Jose Rizal Script 160203

Preview:

DESCRIPTION

HHJYRHEHE

Citation preview

PLAY TITLE:JOSE RIZALPLOT:I. Pagbaril kay RizalCharacters: Rizal, Luis Taviel De Andrade, Kapitan, Sundalo (4)

Setting: Bagumbayan

II. Pamilya ni Rizal (FLASHBACK)

Characters: Pepe (batang Rizal), Francisco, Teodora, Saturnina, Narcisa, Paciano, Maria, Olimpia, Josefa, Lucia, Concepcion, Trinidad, Soledad

Setting: Bahay sa Calamba

III. Pag-aaral sa Bian Characters: Pepe (batang Rizal), Paciano, Tiyahin nila Rizal, Justiano Aquino-Cruz, Kamag-aral (5)

Setting: Bahay ng Tiyahin nila sa Bian, Bahay ni Justiano Aquino-Cruz

IV. Pag-aaral sa Ateneo

Characters: Rizal, Paciano

Setting: Ateneo

V. Pag-aaral sa UST

Characters: Rizal, Propesor, Kamag-aral (7)

Setting: Silid-aralan sa UST

VI. Mga Pag-ibig ni Rizal

Characters: Rizal, Babae ni Rizal (8), Josephine Bracken

VII. Repleksyon ni Rizal

Characters: Rizal, Pepe (batang Rizal), GOMBURZA, Paciano

VIII. Mga Pinaglalaban

Characters: Rizal, Guardia Civil (2), Prayle (2), Gobernador Heneral, Others (6)

IX. Konsensya

Characters: Rizal, Ibarra, Simoun

X. Pagkalat ng mga AkdaCharacters: Others (10)XI. Pagkatuklas sa mga AkdaCharacters: Magsusumbong, Heneral, Sundalo (6)XII. Pagkamkam sa mga AkdaCharacters: Sundalo (3), Unang pamilya (4), Pangalawang pamilyaSetting: Bahay ng bawat pamilyaXIII. Pagpupulong ng mga PropagandistaCharacters: Rizal, Gregorio Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Salvador, Others (3)Setting: Sa loob ng isang silidXIV: Pagkakatatag sa La Liga Filipina at Pagtugis kay RizalCharacters: Rizal, Andres Bonifacio, Guardia Civil (3), Others (3)Setting: Sa loob ng isang silidXV. InterogasyonCharacters: Rizal, ImbestigadorSetting: Sa loob ng isang silidXVI. PamamaalamCharacter: RizalSetting: Sa loob ng isang kwartel

XVII. Pagtatapos ng buhay ni RizalCharacters: Rizal, Luis Taviel De Andrade, Kapitan, Sundalo (4), Madla (8)Setting: BagumbayanXVIII. EpilogoCharacters: Reincarnated na batang Rizal, Others (10), Rizal

SCRIPT:EXTERIOR. BAGUMBAYAN. UMAGA.Naglalakad si Rizal patungo sa Bagumbayan galing Fort Santiago kasama ang tatlong sundalo, Kapitan at Si Luis Taviel De Andrade.

RIZAL(Nagbuntong-hininga)Heto na, Andrade. Marahil ayito na ang simula ng aking katapusan.

Patuloy pa ring siyang naglalakad hanggang makarating sa pwesto kung saan siya babarilin.Pupwesto ang Kapitan at sundalo ilang dipa ang layo sa kinaroroonan ni Rizal.

KAPITAN (Itinutok paitaas ang baril at sumigaw) Preparen!Apunten!

MGA SUNDALO(Sabay-sabay na itinutok ang baril kay Rizal)

KAPITANFuego!

Umalingawngaw ang putok ng baril. (lights off)

INTERIOR. BAHAY SA CALAMBA.Nakapwesto ang buong pamilya ni Pepe sa isang malaking frame. Dahan-dahang aalis si Pepe sa frame at pupunta sa gilid ng entablado para magbasa. Susunod si Teodora Alonso kay Pepe at tatabi rito.

TEODORA(Kinekwento ang istorya ang Gamu-gamo)Kaya anak, huwag kang masyadong lalapit sa apoybaka mawili ka at mahagip nito. Huwag kang tutulad sa batang gamu-gamo(Napansin na hindi nakikinig sa kanya si Pepe)Pepe, nakikinig ka ba?

PEPE(Tumingin sa ina)Naisip ko lang po, Mamang. Bakit ko po pipigilanang sarili ko sa pag-abot ng gusto ko? Ang KJ mopo! Basag trip naman oh! Kung gusto kong mahanapang mga sagot sa katanungan ko, kinakailangan kong mamatay tulad ng gamu-gamo at walang makakapigil sa akin, Mamang!

Aalis si Rizal at tutungo sa kabilang parte ng entablado. Dooy naghihintay ang kanyang ama na si Francisco, na nakasakay sa bangka.

FRANCISCO

Pepe, vamonos! Ariba ariba!

PEPE

Aye aye, Captain! Ano ba Amang?! Para kang siDora. FYI, hindi po ako si Boots! (sumakay na rin sa bangka)

Pagkasakay nya ay nahulog ang kanyang tsinelas.

FRANCISCO

Naku, Pepe! Ang careless mo talaga. (ginaya siBen Tisoy)Imbes na pansinin ang sinabi ng ama, hinulog na lang ni Pepe ang kapares na tsinelas sa ilog.

FRANCISCO

(Nagulat sa ginawa ng anak kaya binatukanniya ito) Anong ganap, Pepe? Ano nanggagamitin mo ngayon?

PEPE

Okay lang po iyon, Amang. Tama naman po angginawa ko. Magagamit din iyon ng makakapulotniyon. Dahil kung isa lang iyon, di rin niyamagagamit kung sakali.

FRANCISCO

Push mo yan! Ikaw na, da bes ka!

Aalis si Rizal at tutungo sa kabilang parte ng entablado. Doon naman ay nag-aayos ang magkakapatid na si Saturnina, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Josefa, Trinidad at Soledad ng hapag-kainan.

NARCISA

(Naglalapag ng ulam sa mesa) Pepe, halika attulungan mo kami sa paghahain.

Lumapit si Pepe at kinuha ang ilan sa mga platong dala-dala ni Maria.

MARIA

Salamat, Pepe! Dakila ka!

PEPE

I know right!

OLIMPIA

Talagang dakila ka.. dakilang uto-uto nga lang! (pabirong gatong niya)

TRINIDADGrabe sya!

OTHER SISTERSBwahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!

Nag-pout si Pepe kaya lalong nagtawanan ang magkakapatid na babae.

JOSEFA

Huwag kang mag-pout! Tingin mo kina-gwapomo yan?

SATURNINA

Tama na yan! Hindi na tayo natapos-tapossa maghahain!

LUCIAOo nga! Tomguts na ako! (sabay pout)

PEPE

Isang kang patay-gutom! (ganting-biro niya)

SOLEDAD

(Nagtaas ng kamay) Ako na ang tatawag kilaMamang!

ALL EXCEPT SOLEDAD

AY! ADIB-ADIB!

Matapos ang paghahain, pumunta si Rizal sa kabilang parte ng etablado kung saan nandoon ang kwarto niya. Malungkot na lalapit si Pepe sa kama niya at uupo doon. Dahan-dahan niyang kukuhanin ang litrato ni Concepcion sa ibabaw ng kama.

PEPE

(Iiyak at magda-drama) Bakit, Conchang? Bakit?

Biglang papasok sa scene si Paciano at tatabi kay Pepe. Hahagurin niya ang likod ni Pepe at ngingiti rito.

PACIANO

Pepe, tumahan ka na. Malulungkot si Conchangkapag nakita ka niyang ganyan.

PEPE

(magsi-sniff at magpupunas ng pisngingpunong-puno na ng luha) Pero, Kuya-

PACIANOPepe, higit pa dyan ang maaari mong danasin samga darating pang panahon. Magpakatatag ka.

EXT. BAHAY NG TIYAHIN NI RIZAL SA BiAN.

Bitbit ang mga bagahe ni Pepe ay kakatok sila sa pinto ng bahay ng tiyahin nila.

TIYAHIN

(Bubuksan ang pinto ng bahay) Oh, Paciano, Pepe.Nandyan na pala kayo!

PACIANO

(Umirap) Hindi, hindi! Picture lang ho kami,tiyang! Ano ba yan?!

TIYAHIN

(tumingin nang masama kay Paciano) May sinasabika ba, Paciano?PEPE

(Pumagitna kina Paciano at tiyahin) Naku, tiyang!Wag ninyo na hong pansinin yan at may mood swingspo yang si Kuya. Pagpasensiyahan ninyo na posiya.

TIYAHIN

Ah, ganun ba? Hindi mo naman sinabi agad. Hahaha!

PACIANO

Sige lang! Wala ako rito, eh. Ipagpatuloy ninyo.Grabe kayo sa akin! (nag-make face)

PEPE

Sareey, okay? Sareey!

TIYAHIN

(Umawat sa dalawa) Hep! Hep!

PEPE AT PACIANO

Hoo-

TIYAHIN

Pwede ba?! Tara na nga at pumasok muna tayo saloob, mga pabebe.

PACIANO

Naku, tiyang! Hinatid ko lang po rito si Pepe.Gogora na rin po ako agad.

TIYAHIN

Sige. Akin na ang mga gamit mo, Pepe at ipapasokko na sa loob.

Ibinigay ni Paciano ang mga gamit ni Pepe sa tiyahin nila. Agad naman itong ipiinasok ng tiyahin sa loob ng bahay. Naiwan ang dalawa sa labas.

PACIANO

Oh, paano, Pepe? Aalis na ako. Makinig ka palagikay tiyang, ha? Kahit naman may sapak yun aygalangin mo pa rin.

PEPE

Wow, ha?! Nahiya naman ako sa paggalang mo kayTiyang. Pero sige. Susubukan ko. (pabebeng ngiti)Paano, kuya? Mag-iingat ka sa pag-uwi. Tanga kapa naman.

PACIANO(Whatever sign at saka umirap) Puro ka kalokohan!Mag-aral kang mabuti, ha?

PEPE

Opo, kuya. Magsusunog ako ng kilay.

PACIANOMabuti yan. Sige, akoy aalis na. Tatawag akopalagi sayo. Mag-iingat ka. Adios! (ginulo angbuhok ni Pepe at saka tumalikod)

Nakangiting pinanood ni Pepe ang pag-alis ng kuya niya. Nang hindi na niya ito makita ay bigla siyang natigilan.

PEPEPaano niya ako tatawagan kung wala naman akongtelepono? Tsk. Tsk. Tsk. Baliw talaga forevs.

INT. BAHAY NI JUSTINIANO AQUINO CRUZ. UMAGA.Busy sa pagdadaldalan ang mga estudyante nang makarinig ng malalakas na hampas ng patpat sa mesa. Agad na nanahimik sa takot ang mga estudyante.

JUSTINIANOSilencio! Magsiayos nga kayo. Parang hindi kayonagkita kahapon kung maghuntangan kayo, ah!(tingin kay Pepe sa labas ng silid-aralan atsinenyasan itong pumasok sa loob) Pasok, huwagkang mahiya.

Kiming pumasok si Pepe sa loob at tumayo sa tabi ng guro sabay harap sa mga bagong kaklase.

JUSTINIANOMagpakilala sa kanila.

PEPEKumusta? Ako si Jose pero tawagin ninyo na langakong Pepe. Ikinagagalak ko kayong makilala.

JUSTINIANOMatanong kita, Pepe. Marunong ka bangmag-Espanyol?PEPEUn poco.

JUSTINIANOEh, Latin?

PEPEModicum.

PEDROBwahahahahahahahahahahaha, estupido!

MGA KAKLASEBwahahahahahahahahahahaha!Pinagtawanan ng buong klase si Pepe, lalo na si Pedro na anak ng guro. Natigil lang sila nang pinukpok muli ni Justiniano ang mesa gamit ang patpat.JUSTINIANOHindi bat sinabi kong manahimik kayo? Unli?Unli? (humarap kay Pepe)Pepe, pumunta ka na sa bakanteng upuan sa tabini Pedro at mag-uumpisa na tayo sa atin aralin.

INT. MALAKING BAHAY SA BiAN.

Tahimik na umiinom ng tsaa si Teodora kasama ang dalawang anak na si Saturnina at Narcisa nang biglang may dumating na dalawang guardia civil.

TEODORA

(Binitiwan ang tasa sabay tumayo at lumapit sa mga dumating) Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, mga ginoo?

GUARDIA CIVIL 1

Narito po kami para kay Teodora Alonso.

GUARDIA CIVIL 2

Sino po sa inyo si Teodora Alonso?

TEODORA

Ako po iyon.

SATURNINA(lumapit sa ina at mga guardia civil) Ano pong kailangan nyo sa aming Mamang?

GUARDIA CIVIL 2

Teodora Alonso ikay aming inaaresto sa salangtangkang paglason kay Donya Teodora Formosa.

SATURNINA

(nagulat) Pa-pag-tangkang p-paglason? Anongbinibintang nyo saking ina?

NARCISA

(lumapit na rin sa kanila) Hindi iyan magagawang aming Mamang!

GUARDIA CIVIL 1

(tumingin kay Teodora)Mabuti pay sumama kana lang sa amin.

Hinawakan ng dalawang guardia civil ang Donya sa magkabilang-braso at kinaladkad. Nais mang pigilan ni Saturnina at Narcisa ay tinitigan lang silang dalawa ng Donya, nagpapahiwatig na wag silang makialam pa upang hindi na sila madamay pa.

TEODORA

Mga anak, wag kayong mag-alala. Kayo na ang bahala sa mga kapatid nyo at kayKiko. Babalik ako. Pangako.Sa huli, wala ring nagawa ang magkapatid kundi ang titigan ang inang papalayo na may luha sa mga mata.

Pagkadakip kay Teodora ay pinaglakad siya ng dalawang guardia civil mula Calamba hanggang Santa Cruz. Titigil sila sa gilid ng entablado kung saan nandoon ang kanyang piitan.

EXT. ATENEO.

Matapos ang kamatayan ng GOMBURZA, nagkita ang magkapatid na Paciano at Rizal di kalayuan sa Ateneo.

PACIANO

Simula ngayon ay hindi mo na maaari pang gamitinang apelyidong Mercado. Mapanganib para sayo.

RIZAL

Bakit, Kuya? (nagtataka)

PACIANO

Pinag-iinitan na ang ating pamilya dahil alam nilang malapit ako kay Padre Burgos.

RIZAL

E ano nang gagamitin kong apelyido?

PACIANO

Rizal ang gamitin mo. Jose Rizal.

INT. SILID-ARALAN SA UST. TANGHALI.

Kasalukuyang nagkaklase sila Rizal sa asignaturang anatomiya.

PRAYLENG DOMINIKANO

Pag-uusapan natin ngayon ang anatomiya. (tumingin sa isang estudyante) Eduardo!Maaari bang pumunta ka dito sa unahan.

Tumayo si Eduardo at pumunta sa unahan.

PRAYLENG DOMINIKANO

(tumingin muli sa mga estudyante) Ikaw Juan!Pumarito ka din sa unahan.

Lumapit din si Juan sa unahan. Ngayon ay nasa magkabilang-tabi ng prayleng dominikano ang dalawang estudyante.

PRAYLENG DOMINIKANO

(tumingin sa klase) Ngayon, gusto kongilarawan nyo ang kastilang nasa kaliwa ko.

ESTUDYANTE 1

(nagtaas ng kamay at tumayo) Maestro, angEspanyol pong nasa tabi nyo ay matangkad,mestiso, matangos ang ilong at matipuno ang pangangatawan.

PRAYLENG DOMINIKANO

Hm bravo! Magandang paglalarawan. Ngayon,Nais ko namang ilarawan nyo ang Indiongnasa tabi ko.

Maraming nagprisintang sumagot lalo na sa grupo ng mga estudyanteng Espanyol samantalang nanatiling nanahimik si Rizal.

ESTUDYANTE 2

(may mapang-asar na ngiti)Maestro, para po saakin, ang Indiong nasa kanan nyo ay pandak,maitim at pango ang ilong. Sa madaling salita,kawangis niya ang isang unggoy. Hahaha

Magtatawanan ang buong klase kabilang na ang Prayleng Dominikano. Nakapayuko naman ang Indiong nasa kanan ng prayle dahil sa pagkapahiya samantalang nanatiling tahimik ang ibang Pilipino. At isa na rito si Rizal. Ngunit halata sa ekspresyon ng kanyang mukha at pagkakuyom ng kamao ang pagkainis sa nagaganap na diskriminasyon sa mga Pilipino at Espanyol.

PRODUCTION NUMBER

Papasok si Rizal sa entablado at mag-eemote. (INSERT MUSIC HERE: Can you feel the love tonight, chorus) Music fades.

Papasok ang 9 na babae ni Rizal. (INSERT MUSIC HERE: Mambo no. 5, intro, instrumental) Nagsimula silang magbulungan habang nakaturo kay Rizal. (INSERT MUSIC HERE: Mambo no. 5, chorus)

Nakapwesto ang mga babae at magsasayaw isa-isa kasama si Rizal. Nung turn na ni Josephine Bracken na siyang pinakahuli sa mga babae ay mag-iiba ang music at sasayaw ng sweet at slow dance. (INSERT MUSIC HERE: God Gave Me You, chorus)

Kasabay ng pag-ikot ni Josephine Bracken (sa sayaw), bibitaw siya kay Rizal at aalis sa eksena. Music fades.

END OF PRODUCTION NUMBER

Naiwang nag-iisa si Rizal sa entablado (may spotlight sa kanya para intense at naka-focus lang sa kanya) at mag-eemote ulit. Sa kabilang banda ay naroroon ang isang salamin (tututukan rin ng spotlight). Sa pag-eemote niya ay napadpad niya sa tabi nito kaya mapapatingin siya rito.

RIZAL

(nagulat nang makita ang isang bata sa salaminimbes na repleksyon niya; INSERTMUSIC HERE: Reflection- Mulan; boy version)

PEPE

(sasabay sa pagkanta ni Rizal, duet peronapatigil din) Teka! Hindi ako naparito paramakipag-duet kasama mo. (sumeryoso ang mukha)Nahuhulaan mo ba kung sino ako? Sino nga ba ako?Bakit ba ako naparito? Ano nga ba ang kailanganko sayo? O mas tamang sabihin na...ano angkailangan mo sa akin?

RIZAL

(napakamot sa ulo sa pagkalito) Ang dami-

PEPE

Ingat sa pagkamot! Mahirap ayusin yang one-sidedmong buhok!

RIZAL

Wala kang pake kung one-sided ang bangs ko! Kunggusto mo, gumaya ka. (inirapan si Pepe) Teka! Angdami-dami mong tanong sa akin. S-sino ka batalaga?!

PEPE

(tumingin nang seryoso kay Rizal) Jose Rizal...Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Iisa tayo.

RIZAL

(naguguluhan) P-paanong nangyaring ako ay ikaw atikaw ay ako? Nananaginip ba ako?

PEPE

(nagkibit-balikat) Maaaring oo. Maaaring hindi.Siguro? Nasa sa iyo kung ano ang gusto mongpaniwalaan.

RIZALAno ba talagang ibig mong sabihin? Nabi-beastmode na ako sayo! Ipaliwanag mo ngang mabuti.

PEPE

Masaya ka ba? Wala ka bang nakakalimutan? Nasaanna ang batang sabik sa mga kasagutan?Mga pagbabago? Nasaan na siya ngayon, Jose Rizal?Nasaan na ang batang ikaw? Nasaan na ako ngayon?

RIZAL

Ang batang ako? Pepe? Ikaw?

PEPE

(ngumiti ng makahulugan)Hayaan mong ipaalala ko sayo kung bakit ka nandyan ngayon. (biglang maglalaho)

[First flashback] Sa kabilang parte ng entablado ay nandoon ang tatlong paring GOMBURZA na kasalukuyang ginagarote hanggang ang mga ito ay mawalan ng buhay.

Lights off.

[Second flashback] Sa kabilang gilid naman, si Paciano ay nakatalungko at naghihinagpis sa nangyari sa kaibigang si Padre Jose Burgos. Lalapit si Pepe rito at dadamayan ang kapatid.

PEPE

(hahawak sa balikat ni Paciano) Kuya...

PACIANO

(tutunghay kay Pepe) Wala na siya, Pepe. Wala naang aking kaibigang si Padre Burgos. Mga walasilang awa... Walang pusooo!

PEPE

Kuya, alam kong masakit pero ganoon talaga angbuhay. May darating, may aalis. Move on move ondin pag may time!

PACIANO

(napaisip) Tamaaaa~ (Kris Aquinos tone; tatayo)Hindi lang ako basta uupo at manunuod sa mgakawalanghiyaan ng mga Espanyol. Lalaban tayo,Pepe! Lalaban tayo. (INSERT MUSIC HERE: intensena sound)

Lights off.

Babalik ang eksena kina Rizal at Pepe. Muling magkaharap ang dalawa at