig ang awit ng ibon tungkol sa isang mas magandang prinsesa na si Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Nang marinig nya ito, sya ay nagpasya na hanapin ang kaharian ng Delos Crsital. Nguni't hindi nya ito matagpuan hanggang maglakbay sya sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 500 sunbalit hindi rin alam ng ermitanyong ito ang Delos Cristal, kaya ipinasya ng ermitanyo na sya'y papuntahin sa ikapitong bundok upang hanapin ang isang ermitanyo na may edad na 800, sa tulong ng isang agila na sinakyan ni Juan, siya'y nakarating sa kaharian. Nguni't ang bilin ng agila, sya'y dapat magtago kung ang tatlong prinsesa ay maliligo tuwing ikaapat. Pagkagayon itinago ni Juan ang damit ni Donya Maria at pagkatapos maligo nito hinanap ni Maria ang kanyang damit ngunit paglipas ng isang oras ay nagpakita na rin si Juan at ipinahayag ang kanyang malinis na layunin sa prinsesa. Gayunpaman, hindi nagalit ang prinsesa at ibinilin nya ang kanyang gagawin kapag sya ay makita ni Haring Salermo.

Sinubok ni Haring Salermo si Juan, naging mahigpit ang mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok, pagpapatag nito at pagtatanim ng trigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad si Juan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sa karagatan. Ang ikatlo ay ang paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawing kastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang makita ang nahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nito ng singsing ng hari na kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin ang singsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni Maria. Gayunpaman, lagi nitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng Mahika Blanka ni Donya Maria. Dahil doon napilitan si Haring Salermo na ipakasal ang isa sa kanyang mga prinsesa Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa. Dahil na rin sa naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya. Nang malaman ni Haring Salermo na matagal ng magkakilala sila Juan at Maria nagalit sya at kanyang isinumpa ang anak na si Donya Maria. Ang sumpa ay, sya ay makakalimutan ni Juan at pakakasal sa iba.

Dagling umalis sila Juan at Maria patungo sa Berbanya. Nang malapit na sila Juan at Maria sa kaharian ng Berbanya pansamantalang iniwan ni Juan si Maria sa labas ng kaharian. Nguni't ng malaman ni Leonora na dumating na si Juan, sya'y lumapit kay Juan at nakalimutan ni Juan si Maria. Doon itinakda ang kasal nila Leonora at Juan, nguni't nang dumating si Maria, namangha sya sa napipintong kasal ng dalawa kaya sya ay humiling ng isang palaro na naging dahilan upang maalala ni Juan ang kanilang nakaraan ni Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindi nasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti-unting nagbalik ang ala-ala ni Juan at sila ay nagpakasal ni Maria. Samantalng si Leonora naman ay nagpakasal kay Pedro.

Pagkaraan nito umuwi sila Don Juan at Donya Maria sa Delos Cristal at sila ang tinanghal na Hari at Reyna sa kaharian. Pinamunuan nila ang kaharian na makatao, makatarungan at makaDiyos na pamumuno. Dahil ditto sila'y minahal ng taong-bayan.

MGA TAUHAN AT PINAGMULAN NG IBONG ADARNA-Haring Fernando:Siya ay isang mapagmahal na tao na naghahari sa mapayapang kaharian ng Berbanya.-DonyaValeriana:Siya ang ka-biak sa puso ni Haring Fernando at ang nanay ng tatlong prinspe na anak (Don Pedro, Don Diego, Don Juan) din ni Haring Fernando.-Don Pedro:Ang panganay na anak ni Haring Fernando at Donya Valeriana.-Don Diego:Ang sunod kay Don Pedro at siya ang pinaka-nakakatawang tao sa buong tauhan ng dula-Don Juan:Ang bunso at ang pinakamabait sa kanilang tatlong magkakapatid at siya and pinaka-gusto nila Don Fernando at Donya Valeriana.-Prinsesa Juana:Ang kauna-unahang babae na nahanap ni Don Juan sa kanyang paglalakbay at ang pinakamamahal na babae ni Don Diego.-Prinsesa Leonora:Ang kapatid ni Prinsesa Juana at ang pinakamamahal na babae ni Don Juan subalit sa paglalakbay pa ni Don Juan ay nakita niya si Prinsesa Maria Blanca na inibig niyang tunay at ang nagmahal na lamang kay Prinsesa Leonora ay si Don Pedro.-Prinsesa Maria Blanca:Ang huling babaeng nakita ni Don Juan sa kanyang paglalakbay at ang nagiisang anak ni Haring Salermo at siya ang pinakamamahal na babae ni Don Juan.-Haring Salermo:Ang immortal na ama ni Maria Blanca.-Ermitanyo:Siya ang tumulong sa paglalakbay ni Don Juan.-HiganteAng tagapag bantay ni Juana-Serpyente na may pitong uloAng tagapag bantay ni Leonora-12 negritoSila ang mga tauhan sa ikalawang pagsubok ni Haring Salermo, sila ang isisilid sa prasko.-Donya Juana & donya Isabel (Reino de los Cristal)Sila ang mga kapatid ni Donya Maria Blanca-Lobo ang hayop na alaga ni Donya Leonora na gumamot at tumulong kay don juan noong siya'y pinagkaisahan nina don Pedro at donDiego

MAGKABILAAN

Ang katotohanan ay may dalawang mukha

Ang tama sayo ay mali sa tingin ng iba

May puti, may itim, liwanag at dilim

May pumapaibabaw at may sumasailalim

Ang tubig ay sa apoy, ang lupa ay sa langit

Ang araw ay sa gabi, ang lamig naman ay sa init

Kapag nawala ang isa ang isay di mababatid

Ang malakas at ang mahinay magkapatid

Magkabilaan ang mundo

Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan

Ang nagpapakain, walang laman ang tiyan

Ang nagpapanday ng gusali at lansangan

Maputik ang daan tungo sa dampag tahanan

May mga haring walang kapangyarihan

Mayroon ding alipin na masmalaya pa sa karamihan

May mga sundalo na sarili ang kalaban

At may pinapaslang na nabubuhay ng walang hanggan

Magkabilaan ang mundo

May kaliwat may kanan sa ating lipunan

Patuloy ang pagtutunggali patuloy ang paglalaban

Pumanig ka, pumanig ka, huwag ng ipagpaliban pa

Ang di makapagpasiya ay naiipit sa gitna

Bulok na ang haligi ng ating lipunan

Matibay ang pananalig na itoy palitan

Suriin mong mabuti and iyong paninindigan

Pagkat magkabilaan ang mundo

Magkabilaan ang mundo

Nang Maging Mendiola Ko Ang Internet Dahil kay Mama

Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip.

Iyan ang paulit-ulit na dayalogo sa akin ni Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na naman ako nagsalita upang ipagtanggol ang aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi nagsasabi ng tunay na nararamdaman at hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman siya doon. Tama naman talaga siya. Ginagamit natin ang ating mga bibig para maisalita kung ano ang ating mga saloobin kaagapay ang utak upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay-bagay na nangyari sa ating paligid.

Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito niyang linya, paano naman kaya ang mga piping hindi naisasalita ang kanilang mga saloobin? O kaya, ang mga taong katulad ko na nahihiya o kung minsan ay natatakot isalita ang mga saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao sa paligid nila ang kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating ang kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang mga sarili laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga taong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at pagbabago ng ekspresyon ng kanilang mga mukha o ang mga simpleng pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila sasabihin ang mga gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at karapatang makapagsalita?

Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama.

Salamat sa internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap ang ilang mga bagay na hindi ko kayang maiparating nang tuwiran. Hindi ko man maisatinig palagi ang mga nais kong sabihin, maaari ko namang maisulat ang mga ito. Gamit ito, naipaparating ko sa aking mga kaibigan ang aking kasalukuyang kalagayan, opinyon, pananaw at mungkahi ukol sa ilang mga isyung personal at panlipunan.

Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong kaibigan sa facebook. Nanghihingi siya ng mga mungkahi sa kung anong magandang gawin ngayong bakasyon. Marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyon. May mga nagsabing magbabad na lamang sa pagfe-facebook. May mga nagsabing maglaro na lamang daw sila ng mga computer games. Alam ko na mag-aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ng kuryente na nagbabadyang tumaas na naman ang halaga. Hindi ako sumang-ayon sa mga mungkahi nila. Sa una'y nag-aalinlangan akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na baka hindi nila magugustuhan ang sasabihin ko o baka hindi maganda ang magiging reaksyon ng mga makakapansin sa aking isusulat. Ngunit, maya-maya ay nagpasyahan ko na magbigay na rin ng aking opinyon. Naisip ko, wala namang masama kung susubukan kong magtipa ng mga nais kong sabihin. Iyon ang unang pagkakataong nagbigay ako ng opinyon maliban sa mga madalas kong iminumungkahi na "hahaha" , "tama" , at kung anu-anong mga pangkaraniwang ekspresyon.

"Sulitin mo ang summer, kumain ka ng sorbetes o 'di kaya'y mag-swimming ka para ma-enjoy mo ang init ng panahon. Kung gusto mo'y pwede ka ring mag-exercise, magiging fit ka pa niyan. Sumulat ng blogs tungkol sa iyong sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong mga nararamdaman ngayong tag-init."

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami ang nag-like ngunit may ilan-ilang ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin ako dahil marami ang nagsabing maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit papaano'y naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong sa iba, hindi ba? Kaya simula noon ay ganap ng natanggal ang mga pag-aalinlangan kong magkomento o magpahayag ng aking mga opinyon, pati ang mga nais kong sabihin ay madalas ko na ring ipinopost sa facebook at twitter.

Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na naman iyan sa mga pahayag ni Mama.Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nag-aalangang maghayag ng aking saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita walang diskriminasyong nagaganap sa mundong ito. Lahat ay pwedeng gumamit nito. Bukas kasi sa publiko. Walang pinipiling taong gagamit. Mapabata, estudyante, mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mga tagapag-ulat, manunulat, mga lolo't lola, maging ang mga may kapansanan sinuman ay mamamangha sa dami ng pakinabang nito.Syempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad ko. Ito ngayon ang paraan ko at ng iba pang kabataan eq \o(\s\up 6(5),\s\do 2())para ipaalam sa lahat ang reaksyon, opinyon, at saloobin namin tungkol sa mga nangyayari sa aming paligid pamilya, pamayanan, lipunan at mundo. Ang bawat titik na itinitipa namin sa kompyuter ay may mahalagang mensahe. Umaasa kami na mapapansin ang mga ipinopost naming mga blogs sa internet, na kahit sa mundo ng cyberspace ay pwede naming baguhin ang realidad, na maaari naming gawing tama ang ilang mga maling napapansin namin sa paligid, at hindi lang kami basta-basta nagpapalipas ng oras gamit ito. Alam kong mapatutunayan namin ito.Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming mga kabataan sa pamamagitan ng internet, hindi ba't kami rin naman ang sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang mga raliyista sa Mendiola ay nahihirapan na iparating ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan. Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila pinakikinggan ng gobyerno. Nakatitiyak ako na gumagamit din ng internet ang pamahalaan at siguradong mababasa rin nila ang mga blogs na nakapost doon. Isa ako sa mga sumusuporta sa kanila kung alam kong tama ang ipinaglalaban nila. Lahat tayo'y umaasa na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mga reaksyon at opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at baguhin ang kanilang mga pagkakamali.

Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon. Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng iba't iba naming reaksyon at kuro-kuro sa mga maiinit na isyu at pangkasalukuyang kaganapan ng ating lipunan. Dito na namin ipino-post ang mga naglalakihan naming mga plakards ng reaksyon at hinaing. Dito na namin ipinapakalat ang mga nalilikha naming mga tula, sanaysay at artikulong magbubukas ng isip sa kapwa-kabataan namin.Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pagfe-facebook na lang ang inaatupag ng lahat ng mga kabataan ngayon. Siguro nga'y napapansin na halos 'di kami matinag sa harap ng kompyuter pero hindi naman sa lahat ng oras ay naglilibang lang kami. Dala na rin siguro ng modernisasyon kaya nakasanayan na naming gumamit ng internet para maipahayag namin ang aming mga sarili ang aming mga saloobin, mga pananaw, reaksyon, at mga opinyon. Alam kong may pagkakatong hindi na rin namin makontrol ang aming mga sarili sa paggamit ng internet, at inaamin ko na nagkakamali kami, pero sana'y maunawaan ninyo na sa mga edad naming ito ay masyado kaming sensitibo, mausisa, at mapaglakbay sa totoong mundo at sa mundo ng cyberspace. Nais naming ilabas ang aming mga saloobin sa pamamagitan ng internet.Tuwing kinakausap ako ni Mama noon ay nakikinig lamang ako sa kanya. Para akong piping hindi nagsasalita kapag tinatanong niya ako kung ano ang opinyon at pananaw ko sa isang bagay. Hindi ko alam kung nag-aalala ako na baka mali ang masasabi ko o natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero ngayon, panatag ko nang nailalahad ang aking mga opinyon, pananaw, at mga nararamdaman kay Mama, at pati na rin sa mga taong malalapit sa aking buhay. Para akong piping natutong magsalita. Salamat kay Mama sapagkat natuklasan kong maging Mendiola ang internet na naging dahilan sa pagsasatinig at pagsasatitik ng aking mga saloobin. Malaking bagay na natuto akong ibahagi ang aking nararamdaman, ideya, at karanasan dahil alam kong makatutulong din ang mga ito sa ibang tao. Ewan ko ba! Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing naipahahayag ko ang aking nararamdaman dito.